When she entered Adonis Acade...

By chabilicious06

630K 20.4K 4.2K

What will happen if a SHE entered in an all boys school? More

When she entered Adonis Academy (adonis academy sequel)
Chapter 1: Bad
Chapter 2: ang cute mo pare
Chapter 3: dibdib
Chapter 4: Sasapakin na kita!
Chapter 5: Pokpoks
Chapter 6: Lovers in Paris
Chapter 7: first crush
Chapter 8: peace be with you
Chapter 9: BLOCK
Chapter 10: Seduce
Chapter 11: pogi-er
Chapter 12: Chocolates
Chapter 13: Shit Pare!
Chapter 14: sales lady
Chapter 15: Acquaintance Party
Chapter 16: Acquaintance Party (continuation)
Chapter 17: Gory
Chapter 18: txt txt
Chapter 19: :(
Chapter 20: masamang intensyon
Chapter 21: I want you
Chapter 22: School fest (part 1)
Chapter 23: School Fest (part 2)
Chapter 24: Tutol
Chapter 25: Kiss me
Chapter 26: Soon
Chapter 27: the notebook
Chapter 28: selfish
Chapter 29: Identification Card
Chapter 30: revealed
Chapter 31: Nomu Saranghe
Chapter 32: m-magmamakaawa sayo
Chapter 33: movie marathon
Chapter 34: End of the month
Chapter 35: Cupid strikes
Chapter 36: Dengue. Bar. Drugs
Chapter 37: General Cleaning
Chapter 38: Virgin
Chapter 39: holy shhh...t
Chapter 40: Bitch
Chapter 41: explanations
Chapter 42: Trauma
Chapter 43: Missing
Chapter 45: I love you...
Chapter 46: Clingy
Chapter 47: partnership
Chapter 48: Let's See
Chapter 49: Lunch out
Chapter 50: Last words
Epilogue

Chapter 44: Call

6.9K 256 42
By chabilicious06

SPG: LENGWAHE!

Chapter 44: Call
CHEVY'S P.O.V

Ilang beses ko syang tinanong kung anong kasalanan ko.
Kung bakit sya galit na galit sakin at kung bakit sya natatakot. Kasi hindi ko na alam ang gagawin ko.

She's so damn mad at me at di ko alam kung pano ko maalis yung galit na yun.

Nasasaktan ako sa pagtrato nya sakin dahil wala akong kaide-ideya kung anong ikinagagalit nya.

Paulit ulit ko syang tinanong pero hindi nya ko sinasagot. Umiiyak lang sya habang pinagtatabuyan ako.
Sa huli, nadatnan kami ni Jin sa ganoong tagpo kaya pinaalis nya muna ako. Sya na daw bahalang kumausap kay Louise.
Ayoko mang umalis pero nung niyakap sya ni Jin at kumalma sya, dun ko naisip na hindi ko sya mapapatigil sa pag iyak hangga't nandun ako sa harapan nya.

She hates me.
I want to convince myself that she still love me kahit na galit sya pero di ko maiwasang maisip na baka mawala ang pagmamahal nya.
Na baka sa huli, makipag hiwalay din sya at ayokong mangyari yun. Di ko kakayanin pag nangyari yun.

She's my everything now and who would want to lose their everything? Ofcourse, No one! I don't know what to feel. Should i be happy? kasi hindi pa sya nakikipag break o dapat na kong matakot kasi malaki ang posibilidad na mangyari yun?
I'm so afraid of what's happening.
I'm so afraid of what could happen.

Hindi na ko nakapasok sa dami ng iniisip ko. Maghapon lang akong nagkulong sa kwarto. Maghapong sya lang ang laman ng utak ko.

Mababaliw na yata ako. Sya lang ang nakagawang iparamdam sakin ang ganito.
Sya palang ang nakasakit sakin ng sobra. Sobrang sakit pala talaga pag sobrang mahal mo yung tao.
Hindi ka mapapakali.

Hindi ako gaanong nakatulog. I texted her every hour at di na ko umasang magrereply sya.
Ang sakin lang, gusto kong ipaalam sa kanya na mahal na mahal ko sya. At kahit na galit sya, at nasasaktan nya na ko, hindi parin mababawasan ang pagtingin ko sa kanya.

The next morning, maaga akong pumasok. Nagbabakasakaling makikita ko sya at makakausap. Umaasang maibabalik sa dati ang lahat kasi miss na miss ko na sya. Miss na miss ko na ang paglalambing nya.

Sa halip na magandang araw ang sasalubong sakin, Isang malakas na suntok ang tumama sakin.

Napasinghap ako maging ang mga kaklase ko.

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa galit na galit na si Jin.

"What the!" mabilis na tumakbo si Suga para pigilan si Jin pero pilit itong kumakawala kaya nakipigil na rin si Jay.

"Tarantado ka!!!" dinuro nya ko. Hindi ako makapagsalita sa sobrang pagtataka.

Bakit sya galit sakin?

Napahawak ako sa ibabang labi ko nung malasahan ang dugo.

"TANGNA!! PINAGKATIWALAAN KITANG HAYOP KA!!!" pumalag sya sa hawak nila pero hindi sya makawala.
"LANGYA! BITAWAN NYO KO!!!!" Ang sama ng tingin nya sakin.

"anong ginawa ko?" nanatili akong kalmado.
Alam kong may kinalaman ang nangyayari saming dalwa ngayon ni Louise sa galit ni Jin.

Mamasa masa na ang palibot ng mata ni Jin habang mariing nakatingin sa akin.
Galit na galit sya sa di ko malamang dahilan.

"TANGINA MO! GINALAW MO ANG PINSAN KO TAPOS HINDI MO ALAM KUNG ANONG GINAWA MO?! PAKYU KA!.... BITAWAN NYO KO!!!!"

Nanigas ako sa tayo ko sa narinig ko. Anong ibig nyang sabihin?

"Kumalma ka nga!" pigil ni Kookie kay Jin.

Para akong natuod sa posisyon ko habang iniisip ang sinabi nya.
Hindi ko na inintindi ang bulungan ng mga kaklase namin. Wala akong pakielam! Ang tanging laman lang ng isip ko ay yung sinabi nya.

Anong ginalaw? Bakit iniisip nyang ginalaw ko si Louise?

"GAGO KA! AKALA KO MATINO KA! AKALA KO IGAGALANG MO SYA PERO ANONG GINAWA MO?! PINAGSAMANTALAHAN MO SYA! AKALA KO BA MAHAL MO SYA? BAKIT MO SYA GINANUN HA? BAKIT?!"
May tumulong luha sa mga mata nya.

Katulad ng nakita ko sa mga mata ni Louise nung gabing yun.
Dun lang bumalik sakin lahat ng ala-ala.

Para akong sinaksak sa naalala ko. Hindi ako nakakibo at natulala nalang.

Ni sa hinagap hindi ko naisip na magagawa ko yun lalo na sa kanya.
Mahal na mahal ko sya at hindi ko magagawa yun.

Isang malakas na suntok ang muling tumama sakin kaya napaupo ako.

"SHIT!" nagulat na sigaw ni Jimmy bago nakitulong sa paghila kay Jin palayo sakin.

Hindi ako tumayo.
Hindi ako nanlaban.

Putangina. Ang gago ko para gawin yun sa babaeng mahal ko. Ang gago ko para ipadanas sa kanya yun. Gusto ko nalang mamatay sa sobrang sakit na nadarama ko.

"LAYUAN MO NA ANG PINSAN KO KUNG HINDI, MAS MATINDI PA DYAN ANG MATITIKMAN MO!"
tumalikod sya at lumabas ng room.

Nilapitan naman ako nila Ralph at inalalayang tumayo.
Lahat sila, nagtatanong kung bakit ako ginanun ni Jin pero hindi ako makasagot.

I don't deserve his punch. I deserve more than that!

Ngayon, naaalala ko na ang katarantaduhan ko. Naaalala ko na ang pagmamakaawa nya nung gabing yun.
Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sakin at nagawa ko yun.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko napigilan ang sarili ko.
Siguro, masyado lang akong nalasing nung mga oras na yun.

Kung nasa tamang katinuan lang ako, hinding hindi ko magagawa yun.
Mahal ko yung tao eh.

May tumakas na butil ng luha sa mata ko at maagap ko namang pinahid iyon.
Tumayo ako at Nagmadaling lumabas ng Classroom.

Gusto kong manuntok! Gusto kong ibuhos ang galit ko kaya pinuntahan ko ang kabilang room at walang anu-anong kinwelyuhan ang gagong si Clint.

"Tang ina mo!!" Sigaw ko kaya naalarma ang mga kaklase nya.

"woah woah" nakangising itinaas nya lang ang magkabilang kamay nya kaya mas lalong nag init ang ulo ko.

"walangya ka! ano yung pinainom mo sakin sa bar?!"
Alam kong adik sya kaya malakas ang kutob kong may kinalaman sya.

"oh! that? why are you asking? gusto mo pa ba?" nakangisi parin sya kaya hindi ko na napigilan.

"puta!" malakas kong sinuntok ang panga nya ng hindi binibitawan ang kwelyo.
napatayo na ang mga kaklase nya pero walang nagtangkang pumigil.

"what the fck men?" itinulak nya ko para makawala pero nilapitan ko parin sya para kwelyuhan.

Wala na kong pakielam kung kuyugin man ako ng mga kaklase nya para ipagtanggol sya.
Wala akong paki.
Kating kati na kong paduguin ang buong mukha nya.

"gago ka! kasalanan mo tong lahat!" sinuntok kong muli sya hanggang sa nagdugo na ang gilid ng bibig nya.

May humila sakin palayo at nakitang sila Ralph iyon.

"what the hell is your problem?!" nagpupunas ng labing aniya. "Pinainom lang kita nun kasi para kang tangang umiiyak mag isa! Man up! tang na! I gave it to you para makalimutan mo ang problema mo. Ano bang problema mo ha?!"

akmang susugudin nya ko pero pinigilan sya ng mga kaklase nya.
"Hayop ka!" Susugod dim sana ako pero hindi nila ko bitawan. "Bitawan nyo ko!"

"Tama na pare!" hinila nila ako at sa dami nila, Hindi ko alam kung pano pa ko makakawala.

"fck you! Mag empake ka nang gago ka dahil sisiguraduhin kong makikick out ka!" sinipa ko ang upuang malapit sa paa ko bago tuluyang nagpadala sa mga humihila sakin.

Kailangan kong makausap si Louisa.
Kailangan kong ipaliwanag sa kanyang hindi ko sinasadya.
Kailangan nyang maniwala sakin dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sa sarili ko pag hindi nya ko napatawad.

Isang malakas na suntok sa pader ang pinakawalan ko nung mabitawan na nila ko.

"Ano bang nangyayari?! Bakit kayo nagsapakan ni Jin? Bakit mo sinugod si Clint? Punyeta. Anong nangyayari sayo V?!" Sermon saakin ni Jimmy.

Hirap na hirap akong huminga dahil nag iinit talaga ang dugo ko sa mga nalaman ko.
Bakit kailangang sakin nya gawin yun? Bakit ako pa?!

Umiling ako at hindi nagsalita.
Kung tutuusin, Kasalanan ko din naman. Nagpunta ako sa bar kahit na alam kong posibleng may gumawa sakin nun. Hindi ako bulag para hindi makita ang mga nagdodroga nung gabing yun pero pinagkibit balikat ko lang at naglasing parin.

"Anong ginawa mo kay Louise?" tanong ni Suga.

"Tangna! Ayusin mo yan V!" tumalikod si Ralph at naupo na sa upuan nya.

Pumikit ako para pigilin ang luha ko at sa pagmulat ko, nakabuo na ko ng desisyon.

Isinukbit ko ang bag ko at mabilis na umalis para puntahan sya.

Ngayon palang, kakausapin ko na sya.
Hindi ko na hahayaang magtagal pa ang problema namin.
Dyahe! gagawin ko lahat mapatawad nya lang ako.
Ako ang nanggago kaya ako ang dapat mag ayos nito.

Kinapa ko muna ang hiwa sa labi ko dala ng suntok ni Jin at napangiwi sa sakit. Tsk.

Hinanda ko narin ang sarili ko sa galit nya.
Alam ko. Matigas ang ulo ko!
Binantaan nya na ko pero anong paki ko? kailangan naming maayos to.

Kumatok ako ng kumatok sa pinto ng dorm nila at ilang sandali lang ay humarap sakin ang Seryosomg mukha ni Jin.

"diba sinabi kong layuan mo na sya? ano pang ginagawa mo dito?" kalmado na sya kumpara kanina.

"I have to talk to her. Please Jin"

kahit magmakaawa ako, gagawin ko. Alang alang sa kanya.

Nagtiim baga sya bago sinara ang pinto sa likod nya.

"Naghahanap ka ba talaga ng gulo? Ano ba sa mga sinabi ko ang di mo naintindihan? Layuan mo na ang pinsan ko! pwede ba?!"

Umiling ako. Hindi ako makakapayag sa gusto nya.

"Hindi ko ginusto ang nangya-----" Hindi ko inasahan yung suntok nya kaya napatumba nanaman ako. bumangon ako at diretsong hinarap sya.

"Mahal ko sy-----" Muli nanaman akong nakatikim ng suntok nya.

"Tangina V! Lubayan mo na ang pinsan ko!" akmang babalik sya sa loob nung pigilan ko sya sa paa nya.

Sa halip na tumayo, Lumuhod ako sa harapan nya. Pinipigil ang umiyak pero may isang traydor na luha ang kumawala.

"Please Jin. Please. Let me talk to her" I'll do everything for her. Kahit magpakababa ako, gagawin ko.
"Wala ako sa katinuan ko nung nagawa ko yun. Lasing ako at.... at may naglagay ng droga sa iniinom ko. Hinding hindi ko yun magagawa sa kanya dahil mahal na mahal ko sya. Pakiusap. Hayaan mo kong makausap sya"

Humigpit ang kapit ko sa binti nya nung maramdamang tatalikuran nya ulit ako.

"I love her!" pwede naman akong umiyak diba? hindi ko na kasi mapigilan eh. "I love her so much and it kills me knowing she hates me. Please Jin. Believe me! Hindi ko sinasadya ang lahat. Hinding hindi ko sya magagawang pagsamantalahan!"

"Mas mabuti kung wag ka munang magpakita sa kanya. Iiyak nanaman sya"

tinignan ko si Jin habang dahan dahang tumatayo.

"Gusto ko lang namang ayusin ang lahat."
umiling lang ito at tatalikuran na sana ako upang pumasok nung hilahin ko sya.

Hindi nya inaasahan kaya mas madali para sakin ang itulak sya. Inunahan ko syang pumasok at pinagsarhan sya ng pinto.

"TANGINA V!!!! BUKSAN MO TO!!!!"
hindi ko pinansin ang pagkatok nya sa pinto.

Mabilis dumako sa natutulog na si Louisa ang paningin ko.
Humugot ako ng malalim na hininga para mapakalma ang nagwawalang puso ko.

Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Yung kahit na sobrang hirap ng pinagdadaanan ko, makita ko lang sya, gumagaan na pakiramdam ko.

Ngumiti ako ng malungkot bago umupo sa gilid ng kama nya.
Hindi ko na naman napigilan ang mapaiyak. Ang bakla ko. shit.

Pinahid ko ang mga mata ko at nung alisin ko doon ang mga kamay ko, nakita ko syang mulat at nakatingin saakin.

Kinabahan ako dahil baka layuan nya ko pero nanatili lang syang nakatulala sakin.

Nanginginig ang mga palad na hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya pero hindi sya pumiglas.
Dun na ko tuluyang naiyak.
Sinubsob ko ang mukha ko sa pisngi nya habang pilit na pinipigil ang humagulgol.

"Babe" Mahigpit ko syang niyakap.

Nabawasan ang tinik sa dibdib ko nung hindi nya ko tinulak.
Miss na miss ko na sya.
Miss na miss ko nang mapalapit sa kanya ng ganito.

Hindi sya gumagalaw kaya marahan akong humiwalay sa kanya at pinakatitigan sya sa mukha.
Nadurog ang puso ko nung makita ang walang tigil na pag agos ng luha nya.
natriple lang ang sakit sa dibdib ko ngayong nakikitang umiiyak sya.

Hinawakan ko ang mukha nya upang pahidin ang mga luha.

Hindi nya ko pinipigilan at diretsong nakatingin lang sakin.

"shhhh. sorry na" kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya.

"Sorry na babe. Hindi ko sinasadya"
Niyakap ko sya ng mahigpit. Sana maramdaman nya kung gano ko sya kamahal.
Sana mapatawad nya ko sa nagawa ko.

"Hindi ko ginusto ang nangyari... shhh. tahan na"
Hinagod ko sya sa likod nung marinig ang impit nyang pag iyak.
Tahimik lang sya pero umiiyak naman. Hindi nya alam kung gano kasakit para sakin ang makitang lumuluha sya.

"V"

Nakagat ko ang labi ko nung banggitin nya ang pangalan ko.

"Mahal ko" napasinghot ako kasabay ng mas mahigpit na pagyakap ko. "Sorry na. Hindi ko na yun uulitin. Patawarin mo ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko nung mga oras na yun. Wala ako sa sarili ko. Mahal na mahal kita kaya hindi ko yun magagawa sayo kung nasa katinuan ako"

Patuloy lang sya sa paghikbi at patuloy namang nababasag ang puso ko.

"V" tawag nya muli sakin.

Nag angat ako ng ulo at pinakatitigan sya.

"Babawi ako." Puno ng pangungumbinsing sabi ko. "Itatama ko ang lahat mahal ko"

Hindi sya tumugon pero nakita ko ang paglamlam ng mga mata nya.

Sana maayos na ang lahat.
Sana hayaan nya kong bumawi sa kanya.
Sana tanggapin nya parin ako.
Ang daming 'sana' ang tumatakbo sa isip ko. Pero ang pinaka hihiling ko lang 'Sana hindi mawala ang pagmamahal nya sakin'

JIN'S P.O.V

Ngayon lang ako nagalit ng ganito.
Hindi ko akalaing magagawa nyang babuyin ng ganun ang pinsan ko.
Pinagkatiwalaan ko sya pero sinayang nya.

Oo. nagpaliwanag na sya pero mahirap ng baguhin ang tingin ko sa kanya.
Nadungisan na ang tiwala ko sa kanya at mahirap ng ibalik yun!

Nakatikim pa sya ng mag asawang suntok sakin bago sya tuluyang makalabas ng dorm namin.
Gagong yun! Naisahan pa ko!

Umiiling na tinungo ko ang dako ng pinsan ko at hinaplos sya sa buhok.

Mahimbing nanaman syang natutulog.
Nay kirot nanaman akong nadama sa dibdib ko.

Naaawa ako sa pinsan ko. Kahit naman luka luka to, Hindi ko naman hiniling na pagdaanan nya to. tsk.

Tumayo ako upang magluto ng hapunan nung marinig na tumutunog ang cellphone ni Louisa.

Nakakunot ang noong nilapitan ko ito at sinagot nung makitang si Tito ang tumatawag. Daddy ni Louisa.

"Tito" bati ko.

"Where is she?" napalunok ako. Kinakabahan sa tono ng pananalita ni tito.

"She's sleeping po" sagot ko. Nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba ang nangyari sa anak niya pero naisip kong hindi tamang sa cellphone ko lang sabihin. Mag aalala lang siya pag nagkataon.

"Make sure she's okay. Uuwi na kami. Tell her i knew what happened at the party"

Nangunot ang noo ko.

Uuwi na sila?
At anong party yung tinutukoy nila? Anong nangyari?

CHABZNOTE: Pagpasensyahan nyo na ang update. Beastmode kung beastmode ang mga cast. hahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

34.2K 1.5K 105
[Teen Fiction] (COMPLETED) (Editing) Princess Kylie Abarro is in love with his bestfriend--- Steve Laurence Abellana. Ginawa nya na ang lahat para la...
143K 3.1K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
5.9K 252 35
"Love doesn't exist, literature does." For the aspiring author Nathalie, what's worse than being a primary suspect is the fact that she literally mad...
3.1M 94.1K 192
👑 Wattys 2017 'The Breakthroughs' Winner 👑 Wattpad's "Talk of the Town" (July 15, 2021) Highest Rank:: Rank #7 in Teen Fiction (December 16, 2017)...