Crush Kita Since 1998

By Jando_Oh

2.4K 545 81

[COMPLETED] From 2019 to 1998. Siya si Ereneo Tesorio Laurente, isang Grade 10 student. After being rejected... More

Crush Kita Since 1998
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note

Chapter 24

38 10 5
By Jando_Oh

Unang araw ng Marso, taon ng 1998.

Linggo, at napagdesisyunan ni Kylah na pumunta kaming mall para magpalamig.

Suot niya ang blouse dress niyang kulay gatas na may floral design. At ako nama'y nakasuot ng itim na slacks—kung ano yung slacks na suot ko nung napadpad ako rito. Suot ang t-shirt na puti, ay tumitingin kami ng mga items dito sa mall.

"Ang ganda nito, Ereneo oh!" pagtawag niya sa akin habang turo-turo niya ang isang dress na kulay pink. Napatingin naman ako sa tinuturo niya.

"Akala mo naman talaga eh." Mahina kong sabi.

At lumingon siya sa'kin.

"Ano na naman ba'ng problema mo dyan, ha?"

Kaya sinabi ko sa kaniya ang saloobin ko, "Bakit, bibili ka ba talaga?"

"Oo naman!" mayabang niyang sagot, "May pera pa ako, 'no!"

Napatawa ako nang manipis, seeing her act like that.

"Halika na nga." Aniya, at lumakad na kami papunta sa school supplies section.

May eyeglasses section na madadaanan mo kapag hindi ka pa nakakarating sa school supplies, umaagaw ito sa atensyon ko at umaakit ito sa interest ko, kaya napahinto ako dito para tumingin ng mga salamin.

Ang daming mga magagarang designs ng eyeglass. May nakita akong metal frame na square type yung lens, at bakal yung nose piece at may silicone nose pads. Asul yung reflection ng ilaw sa lens, at kumakati ang kamay kong kunin ito para subukang suotin.

Suot ang salamin, tumingin ako sa mirror na nakalagay sa tabi ng eyeglass stand para tingnan ang sarili.

Ang classy, mukha akong empleyado sa opisina.

Tiningnan ko yung presyo sa price tag na nakabitin sa hinge ng eyeglasses, at ang mahal nito. 850 pesos.

Inalis ko yung salamin sa mata ko at binalik sa kinalalagyan nito. May nakita na naman akong design na sumungkit ng interest ko, kaya sinungkit ko rin yung eyeglass.

Round frame naman ito ngayon, metal at makapal, may silicone nose pads rin, pero berde yung reflection ng ilaw sa lens niya.

Sinuot ko na naman ito at tumingin sa sarili sa salamin, at sakto lang yung sukat ng eyeglass sa mata ko.

Inalis ko ito sa mukha ko at tiningnan yung price tag. 789 pesos. Ba't ang mahal?

Binalik ko nalang sa stand. Meron na namang isa, malaki yung lens, semi-round na semi-square. Plastic yung frame na may top bar, bakal yung nose piece at may silicone nose pads. Bakal din yung hinges. Berde na may konting pink yung kulay ng reflection ng ilaw sa lens.

Kaya sinuot ko na ito at tiningnan ang itsura sa salamin, mukha akong lolo. Para na akong si Benigno Aquino nito. Kaya hinubad ko na at tiningnan yung presyo. 980 pesos.

Ang mahal naman.

Ang daming designs na gusto kong bilhin, kaso ang mahal. Last time na pumunta ako sa mall nung 2019, hindi naman ganito ka-mahal yung mga salamin eh. Nasa 300 plus lang 'yun. Pero ngayon, halos isang libo na.

Nawiwili ako sa mga eyeglass, gusto ko silang suotin lahat, iba-ibang designs araw-araw, parang ganon. Ganyan ako ka-interesado sa mga salamin sa mata. Feeling ko kase, nag m-match sa mood at personality ko ang designs ng eyeglass na susuotin ko.

Ano kayang itsura ni Kylah kapag may suot siyang eyeglasses? Siguro kahawig niya na talaga si Precious kung sakali.

Pero saan ba ako makakahanap ng mga may magagandang designs pero mura lang? Ang mahal kasi ng mga 'to.

Parang gusto ko nalang angkinin 'tong lahat.

Susubok pa sana ako ng isa pang salamin, nang may tumawag sa pangalan ko na para bang ginawa akong bata na naliligaw sa mall na tinawag ng magulang, "Andyan ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap eh!"

Paglingon ko'y si Kylah, na nakasimangot, kaya binalik ko na yung eyeglass sa display.

"Ano bang tinitingnan mo dyan, ha?" aniya, na wari ay pinagagalitan ako.

Kaya sumagot ako nang malumanay, "tumitingin lang ako ng salamin."

"Ang tagal mo naman tumingin," siya, "inisa-isa mo ba lahat?"

"Hindi. Pake mo ba?"

"Ay, suplado 'toh!" aniya naman, na parang naiinis.

Napangiti na naman ako sa reaksyon niya. Ang cute niya kasing mainis.

"Halika na nga, pumunta na tayo do'n oh." Utos niya.

Pero tumutol ako, "mamaya na, titingin pa ako dito. Sandali lang."

"Ay, hindi ka pa tapos? Gusto mo dalhin mo nalang 'yan lahat?"

Pinagtinginan kami ng mga tao dahil sa tono ng boses niya. Walang hiya ka talaga Kylah, perwisyo ka kahit kailan.

"Titingin lang eh." Sabi ko naman, na napipikon na, pero pinapanatiling balanse ang sanity sa sarili.

"Alam mo, bagay sa'yo magtinda ng salamin eh. Magtayo ka nalang kaya ng eyeglass shop?"

"Tumahimik ka nga, nakakahiya ka, pinagtitinginan tayo ng mga tao oh."

"Halika na kase! Ang tigas naman ng ulo mo." Pamimilit niya, kaya sumama na ako bago pa niya ako ipahiya sa mga tao rito.

"Bakit ba? Saan mo ba gustong pumunta?" Napasabi ako habang sinusundan ko siya.

"Basta, sumama ka nalang."

Papunta kami sa men's clothing section. Nang nakarating kami sa bandang mga polo shirt ay huminto siya at kumuha ng isang polo na naka-hanger.

"Gusto mo ba?" tanong niya sa'kin, na pinapakita sa akin ang hawak niyang naka-hanger na damit.

Kulay puti yung polo, long sleeves, may gray stripes na maninipis, at may butones na kulay gray.

"Ayaw ko niyan, gusto ko yung salamin." Tugon ko sa kaniya.

"Ibibili ko 'to para sa'yo. Susuotin mo 'to pagkatapos ng graduation natin. Mamamasyal ulit tayo sa mall no'n."

"May pera ka ba?"

"Bakit pa ako pupunta sa mall kung wala akong pera? Hay nako naman, Ereneo."

"G-Ganon?"

"Tara na, babayaran na natin 'to."

"Eh ikaw? Hindi ka ba bibili ng sa'yo?"

"Syempre ibili mo rin ako 'no."

"H-Ha? Wala tayong pinag-usapan ah?"

Ngumiti siya, at tumawa, "Biro lang, ako na ang bibili sa'kin, dun sa women's section."

Muntik na akong kabahan, konti nalang ang pera ko eh mula nung binigyan ako nung nakasagasa sa'kin. Magpasagasa kaya ako ulit?

Binayaran namin sa counter yung damit na binili niya para sa'kin at para sa sarili niya. Lumabas na kami sa mall at kumain sa isang fast food chain—Jollibee, na naman.

Ngayon ko lang napansin, ang mura lang pala ng burger ngayon kesa sa 2019. 15 pesos lang eh. Eh nung sa panahon ko, 35 pesos na. Sabay kaming nag-order. Sabay kaming kumain at nagkaroon kami ng konting kwentuhan habang kumakain kami.

"Nung last time kong pumunta sa mall, Ereneo, mag-isa lang ako nun eh, tapos natapilok ako." Kwento sa'kin ng babae habang kinakain ko itong fries ko.

"Nakatingin sa akin yung mga tao. Nakakahiya, like, hindi ko naman sinasadyang matapilok eh, diba?" aniya, na parang natatawa sa sarili niyang sinasabi. "Feeling ko tuloy, napakalaking pagkakamali na no'n sa buhay ko. Basta nakakahiya!"

Habang nginunguya ko yung fries, na-comprehend ko yung sinasabi niya, malinaw kong narinig ang mga salita niyang nasagap ng pandinig ko, at hindi ako agree sa ideya niya.

Kaya, sinabi ko, "Alam mo, hindi naman nakakahiyang matapilok eh. Hindi mo naman sinasadyang magkamali. Ang nakakahiya, ay yung alam mo na ngang mali yung ginagawa mo, pinipilit mo pa ring maging tama."

"Gaya ng ano?"

"Gaya ng kapag sinasadya mo na talagang matapilok para magpapansin. Mukha ka nang tanga no'n, at di ka lang tanga, siraulo ka pa, pag ginawa mo 'yon."

"Ang harsh mo naman magsalita."

"Pero hindi mo naman talaga sinadyang matapilok, diba?"

"Hindi nga."

"Buti naman, kasi kung oo, tanga ka talaga."

Wala na siyang sinabi pa pagkatapos ng salita ko. Kinain niya na yung burger niya, at ininom ko naman yung malamig na lemon tea juice na kasama sa inorder namin.

"Kwentuhan mo naman ako, Ereneo."

Napatingin ako sa kaniya. Napaisip agad ako kung ano ang ikukwento ko sa kaniya, at ito ang aking sinabi, "Wala akong masyadong interactions sa mga tao sa paligid ko eh. At kahit meron, wala akong pake. Kaya wala akong maikukwento sa'yo."

"Ganyan ka na ba? Diba sabi mo, naligaw ka lang dito? So, yun nalang ang ikwento mo sa'kin."

"Ilang beses ko nang sinabi sa'yo, pero hindi mo'ko pinaniniwalaan."

"Na ano? Na galing ka sa future at nag-time travel ka sa year na 'to ngayon?"

Nagda-dalawang isip ako, pero, "Oo."

"Eh hindi naman kasi kapani-paniwala 'yang kwento mong 'yan."

"Edi bahala ka nga. Eto na nga yung patunay eh." Sabi ko, na kinukuha yung cellphone ko sa aking bulsa at nilatag sa mesa para ipakita sa kaniya.

Pero ayaw niya pa ring maniwala. "Baka naman kasi high-tech gadget lang 'yan na nabili mo sa US. Kasi nga umuunlad na yung technology ngayon, diba? Tas ang America ang may pinaka-modern na gadgets, so possible na sa America mo lang 'yan nabili."

Jusko naman.

"Kaya ayoko nang magpaliwanag eh."

"Pero ikaw, kung hindi ka magku-kwento, okay lang naman eh." Nangongonsensya niyang pagkasabi.

Nakakairita talaga 'to oh.

"Isang bagay tungkol sa'yo." Sabi ko sa kaniya.

"Oh?"

"May nabasa akong aklat sa library nung nakaraan, tungkol sa mga world religion at mga sekta."

"Ano?"

"Sabadista pala ang tawag sa inyo," ulat ko, na alam naman na niya sa sarili niya, "Sabado ang pagsamba ninyo, at hindi kayo kumakain ng baboy. Tama ba?"

"Um, excuse me? It's not sabadista ha, it's Adventista." Sabi niya.

"Ganon?"

"Oo. So interested ka nga sa akin after all. Ikaw ahh!" panunukso niya kasabay ng unti-unti niyang pagngiti. Pero wala namang kwenta 'yang mga lumalabas sa bibig niya eh, puro nonsense, minsan.

"Wala nga akong pake sa'yo eh."

"Ba't mo pinag-aralan yung tungkol sa religion ko?"

"Ano ngayon? Nagbasa lang naman ako. Masama bang magbasa?"

"Hindi naman."

"Well, kahit naman Sabado ako magsimba, pwede pa rin naman tayo maging friends diba?" wika niya, na tunog world peace.

"Oo naman, sinong may sabing hindi?"

"Parang hindi ka nga nagsisimba eh. Ni minsan hindi kita nakitang umalis sa Linggo."

"Pumunta tayong mall ngayon eh, anong magagawa ko?"

"Hindi ngayon, I mean, nung mga nakaraang Linggo, wala ka namang ginagawa."

"Naglalaba ako."

"Kaya nga, hindi ka naman pumupunta sa simbahan sa Linggo kaya naglalaba ka nalang."

"Wag kanang magreklamo, nilalabhan ko rin naman yung mga damit mo. Kung hindi ako naglalaba, wala ka sanang suot na bra at panty ngayon."

"Walang hiya ka, ako kaya yung naglalaba ng mga damit ko!" protesta niya, na talagang nahihiya sa mga pinagsasabi ko.

Sige, mainis ka, piniperwisyo mo'ko eh, ha. Tumatawa na ako sa loob. Hahahahahaha!

"Nakakainis ka!" wika niya na talagang naiinis na.

Napatawa ako, at napansin ko agad ang paghampas niya kaya sinalo ko ito sa kanang bisig ko. At yung bisig ko yung nahampas niya.

Binalik niya sa ayos ang kaniyang sarili, at tinuloy ko ang pag kain. "Kainin mo na 'yan." Sabi ko sa kaniya.

Ngumuya siya ng kaunti, nilunok, at ininom ang juice niya.

"Pero kahit iba tayo ng paniniwala, at kahit hindi tayo agree sa ilang mga bagay, pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan diba? Pwede pa rin naman natin gawin yung mga ginagawa natin nang magkasama, diba?"

Tumingin ako sa kaniya, at sa sinabi niyang 'yan, sumang-ayon ako, pero hindi ko na pinarinig ang pagsang-ayon ko sa kaniya. Tumango nalang ako at uminom ng juice.





Continue Reading

You'll Also Like

271K 5.1K 23
Creepy tales from the underworld. Paalala: H'wag ninyong babasahin nang nag-iisa.
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
113K 4.8K 18
Every school has its own creepy tales...