When she entered Adonis Acade...

By chabilicious06

632K 20.4K 4.2K

What will happen if a SHE entered in an all boys school? More

When she entered Adonis Academy (adonis academy sequel)
Chapter 1: Bad
Chapter 2: ang cute mo pare
Chapter 3: dibdib
Chapter 4: Sasapakin na kita!
Chapter 5: Pokpoks
Chapter 6: Lovers in Paris
Chapter 7: first crush
Chapter 8: peace be with you
Chapter 9: BLOCK
Chapter 10: Seduce
Chapter 11: pogi-er
Chapter 12: Chocolates
Chapter 13: Shit Pare!
Chapter 14: sales lady
Chapter 15: Acquaintance Party
Chapter 16: Acquaintance Party (continuation)
Chapter 17: Gory
Chapter 18: txt txt
Chapter 19: :(
Chapter 20: masamang intensyon
Chapter 21: I want you
Chapter 22: School fest (part 1)
Chapter 23: School Fest (part 2)
Chapter 24: Tutol
Chapter 25: Kiss me
Chapter 26: Soon
Chapter 27: the notebook
Chapter 28: selfish
Chapter 29: Identification Card
Chapter 30: revealed
Chapter 31: Nomu Saranghe
Chapter 32: m-magmamakaawa sayo
Chapter 33: movie marathon
Chapter 34: End of the month
Chapter 35: Cupid strikes
Chapter 36: Dengue. Bar. Drugs
Chapter 37: General Cleaning
Chapter 38: Virgin
Chapter 39: holy shhh...t
Chapter 40: Bitch
Chapter 41: explanations
Chapter 42: Trauma
Chapter 43: Missing
Chapter 44: Call
Chapter 45: I love you...
Chapter 46: Clingy
Chapter 47: partnership
Chapter 48: Let's See
Chapter 50: Last words
Epilogue

Chapter 49: Lunch out

8.2K 321 115
By chabilicious06

Chapter 49: Lunch out
CHEVY'S P.O.V

I love the feeling of her body beside me. Pakiramdam ko, akin lang sya. Yung wala nang makakaaga tryw pa.

Ang higpit ng yakap ko sa bewang nya. Halos makalimutan ko na nga na nasa kwarto nya ko at nasa kabilang kwarto lang ang dad at kuya nya.

Napangiti ako bago ko binaon ang mukha ko sa leeg nya.

No, were not naked. Pinangako ko sa kanyang hindi ko sya gagalawin hanggang sa tuluyan na syang maging sakin. I promised to her that next time we'll do it, It'll be the night of our wedding.

Last night will be one of the unforgettable moment of my life dahil kagabi lang, hindi man directly ay alam kong binasbasan na ko ni Daddy para sa anak nya. Haha.

Ang sarap nya tawaging daddy.
shhhhh lang kayo ha. Baka masabi nyo kay daddy, mabatukan pa ko. Sabihing ang advance ko masyado.

Nadama ko ang pagkilos nya kaya mas napangiti ako. Tinitigan ko ang nakapikit nyang mga mata.

Yung puso ko, nag tata-tumbling nanaman sa saya.

I move closer para halikan sya sa pisngi nung marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya agad akong napapikit.

"Wag ka nang magtulog tulugan. Bangon na, tulungan mo kami sa baba"

Una kong dinilat ang isa kong mata para lang makita si Daddy na naka pamewang sa tapat ng kama ni Louisa.
Nagtaas sya ng kilay kaya nataranta ako at napabangon kaagad.

"O-okay po" nagpapahid ng mukha akong tumakbo palapit sa kanya bago sya nangunang lumabas ng kwarto.

Pigil pigil ko ang ngiti ko sa saya. Iniisip ko lang noon kung paano kaya pag naging legal na ang relasyon namin sa pamilya namin, iniisip ko kung pano ako tatratuhin ng future father at brother-in-law ko tapos ngayon....... Para akong nagpapaslide sa rainbow. Ang saya pala sa pakiramdam. Ang gaan sa loob lalo na nung pinagkatiwalaan nila kong matulog sa kwarto ni Louise.

"Bakit nasa kama ka? diba sabi mo sa sahig ka matutulog?" napalunok ako sa tanong ni Daddy.

"a-ahh sa sahig nga po ako sir natulog. K-kanina lang po akong ano... m-madaling araw tumabi sa kanya. Sorry po"

Nakagat ko ng labi ko.

Oh my!! nakakahiya!! Nakalimutan kong nangako nga pala akong sa sahig ako tutulog.
Patay. Minus points na ba yun?

"Siguraduhin mo lang na di mo chinansingan ang anak ko. Patay ka sakin"

Napalunok ako. Kahit nakatalikod sya sakin, alam kong serious much si Daddy.

"H-hindi po!!" agad kong tanggi.
Chansing bang maituturing yung pagyakap ko at paghalik sa kanya habang tulog? h-hindi naman noh?

"Good morning po" bati samin nung katulong na nakasalubong namin.

"Good morning!" masayang sagot ko kahit na ni-snob lang sya ni daddy.

Nilingon pa ko ni Daddy ng nakataas ang kilay na animo'y malaking kasalanan yung pag good morning ko sa katulong.
Hala baka iniisip nyang chickboy ako at chinichix ko yung kasambahay nila!!!!

"Ganyan ka ba talaga? Sobrang energetic?"
napaawang nalang ang bibig ko at napakamot sa batok.

"mejo po sir" nahihiyang sagot ko.

"call me tito." aniya na nagpalaki ng mga mata ko.

"huh?" mejo di ako makapaniwala kaya napa huh ako. hahaha. Grabe! the feels!

"call me tito instead of sir. You're being too formal" aniya bago ako tuluyang tinalikuran at pumasok sa kusina.

Natigilan naman ako at napaiyak sa saya.
De joke lang.
Pero seryoso! sobrang saya ko.
One step closer bago ko sya tuluyang matawag na daddy. nyahahaha.

Sa ngayon, sa isip ko lang muna sya tatawaging dad!

"Oh. ginising ka pala ni dad" bungad sakin ni kuya Luis na kasalukuyang nagpapatas ng mga ingredients sa kitchen nook. Mukhang magluluto sila ni daddy ah!

"Ah. oo eh. pero okay lang. haha. Magluluto kayo?" tanong ko habang ineexamin ang mga ingredients.

"Yes. And you will help us" sagot ni dad habang nagsasalin ng tubig mula sa pitsel.

Napalunok ako.
Hindi dahil sa nauuhaw ako sa malamig na tubig na iniinom nya kundi dahil sa kaba.

Marunong akong magluto! subok na ko sa kusina pero iba parin kapag magpapa-impress ka. Baka sa sobrang kaba ko, mapagkamalan kong asukal ang iodized salt.

Katarungan para sa Pork steak na niluto ni author! hahaha.

"Sige po tito" lumapit ako sa kanila at nakiusyoso sa ginagawa.

"Do you know my daughter's favorite food?" tanong sakin bigla.

Kinakabahan akong sumagot dahil baka pag nagkamali ako ay itarak sakin ni dad yung kutsilyong pinanggagayat nya sa mga gulay. Ayoko namang mamatay agad. Ayaw nyo rin naman sigurong mabawasan ang poging nagpapakilig sa mga bebegurls dyan diba?

"kare kare po." naalala ko nung pinagluto ko sya sa dorm. Tuwang tuwa sya. Ang galing ko daw magluto. Napadami pa ang kain nya. Nagtae pa nga sya pagkatapos ubusin ang kalahating kilong bigas na sinaing ko. So i therefore conclude na favorite nya ang kare kare.

"is it a fact or a bluff?" tanong ni dad kay kuya Luis at nag "fact na fact" naman si Kuya with actions pa.

Luh? may sapi lang?
haha.
pero deh. Kahit weird sila, tanggap ko sila. Weird din naman ako. At minahal ako ni Babe ko kahit weird ako.

Nagkasunod sunod pa ang tanong nila sakin. Ultimo brand ng feminine wash ni louise, tinanong na sakin. Pero syempre, nagjojoke lang si dad nung mga time na yun.

to tell you what? Sobrang waley ni dad magjoke. Matatawa ka nalang sa awa dahil walang tumatawa sa kanya.

He's like my dad. Minsan Seryoso, madalas luko-luko.
Mabait din ang mom ko. Sobrang palangiti. Laging kalmado! Yung feeling na nasusunog na ang bahay pero pabebe parin syang humingi ng tulong! Di ko tuloy maisip kung san nakuha ni ate Venice yung ganun nyang ugali.

I love my sister at noon, sya talaga ang kinakampihan ko kasi sya ang kadugo ko pero simula nung malaman ko ang buong kwento at malamang niloko nya lang ako, nasaktan talaga ako.
Naiinis ako sa inasta nya lalong lalo na sa harap ng pamilya ng babaeng mahal ko.

Pero thankful din ako kasi kung di nangyari ang mga nangyari kagabi edi di nangyari yung nangyari sa amin ng pamilya ni louise kagabi. Hahahaha. Ano ulit sinabi ko?

"Good morning"
Wala pang isang segundo nung marinig ko ang tinig ng babaeng mahal ko, napa-angat kaagad ang ulo ko.

Yung ulo sa taas po! wag nyo tignan yung nasa baba. haha. Pero nagtwitch sya.

So ayun nga, Nakangiting lumapit si Louise sa dad nya at humalik. Sumunod sa kuya nya at humalik din sa pisngi.
Ngumuso na ko nung makitang papalapit sya sakin pero tengene.... Ang sakit madedma.

"Wow. nagluluto ka?" tanong nya na animo'y manghang mangha sa caserolang pinaglulutuan ko.

Napanguso ako at tinignan lang sya ng hindi sumasagot kaya napatingin na din sya sakin.

Ngumuso ako pero pinandilatan nya lang ako ng mga mata.
Nagtataka naman akong ngumuso ulit kasi baka di nya nagegets ang sinasabi ko pero bigla nya kong kinurot sa deep V-line ko. Aruy!

"Gusto mong mataga sa nguso? Ipapaalala ko lang ha, kasama natin ang dad at kuya ko kaya umayos ka" bulong nya na ikinabagsak ng mga balikat ko.

Hindi pala ako totally magiging masaya ngayon. Walang kiss eh.

Nakita kong umupo si Dad sa breakfast nook at kinagat ang apple na naka display. Akala ko talaga, plastic yun kaya di ko ginagalaw. haha. pero shet! plastic nga!! taena! Ayun, painosenteng ibinaba ni dad yung apple na akala mo'y walang nakakita sa kashungahan nya.

"ehem" umubo pa sya kaya pigil pigil ko ang tawa kong nag iwas sa kanya ng tingin.

"So....., You two will be absent for today" nakita kong tumingin si Louise sa dad nya at sumunod naman ako.

"bakit dad? Hindi kami aattend kahit half day?"

May kabang bumalot sa dibdib ko nung sinabi ni daddy na aabsent kami ngayon. Mukhang may balak syang makabonding kami maghapon and it only means, No sweet kiss for the whole day!
Mahirap sya! naiiyak na po ako mga fans :'(

"Were going out for lunch" Ani dad.

"saan po dad?" tanong pa ni Louise habang ako ay tahimik na nakikinig kasabay ng paghahalo ng niluluto. Si kuya Luis naman ay nakaupo na rin sa tabi ng dad nya at umiinom ng chuckie.

Napangiwi ako.
Wala naman syang chuckie na hawak kanina ah! Aba magic?!

"We'll talk to the Saavedra's. Tignan ko kung pwede pang idaan sa mabuting usapan ang gusot ng kahapon"

Shit. Lalim!
pero teka..... shit.
Sino nga ulit kakausapin?
Ang mga Saavedra?
Kami? Ang pamilya ko?

Nasagot lahat ng tanong sa isip ko nung magsalita ulit si Dad.
"I made a call yesterday night to tell your parents you're here."

Nilingon ko ang medyo seryoso nang mukha ni dad.

"Well, For the sake of my daughters happiness, I think, I can still make it up to your family. I'll try."

Unti unting sumilay ang ngiti ko. Hindi nyo alam kung gaano kasarap sa pakiramdam marinig ang mga sinabing iyon ng dad ni Louise!
Hindi nya man directly sinabi, pakiramdam ko, ako yung tinutukoy nyang happiness ng anak nya. At sobrang saya ko kasi feel na feel ko yung magiging eksena mamaya.
Parang mamamanhikan lang sa kasal. haha.
Next time, Kasalan na ang pag uusapan ng aming mga pamilya.

"salamat dad!" Nakita ko ang saya sa mukha ng girlfriend ko at ngiti pa lang nya, solb na solb na ko.

Tinapos ko na ang pagluluto at ako na din ang naghain kahit na may mga katulong.
Pinapahirapan ako ni dad eh pero di ako nagdadamdam. Masyado akong masaya para problemahin ang mga inuutos sakin ni Dad.

"Oh maupo na kayo" aya ni dad at naupo na nga kami. Ako sa tabi ni Louise at katapat naman nya si Kuya nya.

"How's Tita Laura and your babies?" tanong ni Louise kaya napatingin ako sa kanya. Naalala ko yung kinwento nya noon. May bagong pamilya na nga pala ang dad nya at kasama nya ito sa Australia kaya ayaw nya noon sumama papuntang ibang bansa dahil naiinis sya sa bagong pamilya ng dad nya.

"They're fine. The Kids are healthy and handsome like me" pagjojoke ulit ni dad kaya tumawa na agad ako para di nya maisip na binabalewala ko ang joke nya. Yun nga lang, ako lang ang tumawa kaya tinigil ko rin agad.

"I've seen their photos nga po dad. They're so cute. Excited na kong makita sila" nakita kong bahagyang natigilan si future daddy ko bago unti unting napangiti. Para pa nga syang maiiyak sa saya. Ewan ko lang kung tunay tong nakikita kong emosyon sa mukha nya or gawa gawa lang ng imaginative brain ko.

Hinawakan ni daddy ang kamay ni Louise.

"I'm so happy. I'm sure Laura we'll be happier if she ever heared what you've said" anito. "Don't worry. Dadalhin ko ang kambal dito para makita mo naman sila"

Nagdadrama sila habang si Kuya Luis naman ay tahimik na kinakain yung niluto ko. Basag trip sya noh? Di manlang maki simpatya sa mag ama. Konting kembot nalang kasi, maiiyak na si Daddy. Ang OA lang. Haha. De joke lang.

Tumingin sakin si Daddy at ngumiti. Medyo nagulat ako kasi bigla syang ngumiti sakin. Ang FC lang ng dating pero may kung ano sa mata nya ang nagpasaya sakin. Parang nadadala ako sa kasiyahan nilang mag ama. haha. Drama pa more!

Nung matapos na ang breakfast, nag bonding muna sila sa garden. Nag uusap si Babe at ang dad nya ng masinsinan.

Nakatayo lang naman ako sa malaking bintana at pinapanuod sila.

Ngumiti ang girlfriend ko. Parang may malambot na humaplos sa puso ko nung makita ang masaya nyang mukha. Hindi mo talaga gugustuhing mawala ang ganung klaseng ngiti sa labi ng taong mahal mo. Yung pakiramdam na gusto mong gawin lahat para hindi mabura yung kasiyahan sa mukha nya! Ganung ganun ang nadarama ko ngayon.

"Patay na patay ka talaga sa kapatid ko noh?" nagulat ako nung biglang sumulpot sa tabi ko si Kuya Luis at gaya gayang tumayo sa tapat nung malaking bintana.

Mataman nyang pinagmasdan ang dad at ang kapatid nya.

"Alam mo bang hindi katiwa-tiwala yang mukha mo?" napasinghap ako at gulat na napahawak sa dibdib ko nung makadama ito ng kirot.

Ang harsh nya sa part na yun!

Tumawa ito at nakangising lumingon sakin.
"You seem like a happy-go-lucky guy na di marunong magseryoso sa isang bagay. Unang kita ko palang sa ngisi mo, naisip ko nang 'Patay, mukhang mongoloid ang natipuhan ng kapatid ko ah'"

Napalunok ako sa nadinig ko.
Ganito ba sya kaprangka? Aray lang!

"Gwapo ka naman pero kasi nakakaluko yang ngiti mo. Ang laki laki. Parang palagi kang masaya. Minsan tuloy, naisip kong baka may nakikita kang di namin nakikita"

San ba nya nahuhugot ang mga sinasabi nya sakin? Nasasaktan na ko. huhuhu. Pero dahil kapatid sya ng babaeng mahal ko, sige na, magpapaka-masokista muna ko ngayon.

"Naisip kong baka hindi mo seryosohin ang kapatid ko. Kahit na nakita ko kung gano nyo kamahal ang isa't isa, parang di parin sapat para sakin ang ipagkatiwala ang kapatid ko sa lalaking tulad mo. Alam mo na naman siguro yung tungkol sa ex nya no?" tanong nito at agad akong tumango. Di ako makapagsalita. Natatakot ako sa mga lumalabas sa bibig ng taong to. Masakit eh. haha.

"Nung mabalitaan ko ang nangyari sa kapatid ko sa party ng ate mo, nabwisit talaga ako sayo. Hindi ko maisip na mangyayari yun sa kapatid ko at mismong kapatid mo pa ang gagawa nun sa kanya. Sabi ko sa isip ko 'tanginang lalaking to, bakit nya dinala sa ganung lugar ang kapatid ko?'. Badtrip na badtrip ako sayo nun! Akala ko, katulad ka ni Cedric na sasaktan lang sya. Na ipapahiya sya sa harap ng maraming tao. Ayoko nang maranasan nya yung nangyari sa kanya noon dahil sa kagaguhan ng ex nya kaya ayoko sayo dahil hindi pa man kita lubos na kilala, na beastmode mo na agad ako!"

Naiintindihan ko naman sya kaya tumango lang ako. Alam kong mahal nya ang kapatid nya kaya ganito sya kung protektahan si Louisa.

"Pero you know what? Napahanga mo ko sa katapangan mo."

Natigilan ako at naiiyak na binalingan sya. Nakatingin lang sya ngayon kay Louisa habang may kaunting ngiti sa labi.

"You prove me wrong. Pinatunayan mong deserving ka sa tiwala ko. Deserving ka sa pagmanahal ng kapatid ko. You're a strong man para maglakas loob na harapin ang daddy namin"

Bigla nya kong hinarap at tinapik sa balikat.

"pinagkakatiwala ko na sayo ang kapatid ko kaya kingina mo pag pinaiyak mo sya! Ako mismo babasag sa mga ngipin mo para di ka na makangiti!"

Napangiti ako sa sinabi nya at agad ding napatakip ng bibig. Baka matukso syang suntukin ako, masira pa ang killer smile ko.

"Salamat bro!" Niyakap ko sya pero diring diri nya kong iniwasan.

"Fist bump nalang dude"
at yun nga. Nag fist bump nalang kami.

Nung mag tatanghali na, pinag handa na kami para sa Lunch out with the Saavedra's. Orayt!!!

Pinahiram ako ni Kuya Luis ng damit at brip na rin. Bago daw pero bacon na naman. haha. Biro lang.

Nung mag 12 na, umalis na kami. Ang bad pa nga ni Daddy. Sabi ba naman, "sana matraffic tayo para magutom sila kaiintay"

Ako ang naaawa para sa pamilya ko kahit na joke lang yung sinabi ni Daddy. Pero okay lang kung si Ate Venice ang magugutom. hahaha.

"Ang lamig ng kamay mo" bulong ko kay Louise habang magkahawak kamay kaming nakaupo sa backseat. Si Kuya Luis ang nagdadrive habang si Daddy ang nasa front seat.

"Kinakabahan ako" kinagat nya ang labi nya kaya napatingin ako sa bibig nya.

Muntik na kong matuksong i-kiss sya. Buti nakapag pigil ako.

"don't worry. Akong bahala sayo. Hindi ka masasaktan ni ate hangga't nandito ako" ngumiti ako pero tila ba hindi nabawasan ang takot sa mukha nya.

"Hindi naman si Venice ang iniisip ko. Nahihiya ako sa parents mo V. Ako ang dahilan kaya nagkanda letse letse yung party. Baka galit na sila sakin" ngumuso sya at pinilit ko namang iiwas ang paningin ko sa nakapout nyang labi.

Pinisil ko ang palad nya at nginitian ulit sya. "Mabait sila. Hindi nila kami inii-spoil kaya sigurado akong hindi nila kakampihan si ate dahil alam nilang siya ang mali. Hindi sila magagalit sayo. Trust me"

True to my words, hindi nga galit sila mommy kay Louise.
Nakita ko pa ang gulat sa mukha ni Louise nung bigla syang yakapin ni Mommy nung makarating kami sa restau.

Bebeso lang sana si Louise pero bigla syang niyakap ni mommy at pabulong na humingi ng tawad. Rinig ko dahil nasa tabi lang nila ako.

Napangiti ako sa saya at napairap nung makita si Ate na nakahalukipkip lang sa likod nila mom. Walang pumapansin sa kanya. Ayoko din syang pansinin kasi galit ako sa kanya.
Kasalanan nya kaya nasaktan si Louise kagabi nung kiniss ko sya sa tenga.

Hindi nya dapat sinaktan ang girlfriend ko!
Yes, aware akong may insecurity si Ate sa mga ex ni Cedric lalong lalo na kay Louise pero ni sa hinagap, hindi ko naisip na magagawa nyang manakit.

"Have a seat" sabi ni Daddy...yung biological dad ko :D

Naupo naman kami. Katabi ko si Louise sa kaliwa at si Nicole naman sa kanan. Bale, Paikot ang lamesa.

"I'm really sorry about what happened last night Mr. Pilares." Pauna ni dad kaya lahat kami ay nakatingin sa kanya maliban kay ate Venice na nakayuko lang. "Nakausap ko na ang anak ko. She admitted that it was her fault and she's sorry for what she have done"

Lumunok si ate at mahinang nag sorry. Ramdam kong sinsero sya at may bahid ng pagsisisi at kahihiyan sa boses nya.

"Pasensya na rin kayo dito sa binata ko. Nanggulo pa ata sa inyo kagabi"

Namilog ang mga mata ko nung madinig ang sinabi ni mommy.

"H-hindi naman ako nanggulo my!" depensa ko. Nakamot ko ang batok ko nung madinig ko ang tawa ni Louisa sa tabi ko. Enjoy na enjoy naman syang makitang napapahiya ako! hmmph.

"Nanggulo po sya tita. bigla bigla pong sumusugod sa bahay ng dis oras ng gabi tapos amoy kanal pa! hahaha" Namilog ang mga mata ko.
Hindi nya sinabi sakin kagabi na amoy kanal ako! Grabe! Bukingan ba ito?

Tumawa sila mommy at medyo natuwa ako nung makitang tumatawa din ng mahina ang dad ni Louisa.

Ang sarap pagmasdang masaya ang pamilya ko at ang pamilya ng babaeng mahal ko.

Edi lubus lubosin na natin ang kasiyahan.

"Mom, dad, Tito.... may aaminin po ako"

Natahimik silang lahat at ganun din si Louise sa tabi ko. Nangunot ang noo ni Louise pero nginitian ko lang sya.
hinawakan ko ang palad nya bago muling bumaling sa pamilya namin.

"buntis po sya at ako ang ama"

Natahimik ang lahat at nanlalaki ang mga matang nagpalipat lipat saamin ni babe ang paningin.
grabe!. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako pero gusto kong matawa dahil gulat na gulat sila. Paniwalang paniwala.

"Nyahahaha. Joke joke jo----- ARAY!"

Pinukpok ako ni Kuya Luis ng french bread sa ulo at binigyan ng 'PAPATAYIN KITA MAMAYA, HUMANDA KA' look.

Pero mas malala yung kurot na natanggap ko mula kay Babe.

"Peste ka talagang Lalaki ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

battered boyfriend here! :'(

Continue Reading

You'll Also Like

194K 4.9K 24
Pag nerd ba pangit na agad? Pag nerd ba may pimples na agad? Pag nerd ba losyang? pag nerd ba wala ng confidence? Pag nerd ba AKO na agad? Agad-agad...
7.8K 286 13
Colección de Tragedia 1 (El último Adán y Eva) A story of an Environmentalist and a sick girl.
9.1M 307K 89
My name is Zapira Herst Kurshwel, isang gangster na walang ginawa kundi ang makipaglaban, natanggal sa grupo at nauwi sa pagiging agent, na kung saan...
389K 411 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞