She's My Man(girlxgirl)

Oleh YourNotMyType14

346K 13K 2.4K

WARNING: this story is GxG, I repeat GIRL TO GIRL po ito. So, kung ayaw niyo po sa ganitong storya o hindi ka... Lebih Banyak

PROLOGO
Prologo 2
Poging Danica
Dani's Friends
Cassandra Del Rio
Read This.. thanks!
First Time
Nice One Danica!
The Revenge Plan
Her Revenge
S.H.I.T Day!
S.H.I.T Day( continuation)
Weird Feelings
Hatred
Won
Guilt
Invitation
House Party
The Characters
Jealous or Not?
Clarisse Reyes
Her feelings
Si Bruhang Maarte
He knows
The Favor
Favor 2
School Anniversary 1
School Anniversary 2
School Anniversary 3
School Anniversary 4(The Party)
School Anniversary(The Party 2)
Her POV
Her POV 2
Her Confession
His Ex
AVOIDANCE
Ang CR
Grace Plan
MatMat
Road to tagaytay
Beach Please!
Beach Please!(Part2)
Beach Party
Kiss and Touch
Last
CHANGES
Oh No!
Her and Her
Her and Her 2
Trouble!
Two of us
Don't care
Can you be mine?
Selfishness
AUTHOR'S NOTE
Memories

Her POV 3

6.2K 291 91
Oleh YourNotMyType14

Cassandra's POV

Ilang segundo din kaming nagkatitigan ng babaeng nasa harapan namin ni dad, nang una siyang umiwas at ibinaling ang tingin kay dad na nasa tabi ko.

..at kahit hindi na siya nakatingin sakin ay andito pa rin yong kabang nararamdaman ko.

Yong bilis ng tibok ng puso ko..

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit katulad ito sa kabang nararamdaman ko kay dani tuwing magkaharap kami o magkatitigan kami.

Pero bakit nararamdaman ko rin ito sa babaeng ito ngayon? abnormal na ata tong puso ko eh! >____< 

"So, ikaw na ba ang anak nina Reymond and Daniella?" Rinig kong tanong ni dad sa kanya.

"Ahm.. y-yes po sir.. my name is Danica Rae Delima." Sagot naman nito kay dad.

So, Danica Rae Delima pala ang name niya. Kahit sa pangalan, halos magpareha's lang sila ni dani. Kambal nga talaga sila..

"Wow! Your so pretty iha.. hindi ko pala alam na may magandang anak pala ang mga kaibigan kong iyon.." nakangiting sabi ni dad sa kanya.

Tsk. Pagdating talaga sa ibang tao, napakabait ng ama ko. Pero pagdating sakin, napakacold niya.

Pero tama naman ang sinabi ni dad sa kanya. Maganda nga siya, kamukhang kamukha niya talaga si... wait?

Nasaan na kaya yong monkey guy na yon? bakit wala ata siya dito?

"Thank you po sir.." pagpapasalamat nito sa sinabi ni dad.

"Oh, by the way.. this is my daughter.. Cassandra."

Nang ipinakilala na ako ni dad sa kanya ay bigla na namang bumilis lalo ang kabang nararamdaman ko.

Bullshit talaga! bakit ko ba nararamdaman ito sa kanya? hindi naman ako ganito sa ibang nakakasalamuha ko ah! >__<

"Hi... Danica." ngiting sabi ko na lang rito at umakto na lang akong normal, kahit kinakabahan pa rin ako.

Nagtaka naman ako ng mapansin kong parang di siya mapakali sa kinatatayoan niya.

"Hey.. are you okay?" Kunot noong tanong ko.

"H-ha?! Ahmmmmm... y-yeah, i-i'm okay del- i-i mean, c-cassandra.. okay lang ako."

Tsk. Talaga bang okay lang ang babaeng 'to? -_____-

"You sure iha?" Singit na tanong ni dad sa kanya.
Mukhang napansin din ata ito ni dad.

"Y-yes po sir.. o-okay lang talaga ako." Sagot agad niya.

"Ahm.. it was nice to meet you nga pala..danica." ngiting sabi ko sa kanya bago ko inilahad ang kaliwang kamay ko para makipagshake hand. Hindi ko na lang din pinansin ang mga kilos nito at pati itong di maintindihang nararamdaman ko ngayon.

Napatingin kaagad siya sa kamay ko at nakipagshake hands sakin.

Hindi ko alam pero parang may naramdaman akong kuryenteng dumaloy galing sa mga kamay niya papunta sakin ng mahawakan niya ang kamay ko. Pero saglit ko lang naramdaman iyon dahil mabilis niya akong binitawan at hinarap muli si daddy.

"Ahm.. lets have a sit first sir. Bago natin ituloy ang mga pag uusapan natin." Ngiti nitong sabi kay dad.

"Oh sure iha.." rinig ko naman sagot ni dad sa kanya.

.. at sabay sabay na nga kaming naupong tatlo. Katabi ko si dad habang siya naman ay nasa harapan namin.

-

Konting katahimikan ang namumuo saming tatlo dito sa loob ng private room. Nakahain na rin ang mga pagkain sa mesa habang tahimik lang kaming kumakain at tinitikman ang mga iba't ibang putaheng inihanda nila.

Napakasarap talaga ng korean food nila dito..

"Hm.. so, iha.. binanggit pala sakin ng parents mo na may kambal ka? Nasaan nga pala siya ngayon? Bakit hindi mo siya kasama?" napahinto ako sa pagsubo ng pagkain ng marinig kong nagtanong si dad sa kanya.

Agad kong tiningnan si danica na napahinto na rin sa paggalaw ng kanyang kinakain.

Oo nga! nasaan na kaya yong unggoy na iyon? bakit wala siya rito?

Napansin kong lumingon siya sakin bago niya ibinaling ang tingin niya kay dad.

"Ahm.. yes po sir, i have a twin brother.. Dani Ray Delima po ang pangalan niya. At di ko po siya nakasama kasi may importante po siyang l-lakad ngayon sir. Kaya nais niya pong mag sorry sa inyo." Sagot nito.

Huh? may lakad pala yong monkey guy na yon kaya wala siya dito?! at saan kaya siya nagpunta?

teka? pakialam ko ba kung nasaan siya ngayon?! tss. Mas mabuti ngang wala siya rito para wala akong bwesit na nakikita! >___<

"Oh?! Ganun ba? Its ok iha. And by the way, call me tito. Kanina ko pa napapansin na Sir yong tawag mo sakin. Napakapormal mo ata iha." Matawa tawang sabi ni dad sa kanya.

May mga pinag uusapan pa sila habang ako naman ay nakikinig lang.

At ewan ko lang ha.. napapansin ko lang na kay dad lang siya tumitingin at ni hindi man lang siya sumusulyap sa kagandahan ko!

pft. Nevermind! -____-

Narinig ko din yong sinabi niya na 1month lang daw siya rito sa pilipinas at binisita lang daw niya si dani rito.

Habang nag uusap sila ni dad ay bigla namang tumunog ang phone niya, kaya napahinto siya at tiningnan ito.

"Ahm.. sir- i mean.. tito, pwede ko po ba munang sagutin ito?" Tanong niya kay dad.

"Oh sure iha. Go ahead!" Ngiting sagot ni dad dito.

"Sige po tito. Excuse me lang." Tumayo ito sa kinauupuan niya at napansin ko ulit na tumingin na naman siya sakin bago siya tumalikod at umalis.

Tss. Ewan ko, pero para talagang may something sa mga tingin niya eh -____-

Katahimikan na naman ang namumuo sa loob ng private room matapos lumabas ni danica.

Awkward na naman po! -______-

Di ko maiwasang mapatingin kay dad at tama nga ako, poker face na naman ito habang umiinom ng wine niya. Ibang iba sa mukha niya kanina nong kaharap pa niya ang kambal ni dani.

Ilang minuto pa ang nakakalipas ng hindi pa rin bumabalik yong babaeng iyon.

Mukhang napapanis na ata laway ko dahil di ako nagsasalita rito. =_____=

"Ahm. Dad, cr muna ako. Excuse lang po." sabi ko na lang kay dad. Gusto kong lumabas rito dahil di ko na kaya ang katahimikan.

Seryoso lang itong tumango, tsaka niya ininom uli ang wine niya. Tumayo agad ako bago  lumabas ng private room.

Naisipan kong tumuloy sa cr para tingnan ang sarili ko sa salamin. Alam kong di ko na dapat tingnan ang sarili ko sa salamin, dahil maganda na ako pero kailangan.. mamaya may dumi pa ako sa mukha di ba? psh! -_____-

Pumasok na nga ako ng cr at agad akong humarap sa salamin. Narinig kong bumukas ang isa sa mga pinto ng cubicle, hindi ko na sana ito papansinin pero nagulat ako nang makita sa reflection ng malaking salamin na si danica pala ang taong iyon. Kaya naman nilingon ko itong gulat at hinarap siya.

Nakita ko din sa mukha niya ang pagkagulat ng makita niya ako.

"Oh? Hi... danica!" gulat kong bati sa kanya. Nararamdaman ko na naman yong kaba na naramdaman ko kanina lang sa private room pero gaya kanina, hindi ko na lang uli pinansin iyon.

"Ahm.. h-hi cassandra" ngiting bati din niya sakin.
"ahm.. kanina ka pa andito.. c-cassandra?" Dagdag niyang tanong sakin.

"Ha? Hm.. kakapasok ko lang rito. Why?" Napakunot ang noo ko dahil sa itinanong niya.

"hm.. nothing.. s-sige ha, lalabas na ako."

"W-wait lang danica.." pagpigil ko sa kanya.

Lumingon naman siya sakin.
"B-bakit?"

Huminga ako ng malalim bago ako napayuko. Kahit sinabi kong wala akong pakialam sa lalaking iyon, gusto ko lang talagang malaman kung nasaan siya.. at kung bakit hindi niya ito kasama.
"Si.. d-dani, s-saan pala siya n-nagpunta?"

pakshit! bakit ba ako nahihiya sa kanya?! urgh! parang di ako to ah! >_____<

Ilang segundo din nang hindi pa siya sumasagot sa tanong ko.

"Ahm.. k-kalimotan mo na lang yong tinanong ko sayo... sige, l-labas na ako." Sabi ko na lang sa kanya na hindi siya tinitingnan.

Aish! kainis! sana hindi ko na lang iyon tinanong sa kanya!!!
Urgh! bakit kasi iniisip mo pa yong bwesit na lalaking yon cassandra , eh wala ka ngang paki sa kanya di ba?!!!

Baka magtaka pa tong kambal niya kung bakit tinanong ko sa kanya si dani..

Agad akong umalis sa harapan niya, maglalakad na sana ako para makalabas ng bigla akong madulas at matapilok.

Ouch! >___<

Matutumba na sana ako ng maramdaman ko ang dalawang kamay sa bewang ko.

"A-are you okay?" Tanong niya sakin kaya nilingon ko ito. Nakita ko naman agad ang dalawang pares na mga matang nakatitig ng malapitan sakin.

Ang mga mata ni dani..

Bakit pareha sila ng mga mata ni dani?

Dahil din napakalapit namin sa isa't isa ay naamoy ko din ang pabango niya.

Kagaya din kay dani..

Teka? anong ibig sabihin nito? bakit ang mga mata at ang amoy niya ay katulad na lang kay dani?

Shit! Ano ba talaga to?! bakit si dani na lang palagi pumapasok sa isip ko!? At bakit nakikita ko sa kanya ngayon si dani?

ugh! umayos ka cassandra!
K-kailangan kong umalis dito!

Hindi ko na maintindihan kung bakit ang lalaking yon ang nasa isip ko! nakakainis na talaga! >____<

"Yeah.. t-thank you." Sabi ko at mabilis pa sa isang segundo akong umalis sa pagkakahawak niya sa bewang ko.
"Alis na ako." Dagdag kong sabi tsaka na ako lumabas at naiwan siyang nakatayo doon.

*

"Dad.. i need to go." biglang sabi ko ng makarating ako sa private room.

"Why?"Kunot noong tanong ni dad sakin.

Alam kong pagsasalitaan ako nito pagdating sa bahay dahil dito sa gagawin ko, pero kailangan ko lang talagang umalis dito dahil naguguluhan na ako at hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Bakit ko ba iniisip ang lalaking wala naman dito? At bakit.. nakikita ko si dani sa kambal niyang babae? urgh! di ko na talaga maintindihan! >____<

"I have homework pa kasi d-dad." pagsisinungaling kong sagot sa kanya.

"Go" tipid niyang sagot ng hindi tumitingin sakin at nagpatuloy lang sa pag inom ng wine niya.

"O-ok dad. Pakisabi na lang kay danica na sorry at hindi ako nakapag paalam sa kanya." yuko kong sabi rito bago na ako umalis at lumabas ng private room.

"Let's go manong juan, Ihatid mo muna ako pauwi sa bahay at bumalik ka na lang ulit dito." sabi ko kay manong ng makapasok na ako ng sasakyan namin.

"Yes po madam." sagot nito bago niya pinaandar ang kotse at pinaharurot ito papalayo sa restaurant.

*

Ilang minuto din bago ako nakarating sa bahay namin. Pagkapasok na pagkapasok ko ay nadatnan ko si yaya lope na nagwawalis ng sala.

"Oh madam cass? ang aga niyo atang nakauwi?" Tanong niya ng mapansin niya ako.

"Ah opo ya, napagod kasi ako eh. Kaya nauna na lang akong umuwi." sagot ko sa kanya.

"ok ka lang iha?" biglang tanong ulit niya sakin.

"Po? ah. Opo ya, ano ka ba! ok lang ako." pilit akong ngumiti sa kanya.

Nakita kong umiling iling ito tsaka niya ako tiningnan ulit ng nakangiti.

"Kilala na kita iha, alam kong may problema ka. Sabihin mo sakin kung ano 'yan. Tungkol na naman ba yan sa daddy mo?"

Napatitig ako sa mga mata ni yaya lope.

Talagang kilalang kilala na nga niya ako..
Ngunit,sasabihin ko ba sa kanya?

Tsk! bahala na… Gusto ko lang naman malaman kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa lalaking unggoy na yon eh! Hindi ko na kasi maintindihan sarili ko! >____<

Nakatitig pa rin ako kay yaya habang naghihintay din siya sa mga sasabihin ko.

Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita.
"Ya, h-hindi po tungkol kay dad tong problemang sasabihin ko sayo."

Napansin ko sa mukha ni yaya ang pagkagulat.
"Oh? talaga iha? Akala ko sa daddy mo na naman iyan. Mukhang iba ang problema mo iha, ano yan?"

"Ahm..t-tungkol po ito sa isang guy yaya." sagot ko sa kanya.

.. at ng sabihin ko iyon sa kanya ay nakita kong napangiti siya.

"Talaga? tara iha. Doon tayo sa kusina." aya niya sakin. Sumang ayon naman ako sa sinabi niya at pumasok kami sa kusina.

*

"Sabihin mo na sakin kung anong problema mo sa lalaking yan." ngiti ni yaya sakin ng makaupo na kami.

Napayuko naman ako at bumuntong hininga ulit.

"Noong una ya, galit na galit pa talaga ako sa kanya. Inis na inis ako sa kanya sa tuwing nakikita ko siya sa school. Gusto ko na nga siyang mapalayas sa school eh. Pero hindi ko alam ya.. isang araw, parang nawala lahat yon. Naglaho yong inis at galit ko sa kanya. At sa tuwing nakikita ko na siya ngayon, hindi na inis at galit ang nararamdaman ko, kundi saya.. at pag hindi ko naman siya nakikita, pakiramdam ko namimiss ko siya. Nalulungkot din ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa lalaking iyon yaya, dahil kapag naman nakikita kong may kasama siyang babae, bigla agad akong maiinis sa hindi ko malaman na dahilan. At kapag magkalapit naman kami ya, parang may kakaiba din akong nararamdaman.. bigla akong kakabahan at para bang may kung anong paru-parong nagrarambulan sa tiyan ko. Ngayon naman, kahit hindi ko siya nakikita, palagi ko siyang iniisip at hinahanap. Maging ang Kakambal niyang babae, iniisip kong siya! At hindi ko alam kung bakit yaya.. Ano ba talagang nangyayari sakin? nababaliw na ba ako?" mahabang sabi ko sa kanya.

Napangiti na naman si yaya matapos niyang marinig lahat ng sinabi ko.
"Hindi ka nababaliw iha..normal lang yan sa isang tao."

Napakunot noo naman ako sa sinagot niya.
"Normal? anong ibig mong sabihin ya?"

"masaya ka sa tuwing nakikita mo siya, naiinis ka sa tuwing may kasama siyang babae, iniisip at hinahanap mo siya pag hindi mo siya nakikita at higit sa lahat, kinakabahan ka at parang may kung anong paru-parong nagrarambulan sa tiyan mo tuwing magkalapit kayo sa isa't isa..Hm, isa lang ang sagot ko sa mga sinabi mo iha."

"ano po yon yaya?" tanong ko ulit.

"gusto mo ang lalaking iyon iha."

Napatigil naman ako sa sinabing iyon ni yaya lope.

Teka? O_____O

Ano daw?

Paulit ulit naman sa pandinig ko.ang sinabi ni yaya lope sakin na para bang umeecho pa ito sa tenga ko.

"gusto mo ang lalaking iyon iha."

"gusto mo ang lalaking iyon iha."

"gusto mo ang lalaking iyon iha."

Gusto ko na ba talaga siya?!

-

"Hmmmmmmmmmmmmmm!!!!!" tili ko dito sa loob ng kwarto ko habang nakatakip yong mukha ko ng malaking unan.

Gusto ko talagang sumigaw ngayon at ilabas lahat tong nararamdaman ko! Hindi kasi ako makapaniwalang nagkakagusto na nga ako sa lalaking kinaiinisan ko noon.

Ano na ba ang dapat kong gawin ngayon? -___-

"OMG! OMG! OMG!" sigaw ko bago ako umupo mula sa pagkakahiga sa kama.

Hindi to tama! hindi ako dapat nagkakagusto sa isang taong kinaiinisan ko! sa isang unggoy na kagaya niya! di pwede! >_____<

"Kailangan mawala itong nararamdaman ko! Dapat iwasan ko na siya! Yeah! that's it!! yon nga ang gagawin ko." parang baliw kong sabi sa sarili ko.

.....Kinaumagahan(monday)

"G-goodmorning dad." Gulat kong bati sa lalaking nakabusiness attire at nakaupo habang umiinom ng kape niya at nagbabasa na naman ng dyaryo dito sa kusina.

Lumingon ito sakin bago seryosong tumango bilang sagot bago ipinagatuloy ang pagbabasa.

Bakit kaya hindi pa siya umaalis papunta sa company niya? hindi kasi ako sanay na paggising ko makikita ko pa siya rito sa bahay.Maaga kasi siyang umaalis at ni hindi na nga ngpapaalam sakin noon.

Napatingin ako kay yaya lope habang naghahain din siya ng pagkain para sa almusal. Ngumiti lang ito sakin bago niya ipinagpatuloy yong ginagawa niya.

Lalapit na sana ako kay dad para sana halikan ito sa pisngi ngunit nagsalita ito sanhi para huminto ako.

"Umupo ka na." yan lang yong narinig ko sa kanya.

Sumunod na lang ako sa sinabi niya at umupo na.

Ilang segundo din ang katahimikan ng magsalita muli si dad.

"Next time, wag mo ng ulitin yong ginawa mong pag alis kahapon cassandra. Palalagpasin ko muna ang ginawa mo" malamig nitong sabi sakin.

Napayuko na lamang ako. Tama nga ako, pagsasalitaan nga niya ako. Kaya siguro hindi pa siya umaalis para hintayin akong magising at sabihin ang lahat ng ito.

"Y-yes dad. Sorry po." sagot ko sa kanya.

Napansin kong sinarado na niya yong binabasa niyang dyaryo at tumayo na.
"I need to go. Bye!" seryoso niyang sabi sakin at lumabas na kaagad siya ng kusina.

Tiningnan ko na lamang siya habang papalabas siya ng kusina. May naramdaman naman akong kamay sa kaliwa kong balikat.

"Ok ka lang iha?" nag aalalang tanong ni yaya sakin.

Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Yeah. I'm ok ya, sanay na ako sa kanya."

*

*Peep peep!*

Pinark agad ni mang juan ang sasakyan ng makarating na kami  sa parking lot ng school.

"Mang juan give me the keys. Ako na magdadrive pauwi. Umuwi ka na lang, Magcommute ka na lang." sabi ko sa drver ko.

"Ah eh kasi madam-"

"sge na. Don't worry hindi ako mapapahamak. You know me mang juan" pagputol ko sa sasabihin niya.

"Sge po madam." sagot nito at umalis.

Pumasok na rin ako ng gate. Habang papunta ako sa elevator ng highschool building ay bigla kong naalala ang phone ko.

Tsk! Naiwan yong phone ko sa kotse! -___-

"yeah right! Babalik na naman ako." nasabi ko na lang sa sarili ko.

Tumalikod na ako para bumalik na sana sa parking lot ng makita ko si gino na pumasok ng gate at huli na din para umiwas ako dahil nakita na din niya ako.

I mentally rolled my eyes ng papalapit na siya sakin.

"Princess." tawag nito sakin.

"What?!" taas kilay at irita kong tanong sa kanya.

" Pumayag ka na sa offer ko please?" nagpupuppy eyes pa siya sa harap ko na parang bata.

Eww! as if naman ang cute niya ha! sampalin ko kaya to!

"like i said before,.. NO Gino!" sagot ko rito at naglakad na naman papalabas ng gate.

Mas nairita pa ako ng mapansin kong sumunod na naman siya sakin.

Grr! ang tigas talaga ng mukha ng lalaking to! >_____<

"Tch! Ano ba gino!? Bakit mo ba ako sinusundan?!" Inis kong sigaw sa kanya ng nasa parking lot na kami. Napahinto na rin ako at hinarap siya.

..and i don't care kung may nakatingin o nakarinig saking stupidents dito sa parking lot. School ko to kaya may karapatan akong mag ingay at sumigaw rito!

"Princess naman.. pumayag ka na please? Ikaw na lang kasi maging partner ko bukas ng gabi." nagmamakaawang sabi ulit niya sakin.

Ang tigas talaga ng lalaking to! >___<

"Eh bakit ba hindi ka na lang humanap ng iba diyan gino?!" Mataray kong sabi sa kanya.

"Ayoko.. gusto ko ikaw lang! Bakit ba kasi ayaw mo? Dahil ba' to kay delima? Dahil sa ginawa namin sa kanya noon? Galit ka pa rin ba doon princess? Nagsisisi naman ako sa ginawa ko eh. Sige na princess!"

Tsk! tama siya. Isa din yon kung bakit ayokong maging partner ang mokong nato! Naiinis pa rin kasi ako sa ginawa nila noon.

Tatanggi na naman ulit sana ako sa kanya ng di sinasadyang mapalingon ako sa isang lalaking gusto ko na sanang iwasan kaya napatigil na naman ako.

Muli ko na naman naramdaman ang pamilyar na kabang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko..

Ngunit napalitan iyon ng inis ng mapalipat ang tingin ko sa babaeng kasama niya.

Hindi ko mapigilang mapasimangot..

tsk! ang hilig talagang dumikit ng babaeng to kay delima! mukha na nga siyang unggoy! para pa siyang linta!

Ibinalik ko na lang ang tingin kay gino para mawala yong inis ko.

"Hmm. Sige, payag na ako gino. Payag na ako na maging partner mo bukas."

Hindi ko alam kung bakit yon ang nasagot ko sa kanya. Siguro dahil sa inis? sa selos? tama! sa selos nga! at dapat mawala itong nararamdaman kong selos! at itong nararamdaman ko para kay delima.

Siguro nga, ito yong sulosyon.. ang ituon sa ibang tao ang atensyon ko para makalimutan ko ang feelings ko sa kanya.

"Really princess? Pumapayag ka na? Yes! Thank you talaga princess!" Masaya namang sigaw ni gino sakin.
Niyakap naman niya ako bigla na siyang ikinagulat ko pero ngumiti na lang ako para itago iyon at hinayaan siyang yakapin ako.

Mga ilang segundo din ng bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sakin. Nakita ko sa mukha nito ang saya.. pero di ko din mapigilang mapalingon uli kay delima.

Biglang nawala ang mga ngiti ko ng makita kong magkahawak ang mga kamay nila ng babaeng kinaiisan ko.

Ramdam ko rin ang kirot ng puso ko ng makita ko ang mga kamay nila at ang ngiti ni delima kay clarisse.

aaminin kong nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon.

"C-cr lang ako." nasabi ko na lang at umiwas agad ako ng tingin sa kanila. Agad akong tumalikod mula kay gino at tumakbo papasok ng gate ng school.

Dumeretso ako papasok sa pinakamalapit na girls cr.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay napahawak agad ako sa dibdib ko at bumuntong hininga.
Ramdam ko kasi yong sakit hanggang ngayon.

Humarap ako sa malaking salamin ng cr at di sinasadyang mapatingin ako sa leeg ko.

Wait?

Bigla kong naalala ang necklace na suot ko kahapon.

Nasaan na kaya yon? Wala akong naalalang hinubad ko yong necklace sa leeg ko.

"Oh no! di pwedeng mawala yon!" tarantang sigaw ko. Yumuko ako at tiningnan ang sahig baka sakaling nahulog lang ito ngunit wala akong nakita.

"fuck!" i curse. Napakaimportante ng necklace na yon sakin! Pero wala akong kaalam alam na nawawala na pala ito sa leeg ko!

Napagdesisyonan kong lumabas ng cr. Babalik ako sa parking lot baka sakaling nahulog doon ang necklace ko at sure akong.. wala na din sina delima doon ngayon.

Wala na din akong pakialam kung di ako makakapasok ngayong araw, ang importante sakin mahanap ang necklace na iyon.

Nang makalabas na ako ng cr ay nadatnan kong nakatayo at naghihintay si gino.

"Princess. Tapos ka ng magCr?" ngiti nitong salubong sakin.

"Gino wala akong oras para sagutin ang mga tanong mo sa ngayon okay?! Sa susunod na.. may kailangan lang akong hanapin." Hindi nakatinging sabi ko sa kanya at nilagpasan siya.

Mukhang hindi na naman din siya sumunod sakin.

*
Hinanap ko ito sa buong parking lot at maging sa loob ng sasakyan ko ngunit tanging phone ko lang ang nakita ko.

"Urgh!" sigaw ko dahil sa inis!

Nasaan ko ba nahulog iyon!? >___<

Naisipan kong umuwi na muna dahil baka nasa kwarto ko lang iyon.

Pagkauwi ko ay tinanong agad ako ni yaya lope kung bakit raw maaga akong nakauwi at ang tangi ko lang sagot ay may kailangan lang akong gawin. Hindi na lang din siya nagtanong uli at hinayaan na lang ako.

Hinanap ko iyon sa buong bahay at maging sa buong kwarto ko. Hapon na ng hindi ko parin nahanap ang necklace ko.
Napaupo na ako sa kama ko dahil sa pagod.

Shit! nasaan na ba yon?!

Gusto kong umiyak dahil napakaimportante ng bagay na yon sakin. Ang tanga ko! bakit kasi hindi ko napansin na nahulog na pala yon sa leeg ko?

"Urgh! stupid!" sigaw ko mula rito sa kwarto at tinakpan ko na lang ang mukha ko sa dalawang palad ko.

Ilang segundo din ako sa ganong posisyon ng may maalala akong pangyayari.

Yong pangyayari kahapon!

Agad akong napatayo sa kama.
"Kailangan kong pumunta sa restaurant nila." sabi ko sa sarili.

I grab the keys na nilagay ko sa study table at lumabas ng kwarto.

Mukhang nahulog ang necklace ko kahapon nong natapilok ako.

Bakit kaya hindi ko napansin yon? Siguro baka dahil sa nararamdaman kong kaba. Tsk! >__<

Agad na akong sumakay ng makalabas na ako ng bahay at pinaharurot ito agad agad. Wala akong pakialam kahit pinagpapawisan na ako ngayon, mabango pa naman ako kaya okay lang.

TO BE CONTINUED.....

************************************************************************************************
A/N: Ayan na! tsk..mamaya ko pa sana iuupdate yan sa new year eh at hahabaan ko pa sana kaso tinamad na naman ako! Hahaha! ^__^v tsaka, may gagawin pa ako mamaya. Ewan ko kung bitin pa rin to! kasi nga ang hilig kong mangbitin! hehe :)

HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT!!!!! 

PS. unedited

- YourNotMyType14 -

Next Chap: Her Confession

Give me 70 votes and 30 comments for the next chapter!
  -Gift niyo na sakin guys! Hahaha! :* :* :*






Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
396K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...