I'm In Love With My Sister's...

By Slowding

386K 5.7K 1.4K

(COMPLETED) Super hate ni Mandy ang boyfriend ng ate niya na si Charles. Naririndi siya kapag nakikita ito o... More

I'm In Love With My Sister's Boyfriend
Update 1
Update 2
Update 3
Update 4
Update 5
Update 6
Update 7
Update 8
Update 9
Update 10.1
Update 10.2
Update 11
Update 12
Update 13
Update 14
Update 15
Update 16
Update 17
Update 18
Update 19.1
Update 19.2
Update 19.3
Update 20
Update 21
Update 22
Update 23
Update 24
Update 25
Update 26
Update 27
Update 28
Update 29
Update 30
Update 31
Update 32
Update 33
Update 34
Update 35
Update 36
Update 37
Update 38
Update 39
Update 40
Update 41
Update 43
Update 44
Update 45
Update 46
Update 47
Update 48
Update 49
Epilogue
Author's Note ♥

Update 42

4.6K 63 7
By Slowding

Dedicated ito SAYO.. Oo, ikaw na nagbabasa nito. Hihihi. Love love ♥

By the way, sana mabasa niyo rin yun isa ko pang story - He Changed My Life. Click the external link or pakihanap sa works ko. Hihihi. Thank you! 

Sana magustuhan niyo...

X X X X X X X X X X X X X X X X X

 

Mandy's POV

Nagising ako dahil sa naririnig kong ingay.

"What?! You can't do this to me, Maxene!" Napapasigaw na si Yabang.

Teka, nag-aaway ba sila?

Nagising na rin si Mommy dahil marahil sa sigaw ni Yabang.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Mommy. Tumayo ito at nilapitan si ate.

"Mom, Mandy, pwede po bang lumabas muna kayo? Mag-uusap lang muna kami ni Charles."

Lumapit ako kay Yabang at automatic na napahawak sa braso niya. Medyo nanginginig siya dahil sa galit. Nakakuyom pa ang mga palad niya. Naku, masama ito. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ano bang problema nila?

"Yabang, huwag mo namang sigawan si Ate. Alam mo namang masama para sa kanya yan eh." Sabi ko sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang ito. Naramdaman ko namang medyo kumalma siya at hindi na nakakuyom ang mga palad niya.

Si Mommy naman ang binalingan ko. "Mommy, breakfast muna tayo."

"Mamaya na---"

Marahan kong hinatak si Mommy palabas ng kwarto.

Kailangan nilang dalawa ng privacy. Kahit na medyo kinakabahan ako.

* * *

Charles' POV

 

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon si Maxene. 

Bakit makikipaghiwalay na siya sa akin? Dahil sa sakit niya? Dahil sa sinasabi niyang mamamatay na raw siya? No, she won't die. I won't allow her. It won't happen.

But I really don't get it. Susuko na lang ba siya ng ganun?

Napaupo ako sa couch nang lumabas sina Tita at Mandy.

"Hindi ako papayag sa gusto mo." Matigas na sabi ko.

"Why? You still want to be with someone who's dying?" Kaswal na sabi niya.

"You are not dying. What the hell, Max, bakit ka ba nagkakaganyan?!" Naiinis na sabi ko.

Umupo siya mula sa pagkakahiga. Nagpakawala siya ng isang tipid na ngiti.

"I just want you to be happy, Charles." She said without looking at me.

"I am happy with you." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin. "But you are the happiest when you are with someone else."

Naguguluhang napatingin ako sa kanya. Pero mukhang alam ko na kung saan patungo itong pag-uusap namin. 

Muling bumalik sa isipan ko ang mga bagay na matagal nang gumugulo sa isip at puso ko. Once again, I felt guilt.

Nagsalita ulit ito. "Alam mo, may aaminin ako sayo."

Hindi na ako sumagot, letting her continue what she was about to say.

"Sinadya ko talagang patirahin si Mandy sa bahay mo." Bahagya pa itong natawa. "I knew that she really hates you so much. I know I was being so silly that I thought about matchmaking the two of you. Sorry Charles."

I knew it. Kay Mandy patungo ang usapan namin. At hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa sinabi niya. Did she actually do that to her own boyfriend and sister? 

"Nung bumalik ako dito, naisip ko na mukhang nagtagumpay ako. Charles--"

"Stop this nonsense Max." Sabi ko. Hindi ko na maarok ang mga sinasabi niya.

Pero nagpatuloy pa rin siya. "Charles, aminin mo man o hindi, ramdam ko lahat. The way you look at her, the way you are with her, the way you look at her and her boyfriend, lahat yun ramdam ko. Alam ko Charles."

Lumapit ako at umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. "Ikaw ang mahal ko Max."

"I know. And I thank you for that. Mahal na mahal din kita Charles--"

"Then why break up with me? We love each other."

"Mas mahal mo siya. Stop denying Charles."

Nag-iwas ako ng tingin at ilang sandali na natigilan ako. Damn, yes. Mahal ko na nga siya. Nagseselos ako kapag kasama niya si Julius. I just want her for myself. Pero..

Magsasalita na sana ako nang bigla ulit siyang magsalita.

"Charles, please do me a favor."

Ano na naman kayang pabor ang hihingiin niya?

* * *

Mandy's POV

Ilang araw na rin mula nang lumabas kami ng hospital. Hindi ko pa rin matanggap sa maaaring sapitin niya. Lalo na ngayong ayaw pa niyang sumailalim sa transplant na siya sanang tanging pag-asa para maextend pa ang buhay niya. Ilang beses na rin namin siyang pinipilit na mag-undergo ng transplant, pero ganun talaga ang gusto niya eh. Wala na rin kaming magagawa.

Ngayon, nakatambay lang kami sa sala sa bahay. Nagbabasa ako ng magazine, habang si ate ay nanonood ng TV.

"Mandy, hindi ka na ba talaga galit sa akin?" Biglang tanong ni ate sa akin.

Iniangat ko ang tingin ko mula sa pagbabasa ng magazine at umiling ako. "I felt betrayed dahil tinago niyo ito sa akin, pero naintindihan ko na rin naman. Kung ako lang din ang nasa sitwasyon mo, mahihirapan din akong ipaalam sa inyo."

"Sorry talaga."

"Ate, ilang beses ka ng nagsosorry. Okay na nga yun. Ikaw talaga." Mula nung lumabas kasi kami ng hospital, panay na ang paghingi niya ng patawad.

"Sorry."

"Ayan ka na naman eh, hindi na kita papatawarin, sige ka."

Nagtawanan na lang kami.

"Kumusta ka na nga pala?" Tanong niya.

"Eh? Para namang matagal tayong hindi nagkita." Sabi ko.

"Hindi, what I mean is, okay ka na ba? After nung... you know.. Nawala si Jules."

Napabuntong-hininga ako. "Okay lang. Kahit marami pa ring tanong sa isipan ko kung bigla siyang nawala, okay na rin ako."

Patuloy ko pa ring hinanap si Jules. Pinuntahan ko na ang lahat ng lugar na pwede niyang puntahan, tinanong ko na lahat ng mga kaklase at mga kaibigan niya, pailang ulit ko na siyang tinawagan at nitext, pero wala eh.. Hindi raw nila alam. Hindi na rin nagpakita si Jules sa kanila.

Sumuko na ako.

Sa totoo lang, hindi ko na nga siya masyadong naiisip. Ang weird nga eh. Oo, nasaktan nga ako ng sobra. Pero ewan ko.. parang okay na ulit ako. Patuloy lang ulit akong namumuhay.

Actually, iba na rin kasi ang gumugulo sa isipan ko.

"Huwag mo ng isipin yun. Ganun talaga. May mga taong akala mo makakasama mo na habang-buhay pero hindi pala."

Tumango na lang ako bilang tugon sa sinabi niya.

"Alam mo, may isang bagay na gustong-gusto kong gawin nating dalawa." Sabi niya.

"Talaga? Ano?"

"Sandali, may kukunin lang ako sa kwarto." Sabi niya and she left.

Hinatid ko lang siya ng tingin. She may looked so jolly, pero hindi maikakaila sa mukha niya na may sakit siya. Naiiyak na tuloy ako. Pero agad ko namang pinigilan iyon.

Bumalik siya na dala-dala ang wireless phone at phone directory namin.

"Anong gagawin natin diyan?" Tanong ko. 

She sat beside me. "Diba nung mga bata pa tayo, mahilig tayong paglaruan ito?"

Tumango ako. "Oo, may tatawagan tayo tapos kapag sinagot na nila, ibababa na agad natin."

"Tama. Gawin ulit natin iyon ngayon." Nakangiting sabi niya.

Nag-alangan ako. "Ano? Eh baka naman may magalit sa gagawin natin."

"Hindi yan. Promise. Wala namang nagagalit nung ginawa natin ito dati diba?" Binigay niya sa akin ang phone.

"Oo."

"Okay," Binuksan niya ang phone directory. At naghanap ng matatawagan doon.

"O eto, Pizza House. I-dial mo ang number." Utos niya.

Tinawagan na namin ang Pizza House. First ring pa lang, sinagot na nito ang tawag namin. Idinikit ni ate ang tainga niya sa phone na nasa tainga ko.

"Hello, thank you for call---"

Agad naming tinapos ang tawag.

"Hahahahahahaha!" Natawa kami ni Ate.

"Nagtataka siguro yun ngayon. Hahahaha." Sabi ko.

"Oo nga, tawag ulit tayo!" Naghanap ulit siya sa phone directory. "Hmm, tumawag naman tayo sa mga malalaking companies. Eto, Smart Telecommunications."

Sunod naming tinawagan ang Smart. Ganun pa rin ang ginawa namin, pagkasagot ng tawag, agad naman namin yung hinang-up.

Madami pa kaming tinawagan. Mga fastfood chains, mga malls, mga clinics, pati mga networks gaya ng ABS-CBN at GMA. 

Tawa kami ng tawa. Parang bumalik ulit kami sa pagkabata. 

Naghahanap ulit kami ng matatawagan ng biglang may nagdoorbell.

"Ako na magbubukas ng pinto." She volunteered.

Ilang segundo lang itong nawala saka bumalik ulit na may kasama na.

"Charles is here." Masayang saad ni ate habang naka-link ang braso niya sa braso nito.

My heart swelled at just the sight of him. Bagong gupit na ito. Maikli na ang buhok nito at may konti pang style. He looked so good.

"Hi Yabang." Sabi ko sa kanya.

Nagbigay lang ito ng matipid na ngiti.

"Upo ka muna, ikukuha kita ng maiinom." Sabi ni ate. Pumunta ito sa kusina. 

Umupo siya sa couch kung saan din ako nakaupo. Pero sa dulo siya umupo. Tahimik lang siya. Hindi niya ako kinakausap.

Ilang araw na siyang ganito. Ilang araw na niya akong hindi pinapansin, mula nung lumabas si ate sa hospital. Hindi ko alam kung bakit. Nung una, hinayaan ko lang. Baka kasi medyo shocked lang siya sa condition ni ate at gusto niya munang mapag-isa.

Pero sa nakikita ko naman, okay naman na sila ni ate. Mukhang hindi na ito tungkol kay ate o sa kondisyon niya.

Kapag nagtetext ako sa kanya, hindi naman siya nagrereply. Kapag bumibisita siya dito sa bahay, hindi niya ako kinakausap. Magbubukas ako ng usapan pero ang tipid lang ng sagot niya. Kay ate lang nakatuon ang atensyon niya at sa ibang tao. Maliban sa akin. Naging malamig na siya sa akin. Iniiwasan nga niya ako.

Panay isip ko kung may nagawa ba akong mali sa kanya na maaaring ikagalit niya. Pero wala naman akong maisip eh.

Nasasaktan na ako, sobra.

"Yabang," Tawag ko sa kanya.

Lumingon siya. Pero wala makikitang ekspresyon sa mukha niya. Blangko lang.

"M-may problema ba tayo?" Tanong ko.

"Wala naman." Sagot niya.

"P-pero bakit mo naman ako iniiwasan? May nagawa ba akong mali sayo?"

Inalis niya ang tingin niya sa akin.

Magsasalita pa sana ako nang biglang sumulpot si ate.

"Eto na ang juice." May dala siyang tray kung saan may tatlong baso ng orange juice.

Tumayo na ako. "A-ate, sa kwarto muna ako ah."

Nilapag niya ang tray sa table. "Ayaw mo ng juice?" Tanong niya.

Umiling ako. "Sige, akyat muna ako."

Dali-dali akong pumunta sa kwarto at nilock ko iyon pagpasok ko.

Kinuha ko ang phone ko at agad tinawagan si Trina.

Pagkaraan ng dalawang rings, sumagot na ito.

"Yes BF?"

"B-BF, p-punta ka naman dito o." Naiiyak na saad ko.

"Umiiyak ka ba? Anong nangyari?"

"B-basta, punta ka na dito."

"O sige, wait ka lang ng 15 minutes."

Tahimik lang na tumango ako and I ended the call.

Doon ko na pinakawalan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

* * *

Trina's POV

"Ang cute ng mga bata!" Di ko napigilang sabihin kay Calvin. Ang daming mga batang patakbo-takbo dito sa park. Ang kulit nilang tingnan! Gusto ko na tuloy magka-baby. >,<

Inakbayan niya ako. "Gusto mo... gawa na tayo ng baby natin?" Nakangising saad niya.

O___o!?

Tinulak ko siya palayo. "O-oy, Calvin Buenafe, hindi pa nga tayo kasal! Bata pa ako!!"

Tumawa ito ng malakas. "Langya, ikaw naman, di na mabiro. Hahahaha."

"Ikaw talaga."

Naupo kami sa isang bench na yari sa bato. At natahimik kami ng ilang minuto.

"Kasal.." Biglang saad niya habang nakangiti.

"Ha?" Nagtatakang tanong ko.

Lumingon ito at mataman akong tinitigan. "Gusto mo ba talagang maikasal sa akin Trina?" Seryosong tanong niya.

Eh? Bigla naman akong kinilabutan. Seryoso kasi siya eh. Ngayon lang siya ganito.

Nag-iwas ako ng tingin. Para kasi akong lalamunin ni Sweetiepie sa titig niya eh!

"O-oo naman... Sana... Kung tayo talaga ang magkakatuluyan." Sabi ko.

"Langya, kung makapagsalita ka naman, parang maghihiwalay tayo anytime."

"E-eh, hindi naman sa ganun. Pero hindi naman natin alam ang mangyayari sa hinaharap diba? Baka may mangyari tapos maghihiwalay--"

"Hindi yan mangyayari. Tara na, ihahatid na kita." Malamig na sabi niya. Tumayo na ito at naunang maglakad.

Hala, mukhang di yata niya nagustuhan yung sinabi ko. Aish! Trina naman kasi!! >.<

Susundan ko na sana siya para magsorry nang biglang magring ang phone ko.

BF calling...

Tumatawag si Mandy. 

Kinuha ko ang phone sa bag ko at saka sinagot ko ito. 

"Yes BF?" Sabi ko.

"B-BF, p-punta ka dito."

Teka, 

"Umiiyak ka ba? Anong nangyari?"

"B-basta, punta ka na dito."

"O sige, wait ka lang ng 15 minutes."

Tinapos na niya ang tawag. Agad kong hinabol si Sweetiepie na malayo na pala ang narating.

"Sweetiepie," Hinihingal na sabi ko nang maabutan ko siya.

"S-sorry na..." Sabi ko.

Napabuntong-hininga ito. "Huwag mo na ulit sasabihin yun. Ayokong makarinig ng ganun. " 

"Sorry talaga. Hindi na mauulit. Promise!"

Ngumiti ito at saka inakbayan ako. "Tara na!"

"Teka, tumawag si BF. Umiiyak. Punta raw ako sa bahay niya." Sabi ko.

"Ha? Bakit? Anong nangyari?" Tanong niya.

"Hindi ko alam eh." 

"O sige, samahan na kita."

Sumakay na kami sa kotse niya at tumungo na sa bahay ni BF.

 X X X X X X X X X X X X X X X X X 

Abangan sa Update 43

Charles' POV

"Langya, hindi pa naman Mahal na Araw ah. Pero pang Biyernes Santo na yang mukha mo." Sabi ni Calvin habang papalapit sa kinaroroonan ko. Umupo ito sa tabi ko.

 

"Tss." Sabi ko.

 

"May problema ba, pre?" Tanong niya.

 

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Ang hirap, pre."

 

"Alin?"

 

"Nasa malapit lang siya pero parang ang layo niya pa rin."

 

Natawa ito. "Langya naman, edi lapitan mo pa. Papahirapan mo pa sarili mo."

 

"Hindi pwede eh."

 

"Bakit, dahil may gusto kang patunayan?" Tumayo ito at sinuntok ako ng malakas sa mukha dahilan para matumba ako sa kinauupuan ko. "Langya! Eh isa't kalahating gago ka pala eh!" 

 

Napatingin na lang ako sa kanya habang hawak ang pisngi ko.. 

 

 

* * *

 Mandy's POV

 

"Bakit ka na naman umiiyak? Dahil na naman ba kay Jules?" Tanong ni Trina sa akin.

 

Umiling ako.

 

"Eh ano?" Tanong niya ulit.

 

Kinuwento ko sa kanya ang ginagawang pag-iwas sa akin ni Yabang.

 

"Ang sakit-sakit na, BF. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito." Patuloy ko.

 

"Weh? Di nga? Di mo alam kung bakit ka nagkakaganyan?" Tumawa ito. "Hay naku, BF.. Ewan ko sayo."

 

Nagtatakang napatingin ako sa kanya.

 

She rolled her eyes . "Come on, wag mo ng itago sa akin. Tell me."

 

Napabuntong-hininga ako. "Nasasaktan ako kasi... K-kasi... m-mahal ko siya."

X X X X X X X X X X X X X X X


I know it's quite short/lame. May WB lang talaga. Pero sana magustuhan niyo pa rin.

Vote and react na! ♥

Slowding ♥

Continue Reading

You'll Also Like

183K 3.4K 36
Teaser Si Danica ay galawgaw, matapang, palaban pero malambing at may malaking puso. Pero ang katangian niyang yon ay natatabunan ng realidad na hind...
1.8M 22.6K 58
(Rated SPG) She thought she knew her limitations with alcohol but she's wrong and then she got drunk. She became wild and had her first sex with a to...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
98.7K 2K 22
Wynter Cassandra and Jocas Piero; Parang aso at pusa, tubig at langis, yelo at apoy-na kailanman ay hindi na magkasundo. Wynter is a certified stubbo...