I'm In Love With My Sister's...

By Slowding

386K 5.7K 1.4K

(COMPLETED) Super hate ni Mandy ang boyfriend ng ate niya na si Charles. Naririndi siya kapag nakikita ito o... More

I'm In Love With My Sister's Boyfriend
Update 1
Update 2
Update 3
Update 4
Update 5
Update 6
Update 7
Update 8
Update 9
Update 10.1
Update 10.2
Update 11
Update 12
Update 13
Update 14
Update 15
Update 16
Update 17
Update 18
Update 19.1
Update 19.2
Update 19.3
Update 20
Update 21
Update 22
Update 23
Update 24
Update 25
Update 26
Update 27
Update 28
Update 29
Update 30
Update 31
Update 32
Update 33
Update 34
Update 35
Update 36
Update 37
Update 38
Update 39
Update 40
Update 41
Update 42
Update 43
Update 44
Update 45
Update 46
Update 48
Update 49
Epilogue
Author's Note ♥

Update 47

4.5K 67 12
By Slowding

Dedicated kay Chie_RiS~ Thank you so much for reading at sa pagvote every chapter. Haha. Thank you sooo much! Love love ♥

May bago akong pinost na story. Sana mabasa niyo rin yun.

"For You It's Separation, For Me It's Waiting".

Please click the external link or check it on my works. Salamat po!

Here's Mandy -------->

X X X X X X X X X X X X X 

Kinabukasan...

Mandy's POV

Pagkatapos na klase, sabay kaming ni Trina sa jeep dahil isang way lang naman ang inuuwian namin. Habang nakasakay kami, kinuwento ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Jules.

"Kayo na ulit ni Jules? Bakit?" Tanong niya. Halos pagtataka at lungkot ang nasa boses niya.

Tumango ako. "Anong bakit?"

"Hello? Si Prince Charles na ang mahal mo, hindi siya!"

"Mahal ko pa rin naman si Jules ah." Sabi ko.

Hindi siya sumagot. Tiningnan niya lang ako ng masama. "Liar."

Ngumiti na lang ako. "Siguro, kailangan ko na ring magmove on. Wala naman talaga akong mapapala sa nararamdaman ko kay Yabang. Hindi naman niya ako magagawang mahalin--"

"Paano ka naman nakakasiguro? Ni hindi mo pa nga nasubukan alamin eh. Ni hindi mo pa nga sinubukang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo. Hay naku BF, kung alam mo lang kung anong nararamdaman ni Charles---" Bigla itong napatakip ng bibig. Nabigla yata sa sinabi niya.

"A-anong nararamdaman?" Tanong ko.

"H-ha?" Tumingin ito sa labas ng jeep. "BF, dito ka na bababa o. Baba ka na!" Binalingan nito ang driver ng jeep. "Manong, para po."

"P-pero sagutin mo muna ako."

Tinulak niya ako ng marahan. "Baba ka na, dali!"

"Psh. Sige na nga. Pero may utang ka sa akin ha!"

Tinulak-tulak niya pa rin ako. "Baba ka na!"

Bumaba na ako ng jeep at naglakad papunta sa bahay.

Hay naku BF, kung alam mo lang kung anong nararamdaman ni Charles

Hay naku BF, kung alam mo lang kung anong nararamdaman ni Charles

Hay naku BF, kung alam mo lang kung anong nararamdaman ni Charles

Nararamdaman? Ano bang nararamdaman niya? Posible kayang mutual ang feelings namin?

"Mandy, dumating ka na pala. Sinabihan ako ng mommy mo, na pumunta ka sa pharmacy pagdating mo." Bungad sa akin ni ate Bilog pagdating ko sa bahay.

Di ko pala nakwento, nakauwi na rin siya dito. Ilang linggo na rin. Buti naman at maayos na ang kalagayan ng nanay niya.

"Okay ate, magbibihis muna ako."

Pumanhik ako sa kwarto ko at saka nagbihis ng damit pambahay. Pagkatapos, pinuntahan ko na si mommy sa pharmacy na nasa tabi lang ng bahay namin.

Nadatnan siya na busy sa pagbibilang ng mga boxes of medicines.

"Mommy, hello." Bati ko sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin at saka ngumiti. "Hello, how's your day?"

"Okay lang naman po. Bakit mo pala ako pinapunta dito?"

Nagpatuloy siya sa ginagawa niya. "Magpapasama sana ako sayo sa mall. May mga bibilhin kasi ako."

"Okay po."

"Tawagin mo muna ate mo para siya na ang magbabantay dito and magbihis ka na rin."

"Okay po."

Agad kong pinuntahan ang sala. Wala si ate doon. Wala rin siya sa kusina. Wala siya sa labas.

Baka nasa kwarto niya.

Kumatok ako sa pinto. "Ate, nandiyan ka ba?"

Walang sumasagot.

"Ate?"

Tulog yata?

Pinihit ko ang door knob. Hindi naka-lock. Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob.

Eh?

Walang tao.

"Ate?"

Lumapit ako sa banyo at pinihit ang door knob nito. Naka-lock.

Kumatok ako. "Ate? Nandiyan ka ba?" 

Wala pa ring sumasagot. Nagsimula na akong kabahan..

* * *

Maxene's POV

Nasa loob na ako ng banyo nang bigla na naman akong nakaramdam ng pananakit ng dibdib. 

Lalabas na sana ako ng banyo para kunin ang painkiller na nasa bedside table ko.

Pero hindi ko na nagawa.

Bigla na lang akong natumba.

Sobrang sakit. Mas triple ang sakit this time. Hindi na ako makahinga.

Napahiga ako sa sahig, hawak-hawak ang dibdib ko ng mahigpit. Kahit sa ganoong paraan lang, ma-endure ko ang sakit.

"Ate?"

Nakarinig ako ng katok. Si Mandy.

Pinilit kong bumangon at tawagin si Mandy pero hindi ko magawa dahil sa sobrang pananakit ng dibdib ko.

"Ate, nandiyan ka ba?"

Mandy, tulungan mo ko...

Mamatay na yata ako. 

"Ate? Buksan mo 'to! Ate!" Patuloy pa rin siya sa pagkatok.

Sobrang sakit.. hindi ko na kaya..

* * *

Mandy's POV

Mabilis na tumakbo ako pabalik ng pharmacy para humingi ng tulong kay mommy.

"M-mommy, s-si ate..."

Gumuhit naman ang pag-aalala sa mukha niya. "A-anong nangyari?"

"N-nakakulong siya sa loob ng banyo niya. Baka may nangyari na sa kanya doon."

Agad kaming sumugod sa kwarto ni ate. 

"Maxene, hold on. Nandito na kami." Nakita kong may kinuha siyang susi sa drawer ng dresser ni ate at kinuha rin nito ang painkiller at tubig na nasa bedside table nito. 

Gamit ang susi, binuksan ni Mommy sa pinto ng banyo. Nadatnan namin si ate na nakahiga na sa sahig at hawak-hawak ang dibdib niya.

"Ate!!"

"Maxene!"

Agad naming nilapitan si ate na buti naman at may malay pa rin. Pero sobrang putla na niya at sobrang pinagpapawisan. Binangon namin siya at pinainom namin ng painkiller.

"Natatakot ako.. natatakot ako.." Umiiyak na saad niya habang yakap-yakap kay mommy.

Pati kami ni momny umiiyak na rin. Nasasaktan na kami para sa kanya.

Niyakap siya ng mahigpit ni Mommy. "Stay strong anak. Don't give up.. Please.." 

* * * *

Hindi na lang kami umalis ni Mommy. Nag-stay na lang kami dito sa bahay para bantayan si ate. 

Nakatulog naman siya pagkatapos ng nangyari.

"Mommy, iinom muna ako ng tubig." Sabi ko sa kanya.

Tumango ito.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Pabalik na sana ako sa kwarto nang makarinig ako ng ingay sa may gate namin. May tao yata.

Pumunta ako sa gate at binuksan iyon.

Bigla na namang kumabog ang dibdib ko nang malaman ko kung sino yun.

"Yabang."

* * *

Charles' POV

Tinawagan ako ni Tita Mildred at sinabi niya ang nangyari kay Maxene.

Agad akong pumunta dito sa bahay nila dahil sa pag-aalala.

"Tao po.." Sabi ko.

Ilang minuto lang ang lumipas nang may nagbukas na gate.

"Yabang."

Bigla na namang kumabog ang dibdib ko nang makita ko si Mandy.

Pero pinilit kong alisin ang nararamdaman ko. 

"A-ah, ate mo?"

"Nandun sa kwarto niya. Pasok ka."

Pumasok kami sa loob at dumiretso kami sa kwarto ni Maxene. Tahimik lang kami pareho habang naglalakad.

Nakarating kami sa kwarto at nadatnan ko si Maxene na gising na pero nakahiga pa rin sa kama niya. Nandun din si Tita Mildred na naabutan naming naghihiwa ng prutas.

"Charles." Nakangiting bati sa akin ni Tita.

"Magandang gabi po, Tita." Sabi ko.

"Tamang-tama, kakagising lang ni Maxene. O sige, maiwan ko muna kayo dito. I'll prepare dinner for us." Lumabas ito ng kwarto.

Nakita kong sumunod din si Mandy. Lumabas na rin ito ng kwarto.

"Charles, ba't nandito ka?" Tanong ni Maxene sa akin.

Umupo ako sa upuan na nasa tabi lang ng kama niya. "Tita called me up. May nangyari na naman daw sayo."

Ngumiti ito. "Ah, yun ba. Okay na ako. Don't worry."

"Halos mamatay na ako sa pag-aalala sayo nang tawagan ako ni Tita."

"Sorry for making you all worried. Bakit naman kasi ako nagkasakit ng ganito eh." Tumawa ito ng payak. "But don't worry. Malapit na rin naman--"

"Stop that." Hindi ko na siya hinayaang ipagpatuloy ang kung ano mang sasabihin niya. 

Ngumiti ito. "Kumusta ka na?" Tanong niya sa akin.

"Okay lang." Sabi ko.

"Really?" Tanong niya ulit, parang ayaw maniwala.

"Yeah."

Natahimik kami ng ilang minuto. Pero ako na rin ang bumasag nito.

"Aalis na ako... for good." Sabi ko.

"For good? Saan?" Tanong niya.

"Finland."

Umupo na ito mula sa pagkakahiga. "Bakit?"

"Someone offered me a job. I grabbed it. Sayang naman ang opportunity." 

"For good na talaga? Hindi ka na babalik dito?"

Nagkibit-balikat na lang ako.

"Yan lang ba ang dahilan kaya mo gustong umalis?" Tanong niya.

"May iba pa bang dahilan?" Sagot ko.

"Si Mandy."

Hindi ako nakasagot.

* * * *

Mandy's POV

"Mandy, dahil mo 'to sa kwarto ng ate." Utos sa akin ni Mommy sabay bigay ng isang tray na may dalawang baso ng juice at plato ng cookies.

"Sige po."

Pinuntahan ko ang kwarto ni ate.

Kakatok na sana ako nang..

"Come on, Charles. You can't do this. Huwag kang umalis. Huwag mo kaming iwan dito. Huwag mong iwan ang kapatid ko." Narinig kong sabi ni ate.

Aalis? Saan pupunta si Yabang? Iiwan ako?

"Max, Julius is now on her side. She doesn't need me. Can't you see? Si Julius pa rin ang pipiliin niya." Sabi ni Yabang.

Ako nga ang pinag-uusapan nila. Dala ng curiousity, patuloy akong nakinig.

"You should atleast try. Ikaw naman kasi, hindi ka naman lumalaban eh."

"I can't fight. I just don't want to. Lalo na kung kapatid ko ang kakalabanin ko."

Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Parang namamanhid na ako.

"Let's just get together again, Max." Patuloy ni Yabang.

Tumawa naman ang ate ko. "Ano yun? Panakip-butas? Ikaw talaga. Hindi mo na ako mahal tapos gagawin mo akong girlfriend ulit."

Ulit? Hindi na siya mahal?

Mas lalo pa akong nagulat sa mga naririnig ko. Hiwalay na sila? Matagal na?

"Mahal na mahal ko ang kapatid mo, Max. Pero ganun yata talaga. You can't have everything you wanted. Mas mahal niya ang kapatid ko. Mas mahal niya si Julius. Kaya ko tinanggap ang trabaho sa Finland para makalimot na rin. But don't worry, Max. I'll still keep in touch with you."

May sinabi rin si ate pero hindi ko na masyadong marinig.

Hindi ko na nakakayanan lahat ng naririnig ko.

May nararamdaman din siya sa akin.

Mahal niya rin ako..

Mahal niya rin ako..

Bigla kong nabitiwan ang hawak-hawak kong tray. Natapon ang juice at cookies. Nabasag ang mga baso at plato.

* * * * 

Charles' POV

"Mahal na mahal ko ang kapatid mo, Max. Pero ganun yata talaga. You can't have everything you wanted. Mas mahal niya ang kapatid ko. Mas mahal niya si Julius. Kaya ko tinanggap ang trabaho sa Finland para makalimot na rin. But don't worry, Max. I'll still keep in touch with you." Sabi ko kay Maxene.

"Haay, napaka-complicated naman ng story niyo. Pero sabi nga nila, kung kayo talaga, magiging kayo rin. Kung talagang sigurado ka na talaga sa desisyon mo, I guess I can't do anything about it. I wish you all the best, Charles."

"Thank you, Max. Thank you sa lahat-lahat---"

Natigilan kami nang makarinig kami na may bumasag.

"Ano yun?" Tanong ni Max.

"Sandali, titingnan ko." Tumayo ako at binuksan ang pinto.

Nadatnan ko si Mandy sa labas ng pinto. Nakatingin sa kalat na nasa sahig. Natapon na juice at cookies at mga basag na baso at plato.

Parang naestatwa na siya sa kinatatayuan niya. Tears are also flowing on her cheeks.

N-narinig ba niya ang usapan namin?

Lumapit si Maxene sa akin. "Charles, anong nangyari? Mandy?" Nagulat ito nang makita ang kapatid niya pati na rin ang kalat sa labas ng kwarto niya.

Walang ano-ano, tumakbo na ito palayo.

Tinawag ko siya. "Mandy! Sandali!"

Susundan ko na sana siya pero pinigilan ako ni Maxene. She grabbed my arm. "Charles, mukhang narinig nga niya ang usapan natin kanina. This is it. This is the right time. Sabihin mo na ang mga bagay na dapat sinabi mo na noon pa. Aminin mo na sa kanya lahat-lahat. Good luck."

"W-will you be alright?" Nag-aalalang tumingin ako sa kanya.

Ngumiti ito. "I'll be alright. I can manage."

Tumango ako at saka patakbong sinundan si Mandy.

X X X X X X X X X X  

This is it!

Aamin na talaga si Charles.

Wala ng kokontra nito, pramis! Hahaha.  

Abangan ang next update. :)

Vote and react na!    

Slowding ♥

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
486K 11.5K 73
BASAHIN MUNA ANG BOOK 1. #1 book 2 thank you HR [ #66 Teenfiction ] Nagkita, nagkabalikan, nagmahalan. pero sa huli pinili ni Lynin ang lumayo at map...
660K 11.1K 64
Kilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo...
1.7M 29.1K 43
Mr. Kenjie Madrid Sarmiento is the CEO of Sarmiento Airlines and Advertising Company. Sya ang nag-mamay-ari ng naglalakihang eroplano at helipad sa b...