The Good Between Bad

Por Celestine_Jade

788K 23.9K 1.7K

Marissa Rose Diva. A girl who doesn't want to gamble her heart when it comes to love. Ang gusto niya ay yung... Más

PROLOGUE
NAME YOUR CHAPTER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 : Critisism
Chapter 4
Chapter 5: Secret
Chapter 6
Chapter 7: It's you
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14: Princess
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Surprise...
Christmas/New Years Treat
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 23

13.2K 409 25
Por Celestine_Jade

Hindi na gano'n kadilim sa destinasyon namin. Halos lahat kami ay nagtataka kung nasa'n na kami. Gising na ang lahat pero halata ang pagod. Maging ako ay inaantok na.

Kinuha ni Seven ang gamit ko at bumaba. Sumunod ako at halos malaglag ang panga ko sa nakita.

Magtatago ito sa malalaking puno ng kagubatan. Isang malaking old style na mansion ang nasa harapan namin. Si Mimi ay napatanga rin at ang ilan sa'min ay tinitingala ang kagandahan at kalakihan ng bahay. May twin stairs to papunta sa main door na may nakabukas na mga ilaw sa magkabilang gilid.

May mga ilan ilan ding poste sa harap nito.

"Wow! This house is huge... and creepy." Tahimik akong tumango sa sinabi ni Mimi.

Hindi siguro ako gagalaw kung hindi marahang hinila ni Seven sa kamay ko.

"Bahay niyo 'to?"

"This is not our main house but this is where my family stays to have some peace of mind or to escape the messy world of business. Para lang sana 'to sa pamilya namin and special people but those insects ruined it."

Narinig ko ang pag-ismid ni Hyacinth sa likod. Si Camille ay patuloy ang pagsasabing pagod na daw siya. Ganun din si Roxanne. Minsan ay sinsaway nalang sila ni Bianca dahil sa inis.

Sina Jax at Renz naman ay tahimik dahil na rin siguro sa pagod.

May dalawang maids na sumalubong sa'min pagbukas ng malaking pintuan. Halatang hindi nila inaasahan ang pagdating namin dahil mga nakapantulog pa sila.

"Sir Seven? Ay, si Sir Seven nga. Pasensya na na po sir at hindi namin kayo nasalubong ng maayos. Hindi po namin alam na darating kayo. Teka lang po't maghahanda kami ng makakain."

Bumaling agad sa'kin si Seven. Tinanong kung nagugutom ako.

"Hindi, inaantok lang..."

"Please prepare the rooms instead."  Inabot ni Seven ang bag ko sa kanya na agad niyang kinuha. Narinig ko pa ang mapanuksong hagikgik ni Mimi sa likuran. "That is Jane and this is Elizabeth. You can ask her anything. Elizabeth, take care of all she needs."

"Opo, sir..."

"Hello po. Ako po si Maro."

Ngumiti siya at nagpakilala bago sabihing sasamahan niya 'ko sa kwarto.

"Sila po, sir?" tanong ni Jane sabay tingin sa likuran namin.

Agad na nagsalubong ang kilay nito. "I need to make a call. Don't disturb me."

Nang umalis siya ay sinamahan na ko ni Elizabeth sa kwarto ko. Sa tingin ko ay kasing edad lang nito si Seven o baka mas matanda ng konti.

Kinukuha na ng mga ibang kasambahay ang mga gamit ng mga schoolmates ko nang lingunin ko sila. Kumaway pa si Mimi sa'kin.

Hindi ko nakalimutang magpasalamat matapos niya kong dalhin sa isang malaking kwarto. Hindi ko na nagawang tignan ng mabuti ang buong silid dahil sa antok.

Naglalagkit na 'rin na kahit pa ang aircon ay hindi magawang tanggalin 'yon. Naglinis lang ako ng katawan at nagsuot ng sando at shorts tapos ay hinalungkat ko ang bag ko para sa toothbrush kahit na may nakita ako sa banyo na nakahanda na.

Hindi ko alam kung tunog ng kwago o katok sa pinto ang narinig ko dahil sa sobrang antok ay madali na 'kong nakatulog paghiga ko palang sa malambot na kama.

Nagising ako dahil sa lamig ng paligid. Inangat ko ang makapal na kumot mula sa pisngi ko at natulog ulit.

Medyo mataas na ang araw nang magising ako. Tansya ko ay mga alas-diyes na o alas onse. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling gumising ng gano'ng oras. Dahil siguro sa sobrang pagod o baka naman sa lambot ng higaan?

Sa higaan 'yon...

Gusto ko pa ngang mahiga at matulog pero naalala kong wala pa nga ako sa sariling bahay. Ang kapal naman ng mukha ko.

Isang asul at puting kwarto ang tinulugan ko. Malaki siya para sa guestroom. Nagtrabaho rin naman ako sa hotel noon kaya pamilyar ako kahit papaano.

Pinatay ko ang aircon, naghanda ng pamalit bago maligo. Sosyal ang banyo dahil may hot shower. Ang laki pa.

"Miss Maro, gising na pala kayo. Pupuntahan ko na sana kayo para gisingin. Nasa labas po ung iba niyong kasama."

Pababa na 'ko nang makasalubong ko si Elizabeth. Buti nalang kasi baka maligaw ako sa laki ng lugar.

Lumabas kami ng bahag at pumunta sa greenhouse. Puro salamin ang dinding. Tinanong ko sa kanya si Seven. Gising na daw pero hindi niya alam kung nasa'n. Umalis daw matapos magbilin.

Nasa'n kaya siya? Ni hindi ko man lamang nasabihan ng goodnight kagabi.

Si Hyacinth, Mimi, Jax at Renz ang nakita ko sa malayo. May mga bilog na mesa at bakal na upuan sa gitna mga puno at halaman. Iniwan na ko ni Elizabeth pero hindi niya nakalimutan na tanungin ako kung may gusto maliban sa pagkaing dadalhin niya. Light meal lang daw dahil ihahain na maya maya ang tanghalian. Alas diyes bente na kasi.

"Maro?" Napalingon ako nang may tumawag sa'kin. Si Bianca na naka loose shirt, shorts at boots.

"Bakit?"

Nakangisi siyang lumapit. Hindi naputol ang tingin niya. Hindi ko alam kung nasisiyahan siya, nanghuhusga o nangungutya. Basta nakakailang.

"So..." Pinahaba niya ang salita. "You and Seven, huh? He's a nice catch, diba? A big one too. Alam mo na ba na mayaman siya from the start?"

"Ano bang kailangan mo?" Diretso kong tanong.

"Wow! Nagbago ka na ng konti ah. You know how to be tough a bit. You need that anyway."

Tinanaw niya ang mga kasamahan namin at ngumiti. Ako naman ay naguguluhan sa mga sinabi niya.

"Ayoko ng gulo..."

Kumunot ang noo niya bago tumawa ng malakas. Naguguluhan talaga ako.

"Am I that bitch to you? Maro, please... I'm not here for a fight. As a matter of fact I approach you as a friend. Mas mabuti nang sa umpisa palang ay alam mo na ang ugali ko. I'm a bitch that's right but I'm not searching for a fight. Alam kong hindi mo 'ko kaya and if you're thinking na aagawin ko si Seven from you... don't, okay. Sayung sayo na."

Gusto ko siyang sagutin pero sobrang aga pa para agad na uminit ang ulo ko. Malaki ang pagpipigil ko. Kaya kung kailangang umiwas ay iiwas ako.

"Ganun ba... Sige pupuntahan ko na sina Mimi."

"Oh, you're friends..." Umismid siya. "Alam mo bang mas mabuti pa ang harap harapan kang ginagago kesa naman sa pagtalikod mo, bigla mo nalang na malalam na sobrang pagdudugo na ng likod mo dahil paulit ulit ka na palang sinasaksak?"

"Anong ibig mong sabihin?" Nakahalukipkip siya habang nakangiti sa'kin. May pinapahiwatig ba siya? May pagsaksak sa likod? Pagiging traydor 'yon hindi ba?

Tumawa ulit siya, lumapit at nilagay ang kamay sa aking balikat. "Maro, Maro... Of course di mo magets because you easily trust everybody. Dapat sa'yo straight to the point-"

"Princess." Dumating si Seven kaya hindi na niya nagawang ituloy ang sinasabi. Sa likod nito ay si Elizabeth na may tulak na service food cary. Mariin siyang nakatingin kay Bianca na parang pinapaalis siya.

"Fine, lover boy." Lumayo siya sa'kin. "Just remember, princess..." May pangungutya niyang sabi. "I'm just here kapag di mo na kaya."

Umalis ito. Sumunod si Elizabeth sa kanya.

"That's why I don't want them here. Is she bothering you"

"Hindi naman. Nag-usap lang kami." Masama ang tingin niyang tinanaw ang mga kasama namin.

"Tara na. Do'n na tayo..."

Tumingin siya sakin na parang may gustong sabihin. Napapaling tuloy ang ulo ko ng bahagya sa kanan dahil sa pagtataka. Bakit kaya?

Tinanggal niya ang isang kamay sa bulsa at humakbang palapit. Hindi na ko ganong nagugulat nang yakapin niya ko. Mahilig siya sa ganito eh. O di kaya'y humawak sa kamay.

Kakabit na ata ng pagiging malambing niya ang pagiging touchy. Para siyang bata minsan kung maglambing. Ang cute!!!

"Anong problema, Seven?"

"I don't want them here."

Naguilty tuloy ako. Ako ang nagpumilit na sumama sila sa'kin kaya ngayon ay parang bata siyang nagsusumbong habang nakasuksok ang mukha sa leeg ko. Pero hindi naman pwede silang iwan.

Ang totoo pwede. Malaki na naman sila.

"Pasensya na, Seven. Kung hindi lang ako nagpumilit na isama sila dito..."

Humampas ang mainit na hangin ng buntong hininga niya sa aking leeg. Nakaramdam ako ng kiliti.

"It's not your fault." Lumayo siya at naiwan ang kiliti do'n. "It's just that... now that they're here, we can't spend more time alone. I still have things prepared for you. Naaasar ako kasi baka guluhin nila like in the Olympus."

"Edi may hihintayin pa pala akong surprise pag-uwi natin?"

Tagumpay ang balak kong pagaanin ang loob niya. Napangiti ko siya dahil sa sinabi ko. Napatameme ako sa mga biloy niyang naglabasan.

"You should be ready then. It'll be more memorable than the first."

"Anong first? Kelan 'yon" mabilis na kumunot ang noo niya. Ako naman ay nagpipigil ng tawa dahil sa itsura nito.

Nagdate narin kasi kami datii nung nakaraan. Yung mga panahong hinahanap pa niya ung titolo ng lupa.

"If you can't remember that means you didn't enjoy it. First date and I failed. Dammit!" Madilim ang tingin niya sa kawalan. Syete! Sumobra ba ko?

"Ui joke lang..." pagbawi ko. "Ang totoo ay tandang tanda ko. Iyon yung pinaka masaya at memorable na date. Nasabi ko na sa'yo yun kagabi diba? Simula noong dumating ako sa Olympus naging masaya na ang lahat pero ang pinakamasaya ay yung date natin. Yung mga dekosyaon tapos dumoble yun nung dumatin ka..."

Nakatingin niya sa'kin na parang di naniniwala sa sinabi ko. Umiling siya bago magsalita. "Sinasabi mo lang 'yan."

"Hindi nga!"

"I'm quite disappointed with myself but I can't help but to feel excited." Ha? Bakit? "It makes me wanna do better to make you happy next time."

Yumuko siya para tignan ako. May kung anong kinang na sa mga mata niyang hindi ko maiwasan. Namula ako sa hindi alam na dahilan.

Ang isang gilid ng labi niya ay naka-angat na parang nagagalak sa kung ano. Ang ganda niyang tignan. Kaya ko siyang tignan ng kahit ga'no kahabang oras. Siya lang at walang lingunan.

Pero natalo agad ako nang tumunog ang tiyan ko. Lumaki ang ngiti nito. Lumalim naman ang pamumula at pag-iinit ng mukha ko.

Nag-iwas at lumikot ang aking tingin, hiyang hiya sa nangyari. Agad akong umalis para puntahan ang mga kasama ko. Narinig ko ang mahinang tawa niya sa likuran ko.

Syete naman! Moment na'yon eh. Wrong timing si gutom.

Tumabi sa'kin si Seven sa sofa. Katabi ko si Mimi sa kanan ko na kumakain ng clubhouse. Binati niya 'ko at ganun din ako sa kanya. Katapat ko si Renz, si Hyacinth sa kanan niya at si Jax sa kabila, katabi ang nobya. Pare-pareho silang may hawak na sandwich at kumakain maliban kay Hyacinth na tahimik at mukang may iniisip.

"The driver just informed me that Sir Tan reschedule our flight this afternoon. 5:25pm. Anong oras dapat kami umalis dito, Seven?"

"Three."

Sinagot ni Seven si Bianca na nilapag ang phone sa salamin na lamesa at kinuha ang baso ng juice.

Nagdatingan na ang mga kaklase nila Jax. Umupo sila sa mga bakal na upuan sa tapat ng pabilog na lamesa sa di kalayuan.

Nagkwentuhan sandali pero biglang napunta kay Seven ang usapan. Nakita ko ang ilang beses na pag-ismid nito pag nagtatanong sina Camille sa kanya.

Ang tinatanungan naman nila ay nakatingin lang sa sahig at walang ganang sumagot habang tahimik na kumakain. Since ayaw niyang sumagot, ako ang nakita nila.

Kelan naging kayo?

Pa'no ka niya niligawan?

Did you kiss already?

When's your first date?

Tinadtad nila ako ng tanong na mahirap sagutin dahil sa hiya.  Hindi ko rin alam kung sasagutin ko ng totoo dahil ang nangyari sa'min ay hindi normal para sa nagliligawan.

"Bes, okay kalang?" Biglang tanong ni Mimi kay Hyacinth.

Napansin rin siguro nito na kanina pa soya tahimik. Nagtatawanan at nagkwekwentuhan kanina pa pero siya seryoso. Parang ang layo at lalim ng iniisip niya.

"You're her new bestfriend, Mimi. You should know na ganyan siya kapag may malaking iniisip." Sabi ni Bianca. "Care to tell us, princess? Oh, wait! I'm sorry, Seven for using your endearment on your girlfriend."

Ngumiti ito at kumindat kay Hyacinth matapos tumingin kay Seven. Matalas at madilim ang sinukling tingin ng kausap sa kanya. Nag-iigting ang mga bagang nito at nakakuyom ang mga kamao.

Nag-aaway ba sila? Para kasing gustong nang manabunot ni Hyacinth.

Kinabig ni Jax sa bewang si Bianca palapit. Matamis na ngumiti ito sa nobyo bago niya ito halikan sa pisngi. Hindi nito alintana ang kaninang tingin ni Hyacinth na ngayon ay pinupukol na sa sahig.

Dumating si Elizabeth at nag-excuse kay Seven. Sinabi nito na tumawag si Stephen sa house phone. Umalis naman agad si Seven matapos magsabi sa'kin.

Nang makaalis sila ay ako naman ulit ang pinuntirya ng tanong. Para silang sobrang excited sa mga isasagot ko na hindi ko alam kung pa'no sabihin.

Ang ingay nilang magkwentuhan nang mapunta sa iba ang topic. Gusto kong makinig pero napunta ang atensyon ko sa babaeng naglalakad papunta sa'min.

Seguir leyendo

También te gustarán

10K 376 33
Disclaimer: this story is just from my imagination. this is not reflected in anything or anyone. this is just a work of imagination. all characters...
27K 1.2K 32
How hard is it to be loved?
65.1K 1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
345K 6K 62
BACHELOR SERIES I #BLUE DE VERA & SABRINA JIMENEZ