Don Leon's PVO
"Maraming salamat kumpadre."
"Walang anuman kumpadre, alam mong malaki ang utang na loob Ko sayo."
"Salamat ulit sa pag iimporma sakin. Don't worry I'll be one of the biggest supporter mo sa dadating na halalan."
At tinapos ko na nga ang tawag. Masyado akung disappointed at kailangan kung gumawa ng paraan para Hindi matuloy ang nagaganap.
Kring....... Telepono sa office.
"Yes Lovi?"
"Andito na po si miss Cruz, papasukin Ko na po ba sya."
Tama ! Sya ang magiging sulusyon sa problema. Hulog talaga ng langit ang batang ito.
"Sige Lovi papasukin mo na, and pls pakisabi na wag muna akung istorbohin dahil may importante kaming pag uusapan ni miss Cruz."
At pumasok na nga si Anna sa opisina ko. May ipinadalang sulat si Anna na kung pwede ba nya akung makausap dahil meron daw itong ipapakiusap.
Hmmm iniisip ko lang kung anu ba iyon?
"Magandang hapon po Don Leon."
"Take a set Anna, hmmmm your forgot something––?"
"Po–? ––? Ay naku pasensya na po kayo ti–to?"
Napangiti ako sa pagkakasabi nya ng tito dahil halata ang alangan nya sa pagkakabigkas noon.
"Very good, anu nga pala ang gusto mong pag usapan natin hija?"
Kitang kita Ko ang paghugot muna ng malalim ni Anna bago ito nag simulang mag salita.
"Ahm tito, anu po kasi––
"Say it hija!"
"About po ito sa ipapatayo nyo pong bagong hotel sa bayan ng Milagros,ang lukasyon po kayo ng pagpapatayuan ng hotel ay ang mismong pinagtitirikan ng ampunan."
Tumango lang ako biglang pag tugon.
"Napakarami pong mga batang walang magulang ang doon nakatira. Dahil po doon nga po kayo magtatayo ng bago pong hotel ay damay po ang ikatitirikan ng ampunan."
"Pero ang kinatitirikan ng mismong ampunan na iyon ay pag aari ko hija. At negosyante ako at kailangan Ko ang lupang iyon."
"Nakikiusap po ako sa inyo tito, yon po ang unang tahanang kinalakihan ko, doon po ako kinopkup ng mawalan po ako ng matutuluyan. Kung pag binigyan nyo po ako tatanawin Ko po itong napaka laking utang na loob sa inyo. Gagawin Ko po ang lahat upang makabayad lamang po ako sa inyo ."
Sa tinuran ni Anna ay lubha akung nabigla. At parang may namuong munting idiya sa isip ko. Mukhang may kasagutan na sa suliranin ko.
"What do you mean hija, Isa kang orphan?"
"Opo! Hindi ko po itinatanggi na ako po ay nagmula sa isang ampunan, at lubha po akung nagpapasalamat sa mga Madre at mga taong kumupkop po sakin noong nandoon pa po ako."
"Pero hija, mukhang napakalaki at napaka hirap ng pabor na gusto mong hingiin sakin."
"Alam ko po iyon tito, ngunit kailangan ko pong kapalan ang aking mukha at tatagal ang tibay ng aking dib-dib upang magawa Ko po ang ginagawa ko po ngayon sa harap ninyo. Alam ko pong wala pa pong sampong purseyento ang pag ASA kung matugunan nyo po ang hiling ko. –– pe –pero umaasa po akung ikukunsedira nyo po ang mga sinabi ko. Dahil alam ko pong mahusay kayong business man at mahusay sa pakikipag deal."
"What do you mean?"
"Meron po akung trust pound na naiwan sa aking ng mga magulang ko. Yong totoo ko ping magulang at pinasamahan din po ako ng naging poster parent ko. Sa edad ko pong 25 year old ay makukuha Ko po ang lahat ng iyon. Kung maari po sana iyon po ang ibabayad ko kapalit ng maliit na lupang kinatitirikan ng ampunan."
Napangiti ako sa makikita kung dedikasyon sa mga mata ni Anna. Matapang ngunit batid ang kabutihan. Isa akung magaling na business man sa bansa at Hindi basta basta tinatanggap ng kulateral. Ngunit ang isang babaeng gagawin ang lahat kahit ang kayamanang para na sana rito ay ipapamahagi nya sa iba, para lang nailigtas ang isang ampunan."
"Bueno, hija pag iisipan kong mabuti ang proposiayon mo. Pwede bang pag isipan ito ng Isa oh dalawang linggo dahil napakaraming maaabala sa kaling mahinto ang napipintong kontrusyon sa lugar na sinabi mo."
Sa pagkakasabi ko noon ay nakita ko ang pagkislapan ng mga mata ni Anna at ang pag silay ng ngiti sa labi nito.
"Marami pong salamat sa inyo. Salamat po at pag iisipan nyo po ang suhisyon ko."
"Wag ka munang mag diwang hija, dahil hindi Ko pa alam kung sasang- ayon ang board, may mga kasusyo din ako na kailangan Ko pang ipagpaalam sa kanila ang bagay na ito."
"Ok lang po! At least po may kaunteng pag asa."
"Oh sige na hija bumalik kana sa trabaho mo. At wag kang mag alala pag iisipan kung mabuti ang sinabi mo."
At umalis na nga ng opisina si Anna. Everything seems to be in the right track. Unteng sundot nalang at maisasakatuparan ko na din ang plano.
Para sa ikabubuti ng lahat. At patawarin nila ako pero kailangan kung gawin ito. Sa bandang huli ay maintindihan din nila ako.
Anna's PVO
Hayssss... Buntong hininga ko.
Kakalabas ko palang ng opisina si Don Leon, at talagang nangangatog ang mga tuhod ko hanggang ngayon. Hindi pa din ako makapaniwala na nagawa kung sabihin ang lahat ng yon kay Don Leon.
Noong nakaraang linggo lang ay dumalaw ako sa ampunan kung saan ako nanggaling. Matagal na ding panahon ng huli akung makapunta roon. Dahil matapos ang intern ko at naka graduate ay ibinuhos ko na ang lahat ng oras at panahon ko sa pag aalaga Kay mama Lucia at pag rereview para sa board exam.
Kaya naman labis akung nagulat ng malaman kung isang bwan nalang ay paalisin na ang lahat ng mga bata at mga madreng nakatira sa ampunan dahil binabawi na umano ito ng may ari.
Labis akung nabahala sa mga bata. Ni hindi pa nga nila makakilala ang maaring nagbigay ng bagong tahanan sa kanila ay mawawalan na naman sila ng itinuturing na tahanan. At ng tanungin ko si Sister Mirasol kung kanino ba ang lupang tinitirikan ng ampunan ay labis ang pagkagulat ko.
Pag mamay-ari pala ito ng ng San Martin Corp. At kay Don Leon pala ito.
Nakabuo ako ng isang disisyon Makalipas ang ilang araw. Nagpunta ako ng bangko kung saan naroroon ang trust pound ko, at inalam ko din ang halaga ng iniwan saking paman ni mama Lucia.
At nakita kong hindi sasapat ang lahat ng iyon para mabili ang lupang kinatitirikan ng ampunan, ngunit ayon narin sa manager ng bangko pagkalipas ng dalawang taon ay madagdagan pa ang trust pound ko dahil nasa bangko ito at nagkakaroon ng interes.
Eh ang trust pound ko makukuha ko pag kaedad ko pa ng 25, ngayon ay 23 nako kaya may dalang taon pa. Kaya naman kakapalan at lalakasan ko na ang loob ko. Kaya naman ngayong tapos na ang ipinunta ko sa opisina ni Don Leon at mukhang pag iisipan nya ang sinabi ko kaya naman may kaunteng pag asa parin ako. Mama Lucia tulungan nyo po ako..
Nakita ko sa Hall way si miss Lovi kaya naman binati ko ito, haysss nakasimangot na naman sya.
"Ah miss Cruz, nandyan si miss Lira hinahanap ka!"
" Po? "
"Narinig mo naman siguro ang sinabi ko diba!"
"Op–opo!"
"Nandon sya sa clinic at doon ka nalang daw nya hihintayin."
At tinalikuran na nga ako ni miss Lovi. Sinundan ko pa sya ng tingin bago ako nagpatuloy sa paglalakad.
Anu kaya ang kailangan ni Lira sakin. Nitong mga nakaraang araw ay madalas akung dalawin ni Lira.
Madaldal at napaka smart na bata ni Lira. Kaya naman kahit bata ang nasa harap at kausap ko ay parang matanda na ang nasa harap ko.
Nang makabalik ako sa clinic ay nasalubong ko si Doc Albert.
"May magandang bisita ka na naman."
"Oho nga po eh."
"Oh panu Lira ,iwan ko na muna kayo ng ate Anna mo huh."
At nagpaalam na nga si Doc Albert samin. At pinuntahan ko na nga si Lira na aliw na aliw sa pag kuyakoy ng paa habang nakaupo sa desk ko.
Dinalhan pa ako ng meryenda ni Lira. Kung anu anu ang kwenento ni Lira sakin tungkol sa school at sa mga kaklase nito. Halos araw araw ay dumadaan ito sakin at inuubos ang oras sa pakikipag kwentuhan sakin. Kung minsan ay tinutulungan ko na rin ito sa panggawa ng assignment nito sa school.
"Do you had a boyfriend ate?"
"Huh––? Gulat kung tanung kay Lira. Kasalukuyan naming ginagawa ang assignment nito at ang nanny nito ay nakatulog na sa sofa. Anu ka ba namang bata ka, dapat hindi mo pa alam ang bagay na yan."
"But why? "
"Coz your still a baby." Anu ba yan question and answer portion ba Ito!.
"But I just want to know if you had a boyfriend, coz I want you to be the girl friend of my Kuya!"
Anu daw????? Girlfriend ng kuya nya. Ibig sabihin ni doc Rey.
"Nang Kuya Rey mo––?"
"Nah! Not Kuya Rey, I mean my other Kuya. Because she had a girlfriend although his telling us na he broke up with her. But I know he still seeing that bad woman."
Akala ko pa naman kay Doc Rey. Teka tama ba ang naririnig ko? Parang inirereto ako ni Lira sa kapatid nito.
"Teka lang baby girl huh, kasi base sa pagkakarinig ko, may girl friend na Yong kuya mo diba. Masama kasi––
"No! She's a bad woman––! That's what I don't like her."
Gigaw nito kaya hindi Ko natapos ang sasabihin ko. Kaya naman ang kanilang nahihimbing na nanny ni Lira ay biglang nagising.
"What's wrong Lira?
"Nanny diba bad Yong Daniella na yon. Diba! Diba!"
Tiningnan Ko ang mukhang naalimpungatang nanny ni Lira.
"Anu po ba ang nangyari at parang ayaw na ayaw nya sa girlfriend ng kuya nya.?
" She's not my kuya's girlfriend. "
Singit pa ni Lira, mukhang galit nga ang batang ito sa babaeng tinatawag nyang Daniella. Mukha ngang may nagawa ang babaeng iyon na lubhang masama sa bata kaya ito nagtatantrums ng ganon.
End of chapter.... To be continued....