The Virgin Writer

By crushyrushy

4.9M 56.9K 5.9K

(To be published under Red Room/ LIB) (Completed) She is Pollyanna Garcia and She's a Virgin Writer :) More

The Virgin Writer
Virgin no. 1
Virgin no. 2: Revenge?
Virgin no. 3 (Walang kwentang Chapter)
Virgin no. 4
Virgin no. 5
Virgin no. 6
Virgin no. 7
Virgin no. 8
Virgin no. 9
Virgin no. 10
Virgin no. 11
Virgin no. 12
Virgin no. 13 (Walang Kwentang Chapter II)
Virgin no. 14
Virgin no. 15
Virgin no. 16
Virgin no. 17
Virgin no. 18
Virgin no. 19
Virgin no. 20
Virgin no. 21
Virgin no. 22
Virgin no. 23
Virgin no. 24
Virgin no. 25
Virgin no. 26
Virgin no. 27
Virgin no. 28 (LAME chapter -__-)
Virgin no. 30
Virgin no. 31
Virgin no. 32
Virgin no. 33
Virgin no. 34: Misunderstanding
continuation V.34
Virgin no. 35
Virgin no. 36 : Truth
Virgin no. 37
Virgin no. 38
Virgin no. 39
Virgin no. 40
Virgin no. 41
Virgin no. 42
Virgin no. 43
Virgin no. 44
Virgin no. 45
Virgin no. 46
Virgin no. 47
Virgin no. 48
Virgin no. 49
QUESTIONS!
The Virgin Writer - Epilogue
The Virgin Writer BOOK 2
SELF PUBLISHED BOOK
Sorry Guys

Virgin no. 29

79.5K 901 101
By crushyrushy

Haayy.. Bagsak ako ng Qualifying Exam. Pero hindi ako magpapapigil! May December Board pa naman. Pero ngayon.. Matumal na akong magUUPDATE,, dahil naghahanap ako ng Trabaho.. HAHAHAHA.. Sana makapasa ako sa Exams ko sa UNILIVER para makatulong na ako..

Anyway, Thank you sa mga bumati nung graduation ko. Kamusta naman iyon? Halos 1 month akong hindi nagUpdate? Thank you!! Kayo na! 140K :) Woo! Achievement!

Dedicated to you :)) Thank you for Supporting TVW :)) Follow me on Twitter :) @ U_and_Rushy :) Salamaaaat!

*********

Virgin no. 29

<Polly's POV>

"Hmm.. Hmm.."

Ako ay Masaya. Masaya ako. Masaya ka ba? Dapat masaya ka! Kasi ako masaya! Teka, may naintindihan ka ba sa pinagsasabi ko? Ako? Wala, kasi ang alam ko lang Masaya ako.

"Good Morning Ms. President." Bati sa akin ni Delta, Student Council's Treasurer.

"Good Morning Delta!" Tinapik ko ang balikat nito. "Ganda mo ngayon ah.."

Mukhang nagulat pa ito sa ginawa ko. Ewan ko ba, lahat ng nakikita ko maganda eh. Nang natulala na ito nagkibit balikat na lang ako at pumunta na lang ng Room namin.

Pagpasok na pagpasok ko yung mga magugulong lamesa inayos, at nagsipuan sa mga kanya-kanyang upuan. OA lang? Ganito ba talaga epekto ko?

Oh well?

Dire-diretso akong umupo sa tabi ni Khristel na nagmamascara pa nga mata.

"GoodMorning!" Bati ko.

"Good---" Tumingin ito sa akin at mukhang may napansin saka tumayo. "Aha!" sabay turo sa akin.

Ako si Ms. Panic hinawakan ko yung leeg ko! Ganitong ganito yung eksena namin nung nakitaan niya ako ng CHIKININI sa leeg. Naaalala niyo pa ba yun? Yung gawa ni Mint?

Teka! Lihim ba akong nilagyan ng CHIKININI ni Mint sa leeg ko?

"Ooy! O-ooy!" Lumalayo ako ng konti dito ng lumalapit ang mukha nito. Nagtataas baba pa yung mata niya.

"Ano ang nakikita ko ngayon?"

"T-teka! Wala naman akong Chikinini ah!"

"Anong Chikinini ang pinagsasabi mo?"

"Teka nga! Lumayo ka muna sa mukha ko!" Lumayo naman ito at ako naman umayos. Mukhang maghahalikan kasi kami dahil ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. "Ano ba iyon?"

"Tsk. Tsk. Tsk" With matching galaw pa ng ulo niya. "May sintomas ka na."

Hinawakan ko yung tiyan ko. "Sintomas ka diyan! Virgin pa ako!"

"Alam ko! Hindi naman yun yung sinasabi ko eh!" Namewang ito at diretsong tumingin sa mata ko. "Namumulang pisngi. Nagoglow ang mata. Blooming. At higit sa lahat.." Pinunasan nito ang ilong ko. "Nangingintab na ilong. InLove ka noh?"

"O-oy! A-anong pinagsasabi mo diyan!" Umiwas ako ng tingin saka dirediretsong umupo sa upuan ko. "Inlab.. Inlab.. Hindi ako In-Love! Saka anong kinalaman nung makintab na ilong sa inlove?"

"Ewan ko naisip ko lang." Umupo na din ito sa tabi ko. "Teka nga, wag mo ibahin ang usapan. Inlove ka no?"

"Wala---"

"Wag ka ng magmaang-maangan pa! Huli ka na!" Sinundot nito yung tagiliran ko dahilan kaya nakiliti ako.

"Ano ba?! Di nga ako in---"

Napahinto ako sa sasabihin ko bigla kasi nitong hinarap yung salamin sa harapan ko.

"Anong gaga---"

"Tingnan mo yang mukha mo sa Salamin."

Bigla naman akong tumingin. Halos magulat pa ako dahil sa itsura ko. Tama ang sinabi ni Khristel. Sobrang nagbloobloom ako. Hindi ko alam. Yung pisngi ko namumula, tapos.. parang.. ewan ko, basta.. ang ganda ko..

"Kitams!" Umayos na ito. "Ayan ang ebidensya. Yang mukha mo. Sus! Marunong ka pala niyan. Wag ka magalala sikreto natin kung sino yang kinababaliwan mo." Tapos lumapit siya sa akin. As in Lapit talaga! "Sino nga ulit yung kinaiinlove-han mo? Tutal close nama---"

"Heh!!!" sinigawan ko siya dahilan kaya napalayo siya sa akin.

"Ang EarDrums ko!" Exaggerated pa nitong hinawakan ang Tenga. "Kapag nasira ito, hindi kita mapapatawad!"

"Ewan ko saiyo."

Salamat at tumahimik na ito kaya nanahimik na din ang buhay ko. Saka ano bang pinagsasabi niya. Inlove ampucha! Ako? Maiinlove kay Mint? Maniwala ako sa aki--- Teka! Bakit nasingit si Mint sa usapan? Kapag Inlove Mint agad?

Speaking of Mint, nararamdaman ko na ang prisensya niya. O diba? Alam ko? Ramdam ko eh..

"Mint! I Miss You!" narinig kong sigaw nung mga babae dito.

"I Miss myself too."

Psh. Jerk. Teka. Bakit ba di ako mapakali? Nakayuko ako at nagkunwaring para akong may hinahanap sa Bag. Eh wala naman talaga akong hinahanap! Ano ba..

"Magaling ka na ba talaga Mint?"

"Oo. Magaling Nurse ko eh.. kaso.. pangit lang talaga nung luto niya."

Naramdaman ko nanaman ang Powers niya. Feeling ko nakatingin siya sa akin habang yung ngiti niya makalagas pubic hair nanaman!

Lagas talaga? Oo. Saka, ako ba yung tinutukoy niya? Di ba talaga ako masarap magluto? Ang sama niya!

Mayamaya, nararamdaman ko na ang mga yabag niya. Papalapit siya sa akin. Kinuha ko yung Physics notebook ko at nagkunwaring nagbasa. Wala lang. Para madivert kaso, hindi epektib!

"Uuy Mint. Gwapo mo ngayon ah." Sabi ni Khristel.

"Ganon talaga." Tapos naramdaman ko na nakatingin na siya sa akin. "GoodMorning Ms. President."

Tumango lang ako. Ah! Bahala naa!

"Ah, Salamat nga pala."

Halos lumaki yung ulo ko. Napatingin ako dito. Shet. Gwaping amputeks! Nang hindi ko nakayanan ang makipagtitigan tumingin ako sa paligid, nakanga-nga sila.

"Meaning.." yung isang kaklase ko. "Si Ms. President ang Nurse mo?"

Ohmegas! Wala na! Salabit na ang mga pangalan namin. Kelangan gumawa ng para an.

"Hindi ko---"

"Hindi siya yung Nurse ko." Singit ni Mint. Napatingin ako dito. "Salamat sa pinahiram niyang notebook. Nakapagaral tuloy ako."

Mayamaya, inabot na nito yung notebook... na hindi pamilyar sa akin. Wala akong ganitong ka-plain na notebook.

Nagtataka ko siyang tiningnan. Inabot na lang nito agad yung notebook saka kumindat sabay papito-pitong naglakad papuntang upuan niya.

Ano ba itong Notebook na ito? Tumingin muna ako sa paligid baka nasa akin pa ang attention nila. Nang alam kong wala na, unti-unti kong binuksan ang notebook, nakakita akong ng 5 petals na Rose.

Nacurious ako. May nakita pa akong nakasulat doon.

"Thank You, Polly.."

Napangiti ako. Ano ba yan! Thank You lang ang sinabi halos umabot na yung ngiti ko hanggang tenga.

Wala sa sariling napatingin ako dito. Nakikipagusap na siya sa mga kaklase ko. Baka nagyayabang nanaman.

Haay.. Nasa kanya na ang lahat. Teka, kanta yun aah! No. No. Iba dapat ang lyrics. Kasi hindi naman siya maganda at mabait. Isa siyang.. manyak! at nagpamanyak ako! Mwahahaha!

"GooodMorning... Colyn?"

Napatingin ako kay Colyn na kararating lang.

"Huyy, Colyn. Ayos ka lang?"

Tumango ito habang nakayuko pa. Astig. 

Tumayo si Khristel at umupo sa tabi ni Colyn. Saka hinipo ang ulo nito.

"Masakit ba ulo mo?"

"Medyo.." Umupo ito pero parang nangangalumata ito. "Haay.."

Hinawakan ko naman siya sa braso. Teka, init! Ang init niya. May sakit ba siya?!

"Ang init mo! Fertile ka ba?"

"Na-late na nga ako. Dapat nung isang Araw pa ako nagkaroon." Naghikab pa ito. "Baka pagod lang o kaya.. lagnat laki.."

Ngkatinginan kami ni Khristel. Kahit kelan hindi ko narinig ang salitang "Pagod" at "Lagnat" kay Colyn. Kaya parang nakakapanibago.

"Kung gusto mo, kumain ka na muna." Kinuha ko yung Tuna Sandwich ko tapos binuksan ko muna para kagat na lang siya.

"Ilayo mo nga iyan Polly!" Exaggerated pa itong tumayo. "Ang baho-baho naman niyan! Alis! Ali---" Halos napalayo ito dahil Bigla itong lumabas, nagkatinginan kami ni Khristel na may panlalaki ang mata..

Parehas kaya kami nang nasa isip ni Khristel. Hindi kaya.. BUNTIS siya?!

Napatayo ako at tumakbo saka pumunta sa CR..

Sinong Ama?!

****

<Mint's POV>

Nung nakita kong lumabas sila Polly. Sumunod ako. Parang tuliro kasi yung pagmumukha nilang magkakaibigan.

Nagtago ako ng nakita kong lumabas naman sila ng CR. Luminga-linga pa si Polly bago lumabas, nakaakbay si Colyn sa kanya.

Palihim ko silang sinundan hanggang sa makapunta sila sa DRUGSTORE luminga-linga pa sila. Parang may tinatago.

Bago sila pumasok ng DrugStore narinig kong nagsalita si Polly.

"Huwag na lang kaya tayo bumili. Nakakahiya. NakaUniform pa tayo."

"Wag ka magalala! Pregnancy Kit lang naman iyon! Saka walang maniniwala na para sa iyo yun." narinig ko si Khristel na sumigaw.

Halos natulala ako sa gulat. Pregnancy Kit? Bibili ng pregnancy kit si Polly? B-bakit? B-buntis ba siya? S-sinong A-ma? Teka, hindi na siya.. Virgin? May iba pang lalaki na nakagalaw sa kanya? Akala ko ba.. Akala ko ba..

Nang narinig kong pumasok na sila n Drugstore, napa-isipako..

Akala ko ba.. gusto niya ako?

****

<Polly's POV>

"Ahm.. Ano.. K-kasi.. A-hm.." Napapautal-utal ako habang nakatingin dun sa pharmacist.

"Ano ba talagang kelangan niyo?"

"Ahm.." Bigla akong siniko ni Khristel. "Aray naman.."

"Sabihin mo na kasi.." bulong ni Khristel.

"Ahm.. Ano po kasi.. Ahm.. Meron po ba kayong ahm.. Yung.. Ano.. para.. malaman.. na ano----"

"Pregnancy Kit." Biglang singit ni Colyn. "Para sa kanya." Turo nito sa akin.

"T-t-t-teka! B-baki---"

"Nahihiya po kasi siya." Napalingon ako kay Khristel. "Dalawa nga pong ganun."

Teka! Bakit pinagtutulungan nila ako! Waaaah! Virgin pa nga ako! Bumibili na ako ng Pregnancy Kit!

Umalis na yung pharmacist. Inirapan pa ako. Parang sinabi niya na 'Bata-bata pa nagchurva na!'

"Eto na.." Bigla na lang inabot nung Pharmacist sa akin yung Pregnancy Kit. Inirapan pa ako. Taray mo. Pektusan ko yang Ovaries mo eh!

"Taara na! Tingnan natin kung may Baby si Poly!" Excited na sabi ni Khristel sabay hawak sa kamay namin ni Colyn at hinila palabas ng Drugstore.

"Teeka nga Khr---"

Napahinto kami ng biglang nagbagsakan ang stand ng Noodles doon. Halos hindi magkandaugaga yung lalaking dumadampot ng mga noodles.

"Pasensya na po.."

Teka, parang pamilyar yung Boses na yun ah. Lalapit pa sana ako ng hilahin ni Khristel ang braso ko.

"Wag ka muna magpakabayani, Polly. Pumunta na tayo sa school."

"Teka, lang.. Parang kilala ko kasi.." Wala na akong nagawa ng hilahin na nito ang kamay ko palabas ng Drug Store.

Kilala ko yung boses na yun eh. Parang.. Parang.. Parang si Mint..

*****

[CR-GIRLS]

"Bobo mo! Saluhin mo lahat ng ihi!"

"Tae! Drop nga! Drop!"

"Eh di ipatak-patak mo yang ihi mo."

"Ikaw na langkaya kala mo madali!"

"Eh, siraulo ka pala eh! Nagpachurva ka ng walang gamit na HELMET tapos sasabihin mo mahirap. Sana naisip mo iyan bago mo ginawa!"

"Eh sa nasarapan ako sa ginawa namin eh!"

"Eh masarap naman pala eh. Teka? Anong position niyo?"

"Madami Dude, Halos sayad nga yu----"

"TEKKA NGAA!" Napatingin sa akin yung dalawa na nagdidiskusyon kanina pa sa paggamit ng Pregnancy. Hanggang sa umabot sa kung anong posisyon na ginawa ni Colyn. "Magkwekwentuhan na lang ba kayo dito sa cubicle?"

"Pede rin." sagot ni Khristel. "Paano ba ito gamitin? Papasok sa butas ng Vagina?"

"Sira! Masakit yun!" sabi ni Colyn. "Di ako sanay sa RECTANGLE! Bilog lang!"

"Lolo mo."

"Ano ba?" Sabi ko. "Tuloy pa ba ito?"

"Oo. Eto na nga oh." Mayamaya ay idinedemonstrate na ipapasok ni Colyn yung Pregnancy Test sa butas niya.

"Huy! Anong ginagawa mo! Patak lang iyan!"

"Ay ganun ba? Sensya na. Hilig pumasok eh."

Kanina pa may nacollect na ihi ito. Halos napalunok si Colyn ng kinuha niya yung dropper saka dahang-dahang ipinatak dun sa may parang bilog.

Yung kaba ko. Dumadagundong sa super takot kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako yung nabuntis. Parang may sumisingit na kaba.

"Ano na?" sabi ni Khristel.

"Wag ka maingay baka tumalsik maging tatlo yung Line."

Itinikom naman nito yung bibig.

After 5 mins.

Naging DALAWA yung line.

"Aaaaah! Hindi totoo iyan!" sigaw ni Colyn. "Buntis ako?!"

"AAAAAAH!" Napatingin naman kami kay Khristel. "Buntis ka?" Lingon nito kay Colyn.

"AAAAAAAHHHHH!" Lumabas sila ng cubicle sabay saka ako iniwan sa loob ng CR.

Sige iwanan na lang nila ako dito? Punyemes talagang buhay iyan! Sabay pa talaga sila? Bakit parehas ba silang ina? Teka, posible bang magkaroon ng anak kapag ng Chuchu ang BABAE?

Teka, wala namang sperm cell si Khristel? O kaya ang magandang tanong sinong AMA?!

Napatingin ako sa Pregnancy Kit at dahan-dahan ko iyong pinulot.

No Doubt. Dalawa nga ang line. Buntis si Colyn. Diba pag positive, dalawang line, eh di buntis?

Habang sinusuri ko yung pregnancy test may nagsalita sa likod ko.

"Ms. Writer."

Kinilabutan ako. Kilala ko yung boses na iyon! Si MINT yun!

Huminga ako ng malalim.

Sheet.. Hawak ko pa yung Pregnancy Kit..

"Oy." Tawag ulit nito sa akin.

Unti-unti akong humarap sa kanya. Saka nilagay sa likod ko yung Pregnancy Kit.

"M-m-m-m-m-mint.."

Nakalukot lang ang kilay nito at parang may hinihintay itong sabihin sa akin.

"A-a-ahm.. H-ha-ha-ha! B-b-bakit ka n-nandito?"

"Bakit parang kinakabahan ka?"

"A-ano k-kasi.. B-baka m-may makakita s-sa at----"

"I locked the Door."

"A-aah.. H-ha-ha.. S-sige.. A-alis n-na ak---"

"Ano iyang tinatago mo sa likod?"

"H-ha? A-anong L-likod? W-wala!"

Unti-unti itong lumapit sa akin.. Shet! Ihulog ko na lang kaya ito?

"W-wag ka l-lumapit!"

"Why not?"

"G-gusto ko"

Blank Stare. He walked towards me. Patay!

"O-oy! D-diyan ka l-lang!" Pinipigilan ko pa din siya. Nakakaasar kasi! Wag ka na lumapit!

"Tss." Nakalapit na ito sa akin at nakatingala ako sa kanya.

Unti-unti nitong nilapit yung mukha niya sa mukha ko.. tapos.. tapos.. ini-smack kiss niya ko sa lips!

Halos natulala ako tapos naka-smile pa na hindi ko maintindihan.

"You look so nervou--"

Wala sa sariling nabitawan ko yung pregnancy kit.

Napatingin kami parehas doon. Ako, kinakabahan. Siya naman nagmamadaling kinuha yung Pregnancy Kit.

"Akin na iyan!" At dahil sa matangkad siya, tinaas niya yung kamay niya at kitang-kita ko na yung mukha niya na hindi maipinta ang mukha.

"Buntis ka?"

Sabi na eh! Ako mapagkakasalanan nito eh!

"Hind---"

"Buntis ka?"

"Ano.. Kasi.. Hindi sa ak---"

"Buntis ka ba?!" Sumigaw ito.

"Bakit ka ba sumisigaw! Hindi ako buntis!"

"You're lying." Hinagis nito yung Pregnancy Kit. "2 lines means you're pregnant."

Patay.. Paano ko ito maipapaliwang.. Hala ka diyan..

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 192 42
Tasha woke up remembering nothing. On her first day of being "amnesia girl", she came across Thrill Caligo Yantez who was then escaping his marriage...
2.9M 82.6K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
5.4K 163 38
CHASING SERIES #3 Status: Completed. Date: June 16 - June 23, 2020. Grace Miranda. Siya ang tipong mas mahal pa ang libro kase sa kung sino. Well, sh...
554K 19K 93
How will you correct the mistake that you've done because of your past?