The Virgin Writer

Oleh crushyrushy

4.9M 56.9K 5.9K

(To be published under Red Room/ LIB) (Completed) She is Pollyanna Garcia and She's a Virgin Writer :) Lebih Banyak

The Virgin Writer
Virgin no. 1
Virgin no. 2: Revenge?
Virgin no. 3 (Walang kwentang Chapter)
Virgin no. 4
Virgin no. 5
Virgin no. 6
Virgin no. 7
Virgin no. 8
Virgin no. 9
Virgin no. 10
Virgin no. 11
Virgin no. 12
Virgin no. 13 (Walang Kwentang Chapter II)
Virgin no. 14
Virgin no. 15
Virgin no. 16
Virgin no. 17
Virgin no. 18
Virgin no. 19
Virgin no. 20
Virgin no. 21
Virgin no. 22
Virgin no. 23
Virgin no. 24
Virgin no. 25
Virgin no. 26
Virgin no. 27
Virgin no. 28 (LAME chapter -__-)
Virgin no. 29
Virgin no. 31
Virgin no. 32
Virgin no. 33
Virgin no. 34: Misunderstanding
continuation V.34
Virgin no. 35
Virgin no. 36 : Truth
Virgin no. 37
Virgin no. 38
Virgin no. 39
Virgin no. 40
Virgin no. 41
Virgin no. 42
Virgin no. 43
Virgin no. 44
Virgin no. 45
Virgin no. 46
Virgin no. 47
Virgin no. 48
Virgin no. 49
QUESTIONS!
The Virgin Writer - Epilogue
The Virgin Writer BOOK 2
SELF PUBLISHED BOOK
Sorry Guys

Virgin no. 30

75.8K 927 43
Oleh crushyrushy

I Don't know what to say.. I'm SORRY! kung medyo LATE ang UPDATE.. and I think LAME din ata? HAHAHA! Pero sana magustuhan niyo..

Tyaka nga pala sumali ako Wattpad Short Writing Contest (First time ko sumali) sa @Wattpad_Quotes Please sana pagkatapos niyo basahin mabasa niyo yung gawa ko :) Vote na din.. Pleasse?? title is "Para sa mga Manloloko.." Ayon sila nagbigay ng PLOT ;)

__________________________________________________________________________

Virgin no. 30

"Teka nga! Magpapaliwanag ako. Bago ka magalit."

Tiningnan ako nito pero hindi na talaga maipinta yung mukha niya. Purki't nalaman niya na nagPositive yung Pregnancy Test na yon. Nagalit na siya. Wala ba siyang tiwala sa akin?!

"Then Explain."

"Hindi sa akin iyan. Kay Colyn yan."

Lalong lumukot yung mukha niya. Parang ayaw pa niyang maniwala.

"Liar."

Pumutok lahat ng pwedeng pumutok sa akin. Pagkatapos ko sabihin ang totoo sasabihin niya kasi sa akin Liar?! Sinungaling?

"Anong sabi mo?!"

"Liar. Sinundan kita kanina nung lumabas kayo ng ClassRoom hanggang sa pumunta kayo sa DrugStore para bumili ng Pregnancy Kit. Dinig na dinig ko, na sabi ni Colyn at Khristel na para sa iyo iyan."

"So, iniisip mo na nagsisinungaling talaga ako?"

"Oo. Kasi narinig ko na----"

"Iyon nga! Narinig mo! Pero hindi mo naman alam ang lahat nang nangyari!"

"Bakit kailangan ko pang malaman eh, nakita at naring ko na nga?"

Huminga ako ng malalim. Kung galit siya mas galit ako. Nakakaasar kasi. Wala ba talaga siyang tiwala sa akin? NagConclude agad siya na sa akin yung PREGNANCY KIT na iyon?!

Sa sobrang asar ko. Tinulak ko siya para makalabas ng cubicke na iyon.

"Saan ka pupunta? Naguusap pa tayo!"

"Sa OB-GYNE!" Nilingon ko siya. "Tutal naman iniisip mo na buntis ako, bakit di ko totohanin?"

"What?"

"What-What-in mo mukha mo!"

Nagagalit talaga ako? So ano ako? AMALAYER ganon? Magpapabuntis na lang ako kung kani-kanino? Purki't natikman ko na yung mga HALIK at mga GAPANG ng kamay niya sa balat ko? Ganon? Ganon? Ang kapaal naman niyang isampal yun sa akin!

"Di pa tayo tapos magusap!"

"Pwes. Tinatapos ko na!" Hindi ko na siya talaga nilingon. Dirediretso akong lumabas ng CR na iyon. Binalabag ko pa para kumpleto ang drama.

"Arrrgh!" Ginulo ko yung buhok ko. "Nakakaasar talaga siya! Ang sarap niyang balatan ng buhay! Bwi---"

"Babe!"

"Ano?!!!!!" Lumingon ako sa nagsalita ng BABE. Teka? Bakit nga ba ako lumingon sa pangalan na BABE eh, POLLY ang pangalan ko!

"Woah! Chill!" Si Terrence. Tinaas pa nito ang dalawang kamay para makaiwas sa akin. "Tingnan mo oh! Lumalaki butas ng ilong mo!"

"Wala akong pakielam!" Napatingin ako likuran ni Terrence ng biglang bumukas yung CR ng Girls. Si Mint. Kunot-noo itong napatingin sa aming dalawa.

Hinawakan ko bigla yung kamay ni Terrence at tinitigan siya.

"Ilayo mo ako ngayon dito."

"Teka! Saan tayo pupunta?"

"Kahit saan! Basta ilayo mo ako dito." Tiningnan ko si Mint. Papalapit na ito sa amin at nakasimangot pa. "Halika na!"

"Ano? Halikan na?"

"Tss!"

Nagulat ako ng bigla naman niyang hawakan yung kamay ko at dinala sa Parking Lot.

"Hoy!"

Huminto siya. Saka tumingin sa akin. Nakahawak pa din siya sa kamay ko. Kadiri. Pilit kong binabawi kaso sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

"Tanggalin mo nga iyang kamay mo!"

"Nuh. Ikaw kaya unang humawak. Tutal, ikaw din naman ang nagsabi na ilayo kita. Umalis tayo ng school."

"Gaya mo naman ako sayo! Nagbago na isip ko. Hindi na ako sasama sayo. Kaya alisin mo na iyan kamay mo sa kamay ko kung ayaw mong magpalit nang pwesto iyang kilay at bigote mo."

"Dami-dami mo namang sinabi. Halika nga!" Hinila niya pa ako papunta sa likod ng Black na kotse. Nakita ko ang isang Big Bike. "Meet my Baby, Delilah.."

"Ano? Delilah? As in yung kanta?"

"Yep." Lumapit kami doon. Malamang KAMI dahil ayaw niyang bitawan ang kamay ko. "Oh.." Inabot nito ang HELMET.

"Sasakay tayo sa Motor na iyan? Saka pumayag na ba akong sumama sa iyo?"

"Ang alam ko ikaw ang yumaya sa akin ng DATE?"

ANO RAW! DAATE?! Eh, naglolokohan pala tayo dito eh!

"Sinong nagsabing magdadate tayo?! Kapal mo na---"

"Terrence!"

Kahit hindi ako lumingon. Kilalang kilala ko ang sang-sang ng amoy ni Mint!

"Uuy! Pinsan! Magda---"

"Sakay na! Tagal mo! Paandarin mo na! Now na!" Nilingon ko si Mint. Naglalakad papalapit. "Ano? Magtititigan na lang tayo dito?! Bilisan mo! Bago pa magbago isip ko!"

Bigla na lang itong sumakay at nagsuot ng Helmet. Ako naman dali-daling sumakay sa likod niya kahit umangat na yung palda hanggang tuhod. Naka-bukaka kaya! Baka makita yung tinatago kong design sa PANTY, teka, bakit yung sa PANTY sinasama ko pa?! Basta! Nilagay ko sa likod yung kamay ko.

"No, honey, malaglag ka niyan." Kinuha nito yung dalawang kamay ko at niyakap sa bewang niya. "Ganito. Kapit lang ah!"

"Bilisan mo na!" Tekla talaga! Bakit napasubo ako kay Hito! Pwede naman akong umalis na lang agad!

Ilang kalabit pa! Bigla na lamang kaming humarurot! Nilingon ko si Mint na naliligo sa alikabok! HAHAHAHAHA! Ano ka ngayon boy! Kainin mo iyang alikabok!

Masama ugali ko? Mas masama ugali niya!

****

"Nasaan tayo?"

Nasa abandonadong building kami at dahan-dahan kaming tumataas sa hagdanan. Oo, walang hawakan yung hagdanan!

"Nasa Sanctuary ko."

"Sanctuary mo?! Ano bang klaseng Sanctuary to?! Parang Haunted Building?! Parang isang lindol, wasak agad ito eh."

"Matibay ito. Matagal na kong tambay dito eh."

Hindi na ako sumagot.

Bakit ba kasi ako nagpadala dito kung pwede naman akong bumaba na lang sa sakayan at umuwi na lang?

Ha! Baka may binabalak siyang masama sa akin?

Tiningnan ko ito na nasa unahan ko. Sa sangsang ng pagkakaamoy ko dito simula nung nalaman ko na hindi siya yung nakidnap ko. Alam ko sa sarili kong may pagkaNaughty siya!

Baka rape-in niya ko?? Hindi pwedeng mawala ang puri ko!

Bigla na lang itong huminto at humarap sa akin.

"Wel---"

"Huwag!" Dinuro ko siya sabay takip sa dibdib ko. ".. na Huwag mo akong hahawakan!! Lalapitan! At Kakausapin! Akala mo hindi ko alam ang iniisip mo?" Medyo pinasingkit ko yung mata ko. Para magandang yung epekto. "Dinala mo ako sa building na ito para Rape-in! Akala mo.. Akala mo.. Hinding!!" Niyakap ko na yung sarili ko. "... hindi mo makukuha ang puri ko! Magkakamatayan tayo dito! Sinasabi ko sayo.. Sinasabi ko sayo!"

Nakatulala ito sa akin. Nakapamewang pa sa akin.

"ANO?!" Pagpapatuloy ko. "Tama diba? Tama ang hinala---"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Natulala ako sa tawa nito. Nakahawak pa ito sa tiyan niya at mangiyak-ngiyak sa tuwa! Lintik na lalaking ito! Tinawanan lang ako?

"HAHAHAHAHAHAHA! Feeling ka! HAHAHAHAHAHAHA!"

"Ano?!" Lumapit ako dito na tumatawa pa din. "Anong sabi mo? Feeling ako?!"

"HAHAHAHAHAHA!" Pinupunasan pa nito ang mata niya tyaka tinap yung shoulders ko. Tinanggal ko naman yung kamay ko.

"Ano ba!"

"HAHAHAHAHA! Eh kasi naman wala sa utak ko na rape-in kita! Ipapakita ko lang sayo ito!" Biglang nagningning ang mata nito. "Pero dahil binigyan mo ako ng Idea---"

Binatukan ko ito. Siraulong lalaking ito!

"HAHAHAHAHA! Kasi ikaw eh!" Mayamaya ay tinalikuran ako nito at biglang umupo sa parang edge na rooftop.

"Hoy! Malaglag ka diyan!"

"Nah." Tinap nito yung katabi nito. "Upo."

"Nuh. Malaglag pa ako diyan!" Pero lumapit pa din ako. Mukhang komportable wag nga lang titingin sa baba. "Ang ganda."

"Welcome to my Sanctuary.."

"Sanctuary.. Sanctuary.. Hindi naman sa iyo ito."

"Alam ko. Pero dito ako madalas pumunta. Tahimik. Presko. Saka.." Tumingin ito sa tabi ko. "Maganda yung katabi ko."

"Mukha mo." Inirapan ko ito. Nilipad nanaman ng hangin yung buhok ko.

Kaya di ko na inayos. "Bakit mo ko dinala dito? Iuwi mo na ako."

"Kararating nga lang natin."

Sandaling natahimik. Sinimulan ko nang i-dangle dangle yung paa ko. Kahit mukhang nakakatakot parang ang sarap sa feeling.

"Polly.,"

"Oh?"

"Gusto kita."

Tumahimik ako. Bakit wala akong maramdamang kahit konting.. parang.. konting.. uuh! Parang kakaiba ba? Gaya nung kay Mint..

"Ah..."

"Sakit naman nun!"

"Ha?"

"Pagkatapos kong sabihin na gusto kita.. ah lang ang isasagot mo. Pero okay lang makakapaghintay naman ako."

"Korni mo."

"Bakit may iba ka na bang gusto?"

"WALA!!" Bigla akong napatingin dito. "Wala akong ibang gusto! Ayoko lang talaga sayo!"

"Eh bakit sumisigaw ka pa?!"

"Gusto ko eh!"

"Anyway.." Naramdaman kong huminga ito ng malalim at tumingin sa langit. "Feeling ko malapit ko na makita si Virgin Writer SooHee."

"Anong tawag mo? Virgin Writer?" Ako? Virgin Writer?

"Akala ko ba nagbabasa ka ng gawa niya? Virgin Writer. May kutob kasi ako na siya yung bidang babae sa sarili niyang kwento." Tumingin ulit ito sa akin. "Yan lang naman ay base sa sarili kong obserbasyon."

"A-ah.." Bigla akong kinabahan. Matalino si Terrence. Paano kapag nalaman niya na ang hinahanap niyang SooHee ay nasa harap lang niya. Nakakausap pa niya? Parang sa tingin ko pinagmumukha ko lang siyang Tanga..

"May problema ba? Bakit parang namumutla ka? Nanlulula ka ba?"

"W-wala.. A-ano lang.. Malamig kasi.." palusot ko. Putakte. Namumutla dahil nilalamig meron bang ganoon.

Nagulat naman ako sa biglang ginawa nito. Niyakap niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko pa yung ulo niya sa may balikat ko.

"Hoy!" Kinotongan ko pa ito. "Tsansing ka na! Lumayo ka---"

"Stay." Malumanay na sabi nito. "Ngayon lang ako ulit yumakap ng ganito sa babae."

"Problema ko na ba iyon?"

Humigpit ang yakap nito pero may pagiingat pa din.

"After what Nei-Nei did that to me. Hindi na ako nagkagusto sa iba."

Sino ba yung NEI-NEI na iyan? Ilang beses ko ng narinig iyang pangalan na iyan! Naiirita na ako. Pati si Mint, narinig ko ng isang beses na binanggit ang pangalan niya.

"Umalis ka na nga! Baka may makakita pa! Sabihin pa may relasyon tayo."

"Ayaw mo nun?"

"AYOKOOOO...!!!!!"

Tyaka siya tumawa ng malakas at binitawan ako.

"I really like you. Parang kayang kaya mong magpatiklop ng lalaki sa mga sigaw mo eh, itulak lang kita dito mamatay ka na."

"Subukan mo hihilahin kita para isabay na kita sa impyerno."

"HAHAHAHAHA! Pero hindi ko gagawin syempre. Nililigawan pa kita diba?"

"Utot mo blue.."

Hanggang sa narinig ko na lang na tumawa ito ng malakas. Nakalimutan ko din na may kagalit ako. Di pa pala kami tapos ni Mint.

Pero masarap pa lang kausap itong si Terrence mukhang HITO.. Nakakawala ng Stress..

******

"Oh, Nak, andyan ka na pala."

"Wala pa tay. Kaluluwa niya lang ito."

Tumawa ang Tatay ko. Magtatanong pa kasi eh ako nga ito.

Infairness.. nagenjoy ako sa company ng Terrence na iyon. Kahit medyo mahangin at medyo may pasaring-saring na may gusto siya sa akin.

"Itxt mo nga yung kuya mo. Ayaw niya kasi magreply. Kanina pa dapat yun nakauwi."

"Bakit ako pa Tay?"

"May iba ka pa bang kapatid? Bilis na!"

Sumimangot lang ako sa kanya. Magpapaload pa tuloy ako ng dahil kay Kuya. Tekla siya. Masingil nga!

Pataas na ako ng hagdanan para makapagpalit ng damit ko ng marinig kong may mga kaluskos sa mismong kwarto ko.

May magnanakaw sa kwarto ko? Anong mananakaw niya? Bakit hindi na lang siya sa kwarto ng Kuya ko? Ang daming Pera non!

Huminga ako ng malalim. Dahan-dahan kong binuksan ang door knob..

Narinig ko naman ang pagbukas ng mga drawer ko.

Aba't pakielemera pa itong magnanakaw na ito ah!

Nye! May magnanakaw ba na hindi pakielemera? Isip-isip din pag may Time, Polly. Teka, nababaliw na ako. Kinakausap ko at pinapahiya ko na ang sarili ko!

Kinapa ko yung Switch ng Ilaw. Para kahit makatakas siya, makikita ko yung mukha niya.

Dahan-dahan kong binuksan ang ilaw..

*Click!*

Pagbukas ko bigla namang may humila sa akin papunta sa loob sabay sarado at Lock ng pintuan.

Napapikit ako sabay..

"AAAAAAAHHHH----"

"Ssssh!" Tinakpan nito yung bibig ko.

Ang kapal-kapal ng mukha ng magnanakaw na ito! Kabisado ang kwarto ko! May pautos-utos pa siyang patahimikin ako!

"Uhmmm.. Uhmm.." Ginamit ko ang lakas ko para masipa ng malakas ang BIRDIE niya!

"Aray! Woo!"

Napamulat ako. 

Parang kilala ko yung boses na iyon ah!

"Mint!"

"Aray ko po.."

Mukhang hindi na nito nakayanan ang sakit kaya napahiga ito sa KAMA ko habang nakalagay at nakatakip ang dalawang kamay nito sa sandatang tinatago nito habang may hawak na..

"Panty ko yan ah!"

Dali-dali ko sanang kukunin ang panty ko na hawak nito, na hindi ko naman alam kung bakit hawak niya ng may kumatok sa pintuan.

"Anak! May problema ba? Narinig kasi kita---"

"Tatay! Wala! Sige na! Bumaba ka na! Itetext ko na si Kuya!"

"Sigurado ka bang okay---"

"Okay lang Tay!"

Narinig ko na ang mga papalayong yabag ni Tatay saka ko hinarap si Mint. Nakita kong sinisilip nito ang loob ng pantalon nito habang hawak pa din ang panty ko. TAKE NOTE! PANTY KO!

So kailangan All Caps ang PANTY KO? LOL.

"Pambihira ka naman Polly. Hindi mo pa nga nasusubukan ang kagitingan nitong sandata ko halos gawin mo namang kamatis ng sinipa mo. Paano kapag nabaog ako?"

"Anong ginagawa mo dito? Saka akin na nga iyang panty ko!"

Sinugod ko siya kaso tinaas niya yung kamay niya. At alam niyo naman na mas matangkad siya sa akin kaya walang nangyari.

"Kung gusto mo iyang Panty ko. Eh di sa iyo na." Inirapan ko ito saka ako pumunta sa bintana at binuksan iyon. "Alis."

Huminga ito ng malalim at iniligay yung panty ko sa bulsa nito. Sa totoo lang, anong gagawin niya doon? Collection?

"Galit ka pa rin ba?"

"Alis."

"Uuy, wag ka na magalit."

"Pag di ka pa umalis, sisigaw ako dito."

"Kapag sumigaw ka sasabihin ko ikaw si SooHee."

Kumunot ang noo ko at pinamewangan siya.

"So ganyan na ba kakitid ang utak mo at blablackmail-in mo ko? Alis."

"Polly naman."

"Alis."

"Sorry na.."

Lalong kumunot ang Noo ko. Totoo? NagSorry nanaman sa akin si MINT?

Aba, malala na saltik sa ulo nito ah!

"Pakiulit?"

"Sorry. Akala ko sayo yung Pregnancy Kit."

"Paano ka naman naniwala?"

"Gaya ng sabi mo. Kay Colyn. Hinanap ko siya para i-confirm."

"Tapos?" Ang saya nito. Para akong Bossy masyado.

"Di ko na kailangan tanungin kasi narinig ko sila ng Kuya mo na nagsisigawan."

"Ano?" Ano? Kuya ko? Anong kinalaman ng Kuya ko kay Colyn? Ang alam ko may gusto este.. patay na patay si Colyn sa Kuya ko. Kaso..

"Di mo alam?"

"Na?"

"Yung Kuya mo ang Tatay nung pinagbubuntis ni Colyn?"

Kulang ang salitang SHOCK sa narinig ko. Si.. Kuya.. Paano nangyari? Akala ko ba? Akala ko ba.. Ang gulo! Pumatol si Kuya kay Colyn?!!

"Pucha." Wala sa sariling nasabi ko sabay nilagpasan si Mint kaso bigla naman ako nito hinila. Palapit sa kanya. "Ano ba! Hahanapin ko si ----"

Nagulat ako ng marubdob. As in MARUBDOB akong hinalikan ni Mint. Parang pinaparushan ako sa mga ginawa kong KASALANAN ngayon..

TEKA?! May kasalanan ba ako? Wala naman ah!!

Tinapos niya yung halik medyo nabitin ako kaya hinabol ko po siya ng kaunit.. Namiss ko ee sayang! Hahaha!

"Tuloy tayo bukas?" Ngumiti ito ng makahulugan.

Ngumiti din ako ng wagas.. "Tuloy na tuloy.."

*********

Ayon :) Please. Passupport po ng Gawa ko :) Yung Short Writing Contest .. :) May baring kasi yung Voting 30 % hehehe :))

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

3.4M 39.4K 45
(Informally written and not yet edited.) Book Zero/Prequel of Playboy's Baby. • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟯 - 𝟮𝟬𝟭𝟰 •
5.4M 76.7K 51
*WARNING* Wrong grammar at kung anu-ano pa ang pwedeng makita dito. Please huwag niyo akong i-bash. Bear with my 16 years old self. Ayusin ko na lang.
52.6K 1K 64
It's the secrets we keep that end up hurting us and the people around us the most. It's the desires we have that we become greedy. It's the lies we'v...
3K 78 22
Masamang panaginip. Bangungot. Nightmare. Kung anuman ang tawag sa bagay na hindi ako pinapatulog ng maayos gabi-gabi. And then there's Roxy Damian...