SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (C...

נכתב על ידי khelielove

241K 5.9K 1.1K

One day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University)... עוד

This is NOT the END!
S.U. 2 Losing a father
S.U. 3 Banana Thing
S.U. 4 Mystery Guy
S.U. 5 The Promise
S.U. 6 The Freshmen
S.U. 7 Tears of Joy
S.U. 8 Her pain
S.U. 9 Dilemma
S.U. 10 Eye to Eye
S.U. 11 Bloody Death
S.U. 12 Memorial Park
S.U. 13 Brainstorming
S.U. 14 Chen's Office
S.U. 15 His Power
S.U. 16 Wrongdoer
S.U. 17 Somewhere in Bicol
S.U. 18 Who Is She?
S.U. 19 Going back to Manila
S.U. 20 Rico Tieng
S.U. 21 Revenge is Sweet
S.U. 22 Bye for now?
S.U. 23 Where are you, Zoe?
S.U. 24 Althea Lin Finsky
S.U. 25 Joseph Montes
S.U. 26 Our Second Mother
S.U. 27 Sandberg's Opleiding
S.U. 28 The Island with Stars
S.U. 29 Let Him Out!
S.U. 30 The Sudden Change
S.U. 31 Eight Years Later
S.U. 32 A Bitch One
S.U. 33 Friends for keeps
S.U. 34 Don't Mess With Me
S.U. 35 The Forbidden Plan
S.U. 36 Somewhere in Italy
S.U. 37 La Lotta Finale
S.U. 38 I don't Know You
S.U. 39 Losing Hope
S.U. 40 Wait For Me
S.U. 41 First Move
S.U. 42 Ready Bitches?
S.U. 43 Chen's Mausoleum
S.U. 44 The General Manager
S.U. 45 When You Look At Me
S.U. 46 Coincidence
S.U. 47 Priceless Meeting
S.U. 48 Unforeseen
S.U. 49 Memories
S.U. 50 The Treatment
S.U. 51 Another Game
S.U. 52 Dinner Invitation
S.U. 53 This I Promise You
S.U. 54 A Mother's Love
S.U. 55 The MT
S.U. 56 Greatest Nightmare
S.U. 57 The Reality
S.U. 58 There's Hope
S.U. 59 Waiting for Her
S.U. 60 The Power of Love
Invitation Letter
EPILOGUE
UPDATE
S.C. 1
S.C. 2
S.C. 3
S.C. 4
S.C. 5
S.C. 6
S.C. 7
S.U. 8
S.C. 9
S.C. 10
S.C 11

S.U. 1 The Queen

12.3K 232 28
נכתב על ידי khelielove

Please read Book 1 first :)

CHAPTER 1
THIRD PERSON'S POV

Excited ang lahat ng mga estudyanteng papasok ngayon sa Skrivena University, pagkatapos nilang malaman na iba na ang management na may hawak nito. Madami kasing rules ang nawala at pinalitan ng mas mainam na batas para sa kaligtasan ng bawat mag-aaral.

Binuwag na ang rule number 1, ngayon ay malaya nang makipagkaibigan ang mga estudyante sa Aphotic Dread at Orphic Braw na hindi na kailangang mamili pa at magkampihan. Wala na rin ang hidwaan sa pagitan nila. Pagkatapos ng sunod-sunod na pangyayari ay naging magkaibigan na ang dalawang grupo. Maliban na lang sa kanilang mga leader na hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-uusap.

Kahit bago na ang may hawak ng Unibersidad, nanatili pa ring lihim sa lahat kung sino na ang bagong nagmamay-ari nito, bilang paggalang sa dati ng batas ng paaralan. Sina Mrs. Sandberg, Mrs. Chen at Mrs. Gertler na ang nagpapatakbo nito na inilihim at iniwan ng kanilang yumaong asawa.

Dahil first day of school, karamihan ay maagang pumasok dahil excited na makitang muli at makipagkwentuhan sa mga kaibigan. Kaya naman, isa sa maagang dumating si Hailey. Habang nagpa-park siya sa parking na katabi ng admin office ay nakapansin siya ng kakaiba.

Bago siya bumaba ng sasakyan ay nagpalinga-linga muna siya sa paligid. Tahimik, wala masyadong estudyante at tanging sasakyan niya lamang ang naka-park sa lugar na iyon. Tinignan niya agad ang kanyang relo. Napabuntong hininga siya nang makita na alas-siyete pa lang ng umaga kaya marahil ganoon ang nadatnan niya.

Bumaba na agad siya ng sasakyan. Inayos niya ang kanyang suot na printed yellow dress at sinukbit sa kanyang balikat ang shoulder bag na hawak niya. Naglakad na siya palabas ng parking dala ang isang magandang ngiti.

Magaan ang kanyang pakiramdam pagpasok sa paaralan. Bukod sa natapos na ang kanilang problema ay masaya siya dahil ito ang unang pagkakataon na pumasok siyang walang kasamang bodyguards. Napagkasunduan kasi nila ng kanyang ina na tatanggalan na siya ng mga bantay, ngunit kailangan niya pa ring ipaalam kung saan siya pupunta.

Napahinto si Hailey nang harangan siya ng apat na kalalakihan bago makalabas ng parking. Pinagmasdan niya muna ang mga ito. Ang apat na lalaki ay nakasuot ng jeans, putting t-shirt at may suot na cap. Parehas ang kanilang mga suot kaya biglang napakunot-noo si Hailey. Seryoso ang mga ito na nakatayo sa kanyang harapan.

"Excuse me! Padaan ako," sabi ni Hailey. Pinatabi niya sa gilid ang dalawang nasa harapan niya, ngunit bago pa man niya malagpasan ang mga ito ay umikot na sila at pinalibutan siya.

Napataas ang kilay ni Hailey at muling tinignan ang apat na lalaki. "Ang aga pa para manggulo kayo. Anong kailangan ninyo?" tanong niya.

Hindi umimik ang mga ito, sa halip ay sabay-sabay silang yumuko. Bahagyang napaatras si Hailey at mariing kinapitan ang kanyang shoulder bag.

"Hindi ba kayo magsasalita?" muling tanong niya. Isa-isang tinanggal ng mga lalaki ang kanilang suot na sumbrero at hinagis sa ere. Kasabay no'n ay ang pagtugtog ng musika na umalingawngaw sa buong parking lot.

It's too hard to sleep
I got the sheets on the floor
Nothing on me
And I can't take it no more
It's a hundred degrees
I got one foot out the door
Where are my keys?
'Cause I gotta leave, yeah

Biglang sumayaw sa harapan niya ang apat na lalaki. Una ay gusto na niyang umalis agad pero napukaw ang atensyon niya nang laruin ng mga ito ang sumbrerong hawak nila sa bawat dance move na kanilang pinapakita. Napangiti si Hailey nang maalala ang nakaraan. Ang mga paligsahang sinalihan nila noon na umani ng parangal.

In the back of the cab
I tipped the driver ahead of time
Get me there fast
I got your body on my mind
I want it bad
Ooh, just the thought of you gets me so high, so high

Nanatili lamang nakatayo si Hailey at pinanuod ang pagsayaw ng apat. Hindi siya pamilyar sa mukha ng mga ito kaya naisip niya na baka transferee o first year students sila.

Girl, you're the one I want to want me
And if you want me, girl, you got me
There's nothin' I, no, I wouldn't do, I wouldn't do
Just to get up next to you

Nanlaki ang kanyang mga mata nang dumating bigla si Knox at nakisayaw sa mga ito. Pagkatapos nang pagkikita nila sa eroplano at pagbisita nilang dalawa sa puntod ng kanilang mga ama sa sementeryo ay ngayon na lang ulit sila nagpangita. Madaming inasikaso si Knox sa kanyang pamilya at tinulungan ang kanyang ina na makabangong muli.

Girl, you're the one I want to want me
And if you want me, girl, you got me
There's nothin' I, no, I wouldn't do, I wouldn't do
Just to get up next to you
Just to get up next to you
You open the door
Wearing nothing but a smile, fell to the floor
And you whisper in my ear, "Baby, I'm yours."
Ooh, just the thought of you gets me so high, so high

Hindi na nawala ang ngiting sumilay sa mukha ni Hailey. Hangang hanga pa rin siya sa angking galing ni Knox pagdating sa pagsasayaw. Kung kanina ay nagalingan na siya sa apat na lalaki, ngayon ay nalamangan na sila ni Knox kaya hindi na nawala ang kanyang mga tingin sa binata.

Girl, you're the one I want to want me
And if you want me, girl, you got me
There's nothin' I, no, I wouldn't do, I wouldn't do
Just to get up next to you

Napapa-palakpak si Hailey sa bawat pitik ng katawan at maangas na galawan na talaga nga namang angkop sa musika. Hindi naiwasang magkaroon ng mga estudyanteng nakikinuod sa parking lot, bawat minuto ay dumadami sila at nakikiusyoso. Kumapal din ang bilang ng mga babae na nagtitilian lalo na't nalaman nilang nagbalik na si Prince Knox at ito ang kasalukuyang sumasayaw.

Girl, you're the one I want to want me
And if you want me, girl, you got me
There's nothin' I, no, I wouldn't do, I wouldn't do
Just to get up next to you
Just to get up next to you

Lumapit si Knox kay Hailey habang ganadong umiindak. Kitang kita ng mga estudyante ang pamumula ng pisngi ng dalaga nang abutan siya ng tatlong puting Juliet roses. Ang ilan ay naghiyawan at pumalakpak pa. Pero hindi na talaga nawala ang ibang naiinis at naiinggit sa kanilang nakikita.

Just the thought of you gets me so high, so high
Ooh, just the thought of you gets me so high, so high

Girl, you're the one I want to want me
And if you want me, girl, you got me
There's nothin' I, no, I wouldn't do, I wouldn't do
Just to get up next to you

Humilera ang apat na lalaki sa harapan ni Hailey. Si Knox naman ay nanatiling sumasayaw malapit sa kanya hanggang sa matapos ang musika.

Girl, you're the one I want to want me
And if you want me, girl, you got me
There's nothin' I, no, I wouldn't do, I wouldn't do
Just to get up next you (I would do anything)
Just to get up next you (anything and everything)
Just to get up next to you (baby)
Just to get up next to you
Get up, get up!

Nagpalakpalakan ang lahat pagkatapos nilang sumayaw. Si Hailey naman ay masayang masaya habang pinagmamasdan ang tatlong Juliet roses na hawak niya. Iba talaga ang aurang nabibigay ng bulaklak sa kanya. Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa. Napaka-espesyal ng kanyang pakiramdam.

"Princess! Nakalimutan mo na naman ako dahil sa bulaklak na 'yan?" tanong ni Knox habang nagpupunas ng pawis.

Nakangiting nilingon siya ni Hailey, "Salamat dito Knox."

"Magagaling ba ang apat na 'to?" Itinuro ni Knox ang apat na lalaking nasa harapan nila.

"Oo naman, bago mong kaibigan?"

"Oo, may itinayo akong club para sa mga aspiring dancers. Tinuruan ko sila last week. Ang bilis nga matuto, kaya naisipan kong pakitaan ka ng isa sa mga sayaw nila ngayon. Anong masasabi mo?"

Nakarinig sila nang malakas na tilian kaya napalingon si Knox sa ibang mga estudyante at sinenyasan silang tapos na ang sayaw kaya maaari na silang umalis, pero nagpaiwan pa rin ang iba.

"Nagulat ako kanina, akala ko kung ano na ang gagawin ng apat na 'yan. Grabe ka! Kahit papaano natakot ako!" Pabirong pinalo ni Hailey sa balikat si Knox.

Bigla namang napatawa si Knox nang maalala niya ang reaksyon ni Hailey kanina. Lalo na nang magtanong ito kung ano ang kailangan nila. Hindi kasi maipinta ang itsura ng dalaga. Siguro ay dahil takot na rin siyang maulit ang kaguluhang nangyari noon.

"O my gosh Hailey! Aviana here! I miss you!" sigaw ni Aviana habang tumatakbo papalapit sa kanila.

Napalingon naman agad si Hailey at napahawak sa kanyang bibig nang makita ang bagong itsura ng kaibigan.

"Shocks, nasira ang pose ko do'n. Pinagpawisan tuloy ako!" sambit ni Aviana habang inaayos ang kanyang buhok. Bigla siyang napatigil nang mapansing hindi umiimik si Hailey. Lumingon siya rito at nakita ang nagtatakang mukha nito.

"Hindi mo ba ako na-miss? Bakit hindi ka man lang gumagalaw diyan? Natulala ka sa ganda ko ano? Tell me please!"

Napatawa si Hailey sa sinabi ng kaibigan. "Ano ka ba, siyempre na-miss kita. Pa-hug nga ako sa bagong boy-cut hair mo!"

"E girl, 'yan kasi ang uso no'ng nagbakasyon ako sa New York. Gosh, hindi ba bagay?" sambit ni Aviana.

Napangiti si Knox nang makita ang balisang itsura ng dalaga habang pilit na sinusuklay ng kanyang kamay ang boyish look hair nito.

"O my, pinagtatawanan mo ako Prince? Hindi ba bagay? Nakakainis ka naman e! May tampo na nga ako sa 'yo dahil ang tagal mong nawala. Tapos pagtatawanan mo pa ako ngayon," nakabusangot na sabi ni Aviana. Lalong natawa si Knox sa reaksyon nito. Si Hailey naman ay hindi pa rin maka-get-over sa new look ng kaibigan. Para kasi itong si Miley Cyrus sa iksi ng buhok. Naka-blonde hair at red lipstick pa.

"Pero grabe ang laki nang pinagbago mo Prince. Bakit mas lalo kang naging yummy?" biglang tanong ni Aviana. Napatingin sa kanya si Knox na kasalukuyang tumatawa pa rin.

"Ouch naman!" sigaw ni Aviana. Napahawak siya sa kanyang tagiliran nang makaramdam ng kurot. Kaya naman lumingon ang lahat sa gilid para alamin kung sino ang may gawa no'n.

"Aubrille? Na-miss kita!" Niyakap agad ni Hailey ang bagong dating na kaibigan.

Gumanti rin ng yakap si Aubrille at halos mangiyak ngiyak nang makita na okay lang sina Hailey. "Ang tagal ninyong nawala ni Prince, pero masaya ako at ligtas kayo. Hindi ko na kailangang tanungin pa, dahil base sa itsura ninyong dalawa ay mukhang wala ng problema. Tama ba ako?"

Tumango si Hailey at muling yumakap sa dalawang kaibigan. Tumagal iyon ng ilang segundo at unang kumalas sa pagkakayakap si Aubrille. Taas kilay siyang humarap kay Aviana.

"Ikaw, ano na naman 'yang sinasabi mo kay Prince? Tsaka anong itsura 'yan? Nagrerebelde ka ba?" tanong ni Aubrille.

"My gawd! 'Yan ang salubong mo sa akin girl? Hindi na bale, bukas na bukas din ay magpapa-hair-extension ako!" tugon ni Aviana.

Natawa naman silang lahat sa suhestiyon ng kaibigan.

"No amount of physical beauty will ever be as valuable as a beautiful heart," singit ni Aubrille. Napatingin sa kanya si Aviana at ngumiti.

"Pero hindi pa rin ata kami masasanay sa itsura mo, konting panahon pa siguro," dugtong naman ni Hailey. Nagtawanan na naman sila, ilang minutong kwentuhan pa at nag-aya na rin si Knox na pumunta na sila sa kanilang mga silid.

Habang naglalakad sa hallway ay nagtitilian ang mga kababaihan tuwing makikita si Knox. Hindi na rin bago dahil paulit-ulit na lang na ganito ang eksena kapag nakakakita ng guwapo ang mga kababaihan sa paaralan.

"Yo Hailey!" tawag agad ni Zaid nang makita na makakasalubong nila ang dalaga.

Napalingon si Hailey at sandali siyang natigilan nang mapansin na kulang ang miyembro ng Aphotic Dread. Wala ang taong hinihintay niyang magbabalik.

"Hello guys!" bati ni Hailey.

"My loves, kamusta na?" pangangamusta ni Jia.

Ngumiti si Hailey nang makita na ayos na si Jia. Ilang araw daw kasi itong hindi kumakain dahil walang gana. Sumagot naman agad siya sa tanong nito, "Mabuti naman, kayo?"

Napansin niya naman si Braxly na abalang pumipindot sa kanyang cellphone. Madalas niya kasi itong nakikita na nagbabasa ng pocket book, kaya medyo nagulat siya nang makita kung ano na ang hawak niya ngayon.

"Hailey, simula nang umalis si Paula, naging cellphone adik na 'yan," biglang sabi ni King nang mapansin niya kung sino ang tinitignan nito.

Natigilan si Braxly at lumingon kay Hailey na ngayon ay nakangisi na sa kanya. "Don't mind them," sambit nito.

"Akala ko si Jia lang, pati pala ikaw?" biro ni Hailey.

"Napasama na naman ako My loves? Tara na mala-late na tayo," pag-iiwas ni Jia. Nauna na siyang naglakad palayo at sinundan ni Braxly papunta sa kanilang klase.

"Ang hirap talaga kapag may love triangle, 'di ba Hailey?" natatawang tanong ni Zaid bago tuluyang umalis.

"Loko ka Zaid!" pahabol ni Hailey. Nagpaalam na rin sa kanila si King at tinapik sa balikat si Knox bago umalis.

Nagpatuloy na ulit sila sa paglalakad at bago pa sila makarating sa kanilang mga classroom ay nakasunod na agad sa kanila ang Orphic Braw.

"Hi Princess ni Prince, kamusta na?" tanong ni Kyler.

"Hello Hailey," bati naman ni Mave. Lumingon sa likuran si Hailey at kinawayan ang apat.

"Hi! Mabuti naman kami, nakasunod pala kayo sa amin? Kaya pala hindi nawawala ang tilian ng mga babae kanina pa," biro ni Hailey. Napaapir naman si Yosef sa kanya pagkatapos niyang magsalita.

"Hi Hailey, Ms. Aviana and Ms. Aubrille," sambit ni Keith. Nakipagkamay siya sa tatlo at nagsimulang makipagkwentuhan kay Aubrille habang naglalakad. Palihim na napangiti si Aviana sa kaibigan. Isa kasi sa crush ni Aub si Keith, kaso dahil babaero ito, nawala ang kanyang atensyon dito.

Inihatid na ng Orphic Braw ang mga dalaga sa kanilang classroom bago pa tumunog ang bell. Nagpaalam na rin sina Knox at sinabihan sina Hailey na sabay na silang kakain ng lunch pagkatapos ng klase. Nauna nang pumasok sa silid ang double A's.

Samantala, pagkadating sa classroom ni Hailey ay hindi pa rin maalis-alis ang wagas na ngiti sa kanyang mukha habang tinitignan ang hawak niyang Juliet roses. Naglalakad siya papunta sa unahang upuan nang may bumangga sa kanyang likuran. Muntik na siyang mawalan nang balanse dahil sa lakas ng impact at bigla niyang nabitawan ang hawak niyang Juliet roses.

Mabilis siyang lumingon sa likuran para tignan kung sino ang nanadyang gawin iyon sa kanya.

"I'm sorry bitch, hindi ko kasi napansin na may tao pa lang nasa daan. I mean, hindi kasi mukhang tao!" taas kilay na sabi ni Sofia. Nagtawanan naman ang ibang mga babae sa classroom.

Nanlaki ang mata ni Hailey nang marinig ang pang-iinsulto nito. Lalapitan niya na sana ang babaeng iyon, pero huminto ang kanyang mga paa dahil naisip niya na hindi dapat pinapatulan ang tulad ni Sofia na walang ibang alam gawin kundi ang mang-inis ng tao.

Tinalikuran niya na ito at yumuko para pulutin ang nabitawang Juliet roses. Ngunit nang aabutin niya na ang mga rosas ay may pumunta sa kanyang harapan. Suot ang stiletto LV heels na kulay pula, tinapakan nito ang tatlong rosas at dinurug-durog pa.

Padabog na tumayo si Hailey at hinarap ang babaeng tumapak sa kanyang mga bulaklak. Tumambad sa kanyang paningin ang pagmumukha ng kanyang best friend. Ilang segundo silang nagkatitigan, kitang kita ang umaapaw na galit sa mga mata ni Freja.

Natigilan naman si Hailey dahil hindi niya inaasahan ang pagpasok ng kaibigan sa Skrivena. Hindi rin siya sigurado kung bakit iba ang pakiramdam niya sa muli nilang pagkikita. Parang mas lumala at lumalim ang galit o selos na nasa kalooban ng kanyang best friend.

"Next time dear bitch, stay away from my fellas!" sigaw ni Freja Jazz.

Napatingin ang lahat sa kanila, maging ang double A's ay napalingon rin sa kanilang likuran. Nakita ni Aubrille ang mga Juliet roses na halos wasak na wasak na sa sahig at nakita naman ni Aviana ang nangangatog na kamao ni Hailey. Hindi niya makita ang mukha ng kaibigan dahil nahaharangan siya.

Kaya naman mabilis silang tumayo para puntahan ang kaibigan, samantalang si Freja naman ay iniwan na ito at lumabas na ng classroom. Sumunod sa kanya sina Sofia at Yarin Pie.

"Okay ka lang Hailey?" tanong ni Aubrille paglapit nila. Hindi umimik si Hailey, pero makikita ang pamumula ng mukha nito at nakakuyom na mga palad.

Hinawakan ni Aviana ang mga kamay ni Hailey at binulungan itong kumalma. Natigilan ang lahat nang magsalita ulit si Freja bago tuluyang makalayo sa pintuan ng classroom.

"Caution, I'm so back; The Queen is back to her throne! So don't you dare to bitchy mess with me! I know your weakness bitches!"

Natahimik ang buong klase, pero si Aviana ay patuloy pa rin sa pagsasalita ng Queen ant. Hindi naman ito pinansin ni Freja, sa halip ay lumingon siya kay Hailey at muling nagsalita, "The Queen will rise again, hopeless Princess!"



------------------------------------------

Kamusta na? Na-miss ko kayo! Sana makapag-iwan po tayo ng mga komento, gusto kong mabasa ang mga reaksyon ninyo... Maraming salamat dahil umabot ka rito.

Kindly type down your comment, click vote and share this story. Mwah! Thank you!

Please like my Page:

KhelieLove Stories

https://www.facebook.com/khelielove

My FB accnt:

Khelielove WP

https://www.facebook.com/khelielovesyou

Makipagkulitan at mag-share ng mga opinyon at kung ano-ano pa! Join our FB Group

Skrivena University group

https://www.facebook.com/groups/650045461763267/

המשך קריאה

You'll Also Like

1.4M 39.3K 50
HIGHEST RANK: #1 IN ACTION. A war is coming... in search of the hidden Global Treasure. The Queen will rise.... TO WELCOME THEM TO HELL. This is a...
187K 5K 60
Ang love ay parang buwan. Nagbibigay ng liwanag kapag nasa dilim at higit sa lahat Iiwan ka pagdating ng araw. ...
42K 1.3K 59
Paaralan para sa mga Piling Studyante. Sasabak sa Hamon ng Death King. Makikipag Sapalaran para sa Buhay.
992K 28.4K 61
Wala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.