I'm In Love With My Sister's...

By Slowding

386K 5.7K 1.4K

(COMPLETED) Super hate ni Mandy ang boyfriend ng ate niya na si Charles. Naririndi siya kapag nakikita ito o... More

I'm In Love With My Sister's Boyfriend
Update 1
Update 2
Update 3
Update 4
Update 5
Update 6
Update 7
Update 8
Update 9
Update 10.1
Update 10.2
Update 11
Update 12
Update 13
Update 14
Update 15
Update 16
Update 17
Update 18
Update 19.1
Update 19.2
Update 19.3
Update 20
Update 21
Update 22
Update 23
Update 24
Update 25
Update 26
Update 27
Update 28
Update 29
Update 30
Update 31
Update 32
Update 33
Update 34
Update 35
Update 36
Update 37
Update 38
Update 39
Update 41
Update 42
Update 43
Update 44
Update 45
Update 46
Update 47
Update 48
Update 49
Epilogue
Author's Note ♥

Update 40

4.7K 64 15
By Slowding

Dedicated to Mariam_Trinidad123~ Thank you for reading! Love love ♥

I know you are all reading this, and I'm very thankful. Pero hindi po masamang bumoto at magbigay ng reaction. If you know what I mean. Hihi. Thank you!

Here's Update 40!

X X X X X X X X X X X X X X X X X X

(After more than a week..)

Maxene's POV

Weeks ago, nabalitaan ko na magkakaroon ng concert ang Five Treasure band dito sa Manila kaya agad akong bumili ng  VIP tickets. Yung isa para kay Charles. Buti nakaabot pa ako bago mag-sold out.

Isa sa mga gusto kong gawin bago mamatay ay ang manood ng concert ng paborito kong banda. Siyempre, kasama ang lalaking mahal ko.. si Charles. 

Nung una, ayaw akong payagan ni Mommy dahil makakasama raw sa akin ang mga ganitong concerts. Sobrang lakas kasi ng tugtog at grabe pa ang hiyawan ng mga tao. Pero I just assured her na kakayanin ko at walang mangyayaring masama sa akin.

Hindi na ako nahihirapang sabihin na mamamatay na ako anytime. I already accepted the fact that this is my fate. Habang tumatagal, humihina ang puso ko. Pero wala na akong magagawa.

Ang tanging magagawa ko na lang is to live my days to the fullest.

Ngayon, magkasama kami ni Charles. Patungo na kami sa sinasabi kong concert. Excited na talaga ako. Paboritong-paborito ko kasi ang Five Treasures. Ang gaganda ng mga kanta nila. Ang gagwapo rin nila.

Napapansin kong tahimik lang si Charles. Mula nang umuwi kami galing Palawan, napapansin ko na may mga times na tahimik lang siya at malalim ang iniisip. Kapag tinatanong ko naman kung may problema siya, sasabihin niya, wala.

To lighten up the atmosphere, sinubukan kong magbukas ng usapan.

"Sana kantahin nila ang Heaven. Gustong-gusto ko kasi yun." Title ng kanta ang tinutukoy ko. Paborito ko ang mga kantang iyon dahil perfect sa sitwasyon namin ni Charles ang meaning ng kantang iyon, in some way.

Lumingon siya. "I'm sure they'll do." Nakangiting sabi niya. Binalik niya ulit ang tingin sa daan.

"Excited na talaga akong makita sila. Kapag nakita ko silang nagperform live, masasabi ko talagang pwede na akong mamatay."

Marahas siyang napatingin sa akin. "Don't say that." 

Napayuko ako. "S-sorry."

Naghari lang ang katahimikan sa pagitan namin.

"Nga pala, kumusta si Mandy?" Biglang tanong niya.

Isa pa ito sa napapasin ko. Madalas niyang nababanggit si Mandy. 

"Ayun, nagmumukmok pa rin. Malungkot pa rin." Sagot ko sa tanong niya.

Nung huling araw namin sa Palawan, bigla-bigla raw umalis yung boyfriend niya na si Jules nang hindi nagpapaalam. Ang kwento ni Mandy, nagkaroon daw sila ng pagtatalo a night before.

Parati lang siyang nagmumukmok. Walang ganang kumain. Naawa na ako sa kapatid ko.

Pagkatapos ng mahigit isang oras na biyahe, nakarating na kami sa venue. Ang daming tao. Pagpasok namin, pumunta na kami sa seats namin. 

Pagkaraan ng ilang minuto, nagsimula na ang concert.

* * *

Trina's POV

"BF, labas ka na diyan." Patuloy pa rin ako sa pagkatok sa pinto ng kwarto ni Mandy.

Tinawagan ako ni Tita Mildred kanina. Hindi na raw niya alam ang gagawin niya. Kaninang hapon pa raw hindi lumalabas ng kwarto si BF. Eh anong oras na ngayon, 8:30 na ng gabi. Hindi pa siya kumakain.

"Trina, hindi pa rin ba siya lumalabas?" Tanong ni Tita na kararating lang.

"Opo. Ah! Gamitin po natin yung susi ng kwarto ni Mandy para mabuksan ito." Suggestion ko kay Tita.

"Sinubukan ko na yan kanina. Pero hindi pa rin mabuksan ang pinto. May lock din kasi sa loob. Nag-aalala na talaga ako. Baka napano na siya diyan. Kanina pa ako text nang text kay Maxene pero ayaw namang magreply. I tried calling her pero hindi ko siya macontact." Sabi niya.

Aish! Nag-aalala na ako kay BF! Si Papa Jules naman kasi eh! Ugh! Super hate ko na siya! >_<

"BF, labas ka na please-- O___O BF!" Napasigaw ako at sunod-sunod na kumatok. May narinig kasi kaming parang may nabasag.

"Anak?! Anong nangyayari sayo!? Anak!" Natataranta na si Tita.

Ugh, anong gagawin ko? Hindi na rin ako mapakali. Nagbabasag na si BF sa loob! 

Aha! Si Prince Charles! Tatawagan ko siya.

* * *

Charles' POV

♫ The sin of loving that person a lot, the sin of loving you a lot

Because of you, and because of sin, I'm sick of waiting

The sin of loving you more, the sin of missing you a lot

Because of you, and because of sin, I'm crying with pain... like this. ♪

Biglang naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. May tumatawag. 

Trina calling..

Tumatawag si Trina. Bakit kaya? Mukhang importante yata ito ah.

Binalingan ko si Maxene na masayang nakikinig sa kinakanta ng vocalist ng Five Treasures.

"Max."

Lumingon ito. "Hmm?"

"Tumatawag si Trina. Sagutin ko muna. I'll be back."

Ngumiti ito. "Okay. I'll wait." Saka binalik ang tingin sa nagpeperform sa stage.

Lumabas muna ako sa venue para sagutin ang tawag ni Trina. Hindi kami magkakarinigan kapag sa loob ko ito sinagot.

"Hello?" Sabi ko.

"Prince Charles! Tulungan mo kami! S-si Mandy!" Tila natataranta siya.

Bigla akong nagpanic nang mabanggit niya si Mandy. "H-ha? Bakit? Anong nangyari sa kanya?!"

"S-Si Mandy, nagbabasag na yata sa kwarto niya! Di na namin alam ni Tita ang gagawin! Punta ka na dito please."

"Ano!? S-sige, hintayin niyo ako diyan. Papunta na ako."

I ended the call.

Agad akong tumakbo patungo sa kotse ko. Pagkasakay ko nun, agad ko yung pinatakbo ng mabilis. 

Sobrang lakas na ng pintig ng puso ko. HIndi ako mapakali.

Tsk. Walang mangyayaring masama sa kanya, Charles. Walang mangyayaring masama. 

* * *

Maxene's POV

"Thank you for being with us tonight. We really enjoyed performing. Mahal namin kayo." Masayang sabi ni Jeremy, ang vocalist ng Five Treasures.

Hiyawan kaming lahat pagkasabi nun. Medyo slang pa ang pagkasabi niya ng Mahal namin kayo. Wee, kinikilig ako!

"And now, for our ending song, we will sing Heaven. Sing with us."

Hiyawan na naman sila.

Yes! Kakantahin nila ang favorite song ko. 

Nagsimula na siyang kumanta. 

♫ I Love you!

Even when I shout out your name,why can't you answer me?

I couldn't even tell you good bye.

Don't go. How can you leave me?

What can I do by myself?

Please don't leave me. ♪

Patapos na ang concert pero hindi pa rin bumabalik si Charles. Nasaan ba siya?

Nag-aalala na ako.

Kinuha ko ang cellphone ko and I turned it on. Naka-off kasi.

Meron akong tatlong messages. 

From Mommy:

Anak, c Mandy ayw pa ring lumabas ng kwar2 nya. Hndi ko na alam ang gagawin ko.

From Mommy:

Nka-off ba phone mo? Bkit d kta mcontact?

From Mommy:

I called Trina. She s here. Sna mailabas na nya kpatid mo. Nag-aalala na ako.

O shoot, matindi na ito ah. Hindi ko inaasahan na ganito na ang gagawin niya. Kinakabahan na tuloy ako.

♫ Is this rain your tear that you shed on your way?

Is this wind your long sigh?

My life is.. My love is.. Only you.

No one but you.

But why are you leaving me, you awful person? ♪

Itetext ko muna si Charles bago ko itext si Mom. 

To Charles:

 Where r u? Bkit di ka pa rn bumabalik?

Sent.

Magrereply na sana ako kay Mommy nang biglang nagvibrate ang phone ko. She texted.

From Mommy:

Don't worry anak, evrythng's fine. Mandy's fine. Buti nlng dumatng c Charles. Trina called him. D pala kau mgkasama? Wel, enjoy d concert anak. Ingat pag-uwi.

Natigilan ako.

♫ I Love you! 

Even when I shout out your name,why can't you answer me?

I couldn't even tell you good bye.

Don't go. How can you leave me?

What can I do by myself?

Please don't leave me. ♪

Naalala ko na naman ang nakita ko.

Sa Palawan. 

Around 5 in the morning.

Sa tabing dagat.

Charles comforting my lonely sister. 

Charles kissing my sister.

Parang tinutusok-tusok ang puso ko nang makita ko iyon.

Nung oras na iyon, gusto ko silang sugurin. Gusto kong magwala.

Pero hindi. Ginusto ko rin ito. Ginusto kong magsama sila sa iisang bubong. Ginusto kong magkalapit sila. Para mapanatag ang loob ko kapag umalis na ako. Maiiwan ko si Charles kay Mandy. Maiiwan ko si Mandy kay Charles.

And I succeeded, right?

Pero masakit.

I smiled bitterly. Alam ko na kung bakit wala pa rin si Charles dito. He is now with the one he truly loves, Mandy.

Nabitawan ko ang phone ko. Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Sumasakit ito. Sobrang sakit. Hindi ako makahinga. Ginala ko ang tingin ko. I tried calling for help, but not a single audible sound came out from my mouth. Nakatuon lang ang atensyon nila sa stage. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. 

Mamamatay na ba ako?

Napaiyak na ako sa sobrang sakit. 

"C-Charles..."

The next thing I knew, I was surrounded by darkness.

* * *

Charles' POV

"Aray! Dahan-dahan naman." Reklamo ni Mandy.

"Psh. Bakit ka ba naman kasi nagbabasag dito? Tingnan mo tuloy, nagkandasugat-sugat ka." Tanong ko kay Mandy habang ginagamot ang sugat niya sa kamay at paa.

Hindi ito kumibo. Bagkus, inirapan niya lang ako.

Napailing na lang ako.

Sa bintana niya ako dumaan para lang makapasok dito sa kwarto niya. Nag-ala-Spiderman pa ako para lang makaayat. Nung una, ayaw pa akong papasukin. Pinapasok niya lang ako nung magbanta ako na tatalon ako mula sa bintana ng kwarto niya.

"Sagutin mo nga tanong ko." Sabi ko.

"Tinapon ko cellphone ko. Natamaan ang vase." Walang ganang tugon niya.

"Alam mo bang tarantang-taranta sina Trina? Lalong-lalo na si Tita. Alam mo bang nag-alala kami ng husto sayo?"

"Pati ikaw?" Nanlalaki ang matang sabi niya.

"Oo."

Nakita kong natigilan ito. Ayaw ba niyang maniwala na nag-aalala ako sa kanya? Tss.

"Kaya huwag mo ng uulitin ito ha? Don't do things that will make all of us worry. Buti walang nangyaring masama kay Tita dahil sa pag-aalala sayo."

Napayuko na lang ito at hindi na kumibo.

 Napatingin na lang ako sa kanya. She looked.. so depressed and devastated. Namumugto ang mga mata niya. May mga dark circles siya. Magulo ang buhok niya.

 Binalik ko na lang ang atensyon ko sa mga sugat niya gawa ng mga bubog ng vase. "Bakit mo ba naman kasi tinapon ang cellphone mo? Sayang naman. At bakit ka nagkukulong dito?" Tanong ko. 

"Nakakainis kasi." Pagmamaktol niya.

"Sino?"

"Si Jules. Hindi niya sinasagot mga tawag ko. Pati mga texts ko. Hindi na siya pumapasok. Hindi ko alam kung saan ko siya mapupuntahan. Ganun siya kagalit sa akin? Ayaw na niyang magpakita? Sana hindi na lang ako nakisali sa gulo niyo." Nagsimula na naman siyang umiyak.

Napabuntong-hininga ako. "Sorry, kung pati ikaw nadamay. Kung ano man yung alitan namin ni Julius, kalimutan mo na yun. Let me deal with it. Ayokong makita kitang nagkakaganyan. Nahihirapan akong makita kang ganyan." Sabi ko.

"Okay lang. Ginusto ko rin naman. Kusang loob akong nagpresinta na pagbatiin kayo. Kasalanan ko yun."

Natahimik lang kami.

"Nga pala, nasaan si Ate?" Pagchange niya ng topic.

"Ate mo?" Tanong ko.

Tumango ito.

It striked me. Si Maxene! Naiwan ko siya doon sa coliseum!

"Sungit, okay ka naman na diba? Pupuntahan ko muna ang ate mo." 

* * *

From Maxene:

Where r u? Bkit di ka pa rn bumabalik?

Kanina pa pala niya ako tinetext. Dahil sa pag-aalala ko kay Sungit bigla ko siyang nakalimutan. Ganito na ba talaga ang epekto ni Mandy sa akin?

Bumusina ako ng sunud-sunod. 

 Tsk! Bakit ngayon pa nagkatraffic? Nung pumunta ako kina Mandy, wala namang traffic ah!

Bumusina pa ako nang bumusina. 

I texted her back. I said sorry and I'm on the way.

Kinuha ko cellphone ko at tiningnan kung nagreply ba siya. Pero wala.

 It's almost 11 in the evening. I bet tapos na ang concert ngayon. Aish, baka galit na yun sa akin. Kanina pa siya naghihintay sa akin.

Nakaramdam na naman ako ng guilt. 

Buti naman tumakbo na ang mga sasakyan sa harapan ko. Agad ko namang pinasibad ng takbo ang kotse ko. Kaya pala traffic dahil may banggaan. Dalawang kotse. Nakita ko pa mula dito ang isang babaeng walang malay at duguan. Siya yata yung driver.

Bigla akong kinabahan nang makita ko yung babae. Hindi ko alam kung bakit.

Napailing na lang ako at pilit inaalis sa isip ko ang naramdaman ko. 

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagdadrive. Kailangan kong bilisan dahil baka naghihintay pa rin si Maxene doon.

Biglang nagring ang phone ko. Maxene's calling.

Agad ko yung sinagot. Kahit delikado sumagot ng tawag habang nagdadrive, sinagot ko pa rin ang tawag.

"Hello?"

"Max, nandiyan--" 

Naputol ang pagsasalita ko nang mapansin kong iba ang tinig ng nasa kabilang linya.

"Hello? Ano kasi.. yung may-ari ng cellphone na ito eh isinugod dito sa ospital.. Naabutan kasi namin na walang malay."

Bigla akong napapreno. I felt frozen. 

"Hello? Nandyan ka pa ba?" Doon lang ako natauhan.

"S-saang ospital kayo?" Still, I managed to talk.

Sinabi niya ang pangalan ng ospital.

Pinutol ko na agad ang tawag at dali-dali akong pumunta sa sinabi niyang ospital.

Maxene.. walang mangyayari sayong masama diba?

X X X X X X X X X X X X X X X X X 

I have another story na ongoing din. Maikli lang yun sana mabasa niyo. He Changed My Life ang title. Click on the external link or just check out my works. Thank you!

Vote and react na!

Slowding ♥

Continue Reading

You'll Also Like

350K 4.6K 31
Try to get in to the flow of the story. This story is not suitable for young ages. It is a typical story which can be found out there. A story of mov...
651K 14.3K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
314K 5K 22
One sided love, oo masakit yun. Kasi hindi ka mahal nang taong mahal na mahal mo. Masakit lang diba? Sana maging okay na ang lahat. Sana mahalin din...
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...