When she entered Adonis Acade...

By chabilicious06

630K 20.4K 4.2K

What will happen if a SHE entered in an all boys school? More

When she entered Adonis Academy (adonis academy sequel)
Chapter 1: Bad
Chapter 2: ang cute mo pare
Chapter 3: dibdib
Chapter 4: Sasapakin na kita!
Chapter 5: Pokpoks
Chapter 6: Lovers in Paris
Chapter 7: first crush
Chapter 8: peace be with you
Chapter 9: BLOCK
Chapter 10: Seduce
Chapter 11: pogi-er
Chapter 12: Chocolates
Chapter 13: Shit Pare!
Chapter 14: sales lady
Chapter 15: Acquaintance Party
Chapter 16: Acquaintance Party (continuation)
Chapter 17: Gory
Chapter 18: txt txt
Chapter 19: :(
Chapter 20: masamang intensyon
Chapter 21: I want you
Chapter 22: School fest (part 1)
Chapter 23: School Fest (part 2)
Chapter 24: Tutol
Chapter 25: Kiss me
Chapter 26: Soon
Chapter 27: the notebook
Chapter 28: selfish
Chapter 29: Identification Card
Chapter 30: revealed
Chapter 31: Nomu Saranghe
Chapter 32: m-magmamakaawa sayo
Chapter 33: movie marathon
Chapter 34: End of the month
Chapter 35: Cupid strikes
Chapter 36: Dengue. Bar. Drugs
Chapter 37: General Cleaning
Chapter 38: Virgin
Chapter 39: holy shhh...t
Chapter 40: Bitch
Chapter 41: explanations
Chapter 42: Trauma
Chapter 43: Missing
Chapter 44: Call
Chapter 45: I love you...
Chapter 46: Clingy
Chapter 47: partnership
Chapter 49: Lunch out
Chapter 50: Last words
Epilogue

Chapter 48: Let's See

7.3K 288 51
By chabilicious06

Chapter 48: Let's See

Kahit na anong paliwanag pa ang sabihin ni Venice, sarado na ang isip ni daddy.

Galit na galit si Dad habang umiiyak sa harapan namin si Venice.

"I didn't do such thing okay? Mom! Dad! believe me" pinunasan nya ang mga luha nya kaya tuloy kumalat ang make up nya.

Naiinis ako sa kanya pero naaawa ako kay Mr. and Mrs. Saavedra. Pati tuloy sila, nadamay nang dahil kay Venice.

"Really?" nagtaas ng kilay si Dad.

Galit sya at alam kong anumang oras ay masisigawan nya na ang pamilya ni V. Mabuti nalang at kanina pa tinapos ang party.

Yeah, Hindi natuloy ang partnership at pinaalis na ang mga bisita.

Now, It's me, kuya, dad, the Saavedra family and some of the crew who saw what happened earlier was left here at the venue.

"But that's not what they saw" mariing sabi ni dad habang nakaturo sa mga nakayukong crew.

Lumapit ako kay dad at humawak sa braso nya para aluin sya.

"Mr. Pilares, I'm really sorry for what My daughter did. I promise, I'll do something about it" mahinahong wika ng dad ni V. Nakatingin sya kay dad bago ako malungkot na nilingon. Tila ba nanghihingi sakin ng tulong.

"Dad, tama na. Don't worry. Okay na naman ako" bulong ko.

Tinignan ako ni Dad.

Bumaba ang tingin nya sa tenga ko na kasalukuyan nang may gaza. Sumunod sa marumi kong damit. Nakita ko ang pag igting ng panga ni Dad bago sya umiling.

"no" nakatingin saking aniya bago binalingan ang mga Saavedra.

Umiiyak parin si Venice habang pinapatahan sya ng mommy nya. Tumingin na din sakin si Tita at nagsorry ng walang boses na lumalabas. May lungkot sa mga mata nya kaya tuloy nagi-guilty ako.
Ako ang nalulungkot para sa kanila dahil sa ginawa ng anak nila.

"If I knew na babastusin nyo ng ganito ang sariling anak ko, sana, hindi ko nalang sinipot ang party na to. I'm sorry Mr. Saavedra but I'm very dissapointed" seryosong sabi ni Dad na nagpa-awang ng bibig ng dad ni V. Nanlaki ng bahagya ang mga mata nito at di alam kung anong sasabihin.

"Let's go" dagdag ni dad tsaka ako hinila.

Naalarma sila at ganun din ako. Ayokong umalis ng hindi naaayos ang gulo.

"Mr. Pilares, where are you going?" Tumigil si dad at hinarap sila.

"Were leaving" ani dad. Pero bago nya ko muling hilahin, nagsalita ulit sya. "And I'm pulling off the deal"

nanlaki ang mga mata ko at di makapaniwala sa sinabi ni dad.

No. Hindi nya yun pwedeng gawin!

"No. Please don't say that" Nagsusumamo at halatang stressed na ang daddy ni V. "The deal has nothing to do with these. This is some sort of misunderstanding." anito.

Nakagat ko ang labi ko.

"Dad" tinignan ko sya pero ayon sa expression ng mukha nya, buo na ang naging desisyon nya.

"My daughter has been humiliated infront of those crowd and you're expecting me to not make any action?!" tumaas na ang boses ni dad dahilan para matameme ako. Ni ako ay di nya pinapakinggan.

"No. It's not that----"

Pinutol muli si Mr. Saavedra ni dad. "If somebody did the same thing to you're daughter, what will you do? huh?"

Tinignan ko ang patuloy na lumuluhang si Venice. Halatang takot na takot sya.

"This is my daughter we are talking about Mister! This is all about her!" seryoso at mapanghamong sabi ni dad tsaka sya umiling. "Sorry but I will never choose business over my family. I'm pulling off the deal Mr. Saavedra. End of conversation.. Let's go" sabi ni dad tsaka nya ko tuluyang nahila palabas ng Venue.

Hindi ako nakapagsalita.
Nalungkot ako para sa nangyari pero kahit papaano ay nakadama ako ng saya sa puso ko.

Natuwa ako sa mga sinabi ni dad. He said he will never choose business over us, His family.
That was the sweetest thing I ever heard He said.

Pinagbuksan kami ng sasakyan ng driver at pumasok na kaming tatlo. Kami ni Kuya sa likod habang nasa front seat si dad.

"Are you okay now? Does it still hurt?" pabulong na tanong saakin ni kuya.
Tinignan ko lang sya saglit at tumango.

Tahimik lamang kami buong byahe kahit na gustong gusto ko nang makausap si Dad.

Gusto ko syang pilitin na ituloy yung partnership. Nagiguilty kasi talaga ako.

Kung hindi kaya ako umattend sa party na yun, matutuloy kaya yung deal?
Oo, pihadong tuloy yun!
Wala ako, walang dahilan para magalit si Venice.

This is my fault! I should have not come! or I should've stayed beside my Dad the whole party para hindi yun nangyari.

"Mag uusap tayo sa bahay" malamig na sabi ni dad nang hindi kami nililingon.

Tikom ang aking bibig na tumango kahit na di naman nya nakikita.

Nung makarating kami sa bahay, dumiretso kami sa living area. Naupo si dad habang hawak hawak ang sentido.

"Dad I'm sorry" nakatayo lang ako habang pinagkikiskis ang mga palad. Natatakot ako. Natatakot ako na baka masigawan ako ni Dad. After all, nakakahinayang din naman yung deal at posibleng sisihin ako ni dad.

"No. I'm sorry princess" sabi nya. Tumayo sya at humarap sakin. Si kuya naman ay nasa likod ko lang at tahimik muling nakikinig.

"Dapat talaga hindi ko na tinuloy." may pagsisisi at lungkot sa mukha ni dad. "Nasaktan ka pa tuloy" dagdag nito.

Ngumuso ako. "Okay lang dad. Di naman ako mamamatay sa kaunting sugat na yan." pagbibiro ko pero nanatili syang seryoso.

"Dad, ituloy mo na yung partnership mo with them. Kahit wala nang party na maganap. Kahit na kayo kayo lang para wala nang gulo" sabi ko pero hindi sya sumagot. Napansin kong nagdilim ang expresyon ng mukha ni dad.

"No." salubong nag kilay ni dad. "My decision's final. I don't want any attachment with them" dagdag niya.

Bahagyang umawang ang mga labi ko sa narinig.

Tumingin saakin si Dad ng seryoso. "I don't want you attached to any of the Saavedra's Louise. Even your boyfriend"

Tuluyan na kong napanganga sa sinabing iyon ni dad.

"W-what? Dad!" Daing ko.
Hindi ako makakapayag na gawin nya to sakin! Hindi ako makakapayag na putulin nya ang ugnayan namin ni V!

"Dad wag mo naman yang gawin kay Louise" pakikisabat ni kuya sa likod ko pero ni tingin ay di sya pinukulan ni Dad.

"Layuan mo sya Louisa" desididong sabi ni dad kaya tuluyan na kong nanlumo. Nadama ko nag panunubig ng palibot ng mga mata ko.

Naiinis ako! Naiinis ako kay Dad kasi hindi na sya makatarungan! He's not listening to me! Pero mas naiinis ako sa sarili ko kasi ako ang dahilan ng lahat ng ito!

"Please wag, dad. I love him" mahina sabi ko. May maliit na butil ng luha na ang tumulo sa pisngi ko na hindi nakalampas sa mga mata ni Dad. Nakita ko kung paano lumambot ang expression nya.

"But I'm doing this for you. Iniisip ko lang ang kapakanan mo" sagot niya.

Umiling ako at pinahid yung luha ko. "Iniisip mo ang kapakanan ko Dad? Sana isipin mo din ang ikaliligaya ko. Mahal ko sya dad. Mahal na mahal. Hindi ko alam kung.... kung anong mangyayari sakin pag iniwan nya ko. Please pakinggan mo ko dad. Please hayaan mo kong makasama sya"

Pansamantalang natahimik si Dad at ganun din si Kuya.
Patuloy naman sa pagtulo ang mga luha ko.

Iniisip ko palang na mawawala saakin si V, nagsisikip na ang dibdib ko.

Masyado nang maraming napatunayan sakin si V. Marami na syang nagawa at naisakrepisyo para saakin. Walang wala itong ginagawa ko para mapantayan lahat ng nagawa nya kaya hindi ako susuko. Ipaglalaban ko sya sa dad ko.

"Hanggang saan yang pagmamahal mo sa kanya?" tanong ni dad habang hindi inaalis sakin ang mga mata. Tila ba ineexamin nya ang reaksyon ko.

"Hangga't kaya ko dad. Hanggang sa....Hanggang sa sya na mismo ang magsawa saakin. Mamahalin ko sya dad gaya ng pagmamahal mo kay Mommy."

Nagbago ang mukha ni Dad at natahimik ng ilang segundo.

"Let's see"

nangunot nalang ang noo ko.

CHEVY'S P.O.V

Kanina pa ako hindi mapakali. Paikot ikot lamang ako sa buong kwarto ko habang pilit na tinatawagan ang cellphone ni Louisa.

Kanina, nung tumawag saakin si Nicole para sabihin yung kaguluhan sa party, Sinubukan ko na kaagad tawagan si Louisa.

Nag aalala ako sa nangyari.
Hindi ko alam na pupunta sya sa party! Kung alam ko lang, sana sinabi ko kila Daddy na pupunta din ako!

Hindi ko akalaing mangyayari yun. Hindi ko akalaing gagawin yun ng ate ko sa kanya.
Hinding hindi ko mapapatawad si Ate kung may nangyaring masama sa girlfriend ko.

"babe please, answer the phone"

Pabalik balik ako sa harap ng kama ko. Hindi ako kakalma hangga't hindi ko nakakausap si Louisa.

Nahilamos ko ang mukha ko nung operator nanaman ang sumagot.

Umupo ako sa sahig sa tapat ng kama ko at muling dinial ang numero ni Louisa pero kagaya kanina, di nya parin sinagot.

I'm worried sick! Galit na galit din ako dahil sumosobra na si Ate! Matagal ko nang naipaliwanag sa kanya ang lahat pero sarado ang isip nya. Ayaw nyang makinig! Ayaw nyang maniwala tapos eto... eto ang gagawin nya? Ang saktan at ipahiya ang girlfriend ko?
fck!
Kakalimutan kong kapatid ko sya oras na may mangyari masama kay Louise.

Ilang subok pa ang ginawa ko pero hindi nya sinasagot.
Kagat kagat ang labi, Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya.

'Please pick up the phone. Talk to me babe. please!'

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Natatakot ako sa posibleng mangyari. Nandun ang pamilya ni Louise sa party! Nandun ang dad nya! Paano kung pati relasyon namin ng anak nya ay pagbuntunan nya ng galit nya? paano kung sapilitan nyang ilayo sakin ang babaeng pinakamamahal ko?

Ang hirap sa feeling nung wala kang magawa! Hindi ako makaalis dito kaya wala akong magawa!

Nakita kong umilaw ang phone ko kaya dali dali kong binasa ang bagong dating na text.

Kinabahan ako ng husto nung makita kong mula ito kay Louisa. Nanginginig ang mga daliring binuksan ko ang text at sa panlulumo ko, naibagsak ko ang phone ko sa sahig.

Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ko o ano pero ang sakit! Ang sakit sa dibdib nung nabasa kong nakikipaghiwalay na sya.

napaluhod ako at dinampot yung cellphone tsaka muling binasa.

'I'm sorry. Let's break up'

Ayokong maniwala na galing sa kanya yung text pero sino bang niloko ko?
Nasaktan sya! Napahiya sya! At dahil yun sa pamilya ko! Posibleng galit sya kaya posibleng makipaghiwalay sya!

Umiling ako para pigilin ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko.

Mabilis kong idinial ang phone nya pero puta, nakapatay na agad ito! Hindi ko na sya macontact!

"Bullshit!!!"

nasabunutan ko ang buhok ko at inis na ibinato ang phone ko.

"No!! you can't do this to me!!"

May pumatak na butil ng luha sa tuhod ko at inis ko itong pinahiran.

"This is not true!!" pumikit ako sa sakit.

Hindi nya ko iiwan! Mahal nya ko! Hindi sya mababaw para bitiwan ako ng ganun ganun lang! Hindi totoo to!

Padabog akong tumayo at kinuha ang jacket ko.
Hindi ako makapapayag sa nangyayari! Gagawa ako ng paraan. Hindi pwedeng mawala sya sakin!

Alas Nueve na at sobrang dilim na sa paligid pero wala akong pakielam. Kailangan kong lumabas! Kailangan ko syang puntahan!

Lumabas ako sa madilim na building namin tsaka tinahak ang daan patungong main gate subalit malayo pa lang ako, tanaw ko na agad ang mga gwardyang nakabantay sa malaki at nakasaradong gate.

Wala kong magagawa. Walang paraan para mapapayag ko silang palabasin ako. Masyado ding mataas ang mga pader at hindi ko kakayanin kung aakyatin ko ito.

Umatras ako nung makita kong papalapit na gwardyang rumoronda.
Kaagad akong tumakbo palayo habang nag iisip ng plano kung paano ako makakalabas sa school na to.

Habang tumatagal na hindi ko sya nakikita, lalong lumalaki ang takot sa dibdib ko.

"HOY!!!" napalingon ako sa likod nung may tumutok saaking flashlight kasunod nag mabilis na mga yabag papalapit sakin.

Mas lalo kong binilisan ang takbo ko at nung makita ko ang pamilyar na luma at kalawanging gate sa di kalayuan, hindi na ko nagdalawang isip na pasukin yun.

"TIGIL!!!" sigaw pa nito pero huli na. Nakapasok na ko sa gate at kaagad ko rin itong nasarahan.

Alam ko kung ano tong madilim na lugar na ito. Dito dinadaan ang mga babaeng lihim na pinapasok sa school. Ito yung abandunadong gusali.

Hindi ko ininda ang kaluskos sa paligid at lakas loob akong pumasok sa gusali kung saan nandun ang daan patungon tunnel. Kailangan kong makalabas at wala nang ibang paraan para gawin yun maliban sa pasukin ang tunnel dito na konektado sa labas ng academy.

Wala na akong pakielam. Desperado na kong mapuntahan sya.
Kaya nung makalabas ako ng school, agad din akong pumara ng taxi at sinabi ang address nila Louisa.

Sana nandun sya. Sana maabutan ko sya sa bahay nila.
Sana hindi pa huli!
Todo hiling ako na sana makita ko sya! Buong byahe, sya lang ang laman ng isip ko.

Paano kung hindi nya na ko pagbigyan ngayon? Paano kung tuluyan nya ng putulin ang relasyon namin? Nandun ang dad nya, Paano ko kaya ito mahaharap?

Ayon sa kwento ni Nicole, galit na galit daw ang dad ni Louise at kahit na anong paliwanag ni dad ay hindi nito pinapakinggan!
Please sana this time, makinig sya. Makinig sana sya sa paliwanag ko!

Tumigil ang taxi sa harap ng malaking gate. Hindi pa man ako nakakarating sa kanilang bahay noon, alam kong bahay nga nila ito dahil may nakalagay na Pilares family sa gate.

Nagbayad ako bago dali daling bumaba ng taxi. Nung nasa tapat na ako ng gate nila, para bang dumoble ang kaba ko. Natatakot ako pero pipilitin ko kasi mas nakakatakot isiping mawawala sya sakin.

Pinindot ko ang door bell at maya maya pa'y bumukas na ito.
Isang gwardya ang sumalubong saakin.

"Anong kailangan mo?" tanong nya.

Lumunok ako at diretso syang sinagot.

"Nanjan ba si Louise?" I asked at tinaasan lang ako ng kilay ng guard.

Paniguradong mukha na kong asong nawawala kaya siguro nagdadalawang isip syang sagutin ang tanong ko. Sino ba naman kasing matinong tao ang bibisita ng dis oras ng gabi?

"Anong pangalan mo?" tanong pa nito.

"Chevy Saavedra"
pansamantala akong pinagsaraduhan ng guard pero ilang minuto lang ay pinapasok nya na ko.

"Nasa loob sila. Iniintay ka" anito kaya todo pasalamat ako. Kulang nalang ay yakapin ko ang guard sa saya.

Nasa loob sya! Kung ganun, makikita ko na sya! makakausap! Ganumpaman, hindi parin mabura ang takot sa dibdib ko dahil walang kasiguraduhan kung pakikinggan ba nya ko.

Malamig ang mga kamay ko nung tumungtong ako sa loob ng bahay. Agad natunton ng mga mata ko ang dalawang bulto ng lalaki.
Ang isa ay si Luis at ang isa naman ay di ko kilala pero alam kong sya ang ama ni Louise.

Napatigil sila sa pag uusap nung makita ako. Hinanap muna ng mga mata ko ang kinaroroonan ni Louise pero hindi ko sya makita. Nasaan sya?

"Chevy" tawag saakin ni Luis kaya nabalik sa kanila nag atensyon ko. Agad akong lumapit sa kanila. Akmang babati palang ako nung maunahan na ko ng dad nila.

"anong kailangan mo at napasugod ka?" malamig at seryosong tanong nito. Inaamin ko, Natatakot ako sa paraan nya ng pagtatanong pero ngayon pa ba ako susuko?

Huminga ako ng malalim at nilabanan ang titig nya. "Kailangan ko pong makausap si Louise. Please, sabihin nyo po kung nasan sya"
Desperadong desperado na ko.

"She's not here" sagot nya na nagpabagsak ng balikat ko.
Nasan sya?

Nag igting ang panga ko at mataman silang tinignan. Nanunukat ang tingin ng ama nila habang nakakunot naman ang noo ni Luis.

"Kailangan ko pa syang makausap. Please, sabihin nyo kung san ko sya makikita!"

Nanliit ang mga mata ni Mr. Pilares. "Gabi na. Anong mahalagang bagay ba ang sasabihin mo sa anak ko?"

Tumiklop ng dila ko dala ng matigas at striktong paraan ng pananalita nya.
Napayuko ako at nanghihinang nagsalita.

"Ayoko pong makipaghiwalay sa kanya" Kaya kong ipahiya ang sarili ko sa pamilya nya wag lang sya mawala. "Alam kong nandito sya, please ilabas nyo po sya" nag angat na ko ng ulo at nakita ang salubong na kilay ng ama nila.

"I don't trust you. I don't like you for my daughter" prankang sagot nito.

Masakit na ayaw ako ng ama nya para sa kanya pero hindi yun dahilan para panghinaan ako ng loob.

"Alam ko po" Lumunok ako at ngayo'y hindi na muli makatingin ng diretso. "alam ko pong ayaw mo sakin dahil sa nagawa ng ate ko sa kanya. Alam kong mahirap para sayo na ipagkatiwala ang nag iisang anak mong babae sa isang tulad ko pero..." huminga ako ng malalim at nilabanan ang paninitig nya. "mahal ko po sya! Mahal na mahal ko po at kaya ko syang ipagtanggol sa pamilya ko."

Nakita ko ang pagdilim ng mga mata nya. Umiling iling lang si Luis sa tabi nya tsaka umalis.

"So you're aware of what your family did to her huh?"

Mahinahon akong tumango.
"alam ko po." Hindi nya inaalis ang paningin nya sakin. "At nagsisisi ako dahil hindi ako sumama sa party. Nagagalit ako sa sarili ko kasi wala ako dun kanina para ipagtanggol sya"

Umiwas sya ng tingin at nakapamewang na tinanong ako. "Will you choose my daughter over your family?"

Natikom ko ang bibig ko.
Nahihirapan akong sumagot dahil pareho ko silang mga mahal. Ayokong pumili sa kanila pero... kinakailangan.

"Yes" buong pasyang sagot ko.

Alam ko sa sarili kong si Louise ang pipiliin ko. Alam kong oras na papiliin ako ng pamilya ko, sya at sya parin ang gugustuhin kong makasama.

Tumingin sakin ang daddy ni Louise na ngayon ay bahagyang lumamlam ang expresyon ng mukha.

"You love her that much?" tanong nito at agad naman akong tumango.

Mahal na mahal ko sya. Hindi ko maimagine ang sarili kong tumanda ng hindi sya kasama.
Sya lang ang babaeng gusto ko. Sya lang ang babaeng pinapangarap ko.

"Okay"

Namilog ang mga mata ko at di makapaniwalang tumingin sa kanya.

Itinaas nya ang pareho nyang kamay at umirap. "Okay suko na ko"

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko.
Anong sinasabi nya?
Magtatanong pa sana ako pero napansin kong may dinudukot sya sa bulsa nya.

"here" may inilahad sya sa palad ko.
Nagtataka ko itong tinignan nung unti unti akong maliwanagan.

Nanlaki ang mga mata ko nung makilala ko kung kaninong cellphone ito.
"K-kay----"

"Yes, It's hers." putol nya sa sasabihin ko tsaka ngumisi. Medyo nalaglag pa ang panga ko nung makita ang ngisi nya. "She's upstairs. Ibigay mo na yan sa kanya bago pa yun umiyak sa kahahanap"

Naiwan akong tulala sa sala nung nakangising umalis ang daddy ni Louisa.
Nabalik lang ako sa wisyo nung dumaan sa harapan ko si Luis.

"Umakyat ka na sa kwarto nya bago pa yun matulog"

Parang nagself destruct lahat ng lungkot, takot at sakit sa dibdib ko sa narealize ko.
Hindi si Louisa ang nagtext saakin kundi ang dad nya!
Hindi sya makikipaghiwalay sakin!

Sabi ko na nga ba eh. Mahal nya ko. Di nya ko basta bastang bibitiwan.
At dahil sa nalaman ko, Naiiyak sa tuwa akong tumakbo papunta sa kwarto nya.

eh teka, san ba yung kwarto nya????

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 51.7K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.
468K 723 100
This story is not mine credits to the rightful owner. πŸ”ž
2.5K 223 23
After the war between the Incants and Quins, the Academy begin to experience the peace again. It was all fine and everyone continue the life they use...