Play With Me If You Dare {COM...

By The_Undying

28.1K 1K 189

I'll play with you cuz I dare! {Exo's Kai fan fiction} More

PROLOGUE
PWMIYD-1
PWMIYD-2
PWMIYD-3
PWMIYD-4
PWMIYD-5
PWMIYD-6
PWMIYD-7
PWMIYD-8
PWMIYD-9
PWMIYD-10
PWMIYD-11
PWMIYD-12
PWMIYD-13
PWMIYD-14
PWMIYD-15
PWMIYD-16
PWMIYD-17
PWMIYD-18
PWMIYD-19
PWMIYD-20
PWMIYD-21
PWMIYD-22
PWMIYD-23
PWMIYD-24
PWMIYD-25
PWMIYD-26
PWMIYD-27
PWMIYD-28
PWMIYD-30
PWMIYD-31
PWMIYD-32
PWMIYD-33
PWMIYD-34
PWMIYD-35
PWMIYD-36
PWMIYD-37
PWMIYD-38
PWMIYD-39
PWMIYD-40
EPILOGUE
NOTE

PWMIYD-29

488 20 1
By The_Undying

Xyriel's POV

Nakatitig lang ako kay Kai at di pa rin nagsasalita. Nakita ko na lang na lumapit na ito sakin.
"Hey Xyriel may problema ba? Anong nangyayari dito?"

"W-wala Kai, tara uwi na tayo; sa bahay na lang tayo mag-usap." sagot ko sa kanya.

Sinilip niya pa si Denver na nasa likuran ko habang nakakunot ang noo.
"May ginawa ba sayo ang lalaking yun?"

"Kai wala!" I snapped.

Tinignan lang niya ako.
"Uwi na tayo" sabi ko at hinila siya.

Pagkarating namin sa bahay ay agad akong kumuha ng tubig ng uminom.
"Xyriel may mali talaga, ano bang nangyari kanina?" usisa ulit ni Kai.

"Sa kwarto tayo." sagot ko. Nakita ko pa siyang ngumiti, ewan ko kung bakit; kaya di ko na lang pinansin.

Nilock ko yung pinto pagkapasok naming dalawa sa kwarto. Nang humarap ako sa kanya ay sinalubong niya kaagad ako ng mapaglarong ngiti.
"Hindi ko alam na gusto mo na rin tong gawin." kaya naman pala ngumiti, nag-iisip na naman nang kung ano. Manyak talaga.

I rolled my eyes.
"Sira! Hindi yun ang gagawin natin dito!"

Sumimangot naman ito.
"Ano pala?" inis na tanong niya.

"Pwede ba wag ka munang maging manyak, mas nahihirapan akong sabihin yung problema sayo eh."

"Psssh oo na, magbebehave na; now tell me anong nangyari at ganyan ang mga mata mo? Umiyak ka ba?" seryosong sabi nito at lumapit sakin.

"S-si Tristan kasi." pagsisimula ko.

"What about him?"

Pina-upo ko siya sa kama.
Huminga muna ako ng malalim bago sinabi sa kanya ang ginawa ni Tristan kanina.




Tumayo siya bigla.
"Fvck him! Papatayin ko yung tarantadong yun!" sigaw niya nang malaman niya ang ginawa ni Tristan.

"Kai shhh huminahon ka." awat ko dito.

"Huminahon? Hindi ko yun kayang gawin Xyriel! After knowing what he has done, you can't expect me to just calm down!" malakas na sigaw nito.

"I know I know pero kung ano man yang gagawin mo, that won't do anything good. Nandun naman si Denver and I know may ginawa na siya para kay Tristan." mahinahong sabi ko.

He ran his fingers through his hair.
"Ano okay ka lang ba? May ginawa ba ang gagong yun sayo? Sinaktan ka ba niya?" natatarantang tanong niya sakin habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.

I reached for his hand.
"Wala, mabuti na lang at dumating si Denver."

"Denver? Kaya ba nandun din siya kanina?" tanong niya sakin.
Tumango ako.

He sighed.
"Thank God, mabuti na lang at nakita niya kayo. Mabuti na lang talaga."

Hinila niya ako palapit at niyakap.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag may nangyaring masama sayo."

Niyakap ko siya pabalik.
"Kaizer okay na. Okay lang ako."

"Simula ngayon ihahatid at susunduin na kita araw araw."

"O-okay."

Humiwalay na siya ng yakap. Sayang! Ba't naman ang dali lang?
Gusto ko pa siyang kayakap eh.

"Teka nga anong ginawa ni Denver? Sinuntok niya? O sinampal." di ko mapigilang di matawa. He's asking seriously, pero nakakatawa kasi na naisip niyang sasampalin lang ni Denver si Tristan dahil lang sa bakla ito.... Bakla nga ba?

"Sira syempre sinuntok." natatawang sagot ko.

"Kasi....di ba bakla yun?"

"H-huh? O-oo" pero parang di na ako sigurado dahil sa nangyari kanina, para kasing hindi naman gawain ng bakla yung ganun? Ay ewan. Iba kasi talaga yung nangyari kanina! Parang may other side si Denver na ngayon ko lang nakita.

"Sigurado ka bang bakla talaga yun?" nakakunot ang noo niyang tanong.

"Bakit?" kung noon siguro ako tinanong, mabilis na oo ang naging sagot ko pero ngayon... Nagdadalawang isip na ako.

"Para kasing hindi eh." kinabahan naman ako bigla. Nahahalata niya rin yun? Alam niya? Ano ba? Huh? Ang gulo, ano namang malalaman niya? Psshh bakla si Denver! Tapos!

"Ganun talaga yun pero bakla siya." sagot ko. Bakit ko ba kasi iniisip na hindi bakla si Denver dahil lang sa ginawa niya kanina? Adik na ata ako eh.

Hinawakan niya ang kamay ko.
"Ohh okay then, magbihis ka na at bumaba pagkatapos." sabi niya.

Ngumiti ako sa kanya.
"Eh di bitawan mo na ako."

He grinned.
"Tinatamad ako eh."

"Gusto mo akong samahan?" gatong ko sa trip niya.

"Sure!" aba aba talaga, hindi man lang umayaw.

Napa-iling ako.
"Joke lang." nakangiting sabi ko.

"Wag mo akong binibiro ng ganun baka totohanin ko na talaga." tumawa ako ng malakas.

"Next time na pagkagraduate ko." I playfully answered and winked at him. Mabilis kong hinila ang kamay ko at pumasok sa banyo.

"Promise mo yan ha!" rinig kong sigaw niya mula sa labas.

Sira talaga. Hahaha.
Na-iimagine ko tuloy na nakangiti siya ngayon ng todo. Ganun ba talaga ang mga lalaki?

*****

"Ija malapit ka na palang gumraduate." sabi ni manang sakin. Nandito kami ngayon sa dining at sabay sabay na kumakain ng hapunan.

"Oo nga po eh, sa wakas." nakangiting sabi ko.

"Yes just two weeks two go, can't wait." sabi naman ni Kai.
Umiling ako, if I know excited lang siya dahil sa sinabi ko kanina.

"Mabuti na lang ija at di ka nabuntis kahit may asawa ka na." nanlaki ang mga mata ko at napa-ubo dahil sa sinabi ni manang.

"Manang naman!" nakangusong sabi ko.

Tumawa naman sila manang at Kai. Sinamaan ko ng tingin si Kai.
"Mga bully!"

Tumikhim si Kaizer bigla.
"Manang wala pa yun sa plano namin at gusto ko rin naman na makapagtapos ng pag-aaral si Xyriel." sagot nito kay manang. "Pero soon manang, magkakaroon na rin kayo ng little Villarreal na aalagaan dito." nakangiting dagdag nito.

"Mga bata pa kayo tsaka nagbibiro lang naman ako kanina, bago kayo pumasok sa bagay na yan dapat siguraduhin niyo munang handa na kayo sa mga responsibilidad ng pagiging magulang dahil hindi yun madali."

"Manang alam po namin yun, wag niyo pong seryosohin ang sinabi ni Kai." nakangiting sabi ko kay manang. "Pero thank you po sa pag-aalala."

Nilingon ko naman si Kai na ngayon ay pinagpapatuloy lang ang pag-kain. Di na ito muling nagsalita.

"Ang tahimik mo, kanina pa. May problema ba?" tanong ko kay Kai at umupo sa tabi niya, nanunood kasi siya ngayon ng tv.

"Wala naman, may iniisip lang ako." sagot nito sakin.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Ano yun?"

"Wala, sa office lang."

"Office?" nagtatakang tanong ko.

"Oo office, nagtatrabaho ako; matagal na.."

"Huh?! Kelan pa? Tsaka bakit?" gulat na tanong ko.

Nagkibit balikat lang si Kai.
"Kasi gusto mo ng taong responsable hindi ba? Ayaw mo nung umaasa lang sa mga magulang kaya nagtrabaho ako."

Di ako makapaniwala na ginawa niya talaga ang bagay na yun. Di ko lubos maisip na kaya niya yung gawin... At dahil yun sakin.

"Oh touch ka naman? Hahaha ang sweet ng asawa mo noh? Narealize mong ang swerte mo sakin. Okay na ako sa kiss Xyriel." he said while smiling.

Niyakap ko na lang siya.
"Sira ka talaga." Parang naiiyak na ako ng ewan, ba't ang sweet niya?

"Ako pa talaga ang sira? Sabihin mo na lang na proud ka sakin."

"I'm so proud of you Kaizer." nakangiting sabi ko. Ang saya ko ngayon.

"Kaya pala nung nag-away tayo ang tagal mong umuuwi, kala ko pa naman nambababae ka."

"Malay natin."
Mahina ko siyang hinampas. Baliw talaga.

"Sige ka baka maniwala na talaga akong may iba kang babae."

"Ba't naman ako mambababae eh mahal na mahal kita" psshhh

"Bolero." natatawang sabi ko.

"Ui hindi ah! Pagsinabi kong mahal kita yun ang pinakaseryosong bagay na lalabas sa bibig ko." mas napangiti ako lalo.

"Oo na naniniwala na ako, oh ito reward mo." I said and kiss him.

Napatigil lang kami sa paggaharutan nang may biglang nagdoorbell. Sino bang tao ang bibisita nang ganitong oras? 8 pm na kaya.

"Manang sino raw?" tanong ko kay manang na kagagaling lang sa labas.

"Ahmm hinahanap si Kaizer, babae po." napakunot ang noo ko, babae? Maghahanap ng ganitong oras sa asawa ko?

"Kakausapin ko muna ha." paalam nito sakin. Gusto ko sanang pigilan pero di ko na nagawa kasi tumayo na siya bago pa man ako makapagsalita.

Sumilip na lang ako sa bintana para tignan sila. Ang chismosa ko noh?

Agad na nagkasalubong ang dalawang kilay ko. Ba't nagtatawanan sila? Ano kaya pinag-uusapan nila?

Napa-upo na lang ako ng maayos nang makita kong papasok na sila dito sa loob. At talagang papapasukin siya ni Kaizer dito? Tsssk!

Agad akong tumayo at sinalubong sila. Tinignan ko ang pagmumukha nung babae. Hindi siya si April, sino na naman to?

"Ahmm Van this is Xyriel my wife, Xyriel this is Vanessa, she's the architect of the new project we're working right now." pagpapakilala ni Kai sa kasama niya.

"I didn't know na may asawa ka na pala, you never told me." eh ba't niya naman sasabihin sayo? Close ba sila? Tumawa lang si Kai. Ay nako hinayupak talaga, ba't tumatawa ang isang to? Anong nakakatawa?
"Anyways I'm glad to meet you Xyriel." baling nung babae sakin at nilahad ang kamay niya.

Kinuha ko naman yun at ngumiti.
"Ako rin." tipid na sagot ko.

"Sige ah sorry sa abala, babalik na lang ako bukas." Ba't ka pa babalik? Psssh

Hinatid na siya ni Kaizer sa labas.

Nakapameywang ako at sinalubong si Kai na kakapasok lang sa bahay.

"Asawa ko you're making me happy you know?" nakangiting sabi niya sakin.

"What? Well ako hindi natutuwa, sino ba yun?" mataray na tanong ko.

Lumapit siya sakin and cupped my face.
"Ang cute mong magselos. Pinapakilig mo ako." ang laki ng ngiti niya ngayon.

Nawala tuloy bigla ang inis ko.
"E-ewan ko sayo!"

"Mahal mo na talaga ako! Hahaha pagseselosin kita araw araw."

Binatukan ko siya.
"Gawin mo yan at di na ako uuwi dito."

"Just kidding, takot ko lang na iwan mo."

Under ko pala to eh!
Haha.

---------
Vote & Comment

Never_TheLess
Lex

Continue Reading

You'll Also Like

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
27.1K 178 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
21.1M 516K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]