The Virgin Writer

By crushyrushy

4.9M 56.9K 5.9K

(To be published under Red Room/ LIB) (Completed) She is Pollyanna Garcia and She's a Virgin Writer :) More

The Virgin Writer
Virgin no. 1
Virgin no. 2: Revenge?
Virgin no. 3 (Walang kwentang Chapter)
Virgin no. 4
Virgin no. 5
Virgin no. 6
Virgin no. 7
Virgin no. 8
Virgin no. 9
Virgin no. 10
Virgin no. 11
Virgin no. 12
Virgin no. 13 (Walang Kwentang Chapter II)
Virgin no. 14
Virgin no. 15
Virgin no. 16
Virgin no. 17
Virgin no. 18
Virgin no. 19
Virgin no. 20
Virgin no. 21
Virgin no. 22
Virgin no. 23
Virgin no. 24
Virgin no. 25
Virgin no. 26
Virgin no. 27
Virgin no. 28 (LAME chapter -__-)
Virgin no. 29
Virgin no. 30
Virgin no. 31
Virgin no. 32
Virgin no. 33
Virgin no. 34: Misunderstanding
Virgin no. 35
Virgin no. 36 : Truth
Virgin no. 37
Virgin no. 38
Virgin no. 39
Virgin no. 40
Virgin no. 41
Virgin no. 42
Virgin no. 43
Virgin no. 44
Virgin no. 45
Virgin no. 46
Virgin no. 47
Virgin no. 48
Virgin no. 49
QUESTIONS!
The Virgin Writer - Epilogue
The Virgin Writer BOOK 2
SELF PUBLISHED BOOK
Sorry Guys

continuation V.34

60K 750 42
By crushyrushy

Continuation lang po :)

*****

<Polly's POV>

"Hindi ko akalain na ikaw, ikaw Pollyanna Garcia. Ikaw na inosente sa paningin namin! Mga ganoong .... kababalaghan! Hindi kita pinagaral para makipag... makipag.. basta! Paano mong nagawa ito sa amin ng Nanay at Kuya mo! Kaya pala naririnig ko iyang mga halinghing mo! At ikaw lalaki, Paano ka nakapasok sa kwarto ni Polly ng hindi ka dumadaan sa Sala!" Naglakad ito ng pabalikbalik. "Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa inyo! Ang babata niyo pa para makipag.. makipag.. basta!"

Napanguso ako. Misunderstanding. Mali talaga! Bakit ba kasi nakalimutan kong tumahimik at nakalimutan kong regla ko na pala ngayon?

Lihim akong napasulyap kay Mint. Tahimik lang ito at nakatungo. Marahil naramdaman niyang nakatingin ko sa kanya kaya napatingin din ito sa akin at ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya.

"POLLYANNA GARCIA!"

Napapikit ako saka tumingin sa tatay kong umuusok na ang ilong at tenga sa sobrang galit na nararamdaman ng tatay ko.

Hindi ko naman siya masisi, sobrang nagulat siya sa nakita niya. Yung bra, dugo, evaporada na nakakalat sa kwarto ko. Pero halata ba yung evaporada kapag nasa sahig? Yung walang suot na Tshirt si Mint at yung nakataklob ako sa kumot na parang nilolollipop ko siya. Mali, mali yung pagkakaintindi nilang tatlo.

"Edrick, bumalik ka na sa Condo mo. Baka hinahantay ka ni Colyn."

"Mas kailangan ako dito." Sagot nito na nasa gilid lang ng Couch.

"Mas kailangan ka ng Anak mo. Ngayon, umalis ka na ako ng bahala kay Polly at sa lalaking ito."

Tumingin muna ito ng masama kay Mint bago umalis ng bahay. Alam ko na kung bakit biglang pinaalis ni Tatay si Kuya, kasi ang igsi ng temper niya baka masuntok niya si Mint.

Pagkalabas ni Kuya. Bumaling sa akin si Tatay.

"Anong plano niyo?"

Parang gusto kong masamid sa sinabi ni Tatay. Plano? Naman!

"Tay, Nay," Tumingin ako sa nanay kong nakatingin lang sa amin.

"Nagkakamali po kayo ng iniisip."

"Paanong mali?! Ikaw lalaki! Anong pangalan mo?"

"Mint po." Lumaki ang mga mata ko ng tumayo ito at inilahad ang kamay nito. Medyo nakatingala pa si Tatay kasi matangkad si Mint. "At your service."

"Bangasan ko yang mukha mo baka ma-at your service kita diyan." Matapang na sabi ng Tatay ko.

Napailing ako. Talaga itong Tatay ko. Napaka.. Akala mo kalakas na tao eh, baka pagnasuntok ni Mint baka matulog.

Umupo si Mint sa tabi ko. Saka ngumiti.

"Alam ko pong mahal na mahal niyo ang anak niyo." Panimula nito. Seryoso ito at nakatingin sa mga magulang ko.

Tumango-tango ako bilang pagsangayon. Tama, tamang tama.. Mas magandang siya ang magpaliwanag sa mga nangyari.

"Minahal niyo siyang mabuti.."

"Tama.." Tatango-tango ako.

"Inalagaan.."

Tumango ulit ako.

"Pinakain.."

Tama.. Tama ang mga pinagsasabi niya.

".. pero.." Hinawakan nito ang kamay ko. "Pananagutan ko po siya."

Tama.. Tama ang mga sina----

Bigla akong napatingin dito. Ano?! Anong pananagutan?!

".. gagawin ko po ang lahat para mapalaki ang mga anak namin, magiging mabuti po akong asawa at a---- ARAAY!"

Binatukan ko ito ng Ubod ng lakas. Bwisit ito. Kung ano-anong pinagsasabi! Anong anak, ama, asawa at pananagutan? Eh, wala ngang nangyari sa amin!

Kung meron Hipo-Hipo lang!

Halik- halik Lang!

"Tay! Nay! Wag kayong maniwala diyan!" Tumayo ako at sinipa ko si Mint. "Sapakin kita diyan!" Nilingon ko ang mga magulang ko. "Walang nangyari sa amin."

"Ano yung dugo sa kama mo?" Tanong ni Tatay.

"Ano yung malagkit sa gilid ng kama mo?"

"Bakit nakakalat ang Bra mo?"

"Bakit suot mo yung Tshirt niya?"

"At higit sa lahat.. BAKIT NASA ILALIM KA NG KUMOT AT NAKALUHOD SA HARAP NIYA?!" sabay a tanong ng mga ito.

Napailing ako sa dami ng tanong. Kung gusto kong makatulog ngayong gabi, kailangan kong ipaliwanag LAHAT.

"Ganito po kasi iyan. Yung Blood sa Kama ko, ay tagos ko. May period po ako ngayon. Yung BRA ko po.. inihagis ko na lang sa kung saan." Kahit ibinato ko yun kay Mint. "Yung Tshirt niya, triny ko lang, kung bagay." Pero totoo, gusto ko lang maramdaman yung Shirt ni Mint. "At yung sa kumot, naipit po kasi yun sa Zipper niya nung akala ko may nangyari sa aming dalawa."

"Teka, Teka, may nakalimutan ka, yung malagkit sa gilid ng kama mo?"

Sinipa ko si Mint. Napa-aray pa ito. Siya ang sumagot sa tanong na iyon. Tama bang magkalat  sa kwarto ko ng... ng... shower milk niya!

Tiningnan niya lang ako ng lukot ang kilay. Kalaking tao, taob sa akin.

"Sagutin mo iyon." I hissed.

"Tss." Lumingon ulit ito sa magulang ko. "Nag-ano po kasi ako.. Alam niyo na po iyon diba? Nagsasariling sikap kapag nabitin."

Napanganga yung mga magulang ko. Walastik. Kailan ba matatapos ito?

"Ibig sabihin..." Sabi ng nanay ko. "Talagang, may nangyayari sa inyo?" Lumapit ito sa tatay ko. "Hon, dalaga na talaga ang anak natin."

Tumingin lang sa amin ang mga magulang ko. Mukhang di pa sila kumbinsido. Eh, totoo naman talagang walang nangyari sa amin ni Mint. Kung meron lang, eh di sana nagpapiyesta na ako. Kasi nakita ko na yung tinatago-tago niya diba?

May kasabihan nga tayo.. kapag dinakma ang sayo, dakmain mo rin yung sa kanya! Mag Dakmaan kayo. Diba? Eh wala namang nadakma sa akin.

"Wala po talagang nangyari sa amin."

Huminga ng malalim ang Tatay ko. "Magkasintahan ba kayo?"

"Hindi po!" tanggi ko.

"Opo!" Pagsangayon ni Mint.

Tumingin ako dito. Ngingiti-ngiti ito. Bwisit! Walang KAMI..! Pagdating sa publiko! Pagkami magkasama.. KAMI!

"Ano ba talaga?"

Tumahimik kaming dalawa. Ang alam ko kami na. Pero bakit ang hirap aminin.

"Umuwi ka na, Mint." sabi ng Nanay ko. "Gabi na, iaabsorb muna namin yung nakita namin sa kwarto ni Polly. At ikaw Polly, umakyat ka na. Magusap tayo bukas."

"Salamat po." Tumayo si Mint. Saka tumingin sa akin. "See you tomorrow. Sino kayang Angel at Devil mo?" Ngumiti ito. Nagpaalam na rin ito sa mga magulang ko.

OO nga pala! Senior Year na bukas! Wala pa akong regalo sa Angel ko! Pero.. wala sa sariling tiningnan ko yung kwintas na bigay niya. Bakit niya ako binigyan ng kwintas?! Nakita ko nanaman yung Print.

M.L.Y.

"MLY?"

"Siya ba may bigay niyan?"

Nilingon ko yung nanay ko. Nakangiti ito na parang may gustong iparating.

"Ahm.."

"Bagay sayo. Bagay kayo! Siguradong magaganda at gwapo ang magiging apo ko pagnagkanak kayo." Kumindat pa siya.

"NANAY!!!!"

Praning ka 'Nay. Praning..

.....pero at least, may BLESSING na kami,

Lihim akong napangiti sa naisip ko. ***

Continue Reading

You'll Also Like

127K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...
344K 1.9K 11
Nang magpacheck up si Ranna sa Doctor dahil may nararamdaman siyang kakaiba sa katawan ay may natuklasan siya. May sakit siya sa matres, she needs to...
5.4M 76.7K 51
*WARNING* Wrong grammar at kung anu-ano pa ang pwedeng makita dito. Please huwag niyo akong i-bash. Bear with my 16 years old self. Ayusin ko na lang.
7.9K 367 55
BEAUTY INSIDE : THE TRUE MEANING by cutenixA A Tagalog-English story. Arceli Christine better known as Model and Actress AC. She has the beauty that...