She's Dating The Gangster

By SGwannaB

8.2M 163K 55.2K

Unedited version of She's Dating the Gangster. More

She's Dating The Gangster
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 30

94.5K 1.8K 732
By SGwannaB

Dumeretso na ako sa trabaho dahil late na rin ako. Nasa tapat pa lang ako ng sushi bar naririnig ko na yung boses ni Athena.. pumasok ako para mas marinig ko ito. Naka focus siya masyado sa ginagawa niya kaya hinde niya ata ako napansing pumasok

"..I loved you first. Your hair was long, when we first met.."

Narinig ko na yang tinugtog niya sa bahay. Pero hinde ako masyadong nag focus kasi alam kong mahihiya siya pag pinanood ko siyang tumugtog.

"You are my sweetest downfall.. I loved you first.."

Natapos na yung tugtog niya. tapos napatingin sa akin at ngumiti.

"Tuwang tuwa mga customers sa kanya. Ang dami ngang nag rerequest ng kanta eh. ang swerte ko ata sa inyong dalawa! Kayo nag paparami ng mga tao dito eh." napatingin ako sa mayari ng sushi bar "Simula nung dumating ka nag dagsaan yung mga tao, tapos ngayon naman etong si Athena dinadayo na rin!" tuloy tuloy sinabi ng boss namin, "Aba! Kanina pinipicturan pa siya! Malayo mararating nito pag gumawasiya ng sarili niyang album.."

Mga 10:30 pm pinauwi na kami ng boss namin dahil sobra sobra na raw yung natulong namin lalo na si Athena. Naglakad kami pauwi kahit na sobrang pagod na kami. Siyempre kwentuhan at konting sermon. Pinagsabihan ko siya tungkol sa ulcer niya sabi naman niya matagal na siyang may ulcer kaya lang napapadalas daw talaga bigla yung pagsumpong ng sikmura niya.

Saturday, November 25, 2006

Halos 1 week ng nakalipas simula nung revelation, palapit na ng palapit yung entrance exam sa South University, hinde na kami pwedeng magbackout kasi eto na yung last batch nung exam. Medyo naging busy kaming lahat dahil sabay sabay kaming mag tatake ng exam. Ngayong araw lang ulit kami aalis ni Athena since ngayon namin napagdesisyonan na mag break muna sa kakaaral.

"OPPA! AALIS LANG KAMI NI KENJI!!!" sigaw ni Athena.
Ang kulit niya rin noh? Ilang beses ng pinag sasabihan ni Nathan wag sumigaw pero sigaw parin ng

sigaw!

"Alis ka?? Aalis din ako eh! Sinong mag babantay ng bahay?? Baka umalis din si Sara!"

Lumabas si Sara, "Ya. You two can go. I'm not going anywhere today. Have fun!"
Ang gulo ng mundo nitong tatlong to. Simula nung nagbakasyon yung yaya nila naging ganito na

buhay nila. MAGULO.
"Ok. Balik rin kaagad ako." hinawakan na ni Athena yung kamay ko.

Naglakad nakami palabas ng village. Ayaw niyang mag dala ako ng kotse kasi nahahati daw yung attention ko. ayoko rin mag dala ng auto kasi nakakapagod mag maneho at siyempre kelangan masanay si Athena sa pag kokomyut.

Pagdating namin sa mall, movie kaagad yung una namin. Nanood kami ng Happy Feet since sobrang gusto niyang mapanood yung movie na yun. Buong tima nung palabas tuwang tuwa siya. Ngayon ko lang ulit siyang nakitang ganitong natuwa sa isang movie eh.

Pagkalabas namin ng movie house naka salubong namin si Nathan at... Grace!

"OPPA!! GRACE!!!" lumingon yung dalawa pagkarinig nila sa sigaw ni Athena. Lumapit kaming dalawa sa kanila, "Are you guys dating??"

Parehong nanlaki yung mga mata nung dalawa tapos parehong nagblush.

"Obvious ba? " napatingin sa akin si Athena, ako na lang ang sumagotpara sa dalawa dahil halata namang hinde nila masagot yung tanong ni Athena.

"It's not what you think.. I asked him out. So it means we're not dating. We're just 'hanging out', okay?" sinabi ni Grace yun habang nag hahand gestures pa.

Nag smile si Athena sa sinabi ni Grace "But I thought you like my bro--" tinakpan ni Grace yung bibig ni Athena bago niya pa ituloy yung word na "brother"

"You love freebies right?? OF COURSE! Let's go! I'm going to treat you!" Hinila ni Grace si Athena. Sumunod na lang kaming dalawa ni Nathan sa pupuntahan nila.

Sa starbucks kami napadpad, sa may labas kami tumambay. Si Grace yung umorder para sa amin, libre niya daw kasi. Si Athena naman kanina pa nagkukwento tungkol kay Grace, mas matagal kaming magkakilala ni Grace pero mas marami siyang alam kesa sa akin.

Kinuwento niya pa kay Nathan na nagka gusto daw sakin si Grace! Anak ng!! Tama bang ikwento yun habang nasa tapat niya ako? Pero tumatawa siya habang kinukwento niya yun. Hinde niya raw

kasi aakalaing si GRACE mag kakagusto SAKIN! Anong imposible dun? Madami atang nag hahabol saking mga babae noh. Kaya walang imposible dun.

Biglang naging seryosos yung mukha ni Athena, "Oppa, Grace likes you. She likes you a lot.. you have inspired her.. I just don't know how you've inspired her." Napatingin si Athena kay Grace na nasa loob ng Starbucks

"Stop fooling around. I like her, too. You know that." sinabi ni Nathan habang naka smile.

"If you don't like her in a romantic way, then tell her. Pinapaasa mo lang siya. I don't want her to get hurt again. She likes you so much, remember that.. but don't take it to heart that much if you really cant repay her feelings.."

Tahimik lang si Nathan. Siguro napapaisip siya sa mga sinabi ni Athena. Tama naman kasi si Athena eh, wag na niyang patagalin pa lalo na kung hinde niya kayang suklian yung feelings ni Grace para sa kanya.. Kasi aasa at aasa lang si Grace pagpinagpatuloy niya pa yung ganitong setup nila eh.

Lumabas na si Grace na may dala-dalang tray, tumayo si Nathan para tulungan si Grace. Nilapag ni Nathan yung tray sa table tapos umupo na silang dalawa. Tahimik parin si Nathan kahit iba na yung pinaguusapan naming. Si Grace nakakahalata na sa kinikilos ni Nathan kaya etong si Athena dinaan na lang sa biro para maka gawa ng excuse na bebenta kay Grace.

"Grace, pwede ba tayong magusap?" napatingin kaming tatlo, Grace, Athena at ako, sa lalaking lumapit sa table namin.

"Gino.." napatingin si Nathan kay Gino pagkarinig niya sa pangalan nito. "Importe lang." napatingin siya kay Athena, si Athena naman nag shrug lang. "Ok." tumayo si Gracepagkasagot niya.

3 tables away sila sa table namin. Magkaharap silang nag uusap at mukhang napaka seryoso ng pinaguusapan nila. Nakatingin lang kami ni Athena sa kanila eto namang magaling kong girlfriend biglang humirit, "Maybe he wants her back."

Tumingin siya kay Nathan, "you don't have to like her anymore. I think they're going to reconcile." Si Nathan naman nakatingin lang sa inumin niya.. nakatingin sa nakalagay na pangalan ni Grace.

"Niloko mo ako! Tapos ngayon sasabihin mo na ako yung may kasalanan!? Sinong ginagag0 mo?"

narinig naming sinabi ni Grace. Napalakas niya itong nasabi.

Napatingin si Nathan kela Grace, mukhang gusto na niyang lumapit sa table nila. Pero hinawakan siya ni Athena sa kamay tapos umiling si Athena.

"Matagal na akong nag bubulag bulagan. Madami ng nagtago sakin tungkol sa mga kalokohan mo!! alam mo ba kung gaano kasakit yun?! Alam mo ba kung gaano kahirap magpanggap na ok ka lang kahit hinde? Na masaya ka kahit na gusto mo ng umiyak? Na UMAASA kang magiging ok na ang lahat kahit alam mong wala na talaga??" napatingin si Grace kabilang side niya, "How would you know.. eh wala namang taong mas hihigit pa sa pagka insensitive mo eh." sabay tingin niya ulit kay Gino

Natahimik na naman silang dalawa. Si Athena pinipigilan rin yung sarili niya na wag makialam sa usapan nung dalawa. Nasa mukha rin ni Nathan na gusto na niyang puntahan si Grace. Magkapatid nga talaga tong dalawa. Mapapansin mo sa itsura nila na nag aalala sila pareho sa sitwasyon ni Grace.

Tumayo si Grace at nag simulang mag lakad palayo kay Gino pero tumayo si Gino at hinawakan yung kamay niya.

"Bitawan mo ko. may boyfriend na ko, sana eto na yung last na pagkikita natin."

"Boyfriend? Sino? Eh kakasabi lang sakin nung kaibigan mo na wala kang boyfriend eh."

napatingin kaming lahat kay Athena, si Athena naman nag shrug "Hinde ako!" habang umiiling.

Tumayo si Nathan, lumapit kay Grace at hinawakan yung kamay niya. napatingin si Grace at Gino kay Nathan

"Ako." nabigla si Grace nung sinabi ni Nathan na 'ako', "ako yung boyfriend niya. kaya sana wag mo na siyang guluhin. Hinde mo siya nagawang pasayahin. Lahat ng pagkukulang mo ako mag pupuno. Hinde ko siya papaasahin at sasaktan katulad ng ginawa mo. kaya kung pwede lang.. ayokong nakikita ka kasama niya. tigilan mo na GIRLFRIEND KO."

Hinila ni Nathan si Grace kaya natanggal yung pagkahawak ni Gino sa kamay ni Grace. Tumayo na kami ni Athena tapos sumunod sa kanila.

Sa may parking lot kami napadpad. Binitawan ni Nathan yung kamay ni Grace tapos napayuko,

"Sorry.. nabigla lang ako.."

Nag smile si Grace tapos hinawakan yung mukha ni Nathan, "Alam ko namang ginawa mo lang yun para hinde ako mapahiya eh. wag kang magalala, hinde ko naman sineseryoso yung mga sinabi mo eh.. salamat.." tapos ngumiti siya.

Hinila ako ni Athena sa gilid nung isang kotse. Pero nakikita pa rin namin sila, naririnig.
"Tawagan ko lang si Athena, baka nag aalala na sila satin eh.." kinuha ni Grace yung phone niya sa

loob ng bag niya pero hinawakan ni Nathan yung kamay niya, "Bakit?" 

"Seryoso ako sa mga sinabi ko. Ako magpupuno ng pagkukulang niya.." 

"Pero hinde mo naman ako gust--"

Lumuhod bigla si Nathan, "BE MY GIRLFRIEND!"

Nag takip si Grace ng bibig gamit yung isang kamay niya. Pati si Athena nag takip ng bibig! Ano ba to! Siya ba sinasabihan ng 'be my girlfriend' para mag react ng ganun??

"Be... my girlfriend, Grace.." inulit ni Nathan yung tanong niya, pormal na niya tong sinabi. Amp! Cheesy!

"Tumayo ka nga diyan! Wag kang mag alala. Hinde pa ko kasal." hinila ni Grace si Nathan patayo

tapos niyakap niya si Nathan.
"I guess that's a yes.." mahinang sinabi ni Athena. "Let's go. this is their moment. Haha it shouldn't

be ruined by you." Hinawakan niya ako tapos nag lakad na kami palayo sa kanila.
Ako pa raw yung mag sisira nung moment nung dalawa? Eh siya nga tong salita ng salita kanina eh!

halatang nahihiya na yung dalawa sa ginagawa niya! Ang lakas talaga niyang mag bintang!

Nagpunta kami sa bus station since wala naman kaming dalang kotse at hinde kami pwede sumabay kela Grace. Habang nag iintay ng ibang pasahero tinuturuan ko si Athena kung paano mag commute pauwi. Tinuro ko sa kanya yung mga pwede niyang babaan. Isa sa Southland, isa sa Toyota. Yung usual naming binababaan. Sana nga lang at matandaan niya. Pano na lang pag wala ako sa tabi niya tapos kelangan niyang mag commute mag isa diba?

Hinatid ko na siya sa bahay nila dahil excited na raw siyang mag kwento kay Sara. Pagdating naming nandun din si Jigs. Sakto daw yung pagdating namin dahil may sasabihin daw si Sara kay Athena. Si Kerb daw papunta na kasama si Lucas. Tatawagan na sana ni Sara si Grace pero pinigilan ito ni Athena. Hinde raw pwedeng maistorbo si Grace ngayon. Tsss. Etong si girlfriend talaga!

Mga 10 minutes at dumating na yung dalawa. Umupo na sila nagtanong yung dalawang ungas kung bakit daw nag patawag ng meeting si Jigs. Oo nga eh, ang weird ni Jigs ngayon. Nagorder pa ng pizza! Gumagalante si mokong!

"Uhm.. kasi.. kami na." napa smile bigla si Athena tapos napatingin sa akin.

"AMP!!! Talaga!? Si Grace at Oppa na rin eh!" napatingin kaming lahat kay Athena

"Amp?" sabay sabay nilang sinabi kay Athena.

"Nagiging Kenji ka na ha.. eto namang si Kenji laging napapa, 'YA' at 'Psh' nasobrahan na kayo sa pagsasama ah!" tumawa sila dahil sa biro samin ni Jigs

"Pero pare.. wow. Pareho ng anniversary date yung kambal. Kambal nga talaga kayo noh?"

nagtawanan kaming lahat.

Nag kwentuhan kaming anim. Syempre nagpainom si Jigs. Dumating yung bagong lovers at nakisama sa amin. Si Nathan naman bumili ng pulutan. Masaya kaming lahat sa mga nangyari ngayong araw. Worth it yung pag hihiatus naming lahat.

Umuwi na ako ng bahay pagkatapos nung inuman, nag kayayaan na rin eh. pag tingin ko nandun si Abigail naka upo sa may tapat ng gate.

Ngumiti siya sa akin, "Kanina pa kita iniintay.. hinde kita matawagan kasi alam kong kasama mo si Athena.. pero nag send ako ng message sayo.."

Nag send siya ng message?? Teka.. eh na kay Athena yung phone ko eh! amp! Wala naman siyang sinabi saking nag text si Abigail eh.. siguro hinde nakarating.. sana nga.. sana!!

"Ano.. Kenji.. kelangan natin mag usap.."

Athena's POV

Wednesday, November 29, 2006

100 days na kami ni Kenji ngayong araw na to. Buuuut.. He hasn't been attending our class since Monday. Hinde rin siya pumapasok sa trabaho namin.. weird.

Hinde rin naman siya tumatawag oh nag sesend ng message sakin sa MSN. I wonder what he's been doing lately... Si Lucas, Kirby at Carlo yung madalas ko ng makasama since si Sara at Jigs

kelangan ng quality time, si Grace naman busy sa council.

"Baka naman nag message na sayo, hinde mo lang alam.."

"Wala talaga. Kahit sa MSN wala eh. hinde rin nag memessage sa Friendster at Myspace. Kahit nga comment wala eh."

Napakamot ng ulo si Carlo, "Ganun? Sinubukan mo na ba siyang tawagan?"
Tawagan? Hinde pa.. feeling ko naman kasi ok lang siya. yun nga gaya ng sabi nila, baka busy lang

sa pag aaral o kaya nasa bahay ng parents niya since kakauwi lang nung parents niya nung Sunday.

"Tawagan mo na. Wag mo kasing pagalalahin sarili mo."

"Hinde ko dala yung cellphone ni Kenji eh.."

Sa totoo lang 1 week ko na yun hinde chinecheck eh. wala naman kasing nag tetext sakin dun eh. nasa bahay lang yun. naka silent. Nasa drawer ko.

Nilabas ni Lucas yung cellphone niya at nag simulang mag dial. "Ako na lang tatawag sa kanya." I nodded. Si Carlo hinawakan yung kamay ko, "Don't worry. Si Kenji yun, remember? Walang

mangyayaring masama dun."

Nag nod ulit ako.

"Kenji! Hinahanap ka ni Athena.. ano?... bakit??.. sige sasabihin ko na lang sa kanya.. ok... bye.." humarap sakin si Lucas "kasama niya family niya eh. Nandun sila sa resort nila sa batangas. Nag text daw siya sayo pero hinde ka raw nag reply. Wag kang mag alala.. 1 week lang naman un eh."

Nagsmile ako sa kanya. Nagtext siya? sana pumunta na lang siya sa bahay o kaya tinawagan ako sa landline. Bakit kelangan text pa? amp!

Nagpunta na kami sa class namin, ang bagal ng araw ko ngayon.. siguro kasi wala si Kenji. Pero ok lang. tinabihan naman ako ni Lucas eh. kaya hinde ako masyadong nalungkot. Dismissal na, pagkatapos kong ilagay yung gamit ko sa locker bumaba na kami ni Lucas sa center stairs.

"Grabe.. 3 days ng hinde pumapasok si Abi. Ano na kayang nangyari dun?? Hinde naman tumatawag sakin."

"Baka naman may sakit o baka may pinuntahan lang. Wag kang mag alala. Ok lang yun.."

Narinig namin ni Lucas nag uusap yung dalawang babae. Sila yung mga kaibigan ni Abi. Ano kayang nangyari sa kanya? Ok lang kaya siya? imposibleng magkasama sila ni Kenji ngayon kasi nasa batangas si Kenji kasama family niya.

Sabay kaming uuwi ni Lucas ngayon since Kenji's not with me right now.. ano ba to.. 100 day anniversary pa naman din namin ngayon. Sa Korea madalas itong cinecelebrate kasi pag nakaabot ng 100 days yung relationship niyo ibig sabihin naka survive kayo sa trials.

Pero wala siya sa tabi ko ngayon.. ibig sabihin kaya.. hinde kami naka survive? Bad luck daw pag hinde namin icecelebrate eh.. pero si Lucas yung kasama ko ngayon.. ano ba to. Ayoko na tuloy maniwala sa sa mga ganung klaseng bagay.

"Gusto mo bang manood ng muna ng movie? Libre kita." Nag smile sakin si Lucas.
"May work ako eh.. gusto mo sumama ka na lang sakin dun? Wala rin kasi akong nakakausap dun

eh.. hinde kami close nung mga tao dun. Wala pa si Kenji.."

"Sa work?"

"Kung gusto mo lang naman.. pero kung ayaw mo.. ok lang rin." nag smile ako sa kanya.

"Sige. Magbibihis muna ako tapos sunduin kita sa bahay mo para sabay na tayong pumunta sa work mo." tapos nag smile siya sa akin.

Si Lucas hinde pa rin nag babago. Kahit na may something na nangyari sa amin noon at pinili ko si Kenji kesa sa kanya, eto parin siya.. mabait parin sakin. Minsan lang ako makakilala ng katulad niya. Para siyang si Kirby, palaging nasa tabi ko pag kelangan ko siya. Tamang choice yung pag lipat ko sa school nila.

Hinatid ako ni Lucas sa bahay tapos umuwi na siya para makapag bihis. Una kong ginawa pagkapasok ko sa kwarto ay tingnan yung cellhpone ni Kenji.

5 new messages..

Yung isang message galing sa teammate niya, yung isa kay Sara, yung isa galing sa phone ko, yung dalawa.. galing kay Abigail.

Una kong binasa yung message na galing sa phone ko dahil si Kenji nag send nun.

From: Wifey

Athena pupunta lang kami ng family ko sa batangas. 1 week akong mawawala.

-Kenji

Yun lang yung sinabi niya. so plain. Next kong binasa yung message ni Abi kay Kenji

From: Abigail

Kenji, pwede ka bang makausap?

From: Abigail

Kenji nandito ako sa tapat ng bahay mo.. intayin kita.

Tiningnan ko yung date, nung Saturday pa to. Ano kayang pinagusapan nila? Nag usap nga ba sila? pero gabi na umuwi si Kenji eh.. siguro hinde sila nakapag usap. Ano ba to. Hinde ko naman dapat pinoproblema yun eh. Kung nagusap sila, ok lang. may tiwala ako kay Kenji, sa mga sinabi niya sa akin na mahal niya ako at hinde niya ako lolokohin.

Nagshower na ko, nakapag bihis after 3 minutes dumating na si Lucas. Paglabas naming nakita ko yung black na motor na nakita ko dati sa bahay nila. Sa kanya pala yun. First time kong sasakay sa isang motor kaya medyo kabado ako. pero nung nakarating naman kami sa sushi bar ng buhay, naisip ko na ok lang pala sumakay sa motor. Ata.

Umupo na ako sa may piano, siyempre yun naman ang Gawain ko eh. umupo sa may piano at tumugtog. Puro requested lahat ng tinugtog ko. kaya may mga extrang pera na binibigay sakin. Pinauwi na ako ng mga 11:00 pm ng owner.

Again sumakay na naman ako sa bike ni Lucas. Siyempre kampante na ako. Tinanong ko siya kung pupwede ba kaming mag stop muna sa Conti's para bumili ng cake, pumayag naman siya.

Gusto ko sanang icelebrate yung 100 day anniversary namin ng kasama ko si Kenji, pero napaka impusibleng mangyari nun. Kaya cinelebrate ko yun kasama si Lucas. Gusto kong maiyak pero napaka babaw naman kung gagawin ko yun. Hinayaan ko na lang.. lahat ng lungkot na nararamdaman ko.. wala lang to.. may tiwala ako sa kanya.

After 2 days pumasok na si Kenji pumasok pa siya! eh Friday na rin naman. December 1 na..

Naffeel ko na yung presence ng chirstmas! Si Kenji naman medyo weird ngayon. Hinde siya masyadong nagsasalita, naka white sneakers siya at hinde black leather shoes. Parang siya yung dating Kenji na nakilala ko.

Napansin ko rin na humahaba na yung buhok niya.. dun ko rin napansin na mahaba na rin masyado yung buhok ko.

"Kenji, gusto mo bang magpagupit mamaya? Ang haba na ng buhok mo oh.. masyado na ring mahaba yung akin.."

Tumingin siya sa akin, "Ayoko. Ikaw na lang."
"Sungit mo ah!" nagsmile lang siya sakin, I smiled back.

Mabilis araw namin kasi shortened period kami tuwing Friday dahil sa may club meeting. Sabay sabay kaming nagpunta sa room ng club namin. Nagdiscuss lang si Kirby tungkol sa gagawing activity ngayong December tulad ng Christmas party, outreach, pati yung whatever-trip nila.

Pagkatapos nung meeting bumaba na kami ni Kenji. Tahimik parin siya. parang wala siya sa mood makipag usap sakin.. parang may mali..

What ever that is.. I have to know. I have to find out. 

Continue Reading

You'll Also Like

428 76 11
Chryzantha Faye Vontemar, a senior high school student under HUMSS track, a ray of hope and perseverance for every student. Ilang beses man siyang na...
25.8M 1.1M 108
Escaping from his responsibilities as a future duke, Terron Dashwood moves to the Philippines, hoping to live a simple and humble life. But when he c...
103K 7.9K 37
A feisty teenage girl receives an alarming threat from someone called Black Cat, hinting at a mysterious accident from the past that caused a chain r...
2.1M 70.9K 49
Cavanaugh #3 Holy, a young soft woman who have erotophobia. Fear of sex. Just like her name, she have these angelic looks, soft-spoken in a way that...