The Good Between Bad

By Celestine_Jade

788K 23.9K 1.7K

Marissa Rose Diva. A girl who doesn't want to gamble her heart when it comes to love. Ang gusto niya ay yung... More

PROLOGUE
NAME YOUR CHAPTER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 : Critisism
Chapter 4
Chapter 5: Secret
Chapter 6
Chapter 7: It's you
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14: Princess
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Surprise...
Christmas/New Years Treat
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 22

12.7K 409 26
By Celestine_Jade

Sa di kalayuan ay may tumawag din sa kanila. Humahangos ito at halata ang pagkainis. "Anong ginagawa niyo dito? I told you to not go outside the villa, didn't I?"

Saglit na tumingin si Mimi sa kanya bago sa'min. Si Hyacinth naman ay sa'min lang ang paningin.

Medyo madilim pero alam ko ang nagtataka at mapanghusgang tingin nila. Naramdaman ko ang paghigpit ni Seven ng hawak sa bewang ko. Noon ko lang napansin na nakakapit pa pala siya.

Lumayo ako bahagya pero mas lalo niya lang ako inilapit sa kanya. Napansin 'yon ng dalawa na mas lalong pinag-alala ko.

"I'm so sorry, Seven. I didn't know that-"

"I think you also didn't know how to follow a fvcking single instructions, Damian."

"Seven-"

"No outsiders allowed."

"Sandali!" Pagsingit ni Mimi. "Anong nangyayari, Damian? Bakit nandito sila Maro at Seven? Hindi ba sa'yo 'tong resort na 'to?"

"Mamaya nalang, Mimi."

Mas lalong remehistro ang pagtataka kay Mimi. Tinitigan ko ang lalake sa tabi niya. Siya ung pamilyar na lalaking sumundo sa amin.

Ngayong magkatabi sila ni Mimi, saka ko siya natandaan.

Yung lalaking kasayaw niya sa bar. Oo! Tama. Hindi ako nagkakamali. Siya nga 'yon.

Nagsimula nang magsilapitan ang ibang mga staff para tanungin siya. Pati ung mga musikero ay lumapit na din. Nagtataka sila kung tapos na daw ba na lalong ikinabahala ni Damian.

Nailang ako nang makitang nakatitig sa'kin si Hyacinth kaya napatingala ako kay Seven.

Kinabahan ako dahil sa itsura niya. Bumalik ung Seven na una kong nakilala at ang tingin na binabato niya kay Damian ay matatalas at malalamig.

Galit siya. Kitang kita 'yon.

"Seven..." Sabi ko kay Seven. "Balik na tayo..." Pagyaya ko.

"Shįt!" Narinig ata ni Damian ang sinabi ko dahil napatingin siya sa'kin. "I really am sorry, miss."

"O-okay lang."

Si Mimi ay panay ang tanong kay Damian pero hindi siya sinasagot. Ang mga staff ay natakayo lang bago sila sabihan ni Debbie na pwede nang bumalik.

Maya't maya ang pagtigas ng panga niya. Kinalabit ko siya.

"Tara na?" Lumabot at ekspresyon niya nang makita ako.

Umangat ang isang gilid ng labi na parang pilit ay may panghihinayang.

"Fine." Aniya at tinignan si Damian. "We need to talk, Mr. Jacobo."

Tumango ito. "Debbie, please escort them to the main villa."

"No." Malamig na pagtanggi ni Seven. "That's where she's staying and I want none of them there except for my girl."

Rinig ang malakas na pagsinghap ni Mimi. Napahawak siya sa braso ni Hyacinth na halatang gulat na gulat din at di makapaniwala. Nakaturo pa ang nanginginig na daliri ni Mimi sa'kin at kay Seven.

"Of course-"

"Hindi." Pagpigil ko. Napatingin sila sa'kin. "O-okay lang naman. Gusto ko rin silang kasama. Nakakalungkot kasing mag-isa do'n."

Buti nalang at pumayag siya. Marahan niyang tinulak ang likuran ko bago kami umalis. Hinatid kami ni Debbie sa main villa.

"You look tense. Kung ayaw mong kasama sila, tell me." Bulong ni Seven habang pabalik. Ang braso niya ay nakapulupot parin sa bewang ko.

"Okay lang ako."

"You sure?"

Tumango ako. Nakasunod samin yung dalawa pero alam kong nagbubulungan sila. Sumaglit lang si Seven sa villa dahil kakausapin niya pa si Damian.

Naiwan kami at Hindi ko alam kung pa'no kakausapin ang dalawa. Magkatabi sila sa kulay gintong sofa habang ako ay nasa harap.

Si Debbie ay umalis na din matapos kaming dalhan ng maiinom.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin nila. Pero bakit ko nga ba iniisip kung anong sasabihin nila? Ano naman ngayon kung malaman nila o ng buong school?

Dahil takot akong mahusgahan.

Dahil takot akong may sabihin silang mali sa 'kin. Takot akong pinagbubulungan. Kaya nga noon pa ay nananatili akong tahimik at nasa background. Kapag hindi ka pansinin, magiging tahimik ang buhay mo.

Walang manghuhusga at payapa ang isip mo. Simple lang naman ang dapat mangyari. Magcollege ka, grumaduate at magtrabaho para sa pamilya.

Yun lang ang plano ko. Kaso sumingit sa buhay ko si Seven. Isang di inaasahang pangyayari. Maganda at nakakabahalang pangyayari.

Halatang naguguluhan parin si Mimi habang may pabulong na sinasabi sa katabi. Inaalog pa nito paminsan minsan ang braso niya pero nanatiling kalmado si Hyacinth.

Bakit parang may kakaiba sa kanila. Ganito na ba ka big deal ang maging girlfriend ng isang gaya ni Seven?

"Bakit gano'n, bes? Ang akala ko... Ang sabi kasi ni-"

"I didn't know that you and Seven are in a relationship." Mabilis na tanong ni Hyacinth sa'kin.

"Ha-eh... Oo..."

"Bes..."

"Kailan pa?"

"June..."

"Matagal na pala." Tumango tango si Hyacinth. Si Mimi naman ay parang nanghihinayang tapos bumuntong hininga. Tinanong ko kung bakit pero wala lang daw 'yon.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Debbie. Hindi lang siya.

Halos lumuwa ang mata ko sa gulat sa pagdating nila Jax, Bianca at mga kaibigan nila. Si Camille, Roxanne, Renz at pati narin yung tatlong ibang kasama namin sa van. Alam ko classmate nila ang mga 'yon eh.

Lumingon lingon sila sa paligid pagkatapos at namangha. "Wow! This place is so grand..."

Bulong ni Roxanne. Binaba ng mga staff ang mga gamit na sa palagay ko ay kanila.

Nakita ko ang gamit ko na bitbit ng isang staff. Naaiwan ko nga pala 'yon sa hotel. Tumayo ako at kinuha iyon sa kanya. Do'n lang nila ako napansin.

Lahat sila nagtaka habang pabalik ako sa sofa at umupo. Nakatingin at pinagmamasdan ang kabuuan ko.

"Naiwan mo kaya dinala namin..." Sabi ni Mimi at pilit na ngumiti.

Nagpasalamat ako. Iginaya ng mga staff na umupo ang mga bagong dating. Lumipat ako sa pang-isahang upuan para maging komportable sila.

Lumapit sakin si Debbie at nagtanong. "May gusto po ba kayo, Miss Maro?"

"Okay lang ako, Debbie pero pwede bang humingi ng makakain at maiinom para sa kanila?"

Matamis itong ngumiti. "Sige po pero hindi niyo na po kailangang magpasalamat. Trabaho naming pasayahin at gawin kang komportable habang nandito ka kaya huwag kang magdadalawang isip na sabihin sa'kin o kanino man ang mga gusto mo, Miss Maro."

"Wait there, miss." Biglang sabi ni Bianca. Naka krus ang mga binti nito habang nakaupo sa sofa sa aking kanan. "Why are you treating her special. Like she owns this place? She's just a commoner. Even with the nice dress, accessories and all..."

Tumigas ang tingin ni Debbie dito pero hindi nawala ang ngiti nito. Umarko ang kilay ni Bianca habang naghihintay ng sagot.

"Dapat lang po dahil inupan ni Sir Seven na boyfriend niya ang buong lugar para lang sa kanya. He specifically told us to treat her like a princess at ayaw niya ng kahit isang bagay na hindi magugustuhan ni Miss Maro. Kaso may mga dumating kaya tiyak na kinakausap na ni Sir Seven si Sir Damian."

Hindi pinansin ni Bianca ang mapait na tono ni Debbie sa huling sinabi bagkus ay tumawa ito na parang di makapaniwala.

"Seven? As in Seven the univ's ice pauper. Pauper as in poor? B-boyfriend nito?" Tinuro niya ko.

"Kung ang ibig sabihin po ng pauper ay ung kayang magrenta ng isang buong isla at resort sa halagang sampung milyon, siya ng po siguro 'yon? Pwede ko po bang malaman kung pa'no kayo napunta dito? Ang alam ko pinagbabawal po ang tagalabas."

Mga singhap at bulung bulungan ang pumalibot sa buong lugar. Hindi nila sinagot ang tanong ni Debbie. Napahigpit ang yakap ko sa malaking bag sa kandungan.

Hindi lang sila ang hindi makapaniwala at nagulat pati ako. Umungol ako at binaon sa bag ang mukha.

Syete! Sampung milyon? Gumastos siya ng gano'n para sa'kin?

May parte na masaya ako. May parteng hindi. Sayang kasi. Kung sa kanto nalang kami nagdate okay lang. Kahit turo turo sa halangang fifty pesos. Pero 10 million?

Ang dami nang mabubusog na street children pag binili ng pagkain.

Pero hindi magiging kasing memorable nito 'yon.

"No fvcking way..." Bulong ni Jax.

"Eww! Pero bagay sila because they're both loosers."

Hinampas ni Roxanne si Camille. "Aren't you listening. Inupahan ni Seven ang buong place. Meaning, he's not a pauper nor a looser." Parang kumakausap ng bata si Roxanne. Ang kausap naman ay mabagal na tumango nang magets ang sinabi. Umikot ang mata ni Roxanne.

"Seven Dela Vega... Is he related to the Dela Vegas? Yung may-ari ng napakaraming R&A subdivision and biggest winery?" Tanong ni Renz. Nagbulung bulungan na naman sila.

"But I thought sa Brazil naninirahan ang pamilya nila. Do'n ang headquarters ng mga business nila, eh. Also, they're aloof. Ayaw kasi nila ng media. Ni hindi ko nga alam kung ilan silang magkakapatid."

"Apat." Wala sa sarili kong sagot. Nakwento kanina ni Seven sa'kin. Napayuko agad ako sa mga tingin at irap ni Bianca.

"You gotta to be fücking kidding me! This is unbelievable."

"Maniwala ka na, Jax." Sabi ni Hyacinth. "Is the news of Seven being a filthy rich that shocking. Nagulat din ako but it makes sense now. The way he talks and his moves. His foreign features... halata naman simula no'n. Di lang natin pinansin."

"You look happy, Hyacinth."

Nagkrus ang mga braso ni Bianca. Binato niya pa ito ng makahulugang ngiti. Naningkit ang mga mata ni Hyacinth sa kanya.

"Of course I am, Bianca." Umismid si Bianca. "Congratulations, Maro. I hope you're happy."

Sincere ang ngiti na ipinapakita ni Hyacinth sa'kin. Biglang nawala ang tension na nararamdaman ko.

Ganoon din si Mimi. Binati niya ko at nalawak na ngumiti. Ang akala ko huhusgahan nila kong dalawa pero hindi.

Tinulungan ni Debbie ang mga staff na ilagay ang mga midnight snack sa lamesa.

Ngayong okay na ang lahat, pwede na kaming magrelax ng sama sama. Nagkwentuhan pa kami nah tuluyang mawala ang tension. Maliban kay Jax na tahimik at parang aburido.

Tinanong ko muli kung pa'no sila napunta dito. Ang sabi ni Mimi ay nasiraan sila ng van. Nagpaiwan sila ng saglit dahil ang akala ay magagawa pa 'yon. Nagawa nga pero nasira sa gitna ng daan.

Sakto namang napadaan ang sasakyan ni Damian kaya tinulungan sila. Isa pa gabi na kaya hindi na sila pwedeng magbyahe. Dito daw pala siya talaga nakatita. May trabaho daw kasi siya no'n sa Manila.

Yung driver ay kasama ng mga mekanikong tinawagan ni Damian. Alam na rin ni Sir Tan ang nangyari kaya ang balak at bukas na sila susunod. Yung driver ang kontak niya.

Bumukas ang pintuan. Agad na napayuko ang mga staff nang dumating si Seven, kasunod si Damian.

Isa isa niyang tinignan ng malamig ang mga bisita bago ang maya't mayang pagtigas ng panga niya. Naiinis at madilim ang tingin.

Tumalikod siya para harapin di Damian. Rinig ko naman ang impit na ngiti at bulungan galing sa grupo ni Bianca.

"Shït! Sayang siya..."

"Hot and sizzling..."

Hindi nila maitago ang paghanga sa kanya. Gwapo naman talaga siya. Matipuno at mayaman. Bigla akong nainis ag nalungkot. Nainis sa mga bulungan nila at nalungkot nang maalala ko ang tawag sa'kin ni Bianca. Commoner.

"The deal is off..."

"Pag-isipan mo munang mabuti, Seven. I know things are unexpected but-"

"There's nothing unexpected. My fvcking rules are simple. No outsiders allowed and do everything to please her. You broke them, as well as the deal. The moment you offer a free ride and drop them here. You mess the fück up."

Napalunok ako nang lumapit siya sa'kin at lumuhod. "Are you tired? Kaya mo pa bang travel?"

Walang halo ng galit o konting inis ang boses niya. Naiilang akong tumingin sa mga schoolmate ko na pinagmamasadan kami bago tumango.

Ngumiti si Seven at kinuha ang bag ko. Si Mimi sumenyas ng okay sign. Si Hyacinth at Bianca may titigan contest na naman at si Jax ay inis na nakatitig kay Seven. Sina Roxanne at Camille ay kinikilig na nakatingin kay Seven. Si Renz naman at ung ibang di ko kilala ay nakatingin lang.

"Prepare the chopper. We're leaving."

"I'm sorry, Seven but they'll be here tomorrow. Originally, you're sched of leaving should be tomorrow." Bakas sa boses ni Damian ang pagsuko. Alam niya sigurong pinal na ang desisyon nito.

"The van?"

"Oliver took it immediately when we arrive. Alam mo na daw kung sa'n siya pupunta."

"Mr. Jacobo..." Nilagay ni Seven ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya at mapanganib na humakbang. "Are you trying to pile all those disappointments on me? You do know that I can take it all this away from you, right?"

"I know but you have to understand that this is all unexpected."

"Get me a car."

Nanonood kami sa pagtatalo nila. Gusto na ni Seven na umalis pero hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang magpabukas nalang kami.

Nang kinuha niya ang kamay ko para umalis ay nagpadala nalang ako. Hindi na 'ko tumanggi.

Halata na rin ang pagpipigil niya ng galit dahil sa pagtaas baba ng dibdib.

Isa sa mga schoolmate ko ang nagtanong kung pwedeng makisabay. Tutal sa airport din naman ang punta namin. Ang iba ay umaasang sumang-ayon siya.

Dumiin ang paghawak niya sa'kin. Mas lalo ata siyang nainis.

"Walk." Madiin at malamig niyang sabi.

Bumagsak ang balikat ng ilang schoolmate ko. Mayabang ang pagngisi ni Jax at Renz na parang si makapaniwala, pailing iling.

"Sandali lang, Seven..." sabi ko at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa'kin. "Isabay na natin sila. Baka kasi mag-alala ang mga magulang nila pati si Sir Tan."

"I don't fvcking care. They ruined everything."

"Siguro nga pero dapat pauwi na sila ngayon. Hindi naman nila ginusto na masiraan eh. Sige na... Isabay na natin sila."

Nagpumilit pa ulit ako. Ramdam ko ang ginhawa ng mga kasama ko nang sumang-ayon siya pero hindi daw kami sa airport dederetso.

Binigyan kami ng isa pang van ng resort. Yung driver nila naiwan para asikasuhin ang sirang sasakyan.

Kinakausap na naman ni Seven sa di kalayuan si Damian habang nilalagay namin ang mga gamit sa loob.

Nagpaalam ako kayla Debbie, Rin at Ysa. Nagpasalamat na rin ulit.

Tabi kami ni Seven sa harap para magturo ng direksyon. Ayaw niyang sabihin kung san talaga kami pupunta.

Nagbago ang tanawin sa paligid nung biyahe namin. Naging magubat ang dinadaanan namin. Alam kong nagtataka din ang driver. Nakakunot ang noo nito sa bawat turo ni Seven ng direksyon.

"What is this place?"

"This is so creepy..."

Sinegundahan ni Roxanne ang sinabi ni Camille nang huminto kami sa tapat ng malaling bakal na gate sa gitna ng gubat. Madaling araw na. Pagod ang lahat at madilim pa.

"Sa'n ba tayo dadalhin ng boyfriend mo?" Pabulong na tanong ni Mimi.

Nagkibit balikat ako at tinignan ang mga schoolmate ko. Ang iba sa kanila ay tulog at ang iba naman ay nakatingin sa labas gaya ni Hyacinth. Nagtataka kung nasa'n na.

Binaba ng driver ang tinted salamin sa tabi niya nang may kumatok dito. Isang lalaking nakauniporme na parang sundalo. Kumpleto dahil may mahabang baril pa itong hawak.

"Private property 'to. Hindi kayo-"

"Arturo..."

Agad na tumingin ito kay Seven. Kumunot ang noo bago umaliwalas ng mamukaan niya si Seven.

Tumango ito at umalis. Sandali pa ay biglang bumukas ang gate. May nadaanan pa kaming mga kasamahan nung lalake bago kami tuluyang makalayo. Mga lima pa.

Nagbyahe ulit kami pero saglit lang. Limang minuto lang ata bago kami makarating sa pinakapusod ng gubat at hindi namin inaasahan ang nakita namin do'n.

Continue Reading

You'll Also Like

67.1K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
343K 6.4K 30
Meet Ashley Brown - I am a bit of a Hopeless Romantic, i really do have a faith and i belief in Love, and when I Love, I Love HARD.. HARDER than you...
1.1M 25.1K 51
If you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) or Goodnovel (Hope Castillana) or purchase a book on Immac Printing and...
274K 397 22
UNDER MAJOR REVISION SO THANK YOU FOR YOUR PATIENCE AND UNDERSTANDING! The title and characters will be changed for personal reasons. Ruby Marie Alda...