The Good Between Bad

By Celestine_Jade

790K 23.9K 1.7K

Marissa Rose Diva. A girl who doesn't want to gamble her heart when it comes to love. Ang gusto niya ay yung... More

PROLOGUE
NAME YOUR CHAPTER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 : Critisism
Chapter 4
Chapter 5: Secret
Chapter 6
Chapter 7: It's you
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14: Princess
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Surprise...
Christmas/New Years Treat
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 40

11.9K 377 21
By Celestine_Jade

Kanina ko pa hinihintay si mama. Pumunta siya sa bahay nila tita para kumuha ng mahihiram na gamit. Andito kasi kami sa Negros at hindi sa lugar namin sa Cebu. Ang sabi kasi nila mama ay pumunta sila dito dahil kaarawan ng asawa ni tita.

Kagaya ng laging nakagawian, nag-inuman sila at humantong sa ganito ang kalagayan ni tatay. Ang sabi rin ni mama ay umawat lang siya sa away ng dalawang bisita do'n pero siya ang sinaksak.

Nagtamo siya ng dalawang saksak sa tyan, isa sa balikat at meron pang mga galos.

Nang una ko siyang makita ay agad akong napaiyak. Awang awa ako sa tatay ko. Wala siyang malay at nakaratay sa kama ng ospital. Kaninang madaling araw lang ako dumating at hindi pa 'ko umaalis sa tabi niya.

Mahaba ang byahe pero hindi ko alintana ang pagod. Mas mahalagang makita ko ang tatay.

Bumakas ang pinto at dumating si mama. Pinauwi niya muna ang mga kapatid ko. Do'n kami pansamantalang tutuloy sa bahay nila tita habang nagpapagaling si tatay. Hindi naman ga'no kalakihan ang bahay nila pero kasya kami sa isang kwarto.

"Maro, magpahinga ka muna. Alam ko pagod ka sa byahe." Sumulyap ako kay mama saglit. Nilagay niya ang mga dala dalang paper bag sa maliit na lamesa.

"Okay lang po ako, mama."

"Anong okay? Sige na, anak magpahinga ka muna. Andito na naman ako. Ako na ang magbabantay sa tatay mo."

Hinawakan ni mama ang balikat ako. Tiningala ko siya. "Kung ayaw mo talagang umalis, do'n ka nalang matulog." Tukoy ni mama sa mahabang mono block chair.

Kinusot ko ang aking mata at tumayo. Inaantok na rin ako kaya sumunod nalang ako. Ginawa kong unan ung back pack na dala dala ko. Puro ito damit kaya malambot.

Nagising ako dahil sa ingay. May nagtatawanan tapos may sumaway sa kanila na ang hula ko ay si mama.

"Ang ingay niyo kasi. Nagising tuloy ang ate niyo."

Kumpleto kami ngayon. Si Jonas, Demi at Anton kasama sina mama at tatay.

"Hi, ate!" Napangiti ako kay Demi at tinignan sila.

Hindi ko na matandaan kung kelan kami huling nakumpleto. Ang tagal na rin.

Dahan dahan akong umupo at kinusot ang mga mata. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may message si Seven. Hindi ko pa pala nasasabi na umalis ako. Mamayang gabi siya dadating.

Nagreply ako sa text niya at sinabing umuwi muna ako. Hindi ko na sinabi ang tungkol kay papa.

"Kumain ka muna, anak." Sabi ni mama. "Abot mo nga 'to sa ate mo, Demi."

Kinuha ni Demi ang paper plate na may kanin at ulam tapos binigay sa'kin.

"Ate, oh."

"Salamat. May charger ba kayong dala?" Kailangan ko nang mag charge. 10 percent nalang ang battery ng phone ko.

"Wala akong dala, eh. Kuya Jonas may charger ka daw ba?"

"Wala. Mamaya nalang ate. Padala natin kay tita pag pumunta siya dito."

"Diba sabi ko 'wag kayong maingay. Demi ung bunganga mo." Suway ni mama na hindi siya pinansin. "Anton! 'Wag mong lantakan 'yang grapes. Magtira ka!"

Tumawa lang si Anton at kumuha pa kaya tinapik ni mama ang kamay niya.

Sumubo ako at tinanong kay mama kung anong oras pupunta sina tita. Mamayang bandang hapon pa daw. Siguradong hindi ako nakakapagreply kay Seven. Nagtry akong mag text pero bigla itong namatay. May sakit na kasi sa battery 'to eh. Namamatay agad pag 6 percent nalang.

Nakakainis dahil sa kinadami dami ng makakalimutan ay ung charger pa.

Hindi ko naabutang gising si tatay dahil ako naman ang tulog.

Plano ni mama na ilabas siya dito mamayang gabi kasi paubos na ang pera na ibinigay nung pamilya ng sumaksak sa kanya. Nakipag areglo sila kay mama. Sagot nila ang pang gamot at nagbigay pa ng pera para sa kwarto. Isang araw lang siya nakulong.

Nang maiuwi na namin si tatay sa bahay nila tita ay ung charger agad ang tinanong ko. Ibang charger kasi ang nadala nila kanina.

Nag-aalala ako dahil baka kanina pa tumatawag si Seven o kaya natatadtad na ng text ung phone ko.

"Jonas pa log-in naman sa facebook." Inabot sa'kin ni Jonas ang phone niya.

Sa messenger ko nalang kokontakin si Seven. Hindi ko rin kasi kabisado ang number niya. Pwede namang sa phone ko kaso hindi na ko makapaghintay na ipaalam sa kanya ang mga nangyari.

Napatampal ako sa noo nang matandaang wala pala siyang FB. Nagbakasakali ako kay Oliver. Siya ang sinabihan ko na ipahatid ang mensahe ko kay Seven.

Tanung ako ng tanong kay Jonas kung may sagot pero nakatulog na ko't lahat lahat, wala parin.

Paika ikang naglakad si tatay papuntang hagdan. Tinulungan agad siya ni Anton at mama.

"Kasi naman sa susunod ay 'wag kang pakabayani. Tignan mo napala mo." Pane nermon ni mama kay tatay.

Ngumiwi si tatay sa inis. "Tang-ïna naman. Ako na nga ang tumulong ako pa na agrabyado. Sana pala kinuha ko nalang ung bote tapos hinampas sa ulo ng gagöng 'yon. Hindi ka dapat nakipag areglo! Dapat pinakulong na natin ang taräntadong 'yon."

Usapan parin sa hapagkainan ang nangyari. Humingi ng paumanhin si tito dahil sa naganap sa mismong bakuran pa daw nila. Maya maya ay napunta sa'kin ang usapan. Kinamusta nila ako at nakibalita. Gano'n din ang ginawa ko sa kanila.

Bukas ng umaga ay uuwi na kami sa Cebu. Nagpaalam na kami kay tito at tita. Wala ang mga anak nila dahil pare parehong may pamilya na.

Medyo nagbago na ang lugar ng makita ko. Yung mga bakanteng lote ay may mga bahay na at apartment. Ung palengke na nadaanan namin ay maayos na at hindi gaya ng dati.

"Maro, hawakan mo nga ito saglit." Tukoy ni mama sa mga bag niya.

Sinunod ko siya habang inaalalayan nila ni Jonas si tatay. Si Anton naman ay hawak ung ibang mga gamit namin. Mainit parin ang panahon kahit alas tres na kaming nakarating. Ang sakit sa balat.

Habang papasok kami ay nakita kong nagtitinginan ang ilang mga kapitbahay namin. Pamilyar ang iba sa kanila pero karamihan ay hindi.

Habang hinihintay namin si Demi na buksan ang pinto ay may tumawag kay mama.

"Janet, anong nangyari kay pareng Andoy?"

"Ayan nang-awat ng gulo, nasaksak. Awa ng Diyos nakaligtas naman!"

                 

Pagud kaming lahat pagkapasok. Hindi pa 'ko makakabalik ng Manila dahil kailangan kong tulungan si mama dito sa bahay.

Pumapasok pa sa school ang mga kapatid ko at kailangan ni mama ng katulong. Tinanong ni mama kung makakaapekto ba sa pag-aaral ko ito. Buti na lamang at nakabawi ako noong nakapasok ako at tapos na lahat ng requirements at clearance. Sigurado nang makakagraduate ako.

Napabuntong hininga ako matapos basahin ang mga text ni Seven. Ang dami. Mukha nang nainis dahil hindi agad ako nag-reply nung una pero nung pinaliwanag ko ay sinabi niyang pupunta siya dito. Hindi ko pa siya nare-replayan do'n. Hindi ako sang-ayon na pumunta siya dito dahil uuwi rin naman agad ako matapos ng ilang linggo. Isa pa, may trabaho siya at alam kong pagod siya dahil kay Eloise.

"Ang lalim naman ng iniisip mo, anak." Nanatiling nakangiti si mama sa'kin habang umuupo sa tabi ko. Sinalansan niya ang mga lulutuin para sa hapunan.

"Mama..."

"May problema ka ba, Maro?"

"Wala po." Napangiti ako sa concern ni mama. "Pa'no niyo naman po nasabi 'yan?"

Bahagyang ng bahagya si mama habang naghihiwa ng ampalaya. Parang natakam tuloy ako sa pakbet na lulutuin ni mama.

Kinuha ko narin ang ibang gulay para tumulong.

"Ang lalim kasi ng iniisip mo, eh. Inaaway ka ba ng mga classmate mo sa eskwela?"

"Sa kinadami dami ng dahilan, bakit 'yon naman po ang naisip niyo?" natatawa akong napailing.

"Dahil ang bait mo anak at dahil sa sobrang bait mo, hinahayaan mo ang ibang tao na kayan kayanin ka."

"Ma, hindi po ako mabait."

Umismid siya. "Anong hindi? Tanda mo ba, anak nung nasa kinder ka palang? Inaaway ka ng salbahing anak ni Lusing tapos tinulak ka. Pareho kayong natumba kasi nahila mo ung damit niya. Alam mo ba ang ginawa mo? Agad kang bumangon para tulungan siya tapos tinanong mo kung okay lang siya."

"Hindi ko po maalala."

"Kung sa bagay... Masyado ka pa kasing bata no'n. Siguro hindi mo rin natatandaan nung mga bagong panganak na daga na inuwi mo dito. Iyak ka ng iyak nung tinapon ko sila. Kayo ni Jonas at ung sisiw na nakuha mo sa palabunutan na kinain ng pusa." Biglang tumawa si mama. "Tanda ko pa lumabas kang tumatakbo at umiiyak habang humihingi ng tulong."

Napuno ng tawanan ang maliit na tahanan namin. Naalala ko yung tungkol sa sisiw at bubwit. Ang kyut kasi ng bagong panganak na daga eh. Sobrang pink nila pero tinapon lang ni mama kasi daw baka maka leptospirosis kami ni Jonas.

Lumabas ng kwarto si tatay. Nasa unang palapag lang kasi ang kwarto nila mama. Narinig siguro kami. Agad akong tumayo at tinulungan siya.

"Anong pinag-uusapan niyong mag-ina at nagtatawanan kayo?" tanong ni tatay nang makaupo  sa harap ni mama.

"Wala. Tinatanong ko lang kung may nang-aaway dito kay Maro sa eskwela..."

Kumunot ang noo ni tatay at tumingin sa'kin. "Ikaw, anak." Panimula niya. "Huwag kang lalampa lampa at hahayaang kayan kayanin kalang do'n. Lumaban ka kapag inaapi ka na. Hindi pwedeng yumuko kalang at humingi ng tawad gaya ng ginagawa mo no'n. Pag binatukan ka batukan mo din. Tapangan mo ang sarili mo lalo pa't wala kami do'n na kasama mo. Maliwanag ba?"

Napayuko ako sa istriktong boses ni tatay. "Opo, tatay." Kinakabahan talaga ako kapag sinisermonan ako ni tatay. Ang lakas kasi ng boses niya tapos ang baba pa. Nakakatakot.

"Oo para magaya ka sa tatay mo ngayon. Bumalik ka na nga do'n sa kwarto, Andoy. Magpahinga ka muna at baka bumuka 'yang mga tahi mo."

Tumayo si tatay pero hindi ito bumalik sa kwarto. Lalabas daw at magpapahangin. Naiwan naman kami ni mama. Nagbabalat ako ng kalabasa habang siya sa talong.

"Sa'n mo nakuha 'yan?" sinundan ko ang tingin ni mama sa kamay ko. Bigla akong ninerbyos nang sa singsing ko siya nakatingin.

Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila ang tungkol kay Seven dahil hindi ko alam kung pa'no. Isa pa, ayokong makadagdag sa iniisip nila. Kinuha ni mama ang kamay ko at tinignang mabuti ang singsing.

"Ang ganda naman nito, anak..." dagdag niya pa.

"B—Bigay po ng k—kasintahan ko..." nauutal kong sabi.

"Talaga anak?" halata sa itsura niya ang saya.

"Ang totoo... mapapangasawa po."

Nanlaki ang mga mata niya at napasinghap dahil sa gulat. "Mapapangasawa? Ikakasal ka na, anak?"

Dahan dahan akong tumango at parang na-estatwa naman si mama sa mga nalaman. Kanina okay ang reaksyon niya nung nalamang may nobyo na 'ko pero hindi ko mawari ang nararamdaman niya nang sabihin kong mapapangasawa ko na.

Kinuwento ko kay mama ang tungkol kay Seven. Tahimik siya at nagpatuloy lang sa pag-luluto. Inisip ko na baka nabigla siya kaya mamaya ko nalang siya kakausapin. Kinakabahan tuloy ako. Mahalaga ang lahat ng sasabihin ni mama tungkol sa'kin at sa relasyon ko. Gusto kong may approval niya.

Bago matulog ay tinawag ako ni mama sa sala para kausapin. Bumalik ang kaba ko. Pa'no nalang kung hindi siya aprubahan ni mama?

"Buntis ka ba, Maro?" Agad na tanong niya.

"Ma, hindi po." Mabilis ang ginawa kong pagtanggi. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong huwag pamulanan. Naalala ko kasi ung ginawa namin...

Para syang nabunutan ng tinik sa narinig dahil sa buntong hininga niya pero agad din akong binato ng seryosong tingin.

"Anak hindi kaya nabibigla lang kayo dyan sa pagpapakasal niyo?"

"Mama, ayaw niyo po ba kay Seven dahil mayaman siya? Mabait naman po siyang tao eh at mahal niya po ako."

Umiling iling ito. "Walang halaga kung mayaman siya o hindi, anak. Ang tinutuloy ko ay sobrang bilis ng relasyon niyo. Isang taon palang tapos magpapakasal agad? Napakahina ng pundasyon ng pagmamahalan niyo, anak at ang relasyong ganyan, madaling masira. Madaling matibag. Naiintindihan mo ba?"

"Pero, ma masaya naman po kami at tsaka wala naman po sa tagal 'yan." Nanghihina kong sabi.

Nahanap ng kamay niya ang akin at mahigpit itong hinawakan. "Hindi lang dahil sa masaya at nagmamahalan kayo sa ngayon ay okay na ang relasyon. Ang isang pirasong papel ay madaling tangayin at hanginin. Madaling masira kapag nabasa ng tubig at madaling punitin. Sa tingin ko ay ganyan palang ang relasyon niyo. Masyadong marupok." Pangungumbinse niya. "Pero wala akong magagawa kung gusto mo na talagang magpakasal. Ayoko lang na maging padalos dalos ka dahil baka sa huli ay magsisi ka at masaktan."

Alam ko naman 'yon. Alam kong mabilis ang relasyon namin pero napag-isipan ko na itong mabuti. Una palang ay napagdesisyonan ko nang isugal ang pagmamahal ko kay Seven. Bahala na kung sa'n ako dadalhin. Ang alam ko ay mahal ko si Seven. Alam ko rin na katangahan ito pero wala eh. Hulug na hulog na 'ko.

"Mama, 'wag po kayong mag-alala sa'kin. Kaya ko po ang sarili ko at kahit anong mangyari, kahit anong pagdaanan namin ni Seven, para sa'kin sapat na po na nagmamahalan kami dahil kahit gaanong karaming rason kung bakit kami pwedeng maghiwalay, may isang rason naman po kami para mabuhay ng magkasama."

Nakangiti ako kay mama habang nagsasalita. Pinapakita ko kung gano ko kamahal si Seven sa pamamagitan ng mga salitang 'yon.

Ilang segundo pa siyang nakatingin sa'kin bago bumuntong hininga na parang sumusuko na. "Pa'no naman ang pangarap mo?"

"Hindi pa naman po kami magpapakasal agad. Sisiguraduhin kong magiging abugado muna 'ko. 'Yan din po ang sinabi ko sa kanya at naintindihan niya po 'yon."

Binitawan ni mama ang kamay ko at matipid na ngumiti. "Kelan mo siya dadalhin dito?"

"Baka next week po." Malawak ang ngiti kong sagot.

Nung monday ako nakauwi sa Manila. Hindi ko nadatnan si Seven dahil nasa trabaho pero nagtext ako na uuwi ako ngayong araw.

Hapon siya dumating. Inagahan niya daw para makita ako at agad niya akong sinunggaban ng yakap at halik pagkabukas palang ng pintuan.

"God, I missed you." Aniya bago ako bigyan ng mumunting halik sa mukha, leeg at noo ko.

Humagikgik ako at tumingkayad para gantihan siya ng mga halik sa mukha.

Sinabi ko sa kanyang gusto siyang makilala ng pamilya ko. Walang pag-aalin langan siyang sumang-ayon pero hindi daw siya pwede this week kaya next week nalang.

Pumasok ako ng apat na araw para sa praktis ng graduation. Uuwi ako sa'min kasabay ng pag alis ni Seven para tulungan si Eloise. Hinatid ako ni Seven sa bus station. Matagal kasi ang byahe ay ayaw kong mapagod siya kakadrive.

"Anak pwede bang next week ka nalang umuwi? Kailangan ko ng tulong dito, eh." May bahid ng pag-aalala ang boses ni mama. Bumuka kasi ang dalawang sugat ni papa kaya bumagal ang paggaling niya. Pinunta pa namin siya sa ospital kask baka maimpeksyon.

"Oo naman po, mama."

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nong umuwi ako. Nag-aalala ako dahil dalawang araw na 'kong di tinatawagan ni Seven. Kanina ko pa siya kinokontak.

"Hello, Seven?"

"Princess? Why? Is there anything wrong?"

"Wala... uhmm... Tatanungin ko lang kung nasa byahe ka na papunta dito?"

Kumunot ang noo ko ng marinig ko siyang magmura. "I'm sorry. I forgot. I'm here at Bicol."

"Bicol? Bakit?"

"Naomi said it's better if we go to the places Eloise and I went. It could make her recover fast."

"Ganun ba? O sige. Mag ingay kayo dyan." Hindi ko maitago ang disappointment at lungkot sa boses ko.

"Princess?"

"Hmm?"

"I'm doing this para magkasama na tayo ulit. I love you."

Biglang naglahong parang bula ang kirot sa pakiramdam ko dahil sa mga sinabi niya. Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ko.

"I love you too."

Lumala ang kalagayan ni tatay. Nagka impeksyon ang sugat niya at dinala namin siya sa ospital. Sobrang taas ng lagnat nito at ang mas malala ay hindi ito bumababa kahit ilang araw na ang nakakaraan. Sa standard ward lang siya nilagay kaya anim sila sa isang kwarto.

"Mama ang init init ni tatay." Biglang sabi Demi. Agad namang lumapit ang mama ko para tignan.

"Tumawag kayo ng doktor bilis!" Agad tumalima si Anton. Hirap huminga si tatay at pulang pula ang buong katawan.

Kinakabahan ako. Lalo pa't nakikita namin kung pano siya palibutan ng mga nurse at doktor. Nagsisimula na ring umiyak at mataranta ang mga kapatid ko kaya lalo akong ninerbyos.

Yakap ko si Anton na umiiyak habang akbay ako ni Jonas. Si Demi rin ay umiiyak na nakayakap kay mama na hindi mapakali.

Tumunog ang phone ko at wala sa wisyo ko itong nasagot.

"Hello, princess?"

"S—Seven?" Nanginginig kong sabi. "Punta ka dito."

"Bakit? Did som—" biglang may boses ng babaeng sumingit. " C'mon babe, let's go. Excited na kong mag whale watching tapos bilan natin ng pasalubong si Nao."

"Not now. I'm on the phone." Malamig na sabi ni Seven.

"Can you forget your work this time? We're here to have fun right, babe?"

Hindi ko na kayang pakinggan ang sinasabi nila. O baka ayaw ko lang talagang pakinggan dahil parang mas lalong nadadagdagan ang sakit sa dibdib ko. Parang ilang ulit nang kinakayod ang puso ko.

Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko. Kinakausap ni mama ang doktor habang umiiyak. Yung mga kapatid ko nasa tabi ni papa. Napuno ng iyakan namin ang buong kwarto.

Kaba, takot, sakit, pag-aalala... Ilan lang yan sa mga nararamdaman ko. Umiinit ang buong katawan ko. Napalitan ito ng inis nang marinig ko ang boses niya sa telepono.

"Princess? Hello?"

"Pumunta ka dito ngayon na. Hihintayin kita bukas ng umaga."

Continue Reading

You'll Also Like

2M 40.8K 33
(Finished) You're 19. He's 28. What's really the deal of having a relationship with an older guy? Unless it didn't start with a simple relationship...
2.5M 29.8K 34
She will risk everything even her virginity just to get his playful heart. Even if it meant to have a "Between The Sheet" relationship with him.
332K 10.9K 26
Pakiramdam ni Eliana Azarel ay siya na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Sunod-sunod ba naman kasi ang kinakaharap niyang problema. Kaya nga nan...
743K 15.9K 18
(Finished) To everyone, I'm the famous womanizer and for all those years, she thought I played her heart because of the bet. No, I didn't. In fact, s...