She's Dating The Gangster

By SGwannaB

8.2M 163K 55.2K

Unedited version of She's Dating the Gangster. More

She's Dating The Gangster
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 45

77.8K 1.7K 554
By SGwannaB

Tatlong araw ng nasa ospital si Abi, si Kenji hinahati yung oras niya sa akin at ang pag bisita niya dun. Nagpapaalam naman siya sa akin na dadalaw muna siya dun bago siya umuwi. Hinde naman ako pupwedeng maging madamot dahil yun lang naman yung hinihiling niya.

Medyo nakakaselos.. pero ewan ko.. parang ayoko na lang ipahalata. Wala naman siyang pinapakitang sign like what he did last year. Para parin siyang si Kenji.. pero parang ang weird lang para sa akin kasi may past silang dalawa.. tapos yung nangyari dati pa. Alam kong nahihirapan at napapagod siya araw araw dahil kasama ko siya maghapon tapos bago siya umuwi dadaan siya sa hospital. Kahit hinde niya sabihin sa akin, alam kong napapagod na siya..

"Lucas, napuntahan mo na ba si Abi sa hospital?"

Binaba ni Lucas yung binabasa niyang libro tapos tumingin sa akin, "Hinde pa. Bakit? Tsaka na ko bibisita pag palabas na siya. Nakakatamad eh."

"Ah ganun ba..." sabi ko habang naka tingin sa cellphone ko.

Ayan na naman yung pa-cool niyang sagot. Lagi na nga siyang nag babasa ng libro tapos ang sama pa lagi nung reply niya. parang ang laki ng pinag bago niya simula nung grumaduate kami. Tsk tsk. Yan ang tinatawag na 'nagbibinata'.

"Bakit? May problema na naman ba kayong dalawa? Alam mo kung gusto mo siyang hawakan sa leeg ngayon at hinde na siya mag punta pa sa iba, sabihin mo sa kanya yung sakit mo. Pero dalawa ang pupwedeng mangyari dyan eh. It's either mag sstay siya, or iiwan ka niya."

Napaisip na naman ako sa sinabi niya. Bakit ba lagi na lang may point yung mga sinasabi niya? Kelangan bang lagi na lang akong mapaisip tuwing seryoso kaming naguusap?

"Wala naman kaming problema.. siguro ako lang yung nag iisip. Bakit naman ganun.. hinde ba pwedeng mag stay na lang muna siya kahit sandali lang? Bakit kelangan may isa pang option? That's so mean."

"Alam mo Athena, karamihan sa mga lalaki ayaw ng mabibigat na responsibility. Tingnan mo, diba maraming single nanay? Kasi yung mga lalaki alam nila na once na mag stay sila sa relationship na yun, malaki na yung responsibilidad nila. Mababawasan na yung masasayang araw nila. Yung ibang nag sstay, pero eventually.. nagsasawa na." ngumiti si Lucas, "Malalaman mo na lang kung dedicated sayo yung tao pag alam niyang walang wala ka na. Yung tipong, galit na sayo yung buong mundo pero nasasatabi mo parin siya. Hinde ko alam ha. Pwedeng mali ako, pero pwede rin akong maging tama."

Natulala ako sa sinabi ni Lucas, hinde ko na mas lalalong alam kung ano yung gagawin ko. Hinde ko alam kung tama pa ba yung mga gagawin ko.. pero gusto ko siyang tanungin. Gusto ko malaman..

"Ikaw ba.. ngayong alam mong may sakit ako.. is it still possible for you to continue.. loving me?"

napaisip ako sa sinabi ko. Parang mali yung tanong ko sa kanya, parang iba yung datingnung tanong ko, "I mean, Is it still possible for you to you know.. like me?"

Lucas looked straight to my eyes. Yung pag tingin niya sa akin makikita mo yung sincerity at puno ng unsaid feelings.. ok I'm just assuming. Feeling ako eh.

"Yeah, it's possible. And.. It didn't change.." he smiled, "at all."

I smiled back at him. At least alam kong meron pang tumatanggap sa akin kahit na iwanan ako ni Kenji. I will not use Lucas, of course. Alam ko lang na may matatakbuhan na ako kahit tumalikod sa akin yung pinaka importanteng lalaki sa buhay ko. Cheesy.

After ng class namin ni Lucas dumeretso na kami sa bahay nila Kirby. Nandun na silang lahat, kami na lang pala iniintay nila. Si Kenji siyempre sinalubong ako ng MALAKING hug. Hinde naman pupuwedeng hug lang yung salubong niya, may kiss din yun. Oo, aminado akong kinikilig pa rin ako pag ginagawa niya yun. At sa tuwing ginagawa niya yung sa tapat nila, puro asar naman abot ko. Pero ngayon, parang ang hassle lang kasi sa napagusapan naming ni Lucas. Medyo nakokonsensya ako..

"Ya! If you try to hurt her I again, I swear I'm gonna kill you!" sabi ni Sara kay Kenji

"Bakit ba lagi mo yang sinasabi sakin!! Alam mo bang binabaliwala na niya ako ngayon??" binitawan ni Kenji yung kamay ko tapos yumuko, "na bawasan ata sex appeal ko sa paningin ni Athena eh.. nawala na interes niya sa akin.."

Tumingin siya sa akin tapos yumuko ulit. Huminga pa siya ng malalim! Ano ba yan!! Nag ddrama na naman siya! Hinde naman ako nag drama ng ganun dati ha!

"Well, you can't blame her. Oh yeah, you cheated on her, REMEMBER??" Sara grinned.
"Ouch. YOWN OH! Alam mo babes, kung ako ikaw, hinde ko na lang papansinin yung pinagsasasabi

ni Sara. Kanina pa siya ganyan sa condo namin! Kahit itanong mo pa kay Grace!!"

Nasa iisang condominium sila Sara, Gace at Jigs. Kela Jigs talaga yun pero siyempre, ayaw maghiwalay nung dalawang lovies. And hinde naman pupwedeng silang silang dalawa lang nandun kaya si Grace dun na rin nagsstay. Uuwi silang tatlo sa bf pag feel nila. Parang every other day silang umuuwi eh. My god. Nag condo pa sila!

Si Sara lagi akong tinatawagan. Gabi-gabi, oras-oras minuminuto, chinecheck niya ako. Hinde lang siguro siyang sanay na magkalayo kaming dalawa. Buong buhay kasi naming dalawa magkasama kami. Inseparable eh. Mass Communication tinatake niya.

"Hinde niyo masisisi si Sara. Pabayaan mo na lang Kenj." Sabay tap niya sa balikat ni Kenji tapos kiniss niya sko sa cheek. "Hi sis."

Grace, my sister-in-law to be. Parang si Sara rin yan! Lagi akong i-tetext at tatawagan! Mayayaman sa load eh. Kung hinde niya ako macocontact, she'll call oppa's phone! Kaya nga nagugulat sa akin yung kapatid ko bakit daw ako yung laging hinahanap at hinde siya. I'm special like that. I think may plan na rin silang mag pakasal. Pero pano kaya yun? Eh hinde pa nga nag seserve sa military si brother dear. Uh-oh. Mapipilitan tuloy siya. heeehee! Entrep course niya.

Of course, wala na akong masasabi pa kay babes. Nagawa niyang pagtiisan yung pagiging moody ni Sara. Kahit na madalas silang mag talo kelangan hinde matapos yung araw na hinde nila napaguusapan yung kelangan ayusin. BS Bio course niya, oo, gusto niyang maging Doctor Bala.

"Oo alam ko! Sanay na ko dyan sa babaeng yan. Isipin niyo walang buwang dumaan na hinde niya ako sinabihan nun!"

Biglang sumulpot si Kirby galing sa isang kwarto. Umupo na kami ni Kenji pagtapos ng batian nila.

"Pero paps, sa totoo lang nakakagulat at kayo paring dalawa eh. Isipin niyo last year parang.. teka.." napatingin sa akin si Kirby, "gaano nga ba kayo katagal dati ni Kenji??"

"100 days."

"100 days, yes. 100 days lang kayong dalawa, pero ngayon nalagpasan niyo na yung 100 days na yun." Umupo siya sa may bakanteng sofa. At biglang lumabas si Mary sa pintuang nilabasan rin ni Kirby.

HULI! Haha. Matagal-tagal na rin nagddate si Mary at Kirby. Ewan ko ha, pero knowing Kirby, mukhang seryoso talaga siya kay Mary. Princess talaga yung pag-treat niya sa kanya. Higher batch samin si Mary pero mag ka-age lang sila ni Kirby. May grade 8 kasi sa school namin dati kaya ganun. Sa school ni Mary wala. Ewan ko ba dun sa apat na yan, bakit late nagaral!

Anyway, back to Kirby. Schoolmates silang dalawa ni Mary. Marketing yung course niya, Tourism naman si Mary.

"Lul. Yung 100 days na yun, magiging 1000, tapos magiging 10000, tapos magiging 100000 days. Hanggang sa hinde na namin mabilang pa yung dumadaang araw sa buhay naming dalawa." Napangiti siya bigla kay Kirby nung umupo sa tabi niya si Mary, "Paps, baka naman hinde ka pa tumatapak sa 2nd year college maging literal PAPS ka na niyan."

Nagtawanan kaming lahat sa hinirit ni Kenji.

"Aba! Pag nangyari yun edi napatunayan ko ng wala akong diperensya! Pati pabor na rin si Mary dun kasi maganda lahi namin, pag lalaki yun edi magiging katulad niya yung ng daddy niyang matangkad at magaling mag basketball siyempre GWAPO pa, pag babae naman edi mas swerte kasi magiging model siya sa tangkad at maganda siya dahil mana siya sa daddy niya!" napatingin siya kay Mary tapos nagsmile, "sige na nga, pareho na tayong maganda ang lahi."

Hinampas ni Mary si Kirby sa may braso tapos biglang nag tago sa unan. Para talaga silang bata. Lalo naman tong si Kirby! Nahawa ata kay Jigs at Carlo. Pero ang cute nila tingnan pag awkward na yung situation, parang hinde mo malaman kung nahihiya ba talaga sila o kinikilig eh.

"O nga pala si Carlo nasan? Tagal ko ng hinde nakikita yung batang yun ha.."

"Nasa bahay nag aaral. Sabi kasi ni kuya Nate pag daw mataas yung grades niya bibilhan siya ng bagong cellphone. Kaya ayun, nag sipag siya."

Dumating yung mom ni Kirby na may dalang pagkain para sa amin. Habang umiinom sila hinde ko mapigilan yung sarili kong higpitan yung paghawak sa kamay ni Kenji. Feeling ko kasi ang sama- sama ko dahil may tinatago akong secret sa kanya.

Bawat hug niya sa akin lagi niyang binubulong yung 'i love you' sa akin. Bawat bulong niyang yun.. parang lalo akong nahihirapan sabihin. Ayoko siyang masaktan.. pero bakit ganun, parang mas ayokong masaktan yung sarili ko..?

"Athena.. pupunta na ko sa hospital.. ok lang naman diba?" nag nod ako tapos nag smile sa kanya. Tumayo siya tapos nag paalam na siya sa kanila.

Ok nga lang ba talaga sa akin?

Tumayo si Lucas tapos tumabi sa akin. Nilapit niya yung mukha niya sa may tenga ko, "Sabihin mo na sa kanya.. kung iniisip mong iiwanan ka niya.. ewan ko na lang sayo. hinde mo pa ba nahahalatang mahal na mahal ka niya? habang maaga pa, sabihin mo na.. kasi pag tumagal pa yan.. baka mas lalong masakit.."

Napatayo ako sa kinauupuan ko tapos tumakbo palabas ng living room. Nung nakala as na ako bigla ko na lang nakitang umandar yung kotse ni Kenji. Hinde ko siya pwedeng habulin dahil makakasama sa akin.

Bumalik ako sa loob tapos nagsmile sa kanila, "Hinde ko naabutan eh.."

"Nag-away ba kayo?"

Umiling ako, "Hinde, may kelangan lang akong sabihin sa kanya.. sobrang importante lang.."

"Tara sundan na natin siya." tumayo si Lucas tapos hinila na ako papalabas.

Dinala niya ako sa hospital kung saan naka-confine si Abigail. Hinde ba parang ang kapal ng mukha ko dahil haharap pa ko sa kanya? Hinde ko naman pupwede pang patagalin pa to..

Eto na. nasa tapat na ko ng kwarto niya pero bakit parang nawawala na yung lakas ng loob ko? Parang takot na naman yung nararamdaman ko.

Binuksan ni Lucas yung pintuan ng dahan dahan. Tiningnan niya kung sino yung tao dun sa loob ng kwarto. Tinulak ko siya sa may gilid para makita ko yung pangyayari.

Nakita ko si Kenji nakaupo sa may gilid ng kama ni Abi. Hawak nya yung kamay nito. Alam ko naman na dapat hinde ako magselos pero bakit parang nasasaktan ako? Dapat maniwala ako sa kanya.. wala lang to.

Pero naiisip ko pa lang na ilang araw na niya to ginagawa nagagalit na ko. Alam kong mali pero hinde ko mapigilan. Kitang kita sa mata ni Kenji na nag-aaalala siya

"Nandito pa kaya mga kaklase ni Athena? Dapat kasi ako na lang yung bumili ng gamot eh.."

Hinila ako ni Lucas palayo sa may kwarto, "Dad at kuya ni Abi. Pinsan niya."
Athena pala tawag sa kanya sa kanila. Kaya pala nung naka IM ko siya, Athena tinawag niya sa

akin.. wow.. coincidence nga naman.

"Nakabukas yung pinutan, may tao pa kaya?" napatingin kami ni Lucas sa kanila. Binuksan nung pinsan ni Abi yung pintuan tapos nagmadaling pumasok, "NANDITO KA NA NAMAN?! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag ka ng magpapakita pa sa amin?!?!"

Nagmadali kaming tumakbo ni Lucas sa may dulo ng hallway tapos nagtago sa may gilig. Nakita namin na hawak hawak ng pinsan ni Abi si Kenji sa may tapat ng kwarto. Tahimik lang si Kenji. Hinde siya umiimik sa mga sinasabi ng pinsan niya at kahit na pinagtututulak siya ng pinsan ni Abi.

"Hinde ka ba talaga marunong umintindi?! Ha?!? Ayaw niyang magpagamot ng dahil sayo!!! Dahil sa ginawa mong kawalang hiyaan sa kanya!!" tapos sinampal niya si Kenji

Nagsilipan yung mga ibang pasyente sa eksenang ginagawa nung lalaki. Kahit yung mga nurse nanonood narin.

Lumuhod bigla si Kenji, "Sorry..."
"Ilang beses mo na yang sinabi!! May magagawa pa ba yang sorry mo?! Wala ka na ba

talagang iba pang sasabihin?"

"Nagkamali ako.. Sorry.. pero.. hinde na talaga ako pwede pang bumalik sa kanya.."

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" tapos sinuntok niya si Kenji, "kulang pa yan eh!! Alam mo sana ikaw na lang yung may sakit para hinde si Athena yung nahihirapan!"

Napatakip ako ng bibig tapos naiyak. Kenji.. kung nahihirapan ka na sabihin mo lang sa akin.. ako ba dahilan kung bakit ikaw yung nasasaktan ngayon?

"Alam ko iniisip mo.. wag ka ng lumapit.. mas lalong magkakagulo.."

Nagnod lang ako. Nakatakip parin ako sa bibig ko at umiiyak. Wala akong magawa. Gusto ko siyang sabayan sa pagluhod niya pero baka lalong magkagulo. Hinde ko alam pupwede kong gawin. Nasasaktan ako dahil sa nakikita ko, pero mas nasasaktan siya sa nangyayayari.

Pumasok sa loob ng kwarto yung pinsan ni Abi tapos lumabas yung dad niya. nilapitan niya si Kenji tapos napailing

"Kenji umuwi ka nalang. Sinabi naman namin sayo ng mama ni Athena na wag ka na munang bumisita diba? Mainit pa ulo sayo ni Anthony. Alam mo naman na kapatid ang turin ni Anthony kay Abi kaya siya nag kakaganyan diba? Kaya mas makakabuti kung wag ka na muna bumisita.." sabi naman nung dad ni Abi.

"Sorry po talaga.." sabi ni Kenji habang naka luhod at nakayuko.

"Sige.. umuwi ka na.." tapos pumasok na siya sa loob ng kwarto.

Hinde parin tumatayo si Kenji sa pagkaluhod niya. Umiiyak siya.. Si Kenji.. umiiyak. Hinawakan ni Lucas yung balikat ko tapos inalalayan niya ako sa paglalakad. Sabi niya sa akin na mas mabuti pa raw na hinde kami makita ni Kenji para daw hinde siya mapahiya sa amin. Hinatid niya ako hanggang bahay.

Hinde parin ako makapaniwala na ganun yung nangyayari kay Kenji sa ospital. Puro masasakit na salita ang inaabot niya. Ngayon nasaktan pa siya nung pinsan. Ginagawa naman niya lahat ng makakaya niya para lang mapatawad siya pero para sa kanila hinde iyon sapat..

Lumuhod siya. pangalawang beses ko siyang lumuhod para lang mag sorry at magmakaawa.. pero iba na yung ngayon.. pag sinabi ko pa sa kanya yung sitwasyon ko baka hinde na niya makayanan pa..

Ano na ang gagawin ko? Hinde ko na talaga alam yung dapat kong gawin. Parang habang tumatagal pasakit ng pasakit, pahirap ng pahirap.. tumitindi lalo yung laban.. kelangan maging malakas ako para sa aming dalawa. Hinde kaya ni Kenji yung nangyayari kaya kelangan kayanin ko to para sa amin.

Pero bakit hinde ako confident? Gusto ko na lang sumuko.. gusto ko ng bumitaw.. 

--------------------------------

"Athena? Ano ba.. dalawang araw na tayong hinde nag kikita.. hinde mo pa ako kinakausap.. ano ba.. may problema ba?"
"Wala.. gusto ko lang magconcentrate muna sa school."
"Kaya ba wala ka ng time sa akin? Pupuntahan kita dyan ngayon."

He ended the call.
"Athena, tell me honestly, do you still love Kenji?" I nodded. "Then why the heck are you avoiding

him?? This is so not you."

"Ah mol la mol la." [I don't know I don't know.]
"Tell Kenji to see me before he goes ok? Nakela Jigs lang ako." Lumabas na si Sara at pumunta na

kela Jigs. Wala kasing pasok kaya nandito. Pffft.

Maya maya narinig ko na si Kenji. Lumabas ako at sinalubong siya sa may gate. Niyaya ko na lang siya mag lakad lakad dahil hinde kami pupwedeng magstay sa bahay at nandun si Carlo, Kuya Nate at Mom.

Hinde ako nagsasalita dahil natatakot ako sa mga pwede kong masabi. Siya rin hinde nagsasalita. Alam kong may gusto siyang itanong pero ayaw niya lang magsalita.

Siya na yung unang nagsalita, "galit ka ba sa akin?" huminto siya sa pag lalakad tapos humarap sa akin.

Nakita ko yung pasa niya sa labi. Tinakpan niya to ng kamay niya tapos nag smile siya. "Wala lang to. Na sobrahan yung pag lalaro namin nung blockmate ko kaya ayun napalakas."

Hinawakan ko yung kamay niya tapos tinanggal yung pagtakip niya sa sugat. Binitawan ko yung kamay niya tapos hinawakan ko yung mukha niya. Nakita kong may pasa pa siya sa may kabilang pisngi kaya hinawakan ko rin yung part na yun.

Nasuntok na naman siya.. ano bang mali sa ginawa ni Kenji? Hinde ko maintindihan kung bakit ganun na lang yung galit nila..

"Masakit pa ba?"

"Hinde masyado.. Ano ka ba, ok lang ako." Hinawakan ko yung mukha niya then I kissed his wounds. I hugged him. "Athena.. bakit? Sabi ko naman na ok lang ako eh.."

"Nahihirapan ka na siguro.. sorry.."

"Kaya ko pa.."

Pumunta kami sa bahay niya tapos nag laro kami ng Xbox. Gusto niya rin na dun ako matulog dahil daw hinde raw kasi ako nagpakita ng dalawang araw! Halos daw mamatay siya dahil na-mimiss niya ako.

Kenji.. pano na lang pag matagal akong nawala.. kelangan kayanin mo..

Habang kumakain kami ng dinner narinig namin na may nag doorbell. Tumayo si Kenji tapos lumabas para tingnan kung sini yung nagdoorbell. Tumayo ako para sumilip sa may pintuan. Nakita ko si Kenji nakatayo sa may gate tapos may middle aged na babae sa tapat niya

"Kenji.. nag mamakaawa ako sayo.." lumuhod bigla yung babae sa tapat ni Kenji, "wag mo ng iwanan yung anak ko.. ayaw niya talaga magpaopera... ikaw lang makakapilit sa kanya.. please... Kenji. Nag mamakaawa ako sayo.. Iligtas mo si Athena.."

Hinde na naman ako makagalaw sa kinakatayuan ko.. mom na ni Abi yung lumuluhod.. ayoko ng mahirapan pa si Kenji.. ayoko na siya masaktan pa ng dahil lang sa akin.. 

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 1K 33
Nueva Vida #1 Gale Cerrera seems to be normal in school. She has high marks and a plausible social life. But at home, she endures her parents' consta...
42.9K 1.6K 39
[UNEDITED] She's Elsa Vovough. She isn't your usual naive nerd girl who is afraid to move around in a crowded environment while clutching her books a...
2K 153 41
Mapaglaro ang kapalaran, hindi din siya basta-basta matatakasan. Kilalanin si Blair Kassandra Villacin. Ang sampung taon na naniwala at umasa. A Car...
410K 10.3K 39
Martinez Clan#1 Warning: R-18✅ ******** Lumaki sa masayang pamilya si Hanna Kayl Gomez. Everything is okay until her parents decided na ilipat siya s...