The Virgin Writer

By crushyrushy

4.9M 56.9K 5.9K

(To be published under Red Room/ LIB) (Completed) She is Pollyanna Garcia and She's a Virgin Writer :) More

The Virgin Writer
Virgin no. 1
Virgin no. 2: Revenge?
Virgin no. 3 (Walang kwentang Chapter)
Virgin no. 4
Virgin no. 5
Virgin no. 6
Virgin no. 7
Virgin no. 8
Virgin no. 9
Virgin no. 10
Virgin no. 11
Virgin no. 12
Virgin no. 13 (Walang Kwentang Chapter II)
Virgin no. 14
Virgin no. 15
Virgin no. 16
Virgin no. 17
Virgin no. 18
Virgin no. 19
Virgin no. 20
Virgin no. 21
Virgin no. 22
Virgin no. 23
Virgin no. 24
Virgin no. 25
Virgin no. 26
Virgin no. 27
Virgin no. 28 (LAME chapter -__-)
Virgin no. 29
Virgin no. 30
Virgin no. 31
Virgin no. 32
Virgin no. 33
Virgin no. 34: Misunderstanding
continuation V.34
Virgin no. 35
Virgin no. 36 : Truth
Virgin no. 37
Virgin no. 38
Virgin no. 40
Virgin no. 41
Virgin no. 42
Virgin no. 43
Virgin no. 44
Virgin no. 45
Virgin no. 46
Virgin no. 47
Virgin no. 48
Virgin no. 49
QUESTIONS!
The Virgin Writer - Epilogue
The Virgin Writer BOOK 2
SELF PUBLISHED BOOK
Sorry Guys

Virgin no. 39

63.8K 803 94
By crushyrushy

A/N: Huwag po sana niyo akong madaliin para sa Update. Pasensya na po. Nagrereview po talaga ako, dito po kasi nakasalalay ang future ko, pagdating ng December. Pasensya na po kayo..

Lame ang CHAPTER :D Thank You kung babasahin niyo pa LOL. Dedicate to @Keyt. Natutuwa ako sayo. Pagnakikita ko sa HOME ko ang haba ng COMMENT mo. Nakakatuwa lang :D Hahah! Gustong gusto yun ng mga Writers :D Lalo na kapag baguhan <3

****

Virgin no. 39

<Polly's POV>

"SUSPENSION?!!!!!!!"

Napatingin ako kila Colyn at Khristel habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Nakahiga ako ngayon sa kama at itong dalawang ito biglang sumugod ng malaman nila na hindi muna ako pwedeng pumasok ng School.

"Yup." Bigla akong umupo. "Good for 1week."

"Ang tagal naman!" Umupo si Khristel sa kaliwa ko. "Eh anong nangyari kay Witch?"

Nagkibit balikat ako. "Expulsion."

"HAHAHAHA!" Tumawa si Colyn at pumunta sa bintana. "Tama lang iyon sa kanya. Kung pwede nga wag na din siyang pumasok ng School." Tumingin ito sa akin. "Kung may tatanggap pa sa kanya diba? Bad Record na kaya yun."

"Uh-huh." Pagsangayon ko. "Attempted Murder ang ginawa niya. Plus! Nangyari pa sa mismong field trip natin. Kaya medyo mabigat ang offense para sa kanya. Sabi ng Board Members kailangan ko lang talaga magpaliwang sa Press about sa Sex Education ng School. Hindi naman din nila tatanggalin ang pagiging SC President ko. As long as kaya kong ihandle ang isang sitwasyon katulad nito."

Umupo si Colyn sa may Swivel Chair ko at pinakielaman ang mga librong nagkalat doon.

"Eh, anong balak mong gawin ngayon?" Tanong sa akin ni Khristel.

"Hmm.." Ano bang balak kong gawin bukod sa magsulat ng susunod na update? Maglinis ng bahay kaso.. tinatamad ako. Magaral? Kaso.. tinatamad pa din ako. Haay nakakatamad.. "Di ko alam." Humiga ulit ako sa kama ko.

"Magsulat ka na lang.." sabi ni Colyn.

"Uh-huh. Para naman may mabasa na ako sa susunod na linggo.."

Bigla akong dumapa. May isa pa akong problema. Kailangan matapos ko kaagad ang Sex 101.

"Huy! Bakit ang tamlay mo?"

Humarap ako sa mga ito.

"Eh, kasi naman! Pinagmamadali akong tapusin ang Sex101!"

"Bakit?"

"May publisher kasi na tumawag kay Editor Joyce! Gustong gawin Libro ang Sex101!"

Nakakainis lang! Ganitong wala akong maisip na Scene tyaka sasabihin ni Editor Joyce na may balak ngang gawin libro ang column ko ng.. PCSOPublishing. Kaya kailangan mas matapos ko ng maaga para mas mapadali ang pagbenta sa Market dahil alam raw nilang kikita ang Libro!

Pero paano ko nga gagawin kung ganitong may WRITERS BLOCK ako at hindi ko malaman kung ano ang dapat kong isusulat sa susunod na update!

AAH-----

"AAAAAHHHHHHH!!"

Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan ng maunahan pa nila akong sumigaw sa utak ko. (=__=")

"Gagawing Libro ang SEX101!"

"AAAAAHHHH! NAKAKAKILIG!"

"OH.MY.GOD! MARAMI KA NG PERA!"

"MAYAMAN KA NA!"

"PWEDE KA NG BUMILI NG LALAKI!" sabi ni Khristel.

Parehas kaming natahimik ni Colyn.

"Aray naman!" Reklamo ni Khristel ng batukan ito ni Colyn. "Masakit yun ah!"

"Anong makakabili ng lalaki!" Tinuro ako nito. "Nakita mo ng kay Mint na iyan eh!" Umupo ito sa tabi ko at kiniliti ang tagiliran ko. "Kamusta na kayo ni Mint? Ayii.. Ikaw ha!"

Napabangon akong bigla sa sinabi nito. Anong kamusta na kami ni Mint?!

"Ano b--- Aray! Tigilan niyo nga ako!"

"Ano yung eksenang naghahalikan kayo sa Botanical Garden?!" Singit pa ni Khristel. "PangSPG na iyon ah."

"Ano ba! Wala iyon!" Ngingiti-ngiti ako. "Huy! Wag diyan! Dede ko na iyan, Khristel. Wag mong sundutin!"

"Eh bakit ka namumula? Siguro mahal mo na si Mint no?"

"Ano ba! AAAH!" Tuluyan na akong na-corner ng mga ito at balak na talaga akong paaminin. HOT SEAT. Patay.

"Amin-amin din pag may Time." Tataas-taas pa ang kilay ni Colyn.

Huminga ako ng malalim. Sabay yuko. Ano ba?! Nakakahiya! Hindi ako sanay magOpen masyado sa kanila. Buong buhay ko nagtatago ako sa kanila bilang SooHee tapos ganito.

"Naiinip ako. Biles!"

"Ahm.." Tumango ako. "O-oo."

"Huh? Anong Oo?"

Humarap ako sa kanila. Saka ko kinuha ang unan ko. Nararamdaman ko na kasing nagiinit na yung mukha ko.

"M-mahal ko na si M-mint."

SILENCE.

Nagtakip ako ng unan sa mukha ko at humiga.

"AYEEEEE!"

Nararamdaman kong tumatalon-talon sila sa Kama ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sobra. Napakalandi kong nilalang. Inamin kong MAHAL ko si Mint. UHHH.

"Mahal niya na si Mint! Ey! Mahal niya na si Mint! Ey! Mahal niya na si Mint! Ey!.." Tumatalon-talon pa ang mga ito habang kumakanta-kanta.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan. Napaupo ako. Naestatwa naman na nakatayo sa kama ko yung dalawa.

"What the F*ck is going on here?!" Sigaw ni Kuya Edrick. Tumingin ito kay Colyn. "Wag mo sabihing tumalon ka diyan?!"

"Ahmm.." Nagkamot si Colyn.

Nagulat ako ng biglang pumasok si Kuya at hinawakan ang kamay ni Colyn.

"Doon ka na lang sa kuwarto ko! Baka mapano yung Baby! Talon ka ng Talon."

"P-pero.." Ayaw pa na sabi ni Colyn.

"No Buts! Kakargahin kita kapag hindi ka sumunod sa akin!"

Nakatulala ako sa kanilang dalawa ganito rin si Khristel. Si Kuya Edrick ang ama ng anak ni Colyn. Alam kong nagaaalala si Kuya. Pero... bakit parang may iba?

Nagulat ako ng biglang humiga si Colyn. Ahm.. Hello? Kami ni Mint dapat ang bida dito diba?

"Sige nga. Ayaw ko sumama. Kargahin mo nga ako." Paghahamon ni Colyn. Nakangiti ito ng tagumpay.

Iiling-iling si Kuya. Kaya nagulat ako ng kinarga nito si Colyn. Nakakagulat dahil hindi naman kasi usual kay Kuya na sumunod at magpatalo.

Nang nakatalikod na sila biglang nagsalita si Colyn.

"Para-paraan lang iyan." Sabay kindat sa amin.

Napangiti ako ng tuluyan ng sumarado ang pintuan. Si Kuya.. Parang unti-unti ng bumabalik sa dati... Hindi kasi siya yung Kuya ko dati simula nung mamatay si Ate Lime. Yung Ex ni Kuya.

Napatingin ako kay Khristel ng umupo ito at ngumisi.

"Mahal niya na si Mint! Ey! Mahal niya na si Mint! Ey! Mahal niya na si Mint! Ey!" Bubulong bulong pa ito habang pababa ng Kama ko.

"Sira.." Iiling-iling ako habang tumatayo ako.

Parang gusto kong kantahin yun sa sarili ko..

Mahal ko na si Mint, Ey! Mahal ko na si Mint, Ey! Mahal ko na si Mint, Ey!

Lihim nanaman akong napangiti sa kinakanta ko.

Being in Love is Crazy. Therefore, I'm crazy

Tss. Redundant.

*****

Robaninelle Bar & Restaurant, Km.29 Sumulong Highway, Antipolo City.

3Days simula ng bigyan ako ng Suspension, hindi pa rin nagpapakita si Mint.

Ang tagal nanaming hindi naguusap o nagkikita. Ang last naming usap yung tungkol pa sa 'Mwah! Chup! at Slurp!'. Halos mag2-2weeks na iyon ah! Bakit hindi man lang siya nagtetext o tumatawag?

Oo, di niya obligasyon na tumawag at magtext. Pero.. nakakainis! Nagaalala na ako! Minsan iniiwan kong bukas yung bintana ng kwarto ko para kung sakaling pupunta siya, diretso agad sa kwarto ko para maglabing-labing na kami kaso ni anino wala ni Mint.

"Tapos, sabi ni Nanay dati. Araw-araw siyang pumupunta sa kwarto ko para malaman kung nandoon ako. Mukha pa ngang di naliligo. Tapos ngayon..."

Mahirap para sa akin. Mahal ko si Mint eh, kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ako sa kanya. Ano iyon? Pagkatapos ng lahat, iiwan na lang niya ulit ako sa isang tabi kasi tapos na siya sa akin.

Marahan akong napailing. Hindi. Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya. Ibang Mint ang nakilala ko. Busy siguro siya.

Pero ano naman ang pagkakabusyhan niya?

Napapikit ako. Ang daming naglalarn sa utak ko. Ganito ba talaga pag inamin mo sa sarili mong mahal mo ang isang tao? Halos lahat ng pwedeng itanong may rason?

Tiningnan ko muli yung Cellphone ko kung saan tinext sa akin ng isang source ko kung nasaan lagi si Mint.

"Robaninelle Bar & Restaurant." Tiningnan ko ang pangalan ng Bar na nasa harapan ko. "Laging nandito si Mint?"

Bigla akong kinabahan. Ano naman ang gagawin niya dito?

Pero kailangan ko talaga siya makita. Kailangan malaman ko kung anong nangyari.

Nagsuot ako ng Cap, Coat at Sunglasses tyaka pumasok sa loob.

Sumalubong agad sa akin ang malakas na tunog ng bar. Puro alak. Masikip. Mausok. Nakakasilaw ang mga bukas-sarang ilaw. Habang tuwang tuwa ang mga tao at nagsasayawan sa gitna.

"Excuse me po.." Lumapit ako sa hagdanan at tiningnan ang paligid. Nasaan si Mint dito?

Halos diko makita yung mga mukha ng tao. Nilibot ko ang paningin ko. Wala talaga akong makita!

Biglang napadako ang mata ko sa SecondFloor ng Bar. Kitang-kita mula roon ang buong tao sa ibaba.

Dahan-dahan akong umakyat at baka matapilok ako, hanggang sa makarating ako doon.

Mula sa secondfloor, tiningnan kong mabuti ang mga mukha ng tao. Nagbabaka sakaling makita ko siya.

Kaso, Wala pa din.

Baka nagkamali lang yung Source ko. Wala siguro dito si Mint.

Tumalikod ako at sumandal sa bakal ng parang Terrace ng Bar saka tiningnan ang buong second floor.

Halos magpantig ang tenga ko ng makita ko yung babaeng nakaupo sa lap ng lalaki. Nakaharap ito sa lalaki at nakabukaka pa. Malamang naghahalikan ang mga ito. Nakuu.. Buti na lang talaga wala ako sa school.

Mas nakakadiri pa yung dalawang babae sa gilid ng lalaki. Nakaakbay kasi yung lalaki sa dalawang babae habang nakikita ko kung saan na nakakarating ang mga kamay nito.

Wala na ba talagang respeto ang mga babaeng ito sa katawan nila? Hindi na sila nahiya!

Tatalikod na sana ako ng marinig ko yung sinabi nung Babae.

"That was Hot, Mint Honey.."

Bigla akong naestatwa. Mint?

"That's your reward for being a naughty girl, tonight." Narinig kong sabi nung lalaki at familiar talaga ang boses niya.

Hindi ako makalingon sa tinitingnan ko kanina, natatakot akong makita ko ang nasa harap ko ngayon.

"Paano naman ako, Honey?" Malambing na sabi ng babae. "Gusto ko mas Hot doon."

"Of course, Babe. Common, let me kiss you.."

Parang unti-unting nanghihina ako. Ayokong isipin na si Mint iyon. Hindi si Mint iyon. Hindi siya iyon.

Napahawak ako sa bakal. Ayoko tumingin. Ayoko. Alam ko hindi talaga siya iyon. Hindi siya ganoon.

Tinatagan ko ulit ang sarili ko at pinilit na huwag umiyak kasi nararamdaman kong parang may sakit..

Unti-unti kong nilingon yung tinitingnan ko kanina.

"Tama na, Mint." sabi nung katabi nito. "Ako naman." Bigla na lang hinawakan nung babae yung mukha ni Mint saka biglang hinalikan ng babae. Na sinagot naman ni Mint ng mas mainit pa doon.

"Cheers!" Sigaw nung dalawang babae.

Isa lang ang tanong na nasa utak ko.

Anong nangyayari?

Naramdaman ko na lang na humahakbang ako papalapit sa kanila. Siguro may natitira pang lakas sa akin. Nakaya ko nga yung mga suntok at bugbog ni Kelly, yung pambunyag niya na ako si Soohee, ito pa kaya?

...Pero iba pag puso ang binubugbog sa sakit na nakikita mo ngayon.

"Mint.." Wala sa sariling nasabi ko ng nasa harapan na nila ako.

Unti-unti itong tumingin sa akin. Nakipagtitigan ako sa kanya kahit nakashades pa ako.

Dahan-dahan kong tinanggal ang Cap at Shades ko tyaka tumitig sa kanya. Wala akong mabasa. Wala yung titig niya sa akin kagaya dati..

Again, Anong nangyayari?

"Hey! Who the F*ck are you?" Sigaw nung Babae. "Leave us, ALONE."

Hindi ko pinansin yung babae at baka mahampas ko sa kanya yung bote ng Wine sa tabi niya.

"Ms. President." Biglang sabi ni Mint. Ngumiti ito. Yung ngiti niya dati kapag maraming babae ang nasa paligid niya. "Don't look at me that way.. Wala tayo sa school. Anyway, Nice to see you, again."

"Wait." Singit ng isang babaeng siomai. "I know you. You're the controversial writer, SooHee!"

"So?" Pagsusungit ko sa babae. "Paki mo?"

"Ay! Walang breathing!"

"Tanga. Humihinga ako. Bobo mo. Wag ka na magenglish." Mainit na talaga yung ulo ko. Nakalukot ang kilay kong tiningnan si Mint. "Anong nangyayari sayo?"

"Back to normal." Inakbayan nito ang mga babaeng surot. "Napansin ko lang, simula ng mainvolve ako sayo nawala ang pagiging SexGod ko. You know, I have needs, na hindi mo kayang ibigay."

Nangyari na ito dati. Nainvolve si Terrence dati. Pero.. wala namang terrence na nainvolve. Bakit nagkakaganito nanaman siya?

"Teka, ano ka ba niya? Bigla-bigla kang sisingit."

"At least ako sumisingit, eh ikaw? Mukha kang singit!" Tiningnan ko siya taas-baba. "Ano niya ako? Girlfriend niya ako. So please.. wag kayo maginarte! Akin siya! Kuha niyo?"

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang na iyon. Pero alam kong kailangan kong bawiin si Mint sa kanila.

Kukunin ko pa lang sana yung kamay niya ng hawakan ng Babaeng surot yung kamay ko.

"Excuse me! Girlfriend din kami ni Mint. Kaya wag kang selfish."

Nagtatakang tiningnan ko si Mint. "Ano bang problema mo?! Okay naman tayo---"

Ngumiti ito ng masama saka ngumisi. "Ginamit lang kita."

Ginamit lang kita.. Iyan ang paulit-ulit na binibigkas ng utak ko.

"Ginamit lang kita. Para sumikat lalo ang pangalan ko.." Inakbayan nito uli ang dalawang babae. "See? Ang dami kong baba---"

Wala sa sariling sinampal ko siya. Ginamit niya lang ako? Ibig sabihin lahat nung ginawa niya sa akin simula ng pinakiusapan niya ako, ginagawa lang niya para sumikat siya?! Gaguhan?! Gaguhan?!

"Akala mo ba maniniwala ako sayo? Asa ka.."

"Problema ko ba kung hindi ka naniniwala? At least sinabi ko na ginamit lang kita."

Naningkit yung mga mata ko. Kaunti na lang paiyak na ako. Pero kahit kailan hindi ako umiiyak ng dahil sa isang lalaki. Lalong lalo na kay Mint.

Tatalikod na sana ako ng bigla ulit akong tinawag ni Mint.

"Ms. Writer.." Humarap ako dito. Wag kang iiyak, Polly.. Wag kang iiyak..

".... Break na tayo."

Ngumiti ako. Ang bilis ng pangyayari. Parang kahapon lang inamin ko kila Colyn at Khristel na mahal ko na si Mint tapos ngayon.. Break na.. Ang bilis.. Ilusyunada ata ako na akala ko mahal din ako ni Mint.

Ngumisi ako saka ko siya nilapitan.

"Buti na lang nagbreak tayo. Wala ka rin namang silbi sa akin. Ginamit mo ako? Pwes.. Salamat din sayo. Sumikat ako."

Tyaka ko hinubad yung kwintas na binigay niya. Kinuha ko yung kamay niya tyaka ko nilagay doon.

"Saksak mo sa baga mo. MagkaAIDS ka sana. GoodLuck!"

Nakangiting umalis ako ng Bar and Restaurant na iyon. Kaasar. Bwisit. Bakit kasi minahal ko pa si Mint?!

Naglakad ako papalayo.. Naramdaman kong may mainit na dumaloy sa pisngi ko..

"Kainis.." Umupo ako sa batong nakita ko. Tyaka yumuko. "Asar.. Babaero ka talaga, Mint!"

Akala niya di ako nasasaktan sa mga ginagawa niya sa akin?! Ganoon ba talaga siya? PAASA?! Kainis.

Tama nga iyong kasabihan..

Love without pain is not LOVE. Because Love without pain is only a GAME.

Sa nakikita kong reaksyon niya. Parang hindi siya nasasaktan.. Ibig sabihin LARO lang lahat ng ginawa niya.

Samantalang ako, umiiyak kasi nasasaktan ako sa ginawa niya.

Shet. Inlove talaga ako kay Mint.. Kainis..

*****

NP: I Give My First Love To You/ Ken Hirai (Played for 16x a Day :D)

Continue Reading

You'll Also Like

553K 19K 93
How will you correct the mistake that you've done because of your past?
2K 88 27
Lions Series No. 9 : GREY SAMSON [ Book 1 ]
4.5M 166K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
89.9K 7.7K 38
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...