SILENT QUEEN Book1: PRETEND (...

By kuyakingboo

144K 2K 152

Author: KuyaKingboo / MisauthorILHCA Works: Silent Queen Book 1: His Girl / Silent Queen Book 2: Dark World... More

Silent Queen Book 1: His Girl by KuyaKingboo
#0//: Prologue.
#1//: First Day
#2//: Where is Cha?
#3//: Her Gwapo-His Eoreum
#4//: Unexpected Date
#5//: Envelops
#6//: Science Activity.
#7//: Instant Mama and Papa
#8//: Never trust her in Kitchen Works.
#9//: Queen's Eyes
#10//: She's Jealous.
EXTRA CHAPTER 1
#11//: Mr. and Ms. SU Part 1
#12//: Mr. and Ms. SU Part 2
Commercial Break
#13//: Over Night
#14//: Leader's Proposal
#16//: Getting-To-Know-Each-Other
#17//: A piece of her nightmare.
note 4//: editing reason
#18//: The Ice Peace Offering
#19//: Math Camp Pt.1
#20//: Math Camp Pt.2
#21//: Math Camp Pt.3
#22//: Math Camp Pt.4
#23//: Special chapter
#24//: Math Camp Pt.5
#25//: Math Camp Pt.6
#26//: Math Camp Pt.7
#27//: The Models
#28//: Chazii's Birthday (Oct.21)
#29//: The S-Room
#30//: New Friend, New Antagonist
#31//: Boyfriend vs. Boy- Friend
#32//: New Neighbors
note 5 ni kuya // basahin niyo po kasi may announcemet about next chap
#33//: First Monthsary (OCTOBER 30)
#34//: Taking care of the Sick Leader
#35//: Christmas Raffle
Thanks for reading
#36//: The Hidden Enemy
#37//: Silent Queen Pt.1
#38//: Silent Queen Pt.2
#39//: Christmas Eve
#40//: The Hidden Identity
#41//: The Break Up
#42//: So Goodbye
#43//: The Photos
#44//: THE HATRED
#45//: RESOLVE
#46//: THE IDENTITY REVELATION
#47//: HIS REASONS
#48//: The Game Plan
#49//: Survival
#50//: Hope
#51//: Choosing between Truth and Lies
#52//: The VIP
#53//: Young Master
#54//: Most Awaited Time
#55//: Their Resolves
#55.1//: EPILOGUE

#15//: Officially Yours (Fake Relationship Starts Here Sep.30)

2.7K 52 8
By kuyakingboo

#15//: Officially Yours (Fake Relationship Starts Here Sep.30)

. . . Chazii POV . . .

"Eoreum. Can you be my girlfriend? " He said without a pause.

Huh? Pakiramdam ko nabingi ako sa sinabi niya. Ito na ba iyong scene na may nagtatapat ng pag-ibig sa magandang babae na tulad ko? Eh sandali. Nawindag pa ako eh. Hinga muna Cha. Hinga.

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero parang nawala ang boses ko. Wala akong masabi sa pagkagulat ko. Ano ba ito. Biglain ba ako. Magsasalita na sana ako ng...

"In exchange of anything you want..." bigla nitong dagdag.

Kumunot ang noo ko. Pilit na ina-absorb ang mga sinabi niya. In exchange of anything I want? Ano to? Gusto niya ako maging girlfriend kapalit ng kahit anong gusto ko? Ayos yun ah! Mmm... ano kaya ang gusto ko? Ahh syempre---

"You don't like it?" Nakasimangot na nitong sabi.

"Ah..." Teka gusto ko naman kasi may kapalit. Kaso di ko lang talaga masabi na yes okay saken. Alam niyo na. Dalagang pinay ito.

"Just pretend na girlfriend kita. How much ba? Babayaran kita.." Siya na mukhang frustrated na ewan.

"=___________=" Teka nga!! Anong bayaran ako? Ang pangit pakinggan ah. Loko ano akala niya saken isang bayarang babae?! Eh kung sapakin ko kaya ito. Akala ko pa naman ayos iyong offer niya. Hindi pala.

"Ayaw mo pa rin? Why ?" tanong ulit niya.

"Ayoko. Tsk. =______=" Umiiling na sagot ko sabay pasok sa kwarto ko. Hay naku. Napagkamalan pa akong babaeng mababa ang lipad! Magkamukha ba tayo Magdalena? Nakakaloko ang Gwapong iyon ah.

. . . Minhyun POV. . .

OPEN EYES. ANG SINGKIT KONG MATA AY NANLAKI. NO!!! INAYAWAN NIYA AKO? IT CAN'T BE! I NEED HER NOW.

Kailangan niya pumayag... hindi pwedeng HINDI ! Ano ba pwede gawin para pumayag siya? Sinabi ko naman na babayaran ko siya. Ayaw pa rin. Eh kung daanin ko sa pang-aakit? Tss. Parang di maganda. F*ck! Think Minhyun!

Think! Think! Think!

Biglang may nag-pop out sa isip ko! Yeah! I know a thing na hindi niya kayang tanggihan! Whoa! I am so awesome.

. . . Chazii POV . . .

~ Ajik urin ddokgata... Nal boneun ni useumdo gata... Nae simjangeun neobakke moreuneungabwa ... Neol bogo ddo dasi ddwineungeol bwa... Sumi makhil geot gata... Nae nunmuri chaolla apa... I sesange geu eoddeon geojitmalboda ... Neol wanjeonhi ijeotdan mari deo nappeun geot gata ~

NP: NOT OVER YOU OF NUEST

Nakahiga ako ng patagilid. Nakaharap ako sa bintana ng kwarto ko. Nakatingin sa labas. Sa mga formation ng ulap. Hays. Nakakainis. Naiinis ako.

"Eoreum....." Bigla nalang narinig ko na may bumulong sa akin...

Adik na. Nagulat ako! Paglingon ko si Gwapo hayun nakalapit ang mukha sa akin at ang lungkot ng itsura. Nakayukod kasi siya sa may likuran ko kaya sakto paglingon ko muntik na magkabungguan ang mukha namin. Adik ng lokong to!

Bakit bigla nalang sumusulpot dito? Akala ko umalis na siya!

"=______=" Tinignan ko lang siya sabay balik nang tingin doon sa hawak kong math book. Nagsosolve ako ng problems. Past time ko ito bakit ba! Natulala lang talaga ako sa langit kanina.

"Eoreum I need you..." He said using his husky voice. Anak ng! Inaakit niya ba ako?

No. No. No. Hindi ako madadala sa pang-aakit mo.

"Just pretend as my girlfriend." Siyaa pinagdikit pa ang kamay nito na parang batang nagmamakaawa sa nanay na bigyan ito ng lollipop.

"=_______=" Hindi ko pa rin siya pinansin. Tumayo ako sa kama at saka umupo sa may study table ko. Kumuha ako ng pencil at notebook saka nag-start i-solve ang Quadratic Function na andito sa libro.

"Ikaw lang ang alam kong makakatulong saken. I don't trust any woman aside from you. So please... be my girlfriend." Mahina niyang sabi saka may inabot saken. Ang cellphone niya.

Pagtingin ko biglang nag-twinkle twinkle ang mata ko. Tsk. It's a blackmail! Pero ano ba. Sige na nga.

"Fine. Payag na ako =_______=" sabi ko. Ehh? Atleast di ako matatawag na bayarang babae kasi di naman ako babayaran ni Gwapo ng pera di ba? Malayong maging magdalena ako. Saka aba syempre strawberry lang sapat na.. baka kasi isipin nito mukha akong pera.

"Good! C'mon. Im gonna introduce you to my Mom." Bigla nalang ako hinila ng loko hanggang sasakyan niya.

"=_______=" Nabigla naman ako kasi agad-agad naman?! At ano? Ipapakilala sa Mom niya? Jezz! G*go talaga ito! Binatukan ko nga.

"Ouch. What is that for?" Kakamot-kamot nito sa may batok niya

"Naka-PJ lang ako! =______=" Imbyerna di ba. Tapos heto biglang umandar na ang sasakyan. Adik tong si Manong alam na umaangal pa ako pinaandar na.

"That's fine. Maganda ka pa rin kahit anong suot mo." Nakangiti nitong sabi sabay kindat.

Okay. Sabi niya eh. Maganda ako. Kahit anong suot ko. Tsk. Tumahimik na ako saka tumango. Kasi agree naman ako sa sinabi niya. Walang halong pambobola xD

. . . Chazii POV . . .

Ang yaman pala talaga ni Gwapo. Ang resort club na ito ay pangmamay-ari nila =______=. Ang ganda. Bahala na kayo mag-imagine pero ang ganda talaga. Nakanganga pa ako habang nakamasid sa lugar na ito ng biglang may naramdaman akong kamay sa right hand ko.

Si Gwapo. Inentwin ang mga fingers niya saken. Shocks. Ang awkward. Teka. Bakit ba nagkakaganito ako tuwing hahawakan niya kamay ko? Di kaya ganito lang ang normal na reaction ng babae sa paghawak ng lalaki ng kamay nila? Ma-try nga kina Baekho ang ganito at ng malaman ko kung magkakaganito pa rin ako kapag nakahawak sa kamay nila.

"Just be yourself and don't let them down you okay." Bahagya itong ngumiti saka kami tuluyan na pumasok sa loob.

"Oh speaking of the devil. Dongsaeng!" Isang babae na di ko kilala. Pero parang nakikita ko siya sa school minsan. Akala ko ang paglapit niya kay Gwapo ay para batiin ito pero nagulat ako ng isang tumataginting na sapok sa ulo ang binigay nito.

"F*ck! What the hell is that for?!" Halatang galit na sabi nito sa babae habang nakahawak sa ulo niyang tinamaan ng sapok ng babaeng kaharap namin.

Grabe ang taray ng mukha niya at ang tangkad. Pang-model ang dating. Ngayon ko lang kasi siya natitigan. Maganda pala talaga.

"FYI my dear. We are waiting here for almost one hour!" Gigil na sabi nito sabay tingin saken. Bahagya pa akong napaatras ng tumingin siya kasi malay mo hilig pala niyan manakit. "So you are?" Nakataas kilay na tanong nito. Okay. Mukhang natural na mataas talaga ang kilay niya.

"She is my girlfriend. Psh. Don't scare her you freak." Nakasimangot na sabi ni Gwapo sabay akbay saken.

"You freak!" Naka-amba na naman na sasaktan nito si Gwapo pero hindi na niya tinuloy kasi may isang babaeng umeksena.

"Minhyun! What took you so.... long..." Isang babae na naman ang sumulpot na biglang bumagal ang huling words ng makita ako habang inaakbayan ni Gwapo. "Oh who is she?" Tumingin ito saken ng masama.

TEKA. SIYA IYONG BABAE NA KASAMA DATI NI GWAPO AH.

"Let's go." Wala maan lang pasabi na hinila ako ni Gwapo palayo sa dalawang babae. Pero huminto rin siya saka nilingon iyong dalawang babae na nilagpasan namin. "Where is Eoma?"

"Upstairs." Lumapit itong masungit na babae saken kaya naman humanda ako kasi baka ako naman ang sunod na target niya. Pero mali ako kasi ngumiti naman siya saken. "Welcome to the family. I'm Minroo, her sister. But you are welcome to call me Nana." Nilapit pa nito iyong mukha niya saken saka bumulong. "I think you are much better than that girl behind me." Kinindatan pa ako nito saka umalis.

Ate pala iyon ni Gwapo? Pwede na. Pareho naman silang maganda ang lahi eh. Lalapit pa sana samin iyong isang babae pero hinila na ito ni Nana palayo. Kami naman umakyat na ni Gwapo sa may spiral stairs.

"=_______=" Bakit parang kinakabahan ako ng unti? Siguro dahil ipapakilala ako sa pamilya ng BOYFRIEND KO DAW??

Sheyt.. pinagpapawisan ang kamay ko? Hindi kaya nadidiri si Gwapo at ayaw niya bitiwan ang kamay ko? At ganito ba talaga feeling nang mga babaeng MAGANDA na ipakikilala sa mama ng bf nila? Partida di naman talaga ako tunay huh. Pero kinakabahan ako like a real Girlfriend eh.

"Eoma..." Gwapo na humalik sa pisnge ng isang mukhang mayaman na ginang. Iyan na siguro ang mama niya. Oo kasi tinawag niyang Eoma eh. Koreano sila di ba.

"Finally. You're here. I thought your not coming. Anyway where is she?" Ang taas rin ng kilay ng Mama ni Gwapo. Mukha siyang masungit tulad ni Nana.

Cha. Relax. Paki mo ba kung masungit o hindi iyan. Kemein mo lang okay. Hinga. Hinga.

"Eoma. Meet Chazii Kim. My girlfriend." Si Gwapo na hinarap ako sa Mama niya.

"=______=?" Ehh?! Sandali huh. Hindi pala ako na-orient kung ano gagawin ko at kung ano sasabihin ko. Bahala na si batman. Shut up nalang ako para iwas mistake.

"Chazii meet my Mom." Nakangiti nitong sabi saken.

"Hmmm... okay? =____=" Naku naku. Hindi ko kasi talaga alam sasabihin ko. Sorry na. First time eh.

"You look familiar. Have we meet before?" Mama ni Gwapo na tinaasan ako nang kilay pero ngumiti rin naman. Ang gulo nu.

"=_____=???" Yah! Hindi ako maalam magpanggap... ano ba ginagawa sa ganitong sitwasyon? Ay may tinatanong yata siya saken. Ano nga ulit iyon?

"Is she a deaf?" Narinig kong tanong ng Mama ni Gwapo. Aba ichismis ba ako.

"No Ma. She is just lazy to talk." Sagot naman ni Gwapo. Abah ang tindi manismis ng mag-inang ito ah. Harap-harapan.

"What a unique person. Oh well you really look familiar to me Hija" Mama ni gwapo na tinitigan pa akong mabuti.

"Ahh... =______=" Bigla akong nailang sa titig niya.

Natigil lang ng may isang Ginang rin ang dumating. At mukha na talaga itong masungit kasi pananalita pa lang malalaman mo na. "Amiga. Oh Minhyun hijo. You look more handsome than before." Bati nito kay Gwapo saka humalik sa pisnge nito.

"Oh. And this girl is?.." Tanong nito habang nakakunot-noo na nakatingin saken.

"Tita, she is my girlfriend." Walang ngiti-ngiting sabi ni Gwapo.

"No way!!" React nito sabay tingin sa Mama ni Gwapo. "Minry. What is this?" Nakakunot-noo tanong nito.

"Carmina. Let's talk later." Humarap ito samin. "So you're my Son's girlfriend. Nice to meet you Hija. Have a seat, the both of you."

Magkatabi kaming umupo ni Gwapo. Kaharap namin ang Mama at ang tinawag niyang Tita. Iyong Tita grabe makatingin saken. Akala mo handa akong ipabaril sa luneta. Tsk. Akala naman niya matatakot ako?

"So how did you meet my son? And when?" Seryosong sabi ng Mama ni Gwapo habang naghihiwa ng stake nito.

"She's my schoolmate. And about how we met... we are classmates." Sagot agad ni Gwapo.

Di ako makasagot. Alam niyo kung bakit? Kasi puro sila english. Pakenset. Ang sakit sa ilong =____=...

"Is that so... " Tumatango-tango lang na sabi ng Mama ni Gwapo. "Is she the girl you are talking about the last time we talk hijo? The one you liked?"

"Nae." Gwapo.

At hayan nag-usap sila in their alien language. Hala ka. Di ko na lalo sila naintindihan. Isinama ba ako dito ni Gwapo para lang ma-OP? Hello. Nasa Pilipinas tayo. Pwede magtagalog naman tayo? =_____=

"Hmmm. Hija. I want to know something about you. Can you start with your family background?" Mama ni Gwapo.

"Eoma!" Saway naman agad ni Gwapo.

"What? It is just normal for me to know your girlfriend's background. Is there something wrong with that?"

"Don't push her too much." Gwapo saka ako nilingon. "You don't have to---" Pinutol ko na siya.

"Okay lang." Tumingin ako sa mama niya saka nagsalita. "Nasa ibang bansa ang parents ko. My Dad is a business man and my Mama is a doctor. Sa ibang bansa na sila naka-based. I have a brother. Siya ang kasama ko dito sa Pilipinas. May gusto pa ba kayong malaman? =______="

Nakatingin lang saken ang Mama at Tita niya. As if nag-iisip kung ano pa ang itatanong saken. Maya-maya ay nagsalita naman ang Tita ni Minhyun. "Be honest. Are you after Hwang's wealth?"

"Tita! That's ridiculous!" Gwapo.

"I just want you to protect from some gold digger whore, Minhyun." Depensa ng Tita nito.

Abah! Ako ba pinariringgan nito? Sapakin ko ito eh.

"What if, Yes. That I am after his wealth? May magagawa po ba kayo? =_______=" Sabi ko in my coldest voice. Bastusan na eh.

"Oh my Gosh! Did you hear that?! She is a real ----"

"Don't worry joke lang iyon. Si Minhyun ang gusto ko. Hindi ang kayaman niya. =_______=" Oh huh! Tindi ng mga line ko ano. Magrereact pa kasi eh. Kaya siningitan ko na. Nakakarindi kaya ang boses niya.

"Okay. That's enough Carmina." Saway ng Mama ni Minhyun sa katabi. Tumingin na ito samin saka ngumiti. "Kiss her." Sabi nito kay Gwapo.

"What the--?!" Gulat naman na sabi ni Gwapo.

"I just want to know if it is not one of your scheme. Kiss her."

. . . Minhyun POV . . .

"Okay. That's enough Carmina." Saway ng Mama sa Amiga nito.Tumingin na ito samin saka ngumiti. "Kiss her." Sabi niya pagkakuwan saken.

"What the--?!" Nagulat naman ako sa narinig ko. Is she serious about that?! Baka masapak ako ng babaeng ito eh!

"I just want to know if it is not one of your scheme. Kiss her."

Hindi pa rin talaga nagbabago si Eoma! Tricker pa rin! Tinignan ko si Eoreum... as usual napaka-walang alam na naman. Tuloy lang ito sa pagkain niya. Wala nang bago kasi ganyan naman lagi yan eh....Naku baka makarate ako kapag hinalikan ko talaga siya! Tss. Di ko nalang gagawin.

"There's no wrong kissing your girlfriend right?" Sabi ni Eoma saka ako tinaasan ng kilay.

"Eoma! Stop doing this. Its non----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang may naramdaman akong malambot na bagay na dumapo sa labi ko.

"Okay na po ? =_______=" Si Eoreum ko na nakatingin na kay Eoma ngayon.

"Ah o-okay." Sabi naman ni Eoma na halatang nagulat rin pero ngumiti nalang.

Ako naman nasa in shock state pa din na hindi makapag-isip kung nangyari ba lahat ng iyon in REAL. F*ck. I didn't expect this. Her giving me a quick peck on my lips. D*mn it! I can't help now but to smile.

Oh Heavenly Father. Please make her kissed me again. Just one more kiss jebal?!

. . . Chazii POV . . .

"CHA!!"

"Eh... =_______=" Halos ma-out of balance ako ng sabay-sabay nila akong salubungin dito sa may gate.

"CHA WE MISS YOU SO MUCH!! "Si Ange na niyakap ako na halos mapisa na ko sa higpit ng yakap niya.

"Bakit ba kasi ang tagal mo nawala?" Usisa naman ni Luisa.

"Tapos di ka pa namin makontak..." Dagdag pa ni Maja sabay sinapok ako pero mahina lang naman.

"=__________=" Na-miss nga nila ako... nasasakal na ako sa higpit ng yakap nila ohh. Whoa. Teka kumalas ako sa yakap nila saka pinotektahan ang sarili ko.

"Oh Sarah bakit nakatitig ka lang kay Cha??" sita ni Luisa dito kasi ito lang ang di yumakap saken. Oo nga ngayon ko lang napansin na siya lang ang hindi yumakap saken.

"=_________=" Tinignan ko si Sarah ... Iyang tingin na yan... alam ko ang tingin niyang ganyan. Alam ko na may alam siya sa dahilan ng pagkawala ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya saka tinignan ang iba naming kasama.

"Ahh.... hehehe " Sarah na biglang binalik ang sigla pero halata ko naman na pilit lang.

"Nagtatampo lang ako kay Cha. Pero mabuti naman at nakabalik ka na." Sarah na niyakap ako ng mahigpit. "Huwag ka na ulit mawawala ahh. If there's bothering you, you know Im always here." Bulong nito sa akin.

"Ano bang ibig mo sabihin diyan bunso? OA na tayo huh." Narinig yata ni Luisa kaya nagcomment.

Buti nalang di na gets ni Luisa ang real meaning ng sinabi ni Sarah. Ako kasi nagets ko na may hinala na siya kung saan talaga ako galing. Naguguilty ako kasi di ko magawang sabihin kay Sarah ang lahat. Maybe there is a right time for it. At alam ko maiintindihan niya iyon.

"Alam mo Cha parang naasinang bulate yan si Sarah nung wala ka. Hindi lagi mapakali... hahaha" Si Ange na todo tawa naman masyado.

"Syempre sanay ako na lagi kong kasama si Cha eehh" Nakangusong sabi ni Sarah saka ngumiti saken.

"Tara na nga at pumasok na tayo. Hihihi xD" Yaya ni Ange so pumasok na nga kami sa main gate ng SU.

Heto na naman ako. Balik sa ordinaryo kong buhay. Buhay ng isang simpleng mag-aaral ng SU. Simpleng kaibigan nila Sarah. At syempre may dagdag na. Ang pagiging simpleng pekeng babae ni Gwapo. Nga pala. Sasabihin ko ba sa kanila ang tungkol doon? Ah wag na. Sila na bahala umalam. Mga chikadora naman iyang mga iyan eh.

"Babe!" Tawag ni Sarah doon sa lalaking pula ang buhok. At hayan na nagningning na ang mga mata niya.

"Good morning ladies." Nakangiti nitong sabi. "Can I borrow your friend for a while?" Kinindatan pa nito si Sarah kaya itong katabi ko todo hampas sa braso ko.

Tsk. Landi lang =________= Sumama agad oh.

"Oh before I forgot. For you..." Si pulang buhok na may inabot sa aking white rose na may nakasabit na folded card na maliit sa tangkay nung rose.

"=____=??" Nagulat kami lalo na si Sarah. Kasi bakit ako binibigyan niya ng rose? Don't tell me may gusto iyan saken? Sabi ko na nga ba eh. Ang lakas talaga ng kamandag ko.

Pero paano ba iyan. Iyong kaibigan niya na si Gwapo may gusto rin yata saken. Sino ba ang mas okay sa kanilang dalawa? Ano ba iyan. Ang hirap naman maging maganda.

"Hala !!! ako wala?? " Comment nalang ni Sarah na nagtatampo. Ang nguso abot hannggang america. Charot.

"Oh. Let's go. Haha. "Sagot nito sabay hinila si Sarah palayo samin. Saan naman sila pupunta?

Narinig pa namin ang himutok na Sarah na 'Bakit mo siya binigyan ng white rose? Akala ko ba ako ang gusto ko mo? Ginagamit mo lang ba ak---'

Hanggan diyan lang narinig namin. Malayo na sila eh. Maging sina Maja at Luisa mukhang nagtaka rin sa pagbibigay saken ng bulaklak ng friend ni Gwapo. Ako. Heto dedma. Alangan naman magtaka rin ako eh alam ko naman na maganda lang talaga ako.

"Anyareh?" Si Ange na ang lawak ng ngiti. Siya lang pala ang ganyan ang reaction. Nakakarelate siguro kasi maganda rin naman siya. Mas maganda nga lang ako.

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad papunta sa room namin. Hindi na namin inintindi si Sarah. Sabi nga ni Ange... 'Mas matutuwa pa yun makasama ang crush niya..'

Pero di pa kami nakakalayo ay may humarang na naman samin.

"Chazii para sayo." Si Rouke naman nag-abot ng white rose saken ngayon na tulad doon kay puting buhok este pula pala.

"=______=" Nagtataka na talaga ako! Ano ba merun? Pati ba si Rouke may gusto na rin saken? Nawala lang ako ng ilang linggo naging ganyan na sila. Aba narealize na siguro nila na ang ganda ko pala talaga.

"Hala. Ano bang merun bakit nagkakabigayan ng white rose dito?" Bulong ni Maja kay Ange.

"Kyahhh... Kinikilig ako hohoho." Iyan ang sagot ni Ange. Adik na ito nakuha pang kiligin samantalang ako nahihirapan na sa pagiging maganda ko dito.

"Maria may naghahanap pala sa iyo.." sabi pa ni Rouke kay Luisa ng maabot na niya saken ang white rose.

"Sino?" Kunot-noo naman na tanong ni Luisa.

"Andun ohh... tara samahan kita.." Sagot nito sabay hinila na nito si Luisa.

Nagkatinginan kami nila Maja. Okay. Tuloy ang lakad papuntang school.

"Ano ba merun at nagkakahilaan ng babae ngayon? At nagkakabigayan ng white rose?" Tanong saken ni Maja.

"=____=" Nagkibit balikat naman ako kasi di ko rin naman alam ang sagot sa tanong niya.

Mga nag-iisip kami habang naglalakad nang may umeksena na naman.

"For you. From someone." Si Blonde Boy naman ngayon ang nag-abot ng white rose. Teka galing daw kay someone. Sino iyong someone na iyon? Someone... pangalan ba iyon o apelyido? Di kaya iyong mga naunang bulaklak ay galing rin pala kay Someone? Tsk. Nag-assume naman ako na may gusto silang lahat saken. Kainis. Sino ba iyang Someone na iyan na gusto maagtambak nang bulaklak saken? Mukha ba akong flower garbage?

"=_____=" Kinuha ko nalang. Gusto ko na magtanong kanino galing ito pero as usual tinatamad ako. At hayun umalis na iyong lalaking may aurang babae.

"Ayehh hayan na ang my labs ko!" Tili ni Ange nang salubungin kami sa paglalakad ng Baekho niya.

"Tara na Angel. Ayy Chazii oh para sayo..." Baekho na may inabot rin na white rose tapos umalis na sila ni Ange.

Nagkatinginan nalang kami ni Maja. Kasi di tulad ni Sarah at Luisa, si Ange di man lang nagselos nang abutan ako ng my labs niya ng white rose. Weird.

Dalawa nalang kami ni Maja naglalakad nang dumating naman si energetic president na nagtatalon. Iyong totoo. Ayaw ba nila kami papuntahin sa room?

"CHA!!! TARA DUN!!" Karen na kinaladkad ako sa kumpol ng mga estudyante sa may quadrangle. Bastos eh nu. Biglang hila nalang. Mabuti nalang matibay ang buto ko at hindi nakalas sa biglang hila niya.

"=_________=" May concert ba at may nakalagay pa na mini stage sa quadrangle? At isa pa ang daming student dito. Siguro nga may maagcoconcert. Eh hindi naman ako mahilig sa ganitong churva kaya balak ko na sana umalis kaso nakakapit saken si Karen.

"Kyaahh!!!" Tilian ng mga students kasama na si Karen.

"Hayan na si prince MINHYUN !!!" Tili pa nila.

Si gwapo ba ang magko-concert? Bakit di ko alam? Wala siyang nasabi saken kahapon ah. Performer pala siya? Hay naku tapos ito namang si Karen hinila pa ko sa harap ng mini stage. Edi wow talaga.

"=___________=" Sh*t ito na si Gwapo.... nasa may mini stage na siya.

"KYAHHHHHHHH !!"

"Ang Gwapo mo Prince !!!"

"=____________=" Well, sang-ayon ako na gwapo si Gwapo. Okay hashtag LANDIMUCH para kay Chazii.

Lumapit ito sa may mic sa harap saka tumingin sa mga audience niya. Ano kayang gagawin niyang performance? Sasayaw? Kakanta? Tutula? O baka naman magmamagic? O di kaya ay magzuzumba? O mangangaral like a priest? Ano kaya?

"Ehem. I just want to announce that there is a girl who sealed my heart already..."

Walang nag-react. Mukhang nagulat ang mga audience niya sa sinabi niya. Maging ako nagulat. Kasi sino iyong nag-sealed ng puso niya? Bakit hindi niya sinabi saken? Bakit niyaya niya pa akong maging pekeng girlfriend niya kahapon? Adik tong lalaking to! Mabuti nalang pala hindi ko muna kinuwento kina Sarah iyong kahapon dahil if ever mapapahiya pa ako.

Baka sabihan pa akong pilingera.

"More..." Mga student na curious kung sino tinutukoy ni Gwapo kaya nagsabay-sabay chant ng More.

"=________=" Na-curious na rin ako. Nawala na sa isip ko iyong tungkol sa mga rose na hawak ko. Sino nga siya??? Pinagpalit niya agad ako?? Nakahanap na siya nang real gf?

"She is here. And I want you to respect her as how you respect me here." Seryoso nitong sabi.

Aba. Bongga ni ateng nakakuha kay Gwapo. Protektado siya eh. Wala nang magbabalak na kuyugin siya sa inggit kapag nagkataon dahil-----

"Everyone. Meet my girlfriend. Chazii Kim Balle." Announce ni Gwapo habang nakangiti sa akin.

BIGLANG NAGTILIAN.

Syempre ako loading. Kasi ang gulo ng statement niya. Ako daw? Sira ba siya eh peke lang naman kami? Dapat sinabi niya I found a fake girl that will portray as my gf for the rest of my life. CHUZ! Rest oh his life talaga?

Pero seryosong usapan...

BAKIT PARANG NATUTUWA AKO SA GINAWA NIYA? BAKIT KAYA?

Habang bumababa siya ng small stage ito ang sinasabi niya. "Happy 1st Daysary Eoreum ko ."

"WHAAAAA!!!!!" Nagwawala na mga tao dito. Di ko alam kung dahil nakukuryente sila o dahil anti sila saken para sa prinsipe nila. Ewan ko lang.

"CHAAAAAAA IKAWWWWWWWWWW NAAAAAAAAA TALAGAAAAAAAA!!!!!!!! HAHAHAHAHAHA" Karen na tinulaktulak pa ako sa tuwa nito.

"=___________="Sheyt ang balikat ko! Aray ko wagas makatulak huh. Muntik ko na madaganan iyong nasa kabila ko kung sakaling na-out of balance ako sa pagtulak ni Karen.

"Another special flower for you." Nakangiting sabi nito habang intense ang tingin saken.

Takte. Naiilang ako. Hindi ko nga alam kung paano ililihis ang tingin ko kasi parang na-estatwa na ako. Ganito pala ang feeling ng matuod dahil sa isang bagay... na di mo naman ini-expect.

. . . Minhyun POV . . .

Napangiti ako sa reaction niya. Halata sa mukha niya na na-surprise siya. Unlike others, medyo nakukuha ko na kasi ang mga simpleng reaction ng Eoreum ko. Siguro sa iba ang makikita lang nila ang cold eyes niya... Pero para saken alam ko na kung masaya siya, nagulat, naiinis o nalulungkot. Pero joke lang haha. Iyong nagulat at masaya pa lang ang alam ko. Unti-unti ko na kasi siya nababasa.

"Another special flower for you." Nakangiti kong inabot sa kanya ang last flower, na red rose ngayon, na bubuo doon sa note ng mga cards na nakasabit sa white rose.

Nagustuhan naman niya siguro ito di ba? Okay. Masasabi ko na magaling nga ang idea ng mga mokong na si Red at Baekho kasama na rin ang kaibigan ni Eoreum na girlfriend ni Baekho.

"=______=" Eoreum na kinuha ang rose saken. Pero nanatili lang itong nakatingin ngayon sa rose.

"Don't you want to read the last note..." I ask para mastop na muna siya kakatitig sa bulaklak.

"Huh?"Siya na tumingin sa akin saka sa rose na inabot ko.

"May mga notes pala dito =____= ??" Mahina niyang sabi na narinig ko naman.

What? Hindi niya alam na may mga note doon? Ibig sabihin di niya nabasa iyong notes sa bawat rose na tinanggap niya? May message iyon eh.. magkakasunod iyong word na nakakabit sa stem ng rose tapos di niya binasa?

May pagka talaga to si Eoreum... okay na sana ehhh... naging EPIC FAIL PA --.--

. . . Chazii POV . . .

"=________=" Sorry naman kala ko design lang iyong papel eh

Binuklat ko nalang bawat notes na nakasabit doon sa stem ng mga rose.

Daysary... Eoreum... 1st... ko [heart shape iyong letter O]... happy...

"=___________=" Bakit parang ang gulo nung mga random words?! Tinignan ko si Gwapo na kanina lang ngiting-ngiti tapos ngayon nakasimangot na naman. Pati iyong mga tao dito natahimik na. Takte. Ako na naman may kasalanan?!

Para akong sesintesyahan dito. Madaling-madali pa ako habang iniisip ang random words na ito.

"daysary eoreum 1st ko happy... Mmm ano iyon?" tanong ko kay Gwapo na nakapagpasimangot lalo sa kanya. Nagtatanong lang eh.

"You construct it wrong." Gwapo na seryoso na naman.

"Ahh... =_____=" Pahirapan pa ako i-arrange ito ehh. Hindi na ako nakipagtalo. Tsk. Bakit kasi di nalang inisang papel?? Hiniwa-hiwalay pa kada word. . Mga ilang try rin bago tumama ang basa ko.

"happy 1st daysary eoreum ko .?" Patanong ko pa kasi baka mali.

Tumango naman ito na ibig sabihin tama ako. Pero ganun pa rin itsura. Nakasimangot. Ano na naman ginawa ko mga kaibigan? Ang mga nanunuod naman ay nagtataka kung ano na nangyayari. Huwag kayo mag-alala pati naman ako nagtataka. Kaya pinilit ko nalang sarili ko mag-isip kung paano matatanggal ang simangot face nito. Nagawa ko na kaya yan dati... ang tanggalin ang pagsimangot niya.

Nag-isip ako ng mga drama na pwede kong kuhaan ng idea kung ano gagawin ko. Hmmm. Ang hirap naman. Limited lang naman ang drama na napanuod ko. Si Oppa talaga mahilig sa ganun eh.

"Happy first daysary rin...Gwapo ko." Hala. Hayan nasabi ko na. Takte. Nahiya ako. Aalis na sana ako kaso nakita ko lumawak na ang ngiti niya. See. Ang galing ko talaga. Namalayan ko nalang bahagya na rin pala akong nakangiti.

Jezz. Bakit ba hindi ko na kontrolado ang emosyon ko kapag kasama ko ang Gwapong nilalang na ito .

. . . Minhyun POV . . .

(Before the first daysary thing happen)

"Yeah. You creepy! Stop doing that.." Red sabay bato saken ng unan.

"Tsk." Iyan lang sinasabi ko saka ngingiti ulit.

"Kahapon pa iyan ganyan. Iyong ngiti halos mawasak na ang mukha." Pumapalatak na sabi ni Aron.

"Ano ba kasing nangyari kahapon Leader? Aside sa sinagot ka na ni Lucky Girl?" JR.

"Maybe naka-score na! Whoah! Binata ka na boy!" Humahalakhak na sabi ni Red saken.

Ngumiti lang ako.Ganito pala epekto ng may first Kiss! Damn it! It make me feel restless and at the same time crazily happy!

"Di nga? Naka-score ka na sa babaeng yelo Leader?" Si Aron sabay upo ng maayos at humarap saken.

"Jezz. She is the one who kissed me. Well, I can't blame her.Im too irresistable." Mayabang kong sabi kaya naman pinagbabato ako ng unan ng mga G*go.

"Now. Give me an idea on how to broadcast our official relationship in our school." Sabi ko pa sa mga ito...

----------------------------------------------------------------------------- Chapter 15 ends.

...<+5F

Continue Reading

You'll Also Like

144K 2K 63
Author: KuyaKingboo / MisauthorILHCA Works: Silent Queen Book 1: His Girl / Silent Queen Book 2: Dark World / Can't Get over you / Zofhy Bitch Silent...
1.6M 56.4K 59
Gennica Tamara Arellano Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
4.7M 137K 91
World of Magic? Sounds ridiculous right? She didnt expect that at all! She grew up in a mortal world where she experience all the pain, hatred and sa...