When she entered Adonis Acade...

By chabilicious06

630K 20.4K 4.2K

What will happen if a SHE entered in an all boys school? More

When she entered Adonis Academy (adonis academy sequel)
Chapter 1: Bad
Chapter 2: ang cute mo pare
Chapter 3: dibdib
Chapter 4: Sasapakin na kita!
Chapter 5: Pokpoks
Chapter 6: Lovers in Paris
Chapter 7: first crush
Chapter 8: peace be with you
Chapter 9: BLOCK
Chapter 10: Seduce
Chapter 11: pogi-er
Chapter 12: Chocolates
Chapter 13: Shit Pare!
Chapter 14: sales lady
Chapter 15: Acquaintance Party
Chapter 16: Acquaintance Party (continuation)
Chapter 17: Gory
Chapter 18: txt txt
Chapter 19: :(
Chapter 20: masamang intensyon
Chapter 21: I want you
Chapter 22: School fest (part 1)
Chapter 23: School Fest (part 2)
Chapter 24: Tutol
Chapter 25: Kiss me
Chapter 26: Soon
Chapter 27: the notebook
Chapter 28: selfish
Chapter 29: Identification Card
Chapter 30: revealed
Chapter 31: Nomu Saranghe
Chapter 32: m-magmamakaawa sayo
Chapter 33: movie marathon
Chapter 34: End of the month
Chapter 35: Cupid strikes
Chapter 36: Dengue. Bar. Drugs
Chapter 37: General Cleaning
Chapter 38: Virgin
Chapter 40: Bitch
Chapter 41: explanations
Chapter 42: Trauma
Chapter 43: Missing
Chapter 44: Call
Chapter 45: I love you...
Chapter 46: Clingy
Chapter 47: partnership
Chapter 48: Let's See
Chapter 49: Lunch out
Chapter 50: Last words
Epilogue

Chapter 39: holy shhh...t

10.1K 297 39
By chabilicious06

Chapter 39: holy shhh...t
LOUISE'S P.O.V

Sabi nga nung iba, mabilis lumipas ang panahon kapag masaya ka. Kaya ngayon, wag na kayong magtaka dahil dalwang buwan na ang nakalipas at dalwang buwan na rin ang relasyon namin ni V.

Hindi ko na rin inasahang mababawasan ang pagkasinto sinto nya. Mas masaya na ko sa kung ano sya nung makilala ko at masaya ang relasyon namin kasi walang nagbabago.

"Hoy." Binatukan ako ni Jin kaya napatigil ako sa pag bubutones ng polo ko.

"Ang sama mo" sinamaan ko sya ng tingin at pinagpatuloy ang pagbubutones.

"Tssss. Happy monthsary" sabi nya bago ako tinalikuran at lumabas ng dorm.

Hindi ko naintidihan nung una kung anong sinabi nya pero nung mag sink in sakin ang narinig ko, napangisi na ko. Bitter ang bakla. Haha.

Umiling ako bago pinagpatuloy ang pag aayos ng sarili. Matapos yun ay isinakbit ko na ang jansport ko tsaka lumabas.

Sa loob ng dalawang buwan,
Wala paring nakakaalam sa tunay kong katauhan maliban kila V, Jin, Basty at Gory. Hindi naman kasi ako pansinin masyado.

Pumasok na ko sa room namin ng walang emosyon ang mukha. Ayokong ngumiti, baka isipin ni V na ang saya saya ko naman. Lalaki nanaman ang ulo nun. Feeling patay na patay ako sa kanya.

Nakatingin lamang ako sa pares ng mga mata ng nag iisang lalaking nakangising pinapanood ang paglapit ko.

Gusto kong ngumiti pero nahihiya ako. Baka tuksuhin nanaman kaming bading ng mga kaklase namin. Ewan ko ba pero ako lang ang napikon nung ginawa nila yun. Ang lukong si V, sinakyan pa ang trip nila.

"Hi pare" nakangiti nyang bati habang pinagmamasdan ang pag upo ko.

Ganyan sya palagi. Madalas nahuhuli ko syang pinapanuod lang ang bawat galaw ko.
Yes, nasasanay na ko pero pinamumulahan parin ako.

At gustong gusto nya namang papulahin ang pisngi ko. -___-

"Bawasan mo nga ngiti mo" nakangusong sabi ko naman pero kabaligtaran ang ginawa nya. Mas lalo lang sumingkit ang mga mata nya sa laki ng ngiti nya.

"Bakit? Naaakit ka nanaman?" Bulong naman nya.

Oo naaakit ako pero di ko aaminin. Asa pa sya.
Gusto ko sana sabihing umiiwas lang ako sa panunukso ng mga kaklase namin pero mas pinili ko sabihing....
"Hindi ah. Mukha kang timang actually"

Sa sinabi kong iyon, nawala ang ngiti nya. Sumimangot sya at alam ko namang nagpapacute lang sya.

Ewan ko ba sa kanya.
Ang gwapo gwapo pero kung magpacute, daig pa si tweety bird.
Ipaalala nyo nga sakin kung bakit sya ang chinuwariwap ng puso ko?

"Ang sama neto" bulong nya sabay yuko.
Tumaas lang ang kilay ko.

"Ang hard hard magsalita. Kung bakit ba naman kasi hindi ka pa masanay V. Alam mo namang hindi sweet ang girlfriend mo." Pangangaral nya sa SARILI nya.

Nakoooo. Kinausap nanaman ang sarili para konsensyahin ako.

Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti.
Inaamin ko naman na kahit sira ang tuktok ng lalaking to, napapasaya nya naman ako sa mga kalokohan nya.

"Excited pa man din ako ngayon kasi monthsary namin. Mukhang hindi pa nya naalala." Bumuga sya ng 5 segundong hininga.

Napasapo na ko ng mukha dahil sa kaartehan nya.
Pang mmk ang drama. Leshe.

Pero mahal ko to eh kaya lulunukin ko na ang kahihiyan ko. Ngayon ko lang gagawin to ha.. Ngayon lang talaga.

"Ang daming sat sat. Alam nya namang mahal na mahal sya ng girlfriend nya at hinding hindi nito malilimutan ang monthsary nila."

Gusto kong lumuha ng mansanas sa sobrang kahihiyan.
Kami lang naman ang nakarinig nung sinabi kong yun pero pakiramdam ko, buong Pilipinas ang nakasaksi sa sobrang kacornihan ko.

Sinilip ko sya mula sa gilid ng mga mata ko at nasaksihan ko ang pagtirik ng mga mata nya sa sobrang kilig.
Hehe. Djk lang.

Kagat kagat nya ang labi nya habang nakayukong nagpipigil ng ngiti.

Makita ko lang syang masaya, solve na kaagad ang araw ko.

Hindi na rin nakalampas sa mga mata ko ang paggapang ng kamay nya papalapit sa kamay ko.
Pasimple ko nalang inilapit iyon para mapabilis ang paghawak nya dito.
Landeeee lang. Hahaha

Nanuyo ata ang mga labi nya kaya binasa nya iyon bago muling kinagat ang mga labi.

Kilig na kilig sya oh.
Hahahaha.

Dumating ang prof namin kaya kahit na ayokong bumitaw sa kamay nya ay napilitan ako.
Bumalik na din sa kanya kanyang upo ang mga kaklase namin. Nagpasukan narin ang mga kaninang nakatambay lang sa hallway at automatic na natahimik ang kabuuan ng classroom. Tanging boses lang ng instructor ang maririnig.

Saglit na lumabas ang instructor dahil may kung sinong tumawag sa cellphone nya. Dun na nagsimulang kumawala ang kanya kanyang boses na kanina pang pinipigil ng mga kaklase ko.

"Birthday nga pala ng kapatid ko bukas. I want you to meet her"

Medyo natigilan ako sa sinabi ni V.
Kumunot ang noo ko bago nagsalita.

"Si nicole? diba nakilala ko na sya" sagot ko.

"Nope" aniya sabay iling. "May isa pa kong kapatid. Mas matanda sakin actually. Diba nabanggit ko na sya sayo noon"

Napaisip ako at nung maalala ko yung mga chocolate na binigay nya sakin noon na padala daw di umano ng ate nya na galing Korea, napatango nalang ako.U
"Ahhh ok. Naalala ko na" he smiled at me. Mukhang inaabangan ang sagot ko sa unang sinabi nya
Tanong ko pa.

Umiling muli sya.
"May celebration bukas sa bahay---"

At gaya ng pag interupt ko sa kanya kanina, ininterupt nya din ako.

"Haha. No. May permit na ko kaya makakalabas tayo. Don't worry" he answered with a smile.

Natahimik nalang ako.

CHEVY'S P.O.V
Hindi ko nanaman maalis ang ngiti sa mga labi ko.

Tignan ko palang yung panty'ng naka-hang sa pader ko, nawawala na ko sa sarili.

I shook my head para mawala ang mapaglarong ngiti ko.
Agad akong lumapit doon bago iyon kinuha at inamoy.
Haha. oi biro lang yun ha!

Mabilis ko iyong itinago sa drawer.
Baka kasi bigla syang pumasok dito sa kwarto ko at makita yung panty nyang ninakaw ko noon.
Hehe.

Ayoko namang isipin nyang manyak ako.

"V"

Mabilis akong bumaling sa napakagandang babae na ngayon ay nakasilip na sa pinto.
Naka uniform pa sya pero ang sexy nya paring tignan.
Nakalugay na ang kanyang buhok na nakadagdag sa ganda nya.

Ang swerte ko namang talaga oh!

"Tinext mo si Jin?" Tanong nya.
Bahagyang nakakunot ang noo habang tinataas ang cellphone ko.

"Uhmm. Yes" naglakad ako papalapit sa kanya bago pinadausdos ang mga braso paikot sa bewang nya.

"Ipinagpaalam mo ko?" Nakakunot parin ang noo nya.

Hindi ko sinabi sa kanyang tinext ko si jin to ask if pwedeng dito matulog ang girlfriend ko. Alam ko kasing pipigilan nya ko.

I'm just too desperate to sleep with her. Literal na sleep ha! Wala akong balak sa kanya. Gusto ko lang syang yakapin magdamag.
Gusto kong magising at mukha nya ang agad na bubungad sakin.

Hinigpitan ko pa lalo ang yakap bago ibinaon sa balikat nya ang ulo ko.
Kailangan ko syang lambingin para hindi nya ko tarayan. Hehe.

"Sorry. Ayaw mo ba?" Mahinang bulong ko.

Nadama ko ang pagbuga nya ng hangin.

"Gusto"

Nagbabanta nanamang humaba ang mga labi ko. Haha.
Grabe tong babaeng to. Ang bilis nya kong pangitiin.

Nag angat ako ng tingin at nakipagtitigan sa kanya.

"I love you. Sobra" pa-husky effect ang boses ko para kiligin sya bago ko mabilis na pinaglapat ang mga labi namin.

Nakatitig lang sya sakin matapos maghiwalay ang mga labi namin.

"I love you din. Sobra" tugon nya.

Teka lang... Wait.
Nagchichinese garter lang ang puso ko.
Hehehehe.

"Tara na nga dun" namumula pa ang pisnging aya nya.

Hinawakan ko ang kamay nya. I filled the spaces between her fingers and pulled her closer to me.

Titigan ko palang ang mga kamay namin, napapakanta na ko ng forevermore sa isip ko.

Naku. Sabihin nyo namang Walang forever!

Edi sige. I will love her until my life is over nalang. hehe.

Umupo kami sa sofa at nanuod ng tv.

Tumayo ako sandali para kumuha ng pagkain sa kusina at bumalik ng may dala dalang pringles at dalawang coke in can.

Muli akong naupo sa tabi nya.
Mabilis nyang iniangat ang mga binti nya sa lap ko na ikinagulat ko naman subalit mukhang wala lang iyon sa kanya dahil patuloy lang sya sa panunuod.

Sumunod naman ang ulo nya na dahan dahang sumandal sa balikat ko.

Kung kanina ay nagcha-chinese garter ang puso ko, ngayon naman, nag jujumping rope na.

Obviously, nagsisimula nang manlambing ang girlfriend ko.

"V"

Nilingon ko sya.

"Hmmm?"

Marahan syang nag angat ng tingin upang magtama ang mga matanamin.

Seryoso ang mga mata nya.
Alam kong may iniisip sya at gusto kong sabihin nya iyon saakin.

"Bakit minahal mo ko?"
Tanong nya.

Ang amo ng mukha nya na syang isa pang dahilan kaya hulog na hulog ako sa kanya.

"Do i have to find reason why i love you?" i asked back.

Tahimik lang syang nanatiling nakatingin sakin.

"Eh bakit ang gwapo mo?"
Ang seryoso parin ng mukha nya.

Lumabas muli ang pilyong side ko at nginisian nya. "Nasa angkan ang kasagutan babe"
I grin and wiggled my eyebrows to an add effect. Haha.

Pero sumimangot lang sya kaya kinabahan na ko.
"Nung tinanong kita kung bakit ang gwapo mo, agad kang nakasagot pero nung tinanong kita kung bakit mahal mo ko, halatang wala kang maisip na isagot"

Nakasimangot lang sya habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng mukha nya.

Wala akong maisip na isagot sa una nyang tanong kasi hindi din talaga ako sigurado kung ano bang nagustuhan ko sa kanya.
I love everything about her for no exact reason.

"I always ask my heart why it beats so damn fast for you. Pero dugdugdug lang ang sagot nya kaya naguguluhan ako kung ano bang nais nyang iparating." Umawang ng bahagya ang mga labi nya kaya nafocus dun ang mga mata ko.

Nakita ko ang paglunok nya.
Her body tensed a bit pero hindi ko iyon ininda.

Hinawakan ko sya sa bewang at iniangat upang iupo sa kandungan ko.

Hindi sya nagprotesta at nanatili lang na nakatingin saakin.

Ipinaikot ko sa bewang nya ang mga kamay ko bago muling nagsalita.

"Remember nung umamin akong mahal kita? Seryosong seryoso ako nun. Nakalimutan ko na ngang lalaki ako at bawal akong magmahal ng kapwa ko lalaki dahil pakiramdam ko, mababaliw ako pag kinimkim ko pa yung nadarama ko para sayo"

I cupped her face ang slowly rubbed my thumb on her lower lip.

"I kissed you even though iniisip ko noong lalaki ka. I kissed you coz my heart beats wild when i'm with you and i'm willing to sacrifice my image and wholeheartedly accept i'm gay because i fell inlove with you"

Her face softened at kita kita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata nya.

Humaba ang nguso nya bago iyon pinunasan.

I smiled mabilis syang yumakap sakin at sumubsob sa bandang leeg ko.

She sniffed and i felt warm liquid flowing on my skin.
I know she's crying.

I hugged her tight.

"I love you V. Mahal na mahal kita. At mas lalo pa kitang minamahal sa bawat araw na dumadaan."

Natunaw ng husto ang puso ko.
Gusto ko na rin tuloy maiyak pero pinigilan ko.
Sobrang saya ko dahil sa sinabi nya.
Sobrang saya ko dahil pareho kami ng nadarama.

"Shhhh. Stop crying na" i held both her shoulder and gently pushed her.

Pinunasan ko ng palad ko ang basa nyang mukha pero patuloy parin ang pagluha nya.

"Wag ka nang umiyak babe" nginitian ko sya. Baka sakaling mahawa sya pero yumuko lang ulit sya at nagpahid ng mga mata.

"Nakakatouch kasi yung sinabi mo eh"

With that, napatawa na ko.

Hinila ko ang mga kamay nya paalis sa mukha nya bago ko sya hinalikan sa labi.
Ngumiti ako matapos iyon at pinaulanan ng halik ang bawat sulok ng mukha nya.

I heared her giggle kaya mas lalo kong pinag igihan ang panggigigil sa mukha nya.

"Ang drama mo rin minsan babe" sabi ko.

"Mahal mo naman" agad na bwelta nya.

"Haha. Oo. Mahal na mahal ko naman"

Hindi maalis ang saya sa mukha ko. Sya lang ang nag iisang tao na nagpabaliw saakin ng ganito.

Nadama ko ang pagkapit nya sa batok ko at ang marahang paglapit ng mukha nya sa akin.

Nagtaas baba ang adams apple ko habang titig na titig sa mapang-akit nyang mga labi.

Tuluyan na lamang akong napapikit nung lumapat na ang malambot at mupupula nyang mga labi.

At first, hindi sya gumagalaw. Hindi rin ako gumalaw kasi inaantay ko ang sunod nyang gagawin.

Naeexcite na ko!!

Napamulagat nalang ako nung gumalaw ang katawan nya at umayos na upo.

Shet. Nadaganan si kapitan!

Namimilog pa ang mga mata ko nung magmulat din sya at lasing ang mga matang tinitigan ako ng hindi nagaalis ng halik.

Inaakit nya ko!!!!!!
Inaakit nya koooooo!!!!!!!

Gumalaw ang hinlalaki nya at hinagod ng pataas baba ang leeg ko na syang kumiliti saakin.
Dun na rin nagsimulang gumalaw ang mga labi namin.
Muli akong napapikit dala ng sensasyon ng halik nya.

Hinigpitan ko ang hawak sa bewang nya at mas lalo syang hinila palapit saakin.

Gumapang ang isa nyang kamay sa ulo ko at marahang sumabunot sa buhok ko habang ang isa naman at lumipat ng kapit sa dibdib ko.

I bet, ramdam na ramdam nya ang lakas ng kabog ng puso ko.

Nanatili naman sa bewang nya ang mga kamay ko. Ayokong alisin dun ang kamay ko. Natatakot ako na baka magalit sya kapag may nahawakan akong iba. If you know what i mean. Hehe.

Mas lumalim ang halik nya sakin.
Yung tipong nakayuko na sya habang nakatingala ako upang saluhin ang mga labi nya.

Nagsimula na din bumaba sa abs ko ang kamay nya na syang naghatid ng excitement saakin.

Nagtitindigan ang mga balahibo ko sa bawat haplos nya. Pakiramdam ko lumulutang ako sa gitna ng pacific ocean.

I bit her lowed lip that made her moan so i took the opportunity to shove my tounge inside her mouth.

I was so lost at muntik ko nang maiangat ang mga kamay ko upang hawakan ang dibdib nya nung may biglang nagbukas ng pinto at malakas na napamura sa naabutang ginagawa namin.

"Holy shhhhhh.t!"

Sabay kaming napatalon sa gulat pero sa halip na itulak sya, mahigpit ko syang niyakap upang itago sa tabi ko.

"Fck you!!!!"

Galit na sigaw ko.

Windang na windang ang mga itsura nila.
Halatang hindi makapaniwala sa nasaksihan.

Nadama ko ang biglang kaba sa dibdib ko. Kaba dahil baka isipin ni Louise na nabastos sya sa harap ng mga kaibigan namin.

Humigpit ang kapit ni louise sa braso ko pero nanatiling mahigpit ang yakap ko sa kanya upang itago sya.

"What the hell is happening dude?" Tanong ni Ralph.

I guess we have to finally tell them the truth.

Continue Reading

You'll Also Like

14.3M 435K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
34.2K 1.5K 105
[Teen Fiction] (COMPLETED) (Editing) Princess Kylie Abarro is in love with his bestfriend--- Steve Laurence Abellana. Ginawa nya na ang lahat para la...
205K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
4.3K 245 18
[Rainbow Series #4: Color Green] Paano kung isang araw, bigla mo na lamang matuklusan na isa ka palang diwata mula sa isang kaharian. Ganyan ang nang...