She's My Man(girlxgirl)

By YourNotMyType14

346K 13K 2.4K

WARNING: this story is GxG, I repeat GIRL TO GIRL po ito. So, kung ayaw niyo po sa ganitong storya o hindi ka... More

PROLOGO
Prologo 2
Poging Danica
Dani's Friends
Cassandra Del Rio
Read This.. thanks!
First Time
Nice One Danica!
The Revenge Plan
Her Revenge
S.H.I.T Day!
S.H.I.T Day( continuation)
Hatred
Won
Guilt
Invitation
House Party
The Characters
Jealous or Not?
Clarisse Reyes
Her feelings
Si Bruhang Maarte
He knows
The Favor
Favor 2
School Anniversary 1
School Anniversary 2
School Anniversary 3
School Anniversary 4(The Party)
School Anniversary(The Party 2)
Her POV
Her POV 2
Her POV 3
Her Confession
His Ex
AVOIDANCE
Ang CR
Grace Plan
MatMat
Road to tagaytay
Beach Please!
Beach Please!(Part2)
Beach Party
Kiss and Touch
Last
CHANGES
Oh No!
Her and Her
Her and Her 2
Trouble!
Two of us
Don't care
Can you be mine?
Selfishness
AUTHOR'S NOTE
Memories

Weird Feelings

6.1K 208 10
By YourNotMyType14

A/n: short chap lang ito, kaya pagpasensyahan niyo na.. sana magustuhan niyo pa din! ^___^

Ps. Typo errors √√√

Lovelots :*

************************************************************************************************

Cassandra's POV

Matapos nila akong iwan ritong nakatayo pa rin ay napagdesisyonan ko na lang pumasok ng classroom namin.

Hindi naman ako pinansin nong teacher namin ng pumasok ako. Malamang, takot lang niyang mapaalis siya rito sa school at baka siya mapagdiskitahan ko sa inis at galit na nararamdaman ko ngayon. 

Diba dapat masaya ako sa nakita ko at nangyari sa kanya kanina? Pero eto ako ngayon, naiinis at nagagalit! Peste!

And yes! Naiinis ako! Naiinis ako! Nagagalit ako! Naiinis at nagagalit ako sa sarili ko, dahil sa nararamdaman ko ngayon!

Lungkot..

Ewan ko ba kung bakit nararamdaman ko ngayon iyan! Simula nong sinabi ng monkey guy na iyon ,na hindi ako importante sa kanya , yan na nararamdaman ko! Peste talaga!

Pakialam ko ba kung hindi ako importante sa kanya? Eh, mas lalo naman ako noh! Hindi din siya importante sakin. Bwesit siya! Pero bakit ba ako nalulungkot ng ganito? Ugh! Nakakainis na talaga! >_______<

'Yong monkey guy na iyon, siya may kasalanan kung bakit ang weird ng nararamdaman ko ngayon! Bakit ba palagi na lang niya akong iniinis at ginagalit?!

Arrrrgh! Siguradong magsisisi siya!

Mapapalayas rin kita rito sa school monkey guy!

Padabog akong umupo sa sarili kong upuan katabi yong dalawa. Nagsitinginan naman ang ibang pesteng kaklase ko matapos kong makagawa ng ingay, pero pinanlakihan ko lamang sila ng mata.
Wala na naman ako sa mood magsalita ngayon. Kainis!

Agad naman nilang iniwas ang mga tingin nila sakin at nakinig na lang sa nagtuturo sa harapan.

"Whoa girl! Mukhang wala ka sa mood ngayon ah!? Anong nangyari?" Rinig kong tanong ni dianne.

Sinamaan ko siya ng tingin..

Alam pala niyang wala ako sa mood, nagtatanong pa kung anong nangyari kanina! Nambwebwesit na naman ba to?! Peste! >___<

"Tumahimik ka dianne, kung ayaw mong masipa kita palabas rito sa classroom!" Pagpipigil ko ng galit sa kanya.

"Grabe ka naman girl! Ang init masyado ng ulo mo!" Gulat niyang sabi sakin.

"Isa!" Sabi ko at pananlakihan ko na siya ng mata.

"Oo na girl! Tatahimik na! Geez! Nakakatakot ka! Makikinig na nga oh! Makikinig na ako kahit boring! Tch." Simangot niyang sabi sakin. Narinig ko namang tumawa ng mahina si grace sa tabi niya kaya sinamaan din niya ito ng tingin.

Hindi ko na lamang sila pinansin dahil wala talaga ako sa mood ngayon.

——

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!*
(Lunch time..)

Andito na kami ngayon sa cafeteria.. Tahimik pa rin akong kumakain, dahil wala pa rin ako sa mood magsalita.
Narinig ko namang nagsalita si dianne kaya hininto ko muna ang ginagawa ko.

"Girl, look oh! Si cute guy andito na." Turo ni dianne sa entrance ng cafeteria. Tiningnan ko naman agad ito, tama nga siya. Andito na din siya..

Papasok siya kasama 'yong limang kaibigan niyang saging. Naghahanap ata sila ng puno—i mean.. mauupuan pala at nang makahanap na sila ng bakante ay umupo na kaagad sila roon.

Napataas naman ang kilay ko ng mapansin ko ang suot niyang itim na t-shirt.

Nakapagpalit na pala siya..

Muli ko na namang naalala ang nangyari kanina.. 'yong mukhang chimpanzee na girl.. yong hawak kamay silang naglakad at iniwanan nila akong nakatayo roon.

Nakaramdam na naman ako ng inis.. hindi kay monkey guy kundi sa babaeng mukhang chimpazee na iyon!

Bakit ba kasi sabay pa silang naglakad ng magkahawak pa ang kamay? Di ba pwedeng.. maglakad na lang sila ng walang hawak hawak ng kamay? Ang OA masyado ng babaeng 'yon! Nakakapeste!

Pero teka? Ano namang pakialam ko don? Bakit naiinis ako? Tch.

Ano ba talaga tong nangyayari sakin? Ugh! Ang weird na ng nararamdaman kong ito! >___<

Pero baka nga, naiinis lang ako dahil sa iniwan nila ako roon mag isa! Right! Tama! 'Yon siguro ang dahilan bakit ako naiinis ngayon! Dahil iniwan nila ako. Ang kapal kasi ng mga mukha nilang iwanan ako! Me? Isang Cassandra Del Rio? Iiwanan lang nila? Ang kapal talaga!! Grrrrrr! >_____<

Napatigil naman ako sa pagiisip ng may kumalabit sakin.

"What?!" Inis kong tanong kay grace.

"Look who's coming girl!" Sabi pa niya habang may itinuturo.

Tiningnan ko naman ito at napataas na lang ang isa kong kilay ng sina gino pala ito. Naglalakad siya kasama ang 3 puppet niya papalapit samin.

Nakangisi naman itong nakatitig lang sakin.

tch. Andito naman po ang lalaking manyak! -______-

"Hi my princess.. nagustuhan mo ba ang nakita mo kanina, natuwa ka ba sa hitsura niya kanina? Hmm. Simula pa lang 'yon prinsesa ko." Sabi agad niya sakin ng makalapit sila. Ang tinutukoy niya ay ang nangyari kanina kay monkey guy.

"Yeah.. i like it." Walang ganang sagot ko sa kanya.
Pero totoo naman talaga! Nagustuhan ko talaga ang nangyari sa kanya kanina.

Nakita ko namang mas lalo siyang ngumisi ng sabihin ko iyon. Inikotan ko na lamang ito ng mata at hindi ko na ito pinansin pa.

"Oh! Speaking of.. andito pala siya."
Napatingin naman ako kaagad kay gino ng sabihin niya iyon. Nakita kong nakatingin na pala siya doon kay monkey guy sa di kalayoan sa mesa namin. Ibinaling na naman niya ang tingin niya sakin at ngayon.. nakangiti na ito, na halatang may binabalak na masama.

Tinaasan ko na naman siya ng kilay.
Ano na naman kaya gagawin nila?

"Ano prinsesa ko? Gagawin ko na naman ba?" Nakakalokong ngiti niya sakin.

"Bahala ka.." tipid kong sagot sa kanya, saka ako uminom ng juice.

" okay my princess. Siguradong matutuwa ka na naman sa gagawin ko sa kanya ngayon." Sabi pa niya. Pero hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy lang ako sa pag inom.

Ngunit.. napatigil naman ako ng maramdaman kong yumuko siya at inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko na parang konti na lang ay mahahalikan na niya ito..
"Watch this my princess.." bulong niya sakin. Nagtayoan naman ang lahat ng balahibo ko sa katawan, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa kilabot sa ginawa niya. Ramdam ko kasi ang hangin na humahaplos sa tenga ko nong bumulong siya sakin.

Grabe! nakakakilabot.. >____<

Lumayo na din siya pagkatapos niyang ginawa 'yon. Hindi ko na rin siya nilingon. Nagpanggap lang akong okay pa rin at walang pakialam, at hindi pinakita na nangilabot ako sa ginawa niya. Grrrrrrr!

Tiningnan ko silang naglakad papalapit kay monkey guy at sa mga kasama niyang saging.

Hindi ko na naririnig ang mga pinag uusapan nila dahil nga malayo ito sa kinauupuan namin. Basta ang nakikita ko lang ngayon ay ang masamang tingin na ipinupukol ni monkey guy kay gino at sa 3 puppet nito.

"Ano kayang binabalak ni gino kay dani girl?.. tsaka, ano kayang pinag uusapan nila?" Tanong ni grace sakin. Nagkibit balikat lang ako..

"I don't know." Sagot ko.

Napansin ko namang masamang napatingin si monkey guy sa direksyon ko, kaya nginitian ko siya ng nakakaloko.
Matapos ko siyang ngitian ay ibinalik na naman niya ang masamang tingin kay gino.

Kita kong kinausap niya ang mga kasama niya, kinuha ang tray niyang pagkain, saka siya naglakad.

Napataas naman kilay ko..

Ano ba talaga ang gagawin ni—

*Booooooooooooogssshhhhh!*

Hindi ko na naituloy ang pagtatanong sa isip ko ng makita ko kung paano tinulak ni gino si monkey guy ng pagkalakas lakas sanhi para masubsob ang katawan niya sa sahig. Natapon naman ang pagkain sa damit niya na kakapalit pa lang.

"Oh my!" Rinig kong sigaw ni dianne habang nakatakip pa ang bibig niya sa kaliwang kamay niya. Halatang gulat siya sa nangyaring iyon habang si grace naman na katabi niya ay pailing iling lang.

"Wala pa ring pinagbago si gino.. napaka immature pa rin ng mga pinaggagawa niya. Tsk! Tsk! Tsk!" Sabi pa nito.

Rinig mo ang tawanan nina gino and his 3 puppet, pati na din ang ibang student na naroon sa nangyaring iyon.

"Dani!" sabay sabay na sigaw nong limang kasama ni monkey guy sa kanya. Agad nilang nilapitan ito at tinulungang tumayo.

Pero mukhang may mali sa kanan niyang paa, dahil nang tinulungan nila itong itayo ay bumagsak pa rin si monkey guy sa sahig. Kita kong nasaktan ito at hinawakan ang kanan niyang paa.

Mukhang natapilok siya bago siya sumubsob sa sahig, pagkatapos siyang itulak ni gino.

"Grabe! Ano kayang nakakatawa sa nangyari? Wala kaya! Nakakaawa naman si cute guy." Sabi naman ni dianne.

Hindi ko na lamang siya pinansin.. dahil sa totoo lang..

Nakaramdam na din ako ng awa sa kanya..

But no! No no no no! Hindi ako naaawa sa kanya! Dapat lang naman sa kanya 'yan eh! Pinahiya niya ako kahapon, kaya nakagante na rin ako sa kanya! Tama.. he deserves that!

Buti lang sa kanya yan!

Napatigil naman ako at di ko na din mapigilang mapataas ang isa kong kilay ng makita kong may babaeng lumapit kay monkey guy, tinulungan din niya itong mapatayo uli.

That girl! Ang babaeng chimpanzee!

Nag init na naman ulo ko ng makita ko siya.. bakit ba nangingialam siya? Peste!

Nakita kong may sinabi si gino kay monkey guy pero hindi na niya ito pinansin, binaling na lang niya ang tingin niya sa babaeng mukhang chimpanzee. Nakangiti niya itong kinausap... bago siya tumalikod sa lahat at pa-ika ikang lumabas rito sa cafeteria.

"So, are you happy now girl? I think, nakagante ka na kay dani sa nangyari sa'yo kahapon." Sabi ni grace sakin.

Happy? Masaya ba talaga ako? Right! Yeah! Masaya ako! Masayang masaya! Masaya ako dahil sa nakagante ako! Nagantehan ko na rin siya..

Pero masaya nga ba talaga ako? O pinipilit ko lang maging masaya?! Shit!

Ang weird na ng nararamdaman kong 'to! >____<

"Y-yeah girl! I-i'm happy." Sagot ko sa kanya.

"Then, good! CONGRATS! success ka eh!" Hindi ko alam kung sarcastic ang pagkakasabing iyon ni dianne sakin. Pero hindi ko na lang ito pinansin.

"Papalapit na si gino rito.." rinig kong sabi naman ni grace, saka ko tiningnan sina gino na nakangiting papalapit na nga rito.

At bago sila makalapit samin ay tumayo na ako..
"C-cr lang ako." Sabi ko na lang sa kanila at dali dali akong umalis at lumabas ng cafeteria.

May kailangan akong puntahan!

****

To be continued..

- YourNotMyType14 -

Next chap: hatred

Continue Reading

You'll Also Like

28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...