The Good Between Bad

By Celestine_Jade

790K 23.9K 1.7K

Marissa Rose Diva. A girl who doesn't want to gamble her heart when it comes to love. Ang gusto niya ay yung... More

PROLOGUE
NAME YOUR CHAPTER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 : Critisism
Chapter 4
Chapter 5: Secret
Chapter 6
Chapter 7: It's you
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Surprise...
Christmas/New Years Treat
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 14: Princess

16.4K 555 33
By Celestine_Jade

Mimi - Mikaela Mia Bermudez' pic on the multimedia.

Chapter 14

Laking tuwa ng nararamdaman ko nang matapos ang exam week. Nag-aral ako ng mabuti para 'don. Yung mga resulta ay sa susunod na linggo pa namin malalaman.

Wala namang masyadong nangyari sa eskwelahan maliban nalang sa nung sinabi ni Mr. Villegas na hahawakan niya ang section namin.

Kasi si Mrs. Tarnate na professor namin sa Speech and Public Speaking ay malapit nang mangabak. Nag-take siya ng advance leave at hanggang next sem na daw 'yon.

Bahay-trabaho lang ang gawain ko. Kapag may oras ako ay tumatambay lang ako sa bahay. Taong-bahay ako. Minsan niyayaya ako nila Mimi at Hyacinth na gumala pero tumatanggi ako.

Mas gusto ko talagang sa bahay nalang.

"Maro, c'mon. Sumama ka na."

"Kayo nalang, Mimi. May trabaho pa 'ko eh." Pagdadahilan ko.

"That's why we'll move it on Sunday. Alam naming off mo 'yon."

"Pero-"

"Maro..." Pagsingit ni Hyacinth. Makataas ang kilay niya't diretso ang tingin sa'kin. "Exam week's done. The results came out and you're one of the top. You should let yourself have at least a price or token of your hard work. Kaya 'wag ka nang magpalusot at tumanggi dahil kakaladgarin ka namin if needed. Kami nang bahala sa gagamitin mo and all you have to do is have fun. Okay?"

Wala na kong nagawa kung hindi ang pumayag. Wala na kong maisip na palusot eh. Susubukan ko nalang mag-enjoy hindi gaya ng huling punta ko 'don.

White Castle ang pangalan ng bar. Dito din kami galing n'on.

Nakaladlad ang halos hanggang bewang kong buhok. Nilagyan din nila ako ng konting make-up. Blush on, mascara at pink lipstick na katerno ng mga kuko ko. Hindi na ko nanghiram ng mga alahas. Baka mawala ko lang kasi. Mukang mamahalin pa naman.

Gawa sa madulas na tela ang suot ko. Manipis ang strap at round neck na medyo mababa. Hanggang itaas ang tuhod ko ang haba.

Hindi naman siya masikip pero hulma nito ang dibdib at bewang ko. Minsan inaangat ko 'to dahil pansin kong may mga lalaking tumitingin sa bandang dibdib ko.

"Dito nalang tayo." Tanaw ko ang nakaangat na kamay ni Mimi. Sinisenyasan niya kami.

Hinatak naman ako ni Hyacinth pero napatingin ako sa likod nang may maramdamang humaplos sa pwetan ko. Wala naman akong nakitang kakaiba. Baka guni guni ko lang.

"Bakit parang ang daming tao ngayon?" Sabi ni Mimi at tumingin sa dance floor. Lumapit naman ang isang waiter sa'min matapos senyasan ni Hyacinth.

Ginaya ko si Mimi at tumingin sa paligid. Hinayaan naming si Hyacinth ang umorder.

Nang dumating ang inumin ay agad nila itong kinuha.

"Here, Maro. Hindi matapang 'yan. You'll like it."

Sinuri ko ang tinanggap kay Hyacinth. Mataas ang baso nito. Pink ang ilalim at puti sa ibabaw. Tinikman ko ito at sumipsip.

Hmmm... Ang sarap. Tama si Hyacinth. Hindi ko ganong malasahan ung alak. Though may mapait pero parang juice lang siya kaya nga nakalahati ko lang siya. Uhaw pa naman ako.

"Woah, slow down, girl." Natatawa at pasigaw na sabi ni Maro.

Ngumiti lang ako. Patuloy lang pagdating ng inumin. Iba iba ang iniinom nila pero ako yun lang. Masarap eh.

Dumadagundong ang buong paligid. Nababalutan nang mixed song ni Zedd ang lugar. Ang daming taong nagsasayaw at hindi ko mapigilang igalaw ang katawan ko. Umiinit narin ang pakiramdam ko.

"Tara Hyacinth... Let's dance. Mukang nasa mood na si Maro."

"H-hindi... Okay lang. Dito nalang ako..."

Umiling pa ko at inangat ang kamay ko pero hinila lang ni Mimi 'yon at dinala ako sa dance floor. Kasunod namin si Hyacinth na tumitingin sa paligid.

Umindak agad si Mimi pero ako paang tuod. Pag tingin ko kay Hyacinth ay may kasayaw na siya. Ang bilis. Parang wala pa kaming limang minuto sa dance floor ah.

Nakahanap din ng ibang partner si Mimi. Matangkad, itim ang buhok ay naka v-neck shirt na pinatungan ng dark coat. Titig na titig ito kay Mimi at nakahawak sa bewang habang siya naman ay nakataas ang kamay ay humihiyaw.

May humawak sa tyan ko mula sa likod kaya napaharap agad ako sa gulat.

"Hi there..."

"H-hello."

Natawa ito nang tinanggal ko ang kamay niya. Sa totoo lang gwapo siya lalo na nung ngumiti siya.

Pantay ang mga ngipin niya. Semikal ang buhok niya. Matipuno, matangkad at moreno. Lalaking lalaki at pilipinong pilipino ang dating.

Hindi siya umalis pero dumistansya siya ng konti. Alam niya sigurong naiilang ako pero ung mga kamay niya ay bumaba sa gilid ng bewang ko.

"Ngayon lang kita nakita dito. What's your name?"

"Ano?"

Pasigaw kong tanong. Hindi ko kasi ganong marinig dahil sa sobrang lakas ng music.

"Maro. That's her name..."

Si hyacinth ang sumagot. Kinindatan niya ko at nagpatuloy sa pakikipagsayaw.

"I'm Nyx." Ngumiti ako. "You're not used to this kind of place are you?"

"Pa'no mo nalaman."

"Naglilikot ang mga mata mo. You're stiff on the dance floor and more specially, you don't like close physical contact." Kinuha niya ang dawalang kamay ko at nilagay sa leeg niya. Binaba ko naman agad ito sa balikat niya. "See what I mean?"

Natawa ako. Naging palagay ang loob ko sa kanya habang nagsasalita siya. Hindi na'ko nailang nang magtagal. Lalo na't kailangan naming mag-usap nang malapit sa tenga ng isa't isa.

Bumubulong siya sa'kin nang may kumalabit sa balikat ko.

"Hi, Maro... Pwede ba kitang isayaw."

"O-Oliver?"

Hindi niya na hinintay na sumagot si Nyx at pumagitna sa'min. Nakangiti itong inayos ang salamin niya bago humawak sa bewang ko. Nakanganga lang akong nakatingin sa kanya. Ni hindi ko man lang napansin na umalis na ang kasayaw ko kanina.

"Mukang nag-eenjoy ka, ah."

"Medyo." Sagot ko. "Ikaw? Mag-isa ka lang pumunta dito?"

Nagkibit balikat ito. Hindi ko alam kung bakit yun agad ang natanong ko. Siguro dahil naisip ko na kung nandito siya. Marahil nandito rin si Seven.

"Where's your seat? You look tired."

Gusto kong sabihing hindi pa 'ko pagod pero tinuro ko na'rin ung pwesto namin. Nakita ko na don sina Mimi at Hyacinth, nagbubulungan.

Hinatak ako ni Oliver. Bumati siya sa dalawa bago kami umupo. Bumati rin sila pabalik. Nag-usap pa sila at sa tingin ko lagi nilang nakikita ang isa't isa rito.

Uminom si Hyacinth ng alak habang may tinitignan sa bandang likod ko at bumubulong sa kanya si Mimi.

"Si Seven yon diba?"

Lahat kami napatingin sa likod ko kung sa'n nakatingin si Mimi maliban kay Oliver na tumawag ng waiter. Sumulyap lang si Oliver matapos bago dumampot ng nuts.

Nasa bandang dulo siya ng bar. Nakaupo sila sa vip area kung sa'n may dalawang bouncer na nakatayo malapit sa kanila.

Nagsasalita ung babae. Masyado silang malapit. Nakakunot ang noo ni Seven bago ito sumulyap sa phone na nasa lamesa. Kinuha niya ito habang patuloy paring nagsasalita ung babae.

"Sino yung kasama niya? I recognize her somewhere..." Napaisip si Mimi. "Alam ko na. Yung babaeng kasama niya sa skyway heights noon."

Una mong mapapansin ay ang pino niyang kilos. Napaka sopistikada. Pati kung pa'no niya dalhin ang maiksi at kulay ginto niyang tube dress. Mahahaba ang mga binti. Mukang may edad na. Siguro mga thirties?

Nakangiti ang kulay pulang mga labi habang nakatingin kay Seven na umisang lagok ng inumin.

May kung anong masakit sa dibdib ko lalo na nung bahagyang ngumiti si Seven sa kanya.

Umiwas ako ng tingin at sumipsip ng inumin.

"Isn't she the same girl as last week? She looks... too old for him." Tumango si Mimi.

Last week din?

"Siya ang may-ari ng club na ito. She's Edina, a friend." Sagot ni Oliver.

Lumapit ang mukha ni Oliver sa'kin at bumulong. "She's the ex-wife of Mr. Villanueva. He's getting some info about the case."

Parang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Pasimple akong sumilip. May sinasabi si Seven pero bigla siyang napatingin sa'kin. Saglit lang 'yon pero pinabilis na agad no'n ang pintig ko.

Pakunwaring tumingin ako sa mga nagsasayaw pero sumimple ulit ako ng tingin. Nasa phone ulit ang atensyon niya at nagpipipindot.

"Sige umorder lang kayo... It's on me."

"Wow. Thanks, Oliver. Bakit hindi mo ka ganito kagalante next week."

Ngiti ang sinagot ni Oliver bago uminom ng alak. Si Hyacinth tahimik na nakatanaw sa mga taong nagsasayaw. Si Mimi naman ay may kinayawan sa bandang gilid niya. Namukaan ko siya... Yung kasayaw niya kanina.

Nagpaalam akong pumunta ng banyo. Ramdam ko ang hilo pagkatayo ko pero nagawa ko parin ang mga dapat kong gawin.

Pagkabalik ko ay may bagong set ng inumin pero wala ang sa'kin. Uminom ulit ako.

"Maro, oh. Diba sabi mo kanina makikitext ka."

"Ha?"

Iniabot niya sa'kin ung phone sa paraan kung san kitang kita ko agad ang screen. Nung una nagtaka lang ako pero biglang nanlaki ang mga mata ko sa nabasa.

'Give her your phone."

Galing kay Seven. Napalunok ako at sumimple ng tingin sa kanya. Nakatingin siya sa gawi namin tapos sa phone.

Nag vibrate ung hawak ko.

Syete. Nagtext ba siya?

'Stop drinking.'

Hala! Natigilan ako at binaba ang iniimon ko.

Anong sasabihin ko? Bahala na... Nagreply ako.

'Konti lang naman.'

Naku! Nakita ko siya nagtetext. Ano kayang irereply niya. Nakagat ko ang kuko ko sa kamay dahil sa kaba ng paghihintay. Napansin pa 'ko ni Hyacinth. Kunwari mama ko ung katext ko.

Nagvibrate ulit.

'You're on your fifth drink. One more sip and I'll drag you out of here, princess."

Kumabog na naman ng mabilis ang puso ko. Malakas. Parang sumasabay sa dagundong ng paligid.

Hindi ko na napansin ung ibang tinext niya. Ni hindi ko nga alam kung sisimangot ako o ngingiti. Isang salita lang ang tumatak sa'kin.

Princess...

Iniwan na kami ni Oliver. Hindi na 'ko uminom pagkatapos. Hindi narin ako sumayaw at nanatili sa kinauupuan ko. Nakatingin lang ako sa mga sumasayaw at nagsasayang nga tao pero feeling ko mas enjoy at masaya ako sa kanila.

Hanggang umaga hindi ko makalimutan yung tinext niya.

Princess... Princess...

"Princess..."

"Maro, in-love ka ba?"

"A-ano? Ako? Ano bang p-pinagsasabi niyo diyan?"

"You're right, Mimi. I think she is." Naglalakad kami papunta sa cafeteria pero tumigil sila oara tignan ko. Naiilang ako sa tingin nila. "You're thinking about him, aren't you?"

Patay, halata ba?

"H-hindi."

Ngumiti ng nakakaloko si Mimi. "Yung kasayaw mo kagabi 'yon ano. Kung sabagay gwapo siya."

Humagikgik silang dalawa. Ayokong magtanong pa sila kaya nilagpasan ko sila at nagmadaling maglakad. Tinawag nila ko pero sabi ko gutom na 'ko.

Humanap muna kami ng upuan bago umorder. Naiwan ako para ma reserve ang upuan.

Napabaling ako sa taong umupo sa tabi naming upuan. Ang dami niyang inorder. Chocolate cake, chocolate shake, chocolate moose tapos may chocolate bar pa.

Wow. Hindi kaya mapurga si ate?

Wait lang. Parang pamilyar siya...

Biglang lumapit si Bianca at mga kaibigan niya. Humito sila sa tapat nito at namewang. Nang nag-angat ng tingin ung babae ay saka ko lang siya namukaan.

Syete! Diba siya ung magandang babaeng halos araw araw nandito? Bakit ganyan ang suot niya.

Nung mga nakaraang araw kasi naka dresa siya lagi ngayon iba na siya manamit.

Na-pony parin ang buhok niya pero nakapasok sa butas ng suot niyang sumbrero. Naka T-shirt at pantalon na medyo malaki at rubber shoes.

Wala na siyang make up pero maganda parin. Natural na mapula ang pisngi at labi tapos kulay abo ang mata. Pero bakit naka eye patch siya?

"Hoi, miss bakit nandito ka na naman. Pa'no nakapasok ang isang outsider na gaya mo?" Sabi ni Camille na ngumunguya pa ng bubblegum sa kanan ni Bianca.

"I heard she's looking for Seven. Inaakyat niya lagi ung gate sa likod ng school. Siguro may gusto ka sa kanya noh? Eeww desperate much and what's with that disgusting eye patch?"

Tinawanan nilang tatlo ang sinabi ni Roxanne na nasa kaliwa ni Bianca. Nakuha na nila ang lahat ng atensyon.

"Alam mo, miss. Wala kang mapapala sa kakapunta mo dito. If I know you just an attention seeker. Coming here with dresses and heels then change your strategy to a what? Dressing like a lesbian or a dude? Either way... You're not from this school at kapag di ka pa umalis right now, we'll call the guards. Your call."

Ngumiti gg tagumpay ang tatlo habang halukipkip. Yung babae walang sinabi. Kununot lang ang noo at tumalim ang tingin niya sa tatlo. Tumayo ito at halatang mas matangkad siya sa kanilang tatlo. Nakakaintimidate siya.

Wait lang.

Yung paraan ng pagkunot ng noo niya pamilyar din. Yung mga titig niya na parang maeestatwa ka sa lamig. Yung awra niyang nakakakaba. Pati mata niyang kulay abo.

Hindi kaya...

"Okay, first, I don't know who you girls think you are but I'm sure that your the queen bee wannabes. Second, I'm the person that's gonna kick you out of your places to where you're suppose to be. I'm the girl who can make little girls like you beg and cry real quick. Third, I have to put on girly clothes everyday and I'm damn frustrated right now. And if I snapped, I'll make sure that the first person you three would call for help is a plastic surgeon. Now... I'm gonna ask this only once..." Mabilis niyang kinuwelyuhan si Bianca. Tumili si Roxanne at napatayo ako. Natigil ang lahat.

"Where can I see my brother or I'm gonna squeeze your boobs 'til they squirt their silicons out, bitch?"

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 49.1K 51
ZAMORA BROTHERS SERIES III Servo Callix Jamisola Zamora Servo is one of the most sought bachelors, naughty and party goer. He loves partying and soci...
956K 12.8K 44
This is a story about a girl who is forced to marry her bestfriend. But the sad part is, her bestfriend doesn't love her back, in fact, he only treat...
2M 40.8K 33
(Finished) You're 19. He's 28. What's really the deal of having a relationship with an older guy? Unless it didn't start with a simple relationship...
4.6M 91.6K 44
✨PUBLISHED under PSICOM Publishing Inc.✨ (MONTENEGRO NAKED SERIES: #1) Simpleng babae lamang si Braelynn Benites. Wala siyang ibang hinangad kundi an...