She's My Man(girlxgirl)

By YourNotMyType14

348K 13.1K 2.4K

WARNING: this story is GxG, I repeat GIRL TO GIRL po ito. So, kung ayaw niyo po sa ganitong storya o hindi ka... More

PROLOGO
Prologo 2
Poging Danica
Dani's Friends
Cassandra Del Rio
Read This.. thanks!
First Time
Nice One Danica!
The Revenge Plan
Her Revenge
S.H.I.T Day!
S.H.I.T Day( continuation)
Weird Feelings
Hatred
Won
Guilt
Invitation
House Party
The Characters
Jealous or Not?
Clarisse Reyes
Her feelings
Si Bruhang Maarte
He knows
The Favor
Favor 2
School Anniversary 1
School Anniversary 2
School Anniversary 4(The Party)
School Anniversary(The Party 2)
Her POV
Her POV 2
Her POV 3
Her Confession
His Ex
AVOIDANCE
Ang CR
Grace Plan
MatMat
Road to tagaytay
Beach Please!
Beach Please!(Part2)
Beach Party
Kiss and Touch
Last
CHANGES
Oh No!
Her and Her
Her and Her 2
Trouble!
Two of us
Don't care
Can you be mine?
Selfishness
AUTHOR'S NOTE
Memories

School Anniversary 3

6.1K 254 39
By YourNotMyType14

Danica's POV

"Dani.. ayusin mo nga yong dalawang microphone tsaka na din yong isang gitara.. punasan mo na din yong nga yon." utos sa akin ng presidente ng classroom namin.

Andito nga pala kami sa booth namin at tumutulong na rin sa mga gawain. Matapos kasi ang kulitan na nangyari kanina sa tambayan ay napagdesisyonan na lang ng tropa na tumulong sa mga gawain dito sa booth namin. Baka din kasi magalit na naman yong babaeng si frenzy at sabihin na naman daw na wala daw kaming silbing anim.. -_____-

"Ok.." tipid kong sagot dito. Tinungo ko agad kung saan nakalagay ang dalawang microphone at ang katabi naman nito ay ang isang gitara.

Kinuha ko muna ang isang microphone at tiningnan ko muna ito kung wala bang sira o kaya maalikabok ito.

"Tulungan na kita?" Agad akong napatigil sa ginagawa ko nang marinig kong may nagsalita mula sa likuran ko.

"Kiko.. ikaw pala. Sige" ngiti kong sabi.

Ngumiti naman siya sakin habang inaayos niya ang salamin sa mata niya.

"So... hindi pa ba tumatawag 'yong kambal mo sa'yo?" Biglang tanong niya sakin habang pinupunasan niya ang isang microphone.

"Hindi pa eh.." sagot ko sa kanya.

"Tawagan mo na lang kaya siya? Para sabihin sa kanya na may nakakaalam na sa sekreto niyong dalawa.."
Agad na naman akong napahinto ng marinig ko ang sinabi niya tsaka ko siya tiningnan.

"Hm. Di pwede eh, sabi kasi niya.. siya na lang daw ang tatawag." Sagot ko sa kanya.

"Ganun? Eh alam mo ba kung kailan ang contest ng battle of the band?"

Teka? Oo nga noh? Hindi ko nga alam kung kailan iyon. Hindi ko din kasi natanong kay kambal kung kailan.

"Hmmm. Hindi eh.. siguro itatanong ko na lang iyan kung sakaling tumawag siy-"

"Nagtatrabaho ba kayo o nag uusap lang?"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may babaeng bigla na lamang nagsalita.

Sabay kaming napalingon ni kiko sa babaeng iyon at nakita namin ang nakacross arms niyang mga kamay at ang nakataas niyang kilay.

"F-frenzy.." tawag sa kanya ni kiko.

"Andaming gawain dito sa booth, tapos kayo.. nag uusap lang diyan? Aba! Ang swerte niyong dalawa ah!" Mataray niyang sabi samin.

Nagkatinginan na lamang kami ni kiko matapos niyang sabihin iyon at hindi na muling nagsalita pa.

Grabe! Napakataray naman ng babaeng 'to! -____-

"Tsk! Tapusin niyo na yan! May marami pang tatrabahoin oh!" Dagdag niya pang sabi samin tsaka siya umalis sa harapan namin.
***

Lumipas ang oras at sa wakas ay natapos na rin ang lahat ng gawain sa booth ng section namin. May ibang kaklase namin ay pagod at yong iba naman ay wala lang..

"Guys! Kitakits na lang tayo bukas ah!" Masiglang sabi ni nico sa tropa.

"Oo!" Sabay sabay naming sabi sa kanya.

Isa isa na sana kaming sasakay sa mga sasakyan namin para na rin makauwi ng may pahabol pa si nico..

"Wait lang guys! Dapat may mga partner na kayo bukas ah para sa party, kasi ako.. meron na!" Nakangising sabi niya samin.

"Tss! Tumahimik ka!" Nakasimangot na sabi sa kanya ni alfred.

"Hahaha! Tahimik mo mukha mo! Inggit ka lang kasi wala kang partner bukas!" Matawa tawang asar sa kanya ni nico.

"Gagooooo!" Inis namang sagot nito sa kanya.

"Oy oy oy! Tama na nga yan! Magsiuwi na tayo para makapagpahinga!" Suway sa kanila ni france.

Sumang ayon naman ang lahat at isa isa na nga silang nagsipasukan sa sasakyan at pinaharurot na ito agad, habang kami naman ni kiko ay naiwan.

"Pano danica.. alis na ako." Bulong na sabi sakin ni kiko. Ngumiti lang ako sa kanya tsaka ako tumango.
Pumasok na din siya sa sasakyan niya tsaka na din siya umalis.

Papasok na din sana ako sa sports car ko ng may tumawag sakin mula sa likuran ko.

"Dani.."

Nilingon ko naman ito at tumambad sa harapan ko ang mukha ng isang babaeng nakataas na naman ang kilay.

"Ahm.. frenzy, ano yon?" Tanong ko sa kanya.
Napansin ko namang tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tsaka siya nagcross arms..

"Wag mong kakalimutan na kakanta tayo bukas.." mataray na naman niyang sabi bago siya tumalikod sakin at umalis.

Bumuntong hininga na lamang ako at hindi na lamang pinansin ang pagtataray niya.
Pumasok na ako ng sports car tsaka na ito pinaandar. Aalis na din sana ako ng mapansin kong may nagtext sa white phone ko kaya tiningnan ko muna ito..

From clarisse:
Hi dani... bukas ah, sunduin mo na lang ako sa bahay namin ng 8pm :)

Matapos kong mabasa iyon ay nireplyan ko na muna siya ng "ok" tsaka na ako umalis sa parking lot.

**

*Riiiiiiiiiing!*
*Riiiiiiiiinggg!*
*Riiiiiiiinnnggg!*

Habang nagmamaneho ako sa gitna ng daan ay narinig ko namang tumunog ang pink phone ko.

Tiningnan ko muna kung sino ang taong tumatawag sakin..

I cleared my throat first bago ko ito sinagot.

"Yes manager Han?" Sabi ko sa taong tumatawag sakin.

"Hello po maam danica.." sagot naman nito sa kabilang linya.

"May kailangan po ba kayo?" Magalang kong tanong habang nakatuon pa rin ang paningin ko sa daan.

"Ahm.. tungkol po kasi ito sa nagmamay ari ng necklace na ibinigay ko po sa inyo kahapon maam."

Napakunot noo naman ako sa narinig kong sinabi niya.

"Sa necklace? Ano? May naghanap ba?" Tanong ko sa kanya.

"Opo maam.. at ang nagmamay ari po pala sa necklace na iyon ay walang iba kundi ang anak ni mr. Jose Del Rio.. pumunta po kasi siya rito at hinanap niya po ang necklace na iyon.."

At ng marinig ko ang sagot niyang iyon ay hindi ko mapigilang mapangiti sa hindi ko malaman na dahilan.

Tama nga ako.. sa kanya nga ito.

"Tapos? Ano namang isinagot mo sa kanya?" Tanong ko na naman ulit sa kanya.

"hm.. sabi ko po na nasa inyo po yong necklace.. at ikaw na lang po ang magbibigay sa kanya." Sagot agad niya sakin.

"Sige manager han.. salamat." Ngiti kong sabi.

"Walang anuman po iyon maam.." huling sabi niya sakin bago ko pinatay ang tawag.

Nagpatuloy na din ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating ako ng condo building.

** Kinabukasan **

*Ding Dong!*
*Ding Dong!*

Nagising ako mula sa narinig kong tunog ng doorbell kaya naman wala akong magawa kundi bumangon sa hinihigaan ko at nagsuot na rin ng pang ibabang saplot bago ako lumabas ng kwarto. Tinungo ko ang pintuan at bago ko ito binuksan ay tiningnan ko muna sa intercom kung sino ang taong nagdodoorbell, baka kasi mamaya yong tropa na naman ito ni kambal..

Nakahinga naman ako maluwang ng makita kong si kiko lang pala ito.

Pero teka? Ano naman ginagawa ni kiko rito sa ganito kaaga?

Kahit nagtataka ako ay binuksan ko pa rin ang pinto at antok ko siyang tiningnan.

"GoodMorning danica.." ngiting pagbati niya sakin.

Napatingin naman agad ako sa dala dala niyang isang plastik ng mapansin ko ito.

"Ang aga pa kiko.. ano bang ginagawa mo rito? At ano ba yang plastik na dala mo?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

6:04 am pa kaya ngayon.. -____-

"Hmm.. eto ba? Pagkain 'to danica.. bumili na lang ako para di ka na magluluto pa ng breakfast natin." Nakangiti niyang sagot sakin habang pinakita pa niya sakin ang plastik.

"Aaah! So ganun? Pumunta ka lang rito para kumain?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi ah! Pumunta din ako rito para pag usapan 'yong pagkanta mo ngayon kasama si frenzy. Baka nakalimutan mo ata ang bagay na 'yon danica.." sagot muli niya sakin.

Nang marinig ko naman ang sinabi niya ay bigla namang nawala ang nararamdaman kong antok.

Ay naku! Oo nga pala! Kailangan ko pa palang lusotan ang bagay na 'yon! >_____<

**

"So.. paano na? Paano natin lulusotan ang problemang ito?" nanlulumong tanong ko kay kiko. Andito kami ngayon sa kusina habang inihahain ang kanin sa mesa at ang ulam na dala niya.

"tsk! Kumain ka nga muna diyan danica.. wa'g mo munang isipin ang problemang yan." sabi naman niya sakin.

"Hm.. paano kaya kung tanggihan ko na lang siya kiko.. sasabihin ko na lang na ayokong kumanta." Sabi ko sa kanya.

Umiling naman siya sa sinabi ko tsaka siya nagsandok ng kanin.
"Hindi danica.. kilala ko 'yong frenzy na yon.. hindi yon papayag sa gusto mo." Sagot niya bago niya isinubo ang isang kutsarang pagkain sa bibig niya.

"Eh paano nga kiko? Wala na akong ibang maisip eh! Alangan namang pumayag na lang ako na kumanta kasama siya? Kiko naman.. ang hirap kaya magboses lalaki habang kumakanta ka. Tsaka, di din ako marunong kumanta noh!" Mahaba habang sabi ko sa kanya.

"Tsk! Ano ka ba.. syempre di din naman ako papayag na kumanta ka." Sabi niya agad sakin tsaka siya tumahimik at nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain.

Hinihintay ko na lamang na magsalita ulit siya kaya naman sumandok na muna ako ng kanin at ulam.

Tch! Kung makaasta ang lalaking to ngayon parang wala lang sa kanya! Sabagay, hindi naman siya yong mabubuking eh. At hindi sa kanya ang problemang to kundi sakin! >____<

"Hoy kiko.. ano bang nasa isip mo ha?" Tanong ko na lang sa kanya.

Huminto naman siya sa pagkain at tiningnan niya ako ng nakangiti.

"Iniisip ko? Hm.. wala naman. Naisip ko lang na pwedeng ako na lang papalit sayo sa pagkanta." Sagot bigla niya sakin.

Napataas ang isang kilay ko sa narinig. Ano daw sabi niya? Siya ang papalit sakin sa pagkanta? Talaga lang ha!? -_____-

"Oh really kiko? Marunong ka bang kumanta?" Nakacross arms kong tanong sa kanya.

"Aba! Oo naman! Pangalawa kaya ako sa kambal mo! Maganda din boses ko noh. Hindi lang talaga ako mahilig sa pagkanta. Pero para diyan sa problema mo, kakanta na lang ako " sagot naman niya sakin.

Agad naman akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi niya.

"Talaga bang ikaw na lang papalit sakin kiko? Yess! Thank you talaga ng madami kiko!" Nakangiti kong sigaw sa kanya.. at dahil na rin sa sayang naramdaman ko ay di ko mapigilang mapatayo at lapitan siya tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.

"Maraming maraming salamat talaga!" Ulit kong sabi bago ako kumalas ng pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya.

Napakunot naman ang noo ko ng makita kong nakaawang ang bibig nito at halata sa mukha nito ang gulat.

Teka? Anong problema ng lalaking 'to ngayon? -____-

"Hoy! Problema mo?" Taka kong tanong sa kanya.

"H-ha?! Ahm.... w-wala d-danica. K-kumain na nga lang tayo, nagugutom na ako eh." Mabilis naman niyang hinarap ang pagkain niya at kumain.

Nagkibit balikat na lamang ako sa ikinikilos nito at bumalik na rin sa kinauupuan ko.

**

"Whaaat!?" Malakas na sigaw ni frenzy mula rito sa booth ng section namin.

"Yep! Narinig mo di ba? Si kiko na lang daw ang kasama mong kumanta imbes na si dani." Ulit namang sabi ni james sa kanya.

"Hindi ako bingi at narinig ko ang sinabi mo!" Mataray niyang sagot kay james.

"Tss! Eh bakit may pa'what what ka pang sinasabi diyan?!" Singit naman ni nico sa kanya.

"Excuse me lang! Ang ibig sabihin ng what na 'yon ay kung bakit si kiko at hindi si dani? Tss! Ang bobo mo noh! Tsaka, wag ka ngang sumisingit diyan, hindi ikaw kinakausap ko!" Nakacross arms niyang sabi kay nico.

Sumimangot na lamang si nico at hindi na lamang nagsalita.

"Guys guys guys! Pwede bang wag kayong mag away? Frenzy, pumayag ka na lang na si kiko kasama mong kumanta. Ayaw ni dani kaya wag na natin siyang pilitin." Mahinahong sabi naman ng president ng classroom namin.

"Tsk! Whatever! Basta siguradohin niyo lang na maganda boses niyang si kiko" Mataray na lamang niyang sagot tsaka niya ako tiningnan ng masama at umalis sa harapan namin.

"Okay guys! Get ready! Magsimula na tayo!" Biglang sigaw ng president namin.

Nagsiayos na din yong iba sa mga gawain nila.

"Kiko bro, akala ko ba ayaw mong kumanta? Bakit ngayon.. pinalitan mo pa si dani?" Biglang tanong ni alfred kay kiko.
Napatingin naman si kiko sakin habang nakangiti.

"Hm. Wala lang bro, parang gusto ko lang kumanta ngayon." Sagot naman nito kay alfred.

"Hoy bro, pumwesto ka na do'n kasama si frenzy, goodluck na lang sayo!" Ngising sabi naman ni france sa kanya.

"Tsk! Oo na!" Sagot din ni kiko sa kanya bago siya naglakad papunta sa tabi ni frenzy na ngayo'y nakataas pa rin ang kilay at nakatingin pa rin ng masama sakin.

Teka nga! Ano bang problema ng babaeng 'to, bakit ang sama pa rin ng tingin nito sakin? -_____-

Itinuon ko na lang ang tingin ko sa iba at hindi na lamang pinansin ang masamang tingin niya sakin.

*
Nagsimula na rin silang kumanta. Maraming mga student ang lumalapit sa booth namin at nagrerequest ng mga kanta para sa mga taong mahal nila.

"Hi to my beloved baby moosh john ignacio.. i love you so much.. ikaw talaga ang buhay ko! This song is for you!
-Your baby moosh Iya." rinig kong pagbasa sa isang maliit na papel ni frenzy na nakahawak pa ng mikropono.
"Oh john ignacio daw, kung saan ka mang lupalop naroroon. Pakinggan mo 'tong kantang dinedicate ng gf mo! 'Buko' ka daw niya.. Pero bago namin to kakantahin ng kasama ko dito, may sasabihin lang muna ako..... WALANG FOREVER kaya maghihiwalay din kayo!" Nakataas kilay niya pang dagdag bago nagsimula ang tugtog ng kanta.

At dahil nga din sa sinabi niya.. may mga estudyante sa paligid na nagtawanan at may nagbulungan sa kanilang narinig.

Napailing na lamang din ako nang marinig ko iyon. grabe! Ang taray na nga niya, ang bitter pa! Psh! -_____-

Nagsimula na rin kumanta si frenzy at masasabi kong napakaganda nga talaga ng boses niya. Hindi ko man alam kung anong lyrics ng kinakanta nito, pero alam ko kung anong title ng kanta..

(Now Playing)
* Buko(buhay ko) by: Jireh Lim *
(A/n: di ko na po isusulat ang lyrics ng kanta)

Nang nasa chorus na sila ay sabay naman silang dalawang kumanta. Di ko mapigilang mapangiti ng marinig ko ang boses ni kiko. Tama nga siya, maganda nga talaga ang boses niya.

Habang nanonood at nakikinig ako sa kanila ay naisipan kong pumunta muna ng cr para na rin umihi.

"*Ehem* Bro, excuse lang ha.. ihi muna ako." Pagpapaalam ko sa katabi kong si france na naglalaro ng psp.

"Oh sige sige bro.." sagot naman nito habang busy pa rin ito sa kakalaro.

Umalis na muna ako sa booth namin at naglakad.. may marami naman akong nadadaanang iba't ibang booth na ginawa ng mga student rito sa university. May marriage booth, may jail booth, blind date booth, Photo booth,Love Letter's booth at yong iba naman ay hindi ko na alam. May mga student din na nagbebenta ng kung ano ano..

At sa lahat ng nadaanan kong mga booth ay natuon ang pansin ko sa isang booth na pinalilibutan ng maraming student. Narinig ko pang nagsisigawan sila ng salitang "kiss", kaya naman dahil na rin sa nacurious ako ay lumapit ako sa nagkukumpulang estudyante.

Gusto ko lang kasing makita kung anong meron sa booth na 'yon.

"Excuse me.. excuse me.." Nakangiti kong sabi sa mga student na nadadaanan ko. Sumiksik ako ng sumiksik hanggang sa makita ko na kung anong meron do'n.

...At ang ngiting gumuhit sa mga labi ko ay naglaho na lang bigla ng makita ko sa harapan ang dalawang taong kilalang kilala ko na unti unting naglalapit ang mga mukha sa isa't isa na para bang maghahalikan na sila..

Hinawakan ko ang dibdib ko nang maramdaman ko ang kirot ng puso ko..

Ganito din yong naramdaman ko kahapon ng makita ko silang magkayakap..

Napatingin naman ako sa booth na naroon at binasa ang malaking karatula..

Kissing Booth.

Halos ilang dangkal na lamang ang kanilang mga mukha ng wala sa sariling tumalikod ako at tumakbo papalayo sa booth na iyon. Hindi ko alam kung bakit ayoko silang makita.. kung bakit ayokong makitang magdikit ang mga labi nila sa isa't isa.. na naghahalikan sila.

Hingal akong huminto sa pagtakbo at natagpuan ko na lamang ang sarili ko rito sa tambayan ng tropa ni dani..

Habang humuhugot ako ng hininga ay naalala ko ang masayang mukha ni del rio kanina na unti unting lumalapit sa mukha ni gino.

Bakit ba ganito? Dapat wala naman akong pakialam sa kanya o sa kung anong gawin nilang dalawa di ba? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Oo, Aaminin ko! Nasaktan ako sa nakita ko.. pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit.


To be continued...

************************************************************************************************
A/n: orayt! This is the update guys! Natagalan na naman eh.. hihi! Busy si author so pasensya na! ^___^
Salamat sa paghihintay niyo guys!

Ps. HAPPY HALLOWEEN readers!

- YourNotMyType14 -

Typo errors √√√

Next Chap: School Anniversary 4(The Party)

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 77.1K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
2.1M 99K 38
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
567K 6.4K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2024
17M 731K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...