I'm In Love With My Sister's...

By Slowding

386K 5.7K 1.4K

(COMPLETED) Super hate ni Mandy ang boyfriend ng ate niya na si Charles. Naririndi siya kapag nakikita ito o... More

I'm In Love With My Sister's Boyfriend
Update 1
Update 2
Update 3
Update 4
Update 5
Update 6
Update 7
Update 8
Update 9
Update 10.1
Update 10.2
Update 11
Update 12
Update 13
Update 14
Update 15
Update 16
Update 17
Update 18
Update 19.1
Update 19.2
Update 19.3
Update 20
Update 21
Update 22
Update 23
Update 24
Update 25
Update 26
Update 27
Update 28
Update 29
Update 30
Update 31
Update 32
Update 33
Update 34
Update 35
Update 36
Update 37
Update 38
Update 39
Update 40
Update 41
Update 42
Update 43
Update 44
Update 45
Update 46
Update 47
Update 48
Update 49
Author's Note ♥

Epilogue

6.7K 121 26
By Slowding

EPILOGUE

(10 months later...)

Mandy's POV

"Mandy, anak, bilisan mo na diyan. Ikaw na lang ang hinihintay." Narinig kong tawag sa akin ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko.

"Opo. Eto na!" Sabi ko.

Tiningnan ko pa ang sarili ko sa full length mirror. Okay na itong suot ko. Isang sleeveless na baby pink dress na above the knee ang taas. Tinernohan ko ito ng  white doll shoes na may design pa na ribbon.

Sabi kasi ni Trina, mag-ayos daw kami at magpaganda ngayon. Kaya hirap na hirap ako sa kakahanap ng damit. Ewan ko sa kanya kung bakit. Eh pupunta lang naman kami sa memorial park.

Birthday ni ate ngayon. 23 years old na sana siya ngayon. At isecelebrate namin ito sa puntod niya.

Haay, namimiss ko na siya. Ang lungkot kapag wala siya.

Pero sabi nga niya, ngumiti lang kami parati.

Ayaw niyang nakikitang malungkot kami.

Inayos ko pa ng kaunti ang buhok ko at nang makontento na ako sa itsura ko, kinuha ko ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto.

"Dalian mo na anak." Sabi ni Mommy habang may dala-dalang tupperware. Nagdala rin kasi kami ng mga pagkain.

"Opo. May kailangan pa po bang dalhin Mommy?" Tanong ko sa kanya.

"Wala na. Nandiyan sa coffee table ang susi. Ikaw na ang maglock na pinto." Utos niya sa akin.

"Opo." Sinunod ko naman siya.

Pagkalabas ko ng bahay, nilock ko ang pinto pati na rin ang gate.

May itim na van na naghihintay sa labas. Iyon ang service namin patungo sa memorial park.

Pagpasok ko, nagulat ako sa mga itsura ng mga kasama ko.

Nasa loob sina Trina, Calvin, Klein at ang girlfriend niya na si Glai, at si Jules. Pawang naka-shirt and jeans lang sila.

"Akala ko ba mag-aayos?! Eh ba't ganyan suot niyo?!" Pinandilatan ko sila ng mga mata.

"Sorry BF, nagmamadali na kasi kami eh. Kaya hindi na kami nakapag-ayos ng bongga. Pero infairness, ang ganda mo ngayon ah!" Nakangisi na saad ni Trina.

"Psh, eh sa malamang pinagtitripan niyo na naman ako! Nakakainis naman kayo eh." Naiirita na saad ko habang pumapasok ako sa loob ng van. Sa gitnang parte ako umupo. Katabi ni Mommy at ni Trina.

Nagsitawanan naman silang lahat. Aish! Pinagtitripan talaga nila ako! Kainis.

"Pero seriously Mandy, ang ganda-ganda mo ngayon." Sabi ni Jules na nakapwesto sa driver's seat. Tumingin siya akin gamit ang rear mirror.

Ngumiti naman ako at nagpasalamat.

Nanatili pa rin kaming magkaibigan ni Jules pagkatapos naming maghiwalay. Siya na nga ang naging male bestfriend ko. Sabi pa niya, inaabala niya raw muna ang sarili niya sa trabaho. Nagiging isa na siya sa mga in demand architects ngayon.

"♫ Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~ ♪" Bigla namang kumanta si Calvin na nasa front seat din.

"Ulol!" Nasabi na lang ni Jules.

Nagsitawanan lang kami nang bigla akong may napansin.

"Teka, asan si Yabang?" Tanong ko.

"Susunod na raw siya. May pinuntahan lang daw sandali." Sagot ni Klein na nasa likuran namin. Katabi nito ang girlfriend niya na si Glai.

"Ah," Tumango ako.

Habang bumabiyahe, nagkukwentuhan lang silang lahat. At ako, nakangiting nakikinig lang sa kanila. 

Nakapagtapos na kami ni Trina at may mga trabaho na rin kami ngayon. Ako na ang namamahala ng pharmacy namin. Si Trina naman, nagtatrabaho sa isang pharmaceutical company.

Going strong pa rin naman ang relationship nila ni Calvin. Si Calvin na ngayon ang presidente ng kompanya nila. Ang taray nga ni Trina eh, first lady. Haha. Kahit na medyo nagtatalo pa rin sila minsan dahil sa babae.

Pero alam ko naman na hindi siya lolokohin ni Calvin. Sigurado ako dun. Malaki ang tiwala ko sa kanya.

Sabi pa nga ni Calvin, may balak na raw siyang magpropose kay Trina. Excited na ako! 

Sina Klein at Glai naman, ganun rin. Going strong. Agad naming nagustuhan si Glai nang makilala namin siya. Aside sa sobrang ganda niya, sobrang bait niya rin. Magkasundong-magkasundo sila ni Klein. 

Masaya ako para kay Klein dahil nahanap na rin niya ang babaeng para sa kanya.

Kami naman ni Yabang, almost 10 months na rin ang relasyon namin. Nang umuwi siya mula Finland ten months ago, hindi na siya bumalik pa ulit doon. Mas gusto niyang magtrabaho dito. Ayaw niya raw mapalayo sa akin this time.

Sobrang masaya kami. Kahit na minsan iniinis pa rin niya ako at kinukulit hanggang sa magsungit na naman ulit ako sa kanya. Tapos siya rin, mayabang pa rin minsan. Haha. Inert na yata sa amin yun.

* * *

Masaya naming ginunita ang birthday ni ate. Kumanta kami ng happy birthday song sa harap ng puntod niya. Kumain din kami, masayang nagkwentuhan, at nagkakantahan. May dala kasing gitara si Jules.

Inaalala rin namin ang mga panahon na kasama namin si ate. Puro ngiti ang namutawi sa mga labi namin habang inaalala ang mga iyon.

Pero ilang oras na ang nakakaraan pero hindi pa rin dumarating si Yabang.

Nasaan na ba siya?

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Pero tanging tunog lang ng operator ang sumasagot. Naka-off ang phone nito.

Psh.

"Nasaan na ba si Yabang? Bakit ang tagal niya?" Tanong ko kay Klein.

"Hayaan mo, darating na yun. Ikaw naman, masyado mong namimiss." Tila panunukso niya sa akin.

Napaismid na lang ako.

Medyo naiinis na rin kasi ako. Bakit kailangang naka-off ang phone niya?

Hays.

Umupo na lang ako sa nakalatag na mat. At nakatitig sa puntod ni ate. 

Nang bigla ulit tumugtog ng gitara si Jules. At nagduet sina Klein at Glai.

♫ Girl you are to me
All that a woman should be
And I dedicate my life
To you always

A love like yours is rare
It must have been sent from up above
And I know you'll stay this way
For always

Napatingin ako sa kanila at napansin kong lahat sila ay iisa lang ang tinitingnan. 

Dinako ko ang tingin ko sa tinitingnan nila. Napatayo ako.

Si Yabang, naglalakad papunta sa akin.

And we both know, that our love will grow
And forever it will be, you and me

Ang gwapo niya sa suot niya. Naka-puti na polo shirt siya na napapailaliman ng puting coat. Nakaitim na maong pants din siya at puting rubber shoes. Para get-up niya yung mga nakikita kong get up ng mga artista sa TV.

At saka bakit ganun ang suot niya? Parang may pupuntahan siyang kasal.

May dala-dala siyang buoquet of pink roses.

Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa nangyayari.

Nang nakalapit na siya sa akin, akala ko ibibigay niya ang buoquet sa akin. Pero nilagpasan niya ako at ipinatong ang iyon sa puntod ni ate.

"Happy birthday, Max." Sabi pa niya.

Psh. Napahiya ako dun ah. Aish! Nakakainis talaga siya.

Tumayo siya at tumingin sa akin. Ngumiti siya ng nakakaloko. "Akala mo sayo no?"

I rolled my eyes and crossed my arms. "Di ah. Tss."

Natawa ito. At lumapit pa sa akin. May inabot siya sa gilid ng buhok ko at mula roon ay may lumabas sa kamay niya na isang pulang rosas.

"Paano mo nagawa yun?" Namamanghang tanong ko. Biglang naglaho ang inis ko. Ang galing ah!

"Magic." Nakangiting tugon niya. Binigay niya sa akin ang pulang rosas.

I smiled back at him. And accepted it.

Tinitigan niya ako. Bigla tuloy akong naconscious. 

"Ang ganda mo." Sabi niya.

"S-salamat." Naramdaman ko namang namula ang mga pisngi ko.

"At bagay ang mga suot natin ngayon." Sabi niya ulit.

Agad akong napatingin sa damit ko at sa damit niya. Oo nga, para kaming.... ikakasal.

Nagtatakang napatingin ako kay Yabang at sa mga tao sa paligid ko. Lahat sila nakangiti sa amin.

Ngumiti siya at hinawakan ang mga kamay ko. "Oh you're like the sun, chasing all of the rain away. When you come around you bring brighter days. You're the perfect one, for me and you forever will be. And I will love you so, for always.." Kinanta niya ang chorus ng kanta na kinakanta ni Klein at Glai.

May kinuha ito sa bulsa niya. Isang singsing. Kinuha niya ang kamay ko at sinuot ito sa isa sa mga daliri ko.

"Ngayon, sa harap ng mommy mo, ni Max, at sa mga kaibigan natin, I will say that I love you so much, Sungit. Will you marry me?" Tanong niya.

"Ano pa nga bang magagawa ko? Sinuot mo na ang singsing sa daliri ko." Pabirong sabi ko.

Nagtawanan naman silang lahat.

Napaluha ako sa labis na kasiyahan.

"Yes, Yabang. And I love you too."

Niyakap niya ako at hinalikan na buong puso ko namang tinugon.

"Yehey!! Kasalan na!!" Biglang sigaw ni Calvin.

Nagtawanan na lang kami.

Wala nang mapagsidlan ang saya ko.

Napatingin ako sa puntod ni ate. Tama nga siya, makakapagpasalamat din ako sa kanya one day. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magiging masaya ngayon. I know that see is also here watching over. At alam kong masayang-masaya siya para amin.

I am not in love with my sister's boyfriend anymore.

I am in love with Charles yabang who's now my boyfriend and my soon-to-be husband.

T H E    E N D .

X X X X X X X X X X X X X X X


At dito na po nagwawakas ang I'm In Love With My Sister's Boyfriend.

Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa, nagbabasa, at magbabasa nito. Salamat din po sa lahat ng nagvote at nagcomment sa bawat updates ko. Maraming salamat po sa suporta.

Sana po napasaya ko kayo kahit papano sa storya ko. :)

Until then,

Vote and react ka na! :)

PS. Baka trip niyong basahin din ang Author's Note. Hahaha. ;)

Slowding ♥

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
40.3K 2.4K 41
《Akesha x William》 "I hate everything from you.... but why i can't deny that i love you so much" Akesha Pearl Rodriguez is a normal girl, with a norm...
67.3K 1.5K 60
It's either nagmahal ka ng maling tao sa tamang panahon o nagmahal ka ng tamang tao sa maling pagkakataon. I loved a wrong person. I'm a prisoner of...
108K 1.8K 53
Si Sunshine Alarde ay isang college student sa kursong Business Ad ng Astenas University. A well-known school at halos lahat nang nag-aaral dito ay h...