She's Dating The Gangster

By SGwannaB

8.3M 163K 55.2K

Unedited version of She's Dating the Gangster. More

She's Dating The Gangster
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 42

78.2K 1.8K 823
By SGwannaB


Gaya ng sinabi niya sa adviser namin pinatawag niya yung mom niya sa school at pinasabing nasa bahay na siya nag papahinga. Tss. Sinabi niya kasi sa mom niya na kasama niya ako. Takot din ata sa kanya yung mom niya gaya nung ibang tao. Pfft.

Ewan ko ba. Bakit biglang ganito yung takbo ng isip ni Kenji ngayon.. Pagtapos ng lahat ng nangyari akala niya ganun ganun na lang? Akala niya siguro walang nasaktan. Hinde ko alam kung bakit parang naaasar ako sa kinikilos niya. Imbis na matuwa, naaasar ako. Kung tutuusin dapat masaya ako dahil bumabalik na siya sa dati niyang ugali sa akin.. Pero bakit parang may mali parin? Hinayaan ko siyang dalhin ako kung saan saan, pumayag ako sa sinasabi niyang date.. Pero bakit parang hinde ako ganun kasaya? Bakit si Lucas yung naiisip ko ngayon? Bakit parang bumaligtad yung mundo ko?

Dinala niya ko sa mall, nanood kami ng movie na ako yung pumili, kumain kami sa choice kong kainan. Ganito si Lucas sa akin, halos tuwing Friday lumalabas kami, mall, movie, foodtrip, arcade kaya feeling ko tuloy siya si Lucas. Kaya lang siyempre etong kasama ko akala mo diyos! Laging nakasigaw, kung ngumiti parang akala mo laging may masamang balak, tapos pipilitin ka kahit na ayaw mo psh. Hinde nga siya si Lucas.

"Ano bang naisipan mo at ako yung napili mong sumama sayo maglakwatsa?"

"Anong lakwatsa? Date to." ngumiti siya sa akin. Pinapakita na naman niya siguro sa akin yung 'killer smile' niya. Hinde na effective yan. "wala lang.. sinabi ko naman sayo kagabi diba? Bago natin ibaba yung phone.."

"Ahh. Namimiss mo ko? Gusto mo akong makita?" tapos tumingin na ako sa nilalakaran ko "Ano ba!!! Hinde mo naman kelangan ulitin yung sinabi ko kagabi eh!!!"

"Hinde mo kelangan maexcite ng ganyan." Alam kong may feelings parin ako sa kanya.. Pero.. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit parang hinde ako kuntento? Bakit parang may gusto pa akong mapatunayan? May gusto pa akong malaman..

"Athena.. Bakit ka ba nagkakaganyan? Kanina ka pa sa school eh! Tinatabla mo ako, tinataboy mo ko, halos kulang na lang sumuka ka sa tapat ko eh. Nandidiri ka ba sa akin?" Pero bakit.. parang ako yung may mali? Way ko lang ba to para umiwas sa pwedeng mangyari ulit? Para hinde na ulit ako masaktan..?

"O nga pala. Kamusta na kayo ni Abigail?" I changed the topic, "Ano ba gusto mo itawag ko sa kanya? Athena? Sige, let me rephrase it. Asan si Athena?"

Napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa akin, "Bakit?.. Ang ibig kong sabihin bakit mo siya hinahanap?"

"Wala lang.. Baka kasi may makakita sa atin ngayon baka kung ano pa isipin nila tapos malaman pa nung girlfriend mo."

"Ah.. Nasa bahay siya ng lola niya ngayon. Wag mo ng isipin yun.. Wala namang mag susumbong satin eh. Kung may magsusumbong edi magsumbong sila." tapos ngumiti siya. Kung ngumiti siya napaka careless eh. Akala niya walang nasasaktan sa mga ngiti niyang yun. Ang hinde niya alam bawat ngiti niya may mga taong nasasaktan, kahit siguro siya bawat ngiting ginagawa niya minsan nasasaktan siya.

Nilagay niya yung kamay niya sa may balikat ko pero pilit ko tong tinatanggal. Bawat tanggal ko ilalagay niya uli, paulit ulit lang yung proseso namin. Nakakaasar pero sa dulo ako rin yung sumuko dahil nangawit na yung kamay ko kakatanggal. Siyempre hinde niya na naman nakalimutan bigyan ako ng isang evil smile.

"Ano na kayang ginagawa ni Lucas ngayon..?" Bigla kong nasabi.

Bakit ba bigla bigla ko na lang naiisip si Lucas lately? Napapadalas eh. Lucas na lang ako ng Lucas. Kahit na si Kenji na yung kasama ko ngayon, si Lucas parin naiisip ko.. Tama nga kaya si Carlo? O baka naman kasi napadalas lang talaga yung pag hahang out naming dalawa.. Per hinde naman imposibleng hinde ko siya magustuhan eh.. Sa totoo lang nasa sa kanya na lahat ng gusto ko sa iisang lalaki. Kaya hinde imposibleng hinde ko siya magustuhan..

"Anong oras na ba?" kinuha niya yung cellphone niya kanyang bulsa at tiningnan yung oras, "Siguro kasama niya si Kerb nag dodota. Bakit mo naman natanong?"

"Ha? Ahh.. Wala lang. bigla ko lang nasabi yun eh." sabay kuha ko sa cellphone ko. "text ko kaya siya.. Ano namang sasabihin ko..?"

"May sinasabi ka ba?" umiling ako sa tanong ni Kenji

Nag dodota siya ngayon.. Naalala ko na naman yung ginawa niya dati. Nung time na umalis ako kasama ng iba naming classmates tapos siya naman niyaya nung Marymount friends niyang mag dota. Dahil may kanya-kanya kaming lakad kelangan naming mag hiwalay. Hinde namang pupwedeng tumanggi kami sa invites since minsan lang naman yun. Nung nasa may Central kami nung classmates namin magkatext kaming dalawa ni Lucas, nagsasabihan kami ng kung ano na yung ginagawa namin.

Nung bigla kong sinabi sa kanyang 'sana nandito ka.' hinde na siya nag reply. Hinde ko naman inisip na nailang siya or whatever, basta ang naisip ko lang is baka nag lalaro na ulit siya. After 30 minutes biglang nakita ko na lang siya sa may entrance ng Central mukhang may hinahanap. Hinga pa siya ng hinga nun, para siyang tumakbo papunta sa Central..

"Athena diba si Lucas yun??" sabi sa akin ni Jam
"O nga noh.. Teka tatawagin ko nga." tumayo si Jhana "LUCAS! DITO!"

Sigaw ni Jhana habang kumakaway pa. Napalingon si Lucas sa may left side at hinahanap niya yung boses ni Jhana. Nung nakita na ni Lucas si Jhana napangiti siya tapos nag lakad papunta sa may table namin

Patuloy pa rin sa pag hinga ng malalim si Lucas habang nakangiti at nakahawak sa may dibdib niya. Pawis na pawis siya tapos mukha talaga siyang pagod kakatakbo. Tumayo ako tapos pinunasan ko yung pawis niya gamit yung panyo ko. Kinuha niya sa akin yung panyo at siya na yung nag punas sa mukha niya.

"Umupo kaya kayong dalawa!" sabi sa amin ni Kriska

Lumipat ng upuan si Jhana sa tabi ni Rachel at Kriska. Si Jam naman umusog dun sa kinauupuan kanina ni Jhana, umusog rin ako sa tabi ni Jam para makaupo si Lucas sa tabi ko.

"Ano bang nangyari sayo? Bakit pagod na pagod ka? Pawis ka pa!"

"Uminom ka na muna Lucas bago ka sumagot." inabot ni Rachel yung baso ng tubig na hiningi niya. "cr lang muna kaming tatlo ha?"

Tumayo na sila at nag punta na ng cr. Ininom na ni Lucas yung baso ng tubig at naubos niya kaagad ito. Uhaw? Haha.

"Ok ka na ba?" tumango siya habang nakahawak pa rin sa chest niya, "ano ba kasing nangyari?" Ngumiti siya sa akin at mukhang handa na siyang sagutin yung tanong ko. "Tumakbo kasi ako

papunta dito. Nagmadali ako masyado."

Hinapas ko siya sa may ulo, "Ya! Michunya?" [Are you crazy?]

"Aray! Hinde ko naintindihan yung sinabi mo!"

"Bakit ka tumakbo papunta dito?! Diba nasa Gamers ka??"

"Dahil kasi dito." kinuha niya yung cellphone niya sa kanyang bulsa tapos nakita kong nagpunta siya sa Messages. Tapos pinakita niya sa akin yung cellphone niya

From: Athena YA!!!

Haaaay.. Sana nandito ka.. T_T

May YA!!! Parin yung pangalan ko sa phonebook niya. Lagi raw kasi akong ya ng ya! Tss. Walang araw daw kasing lumipas na hinde ako nag-ya.

"Bakit mo pa pinabasa sa akin yan!!!" sabay talikod, "pati hinde mo naman kelangan pumunta dito eh! Baka mamaya kung ano pa sabihin nung mga kaibigan mo sakin!"

Tumalikod ako kasi hinde ko mapigilan yung pag ngiti ko. Bakit parang kinilig ako dun? Pumunta siya dito dahil lang sinabi kong 'sana nandito ka'. Ang weird masyado nung feeling. Ano ba to. Ayaw parin tumigil nung bibig ko sa pag ngiti!

"Nabasa rin kasi nila yung message mo.. Sabi nila bakit daw hinde kita puntahan. Ok lang naman daw sa kanila." huminto siya sa pagsasalita. tsss. Friends niya pala yung nagsabing pumunta siya dito. "naisip ko na 'oo nga bakit hinde kita puntahan.' kaya ayun, tumayo ako tapos tumakbo papunta dito."

Humarap na ako sa may table tapos uminom ng tubig, "eh bakit pumunta ka pa kasi. Ok lang naman sakin kahit na mag dota ka eh."

"Ano ka ba. Mas mahalaga ka naman sa dota noh."

"Mas mahalaga ka naman sa dota noh.." pabulong kong sinabi. Hinde ko na naman mapigilan yung pag ngiti ko. This time nakita niyang nakangiti ako.

"YUN! Ngumiti ka rin!!!" tapos kinurot niya ng mahina yung pisngi ko

"Bakit umiiling ka na naman? May problema ka ba?"

Nagising na naman ako sa katotohanan. Si Kenji kasama ko, hinde si Lucas. Pero ang isip pati ung puso ko na kay Lucas ngayon..

"Puntahan natin sila Kirby." napaharap ako kay Kenji, "itanong mo kung nasaan sila ngayon. Kung gusto mo pa akong makasama sabihin mo dun tayo sa inyo!! Pero kung ayaw mo na ko makasama pwede mo na kong iwanan sa kanila."

Masyado akong matalino para kay Kenji.

"Nasa PG sila ngayon. Anong iiwan sa kanila? Sasama ka sakin sa bahay. Naghanda ng dinner si Mommy dahil alam niya iuuwi kita sa bahay ngayong dinner." Ok maybe not. "pero papapuntahin ko na rin sila dun. Para kumpleto tayo."

Nagsmile ako tapos nag nod sa kanya dahil sa plano niya, "Sige, I like that idea."

Umuwi na kami sa bahay nila Kenji. Bahay nila, meaning dun sa isang bahay hinde sa bahay na tinitirhan niya ngayon. Sinalubong kami ng mom niya, siguro kakauwi lang niya galing abroad na naman.

Sa may living room nila kami nagstay. Yung mom ni Kenji kinuha kami ng makakain pati maiinom. Nagikot ikot ako para tingnan yung mga pictures na nakadisplay doon. Nakita ko na lang bigla yung mukha ko dun, binalikan ko yung picture frame na yun tapos kinuha ko. Tiningnan ko ng mabuti kung saan nila to nakuha.

Ako pati si Kenji naka uniform kaming dalawa, nakatingin tingala ako tapos naka tingin sa sky tapos naka smile, si Kenji naman nakaakbay tapos naka tingin sa akin habang naka smile..

Hinde ko matandaan kung kelan to at kung sino yung kumuha nung picture. Parang ang galing naman masyado nung pag capture niya dahil mapapansin mong ang saya nung moment na yun eh.

"Hinde ko alam kung san galing yang picture na yan. Nakita ko na lang yan bigla dito. Galing noh?"

Nagnod ako, "Yeah.. We looked so happy.. And... in love."

Umupo ako sa may sofa habang hawak hawak ko yung picture. Hinde pa rin ako makapaniwala na ganito ako nung kami ni Kenji. Ang weird din ngayon dahil kanina lang halos asar na asar ako sa ginawa niya pero ngayon parang naging magaan yung feeling ko pero may part sa heart ko na biglang sumakit. Sadness, maybe?

"Namimiss mo noh?" he joked.
"Mm-hm." pinunasan ko yung glass nung picture frame, "those were the days.. May masaya pa pala

tayong memory. Akala ko kasi puro.. Alam mo na."

"Hinde ka ba masaya nung tayo?" napatingin ako sa kanya tapos ang seryoso ng mukha niya, "Hinde? Hinde mo rin ba maalala yung happy moments natin?"

"Nope. As far as I can remember, puro away at sigawa lang ginawa natin. You never told me that you love me." pabiro kong sinabi ko habang nakatingin sa picture

"Sinabi ko kaya.." sabi niya tapos umupo siya sa tabi ko

"When? Ahh. Oo nga pala. The day that I confessed my love for you. That was the very first time I've ever confessed to a guy. Of course, you being Kenji, gave me the most disappointing answer. I can't breathe." tumingin ako sa kanya tapos nag smile, "Well, I understand naman since the main purpose of us being together was for me to help you get back with Abigail. Congrats. You succeeded, You won."

Hinawakan niya bigla yung kamay ko, naaawa na ba siya sa akin? Wala namang dapat ikaawa eh.

"Hinde ganun yun. Ano ka ba. Sinabi ko sayo yun ilang beses.. Nung birthday nila Jigs at Grace.. sinabi ko diba? Pati hinde rin naman mahalaga kung sabihin ko yun o hinde diba? Kasi ginawa ko naman, pinapakita ko yun sayo diba.."

"So was leaving me all of a sudden part of it too?" nagulat siya sa sinabi ko, "It was, wasn't it? Well then, wow. I'm so touched."

"Hinde na ba ako pwedeng bumawi?" bigla niya akong niyakap, "hinde na ba? Wala na ba talaga?"

Sumobra ata yung joke ko. "Kenji ano ba.. Nagbibiro lang ako. Ok na lahat sa akin. Wag ka namang ganyan.. Baka mamaya kung ano pa isipin nila dito. Ayoko rin maging unfair ka kay Abi."

"I'm back~" biglang akong tinulak ni Kenji kaya napahiga ako bigla sa may sofa.

Nung nakaupo na ako ng maayos nakita kong ang layo na bigla sa akin ni Kenji. Tapos nag smile siya sa akin. Napatingin ako sa mom niya tapos nag smile ako sa kanya.. Weird na smile. Tapos tiningnan ko ng masama si Kenji. Narinig kong nag giggle yung mom niya.

"Just continue what you're doing.. Don't mind me. ididn't see anything."

"Ma, bakit ba bigla bigla kang sumusulpot?" she just stuck her tongue out then umupo siya sa may right side ko.

"Athena! Matagal na kitang gusto makita, sabi ko kay Kenji dalhin ka niya dito pero sinasabi niyang busy ka raw!"

Napatingin ako kay Kenji, "Ah.. Busy nga po ako recently.. Sorry po.." tapos humarap ulit ako kay tita at nag smile

"Nung Christmas vacation sabi ko dalhin ka niya sabi naman niya nasa bahay ka ng tito mo."

"Ahh.. Oo nga po. Pinapunta po kasi kami dun ng kapatid ko eh."

Bakit ang daming excuse ni Kenji?? Ganun niya ba ako ayaw na makita nung time na yun?? Tapos biglang dadalhin niya ako dito sa bahay nila? Ang gulo niya, ang labo niya.

Look who's talkng. Parang alam sa amin na wala na kami ah.

"Totoo rin bang sinabi mong ayaw mo kong bisitahin nun? Ayaw mo raw kasi akong makita nun dahil raw alam mong kukulitin kita.." biglang nalungkot yung mom niya

"HINDE PO UN TOTOO!!!" sabi ko, may hand gesture pa! "Hinde naman po kasi sinabi sa akin ni Kenji yun eh.."

Kenji.. Tapos tiningnan ko ng masama si Kenji. Bigla siyang umiwas ng tingin sa akin tapos kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa niya

"Paps bat ang tagal niyo?!" tumayo siya at umalis sa may living room

Etong hayop na to! Kung anu-ano pinag sasasabi sa nanay niya! Puro kasinungalingan naman! Bakit ba kasi hinde niya na lang sabihin na break na kami at iba na yung girlfriend niya?? Nag mumukha pa akong masama sa pamilya niya eh! Pano na lang kung nakarating yun kay Ate Kendi?? Ano na lang sasabihin nun sa akin? Pagkatapos niyang sabihing boto siya sa akin ganun lang pala magiging ugali ko sa nanay niya. Omg!

Masasaktan ko tong lalaking to ng di oras eh! Bakit nga ba kasi ulit ako nandito sa bahay niya? Hinde ba ko pwedeng mag dinner sa bahay namin? Wala ba kaming pagkain dun? Namumulubi na ba kami kaya kailangan kong makikain dito? GOD!

"Alam ko naman na hinde mo gagawin yun eh. Hinde ko kasi maintindihan etong si Kenji eh." sabi niya habang umiiling siya, kinuha niya yung hawak kong picture frame, "nag bago siya simula nung nakilala ka niya.. Pero hinde ko alam kung ano na naman nangyayari sa kanya ngayon.."

"Masanay na lang po kayo sa kanya.."

"I know. Yung ate naman niya hinde ganyan, teka... magkaugali sila kaya lang Kenji's too much. Kaya minsan nag aaway si Kendi at Kenji dahil ayaw nila parehong magpatalo kaya ayun, pero sa totoo lang close yung dalawang yun! As in close sila! Pero nung nagka girlfriend si Kenji yung Athena na isa!Inayawan ni Kendi.. Gusto niyang makipag break si Kenji dun sa girl na yun. Isang beses pa lang na-meet ni Kendi yung girl ayaw na niya talaga. Nainis si Kenji kasi laging gumagawa ng way si Kendi para magbreak sila. Kaya ayun umalis si Kenji para protektahan yung girl."

Hinde ba kaya umalis si Kenji kasi sabi niya hinde sila magkasundo nung Ate niya? Hinde sila magkasundo dahil kay Abi..? Tss. Si Abi parin yung dahilan. Ibig sabihin ganun niya ka-mahal si Abi, no more space for his heart. That's the bitter fact.

"Hehehe.. Si Kenji talaga.." yun na lang nasabi ko.

"Isang araw, bigla na lang siya nagbago. As in ibang klaseng pagbabago. Naging bad boy type siya. Tapos nagcolor ng hair, and daming pierce sa tenga, tapos nag ssmoke na rin. Hinde naman namin mapigilan yung pag smoke niya since pareho kami nung dad niyang nag ssmoke. Then one time nakikipag away na rin siya. MAS naging wild pa siya last year.. mga summer. Nalaman na lang namin kela Jigs na nag break na sila nung girl." hinawakan niya yung kamay ko, "tama si Kendi, yung Athena na yun yung nag influence sa kanya sa lahat ng bagay, at ikaw naman yung nagpabago sa kanya."

Tumingin ulit siya dun sa picture namin tapos pinunasan niya ito. Ang gulo.. ayoko ng isipin yung mga sinabi niya..

Nagchange na kami ng topic, nag kwentuhan parin tungkol sa pag mmeet nila ng dad ni Kenji. Nakatira na pala yung mom niya dito simula nung highschool yung mom niya. New student daw yung dad niya sa school na pinapasukan niya nun tapos naging seatmates sila. Lagi raw niyang inaasar yung dad ni Kenji madalas binubully niya. Ayaw niya kasing ipakita na gusto niya na siya. Nag aral pa siyang mag tagalog para lang makapag communicate silang dalawa.

Hanggang sa naging sila at nagpakasal sila at the age of 20. Naputol yung kwentuhan namin dahil dumating na si Kenji kasama sila Kirby, Patrick at Lucas. Hinde nila kasama sila Jigs, Sara at Grace kasi may mga lakad daw.

Nung nakita ko si Lucas biglang sumaya na naman ako, feeling ko bigla akong nabuhayan! Pero nung nakita niya ako parang.. Wala lang.. ok nandun ako, so what. Hinde niya ako halos pinapansin. Magkatabi kaming dalawa pero parang may malaking wall sa gitna namin. Tuwing sinusubukan ko siyang kausapin nag ssmile lang siya tapos sasagutin niya ng sobrang simpleng sagot yung tanong ko.

Nauna na akong umuwi sa kanila. Hinde na ako nagpahatid kay Kenji, sinabi ko kasi na may bisita siya nakakahiya naman kaya pumayag siya sa gusto ko.

Si Lucas.. Bakit siya nagkakaganun??

Naglakad ako papunta sa may park para makapag isip. Hinde ko na alam yung nangyayari sa mundo ko ngayon. Parang lahat ng bagay wala sa lugar eh.. Si Lucas.. Si Kenji.. Ako.. Parang bumabalik sa dati yung mga nangyayayri ngayon. Masaya na ko sa kung anong naging takbo ng buhay ko. Tinanggap ko yung masakit na pangyayari sa amin ni Kenji, nagustuhan ko si Lucas ng hinde ko inaasahan.. Pero bakit biglang bumaligtad? Oo, hinde ko naman idedeny na may feelings pa ko kay Kenji.. Hinde ko na nga lang alam kung sino pa mas gusto ko.. Hinde ko na alam kung ano gusto ko.

Nakita kong naglalakad si Kirby at Lucas galing sa may bahay nila Kenji. Siguro dun matutulog si Kenji kasi hinde nila siya kasama. Nakita ako ni Kirby kaya lumapit silang dalawa sa akin. Nagkwentuhan kami saglit tapos nauna ng umuwi si Kirby. Ako at si Lucas na lang. ang tahimik namin pareho. Para kaming hinde magkakilala..

Crucial moment. Parang katapusan na ng mundo yung naffeel ko ngayon. Hinde ko alam kung ano pang ginagawa ko dito. Hinde ko alam yung purpose ng pagstay ko sa tabi niya ngayon. Bakit? Bakit pa ako nandidito sa tabi niya??

"Tara na, ihahatid na kita.." nag nod ako.

Nauuna siyang maglakad tapos nasa likod niya ako. Nag yoyosi na naman siya. Akala ko tinigil na niya yun, hinde pa pala. Lucas, ano bang nangyari sayo? Bakit nagkakaganyan ka? May nagawa ba ako?

Nasa tapat na kami ng bahay ko. Nakatayo lang kami pareho. Kelangan ko ng malaman yung sagot sa katanungan ko. Alam kong mutual eh.. Naffeel ko.. Alam ko..

"Lucas.."

"Athena?" tapos nagsmile siya bigla. Nag smile siya. Ibig sabihin masaya siya. Maganda magiging kalabasan nung mangyayari ngayon.. I know.. I know.. "bakit?"

"May gusto lang akong malaman.." I have to ask him.

"Ano yun?"

"Bakit parang ang layo mo bigla sa akin..? Kanina hinde mo ako kinakausap ng maayos.. Parang nag iba ka bigla. May nagawa ba akong mali?" Pero hinde ko magawa..

Nag smile siya sa akin, "Wala. Ano ka ba! Napaparanoid ka na naman."

Napakanormal nung pagkasagot niya sa akin. Pero bakit ganun? Napaparanoid lang ba talaga ako? Naffeel ko talagang ang layo niya sa akin eh, naffeel kong nagiging cold siya.. "Pwede pa ba akong mag tanong ulit? Gusto ko ng seryosong sagot.." eto na. nireready ko na yung puso ko

"Game."

"Do you.." huminga ako ng malalim para siguradong masabi ko yung kasunod
Ngumiti siya bigla sa akin, "Pumasok ka na Athena.. Gabi na." tumalikod na siya tapos nag sisimula

ng mag lakad. Nagwave siya bigla, "Bye!!" Anong bye? Hinde pa ko tapos.

"Teka. Hinde pa ko tapos." tumigil siya pag lalakad. ibig sabihin kelangan ko ng ituloy yung tanong ko. "Do you.. Like me?"

"Ano ba yan. Tingnan mo paranoid ka na talaga! Bakit may pa do you like me do you like me ka pang nalalaman? Matulog ka na lang." nag simula na naman siyang mag lakad

May mali nga talaga. Hinabol ko siya tapos hinawakan ko yung left arm niya kaya napa hinto siya,

"Kahit ba konti hinde mo ko nagustuhan? Kahit 1% hinde mo ko nagustuhan more than a friend?"

Humarap siya sa akin tapos nag smile.
Eto na.. aamin na siya. Aamin talaga siya, naffeel ko.. Napahinga ako ng malalim tapos naka smile ng konti. Iniintay ko yung magiging sagot niya..
"Kaibigan lang talaga turing ko sayo. Sorry."
Slowly, I lost my smile.. 

Continue Reading

You'll Also Like

111K 5.2K 13
Being in love is something magical and romantic when you know that person loves you too. But for Clariza Dela Torre, being unexpectedly in love is sh...
94.1M 2.8M 69
Love Trilogy #1 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, phy...
233K 9.7K 30
Joon drowned himself in alcohol, cigarettes, and partying after leaving the Green Giants basketball team. He's drunk wherever he goes: school, gym, b...
104K 11 1
A feisty teenage girl receives an alarming threat from someone called Black Cat, hinting at a mysterious accident from the past that caused a chain r...