She's Dating The Gangster

By SGwannaB

8.2M 163K 55.2K

Unedited version of She's Dating the Gangster. More

She's Dating The Gangster
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 39

78.4K 1.9K 867
By SGwannaB


Lucas' POV

Hinde ako makatulog sa napagusapan namin ni Kirby. Napaka seryoso ng mukha niya habang sinasabi niya sa akin lahat ng nalalaman niya. Napatingin ako kay Athena na natutulog sa may kama. Hinde ko alam kung papayagan ko si Kirby sa gusto niyang gawin.

Akala niya ba gusto kong itago yung totoo sa kanila? Nahihirapan na rin akong itago lahat ng nalalaman ko mapakay Athena o kay Abi. Hirap na hirap na rin ako.

Unang una ayokong magalit sila kay Abi dahil sila na ulit ni Kenji pero ayoko rin naman mahirapan ng ganito si Athena..

"Lucas?" nakita kong bumangon si Athena "Hm?" sagot ko sa kanya.

Tumayo siya tapos umupo sa may tabi ko. Sumandal siya sa may balikat ko tapos niyakap niya yung kaliwang braso ko. Sa ginagawa niya mas lalo akong nahihirapan. Hinde naman talaga ako yung dapat na nasa tabi niya eh.. hinde ako dapat yung nag papasaya sa kanya.

"Bakit nandito ka sa couch? Ang hirap kayang matulog dito.. dun ka na lang sa tabi ko.."

Napatingin ako sa kanya pero naka sandal parin siya sa may balikat ko. "Ok lang ako dito.." Naramdaman ko yung pag iling niya. Tapos humigpit yung pag yakap niya sa braso ko, "Tabi na

tayo.. please?"

"Sige na nga." sabi ko sa kanya.

"Umm.. Luke? Pwede mo akong samahan sa baba? Kelangan ko kasing uminom ng gamot eh.."

Lumabas kami ng kwarto at pumunta sa may kitchen. Kumuha kami ng dalawang baso ng tubig. Sa may living room muna kami tumamabay dahil hinde pa daw siya makatulog. Nung tiningnan ko yung relo ko nakita kong 4:28 am na. Ano ba tong babaeng to sanay na ata siya sa puyatan eh.

Nagpakwento siya sa akin tungkol sa buhay ko. Gusto niya raw akong makilala ng mabuti at gusto niya raw malaman lahat ng past ko. Siyempre sinabi ko sa kanya lahat ng gusto niyang malaman. Wala rin naman akong dapat itago tungkol sa past ko eh.

Humiga si Athena sa sofa na inuupuan namin habang hawak yung kamay ko.

"Humiga ka rin. Parang kama to sa laki eh. Tingnan mo kasya tayong dalawa!" sabi niya habang nakangiti. Humiga ako sa tabi niya. "Ayan. Ikaw na lang ang kakampi ko Lucas.. wag mo akong iiwan basta basta.."

"Iiwan lang kita pag sinabi mong iwanan na kita.."

Ngumiti siya sa akin tapos hinawakan niya yung muka ko, "para namang gagawin ko yun.."
Alam ko hinde ko dapat ginagawa tong mga bagay na to.. pero masisisi niyo ba ako? Tao rin ako,

marunong magmahal at nasasaktan.

-----------------------------

"Bakit dito natulog yung dalawa? Diba umakyat sila kagabi? Ay kanina pala."

"Ewan.. baka bumaba sila.. may baso sa lamesa oh. Ibig sabihin bumaba sila para uminom. Siguro nakatulog sila habang nag kukwentuhan.."

"Gigisingin ba natin sila?"

"Bakit?"

"Baka makita sila ni Kenji eh.."

"Ano naman?! Ya! He's with that girl now and left Athena in pain. If Athena's happy with Lucas then I don't care about Kenji being hurt. He deserves it."

Parang panaginip yung narinig ko kanina pero boses ni Sara talaga yung narinig ko. Nung idinilat ko na yung mga mata ko nakita kong tulog pa rin si Athena at nakaharap pa rin sa akin.

Binuhat ko siya para dalhin sa kwarto namin. Wala namang magiging problema sa pagbuhat ko sa kanya dahil magaan lang siya. Nakasalubong ko si Grace tapos nag smile siya sa akin at nag 'ok' sign.

Pagkadating namin sa kwarto, dahan dahan ko siyang nilapag sa kama tapos kinumutan. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at bumaba ulit sa may dining room.

Nakita ko si Kenji at Grace sabay na kumakain "Morning Luke." Masayang bati ni Grace

Umupo ako sa may tabi ni Kenji, "Si Abi tulog pa?"
Tumango siya. "Si Athena?"
"Tulog pa."
"Ayos ha. Parang nagpalit lang kayo ng girlfriend." Sabi ni Grace habang kumakain "Oo nga pala, ano ba plano bukas? Pupunta ba sila Ate Kendi?"

"Dein. Baka ung usual. Inom, kain, paputok." Nag nod ako habang susubo ng bacon Natahimik kaming tatlo. Patuloy lang kami sa pagkain namin.
"Wala bang check up si Athena ngayon?" tanong ni Grace out of the blue.
Umiling ako, "Sabi pag nilagnat daw siya pumunta na lang sa ospital."

Kinuwento lang sa akin ni Carlo yung sinabi ng doctor. Tinanong kasi nila kung pupwede daw bang mag out of town si Athena with friends ang sabi pwede daw basta wag daw hayaang mapagod. Tapos pag nilagnat daw siya pag pahingahin tapos iuwi na lang kinabukasan para madala sa ospital. Ganun ka special si Athena ngayon. Madadamay ang lahat pag nilagnat siya.

"Ano bang sakit niya? Inuulcer pa rin ba siya?"

Napatingin kami ni Grace kay Kenji, "Ulcer?" sabay naming sinabi.
Wala namang nababanggit sa akin si Athena na may Ulcer siya, kumakain rin naman siya halos sa

oras at tama naman ang appetite niya kapag kumakain.

"Sinong may sabing may ulcer siya?"

"Siya." sabi niya bago siya sumubo, "Sabi niya sa akin may sakit siya at kaya siya nag susuka kasi may ulcer daw siya."

Sa pag explain ni Kenji naintindihan ko na. Ginawang excuse ni Athena yun ulcer para isipin na lang ni Kenji na sumusuka lang siya at sikmura yung sumasakit sa kanya at hinde yung dibdib.

"Walang ulcer si Athena." sabi naman ni Grace. "Wala? So nagsinungaling siya sa akin?"

"Parang ganun na nga." Sabay inom ng tubig, "yung check up para sa puso yun. Emotionally stressed siya kaya kelangan niya yun. Siguro naman alam mo kung bakit diba? Pati hinde dapat ako yung nag sasabi nito eh.. oh well."

Tumayo si Grace tapos umalis na sa dining room. Kaming dalawa na lang ni Kenji yung naiwan. Hinde pa rin nag babago yung expression ng mukha niya sa narinig niya kay Grace. Naisip niya rin siguro na nag sinungaling sa kanya si Athena.

Mga 11 am na ng nagising si Athena. Kumain na siya ng almusal slash lunch niya tapos niyaya niya akong mag beach. Siyempre dala ulit namin yung camera namin. Naglagay siya ng sunblock tapos nag latag na naman siya ng tela sa may sand at humiga. Ganun din ang ginawa ko. nag lagay ng sunblock at humiga sa tabi niya.

Nung nagdatingan na sila umingay na yung mundo namin ni Athena. Yung tahimik na mundo namin biglang gumuha dahil sa kanila. Lahat sila pinag sasabihan na si Athena dahil nangingitim na raw siya kakabilad sa araw.

"Yun nga yun silbi nitong getaway natin eh! Siyempre susulitin ko na noh. Tan na kung tan!"

"Ya! Hinde ka pa nag papagraduation picture! Baka naman ang itim mo sa pic ha!"

"I don't care." proud niyang sinabi. "Mas masarap pa ngang may beer na iniinom pag ganito eh. Haaay. Beer.. sand.. tapos yun view.. equals LIFE!"

Sabi ni Athena habang nakatingin sa dagat.

Mga 3:24pm na at nasa ilalim pa rin kami ng araw.

"Ayos tong si Lucas ha. Kanina pa naka bilad sa araw pero namumula lang! Tss. Sana pareho tayo ng balat!" sabi sa akin ni Grace.

"Babae kasi talaga yan eh! Nagpapanggap lang na lalaki, diba Luke?" sabi niya habang nakangiti sa akin

Kanina ko pa napapansin na parang tahimik si Abi at Kenji. Nag away kaya sila? O baka naman naiilang lang sila dahil kay Athena?

Tumayo si Athena tapos lumapit sa may dagat, nakita ko si Kenji naka titig sa kanya tapos naka smile. Mahal niya pa nga.

Nilapitan naman nila Grace at Sara si Athena tapos nagharutan na silang tatlo. Nag hihilahan sila papunta sa may tubig tapos eto namang si Kirby lumapit kay Athena tapos binuhat sabay binagsak ulit. Ang kulit nilang tingnan. Ang sarap makitang masaya si Athena.

Nung napagod na sila ng apat bumalik na sila sa may amin tapos nag si upuan.

"Tara na Lucas! Shower na tayo." Tumayo siya tapos hinila niya kamay ko.

Nakatingin silang lahat sa amin, "Sabay kayong maliligo?!?!"

Sinabi ni Jigs, Kirby at Grace ng sabay. Tumayo na ako tapos pinagpag yung mga sand na nakadikit sa katawan ko.

"Bakit masama ba? Maliligo lang naman kami ng sabay eh. Hinde naman parang may gagawin kaming masama sa pag ligo.. diba Lucas?"

Napatingin siya sa akin. Kaya pati tuloy sila napatingin. "Ha..? siguro..?" nagaalinlangan kong sinabi habang nakatingin kay Kenji.

Nakatingin siya sa amin na parang gusto niya kaming pag hiwalayin ni Athena. Nasa mga mata niyang galit siya sa sinabi ni Athena.

"Ka ja!" sabi niya habang nakahawak sa braso ko. Eto na naman siya sa pag kokorean niya. [Let's go!]

Pag pasok namin sa kwarto pumasok na siya ng banyo. Narinig ko siyang sumigaw ng 'aren't you coming' kaya sumunod na ako sa kanya sa loob. Pumaosk ako ng nakapikit ang mata peri tumawa siya bigla. Pagtingin ko sa kanya nakasuot pa rin siya ng swim suit tapos nakahiga sa may bathtub.

"I told you walang masama kung sabay tayong maliligo. Pati ang laki laki naman nitong bathtub na to noh. Kasya tatlong tao dito."

Nag smile ako sa kanya tapos pinanood ko lang siya habang nasa bathtub siya. "Ayaw?" umiling ako. "Ok.."
"Sa shower na lang ako." nakita ko siyang nag nod tapos lumubog sa may bathtub.

Habang nasa shower ako nakita ko siyang naglalaro lang ng bula. Hinde siya nag sasalita patuloy lang siya sa pag lalaro. Hinde ko alam kung dapat kong sabihin na alam ni Kirby yung sakit niya pero natatakot ako na baka pag nalaman na niyang pati si Kirby lam, baka ilayo niya yung sarili

niya sa amin. Ayaw na raw niya ng awa. Minsan daw siyang nag makaawa sa isang tao pero hinde naman naawa yung taong yun. Hinde niya binanggit kung sino. Kakilala lang daw niya yung taong yun.

Lumabas ako sa may shower room tapos tumayo naman si Athena. Nag suot na ako ng bathrobe tiyaka ko hinubad yung board shorts ko.

"Talikod. I'm gonna take a shower na." tumalikod ako tapos pumasok na si Athena sa may shower room.

Lumayo layo ako para hinde mailang si Athena. Hinde nga siya na iilang pero ako naman yung naiilang!! Anyway. Pag tingin ko na lang kay Athena naka bathrobe na siya tapos may hawak siyang plastic bag.

"Tara na." binuksan ko yung pinyuan tapos lumabas kami.
Pagkalabas namin bigalng bumukas yung pintuan ng kwarto at nakita namin si Kenji.
Nung nakita niya kami ni Athena hinde siya nakapag salita. Gulat siya sa mga nakikita niya. "Bakit?" tanong ni Athena
"Ah.. so--sorry. Wa.. wala." Lumabas siya at isinara yung pintuan ng malakas.
"Problema nun?" Dinedma na lang ni Athena yung nangyari.
Nilagay niya yung plastic bag sa may isa niyang bag tapos bumalik sa banyo.
Napahampas ako sa noo ko, "Potek.." yun na lang yung nasabi ko.

Namisunderstood na naman ni Kenji yung pangyayari. Sinabi ko na nga na ayaw ko ng magkagulo pa sa amin pero gulo pa rin 'tong pinapasok ko. kahit na sinabi kong gusto kong protektahan si Athena ayoko pa rin masira yung friendship namin. hinde ko alam kung bakit biglang pabago bago yung isip ko.. basta eto yung nafifeel ko ngayon.

Hinde ko alam kung kelan ulit mag babago yung pagiisip ko pero ngayon ayoko masira yung friendship namin ng dahil lang sa mga mali ko..

Nag suot na ko ng underwear at shorts tapos naka bathrobe pa rin ako. lumabas si Athena galing banyo ng nakabihis na. May nakalagay na lang na towel sa may ulo niya tapos humiga siya sa may tabi ko.

"Sorry.. pati ikaw nadadamay. E-explain ko na lang sa kanya.."

bumangon si Athena tapos bababa na ng kama pero hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siya.

"Ok lang. Wala na rin naman kayo eh. Wala na rin siyang karapatan magalit."

See. bigla na naman akong nag bago. Pero napaisip kasi ako sa sitwasyon eh. Wala na sila ni Athena. Pwedeng naming gawin lahat ng gusto naming gawin kahit walang permiso sa kanya.

Humiga ulit si Athena tapos ipinikit yung mga mata niya kaya ipinikit ko rin yung akin.

Pagkadilat ko ng mga mata ko tumingin kaagad ako sa orasan. 5:36pm na. nakatulog kaming dalawa. Tumingin ako sa left side ko at nakita ko sa Athena nakatalikod sa akin.

Nagulat ako ng bigla na lang siyang bumangon, "ANONG ORAS NA?!?" sabi niya ng pasigaw "Ano ba! Nakakagulat ka naman! 5:36 na."
"OMONA!!!" tapos bumaba siya ng kama, "Have you forgotten that we are meeting Bianca and

Dylan??"

Nagmadaling mag palit ng damit si Athena sa may banyo kaya nagsuot na rin ako ng shirt. Pag labas niya hinila niya ako papalabas ng kwarto, pababa ng hagdanan at papalabas ng bahay.

Nung nakarating kami sa resort na pinagtutuluyan nila. Sinalubong kami ni Bianca tapos tinawag niya naman si Dylan sa pag pasok namin. Pinakilala nila kami sa mga kaibigan nila tapos nag simula na kaming mag kwentuhan lahat.

Nakakatuwa silang mag kakaibigan. Si Ryan laging kinukulit si Athena. Lagi niyang pinipilit na sumayaw o kumanta si Athena tapos yung dalawang babae naman pipigilan si Ryan.

Naaalala ko sa kanila yung barney and friends. Siyempre yung mga master lang hinde kasama yung mga nasa ilalim namin.

Mga 9:23 pm nag yaya ng umuwi si Athena. Ayaw pa nila kaming paalisin dahil maaga pa raw pero nung sinabi ni Athena na masama yung pakiramdam niya pumayag na sila. Inihatid pa nila kami sa may rest house nila Kenji.

Dumeretso kami sa may living room para maupo. Napansin ko namumutla yung mukha ni Athena. Tinanong ko kung may masakit sa kanya pero sabi niya ok lang daw siya. Umakyat siya sa may kwarto ako naman naiwan sa baba.

Nakipag laro ako ng cards kela Jigs at Kirby. Napasaya masyado yung pag lalaro kaya umabot kami ng hanggang 1am.

Pupunta ako dapat ng kusina para kumuha ng maiinom pero nakarinig ako ng malakas na kalabog.

Umakyat ako para tingnan kung ano yun pero nakita ko si Athena na nakahiga na sa may sahig. Nahulog siya sa hagdanan.

"ATHENA!! naririnig mo ba ako!?!?! Athena!" Nanginginig siya tapos may binubulong, "Ano?? Hinde kita maintindihan.."

"Yung gamot.. nawawala.. gamot ko.. nawawala.."

"SARA!!! SI ATHENA!" binuhat ko si Athena para dalhin sa kwarto

Narinig ko yung mga yapak ng paa nila. Tumatakbo sila papunta dito sa taas.Naabutan nila akong buhat si Athena sa may tapat ng pintuan. Binuksan ni Jigs yung pintuan ng kwarto, pumasok kaming lahat at dahan dahan kong nilapag si Athena sa kama.

"Odi apa???" hinawakan ni Sara yung kamay ni Athena, "Kunyanun gohyuli ittda! O ttok he??" [Are you sick?; She has a fever! What am I going to do??]

"Hinde ka namin maintindihan Sara!" sabi ni Kirby
"She has a fever! Lucas, uri ottokhaji??" hinawakan niya yung kamay ko at inalog-alog [What shall

we do??]

Nagpapanic na si Sara. Hinawakan ni Jigs yung kamay ni Sara at hinila siya papalapit sa kanya,

"Ano ka ba!!! Wag ka ngang magpanic dyan!! Nilalagnat lang siya! Pati kami natataranta dahil sa ginagawa mo eh!!"

"SHIKUROWO!!!!" sabay tulak niya kay Jigs, "YOU DON'T KNOW AYTHING! Pano pag nagka pneumonia siya? Anong gagawin mo?!"

Pinigilan ni Kirby si Jigs. Hinde na lang sumagot si Jigs para hinde na magalit pa lalo si Sara. Habang natahimik kami at yung iyak lang ni Sara yung nangingibabaw bumukas bigla yung pintuan ng kwarto at pumasok sila Kenji at Abi

Napatingin kaming lahat sa kanilang dalawa. "Anong nangyayari??" tanong ni Kenji

Tiningnan ng masama ni Sara yung dalawa tapos tinuro niya si Abi,

"Nau.. na ga! Yeogisuh ssuk nagashio!!" lumapit si Sara sa may pintuan tapos binuksan niya ito, medyo hinila niya si Abi sa may pintuan tapos tinulak siya palabas "NAGARAGO!!!!" [You.. get out! Get out of here!!; I said get out!!!]

Nagkokorean siya kaya hinde namin maintindihan yung gusto niyangsabihin kay Abi. Nakatingin kami kay Kenji iniintay yung translation.

"Abi sa kwarto ka na muna.." sabi ni Kenji kay Abi. Wala siyang choice kung hinde ang lumabas at bumalik sa kwarto nila.

"Sara walang mangyayari kung magagalit ka ngayon. Kumuha na muna tayo ng maligamgam na tubig pati face towel."

"Arasso arasso." Luamabas na sila Sara at Grace para kumuha ng tubig. [All right]

Kaming apat na lalaki na lang yung natitira. Kinuha ko na yung upuan sa may desk at dinala sa may tabi ng kama. Kelangan hinde ko ipahalatang mahina ako. Kelangan ma-control ko lahat ng nararamdaman kong takot ngayon.

Bigla kong naalala yung sinabi ni Athena kanina. Nawawala yung gamot niya. tumayo ako tapos tumakbo pababa para sabihin kela Sara. Nung naabutan ko silang nag iinit ng tubig nakita kong umiiyak na naman si Sara

Tinanong ko siya kung may dala siyang gamot ni Athena dahil nawawala yung sa kanya. Tinanong ko rin kung merong binigay na gamot si Nathan para kung sakaling lagnatin si Athena may naka ready ng gamot.

Napatigil siya sa pag iyak niya tapos tumakbo sa may kwarto nila ni Grace. Sinundan ko siya dun at nakita kong hinahalungkat niya yung bag niya at may kinuha siya sa pill box.

"Oppa gave this to me. In case of emergency daw.."

Tumakbo kami ni Sara paakyat sa kwarto tapos lumapit kay Athena
Inangat namin ng konti yung ulo ni Athena tapos kumuha na ng isang pirasong tablet si Sara.

"Athenaya.. Yakul mukda.." tapos isinubo niya kay Athena yung gamot at pinainom ng tubig. [Eat this medicine]

Pumasok na si Grace na dala yung palangganang may maligamgam na tubig Habang pinupunasan nila Grace si Athena, lalabas na sana ako ng kwarto para makapag isip kung saan posibleng naiwan ni Athena yung gamot niya.

"Lucas... kajima.." napalingon ako sa may likuran ko at nakita kong dahan dahang inaangat ni Athena yung kamay niya, "kajima.." [Don't go]

Nagmadaling lumapit sa akin si Sara, "Sabi niya don't leave. Please.. Just stay beside her.." Napatingin ako kay Kirby at Kenji. Si Kirby sumenyas na patango si Kenji naman nakatingin lang sa

akin. Lumapit ako sa may kama tapos umupo sa may tabi ni Athena.

"Nandito ako.." tapos hinawakan ko yung kamay niya.

Lumabas na silang lahat at nagbalikan na sa kanikanilang mga kwarto. Ako na lang ang natira para bantayan si Athena. Hinde ko siya maiwan mag isa sa kwarto, hinde ko siya kayang iwanan, hinde ko siya pupwedeng iwanan ngayon.

Sa sofa na ako natulog. Pagcheck ko kay Athena tulog parin siya. Umupo ulit ako sa may tabi nung kama at tiningnan siya ng maigi. Iniintay ko siyang magising. Ilang minuto rin ang nkalipas bago siya magising.

"Oh gising ka na?" nag nod siya sa akin tapos nag smile, "Ni-ready na ni Sara yung bag mo pati yung damit na susuotin mo. Uuwi na tayo after lunch."

Nag nod ulit siya, "Sorry.. did I spoil your vacation? Ako na lang babalik sa manila.. magstay ka na muna dito.."

Umiling ako, "Pwede ba yun? Iiwanan kita mag isa? Tss. Mas masaya ako pag kasama kita noh. Mag pagaling ka na lang para sulit yung gagawin kong pag uwi ng maaga."

Nag smile siya sa akin tapos tumango.

Tinanong niya sa akin yung nangyari sa kanya, kung paano siya nakabalik ng kwarto at kung saan ko siya nakita. Hinde niya raw kasi matandaan yung mga nangyari.

Sabi niya ang last na naaalala niya nag lalakad siya tapos black na raw lahat ng nakita niya. Hinde niya rin daw matandaan na ako yung bumuhat sa kanya at kung saan siya dapat pupunta nung oras na yun.

Ang alam lang daw niya, nag lalakad siya at biglang black na nakita niya. Period. Tumayo siya tapos nagpunta sa may banyo. Wala pang 5 minutes lumabas ulit siya.

"Was Kenji here last night?" tanong niya sa akin out of the blue, "did he talk to me? or did he tell me something infront of you guys?"

Umiling ako, "Nandito siya pero hinde ka niya kinausap. I don't think na bumalik ulit siya kasi.. nandito ako sa loob ng kwarto magdamag."

"I thought so. What a weird dream. Oh well. I gotta take a bath. Mag 12 na rin."

Kinuha niya yung towel niya tapos bumalik ulit sa loob ng banyo. Pagkatapos niyang maligo ako naman yung naligo.

Bumaba na kami para mag lunch pagtapos namin mag ready. Dala na namin yung mga bag namin dahil nag text na rin sa akin yung driver ko.

Pagtapos kumain nag paalam na kami sa kanila. Nilapitan ko si Kirby tapso niyaya kong lumabas saglit.

"Mas maganda sana kung si Athena yung mag sasabi, pero sa tingin ko hinde niya kayang sabihin pa sa kanila. Kaya eto na yung chance mo para ikaw na mismo ang magsabi. Pero sana, isipin mo muna ng mabuti yung gagawin mo.." Nag sindi lang siya ng yosi, "sa totoo lang gusto ko na rin malaman niyong lahat yung tungkol sa kanya. pero hinde ko kayang sabihin dahil iniisip ko yung feelings ni Athena. Sa tingin mo ba paps matutuwa siya kung madaming tao yung makakaalam ng sakit niya? Pero ikaw bahala.. nasa sayo na yung last card. Si Athena kalaban mo, hahayaan mo ba siyang matalo o mag paparaya ka muna at hayaang siya muna yung manalo? Sige paps."

Pumasok na ulit ako sa loob para sunduin si Athena. Nag bye na kami sa kanila tapos lumabas na kami ng bahay. Nakasalubong namin si Kenji pati si Abi sa may labas.

Napahinto kami sa pag lalakad nung nakatapat na namin sila.
"Happy Birthday, Kenj." Sabay hawak ko sa kanya sa may balikat. "Sige mauna na kami ni Athena.

Kita na lang tayo sa manila."

Tumango siya tapos ngumiti sa akin. Napatingin naman siya kay Athena tapos nag smile "Ok ka na ba?" tumango si Athena, "Mabuti naman.."
"Athena magpagaling ka.." sabi naman ni Abi.

Tumingin si Athena kay Abi
"Ikaw rin." bumalik siya ng tingin kay Kenji, "Happy Birthday... Annyong." Tapos nag lakad na siya papunta sa may kotse.

-----------------------------

After a month

"Ano bang problema ni Athena??" sabay kamot ng ulo ni Kirb, "dalawang araw na siyang masungit! Parang lagi siyang naiirita sa mga tao sa paligid niya! HINDE KO NA KAYA!! Lagi niya akong sinusungitan!!"

Nagkatinginan lang kami ni Sara sa sinabi ni Kirby. Isang buwan din ang lumipas at madaming nag bago. Balik na sa dating pagiging masayahin si Athena, si Jigs naman mas lalong nagsipag sa pagaaral, si Kirby may bago ng chinichick, si Sara hinde na masyadong mataray, si Kenji medyo naging ewan.. mabait? Ok na rin sila ni Athena. Hinde sila sobrang ok pero hinde na sila tulad nung dati na nag iiwasan.

Medyo nag sink-in na ata sa kanila na kelangan na nila mag move on. Pero iba parin yung feeling pag magkakasama kaming lahat. Parang ang lamig ng buong paligid dahil sa kanilang dalawa..

Ako naman eto, devoted na kay Athena. Hinde ko rin alam kung bakit. Bigla na lang naging ganun.. siguro sympathy 'to pero hinde. Basta magulo lang.

"Sagutin niyo ko!! Ano ba! Bakit ang tahimik niyo!!"

Natawa bigla si Sara, "alam mo, ang laki ng pinag bago mo simula nung dinadate mo na yung bago chick mong si Mary! Ano bang pinakain sayo nun at biglang parang naging Jigs ka?"

Napangiti si Kirby nung narinig niya yung pangalan ni Mary. Naging ganyan na siya kababaw. Dati ang mysterious ng dating niya ngayon bulgaran na siya. Masaya kung masaya, malungkot kung malungkot.

"Pero seryoso. Ano ba talaga yung nangyari kay Athena?"

"Ewan ko sayo!" tumayo si Sara ta lumabas ng classroom "Paps?"

Ibinaba ko na yung librong binabasa ko at napatingin kay Kirby. Nginitian niya ako, "Ano bang gusto mong malaman?"

"Kung bakit siya masungit!! Ano ba! Hinde ka ba nakikinig kanina??"

"Ah yun ba? Hinde ba pwedeng magsungit ang mga babae once a month?"

Napatingin si Kirby sa may harapan tapos napapaisip, "hinde ko gets.. bakit sila mag susungit once a month..? dahil ba wala silang pera?"

Nilagay ko yung kamay ko sa may balikat niya. "Isipin mo ng mabuti ok?"

Tumayo ako sa ikinauupuan ko tapos lumabas ng classroom para mag banyo. Kahapon sinabi sa akin ni Athena yung tungkol sa gamot niya na nawala nung isang buwan. Naalala niya daw kelan lang na dala dala niya raw yun nung bumaba kami para uminom pero nung pagkagising niya wala na raw sa bulsa niya yung pillbox.

Ibig sabihin wala talagang kumuha nung gamot, pero kung naiwan talaga yun sa may rest house edi dapat may nakakuha nun? Wala naman sigurong mag kaka interest sa gamot, unless pareho sila ng karamdaman ni Athena. Ang labo. Pero sabi nung doctor nung nakabalik kami mabuti daw at

naagapan yung sakit niya. Mabuti rin daw na umuwi kami kaagad dahil daw baka kung ano pang seryosong mangyari kay Athena.

Madami na namang bawal sa kanya, lalo na ang mapagod ng sobra sobra. Kelangan daw everyday i-check yung temperature niya. Ako at si Sara na daw ang bahala pag nasa school si Athena dahil kami daw ang madalas na makakasama niya. Hinde na muna bumalik sa korea yung mom ni Athena para daw may mag babantay sa kanya.

Bumalik ako sa may classroom at nakita ko si Sara at Kirby magkatabing naguusap si Athena naman nakaupo na at mukhang may sinusulat sa papel. Nilapitan ko siya para malaman kung ano yung sinusulat niya

"Ano yan?" tanong ko
Ipinakita niya sa akin yung papel na may nakasulat na Athena's schedule

Feb 9 - Grad pic
Feb 10 - Sara's CF in korea Feb 11 - gown >.<
Feb 12 - Sara's back ^_^ Feb 14 - V-DAY <3
Feb 18 - gown 2nd day T_T Feb 21 - Carlo's b-day <3 Feb 24 - Prom day =)

"Inaayos ko na schedule ko eh. Hinde pa ako nag papagrad pic, wala pa akong susuotin para sa prom, tapos kanina may lumapit pa sa akin gusto akong ilabas sa valentines day!" bigla nilapag yung ulo niya sa may desk niya, "Mababaliw na ata ako ngayong month eh!"

Natawa ako sa sinabi niya. Akalain niyong ang babaw lang ng pinoproblema niya tapos sasabihin niyang mababaliw na siya! Pero busy nga siya ngayong month.

"YA! What's funny??" napatigil ako sa pag tawa tapos nagsmile ako sa kanya, "OMG I GOTTA PEE!" Tumayo siya tapos nagmadaling pumunta sa cr

Bumalik na ako sa may upuan ko tapos dun ko na siya inintay. Nagdadatingan na rin yung ibang classmates namin since mlapit ng magbell. Maya maya dumating na rin si Athena.

Nasa may pintuan lang siya ng classroom nakatayo.
"Huy! Lumalabas yung lamig! Isara mo kaya yung pinto." Sabi ko sa kanya.

Sinara niya nga yung pintuan tapos nakatitig parin siya sa akin. Hinde ko mapinta kung galit ba siya o wala lang natutulala lang siya dahil yung itsura niya parang may laman.

"Bakit ganyan ka makatingin? May nangyari ba?" again nagpakita na naman siya ng ibang facial expression.

Inirapan niya ako tapos nag lakad pabalik sa upuan niya. Tumayo ako para lapitan siya. Hinde ko alam kung may masama akong nasabi o nagawa kanikanina lang para mag bago siya ng ganito.

"May ginawa o nasabi ba akong mali para magalit ka?" sinubukan ko siyang hawakan sa may balikat pero umiwas kaagad siya at nag lakad palayo sa akin, sinundan ko siya "Athena!"

Napatigil siya sa paglalakad. Nasa may gitna na kami ng classroom. Lumingon siya sa akin na mukhang galit

"I AM HOLDING ON FOR DEAR LIFE! But I need you to need me back.." Napatingin yung mga taong nasa classroom sa amin. Pati ako nagulat sa sinabi niya.

"Ha? Hinde ko gets.. Athena ano bang gusto mong mangyari?"

"I wanted you to fight for me!" Ano daw?
Napatignin ako sa paligid ko, nagsisimula na silang mag bulung-bulongan. Nakita ko rin sila Jigs,

Kenji, at Grace sa may pintuan.

"Athena.. ano bang problema mo..?" hinde niya pinansin yung tanong ni Grace at nag patuloy pa rin sa pag titig niya sa akin.

"I wanted you to say there is no one else that you could ever be with and that you would rather be alone than without me..." tinakpan ni Athena yung bibig niya tapos napayuko, "I wanted the Lucas..."

Lahat kami napatigil sa paghinga.. iniintay yung kasunod niyang sasabihin "Lucas..?" sabay sinabi ng ibang tao sa classroom
"..Scott from the beach that night; telling the world that he's the one for me.." "Brooke Davis?!"

"Ikaw ba yan Brooke?? Akala ko ba ikaw si Peyton??" tapos biglang nagtawanan yung buong klase kasama na rin si Athena.

"Shut up. I hate Peyton Sawyer." tapos nag lakad siya pabalik sa seat niya.

Pakshet. Bumilis tibok ng puso ko dun ah! Na sobrahan na nga siya sa kapapanood ng drama!

"Oh tutal nagaacting na rin si Athena dyan sa likod siguro alam niyo na yung magiging exam natin sa english." Sabi bigla ni Axis. Umupo at biglang nag bulungan yung mga tao. "Totoo ngang play yung magiging exam natin. Ang napunta sa class natin Romeo and Juliet."

"Wow! CLASSIC!" sabi ni Sara
"Bakit naman yun pa?! Ang hirap kaya nung lines dun!! Jusko!! Baka naman sumakit ulo

nung makakasama sa cast!"

"Hinde naman yung mismong Romeo and Juliet eh. Ganung style lang pero tayo bahala sa mangyayari. Of course kelangan sundin natin yung tragic na ending at yung forbidden love." Paliwanag ni Axis na president ng class

Nakita kong napangiti si Athena tapos umiling.
"Forbidden love parin? Ano ba yan." Napakamot ng ulo si Jhana tapos umupo na sa silya niya.

Nagdiscuss na sila ng tungkol sa magiging play hanggang sa dumating na yung teacher. Nagbalikan na sila sa kanya kanya nilang upuan. Nung lumabas yung teacher para bumalik sa faculty room nagsimula na naman silang mag usap para sa play.

"Kung forbidden love lang ang pinag uusapan.." napatigil sila sa pag sasalita at iniintay yung kasunod na sasabihin ni Angelie, "edi si Athena na yung gaganap na Juliet. Forbidden love na rin naman yung situation niya ngayon eh.. pati nakita niyo naman siya umarte kanina diba?? pang best actress eh! tumigil mundo ng lahat!"

Nagpalakpakan yung mga kaklase namin. napatingin ako sa likod para tingnan yung reaction ni Athena. nakanganga lang siya at hinde alam yung sasabihin niya

"Teka!! ang daya!! Kakatapos ko lang panoorin yung One Tree Hill season 2 kagabi kaya namemorize ko yung mga linya! Ano ba!! Wag naman kayong ganyan!"

Tumayo si Patrick, "Brooke Davis, sige na! Minsan lang naman to eh.. pati new student ka

oh! Dapat pumayag ka! Pati yung pinaplot ni Grace na story bagay sayo eh. Korean yung Juliet!"

Napangiti ako dahil si Grace pa yung gumagawa ng plot nung story. Si Athena naman hinde na maka tanggi dahil kay Grace pati nagbotohan yung class na siya yung magiging Juliet.

Nung dumating na yung teacher tinanong niya na kami kung alam na namin yung tungkol sa play. Diniscuss niya ulit yung tungkol dun para daw mas maintindihan namin.

"So, since you're doing Romeo and Juliet.. have you decided on your protagonists?"

"Yes." Sabay sinabi nung iba naming classmates,

"Athena will be doing Juliet's part." sabi ni Mej

Napatingin si Ms. Fernandez kay Athena, "Are you going to do it Ms. Dizon?" tanong nung teacher namin

"Yes.." sabi ni Athena habang naka simangot
"Good. Then who's her Romeo?" walang sumagot. "Anyone?"

Nagtinginan yung mga kaklase namin. Hinde pa kasi napaguusapan kung sino yung gaganap ng Romeo. Ang napagusapan pa lang ay yung kay Juliet. Bakit ba kasi nag mamadali si mam? Pati sino ba naman kasing may gustong magparticipate sa play?? Tapos tragedy pa ang ending! Ibang klase nga naman.

"Miss we haven't decided on Romeo's part. We will just inform you if the casts are final by the end of this week." Sabi ni Axis

"But you should already have at least two characters." Napatingin si Ms. Fernandez sakin, "Why don't you do it Mr. Lazaro?"

"I was assigned to film the play, Miss. I can't do things at the same time." Napatingin sa akin yung mga kaklase namin. Yung katabi ko binatukan pa ko. Pakshet. Hinde ako pwedeng maging Romeo!

Tumango si Miss tapos tumingin tingin na naman sa iba kong kaklase. Maya maya napatingin siya kay Kenji na nakatingin sa may bintana.

"Then I suppose Mr. Delos Reyes.." napatingin sa kanya si Kenji "Huh?" nagtatakang tanong niya
"You wouldn't mind being Athena's Romeo, would you?" 

Continue Reading

You'll Also Like

243K 3.3K 2
They say that you don't meet people by accident. There's always a reason, a lesson or a blessing. This is a story of an unforeseen meeting between a...
624 54 21
A strong connection between a life saver and a killer. An arrange marriage was served as her punishment with someone she think she didn't know, unfor...
3.2K 1K 33
Nueva Vida #1 Gale Cerrera seems to be normal in school. She has high marks and a plausible social life. But at home, she endures her parents' consta...
42.9K 1.6K 39
[UNEDITED] She's Elsa Vovough. She isn't your usual naive nerd girl who is afraid to move around in a crowded environment while clutching her books a...