The Virgin Writer

By crushyrushy

4.9M 56.9K 5.9K

(To be published under Red Room/ LIB) (Completed) She is Pollyanna Garcia and She's a Virgin Writer :) More

The Virgin Writer
Virgin no. 1
Virgin no. 2: Revenge?
Virgin no. 3 (Walang kwentang Chapter)
Virgin no. 4
Virgin no. 5
Virgin no. 6
Virgin no. 7
Virgin no. 8
Virgin no. 9
Virgin no. 10
Virgin no. 11
Virgin no. 12
Virgin no. 13 (Walang Kwentang Chapter II)
Virgin no. 14
Virgin no. 15
Virgin no. 16
Virgin no. 17
Virgin no. 18
Virgin no. 19
Virgin no. 20
Virgin no. 21
Virgin no. 22
Virgin no. 23
Virgin no. 24
Virgin no. 25
Virgin no. 26
Virgin no. 27
Virgin no. 28 (LAME chapter -__-)
Virgin no. 29
Virgin no. 30
Virgin no. 31
Virgin no. 32
Virgin no. 33
Virgin no. 34: Misunderstanding
continuation V.34
Virgin no. 35
Virgin no. 37
Virgin no. 38
Virgin no. 39
Virgin no. 40
Virgin no. 41
Virgin no. 42
Virgin no. 43
Virgin no. 44
Virgin no. 45
Virgin no. 46
Virgin no. 47
Virgin no. 48
Virgin no. 49
QUESTIONS!
The Virgin Writer - Epilogue
The Virgin Writer BOOK 2
SELF PUBLISHED BOOK
Sorry Guys

Virgin no. 36 : Truth

64.1K 717 65
By crushyrushy

"Don't compare your LOVE STORIES to those you watch in MOVIES, they are written by ScriptWriters, yours is Written by God." - Rushy ;3

******

Virgin no. 36

Kinakabahan ako habang dahan-dahang naglalakad papuntang OpenGrounds kung saan ginagawa ang Senior Year.

Paanong nalaman ni Terrence? Anong mga susunod niyang gagawin? Paano kapag nalaman ng School? ng Students? Paano kapag nalaman nilang ako si SooHee?

Bakit ganoon na lang ang galit ni Terrence kay Mint? Sino si Nei Nei? Bakit sinabi niyang pangalawang beses ng ginawa ni Mint ito sa kanya?

Lalo akong kinabahan. Anong mga susunod na pangyayari?

"Ms. Writer."

Napahinto ako sa paglalakad ko. Nagulat pa ako ng pagtingin ko wala siya sa tabi ko. Nasa likuran ko pala ito at nauna ako sa paglalakad. Nilingon ko ito.

"Are you okay?" May pagaalala sa boses nito.

Ngumiti lang ako ng kaunti sabay yuko. Tumango ako bilang kasagutan. Ayoko ng magalala pa si Mint sa akin. Di niya ako kargo. Ako ang may kasalanan nito.

"You're not." Napatingin ako dito. Lumapit ito palapit sa akin. "Don't worry. Nandito ako. Sasaluhin kita. Okay?"

How ironic. Para sa akin iba ang ibig sabihin ng mga salitang 'sasaluhin kita.'

Pero sa huli, tumango lang ako. Bakit ganito na lang yung kaba ko? Bakit parang may mangyayaring di maganda?

"Hindi ako sanay ng hindi ka nagsasalita, Ms. Writer. Tell something."

"Natatakot ako, Mint." Yumuko ako. "Paano kapag nalaman ng school? Karamihan ng students at teachers, tiwala sa akin. Paano kapag nalaman nila na nagsinungaling akong lahat sa kanila? Kinatatakutan ako ng mga estudyante lalo na kapag nakikita ko silang nagPPDA, Paano kapag nalaman nila na AKO mismo sumusuway sa mismong utos ko? They look up to me, Mint. They voted me as Student Council's President because I'm Pure and Innocent. Even, Terrence." Napahinto ako. "Anong gagawin ko?"

Pinigilan ko ang sarili kong huwag umiyak. Ngayon ko naramdaman lahat ng consequences ng mga ginagawa ko. Ngayon ko napagtanto ng hindi bihira ang pinasukan kong gulo.

Naramdaman kong bumuntong hininga ito. Saka ako niyakap.

Tama. Mas kailangan ko ito. Kahit wag na siyang magsalita. Ayos na sa akin. Gusto ko lang ng taong kayang makinig sa akin. Si Mint iyon..

"Polly! Polly!"

Humiwalay ako sa kanya saka lumingon sa tumawag sa pangalan ko.

Tumatakbong lumapit sa akin si Colyn. Hingal na hingal ito.

"Yung baby mo.." Nagaalala ako dahil buntis siya. Baka mapano ito.

"Wag mo akong alalahanin." Humihingal pa ito. "Ikaw ang dapat na tinatanong niyan."

"Huh?" Bigla akong kinabahan sa mga sinabi nito.

"Nasaan ang Cellphone mo?"

"Naiwan ko sa Student Lounge ang Phone ko. Ano bang nangyayari? Bakit ka ganyan."

"Kanina pa kita tinatawagan," Nilingon din nito si Mint. "Where's your phone?"

"Naiwan ko sa kotse."

"Ano ba?!" sumigaw na lang ito bigla. "Bakit iniwan niyo yung phone niyo! Mabuti ako ang unang nakita sa inyo!"

"Ano bang nangyayari Colyn? Bakit natataranta ka ng ganyan?" Hindi na mapigilan na tanong ni Mint.

"Kayo dapat ang tinatanong ko niyan! Hindi kayo mga nagiingat! Lalo ka na Polly! I thought you want your Privacy, Lalo na yung sikreto mo bilang writer! Eh anong ibig sabihin nito!"

Bigla na lang binigay ni Colyn yung cellphone niya sa akin. Nagtataka naman naming kinuha ni Mint yung phone niya saka tiningnan ito.

Halos manlaki yung mata ko. Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko at parang naghihina ako sa nakita ko.

"Sh*t!* Biglang napasigaw si Mint. "Kanina ito!"

It was a Video. Video namin ni Mint kanina sa Botanical Garden. Navideohan din nito noong hinalikan ako ni Mint.

"Paanong napunta sa iyo ito?! Sinong kumuha nito?!" Kinakabahan na tanong ko kay Colyn.

"May nagsent niyan via Multimedia at ang kinakatakot ko, hindi lang sa ako ang nakarecieve niyan. Lahat ng students na nasa school ngayon narecieve iyan.."

"F*ck" Mint cursed. "Sinong may gawa nito?"

"I don't know." Bigla itong tumingin sa akin. "You are the HOT Topic, Polly."

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa Video sa Phone ni Colyn. Sinong may gawa nito? Paano niya nalaman itong lahat ng ito?

"Mint, Iuwi mo muna si Polly,"

"Hindi." Bigla akong sumagot. "Kailangan kong magpakita sa kanila."

Naramdaman kong hinawakan ni Mint yung kamay ko at pinisil. Nakakaramdam pa din ako ng Takot. Kinakabahan pa din ako.

"Co---"

"Excuse Me.." Napalingon kaming lahat sa pinangalingan ng Tunog. Nasa Speaker. "Mic Test.. Okay.. I think narecieve niyo na yung Video ng pinakamamahal niyong SC President? Akalain niyo iyon? Yung lalaking pinakaAYAW niya dati, hinahalikhalikan na lang siya ngayon? And to our surprise.. Hindi man lang siya pumalag, instead she answered the kiss.. passionately.. How sweet is that, Right?"

I know that Voice. I really know that Voice. At ginagawa niya ito para siraan ako..

Tatakbo sana ako papuntang OpenGrounds ng pigilan ako ni Mint.

"We need to Leave, ako ng bahala dito." Hinawakan nito ang braso ko at hinila.

"No Mint." Pinigilan ko ito pero nakahawak pa din ito sa braso ko. "Ako ang gumawa nito. Ako din dapat ang aayos nito. Kailangan kong harapin ito."

"Mas lalala ang sitwasyon, Polly!"

"Mas lalala ang sitwasyon kung hindi ako magpapakita! That woman. Gusto niyang sirain ako! Hindi ko tatakbuhan ang problema!"

"Pero mapapahamak ka!"

"Kahit na! Basta magpapakita ako sa kanya!" Hinila ko yung braso ko sa kanya saka patakbong tumakbo papuntang Open Grounds.

"Polly!" Sigaw ni Mint.

"Polly---" Sigaw ni Colyn. Hindi ko na pinansin ang sigaw nila pero alam ko may tumatakbong sumusunod sa akin.

Pagkarating na pagkarating ko sa Ground biglang lumingon lahat sa akin ng estudyante.

May mga nakataas ang kilay. May mga tumitingin sa akin pataas pababa.

"Akala mo kung sinong inosente! Psh!"

"Kay Mint din pala bagsak niya."

"At least ako, malandi in public. Siya malandi in private. Nakakahiya."

Hindi ko pinansin ang mga naririnig ko. Hindi ako magkakapera sa mga sinasabi nila. Lalong hindi ako mamamatay sa salita nila.

Basta tutok yung mata ko sa Stage.

Napasmirk ako ng makita ko kung sino yung nasa Stage. Sabi ko nga ba.

"Look who's here.." Biglang puna nito sa akin. "Our Student Council's President Polly Garcia with her Knight in Shining Armor Sex God Mint Xerxes."

"Laki talaga ng Inggit mo sa akin no, Kelly?"

"Hahahahaha!" Malandi pa itong tumawa habang nakahawak sa tiyan, halatang pilit naman. "Me? Maiinggit sayo? Ha. Funny."

"Polly.." Dumikit sa akin si Mint.

Hindi ko pinansin si Mint. Labas siya sa usapan. Kami ni Kelly ang may Problema dito.

Dahan-dahan akong lumapit sa Stage. Nasa itaas ito habang ako nakababa sa kanya.

"Tsk. Tsk. Tsk. Tsk. Poor Ms. President.."

"Sa ginagawa natin dalawa sinong nakakahiya? Buti may mukha ka pang naihaharap sa akin?"

"Eh, ikaw? Mabuti may mukha ka pang maihaharap sa AMIN." Naglakad-lakad pa ito. "Please take note the word AMIN. Sa AMIN. Pagkatapos nung Video? Sino ba naman kasing matino ang makikipaghalikan sa Garden? Ay meron pala. Ikaw."

"Naiinggit ka naman masyado, gumaya ka."

Mukhang naasar naman ito sa sinabi ko. Pikon talo talaga. Kapag naasar lalong lumalabas ang pagkaSpoiled Brat nito.

"Bakit naman ako gagaya sayo? Idol ba kita? Kapal talaga ng mukha mo no? Eh diba galit na galit ka kay Mint dati lalo na kapag may kahalikan sa corridor, oh, kaya pala.. Kasi naiinis ka, gusto mo IKAW yung kahalikan. Tss. Nice trick. Ms. President."

"Shut up Kelly!" sigaw ni Mint.

"Baby Mint, parang wala naman tayong pinagsamahan. Anyway, I discover something, you want to know?"

Bigla akong kinabahan. Posible ba? Posible bang alam niya? Paano? Paano niya nalaman?

"Hmm." Nalakad ulit ito. "Alam niyo ba yung PlayGirl Magazine?"

Sabi ko na nga ba. Matagal na akong nakakaramdam na siya yung mga gumagawa nito. Pero hindi sumagi sa isip ko na kaya nitong malaman kung sino talaga ako.. Kung ano yung involvement ko sa Magazine na iyon.

Naramdaman kong medyo lumapit si Mint sa akin. Lumayo naman ako ng kaunti. Ayoko. Gusto kong lumayo sa kanya. Ayokong madamay pa siya dito.

Narinig kong nagbubulungan ang mga kaschoolmates ko. Kung ano raw yung kinalaman ng PlayGirl Magazine sa pinaguusapan namin.

"Siguro, familiar na kayo sa isang column doon? Yung.." Lumakad ito. "Sex 101?"

"Oo! Ang ganda kaya ng Story nun!" sigaw nung isang babae.

"Tama! Tyaka yung mga nangyayari sa kwento. Realistic yung dating." sangayon nung isa.

"Magaling yung Writer. "Ang dami kaya niyang nakukuhang awards! Yun nga lang hindi siya nagpapakita. Kaya parang "Anonymous" yung dating sa atin. Nakakacurious."

"Parang si Bob Ong?"

Tumiklop yung palad ko. Ito na ba talaga? Sa harap ng maraming tao at sa lugar kung saan ako yung sinusunod nila?

"Yes. Si SooHee nga. Gusto niyo ng Secret?"

"Kelly.." naramdaman kong nagbabanta si Mint. Pero alam kong wala siyang magagawa..

"I know who SooHee is.."

Halos sabay-sabay kong narinig ang pagsinghap nung mga nandoon. Sino ba naman kasing di magugulat kapag nalaman nila ang tungkol doon.

"Gusto niyo ba malaman kung..." Bumaba ito ng Stage. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa akin. "... sino SIYA?"

Inemphasize pa nito ang word na "Siya". Tumingin ako kay Mint. Galit na galit yung mga mata nito. Saka ako tumingin sa mga taong nandoon. Nagbubulungan ang mga ito saka tumingin sa akin. Kahit yung security guard na nasa dulo kitang kita ko sa pagkachismoso. Pati mga faculty. Lahat curious.

Ganoon ba talaga ang effect ng Kwentong iyon para sa kanila?

"Soohee is Polly."

Napapikit ako. The Truth. Wala talagang lihim na kayang itago. May balak naman talaga akong sabihin pero hindi sa ganitong paraan. Sa mas magandang paraan na maiintindihan ako ng mga taong nagtiwala sa akin.

Nanahimik ang mga tao. Walang nagsasalita. Inabsorb pa lang nila yung mga nasabi ni Kelly.

"Joke ba iyon, Kelly?" Si Delta. Yung tresurer ng Student Council. "Wag ka ngang pauso! Nakakatawa yung Joke mo."

"Oo nga." Sangayon nung iba. "Galit na galit kaya si Ms. President sa mga PDA."

"Lalo na pagdating sa SEX. Mahigpit yun na patakaran para sa kanya."

"Tsaka kapag naging Student Council President. Requirement talaga ang pagiging stick sa trabaho. Wala yung may 'iba' pang gawain."

Mapait na napangiti ako. Expectations. Feeling ko isa akong PAASA na tao.

"I know.. Ganyan din ako nung una.. pero ng makita ko ito.. Hindi na ako nagtaka.. Si Polly, na pinakainosente, pinakagalit sa usaping may tungkol sa SEX at si Soohee na may pagkaggressive at sobrang makapagexpress ay iisa, di na ako nagdalawang isip. Take a look."

Halos lahat tumingin sa Stage. Lahat sila napanganga sa nakita. May mga nagulat. Napatingin ako sa kanila. Nakataas ang kilay ng iba. May mga napapailing.

"Sinungaling pala.."

Naramdaman kong humawak sa kamay ko si Mint. Pero lumayo ako sa kanya. Gusto kong umiyak. Gusto kong lumayo sa kanila. Kung pwede ngang mawala na lang ako bigla ginawa ko na.

Lahat ng mga tao sa paligid ko. DISAPPOINTED.

Hindi ko na kailangan pang tumingin sa tinitingnan nila. Nakalagay doon yung hinagis ni Terrence kani-kanina lang.

Yung Identification ko na nakaScan, na nakalagay doon yung Picture at pangalan ko na SOOHEE.

at yung Draft ko..

"Nagtataka siguro kayo kung paano ko nakuha yung mga Files na iyan.. inaamin ko.. ako yung gumawa sa Sagada. Pero hindi ba my maganda naman na kinalabasan iyon. Nakuha ko iyong memory card niya sa mismong jacket niya. At kung hindi ko siguro nakita iyon, matagal pa siguro niya tayong lolokohin at pglalaruan. Oo nga naman, marami siyang benefits na makukuha sa ginagawa niya. Malaya siyang makakagawa ng mismong kalokohan niya."

Hindi totoo iyan. Hindi totoo lahat ng mga sinasabi ni Kelly.

Kahit gusto kong magsalita, hindi ako makasigaw. Parang nawalan ako ng boses. Ni hindi nga ako makatingin sa mga mata ng mga taong na kapaligid sa akin.

"You want more?" Naramdaman kong mas lalong nagulat yung mga tao. Napatingin ako sa tinitingnan nila.

Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko yung mga pictures na nakaflash sa projector.

Picture namin ni Mint.

Yung tossed coin namin. Yung Date namin. Yung hinalikan ako ni Mint. Lahat..

"These pictures.. nakakashock right? Polly and Mint. They were in a relationship. What's worst? The story Sex101 is based on true Story. Her Story. The tossed coin scene was seen in Issue#26. Yung nangyari sa kanya sa Sagada. Parang ganoon lang yung nangyari sa kanya iba lang ang Venue.."

"Ibig sabihin.." Tiningnan ko yung nagsalita. Si Khristel. Tumingin ito sa akin. Disappointed din ang mga mata nito. "Lahat ng nakasulat doon, nangyari sayo?"

"Yung sa Broom Set Room?"

"Yung sa Sagada?"

"Yung bidang lalaki ba doon, Si Mint?"

"Grabe.. Wala akong masabi."

"Si Ms. President.. si SooHee? Pati si Mint.. Paano nangyari? Ang galing niya magtago.."

Napatingin ako kay Kelly, nakangiti ito ng tagumpay. Nakataas ang mga kilay nito.

"Take my Revenge, Ms. P--- Aw!"

Bigla ko siyang nilapitan at sinampal. Plinano niya lahat ng ito. Binilog niya lahat ng mga taong nandito. Pinaniwala niya ang lahat na nagsinungaling ako para magawa ko yung init ng katawan ko?

"Para yan sa ginawa mo sa akin sa Sagada."

"How dare---"

Bago pa niya ako magantihan ay sinampal ko naman siya sa kabilang pisngi.

"At para yan sa ginawa mo sa akin ngayon. Kung akala mo nanalo ka, pwes, hindi, mas naramdaman kong mas naiinggit ka talaga sa akin."

Pagkatapos noon tumingin ako sa paligid. Lahat sila nakatingin sa akin. Pati si Mint. Lalapitan sana niya ako pero unti-unti akong lumayo at tumakbo.

Hindi ko alam kung saan ako aabutin ng takbo ko pero alam ko ito ang pinakamagandang paraan para sandaling makapagisip. Gusto kong mapagisa..

Napahinto ako ng biglang may pumigil sa mga braso ko. Napatingin ako kung sino yung biglang humila sa akin.

"Terrence!"

Hindi ako nito pinakinggan. Mas lalong hinigpitan nito yung hawak sa braso ko habang hinihila ako.

"Terrence nasasaktan ak---"

Bigla ako nitong dinala sa may gilid ng school saka sinandal sa malaking puno.

"Take my revenge, Soohee. This time ako naman ang gaganti sayo."

Kinabahan ako ng makita ko ang galit sa mga mata niya..

"Terrence! Wag---!!"

****

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 201 44
[R-18] 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 𝐁𝐎𝐎𝐊 1 Past doesn't chase Emm Yeindreigh Ruil anymore. Seeing her ex-sweetheart with other girl doesn't make her f...
11.8M 290K 45
Breadwinner Julian Tezan gets the biggest twist of her life when she unexpectedly crosses paths again with billionaire Demitrius Crivelli, the guy sh...
7.9K 367 55
BEAUTY INSIDE : THE TRUE MEANING by cutenixA A Tagalog-English story. Arceli Christine better known as Model and Actress AC. She has the beauty that...
4.5M 85.5K 40
Unpredictable, that's what love is. You'll never know who you'll fall in love with and when love will strike. You'll just find yourself in love. Gan...