Love at First Sight

By MyTrixietrix

90.9K 3.6K 195

Love at first sight More

PROLOGUE
First One
Second One
Third One
Fourth One
Fifth One
Sixth One
Seventh One
Eight One
Ninth One
Tenth One
Eleventh One
Twelfth One
Thirteenth One
Fourteenth One
Fifteenth One
Sixteenth One
Seventeenth One
Eighteenth One
Nineteenth One
Twentieth One
Twentyfirst One
Twenty-second One
Twenty-third One
Twenty-fourth One
Twenty-Fifth One
Twenty-Sixth One
Twenty-Seventh One
Twenty-Eight One
Twenty-Ninth One
Thirtieth One
Thirty-First One
Thirty-Second One
Thirty-Third One
Thirty-Fourth One
Thirty-Fifth One
Thirty-Sixth One
Thirty-Seventh One
Thirty-Eight One
Thirty-Ninth One
Fortieth One
Forty-First One
Forty-Second One
Forty-Third One
Forty-Fourth One
Forty-Fifth One
Forty-Sixth One
Forty-Seventh One
Forty-Eight One
Fiftieth One
Fifty-First One
Fifty-Second One
Fifty-Third One
Fifty-Fourth One
Fifty-Fifth One
Fifty-Sixth One
Fifty-Seventh One
Fifty-Eight One
Fifty-Ninth One
Sixtieth One
Sixty-First One
Finale

Forty-Ninth One

1.4K 68 5
By MyTrixietrix

Forty-Ninth One 


 Maaga akong sinundo ni Ate Saab para daw makapag sukat na ko ng mga wedding gowns. Nandito na kami ngayon sa isang napaka garang shop ng mga wedding gowns. Grabe lang ang mamahal ng mga gowns dito. 

 "Ate? Ang mamahal naman ng gowns dito. Isang beses lang naman susuotin." 

 Natawa naman siya. "Okay lang yun, Baby girl. Isang beses ka lang din naman ikakasal bakit hindi pa natin bonggahan diba? Tsaka magpapatahi tayo ng wedding gown mo. May napili ka na ba?" 

 Ngumiti naman ako. "Actually, may design po akong gusto." 

 "Ha? Talaga? Nasaan? Sino ang nag design?" 

 Nahihiya naman ako. "A..Ako po." 

 "Woah! Talaga? Oo nga pala yun ang course mo. Patingin naman ako baby girl." 

 Pinakita ko naman sakanya ang drawing ko. "Shit! Ang ganda! Perfect! Wow. As in wow!" 

 "Salamat, Ate Saab." 

 "Grabe lang. Ang galing mo pala talaga noh? Sana nandito si Max at si Mommy para makita ito. Sige, ito ang ipapagawa natin. Para ka talagang princess dito. Transparent ba ang gusto mo sa belo mo?Tumango naman ako. 

"Yes, Ate." 

 "Good choice. Wag kang mag-alala magagaling ang napili namin na magtatahi ng wedding gown at suit niyo ni Elmo. Oh wait, paano nga pala si Elmo?" 

 Pinakita ko din yung drawing ko na susuotin ni Elmo. 

 "Omg! Ang gwapo ni Elmo kapag sinuot niya ito. Ikaw na talaga Julie Anne. Sige, sasabihin ko sa mga mananahi na umpisahan na ito." 

 "Sige, Ate." 

 "Wait. Diba pupunta dito si Elmo? Bakit wala pa siya?" 

 "Hindi ko din alam ate. Sabi niya may dadaanan lang daw siya." 

 "Baka papunta na din yun. Hmm. Julie, mag sukat ka naman ng mga gowns oh." 

 "Ha? Ah eh.." 

 Nag puppy eyes si Ate Saab. "Sige na please? Habang inaantay natin si Elmo." 

 Ngumiti naman ako. Pumasok na ko sa loob ng fitting room. Nagsukat na ko. Tuwang tuwa naman si Ate Saab sakin pati yung mga tao dun. Ang ganda ganda ko daw. Ginawa pa nila akong model ng gowns nila. Paano ba naman kasi pictorial ata ito kasi puro picture picture si Ate Saab. 

 "Saab! Where's Julie?" 

 Napatingin ako sa dumating. Napatingin naman siya sakin. Ngumiti ako. 

 "Julie.." 

 Lumapit siya sakin. "Grabe. Ang ganda mo anak." 

 "Salamat po.." 

 Nahiya naman ako bigla sa Mommy ni Elmo. Kinausap na nila yung mananahi. Nagustuhan din niya ang design ko. Lumabas muna ko para magpahangin. Nakita ko na may kotse na dumating. Napatayo ako. 

 "Yam!" 

 Sigaw ko nung lumabas siya sa kotse. Ngumiti naman siya sakin. Lumapit agad ako sakanya at niyakap siya. 

 "Bakit ang tagal mo? Saan ka galing? Ikaw na ang susukatan."

 "Nasukatan ka na ba?" 

 "Hmm. Hindi pa pero kung ano anong pinasukat sakin ni Ate Saab na gowns." 

 Natawa naman siya. "Ginawa ka namang barbie ng kapatid ko." 

 Inakay niya ko sa may upuan dun. "Yam? Saan ka galing?" 

 Huminga siya ng malalim. "Sa ospital." 

 Nagulat naman ako. "Ha? Bakit? Sinong na-ospital? Ikaw? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" 

"Sssh. Yam, relax okay? I'm fine. Si Liza..dinala ko siya sa ospital." 

 Si Liza? 

 "Nagpunta siya kagabi sa bahay. Umiiyak siya." 

 "Bakit?" 

 "Si Enrique. Ayaw na siyang pakasalan ni Enrique." 

 Hindi ko alam kung anong pakiramdam ang bigla kong naramdaman nung sabihin niya yun. Parang nakaramdam ako ng pangamba at selos. Hindi ko alam kung bakit. Bakit nga ba?

"B..Bakit sa ospital mo siya dinala?" 

 Huminga siya ng malalim. "Buntis si Liza." 

 Nasa loob na kami ng sasakyan ngayon. Pauwi na kami ng itigil ni Elmo ang sasakyan sa gilid. 

Napatingin naman ako sakanya. 

 "Kanina ka pa tahimik ah? May problema ba, Yam?" 

"W..Wala.." 

 Hinawakan niya ang kamay ko. "Sakin ka pa talaga maglilihim. Sabihin mo na sakin. Dahil ba kay Liza?"

 Napayuko naman ako. Dahan dahan akong tumango. "Kasi naman.." 

 Bigla kong naramdaman ako labi niya sa pisngi ko. 

 "Wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano. Hindi naman nagbago ang paningin ko kay Liza. Nandito lang ako para sakanya dahil magkakaibigan na tayo diba? She needs us." 

 "Yam.." 

 "Ikaw talaga. Mamaya kikitain natin si Enrique. Kakausapin natin siya tungkol sa kalagayan ni Liza. Relax ka lang okay? Hindi kita ipagpapalit tska may maganda pala akong balita sayo."

 "Ano yun?" 

 Nag kwento siya tungkol sa pag-uusap nila ni Janina. At least nabawasan na ang pangamba mo. 

"Kinausap ko na si Mama at Papa kanina na magpalit nalang ng mag catering services. Pumayag naman sila. Hindi naman na sila nagtanong pa." 

 "Mabuti naman kung ganun." 

 Ngumiti siya sakin. "Matagal pa naman bago natin makita si Enrique. Solohin muna kita." 

 Bahagya naman akong natawa. "Solo mo naman na ko ah?" 

 Ngumiti lang siya at nagsimula ng magmaneho. Huminto siya sa may isang carnival dun. Napatingin ako sakanya. 

 "Seryoso?" 

 Tumango naman siya. Lumabas kami sa kotse at tumakbo sa carnival. Hindi man ito kasing ganda ng EK at star city, basta kasama ko siya alam kong ma-eenjoy namin ito. Sumakay kami sa iba't ibang rides. Natatawa ako kasi muntik na niyang masuntok yung lalaki na nag costume ng multo nung pumasok kami sa haunted house. 

 "Ang adik mo, Yam. Bakit mo susuntukin yun?" 

 "Nagulat kasi ako nung hinawakan niya balikat ko." 

 Napailing nalang ako. Nag try din kaming maglaro dun. Nanalo naman siya. Ang dami ko ngang mga stuffed animals. 

 "Yey! Thank you Yam! Gusto gusto ko ito." 

 Natawa naman siya. "Binigay mo sa mga bata yung ibang napanalunan natin na stuff toys tapos ang ititira mo sayo is malaking patatas?" 

 "Uso ngayon ang patatas." 

 "Dahil kay princess sarah?" 

 Tumango naman ako. "Uhm, Yam? Nagugutom na ko." 

 "Hmm. Wala namang resto dito."

"Hindi na kailangan ng resto. Tara! Try natin yung fishball." 

 Tumusok naman ako ng fishball at sinubuan siya. Mabuti at nasarapan naman siya. 

"Ang sarap." 

 "Sabi sayo eh." 

 "Yam.." 

 "Hmm?" 

 Ngumiti siya sakin. "I love you. Gawin natin ito uli kapag may mga anak na tayo." 

 Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hinalikan ko siya sa pisngi. 

"Oo ba. I love you too." 

To be continued..

Continue Reading

You'll Also Like

2.8K 76 25
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
46K 1.4K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine
223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
1.7K 110 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"