The Good Between Bad

By Celestine_Jade

788K 23.9K 1.7K

Marissa Rose Diva. A girl who doesn't want to gamble her heart when it comes to love. Ang gusto niya ay yung... More

PROLOGUE
NAME YOUR CHAPTER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 : Critisism
Chapter 4
Chapter 5: Secret
Chapter 6
Chapter 7: It's you
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14: Princess
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Surprise...
Christmas/New Years Treat
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 24

12.4K 436 21
By Celestine_Jade

"Oh! I didn't know people are here in the greenhouse. I apologize if I intrude something."

"Oh my Gosh! Ang cute mo." Pagkakita palang niya ay napatayo na si Mimi at lumapit sa kanya. "What's your name?"

"I'm Alissandra, nice to see you all..." Hinawakan niya ang palda niya at inangat. Ngumiti siya sa'min at bahagyang yumuko.

Napakahinhin niya. Para siyang makalumang nilalang. Yung tipong nasa medieval times. Kitang kita sa dress niyang na hanggang paa ang haba at ang manggas na halos takpan ang mga kamay.

Hindi lang yan, ang kilos niya ay sobrang pino, hindi makabasag pinggan at napakalambot ng kanyang ekspresyon. Parang hindi mo kayang magalit kapag siya ang kausap. Isa pa, napakaganda niya na parang manika. Kulay abo ang mga malalaking mata, maliit pero matangos ang ilong, halos magkulay pula ang maninipis niyang labi at nakaipit sa gilid ang mahaba at sobrang ayos niyang buhok.

Tansya ko ay mga nasa walo o siyam na taon lang siya pero syete lang! Mas babae pa siya sa'kin kumilos.

"Alessandra, what did I tell you about bowing?" Malamig ang boses na 'yon ng bagong dating. Nangilabot ata ako.

"That was a simple sign of courtesy. I was saying hello to our-"

"We do not bow to anyone, Alissandra. Remember that."

"Yes, mother..." Mother? M-mama? Syete! Ngayon ay nakatingin na siya sa'min.

"Who are you guys and what are you doing in our place?"

Lahat kami ay nanigas sa kinalalagyan habang nakatingin- sa totoo lang ay hindi kami makatingin. Si Hyacinth lang ata at si Bianca ang diretsong sinasalubong ang tingin nito. Napatayo kaming lahat.

Maganda, sopistikada at nakakaintimidate ang awra. Nakadress siya na pinatungan ng jacket na itim. Itim ang buhok, accentuated cheekbones, mapupulang labi dahil sa lipstick at ang mga mata niya... kulay abo gaya ng kay Seven at Nine... Hindi kaya...

"You there. Answer me." Hindi demanding ang boses niya o mataray. Ang totoo ay malumanay ito ng tanungin si Jax pero bakit hindi kami mapalagay sa kinatatayuan. Feeling namin ay dapat namin siyang sundin.

Bakas sa itsura ni Jax ang kaba. Tumaas ang kilay nito nang hindi siya masagot ng maayos.

"Am I making you nervous, boy? Mind opening that mouth of yours for me?"

Humakbang siya palapit kay Jax, ang mga labi ay nadapuan ng mapang-akit na ngiti. Inangat ang kamay para haplusin ang pisngi nito.

"I-I uh... W-we..."

"That's it... C'mon." matamis niyang sabi. "If you take long I might need to open them myself. Do you want that, boy?"

Mas lalong ninerbyos at kinabahan si Jax. Sa tingin ko ay pinagpapawisan na rin siya lalo na't madiin at mapang-akit ang nakukuha niyang tingin mula sa babae. Naapektuhan siya. Sino ba namang lalaking hindi kung ganyang ang boses at itsura ng kaharap mo?

Tignan mo nalang si Renz. Sobra kung makatitig sa kanya.

"Hello po, Ma'am. We're Seven's schoolmate. Our car broke down on the way and he was nice enough to invite us here." Si Bianca na ang naglakas ng loob na sumagot.

"Seven? My son invited you here?"

"Yes, ma'am. And I might say na sobrang ganda ng-"

"I'm not asking."

Agad na natikom ang bibig ni Camille. Mas lalo naman kaming hindi makatingin sa kanya. Napayuko ako ng wala sa oras.

Kumawala ang kanina ko pang pinipigilan na hininga nang tumalikod ito at umalis. Bumalik ang hangin sa paligid para sa'min. Kasunod nito si Alissandra na hindi nakalimutang ngitian kami bago umalis. Napaka sopistikada nilang kumilos. Punung puno ng self confidence. Kitang kita ang pagkakaiba ng mga kagaya ko sa kanila.

Sumalubong si Elizabeth sa kanya at may sinabi. Kita sa kilos at mga salita nito ang pagiging maingat at kaba na para bang hindi siya dapat magkamali sa harap sa amo niya.

Tumango lang ito at umalis. Lumapit naman sa'min si Elizabeth para sabihin na handa na ang hapag.

Parang ayaw ko na tuloy kumain. Makakasalo ba namin siya? Malamang sa malamang...

Lumapit sa'kin si Seven habang naglalakad kami pabalik ng mansion. Ang sabi niya ay ipapakilala niya 'ko sa family niya na agad kong tinanggihan.

Huminto siya sa paglalakad para tignan ako. Salubong ang mga kilay at magkahalong inis at pagtataka ang tingin nito.

Pinaliwanag ko naman. Sinabi ko na hindi pa 'ko handa. Isa pa, kinakabahan ako. Nakakatakot kasi ang mama niya. Mas maganda sigurong ihanda ko muna ang sarili ko kapag pormal 'kong pinakilala.

Alam kong ayaw niya ang desisyon ko dahil hindi natanggal ang kunot sa noo niya. Bumuga ako ng hangin. Parang excited pa naman siya kaso di ko talaga kaya. Hindi niya maintindihan pero wala siyang sinabi. Alam kong masama ang loob niya dahil umalis siya sa tabi ko at naunang maglakad.

Isa pa, hindi ko lang masabi sa kanya, nanliliit ako sa mga nakikita ko dito.

"Mommy! Ate Nine's escaping again!" Isang batang lalaki ang tumatakbo. "I saw her. Bilis, mommy."

"Mom, don't be hard on her." Agad na nilapitan ni Seven ang mama niya. Ito siguro ung tungkol sa ginawa daw ni Nine kaya umiiwas siya sa mama niya.

"Don't worry, my son. It's already been taken care off."

Halatang na miss nila ang isa't isa kaya minabuting bigyan sila ng oras at nauna na kami sa hapag. Hindi naman sila nagtagal pero mas may nauna sa kanilang dumating.

Hindi siya nagulat nang makita kaming nakaupo. Nang lapitan niya kami ay do'n dumating sila Seven.

"Dad."

Pare pareho silang nakangiti. Niyakap ni Seven ang papa niya. Humiwalay siya matapos mabigyan ng tapik sa likod.

Lumapit siya sa mama ni Seven at mabilis na ginawaran ito ng halik sa noo.

"Aren't you tired from the flight? Are you hungry?" malambing niyang tanong.

"A bit."

Napalitan ng kinang ang kanina'y kakaibang tingin niya. Pareho sila. Kahit sinong nakatingin ay sasabihing mahal na mahal nila ang isa't isa.

Ang gintong singsing sa kani-kaniyang mga daliri ang patunay no'n.

Nakangiting binalingan kami ng lalaki. "Ahh.. You're the people Seven was talking about."

Nagpakilala sila sa'min bilang si Miss Rainne ar si Sir Kristoff. Mga magulang ni Seven. Hindi na 'ko nagulat do'n halata naman kasi.

Namangha sa gulat ung mga kasamahan ko nang malaman nila 'yon. Lumapit din sa'min si Kris. Ung batang lalaking black ang buhok na halatang bibo. Thirteen years old. May dimples din ito gaya ni Seven. Si Alissandra pala ay walong taong gulang lang.

Habang hindi mawala ang hiya at ilang sa katawan ko ay matapang namang hinarap ng grupo ni Bianca ang mga ito. Ganoon din si Hyacinth.

Sa palagay ko ay alam na nung dalawa kung sino sila bago pa magpakilala ang mga ito o sanay lang silang makakilala ng mga kagaya nila. Pare pareho kasi silang mayayaman eh.

"Grabe pala ang pamilya ni Seven, 'no?" Tumango ako sa sinabi ni Mimi.

Nawawala ako sa eksena at naiiwan sa background. Okay lang naman sa'kin. Mas panatag pa loob ko.

Parang may pader na humaharang samin mula sa kanila. Tumingin sa'kin si Seven at binigyan ko siya ng alanganing ngiti. Sa lamig ng tingin niya, alam kong nagtatampo parin siya.

Naputol ang tingin niya nang pumasok si Nine na hawak hawak ng dalawang malaking lalaki ang magkabilang braso.

"Let go of me! Let go!"

"Nine, calm down..."

"Dad? Dad!"

Tumigil sa pagpiglas si Nine nang senyasan ng papa niya ang dalawa. Binitawan nila ito na mabilis na niyakap si Sir Kristoff.

"Kamusta na, baby Nine? I miss you."

"Miss you too, dad?"

"Rainne. Ang akala ko gusto mong puntahan natin siya so why bring her here?"

"Change of plans."

"Damn! Those assholes! I'm gonna kill them."

Pinigil ni Sir Kristoff ang balak niyang pagsugod sa dalawang bodyguards na pinaalis din ni Miss Rainne.

"A woman should carry the elegance of a lady not only in her actions but also with the words they say. A lady should never cussed specially in the presence of guests."

"Tell it to someone that cares, Alli."

"Sit down, Nine."

Pinaupo siya ni Ms. Rainne at wala siyang nagawa kung hindi ang padabog na sumunod. Nakanguso ito at busangot ang mukha pero bago siya umupo ay sabay niyang binatukan ang nakababatang kapatid na lalaki.

"Brat..."

Tinanguan niya si Hyacinth bago damputin ang mga kubyertos.

"Who know them?"

"Just a few." Sagot niya kay Sir Kristoff. "That's Hyacinth and I think that's Mimi and... Marie?"

"Maro."

Umarko ang isang kilay niya kay Seven. Ganon din ang mama niya. Hindi ko alam kung bakit parang nagtataka sila at nagulat dahil lang alam ni Seven ang pangalan ko.

Nginitian ko si Nine nang tumingin siya sa'kin. Kumaway naman si Mimi na katabi ko lang.

Nag-umpisa agad kaming kumain nang matapos ang paghahanda. Tanging kalansing ng mga kubyertos sa pinggan ang naririnig maliban nalang sa pa minsan minsang pagtatanong ni Sir Kristoff kay Seven at Nine.

Kung anong ginawa nila sa loob ng isang taon. Kung san sila tumira. Mga ganon...

Nabanggit ni Seven si Oliver pero hindi ko na ganong narinig. Ang layo ko kasi tapos limitado lang ang mga sagot niya.

Ung mga kasamahan ko naman maya't maya ang tingin sa kanila.

"Mommy! Momma! Mommmeeehhh!"

"What. Kris?"

"Kris, sabihin mo nalang ang gusto mo. No need to shout at your mom."

"He's a brat. He constantly wants attention, dad."

"And your a les—awww!"

"One lie. One smack on the head." May ngiting tagumpay si Nine bago bumalik sa pagkain. Ang kapatid naman ay nakanguso habang hinihimas ang likuran ng ulo.

"A lady disapproves any types of violence." Sabi ni Alissandra.

"Can you not refrain yourself from hitting your brothers. We will talk after about your previous act."

"Yes, mom."

Tinawag ulit ni Kris ang atensyon ng kanyang ina matapos lunukin ang kinakain.

"Since ate Nine's not allowed to drive and race, can I have her new car?"

"Of course not you idiot." Kunot noong sabi nito at nakangiting bumaling kay Sir Kristoff. "I have a new car? Sweet! What is it?"

"Hindi pa siya nilalabas sa market. We got the privilege to have it for car exhibit. We plan to give it to as a gift since you won the race but..."

"But you decided to act like a wild, drunk, party animal and post it somewhere over the net."

"That's unfair. Hindi ako ang may kasalanan!"

"Then who?"

"Honey, Rainne. Let's continue this talk later."

Wala nang nagsalita matapos no'n. Isang ngiti ang binigay ni Seven sa kapatid bilang assurance at suporta.

Nang matapos na kaming kumain ay naghanda na kami para umalis. Ang alam ko nag-uusap ngayon ang pamilya ni Seven. Baka ung tungkol sa issue ni Nine.

"Hey, you!" Pagbaba ko sa malaking hagdan ay may tumawag sa'kin. Yung kapatid na lalaki ni Seven na si Kris, pababa sa hagdan. "You drop this."

Nagulat ako nang makita sa palad niya ang anklet ko. Kinabahan din ako sa naisip na muntik ko na 'tong mawala.

Pa'no nahulog 'yon? Baka hindi maayos ang pagkakalagay ko.

"Salamat." Sabi ko at tinanggap ito.

"What does number Seven means?"

"H—ha? Ah wala. F—favorite number ko lang. Oo tama."

"You're Maro right?"

Tumango ako. Lumaki ang pilyong ngiti sa mukha niya. Ngayong sa malapitan, mukha siyang mature para sa edad niya. Kinakabahan ako sa mga tingin nito. Parang may ibig sabihin.

"That's odd. Kuya Seven knows your name. He don't usually remember people's name unless..."

"Unless a—ano?"

"Kuya, I have good news." Pagkalingon ko kay Seven ay agad akong inakbayan ng kapatid. Mahigpit. "I found my future girlfriend. Bagay kami diba?"

Napasinghap ako at tumingin kay Seven. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya. Kahit bata pa si Kris ay matangkad naman ito na halos kasing tangkad ko na.

Nang humakbang palapit ito sa'min ay agad bumitaw si Kris at tumakbo. "I'm just joking." Sigaw nito palayo.

Nakahinga ako ng maluwag pero saglit lang 'yon dahil pag tingin ko kay Seven ay halata na ang inis sa kanya. Nagtatampo parin ba siya dahil kanina?

Umangat ang kamay niya para abutin ako pero lumayo ako at tumakbo palabas. Pa'no ba kasi, nakita ko si Miss Rainne sa likuran niya na palapit sa'min.

Kinakabahan talaga ako sa kanya.

"What happened to you? Bakit ka hinihingal?"

"Huwag ko kong intindihin, Mimi. Sa'n si Hyacinth?"

"Nilagay na ung bag niya sa van."

"Ganon ba..."

Tinanggal ko ang malaking bag at nilagay muna sa van. Hindi na 'ko nakapagpaalam kay Seven ng maayos. Laking pasalamat ko dahil walang nabanggit ang mga kasamahan ko sa pamilya niya.

Sobrang bait nila dahil hinintay at tinignan nila kaming makaalis. Pero may sinabi pa sa'min si Miss Rainne bago kami sumakay.

"I hope you didn't think of me as rude for not getting your names. Anyways, it doesn't matter who and what your names are but if anyone of you leaked information about this place... I will know who it is."

Continue Reading

You'll Also Like

27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1.1M 25.1K 51
If you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) or Goodnovel (Hope Castillana) or purchase a book on Immac Printing and...
3.4K 295 43
At an early age, Andrea already knows her responsibilities in life. She's the breadwinner of her family. Family is the first in line in the list of...
159K 7K 68
Alexandria She left Juan Miguel to chase her dreams Now that she's prima ballerina, she chooses to follow her heart The plan to make him fall in love...