She's My Man(girlxgirl)

By YourNotMyType14

346K 13K 2.4K

WARNING: this story is GxG, I repeat GIRL TO GIRL po ito. So, kung ayaw niyo po sa ganitong storya o hindi ka... More

PROLOGO
Prologo 2
Poging Danica
Dani's Friends
Cassandra Del Rio
Read This.. thanks!
First Time
Nice One Danica!
The Revenge Plan
Her Revenge
S.H.I.T Day!
S.H.I.T Day( continuation)
Weird Feelings
Hatred
Won
Guilt
Invitation
House Party
The Characters
Jealous or Not?
Clarisse Reyes
Her feelings
Si Bruhang Maarte
He knows
The Favor
Favor 2
School Anniversary 1
School Anniversary 2
School Anniversary 3
School Anniversary 4(The Party)
School Anniversary(The Party 2)
Her POV
Her POV 3
Her Confession
His Ex
AVOIDANCE
Ang CR
Grace Plan
MatMat
Road to tagaytay
Beach Please!
Beach Please!(Part2)
Beach Party
Kiss and Touch
Last
CHANGES
Oh No!
Her and Her
Her and Her 2
Trouble!
Two of us
Don't care
Can you be mine?
Selfishness
AUTHOR'S NOTE
Memories

Her POV 2

5.3K 232 49
By YourNotMyType14

Cassandra's POV

*Riiiiiiing! *Riiiiiiiing! *Riiiiiiing!

Nagising ako mula sa mahabang pagkakatulog ng tumunog ang phone ko na nilagay ko sa study table.

P*ta! sino ba tong tumatawag sakin? keaga aga nambwebwesit! >___<

Inaantok ko itong kinuha tsaka ko ito sinagot.

"Hey girl! goodmorning!" masiglang bati ng nasa kabilang line.

Sa boses pa lang ng taong ito, kilala ko na kung sino siya.

"Peste! nakakaistorbo ka dianne, alam mo ba yon?! ang aga aga pa nambwebwesit ka na naman!" sigaw ko sa kanya. Parang nawala tuloy antok ko dahil sa inis.

"Ouch! my precious ear! girl, relax ka naman diyan! Ang ganda ng umaga, tapos ikaw diyan hindi!" sabi naman niya sakin.

"Gusto mo bang mawala sa mundong to dianne? tumahimik ka diyan ah! Mas maganda pa ako sa umaga! ano bang kailangan mo ha?"

"Tsk! okay okay! ang taray mo talaga! Pupunta kami diyan mamaya sa house niyo. Susunduin ka namin. At kung bakit? Baka kasi nakalimutan mo na naman na ililibre mo kami ngayon ni grace. Okay! yon lang girl. Bye!"

*Toot!*

Matapos niyang sabihin yon ay kaagad niyang binaba ang tawag.

Letse! Langya talaga babaeng yon! Lagot talaga siya sakin mamaya! >__<

Akalain niyong inunahan pa talaga niya akong babaan ng phone? dapat ako yong unang magbaba eh! grrrr!

"Ugh!" inis kong sigaw tsaka ko pinikit ulit ang mga mata ko upang makabalik na sa pagtulog ngunit... nainis ako dahil kahit anong gawin ko, nawala na talaga ang antok ko. 

"Aish! bwesit talaga!" sigaw ko ulit bago ako naupo sa pagkakahiga. Tiningnan ko kaagad ang alarm clock ko.

for goddamn sake! >___<
it's 5:56am. Ang aga aga pa talaga! ..and it's saturday! walang pasok ngayon kaya dapat natutulog ako buong araw pero dahil sa bwesit na call ng bruhang dianne na 'yon, hindi na ako makabalik sa pagtulog! tsk. Kainis!

Kulang pa naman ang tulog ko kahapon.. -_______-

At dahil hindi nga ako makabalik sa pagtulog naisip kong bumangon na lang at bumaba.

MagCocoffee na lang muna siguro ako.

Lumabas na nga ako ng room ko, tsaka ako bumaba ng hagdan. Tinungo ko ang kusina at pagpasok na pagpasok ko ay siyang paghinto ko naman dahil sa isang lalaking nakikita ko ngayon na nakaupo at umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo. 

Teka? dumating na pala siya? O_____O

Lumingon naman ito sakin at tiningnan ako ng seryoso. Nakabusiness attire na din ito at mukhang papasok na ito sa trabaho.

"Oh. gising ka na pala." sabi niya sakin.

"dad." tawag ko sa kanya. "Kailan ka pa dumati-"

"umupo ka. May importante akong sasabihin sayo." pinutol na niya agad ang dapat ko sanang itanong sa kanya.

Bumuntong hininga na lamang ako tsaka ko sinunod ang utos niya.

*

"Po?!" biglang sigaw ko mula rito sa kusina ng marinig ko ang sinabi niya.

"Narinig mo naman siguro ang sinabi ko cassandra. Sasamahan mo kong imemeet bukas ang kambal na anak ng mga delima." Ulit na sabi ni daddy sakin bago siya humigop uli ng kape.

"Delima? you mean.. the owner of ne'saranghaeyo foods restaurant?" tanong ko ulit sa kanya.

Seryoso lang itong tumango bilang sagot sa tanong ko.

"But why dad? About business pa rin ba yan?"

"Nope. Gusto ko lang makilala mo ang mga anak ng mga delima. They are my partners in business and also my friends. So, hindi naman siguro masama kung makilala mo ang mga anak nilang kambal." Sagot nito sakin.

Hindi ko akalaing magkakaibigan pala ang mga delima at si dad... at hindi pa ako sigurado kung sino ang dalawang kambal na tinutukoy ni dad. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon.

Ang isa sa anak ng mga delima..

"ahm.. dad, kambal ba talaga ang anak nila? wala na ba silang ibang anak?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Actually meron. Isang panganay na babae, but she died nong ipinanganak ito..kaya dalawa na lang ang anak nila, isang babae at lalaki and they're twins."

Hmp? lalaki?

Nang marinig ko nga yong huling sagot ni dad ay agad na naman akong napaisip.

Ibig sabihin isa sa tinutukoy na kambal ay si dani? teka? may kambal pala siya? at mamemeet ko pala bukas yong lalaking iyon?

Tsk! iniiwasan ko na nga siya eh! pero ano na naman ba ito? naku naman! >___<

"Ahm. Dad, pwede bang.. h-hindi na lang ako sasama-"

"Hindi ka sasama?" seryosong pagputol niya sa sasabihin ko.

Tumango ako sa kanya bago ako.napayuko.

Ewan ko pero sa lahat ng tao, sa kanya lang ako napapatiklop. Sa ama kong parang walang pakialam sakin at puro trabaho na lang ang laman ng isip.

"Wether you like it or not, sasama ka sakin." maowtoridad na sabi ni dad sakin.

"Y-yes dad." wala akong magawa kundi umoo sa gusto niya. Ayoko din namang magalit siya sakin kaya susunod na lang ako.

Matapos kong sabihin iyon ay napaangat ang ulo ko ng mapansin kong tumayo na siya sa kinauupuan niya.

"Alis na ako." Cold na sabi nito sakin at walang lingon likod na lumabas ng kusina.

Bumuntong hininga na lang ako para mawala ang nararamdamang lungkot na namumuo sa puso ko dahil sa ginawa niya.

Ni hindi man lang niya ako kiniss sa chicks at sa inaasta niya, parang hindi niya ako anak.

"Masanay ka na sa kanya cassandra." sabi ko na lamang sa sarili ko.

Napagdesisyonan ko na lamang umakyat muli papunta sa room ko.

Nawalan na tuloy ako ng ganang macoffee..

Nang makapasok na ako sa loob ng room ay narinig kong tumunog na naman ang phone ko mula sa kama.

*Riiiiing! *Riiiiing! *Riiiing!

Kinuha ko ito bago tiningnan kung sino ang tumatawag.

*Ugly Grace calling......

Napataas na naman ang kilay ko..

Ano na.naman kailangan ng bruhang to? -___-

"Hey girl!" biglang sabi niya ng sinagot ko ito.

"oh?" walang ganang sagot ko.

"Papunta na kami diyan ni dianne. Get ready na ha."

I just rolled my eyes ng marinig ko ang sinabi niya.

"Not now!.. nawalan ako ng gana. Bye!"

"Hey gir-"

*toot!*

at pinatay ko na kaagad ang phone ko. Tsk! mas mabuting magkulong na lang dito sa loob ng room ko buong magdamag. Nawalan talaga ako ng gana dahil sa ama ko!

*

(Sunday)

*Tok *tok *tok!

"Madam cass! gising na daw po kayo sabi ng daddy niyo!"

*Tok *Tok *Tok!

Napamulat agad ang mga mata ko ng marinig ko ang maingay na pagkatok at ang sigaw ng isa sa mga bwesit na maid namin.

*Tok *tok tok!

"madam cass? gising na po ba kayo? madam?"

*tok *tok  *tok!

"P*ta! oo gising ako! Pwede bang tumigil ka na sa pagkatok diyan!" inis kong sigaw.

Naiingayan kasi ako sa pagkatok niya na halos sirain na niya pinto ko! kala niya may pampalit siya kung masisira man ang pinto ko. Bwesit! >__<

"Ay! sorry po madam. Kala ko kasi tulog pa po kayo." rinig kong sabi niya mula sa labas.

"Oo! talagang makakatulog ka sa sapak ko kung hindi ka pa aalis sa harap ng pinto ko! bwesit!" sigaw ko.

"Ahm. S-sge po. Alis na ako. Sorry po ulit." huling narinig kong sabi nito.

Napatingin na naman ako sa alarm clock ko sa gilid.

and it's 6:47 in the morning!

Napakaaga pa. Pero kilala ko si daddy, ayaw na ayaw niyang malelate pagdating sa mga meet up ng mga friends o kaya kabusiness partners niya. Kaya siguro, maaga din niya akong pinapagising.

Hay naku!

Sana naman kinalimutan na ng delima na yon ang nangyari nong isang gabi. -_____-

Bumangon na nga ako at dumeretso na sa banyo upang maligo at kung ano ano pang ka-ek ekan sa loob.

Matapos ang lahat ay lumabas na kaagad ako ng banyo.

*Tok  *tok *tok!

"madam cass?"

Napatigil ako ng marinig ko ang pagkatok at boses ni yaya lope.

Tinungo ko na lang ang pinto para buksan ito. Okay lang sakin na buksan ang pinto, kasi nakatapis naman ako..

"Hm. Ano po yon ya?" tanong ko sa kanya ng tuluyan ko ng mabuksan ang pinto.
Napatingin naman ako sa hawak niyang isang simpleng pink dress above the knee sa kaliwa niyang kamay at inilahad niya ito sakin.

"Ano to ya? " kunot noong tanong ko sa kanya bago ko ito kinuha.

"Binili yan ng ama mo. Sabi niya, yan daw ang suotin mo." Ngiting sagot nito sakin.

"ah. Sge ya, salamat." ngiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti lang si yaya lope sakin bago siya umalis. Sinarado ko na din yong pinto at inilagay ang dress sa kama.

Maganda naman ang binili ni dad. Napakasimple lang nito kung titingnan.

Nagbihis na rin ako at pagkatapos kong magbihis ay naglagay lang ako ng hindi masyadong makapal na make up.

Binuksan ko din yong drawer sa study table ko at kinuha ang pinakaiingatan kong bagay mula noong namatay si mommy.

Isang simpleng silver necklace na binigay ni mom sakin bago siya namatay.

Binili lang ito ni mommy noon sa gilid ng daan. Pero kahit mura lang ito, napakaganda naman ng designs nito.

Letter C yong pendat na nakalagay sa necklace.

Minsan ko lang din ito sinusuot dahil natatakot akong mawala ito.

*

Lumabas na ako ng bahay matapos ko sa lahat. Nakita ko ang kotse ni dad na naghihintay na rin.

Pinagbuksan ako ni manong ng pinto tsaka na ako pumasok.

"Sa susunod.. bilisan mo na ang kilos mo." biglang sabi ni dad sa tabi ko habang nakasilip ito sa labas ng bintana ng kotse.

"Yes po dad." sagot ko na lang dito. Pinaandar na rin ni manong ang kotse bago kami lumabas ng gate.

Tahimik lang kami sa buong byahe ni dad. Ayokong magsalita dahil baka di rin niya ako kakausapin.

NapaAWKWARD naman nito -_____-

Hindi lang kasi ako sanay na magkatabi at magkasama kami sa loob ng kotse.

"we're here." tipid na sabi ni dad.
Sumilip naman ako sa labas ng bintana ng kotse at nakita ang isang napakalaking restaurant.

Ang Ne'Saranghaeyo Foods Restaurant.

So, andito na nga kami.

Pinagbuksan muna kami ni manong ng pinto bago kami bumaba ni dad ng sasakyan.

Napansin kong may lumapit kaagad na isang lalaki kay dad at kinausap niya ito.

"Ok sir. This way po. Naghihintay na po siya sa private room." ang tanging narinig kong sabi nong lalaki kay dad.

"ok. Thank you!" pormal na sabi ni dad dito. Naglakad na rin si dad at sinundan ang lalaki habang ako ay nasa likod lang din ni dad.

Huminto kami sa isa sa private room at unang pumasok yong lalaki sa loob.

5 segundo lang ata yong lalaki sa loob bago ito lumabas.

"Pwede na po kayong pumasok sir." ngiti nitong sabi kay dad tsaka niya binuksan ang pinto ulit para makapasok kami.

Unang pumasok si dad at sumunod naman ako...

"Goodmorning sir." rinig kong sabi ng boses ng babae.

"Goodmorning din iha" sagot naman ni dad rito.

Nagulat naman ako at napahinto ng makita ang isang babaeng nakatayo at nakatingin na pala sakin.

O_____O teka?

Bakit kamukhang kamukha niya si dani? siya na ba ang babaeng kambal ni dani?

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa hindi ko malaman na dahilan nang matitigan ko rin siya.

At ang kabang nararamdaman ko ay katulad din sa tuwing matitigan ko si dani. Pero bakit?

Bakit pareha lang yong kabang nararamdaman ko sa kanilang dalawa ni dani? anong ibig sabihin nito? >____<

To be contnued...

****************************************************************

a/n: ayan na! Hihi. Bitin na naman :3

ps. Unedited

- YourNotMyType14 -

























Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
18.8K 651 19
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
185K 8.2K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...