Play With Me If You Dare {COM...

De The_Undying

28.1K 1K 189

I'll play with you cuz I dare! {Exo's Kai fan fiction} Mais

PROLOGUE
PWMIYD-1
PWMIYD-2
PWMIYD-3
PWMIYD-4
PWMIYD-5
PWMIYD-6
PWMIYD-7
PWMIYD-8
PWMIYD-9
PWMIYD-10
PWMIYD-11
PWMIYD-12
PWMIYD-13
PWMIYD-14
PWMIYD-15
PWMIYD-16
PWMIYD-17
PWMIYD-18
PWMIYD-19
PWMIYD-20
PWMIYD-21
PWMIYD-22
PWMIYD-23
PWMIYD-24
PWMIYD-25
PWMIYD-26
PWMIYD-27
PWMIYD-28
PWMIYD-29
PWMIYD-30
PWMIYD-31
PWMIYD-33
PWMIYD-34
PWMIYD-35
PWMIYD-36
PWMIYD-37
PWMIYD-38
PWMIYD-39
PWMIYD-40
EPILOGUE
NOTE

PWMIYD-32

450 15 3
De The_Undying

Xyriel's POV

"Xyriel!" napalingon ako sa tumawag sakin.

"Ui Hazel." ngumti ako sa kanya.

"Nakita mo na ba si Denver?" tanong nito sakin.

"Huh? Hindi pa eh"

"Hmm ba't kaya wala yun? Di man lang ba nagtext?"

"Hindi eh." I sighed.

"Ganun ba? Hay nako, oh sige pakisabi sa kanya pag nagkita kayo na magreply sakin ah."

"Okay sige." sagot ko at nagpaalam na ito.

Wala pa pala yun? Asan kaya yung lalaking yun. Hmmm

Kinuha ko ang phone ko at nagsimulang magtype ng message kay Denver.

"Ui asan ka?"

After few minutes ay nagreply na ito. "Papunta na" ang tipid naman magtext ng kumag na to. Haist... Siguro masama pa ang loob niya sa sinabi ko nung isang araw.

"Dito ako sa canteen, daan ka dito ah."

Di na siya nagreply pero maya maya lang din eh nakita ko na siya na papasok sa canteen.
Ngumiti ako sa kanya, as much as possible ayaw kong maging awkward kami sa isa't isa, di ko gustong masira ang friendship namin. Sayang yun eh!

Umupo na siya sa tapat ko pero ni hindi man lang niya ako tinitignan, panay iwas ang ginagawa niya.
"Hoi! Anong drama mo at may paganyan ganyan ka pa?"

Tumikhim ito.
"H-hindi ka ba galit?"

Kita mo to oh!
"Shunga ka talaga, ba't naman ako magagalit sayo?"

"Kasi niloko kita? Kasi nagpanggap ako?" di siguradong sabi nito.

I took a deep breath.
"Then sorry din kasi naging manhid ako, hindi ko man lang napansin na nasasaktan na pala kita; ikaw pa yung pinagsasabihan ko ng mga bagay bagay tungkol samin ni Kai." I sincerely said.

"Kasalanan ko rin naman yun eh, ako naman talaga ang puno't dulo nito." giit niya.

"Pero Denver ayaw ko na ganito tayo, ayaw kong nagiging awkward tayo sa isa't isa; kaya sana please ayusin na natin to?" nagpuppy eyes pa ako.

"Wag ka ngang ganyan!" saway nito sakin. "Kainis kaya ako nahulog sayo eh."

Napatahimik ako bigla sa sinabi niya. Napakurap pa ako ng ilang beses.

"Okay sige na bati na tayo, para naman tayong mga grade school nito eh." pagmamaktol niya pa.

"Sabi mo yan ah! Okay na tayo." ngumiti ako sa kanya.

"Oo na, para namang matitiis kita eh hindi naman."

"Eeehhh pero ahh ang galing mo! Di ko kaagad nahalata na nagpapanggap ka lang, di naman kasi halata eh! Parang ang bakla bakla mo talaga!" di talaga ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. "Baka naman natuluyan ka na? Confused ka lang ata eh?"

"Sira! Hindi ah! Siguro yung ibang kilos ko nagiging bakla na dahil sa pagpapanggap ko pero lalaki pa rin ako! Alam ko ang nararamdaman ko, di naman ako nagkagusto kahit kailan sa lalaki; sayo lang."

Napa-iling ako. "Ang hirap paniwalaan."

"Anong mahirap dun? Wag mo ng icomplicate ang bagay bagay"

"Kasi naman eh! Hay nako nakakabaliw!"

"Ang manhid mo kasi eh, no wonder ang tagal mong narealize na mahal ka ng asawa mo, mabuti pa si Hazel sayo." sabi nito at kinuha yung junk foods na kinakain ko.

"Hala shoot! Tama sabi nga pala ni Hazel magreply ka daw sa kanya." sabi ko nang maalala ko yung bilin ni Hazel sakin. "Pero teka anong ibig mong sabihin na mas mabuti pa si Hazel?"

"Nagreply na ako sa kanya." sagot nito. "At yung kay Hazel alam mo bang matagal na niyang alam na lalaki naman talaga ako? Sabi niya nahalata niya lang daw."

"Wow grabe, tayo yung palaging magkasama at matagal ng magkakilala pero hindi ko man lang yun napansin?"

"Manhid ka nga kasi."

"Ang sama mo." nakasimangot na sabi ko. "Kailan ka pa ba nagsimula sa acting mo?"

"Simula nung magkakilala tayo, napagkamalan mo kasi akong bakla kaya napasubo ako, yun na lang talaga ang ginawa ko para maging magkaibigan tayo."

"Grabe ang sama ko talaga." malungkot na sabi ko.

"Wag mo nga akong dramahan! Leche to oh."

Sinamaan ko siya ng tingin.
"Para ka na talagang bakla."

"Halikan kita jan eh!" omg! I never imagined na pagbabantaan ako ng ganito ng isang bakla! Scratch that, hindi pala siya bakla.

"Oh di natakot ka?"

"Sumbong kita kay Kaizer eh!"

"Psshh kung wala ka lang talagang asawa eh..."

"Kung wala akong asawa baka pinatulan na kita." I kidded.

"Pinapaasa mo ako just so you know."

"Oppss sorry." nagpeace sign ako.

"Tara na nga, puntahan na natin si Hazel." yaya niya sakin at tumayo.

Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya.
"Ayaw mo ba kay Hazel? Bagay kayo."

"Ganun? Porke ayaw mo sakin eh pinapamigay mo ako?" inis na sabi nito.

"Ito naman, sobrang seryoso."

"Haist.. Alam mo di kami pwede nun, in love pa yun sa ex niya eh kaya nga pinagseselos namin tsaka di ko naman type yun." sagot niya sakin.

"Ay? Sayang naman kayo, pero nako number one fan niyo ako! Pag naging kayo balitaan mo kaagad ako ha." nakangising sabi ko.

"Malabo yan."

"Walang malabo! Sige ka ikaw rin baka kainin mo yang mga sinabi mo."

"Psshh. Ang kulit lang." naiiritang sabi nito sakin.

Ngumiti lang ako sa kanya. Sa wakas okay na kami. Makakalimutan din naman ako ng kumag na to eh, kaya lang di nakapagmove on kasi kami palagi ang magkasama, di nalilipat ang atensyon niya sa iba pero ngayon nandyan na si Hazel. Ipupush ko talaga ang tambalang DenZel! Ang ganda ng shipping name! Hahaha

"You're drifting." puna ni Denver sakin.

"Uhmm sorry, may iniisip lang." sagot ko habang nakangiti pa rin.

"Stop smiling." saway niya sakin.

Napairap na lang ako, ang init ng ulo talaga.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad pero napatigil na lang ako ng makita ko si Hazel habang may kausap na lalaki.

"Ui sino yang kausap ni Hazel?" tanong ko sa kasama ko.

"Hazel? Asan siya?" tanong niya naman at hinanap si Hazel.

"Ayon oh" kinalabit ko siya tapos tinuro si Hazel.

"Ohh si Drake, yung ex niya."

"Ha? Hala ba't sila nag-uusap? Nakikipagbalikan na ba yung Drake sa kanya?" natatarantang tanong ko. Paano na lang ang DenZel? Ayaw kong malunod ang barko ko!

He shrugged
"Aba malay ko. Pero kung yun nga ang nangyayari, si Hazel na pinakatangang tao kung gagawin niya yun; niloko kaya siya ng hinayupak na yun." seryosong sabi niya.

"Malay din naman natin kung nagbago na siya di ba? Baka this time sincere na siya at di na niya lolokohin si Hazel."

"Pssh malabo yun, kung ako si Hazel di na ako makikipagbalikan jan."

"Eh kaso hindi ikaw siya at ikaw na rin mismo nagsabi, mahal pa ni Hazel yang Drake na yan so..."

"Wala akong pake, tara na nga; mamaya na lang natin kausapin yang si Hazel pagtapos na sila ng ex niya." may pagkabitter pa sa boses niya. Yan! Medyo tumalab ang reversed psychology ko. Ngiti ng tagumpay! Hihihi

*****

"Manang, di pa ba nakaka-uwi si Kai?" tanong ko kay manang, past 7 na kasi pero wala pa siya. Asan na kaya yun?
Haist baka nabusy lang sa office.

"Ahh nagsabi siya kanina na may dinner daw siyang pupuntahan, mauna na nga raw tayong kumain eh." dinner? Na naman? Napapadalas naman ata yang dinner na yan? Psshh

Napasimangot tuloy ako. Kaizer ang sama mo!
Di na talaga ako maghihintay sayo tuwing gabi! Di ka man lang nagpaalam sakin. Psshhh.

Nagkulong lang ako sa kwarto. Kainis, di pa ako makatulog kakaisip kung anong ginagawa niya! Asan na ba kasi siya?
Nabore na lang ako sa kakalaro sa ipad ko pero wala pa rin siya. Nalowbat na lang lahat ng gadget dito, wala pa rin siya!

Agad akong napatayo at nagmadaling bumababa nang makarinig ako ng doorbell.

Napasimangot lang ako nang makita ko kung sino ang kasama ni Kaizer.

Agad naman akong lumapit sa kanila para alalayan si Kai. Akala ko ba dinner? Ba't lasing ang isang to?

"Salamat sa paghatid sa ASAWA KO." malditang sabi ko sa kanya, take note may diin sa salitang asawa ko; possessive ako eh.

"No problem." ngumiti pa ito. Bwesit na babae! Malandi ka!

Padabog kong isinara ang pinto, wala akong pake kung anong maisip ng Vanessang yun! Psshh sunugin ko yung kilay niya na ubod ng kapa eh! Kagaya ng mukha niya.

"Umayos ka nga Kai!" sita ko sa kanya, ang bigat bigat kasi! Di ko naman siya kayang buhatin eh.

"Galit ka ba mishish ko?" nakangising tanong niya at kinurot ang pisngi ko.

"Oo! Bwesit ka kasi! Graduation ko na bukas pero pinapa-stress mo ako!" galit na sagot ko.

"Shorry naaa" sabi niya at niyakap ako.

"Aisshh! Umayos ka kasi para madala na kita sa kwarto mo, baka malaglag pa tayo sa hagdan eh!" saway ko at tinapik ang kamay niya na nakapulupot sakin.

"Eh naman dito na lang tayo sa hagdan matulog."

Binatukan ko siya.
"Eh di jan ka! Bahala ka nga." padabog kong sabi at binitawan siya pero agad rin niya naman akong hinila.

"Joke lang hehehe, tara na." titino din pala eh! Gusto pa akong galitin.

Pareho kaming bumagsak sa kama dahil sobrang bigat niya.
Umupo na ako at tinignan siya.
"Hay nako Kaizer di ko na mabilang kung ilang beses na natin tong ginawa, leche ka kasi! Next time wag ka ng umuwi kung lasing ka!" bwesit talaga oh!

"Gushto mong matulog ako sa bahay ng iba mishish ko?"

Aishhh! Ginulo gulo ko ang buhok ko.
Syempre ayaw ko din nun!

"Wag ka ng maglasing!" bulyaw ko.

"Tabi tayo matulog asawa ko." sabi nito at hinila ako.

"Ayaw ko! Amoy alak ka eh! Wag wag mong kalimutan na graduation ko bukas, pag di ka nagpakita di na kita kakausapin habangbuhay!" banta ko.

"Oo di ko kakalimutan! Good night baby ko." nakapikit na sabi niya habang nakangiti pa.

"Psshh ewan ko sayo! Mag-uusap tayo bukas!" sabi ko sa kanya.

"K."

Bwesit talaga! Ano na naman kaya ang ginawa nito?
Psshh baka mamaya niyan hinalay na siya ng malanding babaeng yun nang hindi man lang niya namamalayan!
Ang sama ng naisip ko.
Erase erase!

---------

VOTE & COMMENT

Never_TheLess
Lex

Continue lendo

Você também vai gostar

Chasing Hell (PUBLISHED) De KIB

Mistério / Suspense

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
111K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...