GENTLEMEN Series 1: Cain Sand...

بواسطة dehittaileen

2.5M 59.1K 1.6K

Para kay SPO3 Gen Phoebe, katarungan para sa pagkamatay ng kapatid niyang si Claire ang kailangan niya. Ang h... المزيد

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue

Chapter Thirty

39.5K 989 6
بواسطة dehittaileen

Chapter Thirty

"Salamat sa masarap na merienda at hapunan."

Matamis na ngumiti naman si Shane kay Gen mtapos sabihin iyon. "Maliit na bagay. Sana makabalik ka pa muli dito para maturuan mo naman ako ng iba pang recipe mo."

Tumango naman si Gen. "Tawagan mo lang ako. Saka hindi ka mahirap turuan." Sinserong sabi niya.

Aaminin niya. Natuwa siya sa presensya nito. Tinuruan niya kasi ito gumawa ng empanada. Nakakatuwang naengganyo ito kaya nawili silang pareho sa pagluluto. "Matagal ko na kasing hindi nagagawa ang ganoon. Yung may kasama ka sa kusina." Sabin i Shane.

"Pareho pala tayo. Matagal na rin kasi mula nang huli akong magluto na may kasama sa kusina." Mapait niyangs abi. Noon ang kasama niyang gawin ang mga r ecioe na iyon ay ang ina niya. Si Claire naman ay matiyaga rin niyang tinuturuan.

Hinawakan naman siiya ni Shane sa braso. "You can come here anytime."

Gen smiled sincerely pagkatapos ay napatingin siya sa bukana ng pintuan at saka niya natanaw ang asawa nito. Finally, she is able to come closer to him. Konting tiis nalang at makukukha na niya ang hustisya para kay Claire. Madali na ang pagkalap ng ebidensya ang dapat nalang niyang ipokus ay kung kanino siya mag uumpisa. Batid niyang nakabuntot si Kennedy sa mga gingawa ni Cain ngayon and this is her time naman para patuloy na imbestigahan si Gregory. Nagpaalam na si Gen kay Shane at saka lumayo na sa lugar.

Nag usap sila ni Kennedy na magkikita ngayong gabi dahil may mga bagay daw itong sasabihin sa kanya. Pero pauwi palang siya sa apartmen niya nang makatanggap siya muli ng tawag kay Kennedy na bukas nalang ng umaga dahil may importante daw itong tawag sa opisina. Pasado alas siyete nan g gabi nang hminto ang sasakyan niya sa tapat ng apartment niya. Ngunit hindi pa siya nakakababa ng sasakyan ng mapuna niya ang bulto ng isang lalaki na nakaupo sa bukana ng tarangkahan niya at may katabing bata.

Mula sa sinag na nagmumula sa mga porch light ng mga katabi niyang unit ay kilala niya ang mga iyon. Si Jimboy ag batang nakaupo.

"Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong niya nang makababa siya ng sasakyan at makalapit sa unit niya.

Si Cain Sandoval ang taong katabi ni Jimboy at kausap. Si Jimboya ng sumagot sa tanong niya. "Ate kanina pa dito si kuya Cain, hinihintay ka niya."

Kumunot ang noo niya saka naman ngumiti ang lalaki sa kanya. "Hi."

"Bakit ka nandito?" Ulit niya.

Ngumiti na naman ito. Na labis niyang kinatataka. Mukha itong naengkanto dahil ngiti ng ngiti sa hindi niya malamang dahilan.

Nakita niya na siniko ito ni Jimboy. "Sige na kuya sabihin mo na." Sugsog ng bata.

Nakita din niya an nagbulungan ang dalawa. Hindi niya nauunawaan ang ginagawa ng mga ito, ang pagdating ni Cain at ang bakyt bigla ay pagiging close ng dalawa. Pinagkrus niya ang mga braso at saka niya tinaasan ng kilay ang dalawa.

"Magsasalita ka ba o papasok na ako sa loob?" Tanong niya muli.

"Ganito kasi yan ate. Si kuya Cain nagpungta dito kasi gusto ka---." Naputol ang sinasabi ni Jimboy nang takpan ni Cain ng palad nito ang bibig ng bata.

"I just came here to ask you, if you like to go out with me tonight." Then Cain slowly removed his hand on Jimboy's lips.

Bumuga muna ng hangin si Jimboy bago tumingin kay Cain. "Ano ba yan kuya ang torpe torpe mo. Sasabihin mo lag na gusto mo siya idate ang tagal tagal pa. aalis na nga ako baka lalo ka pa matorpe."

Kamot kamot ng ulo na lumaho si Jimboy sa kanila. Sinundan lang niya ng gtingin nag bata hanggang sa makapasok ito sa unit ng mga ito. Gaya niya ay wala na ring ina ang bata. Namatay daw sa isang aksidente ang ina nito mula sa pagkakabundol ng isang sasakyan. Kaya naman ang lola na lamang nito ang nagpalaki dito.

Minsan niyang nakausap ang lola ng bata at ang sabi nito ay hindi daw nila nakilala ang driver ng sasakyan na nakabunggo sa anak nito. Base din sa pagkakakwento nito ay biktima ang anak nito ng isang Hit and Run incident. Isang taong gulang pa lamang daw si Jimboy nang mangyari iyon kaya hindi rin nito maalala ano nga ba ang hitsura ng ina nito kung di nakikkita lamang daw nito sa mga lumang litrato. Nangako siya sa maglola na kapag natapos niya ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Claire ay tutulungan niya ang mga ito na malaman kung sino ang salarin sa pagkamatay ng ina ni Jimboy.

Narinig niya ang tikhim sa tabi niya. "I guess hindi ka available. Babalik nalang siguro ako sa ibang araw."

Nilingon niya si Cain. "Bakit bigla bigla yata ang pag aaya mo?"

"Maybe, I just wanna have time with you. Hindi na rin kasi tayo nakapag usap kagabi pagkatapos kitang ihatid." Paliwanag nito sa kanya.

Ang sabi ni Kennedy sa kanya sa text messages ay nasa opisina lang daw buong maghapon si Cain. Hinihintay nga daw nito kung aalis ang binata para sundan pa ito ngunit hindi na daw umalis pa. Tinignan niya ang relong pambisig. Maaga pa naman ngunit naghapunan na siya ng maaga s abahay nina Lopez.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya.

Ngumiti lang agad si Cain. "Anywhere you like."

Tumaas ang sulok ng labi niya. Galawan ng mga lalaking gusto ka lang pasakayin. "Bakit saan ba maganda?"

Tumitig si Cian sa kanya saka matiim na sumagot. "You'll see."

"Okay. Magpapalit lang ako." Aniya dito.

Tumango ang binata saka hinayaan siyang makapsok sa loob ng apartment niya. Pinatuloy naman niya ito at minuwestra ang pandalawahang sofa niya doon. Nagpaalam siya na magpapalit lang ng damit at saka pumasok siya sa nag iisa niyang silid doon. she doesn't want to impress him pero gusto lang niyang maging maayos ang hitsura niya dito. Isa pa, maghapon na niyang suot ang damit niya plus, nagluto pa siya s abahay ni Lopez kaya nasisiguro niya na amoy kusina na rin siya. Binuksan niya ang closet niya saka humila doon ng isang bagong labang pantalon at pinarehasan niya ng isang blouse na kulay dilaw. Ang sapin naman niya sa paa ay simpleng strappy sandals lang. pagkatapos ay humrap siya sa salamin at tinignan ang ayos ng buhok niya. Hindi sya kagaya ng ibang mga babae na pabalik balik sa salon upang ipaayos ang buhok. Siya naman ay kontento na sa gupit ng buhok niya na madalas ay napapagkamalang tomboy siya.

Kinuha niya ang brush at saka bri-nush niya ng buhok. Nilagyan lang niya ng itim na hairpin ang gilid iyon upang di bumaba sa noo niya ang maliliit na hibla. Pinahira lang niya ng konting lip balm ang labi at saka na lumabas ng silid niya. She saw cain keaning on the sofa habang nakataas ang paa nito sa center table na naroon with bis eyes closed.

Ganoon na ba siya katagal na angbihis para makatulog ito sa paghihintay sa kanya? Tanong niya sa sarili. Dahan dahan siyang lumapit dito at hindi napigilan na titigan ito. Makapal at malalntik ang mga pilik mata nito at binagayan din ng makapal na kilay na itim na itim. Di hamak naman na mas matangos ang ilong nito kompara sa kanya. At ang mga labi nito ay tila labi na gugustuhin niyang halik halikan.

Ipinilig niya ang ulo. Walang kakaiba sa lalaking ito maliban sa mga sikretong itinatago sa kanya. Pero naramdaman na naman niya ang sarili na nakatitig muli dito. At saka siya napatanong at napaisip. Does he really capable of killing someone? Mabait ang mga magulang nito at galing sa respetadong pamilya hindi rin niya lubos maisip kung kaya nga ab talaga nitong patayin ang isnag abbae na walang kalaban laban dito? Ganoon nga ba talaga ang nagagawa ng pag ibig? Nakakagawa ng masama sa ngalan lang niyon? Hinamig niya ang sarili. Hindi na mahalaga kung kaya ba nito o hindi na gawin ang bagay na iyon ang importante ay malaman niya ang totoo. Mababago pa ban g pagkatao nito ang katotohanang minsan naging masama ito? May mababago pa ba kung mapapatunayan nito s akanaya na mabuti itong tao kung may siang buhay na ang nawala dahil dito?

Lumapit pa siya ng bahagya at akma itong tatapikin sa braso ng kusa nang magmulat ang mga mata nito. "G-Gigisingin na sana kita. Nakatulog ka na pala." Aniya dito.

Ngumiti lang ito sa kanay saka inayos ang sarili. "Sorry. Ang dami lang kasing trabaho kanina."

"It's fine. Sigurado ka ba? Pagod kana pwede namang sa ibang araw nalang." Aniya muli.

Umiling ito. "No. okay lang. napa oo na kita ngayon. hindi ko na sasayangin yung chance na ito."

Tila may biglang kumiliti sa kanya dahil sa sinabi nito. Hindi pala siya manhid dahil kahit paano ay tinablahan siya ng salita nito at pagpapacute sa kanya. "Tara na nga. Kung ano ano an ang mga sinasabi mo. Gutom lang yan."

Hinila lang niya ito patayo at nagpahila naman sa kanya. Hindi niya gustong makita nito ang pamumula ng mga pisngi niya. Nang maisara niya at mailock ang pituan niya ay saka naman nauna na siyang maglakad palabas ng apartment building niya. Nakasumod naman ito sa kanya hanggang sa tumapat siya sa pamilyar na sasakyan nito na nakaparada sa gilid.

"Yellow color really suits you a lot." Napatingin siya dito. "Because you really look good tonight."

Ang kilig na nadama ay tuluyan na niyang hindi naitago dito dahil alam niya na pulang pula ang pisngi niya sa harapan nito dahil sa papuring binigay sa kanya.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

60.8K 1.6K 53
Would you still love even if you had a worst past? Well, maybe. Lets just know everything.
2.5M 54.6K 50
He killed himself. He died after he choose to live in hell , after his wife died in the car accident kasama ang anak nilang hindi pa man nito naiisil...
878K 17.6K 24
She has no power to fight against her grandfather. kaya naman Nikita Kim choose to left and hide. Sawang sawa na siya sa paulit ulit na pangingialam...
1.6M 35.8K 45
GENTLEMAN series 10: Jorge Felipe Dioann life is like a piece of crumpled paper. Magulo at gusot gusot. She was in the peek of suicidal when the rea...