The Virgin Writer

By crushyrushy

4.9M 56.9K 5.9K

(To be published under Red Room/ LIB) (Completed) She is Pollyanna Garcia and She's a Virgin Writer :) More

The Virgin Writer
Virgin no. 1
Virgin no. 2: Revenge?
Virgin no. 3 (Walang kwentang Chapter)
Virgin no. 4
Virgin no. 5
Virgin no. 6
Virgin no. 7
Virgin no. 8
Virgin no. 9
Virgin no. 10
Virgin no. 11
Virgin no. 12
Virgin no. 13 (Walang Kwentang Chapter II)
Virgin no. 14
Virgin no. 15
Virgin no. 16
Virgin no. 17
Virgin no. 18
Virgin no. 19
Virgin no. 20
Virgin no. 21
Virgin no. 22
Virgin no. 23
Virgin no. 24
Virgin no. 25
Virgin no. 26
Virgin no. 27
Virgin no. 28 (LAME chapter -__-)
Virgin no. 29
Virgin no. 30
Virgin no. 31
Virgin no. 32
Virgin no. 33
Virgin no. 34: Misunderstanding
continuation V.34
Virgin no. 35
Virgin no. 36 : Truth
Virgin no. 37
Virgin no. 39
Virgin no. 40
Virgin no. 41
Virgin no. 42
Virgin no. 43
Virgin no. 44
Virgin no. 45
Virgin no. 46
Virgin no. 47
Virgin no. 48
Virgin no. 49
QUESTIONS!
The Virgin Writer - Epilogue
The Virgin Writer BOOK 2
SELF PUBLISHED BOOK
Sorry Guys

Virgin no. 38

63.2K 861 84
By crushyrushy

Kaunting UPDATE lang po. Nigaganahan ako magUPDATE :) Kasi umuulan saka.. Parang REWARD ko sa sarili ko kapag nakakatapos ako ng isang CHAPTER sa Libro ko, sa NURSING ah :)

Dedicated to YvettePaula, Parehas pa kayo ng pinsan ko ng Name, and yes, malapit na matapos ang TVW :)

*****

Virgin no. 38

"Parang di ko ata kaya.."

Tinaasan ako ng kilay ni Colyn. Nasa malapit ng Coffee shop kami ng school ngayon. Pinatawag kasi ako ng Principal at Board Members nito para malaman kung ano ang napagusapan sa conference tungkol sa mga nalaman nila tungkol sa akin. Malaking bagay ito sa kanila dahil nakasalalay dito ang pangalan ng School pati na rin yung nagkalat na balita na Sex Education RAW ang tinuturo nila kaya nagkaroon ako ng mga Idea tungkol sa mga sinusukat ko.

Mga siraulo talaga yung press na iyan! Nagbabasa ba sila ng Magazine ko? May sinabi ba akong tinuturuan kasi kami ng mga teacher namin kaya nalaman ko yung mga tungkol sa ganyan.

Siguro gusto lang talaga ako palabasin sa lungga ko. 1week na kasi akong di nagpapakita sa kanila. Nung nagusap kami ni Mint, kinabukasan bumalik agad ako ng bahay pero hindi ako tumuloy sa kwarto ko, dahil alam kong pupunta si Mint hindi pa ako handa na makita siya. Kaya pansamantalang nasa kuwarto ako nila Nanay.

"Ngayon ka pa ba susuko kung kailan nandito ka na?" Mataray na sagot ni Colyn. "Ako nga di sumusuko sa Kuya mo!"

"Iba kasi yun Colyn." Inayos ko yung Hood ng sweater ko at salamin.

"Eh di sana hindi ka na lang naging Writer para hindi ka napunta sa ganitong sitwasyon. Hirap sayo eh."

Ngumuso ako. Kundi lang ito buntis, dadakdakan ko ito. Kaso baka maapektuhan yung Emotional Status niya. Hirap na. Emosyonal ang mga buntis.

"Nakakainis ka, Alam mo iyon?" Napatingin ako dito. Ngayon ko lang narinig na magsalita ng ganito si Colyn. "Para kang takot na takot sa lahat samantalang dati ginigera mo lang lahat ng masalubong mo sa Hallway. Nasaan na ba yung ugali mong ganon? Tyaka sana inisip mo muna ang kalalabasan ng pagtatago mo bilang SooHee bago ka gumawa ng decision. Tapos ngayon, magtatago ka. Parang sinabi mo ng nanalo si Kelly. Anyway, pupunta din siya ngayon. So kung ako sayo wag kang magtago sa Hood at Salamin mo. Be Proud! You're SooHee, the most sought after BS Writer and You're Polly Garcia, Student Council President, kinatatakutan, mapababae man, o mapalalaki! Diba?" Uminom ito ng Orange Juice saka kunwaring nag punas ng pawis. "Hirap sa mga bata ngayon. Hirap pakiusapan!"

Parang biglang akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa mga pinagsasabi nito. Akalain mo itong si Colyn, may serious Side na rin? Akala ko, loloko loko lang itong babaeng ito.

Oo nga, dapat maging Proud pa ako at magpasalamat kasi may ganito akong Talent.. Magsulat at Manakot.

Lihim akong napangiti saka tinanggal yung Hood ko at salamin. Ngumiti sa akin si Colyn. Yun lang pala yung kailangan kong mga salita.

Be Proud.

Lumapit ako dito tyaka ko siya niyakap, yung mahigpit.

"Thank You, Colyn!!" Niyakap ko siya ng mabuti.

"Aray naman! Yung dibdib ko naiipit!" Reklamo nito.

Lumayo ako ng kaunti dito. Saka ngumiti.

"Ay! Akala ko Likod!"

"Ang sama mo!!" Tumawa naman ito. "Kailangan ata magpalaki pa ako ng dibdib kasi parang mas gusto ng Kuya mo nga ganoon."

"Hindi gusto ni Kuya ng malaking dibdib. Kaya wag ka ng mangarap." Pabiro akong sinabunutan nito. "Masakit ah!"

Nagtatawanan pa kami ng may biglang nagsalita sa likod namin.

"Anong bago?"

Napatingin ako kay Khristel nakasimangot ito habang nakatingin sa amin. Ano na kayang pinagkakaabalahan ng babaeng ito?

"Khrist---"

Napahawak ako sa pisngi ko ng bigla ako nitong sampalin. Napatayo naman si Colyn.

"Para iyan sa pagtatago sa Bestfriend mo na ikaw si SooHee."

Tumahimik ako saka tumitig dito. Wala talaga akong makitang reaksyon dito. Hindi siya galit. Hindi din siya masaya na nakita ako.

Pumagitna si Colyn sa amin. Saka inakbayan si Khristel.

"Teh, tigil mo iyan. Hindi bagay sayo."

Tumingin siya kay Colyn saka nagsalita.

"Hindi ba bagay?"

"Oo, dapat medyo.." Nagdemonstrate ito. "Yung mata seryoso tapos parang straightforward. Tyaka yung sampal 'girl! Dapat palad. Para babakat!"

"Parang yung Lalaking nagmomodel ng Brief sa Natasha? Bakat yung saging nila?"

"Oh yeaah.." Sangayon ni Colyn. At parehas pa silang napatango at kumislap ang mga mata.

Tae. Anong nangyayari?! Bakit ganoon? BAKIT GANOON! Bakit bigla na lang niya akong sinampal at parang nakipagkwentuhan siya kay Colyn na parang walang nangyari?!

"Anong nangyayari?" Wala sa sariling tanong ko.

Napatingin sila parehas sa akin. Nakangiti si Colyn sa akin. Si Khristel dahan-dahan na lumapit sa akin.

"Nakakainis ka!" Sigaw nito. "Bakit tinago mo na ikaw si SooHee?! Ang daya-daya mo! Nakakainis ka! Pirmahan mo lahat ng Magazine ko!" Pagmamaktol nito.

"Ha?" Wala sa sariling tanong ko. "Hindi ka... galit?"

"Bakit naman ako magagalit?"

"Eh bakit mo ako sinampal?!"

"Ginaya ko lang yung ginawa mo kay Kelly! Loka!" Tumalon-talon pa ito saka ako niyakap. "Payakap nga, IDOL!!"

Natulalang yumakap siya sa akin. Napatingin ako kay Colyn na nakangiti lang sa akin.

"See?" Sabi nito. "Hindi lahat ng tao, galit sayo. Example, si Khristel, wala sa kanila kung may inaalagaan kang reputasyon, ang mahalaga napasaya mo sila sa simpleng pagsusulat mo. Take note, hindi lang si Khristel ang natutuwa, marami sila."

Napangiti ako sa mga sinabi nito. Parang ang luwag sa dibdib na meron nasiyahan sa mga ginagawa ko. Meron din palang gustong-gusto akong makita at hindi nila alintana kung President man ako, o Writer lang.

"Nakakainis kayo.." Wala sa sariling sabi ko. "Group Hug nga!"

Lumapit si Colyn sa akin at bigla kaming inakbayan.

"Kayo Ninang ng anak ko ah! Ikaw, Ms. Writer.." Sabi nito sa akin. "At ikaw Ms. Kidnapper." sabi nito kay Khristel.

"Kidnapper?" Wala sa sariling sabi ko.

"Mahabang kwento!" Sabi ni Khristel. "Group Hug na lang!"

Pareparehas kaming yumakap sa isa't isa. Ang saya.. Ang saya na may tanggap kung sino ako.

Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanila.

Thank You Lord, Binigyan niyo ako ng kaibigang katulad nila..

****

"Sinong nagsabing may karapatan na kayong maghalikan pagkatapos kong mawala dito?"

Biglang naghiwalay yung magSyota ata, nagFreFrenchKiss sa gilid ng Hallway ng napadaan kami nila Colyn papunta sana sa Office of the Dean.

"M-ms. P-president?" Natatakot na sabi nung lalaki. Psh. Hindi pa rin pala sila nagbabago takot pa rin sila sa akin. Good..

"Hindi purki't nawala ako dito, ibig sabihin pwede niyo ng gawin lahat ng pwede niyong gawin especially... ang magPDA sa gilid ng HallWay." Nilahad ko yung palad ko. "Give me your ID's."

"Excuses?" Napatingin ako sa kahalikan nitong babae. Mataray na nakataas ang kilay nito. "Sa pagkakaalam ko, IKAW ang mismong lumabag sa mismong patakaran mo. Kaya wag mo kaming pagsabihan. Gawin mo muna sa sarili mo, bago mo kami pasunurin sa sistema mong bulok."

Aba.. Lumalaban.. Masubukan nga..

Tinaasan ko din ng kilay ito. Tumataas ang radar ko. Tarayan pala..

"Unang una. Hindi Bulok ang sistema ko. Pangalawa, ang baho ng hininga mo.." Tumawa sila Colyn. Parang gusto ko din tumawa sa pinagsasabi ko.

Biglang tumingin yung babae sa paligid saka tinaas yung kamay at huminga don upang maamoy ang sariling hininga. Uto-uto, siraulo.

"How dare you?!" Sigaw nito. "Hindi naman mabaho ah!"

Napangiti ako. "Kung bulok ang sistema ko, bakit ka naniwala sa sinabi ko?" Lumapit ako dito. Umurong naman siya. "Pangatlo, hindi ko ginagawa sa Hallway ang French Kiss na ginagawa niyo. At Panghuli, at tandaan mo.." Sumunod ako dito. "Hangga't di pa ako naalis sa pwesto ko bilang SC President, ako pa din ang masusunod.." Lumapat ang likod nito sa pader at mukhang namumutla na sa takot. "Maliwanag?"

Takot na tumango ito. Ngumiti ako ng matamis at pinagpag ang balikat nito.

"Very Good." Nilahad ko yung kamay ko. "ID." Nanginginig na binigay nito yung ID niya ngumiti ako ng matamis, tumingin naman ako sa lalaki. Hindi pa ako nagsasalita, binigay na nito yung ID niya.

So good.. Naglakad ako paalis sa kanila. Nakikita kong humawi yung daan. May mga babaeng nakapamewang at kung ano-ano ang mga sinasabi.

"Akala mo kung sino.."

"Oo nga.. Malandi din pala.."

"Dapat mawala na iyan dito. May President bang malandi? Tss.."

Ayos lang.. Tanggap ko lahat ng sinasabi nila. Tutal hindi lang naman sa kanila umiikot mundo ko. May mga taong sumusuporta sa akin at naghihintay para makita ako sa kung sino ako.

"Well, well, well, The Most Sought after BS Writer is here.." Napatingin ako sa nagsalita. Si Kelly. "Nice to see you, again, Bitch."

Ngumiti din ako sa kanya. "Nice to see you too.. Witch."

Nagtawanan ang mga tao sa paligid. Bagay naman sa kanya. Witch.

"Buti nagpakita ka na? Akala ko matagal ka pang magtatago sa lungga mo eh."

"Oo naman. Kala mo sa akin? Gaya mo naman ako sayong, sobra-sobrang insecure sa akin?"

Nakita kong nalukot ang kilay nito. Masyado talaga itong pikon. Ang sarap niyang asarin. Lalo na kapag sinasabi kong inggit na inggit siya sa akin.

"Psh.. Me? Ma-iinsecure sayo? Nah! Nakakatawa yang Joke mo."

"Hindi kaya ako nagjojoke. I'm stating a fact, Bobo mo.."

Harsh? Tss. Mas Harsh yung ginawa niya hindi na ako kagaya nung nakaraang araw na parang depressed sa mga nangyayari. Kailangan ko lumaban.

"At least Stupid. Hindi kagaya mo.." Nagsmirk ito. "Sinungaling na, Malandi pa. Diba, pinatos mo nga yung magpinsan? Niloko mo pa si Terrence. And, nagsinungaling ka pa sa lahat ng mga estudyante. Kaya wag kang feeling Santi-santita. Hindi bagay sayo."

Kumuyom ang mga kamay ko. Bakit lagi niyang pinamumuka sa akin na malandi at sinungaling ako?

Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko. Si Khristel.

"Abangan na natin sa Gate iyan noh?"

Napangiti ako sa sinabi nito.

"Sandali." Sabi ko. Huminto ito sa paglalakad. Naramdaman ko rin na hinihintay ng mga estudyante ang sasabihin ko. "Tutal nakikinig na kayong lahat. Gusto ko lang sabihin na hindi ko pinatos si Terrence o si Mint. Gaya ng sinasabi ng Bruhang ito." Tinuro ko si Kelly. "Oo, nagsinungaling ako sa inyong lahat, pero hindi ibig sabihin nun LAHAT ng pinakita ko sa inyo kasinungalingan lahat. Lahat ng pinapakita ko sa inyo, Totoo. Sinungaling? Ang ginawa kong kasinungalingan ay yung tinago ko na ako si SooHee. Si Mint at si Terrence. And No, hindi kami ni Terrence alam iyan ng mga readers ko. Hirap kasi sa inyo, ang bilis niyong maniwala, bakit? Di ba kayo natuwa sa mga pinagsusulat ko? Hindi ba para sa inyo rin naman kung bakit ko ginawa ito? Nagpatulong ako kay Mint, para maramdaman ko yung mga nararamdaman ng Characters sa kwento. Dahil gusto ko, maramdaman niyong mga readers ang binabasa niyo. Ngayon, sa tingin niyo sino ang nagbenefit dito? Ako ba, hindi, KAYO. Hindi iyan sa mga nakuha kong awards, sa laki ng salary na nakukuha ko buwan-buwan, ang purpose ko dito mapasaya kayo. Masama ba iyon? Sa tingin niyo, kung nalaman niyong ako si SooHee, susundin niyo ako bilang SC President? Hindi. Kasi, kakayan-kayanin niyo ako at maniniwala yung mga taong nasa labas na Sex Education ang tinuturo dito."

Huminga ako ng malalim saka tumingin kay Kelly na nakalukot ang kilay. Doon ko lang napansin na nandun na rin si Dean kasama ang mga Board Members.

Magandang ipaliwanag ko ang lahat ng ito sa harapan ng mga estudyante. Para naman malaman nila kung bakit ko ginagawa ito.

Tiningnan ko si Kelly. "Diba dapat ikaw ang mahiya? Kasi, papatay ka ng tao para lang makuha ang gusto mo. Wag ka ng magmaang-maangan. Sinabi mo iyan diba? Ikaw yung bumugbog sa akin sa Sagada. Nasa iyo ang Jacket ko kung saan mo nakita ang Memory Card at Sim Ko,"

Biglang namutla si Kelly. Walang lingon na naglakad ito paalis sa harapan ko saka pumasok sa Office.

Dahan-dahan akong lumingon sa mga estudyante na nakikinig sa akin. Huminga ako ng malalim. Ngayong alam na nila ang lahat. Tanggap ko kung ano ang magiging Decison ng Board Members. Expulsion or Suspension ayos lang. Deserve ko yun.

Ngumiti ako kila Colyn. Saka tumalikod at naglakad papuntang office.

"SooHee.." Napahinto ako sa nagsalita tyka tumingin dito. Si Delta. "Ms. President. Pwede ba magpapicture? Idol talaga kita eh."

Napangiti ako saka tumango. "Sure.."

Ang sarap sa feeling na walang tinatago.

I'm no longer an undercover writer na nagtatago sa pangalang SooHee.

.........I am Polly Garcia. The Virgin Writer. BS Writer. Author of Sex101. And SC President, na kinatatakutan ng kababaihan pati kalalakihan.

Ang saya lang..

*****

Yeeaaaah! Boooy!

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 167K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
5.4M 76.7K 51
*WARNING* Wrong grammar at kung anu-ano pa ang pwedeng makita dito. Please huwag niyo akong i-bash. Bear with my 16 years old self. Ayusin ko na lang.
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
1.2M 11.9K 51
NOTE: SPG/R-18 Teacher ko mahal ko. Meet Abby, ang bored na estudyante palaging kasama ang mga lalaki. Pero noong makilala niya ang kanyang teacher n...