Leo's PVO
Hindi na kami tumuloy sa dinner na inihanda ni dad para sa pag celebrate daw umano ng kasal namin ni Anna. I mean ng asawa ko. Ngayon nga ay binabaybay na namin ang daan pauwi sa bayan ng San Martin.
Nabigla ako ng sabihin ni Dad na sa San Martin kami tutuloy ni Anna, may naramdaman akung kaunting panibogho sa puso ko ng sabihin ni Dad na doon ko iuuwi si Anna. Ang balak ko noon ay doon kami titira ni Ella matapos ang kasal namin. Ngayon ay doon ko ititira ang unwanted wife ko na ngayon ay mahimbing na ang pagkakatulog.
Napangiti ako bigla, ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ng ganito. Nagsimula ito kanina ng makita ko ang babaeng pakakasalan ko ng wala sa oras. Wearing her beautiful wedding dress a simple make up ay talagang natigilan ako bumukas ang pinto. Mistulang nag slow-mo ang lahat.
Ngunit bigla nalang naging kengkoy ang lahat ng mawalan ito ng balanse ang muntik ng masubsub dahil naunahan syang buksan ni Dad ng pinto. Hindi ko talaga maiwasan na hindi mangiti at titigan ang namumula ng pisngi ni Anna.
Ngayon heto na nga ang babaeng estranghero na ngayon ay asawa ko na. Hindi ko napigilan na tingnan ang mga labi nya na kanina ay nadampian ng mga labi ko. Very sweet and innocent.
"Sir napaka ganda po ng misis ninyo." Si mang Danny
Napatingin ako sa kanya at nakita na nakangiti si mang Danny. Hindi nalang ako sumagot sa sinabi nya dahil biglang nagmulat ang itinuturan nito. Agad itong nag ayos ng upo at naglinga linga sa paligid.
Napatingin sakin si wife, at nanlaki ang mata na parang hindi pa makapaniwala na nakita ako.
"Saan na tayo?"
"Ay, mam malapit na po tayo sa hacienda, actually po nasa hacienda na po pala tayo."
Sagot ni mang Danny, halata ko na nagiiwas itong tumungin sakin kaya naman hindi ko naiwasang hindi mangiti.
"Malapit na tayo sa ancestral house namin, tumungin ka sa kaliwa mo para makita mo kasi."
Hindi ko talaga maiwasang mangiti dahil hindi talaga ito tumungin sa kaliwang bahagi, kasi naman sa kaliwa ako banda nakaupo.
Anna's POV
Hindi ko talaga namalayang nakatulog pala ako sa byahe. Dahil sa halos pagabe na kami bumyahe pauwi sa bayan ng San Martin ay tinangay talaga ako ng matinding antok.
Kung hindi pa umalog ng bahagya ang sinasakyan naming kotse ay hindi pako naaalimpungatan at mapapatingin sa labas ng bintana. At nakita ko sa repleksyon ng bintana ang napangasawa ko. Ang buong akala Ko pa naman ay panaginip lang ang lahat kaya naman agad akung humarap at nakita kung totoo sya.
Mejo nagulat talaga ako, oo na as is nagulat talaga ako dahil saking panaginip ay nandoon ang lalake. At ito nga't hindi pala panaginip ang lahat kundi pawang katotohanan.
Nagtanong ako kay mang Danny na nakilala ko lang kanina na nagpakilalang personal driver umano nitong asawa ko.
Magaan kaagad ang loob ko kay mang Danny, kaya naman sa kanya ako nagtanong kung nasaan na kami. Nasabi nyang malapit na raw kami, pero nasa loob na daw kami ng mismong hacienda. Kung ganon napakalaki pala talaga ng hacienda ng nga San Martin.
Gusto ko sanang tumungin sa kaliwang bahagi dahil pakiramdam ko ay mas malinis ang bahaging ito at madaming naninirahan, kasi dito sa pwesto ko ay pailan ilan lang ang ilaw na nakikita ko. Parang pulos dami oh halaman yon, siguro madilim nalang talaga kaya ganun. Ang kaso nga nasa kaliwa ko ang bago kung asawa.
Bakit ba kasi ako Kinakabahan pag mapapatingin sa kanya? Baka dahil gusto mo sya. Anu? Gusto ko sya? No baka naninibago lang ako at Hindi ako sanay na makipaglapit talaga sa mga lalaki. Oo tama yon, yon kaya ako nagkakaganito tama !
"Malapit na tayo sa ancestral house namin, tumingin ka sa kaliwa mo para makita mo kasi."
Nyay-- wag na titingin pako sa kaliwa ko eh alam kung makikita ko sya bago ang tanawin sa labas. Eh bakit ba kasi ayaw mong tumungin eh tiningnan mo lang naman Yong tanawin at Hindi naman sya. Anu ba naman kasi Yong isang bahagi ng isip ko pang gulo din minsan eh.
Hindi talaga ako tumungin sa gawi ni Leo , hanggang sa iparada na ni mang Danny ang sasakyan sa isang napaka gandang mansion. Akala ko pa naman ay ang tinutukoy na ancestral house ni Leo ay yong tipong makaluma at at purong kahit ang kabahayan.
Pero ang bahay na ito, napakaganda. Puting semento at purong puti ata ang pintura. Hindi pa ako nakakababa sa kotse ay parang nalulula na ako sa kabuohan ng mansion ng mga San Martin. Naramdaman ko nalang na bumaba na si Leo at umibis na ng sasakyan kaya naman ng aking bubuksan na ang pinto ay naunahan na ako ni mang Danny.
"Talaga bang kailangan ka pang pag buksan ni mang Danny ng pinto."
Turan ni Leo na nakatingin sakin.
"Bubuk--san-- isasagot palang sana ako ng may mga taong lumabas sa kabahayan. Kaya naman ang nakatingin na si Leo ay na iba na ang deresyon ng tiningnan. Kaya naman sinarili ko nalang ang gusto kung sabihin. Bubuksan ko naman na sana eh, kaso naunahan lang ako ni mang Danny.
"Señorito, maligayang pagbabalik , mukhang ginabi na po kayo sa byahe huh."
Nakita ko na napatingin sakin ang sumalubong kay Leo. Sa palagay ko ay hindi pa ito gaanong katanda, siguro mga nasa trenta ito pataas. Nginitian at tinanguan ko ang babae na saking hinuha ay sinusuri ako ng mga tingin nito. At huling huli ko ang irap at pag simangot nito sakin. Tapos ng nagbalik ang tingin nito kay Leo ay parang baliwalang ngiting ngiti na itong muli.
Haysss Anna, mukhang nahihirapan ka sa mananatili mo dito. Turan ko sa sarili ko.
"Ah- mam pasok na ho tayo sa loob at lumalamig na po." Agad akung napatingin saking kanan at nakita ko ang isang binatilyo.
"Ah salamat!"
"Ako nga po pala si Dante."
"Dito kaba nakatira Dante?"
"Naku hindi po mam, naninilbihan po ako rito."
Nagulat ako ng malaman kung nagtatrabaho pala doon si Dante sa tanya ko ay nasa trese hanggang kinse palang ang edad nito.
"Anna, wala ka pa bang balak bumasok ng bahay? " tawag ng magaling kung asawa.
"Kasi kung hindi malamang na magkasipon ka bukas!"
Nakasimangot akong bahagya sa lalaking ito. Haysss ganon na ba talaga pag may asawa na, laging may nakatutok sa mga kilos at galaw mo.
"Ako na po ang magbubuhat ng mga gamit nyo mam."
"Naku Dante OK lang kaya ko naman ang mga yan. Ikaw dapat umuwi kana at gabi na salamat nalang huh."
Nakita ko naman na tumango si Dante at ibinaba nya nalang ang ilang gamit ko na kinuha nito sa likod ng sasakyan.
"Nakita kung nagtuloy na sa loob si Leo, ni hindi man lang ako hinintay. Hayss grabe napaka ungentle talaga.
"Magpapahinga na po ba kayo pagkatapos nyo dito mang Danny?"
"Naku baka po hindi pa mam, kasi sabi po ni sir Leo ay luluwas daw po sya ng manila mamayang alas dyes dahil may aasekasuhin daw po sya."
"Huh!" Gulat kung turan at sabay tingin sa punting pinasukan ni Leo. So iiwan pala ako ng magaling kung asawa sa malaking mansion na ito.
"Pero babalik din naman po sya mam, kaya wag po kayong mag alala."
"Naku kayo talaga mang Danny hindi naman po ako nag aalala. Hehehe, ah sige po at papasok na po muna ako."
Bigla kasing umuhip ang napaka lamig na hangin. Pagpasok ko sa loob ay lalo ako na mangha sa entrada ng mansion. Wow!
"Umakyat na si sir Leo sa kwarto nya. At kung nagugutom ka,ay doon ang papunta ng kusina nandon sa kusina si choleng."
Grabe! Ramdam ko ang disgusting sa tono ng babaeng ito sakin. Tumango nalang ako at tiningnan ang hagdan kung saan maaring dumaan si Leo patungo sa silid nito. Haysss mukhang magiging mahirap ang pananatili ko sa bahay na ito mula ngayon.
Maya maya ay lumabas kung saan ang isang babae na sa tanya ko ay nakalapit lang ang edad sakin. Nagpakilala syang Choleng at inakay ako sa ikalawang palapag dahil doon daw umano ang kwarto ko.
"Mam, heto po ang kwarto ninyo. Ang sabi po kasi ni señorito Leo ay may bisita daw po syang kasama. Kaya pinahanda nya po itong kwartong ito."
Huh? Anu daw? Bisita? So bisita pala ang pag ipapakilala sakin ng lalaking yon.
"Ah mam-- artista din po ba kayo gaya ni señorito?"
"Naku hindi, Isa akong--hindi Ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto at iluwa noon ang magaling kong asawa.
"Choleng maiwan mo muna kami saglit at may pag uusapan muna kami ni Anna."
Lumabas na nga si Choleng at isinara ang pinto. Sinundan ko PA ng tingin ang pintong nilabasan nito. At ngayon nga ay kami nalang dalawa nitong si Leo. Oh my gosh ! Kami nalang dalawa.
Nagpalakad lakad muna ito ng mga tatlong beses bago ako pinagtuonan ng atensyon nito.
"We need to talk about our set up Anna."
To be continued.....