The Good Between Bad

By Celestine_Jade

790K 23.9K 1.7K

Marissa Rose Diva. A girl who doesn't want to gamble her heart when it comes to love. Ang gusto niya ay yung... More

PROLOGUE
NAME YOUR CHAPTER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 : Critisism
Chapter 4
Chapter 5: Secret
Chapter 6
Chapter 7: It's you
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14: Princess
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Surprise...
Christmas/New Years Treat
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 36

12K 343 34
By Celestine_Jade

Nanlalambot parin ako nang bumangon sa kama. Kakagising ko palang ay masama na agad ang pakiramdam ko. Halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip at kakaiyak. Dagdag pa ang ingay sa labas. Ano kayang meron do'n? Bumuntong hininga ako at lumabas ng kwarto para magbanyo.

Pa'no ba naman, ang unang laman ng isip ko ay si Seven. Masaya na sana kaso lang naalala ko na naman ang mga nangyari kahapon. Ang mga sinabi ni Bianca at ang hinalang bumubuo sa isip ko.

Mahina ang pundasyon ng isang relasyon kung walang pinagdadaanan. Nalaman ko 'yan base sa mga nababasa, napapanood at nasasaksihan ko. Siguro ito na 'yon.

Kung tutuusin ay hindi pa naman kami ganon katagal ni Seven. Mag-iisang taon palang kami pero nandito na agad ang estado namin. Engaged.

Sa maikling panahon ay malaki na ang tinalon namin. Pero ano naman?

Pwede mong mahalin ng panghabang buhay ang isang tao sa unang pagkikita palang at pwedeng wala kang maramdaman kahit katiting na pagmamahal sa isang taong matagal mo nang nakasama.

Wala sa oras at panahon 'yan. Nasa tatag at tindi ng pagmamahal para sa isa't isa.

Sila mama nga laging nag-aaway nila tatay pero matatag parin sila ngayon. Namimiss ko tuloy si mama. Sana nandito siya para may kausap ako.

Nagkaroon naman kami ng konting pagtatalo dati ni Seven pero hindi na 'yon lumalaki pa. Isa sa'min agad ang nagpapakumbaba para maayos ang anumang usapang 'yon.

Mahal ako ni Seven!

Tama! 'Yon nalang ang iisipin ko. Nahihirapan man ako ngayon, hinding hindi ako susuko dahil oo palang ang nasasabi ko at hindi pa 'I do'.

Kailangan ko lang tatagan ang sarili ko.

Nang matapos na 'ko ng paghahanda para pumasok ay tumunog ang phone ko. Nakita ko ang mga text ni Seven. Hindi ko ito ganong pinansin dahil lumungkot na naman ang pakiramdam ko. Ang text ni Mimi ang binasa ko. Sabi niya ay nagkita at nagkausap na sila ni Hyacinth kahapon.

May bigla akong naisip.

Ayon kay Bianca ay may alam si Hyacinth tungkol sa nakaraang relasyon ni Seven. Pa'no kung tanungin ko siya pag nagkita kami? Oo Tama!

Pero diba mas maganda kung kay Seven ko malalaman ang lahat?

Mas maganda nga 'yon pero magagawa ko ba siyang tanungin?

Ano naman ang sasabihin niya? Itatanggi niya ba? Magagalit ba siya?

Ugh! Hindi ko alam.

Masyado na kong naguguluhan. Mamaya ko na iispin ang gagawin ko. Walang magagawa ang pagmumukmok. Hindi nito masusulusyonan ang lahat. Sa ngayon ay kailangan ko nang pumasok dahil mala-late na 'ko.

Pagkalabas ay hindi ko inasahan ang madadatnan.

Nakalat ang ilang mga sasakyan sa daan at maraming tao. Halos mapuno nila ang kalsada. Anong meron? Parada?

Nang makita nila ako ay para silang mga gutom na taong ngayon lang nakakita ng pagkain. Itinaas at hinanda nila ang kani-kanilang mga camera.

Bakit may gano'n?

"Ayun siya! Miss! Anong relasyon mo sa tagapagmana ng R&A Corp?"

"Totoo bang nagpropose sa'yo si Seven Dela Vega?"

"Is the ring you're wearing the engagement ring?"

Napaatras ako. Pinagpatong ko ang mga palad at nilagay sa tapat ng dibidb, tinatakpan ang singsing na pinagtitinginan nilang lahat.

Syete ano to? Hala! Hala! Hala! Papalapit na sila.

Nasilaw ako sa sunud sunod na flash. Otomatikong naitaas ko ang kamay ko para harangan ang aking paningin. Do'n na 'ko kinabahan at nagulat dahil sunud sunod na ang tanong nila.

Lalo pa't nakalantad na ang singsing sa kanila.

Maingay. Tanung sila ng tanong.

Nang maaninag ko na mukang malapit na sila sa pagdamba sa'kin ay agad akong pumasok sa loob. Ni-lock ang pinto at napaupo sa sahig.

Hindi ako mapakali. Bakit sila nandito sa bahay? Pa'no nalaman ng mga reporters ang tungkol sa'min?

Mas naging aligaga ako nang kumatok sila at nagsisigaw ng mga tawag at tanong. Sa tingin ba nila ay sasagot ako?

Hinalungkat ako kinuha ko ang phone sa bag. Kailangan kong tawagan si Seven.

Isang ring lang ay sumagot na siya. Halos magkalitu lito na ko sa pagkwekwento sa kanya kung anong nangyayari.

"Stay there and wait for me." Tumango tango ako kahit alam kong di niya makikita.

Ilang sandali pa ay tumahimik sa labas. Wala nang mga katok at tawag. Baka wala na sila? Napagod siguro at umuwi na...

Akala ko wala na talaga kaya hinawi ko bahagya ang kurtina at sumilip. Napasinghap ako at bumalik sa likod ng pinto.

Syete! Iniinterview ng ilan ang landlady ko. Syete talaga!

Halos mapatalon ako sa gulat nang may kumatok ulit. Mukang pilit pang binubuksan ang pinto. Narinig ko ang boses ni Seven kahit na ang ingay ingay. Hindi ako nagdalawang isip na pagbuksan siya.

Mabilis pero maingat ang pagpasok nito. Hinarang niya pa ang katawan para masiguradong hindi ako makukuhanan ng litrato.

"Anong nangyayari? Umalis na ba sila? Marami pa ba?" Nababahala kong tanong.

"It's fine. Stephen's taking care of it. Okay ka lang? Are you hurt?" aniya habang sapo ang aking mukha.

Umupo kami sa sofa. Maingay parin sa labas pero unti unti itong nawala. Nang sumilip kami ay tuluyan nang nawala ang mga tao. Pumasok si Stephen at kinausap ni Seven.

"Take care of the media. Make sure that they have no photos and find out who blabbed about this."

"Yes, master Seven."

Umalis na siya matapos. Kasa kasama ang ilang mga lalaking tauhan ni Seven. Napahugot ako ng malalim na hininga. Buti naman at tapos na ang lahat. Nataranta talaga ako kanina. Yung mga tingin nila, mga tanong, mga sigaw, ang flash ng camera... Ayoko talaga ng atensyon.

"Pack your things. You''ll living with." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad akong umiling matapos niyang umupo sa tabi ko.

"Ayoko."

"Princess..." malumanay niyang sabi. "They know where you live. Maaring tapos na ngayon pero alam kong babalik sila dito. I can't protect you if you're still gonna stay here."

"Pero..."

"You're not used to them, right?" napayuko ako. Inangat niya ang mukha ko gamit ang mga daliri. "C'mon, princess. We're engaged now. Walang mali do'n. Hindi ako palagay kapag nasa malayo ka."

Napakagat nalang ako ng labi at dahan dahang tumango. Ngumiti siya at dinampian ako ng halik sa labi. "Kelan?"

"Now."

"Ngayon agad!" Ngayon? Bakit ang bilis? "Pero may pasok pa ko at trabaho mamaya."

"Hindi muna tayo papasok ngayon. And another thing, I want you to resign from work." Seryoso ang boses niya habang hawak ang mga kamay ko.

"Hindi." Umiling iling ako. "Hindi pwede."

"Why not? I can take care of you. I can support you and—"

"Pa'no ang pamilya ko Seven? Sakin sila dumidipende. Hindi ako pwedeng tumigil sa pagtratrabaho."

"I can support them too."

"Hindi pwede. Pamilya ko sila at ayoko ring tumigil sa pagtratrabaho. Isa pa, masaya rin ako sa ginagawa ko. Ayokong magresign ng basta basta. Intindihin mo sana."

Mariin ang pagtingin niya sa'kin bago bumagsak ang balikat. Laking tuwa ko nang pumayag siya. Ayoko lang talagang pati pangangailangan ng pamilya ko ay papasanin niya. Hindi naman tama 'yon.

Mukang hindi naman natapakan ang ego niya. Ang mga lalaki kasi minsan gano'n. Buti nalang hindi niya ito dinamdam.

Niligpit ko ang mga gamit ko. Mga damit at mahahalagang bagay lang naman. Konti lang ang mga ito kaya hindi kami nahirapan.

"Bakit dito ang daan natin?" Tanong ko nang mapansing hindi siya lumiko papuntang bahay niya.

"Do'n tayo sa condo ko."

"May condo ka?"

"Why are you so shocked?" Nilingon niya ko saglit habang mahinang tumatawa.

Ngumuso ako. "Sorry... hindi na pala dapat ako nagugulat."

Oo nga pala. Mayaman nga pala siya. Bakit kasi hindi ko ma-absorb na ibang Seven na ito? Na hindi siya ung mahirap na gaya ko noon?

Namula ako nang kunin niya ang kamay ko at halikan. "Now it's your's too. It's going to be our temporary home."

Mas lalo akong pinamulan ng mukha kasabay ng pagharurot ng puso ko. This is it! Live-in state na kami.

Ang bilis talaga pero wala akong magagawa dahil sa kabilang banda, gusto ko rin ang ganong lagay.

Sa Skyway Heights kami pumunta. Gusto ko sanang tanungin kung seryoso siya pero siya nga pala si Seven.

Halos malaglag ang panga ko sa kwartong pinagdalhan niya. Parang bahay na sa sobrang laki. Hindi ko nga alam kung buong floor ang sakop nito pero talagang malaki.

Royal blue at black ang tema sa kulay. Kumukinang ang buong paligid at talagang mapapatitig ka sa buong lugar. Daanan palang de-carpet na. Wow! Grabe!

"Princess... here..." Napasara ang bibig ko at lumingon kay Seven.

Tumalima ako at sumunod. "You can unpack later. Do you want to eat first? I'll re-heat some food."

"May bahay ka pa pala maliban don sa 1st Ave.?" Sa sobrang pagkamangha ko ay hindi ko nasagot ang tanong niya.

"Minsan lang ako pumunta dito. But that was before. Do you like it there than here?" Hindi ko agad nasagot ang tanong niya dahil napanganga na naman ako pagpasok sa kusina. Wow!

"Kahit sa'n pero mas gusto yung bahay niyo ni Nine kasi mas homey."

"This is just temporary. 'Til we're certain that nobody will bug us."

Kinain namin ang ininit niyang spaghetti. Aniya, luto daw ito ni Apple. Pumunta siya dito lagi at si Stephen lalo na kapag may kailangan siya.

"Nasa'n nga pala ang mga gamit ko?" Siya kasi ang nagbitbit kanina. Magliligpit na 'ko since wala naman na akong ibang gagawin.

"In my room." Kinuha niya ang pinaggamitan namin at nilagay sa lababo. Binigyan niya ko ng tubig.

"Bakit ando'n?"

"That's where you'll be sleeping..."

Mukang naparami yata ung kain ko kaya nag-iba ang aking dinig. "Ano ulit 'yon?"

"You'll be staying in the same bedroom as me."

------

Ang sarap ng pakiramdam ko paggising ko. Ang lambot ng kobre kama. Parang nakahiga ako sa bundok ng mga bulaklak o di kaya'y sa isang daang kilong bulak.

Napaungol ako at sinubsob ang mukha sa unan. Hmmm. Ang bango pa. Naglaba ba ko ng punda kahapon?

Kahapon? Kahapon!

Napahinto ako sa pagsinghot. Naalala ko bigla ung kahapon. Syete naman!

Nanatili akong nakadapa para pakiramdaman ang katabi. Siguradong katabi ko siya. Nag-init agad ang mukha ko.

Sanay na kong matulog sa tabi niya kaso iba ung kagabi eh. Muntik na. As in muntik na. Unang gabi palang namin dito tapos ganon agad? Diyos ko... Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat sa gabi ng kasal kaso mukang hindi ako makakatagal.

Lumabas na di pala ako nabibingi kahapon. Nabugahan ko pa siya ng tubig. Tapos bago matulog, niyakap niya ko patalikod.

Ewan ko ba kung anong nangyari pero nag-umpisa yon sa paghalik halik niya sa batok at balikat ko hanggang sa pareho na kaming topless at nakapanty nalang ako.

Diyos ko! Mahabaging Diyos...

Pagpalain niyo po ang tumawag sa phone niya kagabi. Praise you kung sino kaman.

Unti unti akong lumingon sa hinigaan niya. Kinakabahan.

Nasa'n siya?

Napa-angat ako sa pagkakadapa. Nagtaka kung bakit wala siya. Maaga pa naman para sa klase kaya tumayo ako at hinanap siya.

"Don't ever come here again!"

Naabutan ko siya sa pintuan. Napapitlag ako ng pabalibag niya itong sinarado.

Mukang hindi niya alam na nasa likod ako dahil medyo nagulat siya nung humarap at makita ako. Nakakunot ang noo at matigas ang panga sa galit.

"S—sino 'yon?"

Lumambot ang tingin niya. "Shutterbugs..."

"Nasundan nila tayo hanggang dito? Pa'no na 'yan?"

"Don't worry. I'll let Stephen handle it. Gutom ka na?"

Umiling ako. Hindi pa naman akong gaanong gutom pero ako na ang nag-insist na magluto para sa kanya.

Habang nagluluto ay nag-aayos siya para sa opisina. Hindi niya rin muna ako pinapasok ngayon. Kahapon daw kasi may mga paparazzi na umaaligid sa campus. Mabuti nalang at malapit nang mag sem break tsaka hindi mahigpit ang DeRizanto sa attendance ng scholar.

Nagsabi siya na mas makakabuti kung hindi muna ako lalabas. Sumang-ayon ako. Kanina nga may media agad eh. Malamang meron ding nakabantay sa baba.

Kinilig ako bago siya umalis. Hinalikan niya kasi ako tapos sabi niya dito na siya maghahapunan. Gusto kong tumili dahil parang mag-asawa na ang set-up namin. Kasal na lamang ang kulang.

Ang laki ng ngiti ko habang nagliligpit ako ng pinagkainan.

"Ay, oo nga pala!" Agad kong kinuha ung clubhouse na ginawa ko para sa kanya.

Nakaligtaan ko. Ginawa ko pala ito para hindi siya malipasan ng gutom. Yung mga business man kasi minsan mas binibigyang halaga ang pagtratrabaho kesa ang magkalaman ang tiyan.

Dali-dali akong bumaba. Hindi pa naman gano'ng katagal ng umalis siya kaya mahahabol ko pa 'yon.

Sa parking lot ako dumiretso. Sa parking space ni Seven.

Tama ngang maabutan ko siya pero hindi ko inakala na hindi lang siya ang maabutan ko. Medyo malayo ako pero kitang kita ko.

May sinuntok na lalaki si Seven. Bumagsak, isang taga media. Kinuha niya ang camera nito at sinira. May dinampot siya sa lupa, parang memory card at binulsa.

Ang tamang gawin ay awatin ko siya pero nanatiling nakadikit ang mga paa ko sa sahig dahil ando'n din siya. Si Miss Naomi.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Feeling ko nanlambot ang mga tuhod ko at babagsak ako anumang oras.

Balisa si Miss Naomi. Hinawakan niya ang braso ni Seven at hinila nang tatadyakan nito ang lalaking nakaupo. Sinapo niya ang magkabilang pisngi ni Seven at may sinabi. Halata ang pag-aalala.

Hindi ko alam 'yon pero nawala ang galit ni Seven. Ang matatalim niyang tingin ay biglang lumambot. Gano'n ang itsura niya kapag ako ang kaharap. Kapag ako ang nakikita.

Napaangat ang nanginginig kong kamay at humawak sa dibdib. Sa parteng masakit.

Pa'no niya nagawang tumingin sa ibang babae gaya ng tingin niya sa'kin? Bakit gano'n?

Hinawakan niya ang kamay ni Miss Naomi at hinila. Pumasok si Miss Naomi nang pagbuksan siy ni Seven ng pinto ng sasakyan.

Nang makita kong papaalis na sila ay nagtago ako sa gilid ng elevator. Nilagpasan nila ako habang ako may nanatiling nakapako ang paningin sa papaalis na sasakyan. Hanggang sa lumiko at mawala. Hanggang sa mapagod ako sa kakaiyak at bumalik sa taas.

Nakabukas ang TV pero ang pinapanood ko ay ang memorya ng kaganapan kanina. Malakas ang sounds nito pero ang naririnig ko ay yung maaring usapan nilang dalawa.

Ano kayang pinag-uusapan nila ngayon? Magkasama pa ba sila? Magkakabalikan ba sila?

Sinubukan kong tawagan si Seven kanina pero hindi siya sumasagot. Hindi ako kuntento sa text niya.

Tiwala lang. Tiwala lang.

Napapahid ako sa pinging nadaraanan ng mga luha.

Tiwala lang... Pero kahit anong gawin ko. Kahit anong isipin kong tiwala lang, bumabalik ung mga nakita ko.

Kung pa'no niya protektahan at ilayo sa kapahamakan si Miss Naomi.

Pa'no ako magtitiwala kung lahat ng naririnig at mga nakikita ko ay naglalagay ng lamat sa tiwalang 'yon.

Tumunog ang doorbell. Muli kong pinahid ang mga luhang tumagas at pinatay ang TV.

Pumunta ako sa pinto at binuksan. Kapwa kami nagulat ng taong pinagbuksan ko.

"Maro? Anong gina—" napahinto siya.

"M—Miss Naomi..."

Nawala ang pagkagulat siya. Ang nanlalaki niya kaninang mga mata ay biglang sumeryoso. Ako naman ay hindi nalaman ang gagawin.

"Since nandito ka... Can we talk? I need to tell you something important."

Question....

Gusto niyo ba ng maikling chapter pero madalas ang update? O medyo mahaba ang chapter pero once a week ang update?

Continue Reading

You'll Also Like

332K 10.9K 26
Pakiramdam ni Eliana Azarel ay siya na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Sunod-sunod ba naman kasi ang kinakaharap niyang problema. Kaya nga nan...
5.8M 59.2K 28
This is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malaman nitong nagdadalang tao s'ya. Apat...
601 142 27
𝓐 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓸𝓯 𝓪𝓷 𝓲𝓵𝓵𝓲𝓬𝓲𝓽 𝓪𝓯𝓯𝓪𝓲𝓻 Kerida, kabit: ang mga salitang iyon ang labis na ipinagbabawal sa pamamahay nila Wretchel Andañe...
2M 52.6K 53
Kaya mo bang i-organize ang kasal ng ex-husband mo sa ibang babae? Hanggang saan ang kaya mong tiisin para pagbayaran ang nakaraan? "Alam kong mali...