The Good Between Bad

By Celestine_Jade

788K 23.9K 1.7K

Marissa Rose Diva. A girl who doesn't want to gamble her heart when it comes to love. Ang gusto niya ay yung... More

PROLOGUE
NAME YOUR CHAPTER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 : Critisism
Chapter 4
Chapter 5: Secret
Chapter 6
Chapter 7: It's you
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14: Princess
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Surprise...
Christmas/New Years Treat
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 37

11.1K 373 27
By Celestine_Jade

Bigla akong napadilat mula sa pagkakatulog. Agad akong mapahugot ng hininga ng makita sa orasan na madaling araw palang.

Nanaginip kasi ako.

Masaya daw ako kasama ng aking mga anak. Naglalaro sa madamong lugar. Ang anak kong lalaki ay sinasalo ang bolang pinapasa sa kanya ng nakakabata niyang kapatid na babae. Kapwa sila nakangiti at maya't maya ang pagtawa.

Sa di kalayuan ay nakatanaw ang aking sarili. Nakangiti habang karga ang isang sanggol. Mas lalo akong napapangiti sa bawat tawa nito kapag kinikiliti ko ang baba niya.

May lalaking tumawag sa dalawang anak ko mula sa aking likuran. Tumigil sila sa ginagawa at tumakbo dito papalapit habang sumisigaw ng papa.

Halos tumalon ang puso ko sa kaba nang umupo ito sa tabi ko at halikan ako nito sa pisngi. Masaya kami.

Dinampian niya ng halik sa noo ang karga kong bata at ngumiti. Isa siyang mabuting asawa at ama. Punung puno ng kasiyahan ang aking puso. Kuntento ako sa buhay. Walang problema. Walang inaalala.

Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng isang braso sa bewang ko. Tumagilid ako higa at hinarap siya.

Mahimbing at payapa siyang natutulog.

Inalala ko ulit ung lalaki sa aking panaginip. Hindi ko siya kilala. Hindi siya si Seven.

Siniksik ko ang sarili palapit sa kanya. Mas lalong humigpit ang kapit nito. Sinubukan kong matulog ulit at binura ang pangit na panaginip sa isip ko.

Nauna akong magising kaysa kay Seven dahil gusto ko siyagn ipaghanda ng agahan. Isang lingo na kong hindi nakakapasok ng klase pero wala akong pakialam. Babawi nalang ako sa mga exams. Si Mimi text ng text sa'kin. Kung anong na daw nangyari sa'kin at kung libre daw ako this Saturday. Nagyayayang lumabas. Um-oo naman ako.

Halos patapos na ko sa paghahanda nang pumasok si Seven sa kusina. Nakasando itong puti at boxer's. Kunot ang noo niyang nagpalingun lingon sa paligid bago ako makita. Nawala agad ito nang makita ako.

"Good morning." Bati niya matapos akong halikan sa noo. Ngumiti ako at humalik sa kanyang pisngi.

"Magandang umaga din. Sagit nalang 'to. Kung gusto mo pwede kang mag-ayos muna bago kumain."

Tumango siya. "Are you going to class today?" Sabi niya ng hindi parin tinatanggal ang braso sa bewang ko.

"Hindi muna. Friday naman." Sa Monday nalang. Itutuluy tuloy ko na ang bakasyon.

"That's good because I'm planning to clear my afternoon so we could go out and have dinner tonight. Sounds great?"

Halos bumigay ang mga tuhod ko nang ngumiti siya habang naghihintay ng sagot ko.

"Baka nabo-bored ka na dito sa bahay. If you want, you could go out for shopping."

Umiling ako. "Kain nalang tayo sa labas..."

"Anything my princess wants..." agad na tumalon ang puso ko sa lambing ng boses niya.

Binigyan niya muna ako ng halik sa pisngi bago umalis. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa at inihain sa hapag ang mga niluto ko.

Nang makaalis na siya ay wala akong ginawa kung hindi ang maglinis ng bahay. Hiniling ko sa kanya na 'wag nang papuntahin si Apple dito lagi dahil nandito naman ako. Hindi siya pumayag pero napilit ko naman siya. Hanggang ngayon ay hindi parin siya sang-ayon.

Matapos non ay nag movie marathon naman ako. Sa loob ng isang linggo ay kung anu anong movie na ang napanood ko. Nakakamangha ang dami ng CDs ni Seven dito pero mas napahanga ako sa laki ng theater room niya.

Si Stepehen minsan pumupunta dito para tignan kung ayos lang daw ba ako. Utos daw ni Seven na tignan ang kalagayan ko lalo kapag gagabihin siya o masyadong busy sa kumpanya. Sinisuguro ko naman sa kanilang maayos ako.

Hindi lang pala si Stephen ang pumupunta dito. Nung isang araw ay dumalaw si Kris at kasama ko siyang nanood ng movie. Nagpahatid daw siya sa driver nila.

Nang makita kong malapit nang mag-alas singko ay biglang bumigat ang nararamdaman ko. Tinapos ko ang panonood at pumasok sa kwarto. Kumuha ako ng simpleng dress na susuotin ko.

Bawat minutong lumilipas ay mas bumibigat ang pakiramdam ko. Alas sais kasi ang usapan namin ni Miss Naomi na magkikita.

Siya ang nagsabi na nitong Friday nalang kami mag-usap dahil may pupuntahan daw siya at magiging busy nitong buong linngo.

Okay lang naman sa'kin kaso pinahaba nito ang agam agam ko. Noong gabi ding 'yon ay napansin kong medyo may inaalala si Seven.

Nakaupo lang ito sa sofa at tahimik. Nakakunot ang noo at tila malalim ang iniisip. Gano'n din siya nung mga nakaraang araw.

Lagi ko siya tinatawag ng nakangiti. Nagpanggap na wala akong nakita kahit sa loob loob ko ay nasasaktan na 'ko.

"Kanina ka pa ba?" Napaangat ang tingin ko mula sa mga kamay ko. "I'm sorry I'm late."

"Okay lang po, Miss Naomi."

"Call me Naomi. I insists. Isa pa, wala tayo sa loob ng campus." Nakangiti niyang sabi.

Kagaya ng dati, umaapaw pa din ang appeal niya. Idagdag pa ang tindig at ganda niya. Nakasuot siya ng maikling peach fitted na palda at puting spaghetti strap na sando pero nagmukang pormal dahil sa peach business coat. Halos lahat ata dito napapatingin sa kanya. Karamihan mga lalaki.

Ni ang sarili ko at hindi magawang ikumpara ang sarili sa kanya.

Ang galing mo, Maro. Pinababa mo lang ang tingin mo sa sarili mo.

"Sige, N-Naomi." Pinilit kong ngumiti sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko. Tahimik kami saglit. Pilit iniignora ang tensyon sa'min. Tinignan ko ang ilang mga taong nasa parke din. Ang iba ay nakaupo lang at pinapalipas ang oras.

May mga batang naglalaro, mga hayop kasama ang kanilang mga amo, mga magulang kasama ang kanilang mga anak at mga mag-nobyong malambing sa isa't isa.

"Pwede bang ipahiram mo sa'kin si Seven?" Napakapit ako ng mahigpit sa palda ko. Pumintig na malakas ang aking puso at para akong sinakal sa mga sinabi niya.

"Maro, We need him so much, please..."

.
.
.
.
.

"Stephen, go check on her." I ordered him and immediately cut the call.

I've been calling and texting her for almost an hour now and she's not answering any of it. I'm getting worried.

Pati house phone ay hindi niya sinasagot. Maybe she's not at home but why didn't she inform me. Dapat ay pinasama ko siya kay Stephen.

Baka may mga paparazzi na i-harass siya. She'll panic. That's for sure. I've already done all the necessary to erase those photos they took of her. Blackmailing, buying stocks and even threatening someone. Ayos na ang lahat pero hindi ko pa rin mapigilan ang isip nila. Pa'no kung bigla siyang tanungin ng kung anu ano?

I know that she couldn't handle the pressure but sooner or later, she needs to. I'm gonna marry her someday and she'll be my wife. I smiled just thinking about that. Ngayon ay hindi na 'ko makapaghintay.

"Sir, may bisita po kayo..." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Tanya, my secretary.

"I thought I told you to clear my sched."

She suddenly became nervous. "Y-yes, sir. Pero sabi niya po ay kaibigan siya ni M-Maro?" She stuttered, unsure with the name.

I couldn't blame her. Walang nakakaalam ng tungkol sa'min ni Maro dito sa opisina. It's not important if they knew or not but I needed to suppress that detail for my princess. Isa pa, hindi ko obligasyong ipaalam sa kanila.

"Who is it?"

"Hya daw po..."

Who's that? "Send her in." Utos ko. Since wala pa kong sagot galing kay Stephen, I can talk to whoever this woman is.

"Yes, sir." She left after.

I took a last look at my phone. Hoping to have a text from either Maro or Stephen. I got nothing.

Hindi nawala ang ayensyon ko sa phone kahit na may pumasok. I texted Stephen.

"Is this a bad time?" That voice was familiar so I looked up.

"So it's you." I said putting the phone down. She's the last woman I expected to be here. I finally remembered her. She smiled a bit. I didn't.

"Yes it's me."

"What do you want?" Malamig kong sabi.

"I want you to return what you took from us."

"I admire the guts but no. So get out."

Umismid siya at kumunot ang noo. I remained passive. "Then I'll tell her what you did to me and to my family. How do you think she'll react? Kamunuhian ka niya Seven. Kamumuhian ka ni Maro. She'll leave—"

"Enough!" I voice boomed. My blood boiled. How dare she. Going here and threatening me! "Tell her a single word and your family will lose everything left."

"So ganyan mo pinoprotektahan ang prinsesa mo?" She said, disgusted with the few last words. "With lies and secrets? Ayaw mo bang mawala ang pagka inosente niya unlike you?"

I kept looking at her, dark and cold. Nalito siya sa kalmado kong estado pero sa panlabas lamang 'yon. This woman will surely regret coming here and talk shïts like this.

I once admire this kind of woman. Fierce, can stand and defend herself, a woman with power and confidence. I looked up to them. Dahil narin siguro lumaki ako kasama ang mga ganitong babae. Like my mom and aunt. I want a woman just like them. But that all changed when I met Maro.

You know, Seven... I remembered my dad once said. When I was with your mom, everyone was against us. Even your mom. But I needed her in my life. I proved them otherwise. All those pains are worth it.

Don't go for the woman you want, go for a woman your heart needs. Find someone that could make you weak and strong at the same time. Make you laugh and cry at once. A woman that will make any woman jealous of her. Not because she's beautiful, rich and have a goddess like features. It's because when with you, they could see a princess even when she's wearing rags.

Don't go for the obvious gold. Some dirty rocks have something to be treasured inside more than gold.

Remember them always, Seven.

"Hyacinth Dallientes... That's your name, right?"

"Yes. Why? 'Wag mong sabihing ngayon mo lang nalaman ang pangalan ko?" She said, rolling her eyes.

"Just confirming..."

"For what?" She said cautiously. I smirked. Alam ng babaeng ito na may gagawin ako. She doesn't have to worry anything. I won't disappoint her.

Kinuha ko ang phone at tumawag. "Tito Raul? It's me Seven... Kilala mo si Gov. Dallientes diba?" I smiled when he said yes. "He's running for senate. Destroy him."

Dad also told me to respect women but then there's also mom.

'If someone tries to break you, turn them into ashes.'

As the conversation continues, I enjoyed watching her slowly paling and getting nervous with each of my instructions I'm setting like a pile of plate. Alam kong maasahan ko si Tito Raul.

"Tell her a word and your mom's next." Sabi ko nang matapos ang tawag.

Nagbabadyang tumulo ang mga luha niya habang tinatapunan ko nang masamang tingin. She tried to hide them with her anger. Too bad I'm not affected.

Hindi siya nagsasalita, just throwing dagger looks at me that I don't care about when my phone rings.

'Sir wala po siya sa penthouse.'

"What?" Agad akong napatayo at kinuha ang coat ko sa coat hanger. "Find her. Track her phone, dammit!"

'Yes, sir.'

Where is she? She's not like this. Sinasabi niya sa'kin kung anong mga ginagawa niya. Maybe those fvcking bugs got her. Baka na corner siya ng mga reporters.

I left the room without looking at her.

"Magkikita kami bukas at sasabihin ko sa kanya. I'll tell her." She suddenly said. "Wala na kong pakialam sa mga gagawin mo as long as I tell her. My family will be destroyed but at least I'll destroy her image of you. Hindi lang 'yon ang sasabihin ko. I'll even tell her your dirty little secret. About you and your professor. You being the other man. Having an affair and fvcking a married cougar? Really? Hindi ka lang niya kamumuhian. She'll disgust you."

I groaned and left her. "She'll leave you!" Narinig ko pang sigaw niya.

No. That won't happen. She loves me.

Pasakay na ko nang may nagtext. Agad na nadagdagan ang inis ko nang mabasa ko ito.

Everything's settled. Naayos ko na ang lahat. Magkita tayo for dinner?

Damn it, Naomi. Isa ka pa! I have no time for you.

I connected the phone to Stephen while driving.

"What happened?"

'Okay na po, sir. Papunta na po kami sa penthouse...'

"Is she fine?" Hindi siya agad sumagot. "Stephen, is.she.fine?" Inulit ko ng may diin.

'Yes, sir.'

"I'm on my way."

Gumaan ang pakiramdam ko pero nagmadali parin akong umuwi. It's almost eight and our reservation's at 7:30pm. Maybe I could take her somewhere different...

Nag-iisip ako ng bagong plano para sa dinner namin habang paakyat ako sa penthouse. Then I remembered my other plan. The plan where I bring her family here to surprise her. That'll make my princess happy for sure.

Stephen was already waiting for me on the other side when the elevator opened.

"Nasa living room po siya, sir."

I nodded. "You may go." I said walking pass him.

Nang nakita ko si Maro, alam kong nagsinungaling si Stephen nang sabihin niyang okay lang ito.

"Princess?" Tumayo siya at ngumiti. Her smile's forced and it looks like she just cried. Something's not right. "What's wrong?"

Umiling siya. "Hindi. Okay lang ako. Lalabas tayo diba? Saglit lang. Magpapalit lang ako ng damit."

Nagmadali siyang umalis at maglakad palayo habang ako ay nakatingin lang sa kanya. Bigla siyang huminto at humarap.

My breathe hitched. My heart pound nervously and I panicked because she's now crying. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. I don't like seeing her like this.

"Princess, don't cry please... What's wrong?"

"H–hindi ako o-okay..."

"C'mere." I wrapped my arm around her shoulder and led her to the sofa. I made her sit on my lap before cupping her face and brushing the tears away. "What is it? Is this about school? Your family?"

Her sad eyes were like endless pool of tears. They kept on falling while staring at me. I was starting to fell nervous on what she's about to say. Hyacinth's words kept on drilling out of my mind. Pa'no kung may sinabi na pala siya?

Will she leave me? Is this the start?

"A-alam ko na ang tungkol sa kanila, Seven. Nalaman ko na."

No, please God!

Continue Reading

You'll Also Like

229K 5.3K 54
APPLE doesn't have any slightest idea that the little boy who ruined her sand castle when she was six years old will be the man she'll adore, cherish...
653K 10K 43
[The Architects Series #2: Lauren Del Valle] Traumatized by her past love, Lauren Del Valle still manages to move on and have a good career-the pri...
4.3K 105 54
At young age, Montserra Antunes takes her childhood friend's offer to live with him in their house. When her parents died, they left nothing but pain...
25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...