SILENT QUEEN Book1: PRETEND (...

By kuyakingboo

144K 2K 152

Author: KuyaKingboo / MisauthorILHCA Works: Silent Queen Book 1: His Girl / Silent Queen Book 2: Dark World... More

Silent Queen Book 1: His Girl by KuyaKingboo
#0//: Prologue.
#1//: First Day
#2//: Where is Cha?
#3//: Her Gwapo-His Eoreum
#4//: Unexpected Date
#5//: Envelops
#6//: Science Activity.
#7//: Instant Mama and Papa
#8//: Never trust her in Kitchen Works.
#9//: Queen's Eyes
#10//: She's Jealous.
EXTRA CHAPTER 1
#11//: Mr. and Ms. SU Part 1
#12//: Mr. and Ms. SU Part 2
Commercial Break
#13//: Over Night
#14//: Leader's Proposal
#15//: Officially Yours (Fake Relationship Starts Here Sep.30)
#16//: Getting-To-Know-Each-Other
#17//: A piece of her nightmare.
note 4//: editing reason
#18//: The Ice Peace Offering
#19//: Math Camp Pt.1
#20//: Math Camp Pt.2
#21//: Math Camp Pt.3
#22//: Math Camp Pt.4
#23//: Special chapter
#24//: Math Camp Pt.5
#25//: Math Camp Pt.6
#26//: Math Camp Pt.7
#27//: The Models
#28//: Chazii's Birthday (Oct.21)
#29//: The S-Room
#30//: New Friend, New Antagonist
#31//: Boyfriend vs. Boy- Friend
#32//: New Neighbors
note 5 ni kuya // basahin niyo po kasi may announcemet about next chap
#33//: First Monthsary (OCTOBER 30)
#34//: Taking care of the Sick Leader
#35//: Christmas Raffle
Thanks for reading
#36//: The Hidden Enemy
#37//: Silent Queen Pt.1
#38//: Silent Queen Pt.2
#39//: Christmas Eve
#40//: The Hidden Identity
#41//: The Break Up
#42//: So Goodbye
#43//: The Photos
#44//: THE HATRED
#45//: RESOLVE
#47//: HIS REASONS
#48//: The Game Plan
#49//: Survival
#50//: Hope
#51//: Choosing between Truth and Lies
#52//: The VIP
#53//: Young Master
#54//: Most Awaited Time
#55//: Their Resolves
#55.1//: EPILOGUE

#46//: THE IDENTITY REVELATION

1.4K 18 0
By kuyakingboo

#46//: THE IDENTITY REVELATION

. . . Chazii POV . . .

"Ano bang importante mong sasabihin?" Tanong ko sa pinsan ko.

Pagkauwi ko kasi ay bigla nalang tumawag itong palitaw kong pinsan at pinapunta ako sa condo niya. Syempre may mapa para di ako maligaw. Pagdating ko sa condo niya ay parang normal naman siya. Iyong tipong walang nangyari for more than two weeks na nawala siya.

And imagined for how many weeks na hindi nagparamdam iyong bruha na ito, mabaliw-baliw na kami ni Oppa kakaisip kung nasan siya. Then out of nowhere bigla nalang tatawag na akala mo walang nangyari. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa or mainis sa pagpaparamdam niya ngayon eh.

"So? =____=" Kanina pa ako naghihintay ng sasabihin niya

Umupo naman ito sa katapat ko saka nagsimulang magsalita."Its about Jae.." Panimula nito na ang tinutukoy ay si Yujae. "He is not the one sending us those crappy threats."

"Pinagtatanggol mo pa rin siya? =_____="

"No cous... Im telling you the truth. Sa loob ng ilang linggo na paglaho ko, Im not just sitting pretty okay. I investigate. At iyon na nga tulad natin ginugulo rin si Jae ng sender na yun. And to tell you the truth, pareho kami ni Jae na ginugulo ng whoever he is sa ibang bansa. And I guess he really plan this, na mapauwi kami ni Jae dito sa Pilipinas."

Napakunot naman ang noo ko. Is she telling the truth or just making stories to cover up for Yujae?

. . . Sarah POV . . .

"I think alam ko kung sino ang nagpadala ng bomba na iyon." Bigla nalang sinabi ni Luisa kaya naman muntik na akong mabulunan sa pag-inom ko ng drinks ko.

"Teka nga ano bang pinagsasabi mo?" Nakuha kong sabihin matapos akong makarecover sa pag-ubo.

Bigla naman itong parang nag-alangan sa sasabihin nito. "Iyong kwento mo kasi ehh...iyong sa nangyaring pagsabog...i-iyon rin kasi iyong narinig kong sinabi ni Rouke nung christmas eve na nagpunta ako sa kanila."

"What do you mean kay Rouke? Hindi kita maintindihan Luisa!" Sabi ko habang inalog-alog siya sa balikat. Alam kong muntanga na kami ngayon dito.

"Narinig ko kasi na may kausap siya dun sa phone niya. I think he address Silent Queen doon sa kausap niya sa phone. Then..." Nagkamot muna ito ng batok bago itinuloy iyong sasabihin. "Then I heard na may regalo nga siyang bomba dun. Narinig ko rin na sabi niya magbabayad daw yun sa pagpatay sa kuya niya."

Pagkarinig ko sa sinabi ni Lola na Silent Queen pakiramdam ko piniga ang kaluluwa ko. Hindi lang gumagawa ng kwento si Lola. She hits the line eh! Natumpak niya ang word the Silent Queen. And everything she says are hitting the stories behind us.

"Ah. Baka praning lang ako bunso." Tumawa ito ng pilit saka ako tinap sa balikat. "Hoy nagulat ka ba? Actually nakakapraning nga iyan. Pero mas okay siguro na wag nalang natin isipin. Baka nagkataon lang iyon."

Gosh all this time kasama lang pala namin ang gustong pumatay sa amin. And parang di kaya tanggapin ng brain ko na si Rouke ang gustong pumatay samin. Omygas! Kailangan ko na itong ipaalam kay besplen.

"Lola... I think may connection lahat ng sinabi mo. Alam na ba ni Rouke na may narinig ka sa convo niya sa phone?"

"Huh aahhh di ko alam ehh." Umiling-iling pa ito. "Teka bakit parang namumutla ka. Don't tell me totoo iyong narinig ko? Gosh! Sino naman yung gusto patayin ni Rouke? Sino iyong silent queen na tinutukoy niya?"

Sorry Luisa pero mabuti nang wala kang alam. Tumayo ako saka siya hinarap. "Hahaha. Wag mo na masyadong isipin iyon. Ganito.. ammm umuwi ka na agad. Ako gagamit muna ako ng public toilet. Sumama tiyan ko eh. Mauna ka na huh... keep safe.." Sabi ko at dali-dali nang lumabas ng YC.

Paglabas ko ay nag-abang na agad ako ng cab then dinial ko number ni Cha pero walang sumasagot. Tinuloy ko lang ang pag-dial ng number ni Cha hanggang sa nakasakay na ako ng taxi.

"Manong sa Greenwoods po... pabilis lang po salamat.." Sabi ko sa taxi driver habang todo contact kay Cha ng paulit-ulit.

"Cha answer your phone please." Bulong ko sa sarili ko kasi nakaka-frustrate kaya magdial ng magdial.

Nagulat nalang ako ng biglang umalog iyong sinasakyan ko. Ano yun?! Hindi pa ako nakakarekober nang biglang umalog na naman ang sasakyan namin.

"Manong ano pong nangyayari?" Tanong ko kay Manong.

"Maam may kaaway ba kayo? May humahabol po kasi satin ngayon." Sabi ni Manong.

Umalog na naman ang sasakyan namin dahil may bumabangga pala sa likuran namin. Napatakip ako ng bibig.

"Manong hindi po kaya kayo ang hinahabol? Wala naman po kasi akong kaaway kanina." Sabi ko pa.

Hindi na nagawang sumagot ni Manong dahil sa lakas ng pagbangga sa tagiliran na ng taxi kaya naman tumilapon na ako sa kabilang side ng taxi. Nabitawan ko yung cp ko... nang makarecover ay umupo ulit ako.

Only to find out na ang tinatahak na namin ay ang barricade ng tulay. Nanlaki ang mata ko saka lumapit kay Manong kaso wala na itong malay at kumakalat na ang dugo sa likod nito. Nataranta ako ng mabasag ang salamin ng sasakyan sa likod ko.

Omo! May baril ang mga humahabol samin. Pero nilakasan ko lang ang loob ko at pumunta agad ako sa harap at kinabig yung manibela kaso wrong move dahil sa bangin ang punta ko ngayon.

"Oh my gosh! NO!!" Tili ko ng lumipad na ang sasakayan sa bangin.

. . . Diane POV . . .

FLASHBACK

Pagdating namin sa loob ng bahay nila Jae ay pinakita niya sa akin ang isang gift na same dun sa iniwan niyang regalo sa may lake side. Nilabas niya pa iyon sa dala niyang backpack saka inabot saken.

"Dalawa yung regalo?" Naguguluhan kong tanong dito.

"Hindi. Ito talaga ang regalo na iniwan dun sa may resort. Pinalitan ko lang dahil kung hindi buong clubhouse ang sasabog sa lakas ng bombang ito. Mas mahina ang bombang iniwan ko dun. And as you can see this style of wrap is exactly same as mine. Meaning ako talaga ang pinalalabas na masama ng threatener na iyon."

"You mean hindi sayo galing ang mga narerecieve namin?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Its up to you kung maniniwala ka or hindi. It doesn't matter anyway." Bored na sabi nito.

Napaismid naman ako. This arrogant jerk. Wala pa ring pagbabago. But I still feel happy na sana hindi nga siya ang threatener namin.

"Teka lang... bakit nag-iwan ka pa rin ng bomba dun? Baka may masabugan. Im worried kay Cha. Baka maabutan niya iyong pagsabog ng bomb."

"Mahina nalang iyon. Malakas lang sumabog iyon pero kung nakadistansya ka di ka ma-aapektuhan. At kailangan ko iyon gawin dahil para di maghinala ang may utak lahat ng ito na may alam na ako sa mga pinag-gagawa niya. At sa tingin ko may tao siya sa loob ng clubhouse na iyon kaya kung walang pagsabog na mangyayari siguradong magtataka sila... mabuti na itong ako ang pinaghihinalaan muna para malaya pa akong makagawa ng sarili kong action.." Ngumisi ito after niya ilahad saken ang mga nangyari.

"Oh my! Bakit ngayon mo lang ito sinabi saken?" Sabi ko na naliwanagan na.

"Actually I don't have any intention to tell you. I think its much more convenient for me to make my own move if you keep suspecting me dahil iyon naman yata talaga ang plano ng threatener. But since nakita mo na ako. It leave me no choice. And I know na baka kung anong gawin mo saken kapag ang iniisip mo pa rin na ako ang nanggugulo sa inyo so sinabi ko na ngayon."

"Psh. Ano naman gagawin ko sayo?"

"Who knows? Baka bigla mo nalang ako saksakin sa likod. Knowing your expertise."

"Sira!" Binato ko nga ito ng unan.

"Anyway I have a little favor to ask. Please do not tell this to them. Let them think for awhile what the threatener want them to think. Just until I get more info about him."

"Si pinsan----"

"Lalo na siya. Mbuti na munang ako ang pinaghihinalaan niya para isipin ng threatener na walang hadlang sa plano niya. To think na si Kim talaga ang primary target niya. So maaasahan ko ba ang tulong mo white?"

"This is very risky but I believe in you. And I want to end this as soon as possible."

"Yeah. That's what I want too. Gusto ko na matahimik ang buhay namin ni Hachan... dahil halos araw-araw ay nakakatanggap ako ng threat nung nasa abroad kami and I think sinadyang i-address iyon dito sa Pilipinas...so napilitan ako umuwi dito para mahuli ang baliw na may kagagawan nito..."

Napatakip naman ako sa bibig ko sa narinig kong sinabi ni Jae. "God. That is exactly the reason why I fly back here. May mga nagpapadala rin ng mga threat sa akin nun sa states saying na kung gusto ko iligtas ang pinsan ko better back here!" Sabi ko na napa face palm sa mga nalaman ko.

"So ang plano niya talaga ay mapagsama-sama ang VIP's huh. Great. He really knows us."

"May idea ka na ba kung sino siya?"

"Im not sure yet." Tumayo siya at may kinuhang maliit na box at inabot sa akin.

Ganito yung box na natanggap namin nila pinsan na may lamang picture namin at threat letter.

"Look at the bottom of the box..." Utos nito.

Sinunod ko naman at hayun may nakita akong maliit na bilog na nakaukit sa box at sa loob ng bilog na iyon ay may ekis.

"So anong merun dito Jae?" Pagkuway tanong ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang pino-point out niya.

"Napansin ko lang iyan nung ibinato sa akin ni Kim ang box na narecieve niya. Parehong may tatak na ganyan ang box niya at ang natanggap ko. At sa tingin ko merun rin iyong inyong ganyan." Lumapit ito saken then may inabot ulit.

Isang type ng invitation noon sa Bottom tuwing may gustong humamon sa amin. Isang nakarolyo na papel iyon at ang pansara ay iyong logo ng grupong humahamon sa amin. Natandaan ko pa na bawat grupo noon ay may sari-sariling logo.

Napakunot ang noo ko ng makita ang parehong tatak ng nasa box na hawak ko at ang tatak ng gang doon sa invitation. Teka parang familiar saken ang tatak na ito. Agad kong binuksan iyong invitation. Napasinghap pa ako ng mabasa ko ang pangalan ng gang na nandun.

"Yeahh. That's the X gang. The gang headed by death..."

"Death... pero patay na siya di ba? He shoot himself. He's dead for a long time. And matagal na rin na disbanded ang X gang. So who's using their name?"

Naalala ko ang mga nakasulat doon sa threatening letter na nakuha namin. May quote lahat iyon na Death is coming for you... Death...

"Iyan nga rin ang pinagtataka ko. The X gang is not active since then. Nagresearch na rin ako sa mga active gang ngayon pero walang X gang sa list."

"Hindi kaya pinalitan nila ang gang name nila? I mean nagsama-sama ulit ang old members ng X gang then they change their name."

"That's possible. Pero kung magkaganun nga. Malalagay pa rin sa info nila ang old name ng gang nila pero wala akong nakitang ganun sa mga research ko.."

"So if ever, someone related to the X gang might be the one threatening us?"

"Bingo! So for a while Im using all my connection to trace the old members whereabouts. And as of now, only four of them are in my care. Only two are missing."

END OF FLASHBACK

. . . Chazii POV . . .

"So that's the reason kung bakit ako naglaho muna. Tinulungan ko si Jae sa plano niya. We trace back all the old members of X gang."

"=_____=" Masyado akong nalinlang ng threatener na yun. Na-focus tuloy ako kay Yujae. Nakakainis. Pakiramdam ko tuloy napakalaki kong tanga.

"At isa pa pinsan may pinadala sa akin si Jae. Picture ng pinagsususpetsahan niya.." Inabot nito sa akin ang brown envelop na kanina pa nito hawak.

. . . Red POV . . .

Napamura ako habang inaabot ang susi ng car ko kay Minhyun. Putcha nasa kanya pa nga ang motor ko. Tapos ngayon pati car ko. Talo na naman kasi ako sa billiards.

"Is this the fruit of being broken?" Pang-aasar ko dito.

And as expected snob lang ang loko. Umupo nalang ako sa may bar counter saka ininom ang naiwan kong beer dito kanina. Maya-maya naramdaman kong nagvibrate iyong phone ko.

PANDAK CALLING

Napangisi ako ng mabasa kung sino ang caller. Himala at tumawag siya. As what expected. She's into me pa rin. After how many months of her snobbing attitude, her she is now, contacting me again.

"Zup?" Cool na cool na bati ko dito.

But I didn't hear her response. Puro kalabog lang at mabilis na tunog ng makina ang naririnig ko.

"Hello? Hey? What's up?" Nagtatakang sabi ko. Ang weird kasi ng naririnig ko. Is she making a prank call?

'Oh my gosh! NO!!'

Nailayo ko sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa biglang matinis na tili na narinig ko. Sure ako na boses iyon ni Sarah. Binalik ko sa tenga ko iyong phone at ang mga sumunod na narinig ko ay parang malalakas na kalabog... parang may aksidente?!

"Hello!! What happen??!! Hello!!!" Napalakas ang boses ko at napatayo na rin ako dahil kinutuban na ako ng masama.

"What's the problem?" Tanong ni Leader na nakakunot-noong nakatingin saken.

Hindi ko siya pinansin. Tuloy lang ako sa pagkausap ng nandun sa kabilang linya. "Sarah? Hello? What happen? Are you making a prank on me?! Hello? Its not---" Napahinto ako sa sinabi ko ng marinig ko ulit ang boses niya.

'H-help me...Cha... I know h-him now..he's R-R-Rouke...' Parang hinang-hina ang boses nito.

"Huh? What the f*ck?"

'Get her fast! And bring her to our place.' Boses ng lalaki ang sunod na narinig ko.

"Hello?!!! Sarah what's up to you?!"

Puro kaluskos nalang ang narinig ko. Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ulit iyong boses nung lalaki.

'Tsk. She still able to make a phone call huh. Lets see... crush? Hahaha.'

"Hello? Who are you? Where is Sarah? What the hell is happening there?!"

'I think I have an idea who are you. Well. Lets make it this way, you heard nothing. Be a good kid okay? And I'll assure your safety.'

"What?!"

"Hey Red! Who the hell is that?" Tanong naman ni Baekho nang lumapit ito saken.

'Oh. I have an idea. Let me include you in my little games. So are you in?'

. . . Chazii POV . . .

Pagdating ko sa bahay ay diretso agad ako sa kwarto ko. Nagbihis lang ako ng leggings at loose t-shirt na kinuha ko pa sa closet ni Oppa. Napatingin ako sa maliit na box na nakapatong sa side table ko. Inabot ko iyon at saka nilabas doon ang bracelet na pagmamay ari ni mama. Iyong bracelet na nakasabi doon sa diary niya. Tuwing hindi maganda ang pakiramdam ko, sinusuot ko ang bracelet na ito.

Tulad ngayon. Sinuot ko ito sa kamay ko. Atleast, kapag sinusuot ko ito, pakiramdam ko nasa tabi ko lang ang parents ko.

Tinignan ko ulit ang mga pictures. Kuha iyon sa loob ng sasakyan. Malamang ang kumuha ng litrato ay nasa labas ng sasakyan na iyon. Nahagip sa picture na ito ang dalawang lalaking nag-uusap sa loob ng sasakyan. Iyong isa full face ang kita at yung isa ay side view lang ang nakita sa camera. Iyong halos likod na ng ulo ang makikita.

Pinakatitigan ko iyong litrato. Ang sabi ni Diane iyong naka-side view ang mastermind ng lahat ng ito. Nalaman nila iyon sa bibig mismo nung lalaking full face sa picture. Akala kasi daw ni Yujae iyon ang mastermind kaya pinadukot niya ito.

Nasa kamay pa rin nila Yujae ang lalaking ito ngayon at hanggang ngayon ayaw pa rin magsalita kung sino ang taong kausap nito sa litrato. Naagaw ang atensyon ko ng biglang tumunong ang ringtone ng cellphone ko.

"Oh? =______=" Si Pinsan ang tumawag.

~Cous may importanteng nalaman si Yujae. Pumunta ka na ngayon dito sa resort nila Yujae.~

"Okay =____=" Sabi ko at naghanda nang umalis nang may mapansin ako sa phone ko. Puro missed calls ni Sarah at Luisa.

Binalik ko iyong atensyon ko doon sa cellphone. Bakit ang dami nilang missed calls? Then may nakita akong dalawang voice call galing kay Luisa. Hindi ko alam bakit bigla akong nakadama ng hindi maganda. Agad kong pinakinggan iyong voice call ni Luisa.

'Cha! Help Us!'

'What should I do? Mauubusan na ng dugo si Sarah!'

Napakunot-noo ako! Ang alam ko magkakasama sila nila Ange at Maja na nag-mall. Anong nagyari sa kanila?

Balak ko sana tawagan si Maja or Ange ng biglang may kumatok sa may pinto namin. Lumapit ako doon saka sinilip kung sino ang kumakatok. Nang makita ko ang mukha ni Rouke ay binuksan ko na iyong pinto. Ano naman kailangan nito?

"Lets go?" Tanong nito.

"=____=???" Huh anong lets go? May usapan ba kami nito ngayong araw? Date? Pero wala naman akong matandaan na may usapan kami. At hindi ako traydor para idate ang gusto ng kaibigan ko.

"Pupuntahan natin sina Maria. Hindi ba siya naagtext sayo? Mukhang na-aksidente sila. Nagext kasi si Maria saken. Isabay na daw kita."

"Naaksidente sila? =_____=" Nakatingin lang ako sa kanya.

"Oo. Tara na." Pagmamadali nito. "Bakit nakatitig ka lang saken?" Pagkuway tanong nito.

"Wala =____=" Sabi ko nalang. Though nakakapagtaka na hindi man lang mababakas sa mukha niya na nag-aalala siya kina Luisa.

"Tumawag na kaya muna tayo ng police?=____="

"Huwag na... I mean okay na naman sila."

"Nasaan ba sila? =_____="

"Somewhere in Laguna. Let's go. May dala akong sasakyan." Nakangiting sabi nito. Bakit imbes na nag-aalala, ang nakikita ko sa kanya ay excitement?

At pagtalikod niya saken feeling ko nag-slow motion lahat. Bakit parang pamilyar saken iyong side view niya?

. . . Luisa POV . . .

"Sarah wait---"

Tuluyan na itong nakalabas ng YC. Napaupo nalang ako ulit. May tinatago si bunso sa akin. Napaka-obvious niya magsinungaling ehh.

I think may connection lahat ng sinabi mo. Alam na ba ni Rouke na may narinig ka sa convo niya sa phone?

The way she said it... seems like may nangyayari na hindi ko alam. Nagkataon nga lang ba ang narinig kong sinabi ni Rouke sa nangyaring pagsabog sa resort nila Leader? At sino ba iyong tinutukoy ni Rouke na Silent Queen. Bakit pakiramdam ko kilala iyon ni Sarah. Kasi pagkasabi ko nun kanina sa words na Silent Queen bigla siyang namutla.

Ano bang totoong nangyayari?

Isa pa, hindi ko pa nasabi kay Sarah na that time, may kasama si Rouke. Paglabas ko kasi sa bahay nila di sinasadyang nakita ko ang dalawang anino. Alam ko na ang isa doon ay si Rouke. Iyong isa ang hindi ko alam kung sino. Base sa anino nun, naka-sumbrero siya at nakajacket.

Sigh. Ang sakit naman nito sa ulo. Uuwi na nga lang ako. Niligpit ko na iyong gamit ko ng di sinasadyang natabig ko ang phone ko at nagbaklasan iyong laman nun. Ano ba ito. Dali-dali ko nalang na dinampot iyon ng may hindi partikular na bagay akong nakita.

Ano itong maliit na bilog na nakadikit sa loob ng phone ko? Pinakatitigan ko ito. Merun ba talagang ganito ang phone ko? Ah baka merun nga di ko lang napansin. Inayos ko nalang ito saka lumabas na ng YC.

Di pa ako nakakalayo ng lakad sa YC nang may isang babae at lalaking dumikit at umakbay sa akin. Hindi agad ako naka-react dahil may naramdaman akong malamig na bagay na dinikit sa tagiliran ko.

"Sumama ka ng maayos kung ayaw mo iputok ko sayo itong baril na hawak ko.." Bulong nung lalaking nakaakbay saken.

"T-teka lang po. H-hindi po kami mayaman. Wala pong pantubos yung mama ko saken. Maawa na po kayo." Natatarantang sabi ko na halos pabulong na rin.

Pero di naman sila nakinig. Sinakay nila ako sa sasakyan nila. Abot-abot na ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Jusko! Katapusan ko na ba?

"Whaaa pakawalan niyo ako..!" Naiiyak na tili ko habang nagpumiglas sa kanila.

"Shut up! Or else Im gonna cut that tongue of yours!" Asik nung babae na nakaupo doon sa unahan.

Dahil natakot naman ako kaya nanahimik na ako. Takot ko lang nu. Buong byahe wala akong ibang inisip kundi ang paraan para matakasan ko sila. Jusko lord. Help me. Ayoko ko pa mamatay!

Makalipas yata ng mahigit isang oras ay bumaba na kami. Kung hindi siya nagkakamali ang tinahak nilang lugar ay papuntang Laguna. May mga pamilyar na lugar kasi kaming nadaanan eh.

"Sandali ano ba kailangan niyo sa akin?!!!" Tanong ko habang kinakaladkad nila ako dito sa bukid na ito. Pinasok nila ako sa parang kwadra.

"Itali niyo na at busalan ang bibig... ang ingay nakakarindi .." Reklamo ng babae saka ako nginisihan bago lumabas ng kwadra.

Kainis huh kidnapping na itong ginagawa nila ahhh. "Wala talaga kayong mapapala saken-----mmmmmm" Hindi ko natuloy ang litanya ko kasi nilagyan na ng tape ang bibig ko.

Hindi naman nagtagal ay bumalik ang babae habang naninigarilyo. Binugahan pa ako ng usok ng sigarilyo ng babaeng ito saka tumawa.

"Much better. Ang ingay mo kasi. Sarap putulin ng dila mo..." Sabi niya pa at binugahan na naman ako ng usok ng sigarilyo niya.

"Mmmmmm!" Putek ka kapag ako nagkasakit ng TV huh!! Leshe. Hindi niya ba alam na mas masama ang second hand smoke. Gusto niya ba talaga ako magkasakit sa baga?!

"Oh dear, you're here!" Malanding sabi nung babae saka sinalubong ng yakap iyong bagong dating na lalaki. Hindi ko makita ang mukha kasi hinarangan nung malanding babae ehh. Then to my surprise, they kiss!

Nilihis ko nalang ang tingin ko. Gosh my poor innocent eyes.

"Are you excited to the finale of your dream game babe?"

"Yeah.."

Nagsalubong ang kilay ko pagkarinig ko sa boses nung lalaki. Agad kong binalik ang tingin ko sa kanila. And my eyes almost drop from it socket ng makita ko iyong mukha nung lalaking palapit na saken ngayon.

"Hi Maria!" Todo ngiting bati nito saka pinantay ang sarili sa akin. "Did I surprise you? But I thought you already have an idea... about me?"

"R-Rouke... you..." Naluha ako sa hindi ko malamang dahilan. Wala rin akong masabi kaya tinikom ko nalang rin ang bibig ko.

"Anyway, should I thank you? You really played a big part on my dream. Its because of you that I get a chance to be close to Silent Queen." Tinap pa nito ang buhok ko.

Why Rouke? Why? And sino ba si Silent Queen? Bakit galit na galit ka sa kanya? I want to know. I want to know all your burden Rouke.

"Alam ko nakikinig ka sa usapan namin nun ni Silent Queen or should I say Chazii Kim Balle, one of your friend now. Anyway, I don't plan you to find out my identity that fast. But I guess it may be a right time. You know what your role in my game? To reveal my true identity to Sarah and Chazii. It just that your too slow. I give you lots of time but I didn't know why you keep it to yourself. That's why I used the other pawns. Which is your other friends. Naisip ko lang na baka kapag nagkwentuhan kayo about sa life threatening experience nila, masabi mo na sa kanila iyong narinig mo sa akin." Ngumisi ito saka umiling-iling.

"But well everything fall into its right places now. Thanks for informing Sarah about me."

"Mmmm..." Pinilit ko magsalita pero di ko magawa eh.

"Well dahil sayo marami akong nalaman kay Chazii. At dahil rin sayo ay madadala ko siya dito ng walang kahirap-hirap..."

Kaya pala lagi niyang tinatanong ang tungkol kay Cha. Kaya pala madalas na nakikita ko siya na iba tumingin kay Cha at Sarah. Hindi ko lang pinapansin iyon. I thought I was just imagining things. Ibig sabihin yung time na nakita ko siya sa registrar nun ay hinahanap niya ang record nila Cha at Sarah?

At nakakapagtaka bakit niya tinatawag na Silent Queen si Cha? Bakit galit na galit siya dito? May ugnayan na ba sila dati pa? Pero mukhang hindi naman siya kilala ni Cha eh. At anong pinagsasabi niya na dahil sa akin mapapapunta niya si Cha ng walang kahirap-hirap dito?

"Mmmmmm...." Pilit na nagpupumiglas ako.

Tinanggal naman niya yung tape sa bibig ko kaya nakapagsalita na ako.

"Ang sama mo.. anong gagawin mo? Ipapakausap mo ako kay Cha? Hindi ko gagawin iyon! Ano bang ginawa sayo ng kaibigan ko? For four years na nakasama ko siya, alam ko na mabuting tao siya!"

"Shut up!" Bulyaw nito saken kaya naman natameme ako. "You don't have any idea how worst she is! Ang kilala mo ay nakamaskarang Chazii Kim Balle! Pero kahit anong gawin niyang pagbabalatkayo, mananatili pa rin siyang makasalanan! Nakareserba na ang kaluluwa niya sa impyerno!"

Nakakatakot ang Rouke na nasa harap ko. Ngayon ko lang nakita ang side niya na ganyan. Ibang-iba siya sa Rouke na masiyahin na laging nangungulit sa akin. Bakit kailangan mag-exist ng ganitong Rouke?

"Hindi ko alam kung anong ibig mo sabihin. Hindi ko alam kung anong ginawa sayo ni Cha. Pero naniniwala ako sa nakita ko noon. Si Cha ang kaibigan ko na hindi gagawa ng masama. Kaya please huwag mo akong gamitin"

"I don't need you to speak with your friend. Ito lang phone mo ang kailangan ko. And using technology, wala ng kahirap-hirap na makokopya ang boses mo dito." Sabi pa nito.

Napakunot naman ang noo ko kas di ko nagets iyong sinabi niya. May kinabit sila sa phone ko then after nun ay nag-dial na iyong babae doon. At pinakita pa nito saken kung sino ang tinatawagan nila. Si Cha!

"Baby no response... voice call nalang?" Maarteng tanong nung girl kay Rouke.

"Sure." Nakangiting sabi dito ni Rouke.

Ayaw ko man isipin ito ngayon, pero di ko mapigilan eh. Ano ba siya ni Rouke? Sila ba? Sabagay naghalikan nga sila kanina eh. Pero ang tanda naman yata niya para kay Rouke? Nakakainis. Mas gusto ba niya ng mas matandang babae? Hindi ko tuloy mapigilan titigan iyong babae.

''Cha! Help Us!" Sabi ng babae.

''What should I do? Mauubusan na ng dugo si Sarah!" Sumunod niyang sinabi.

Teka. Hindi naman ganun katanga si Cha para di madistinguish ang boses ko ah. Pero nasagot ang tanong ko ng iparinig saken ng babae iyong sinabi niya but this time, hindi na boses niya ang maririnig doon kundi ang boses ko na. Nanlaki ang mata ko. Lalo na ng mag-sink in saken iyong huling words doon sa voice mail.

"Si Sarah...A-anong ginawa niyo sa kanya?" This time nagpipigil nalang ako umiyak ulit. Nangigigil na ako pero ano namang magagawa ko? Im so hopeless!

"She's gone. Nalaglag sa bangin ang sinasakyan niya. Akalain mo iyong nabawasan ang tatapusin ko sa mundong ito?" Pagkasabi ni Rouke niyan ay tumawa na siya na parang walang bukas. Bakit pati si Sarah gusto niya patayin? Ano bang merun noon sa kanila?

Hindi ko na napigilan umiyak. Halo-halo na rin kasi itong naramdaman ko. Lungkot, galit at paghihinayang. Paghihinayang dahil sa nalaman ko ngayon sa totoong pagkatao ni Rouke. Gusto ko na nga saksakin ang puso ko eh. Bakit lagi nalang sa maling tao nafa-fall.

Nagulat nalang ako ng maramdaman ko ang kamay ni Rouke sa mukha ko. Nasa harap ko na pala ito. At pinupunasan ang luha ko. For a second parang nakita ko ulit iyong mas kilala kong Rouke.

"Stop crying. I hate cry baby." Sabi nito ng parang matauhan sa ginawa niya. Mabilis itong lumayo saken.

"Anong gusto mo? Matuwa ako dahil wala na ang isa kong kaibigan? Matuwa ako dahil sa mga ginagawa mo ngayon?" Mahina na sabi ko.

Ilang minuto rin kaming nagtitigan hanggang siya na unang bumawi ng tingin. "Stay here. I have somehing to handle first." Sabi nito sa babae.

"Rouke wait!" tawag ko sa kanya.

Huminto naman siya sa paglalakad... pero di ako nilingon.

Huminga ako ng malalim bago ulit naglakas loob na magtanong. "Whats the reason ? Why ae you doing this? Whats the reason of your hatred?"

"Gusto mo ba talaga malaman?" Sabi niya saka ako nilingon.

Tumango naman ako. Sinenyasan muna nito ang mga kasama nito na lumabas muna. Sumunod naman ang mga ito. Iyong babae nag-aalangan pa nung una pero sumunod rin naman agad.

"Bakit bigla ka naging intresado?" Tanong nito habang naka-squat sa harap ko.

"Dahil... dahil hindi ko maintindihan kung bakit punong-puno ng galit iyang puso mo. Gusto kita maintindihan. So please... tell me. Why?"

----------------------------------------------------------------------------------------- Chapter 46 ends.

Continue Reading

You'll Also Like

147K 6K 58
sa apat na mundong kanilang mapupuntahan ang mundong may nag hihintay na mission .. magagawa kaya nilang malagpasan lahat. kong may pagsubok na susub...
172K 4.3K 23
Halu everyone! I'm msMath17??. NO PART OF THIS STORY IS TRUE... READ AT YOUR OWN RISK. PLAGIARISM IS A CRIME? COMPLETED Date Started: August 2, 2017 ...
588K 16.7K 70
Isang sikat na mamamatay tao na naipadala sa Pilipinas para sa isang misyon. Napunta sa isang kakaibang school. Ano kaya ang mangyayari sa kanya? Sh...
207K 5.1K 47
tungkol ang kwento nito sa mga Vampires , Magicians , Wizards , Werewolves etc. na makikisalamuha sa buhay ng ating bida na si Wendy.Tara at makigulo...