Crush Kita Since 1998

De Jando_Oh

2.4K 545 81

[COMPLETED] From 2019 to 1998. Siya si Ereneo Tesorio Laurente, isang Grade 10 student. After being rejected... Mai multe

Crush Kita Since 1998
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note

Chapter 19

39 9 2
De Jando_Oh

Nagsimula ang kakaibang pakiramdam na hindi ko maintindihan nang pumasok kaming dalawa ng babae sa school gate.

Normal lang akong naglakad kasama siya, hindi kami naghahawakan ng kamay, wala kaming ginagawang malisyoso, pero naging kontrobersyal kami sa atensyon ng ibang mga estudyante kahit lumalakad lang naman kami patungo sa classroom namin.

Ramdam ko ang mga mata nilang nakatitig sa amin. Nakakailang, hindi ako makatingin sa ibang direksyon dahil sa kaba, nakalaan lang sa daan ang aking tingin patungong classroom namin.

Unti-unting lumalamig ang mga kamay ko at tila nakamamatay kapag aalisin ko ang tingin ko sa daan. Naririnig ko ang mga bulung-bulungan nilag hindi malinaw ang mga salita na parang mga kaluluwang handang pumatay kapag tumingin ka sa kanila.

Ngunit sa kabila ng nakakatakot at napaka-uncomfortable feeling na ito, nagliwanag ang aking pakiramdam na kagaya ng pagkaligaw sa madilim na gubat na nakamit ang nagliliwanag na daan tungo sa kalayaan nang nakarinig ako ng musika sa tinig ng babaeng kasabay ko.

"Ereneo? Ano na naman 'yan? Kinakabahan ka ba?"

Hindi ako makatingin sa kaniya, kaya sinagot ko siya kahit hindi ako lumilingon, "H-Ha? Ako? Kinakabahan? Hindi ah!"

Kahit naman ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin, nangibabaw pa rin sa damdamin ko ang titig ng babaeng kasabay ko. "Weh? Hindi ako naniniwala. Parang kinakabahan ka eh." Aniya.

"Hindi ah!" pagtanggi ko naman.

Itatanggi ko talaga, ngunit nablangko ang pangangamba ko sa kasunod niyang sinabi, "Dahil ba nakatingin sila sa atin?"

At dinugtungan niya pa ito matapos siyang nainip sa hindi ko pagsagot, "Sabihin mo, Ereneo. Wag kang mahiya, kinakabahan ka kasi nakatingin sila sa atin, noh?"

Tama siya, kinakabahan ako kapag madaming tao ang nakatingin sa akin. May pagkamahiyain ako, at natatakot na akong magtiwala ulit kapag sinasabi ko ang mga nararamdaman ko. Mas pipiliin kong ilihim nalang ang mga naramdaman ko kesa sabihin pa ito sa ibang tao.

Pero sa kadahilanang kaming dalawa nalang ang madalas na nag-uusap, ay hindi na ako nahiya na aminin sa kaniya.

Tumango ako, na ang ibig sabihin ay "oo."

"Ano ka ba, Ereneo," sabi niya, "wag kang kabahan, nababaguhan lang sila sa gupit ko kaya sila nakatingin sa atin."

Nabawi ko ang sigla na dapat kong angkinin matapos marinig ang sinabi niya, gaya ng pagdiskubre ng mga scientist ng lunas sa sakit na cancer.

Ngunit nasa damdamin ko pa rin ang pagkabagabag, na hindi lubos na nagtitiwala sa mga sinasabi niya. Baka sinasabi niya lang 'yan para pakalmahin ako at pagdating sa huli, sabay-sabay nilang lahat na kunin ang kaluluwa ko sa akin at ilibing sa kailaliman ng lupa.

"Tingnan mo," tugon ni Kylah sa'kin, at sumunod ang malakas niyang pagbati sa mga estudyanteng kakilala niya na nasa di kalayuan, "hi guys! Kumusta?"

Sa kabila ng takot ko sa paglingon sa kanila, ginawa kong panangga ang pagtawag ni Kylah sa kanila na rason kaya ko nakayanang tumingin sa mga estudyante.

Nahagip ko ang sagot ng isang estudyante na nakatayo sa hallway sa labas ng classroom nila na nagsasabing, "Wow, Kylah! New look ah?"

Tumingin si Kylah sa akin, at nagsalita, "oh diba? Parang kanina lang ang sigla sigla mo, tapos bigla ka nalang tatamlay? Wag ka nang kabahan, ako lang 'to."

Sa gitna ng kadiliman na bumabalot sa maliwanag kong araw, na tila ba wala nang pag-asang mabuhay dahil sa kahihiyan at takot, ay dinala ako ulit ni Kylah papunta sa kaliwanagan kung saan napapawi ang kahit anong uri ng takot at nadudurog ang kahit napakaliit na piraso ng kahihiyan.

Pinapagpag ko ang sapatos ko bago umapak sa sementadong hallway at nauna nang pumasok si Kylah sa loob.

"Kylah! Nagpagupit ka?" nakarinig nalang ako ng maingay na boses na nanggagaling sa loob ng classroom nang hahakbang na sana ako papasok, naagaw ang atensyon ko at natingin ako kung saan nanggagaling ang ingay.

Nahagip ng mga mata ko ang nagugulat na may pagkamanghang mukha ng babaeng naka-short hair na si Precious habang siya'y nakatayo at minamasdan ang babaeng naka-short hair na si Kylah na nakatayo rin naman at nakaharap sa kaniya, na nakatalikod sa aking point of view.

Dalawa na silang naka-short hair ngayon, pero si Kylah ay walang suot na salamin, di tulad ng isa.

Bahagyang lumingon sa akin si Kylah na minasdan ako sa pagitan ng balikat niya at pasimple akong ningitian, at tumingin ulit sa babaeng nakasalamin.

"Oo." Sabi niya sa babae.

"K-Kailan lang!?" daing ng kausap niya, na kung makatanong at maka-voice out ay parang katapusan na ng mundo.

Ngunit balanse ang lagay ng loob ni Kylah at kalmado niyang sinagot, "kahapon lang..."

Nagmamasid ako sa pag-uusap nila, nang bigla nalang may bumangga sa akin nang papasok ito sa loob ng classroom.

Tiningnan ko ang bumangga, at pagkatingin ko'y mukha ng lalaking mayabang ang nakita ko, na sa pagkakaalam ko'y "Joshua" ang pangalan.

Nakatingin din siya sa'kin habang tinatahak niya ang mga lakad niya bago ko pa sya tiningnan, at masama ang pagkakatutok sa akin ng mga mata niya na nakakasama ng sikmura.

Biglang nawala ang sakit ng sikmura ko nang inalis niya na sa akin ang tingin niya ngunit hindi ako sigurado kung sasakit din ba ang sikmura ni Kylah nung inilagay na ni Joshua ang kaniyang tingin sa babae.

"Sinong nagsabi sa'yong magpagupit ka?" sabi ni Joshua, na pawang nangingialam sa mga desisyon ni Kylah sa buhay.

"Wala lang, gusto ko lang magpagupit." Malumanay niyang sagot.

"Inutusan ka ba nung lalaking 'yon na magpagupit ka?" ani Joshua, na ako yata ang tinutukoy.

Sa pagkakataong ito, naramdaman ko ang pagtatanggol sa akin ni Kylah nang sinabi niya kay Joshua na, "hindi ah! Di'ba nga sabay tayong pumunta sa labas at nagpaalam kay Sir kahapon nung hinatid mo'ko?"

May sagot naman si Joshua sa kaniya, "hinatid kita kasi natagasan ka."

"Kaya nga diba? So umuwi ako non para sana magbihis, pero trip kong magpagupit kaya nagpaiksi ako ng buhok. Masama ba?" sagot ng babae.

"Hindi," sabi ni Joshua, "ano lang kase—" hindi niya natuloy ang pangungusap niya nang sinapawan siya ni Kylah.

"Bakit? Pumangit ba ako?"

"Hindi naman, ang sa akin lang, wag ka nang lalapit sa kan—" hindi na naman natapos ang pangungusap niya nang sabay-sabay na nagbigkasan ng "Good morning Sir Ronaldo! It's nice to see you again," ang mga kaklase namin.

Agad akong napatingin sa harap, at nandoon nga si Sir Ronaldo, nakatayo at tahimik na nagmamasid.

"Take your seats." Atas niya sa klase, at umupo yung mga kaklase namin, liban kay Kylah, Precious, at Joshua, at sa akin na nakatayo sa may pintuan at pakunyaring pinapagpag ang sapatos ko.

Dahil sa mga pangyayari at palitan nila ng sagot ay hindi ko na napansin ang pagpunta ni Sir sa harap, like, nasa harap na pala siya? Paano? Kailan?

"Oh, kumusta naman ang pag-uusap niyong tatlo dyan?" ani sir, na sa tingin ko ay kami ang tinutukoy niya. Napalunok si Precious matapos siyang humarap kay sir, at si Joshua, parang walang narinig.

"Precious Arnuello? Kylah Lim? Joshua Sarmiento? Hindi niyo ba ako nakikitang nakatayo dito sa harap?" dagdag pa ni Sir, na nilalabas ang estriktong bahagi ng pagkatao niya.

Buti nalang, hindi ako kasali sa mga pangalan na nimention niya. Sa kasalukuyang panahon ko, hindi ko naman nakita si Sir Ronaldo na naging estrikto. Ngayon, nag-iwan ng tatak sa utak ko ang ginawa ni sir ngayong araw na ito—ang pagiging estrikto niya. Pero hindi pa rin naman nabago ang tingin ko sa Sir Ronaldo Macapagal na nakilala ko nung 2019.

"Good morning Sir Ronaldo, it's nice to see you again!" sabi ng tatlong estudyanteng nabanggit. Ramdam ko ang kaba ni Kylah, gaya naman ng kaba ni Joshua at Precious.

"Sige, pwede na kayong umupo." Tugon ni sir, kaya umupo na silang tatlo, ngunit ilang saglit ay binanggit ako ni sir, na nagpanginig sa mga tuhod ko. "Oh ikaw, Ereneo? Kumusta naman ang pag-pagpag mo sa sapatos mo dyan? Kumintab na ba?"

Nakaramdam na rin ako ng kaba, kaya nasagot ko siya ng, "Ah, h-hindi po, ser! Papasok na po..."

Habang nilalakad ko ang sarili ko papunta sa upuan ko, ramdam ko ang pagsunod ng tingin ni sir sa akin hanggang sa nakaupo na ako sa upuan ko.

"Okay, may announcement ako para sa February 14." Ulat ni sir matapos naming ayusin ang mga sarili namin para sa pakikinig. "May activity na hinanda ang student body para sa valentines, at walang class sessions ang magaganap sa araw na 'yan. Approved na ito ng school heads, kaya ihanda niyo na ang makakapartner niyo para sa valentines."

Nag-umpisang magtilian sa tuwa ang buong klase, umingay ang buong paligid, nagdiwang ang buong section na kinabibilangan ko ngayon.

"Okay, okay, kaunting katahimikan..." saad ni Sir, at unti-unting tumahimik ang maingay nilang tilian, "wag kayong magsaya masyado, may assignments pa kayong dapat ipasa. Pag hindi niyo naipasa yung mga assignments niyo hanggang mamayang hapon, pagbabawalan ko kayong sumali sa school activity."

"Sir naman!"

"Walang ganyanan sir!"

Nagprotesta sila pagkatapos ng sinabi ni sir, at napatawa nalang ang guro na sa pagkakaintindi ko ay nagbibiro lang siya.

"Joke lang, walang kinalaman ang assignments niyo dyan." Paglilinaw niya na sinundan na naman ng tilian at sigawan.

"Pero hindi ibig sabihin na hindi niyo na gagawin yung assignments niyo!"

"Opo sir!" sagot ng mga kaklase ko.

Napatingin ako kay Kylah, naka-side view siya mula dito sa kinauupuan ko, at sumabay sa diwa ng ligaya ang pakiramdam ko nang makita ko siyang nakangiti, na lalong nagpaganda sa araw ko.

Umiiba ang tibok ng dibdib ko, hindi ko maintindihan, nababaguhan ako sa pakiramdam na ito, na hindi ko pa nararamdaman dati.

"Uy, Ereneo, kamusta?" tinig ng isang lalaking pamilyar na naririnig ko sa likuran, at paglingon ko'y si Marco pala yung nangamusta, na palaging nangangamusta sa akin pag dumadating ako sa klase na ito.

"Ah, wala, okey lang naman." Matamlay kong sagot.

"Anong balak mo sa feb fourteen?" Tanong niya.

Wala naman talaga akong balak. Hindi ko alam ang isasagot. Nakasalalay kay Kylah kung ano ang gagawin ko sa araw na 'yan. Kaya, "balak? Wala akong balak eh. Manonood nalang ako."

"Ganon?"

"Oo." Medyo makulit siyang kausap, pero walang mas kukulit pa sa pangungulit ng babaeng nakakasama ko sa iisang bahay.

"May naisip ka na bang gusto mong i-partner?" sabi niya, oh diba? Ayaw pa talagang tumigil. Makulit kausap.

"Wala. Pag nag-partneran na sila, pupunta nalang ako sa may flag pole at kakantahin ang Lupang Hinirang at Bagong Lipunan."

"Haha," nilabas niya ang kaunti niyang tawa, "palabiro ka rin pala."

Napangiti ako, at napatawa gaya niya, at bumalik ulit sa estado na hindi ngumingiti.

***

Recess, lumabas ang iilan sa mga kaklase ko para bumili ng pagkain sa lugar na tinatawag na "canteen" at ang iba ay nagpaiwan dito sa classroom gaya ko, na hindi kumakain sa recess time.

Wala si Kylah sa upuan niya, kaya naintindihan kong pumunta siya sa canteen para bumili.

Di mapakali ang mga paa ko na para bang may gustong puntahan, gaya ng mga mata ko na may gustong makita, at ng tenga kong may gustong marinig, at ng damdamin kong gustong sumaya, ay itinayo ko ang aking sarili at lumakad para pumunta sa canteen.

Wala naman akong bibilhin, pero bakit gusto kong pumunta roon?

Narinig ko ang usapan ng mga estudyanteng babae na nag-uusap sa hallway habang dumadaan ako.

"Bakit kaya nagpaputol ng buhok si Kylah?"

"Hindi ko rin alam eh, lalo siyang gumanda sa gupit niya!"

"Oo nga, magpagupit na rin kaya ako? Hahaha!"

Tama, alam ko na kung ano ang motibo ko para pumunta sa canteen—ang makita si Kylah.

Paglabas ko sa hallway para sana dumiretso na patungog canteen ay may napansin akong dalawang estudyanteng nag-uusap sa may bench, isang lalaki at isang babae, na hindi ko nahagip ang kanilang mukha, kaya hindi ko nalang pinansin nung una dahil may pupuntahan pa ako.

Ngunit habang pinagpapatuloy kong ilakad ang mga paa ko palayo mula sa aking napansin, unti-unti itong bumabalisa sa akin, kaya nilingon ko na at nawala ang pagkabalisang bumabalot.

Paglingon ko ay nalinawan na ako sa kanilang mukha. Si Kylah at si Joshua, na parang nagtatalo. Ano kayang pinag-uusapan nila? Siguro ako na naman 'yan, o kaya nagseselos na naman si Joshua sa akin, o kaya pinagtatanggol ako ni Kylah, o kaya nag-uusap sila kung bakit siya nagpaiksi ng buhok.

Ewan ko, wala akong alam.

Ilang saglit ay tumayo si Kylah sa inuupuang bench at humarap kay Joshua, at ilang saglit ay tinalikuran niya ang lalaking naiwang nakaupo, at nag-umpisang maglakad.

Ilang saglit ay napansin niya akong nakatayo dito sa malayo na tinitingnan sila, at biglang sumigla ang mukha ng babae nang kinawayan niya ako at ningitian.

Nginitian ko rin siya at kinawayan.





Continuă lectura

O să-ți placă și

953 105 23
"If my life is like a novel I'd wish that someone wrote my story a happy ending" It was a new to me to fell for a vampire that lives a hundred years...
Behind the Mask [ ✓ ] De Melissa

Ficțiune adolescenți

1K 99 12
Ang Behind the Mask ay isang bandang binubuo ng limang miyembro. Dahil sa kanilang pagiging misteryoso, maraming napukaw ang atensyon at nakuryoso sa...
3.1M 11.6K 8
NOW AVAILABLE UNDER DREAME. Annie and Thalia holds the Gangster Princesses title now. Their separation from Chael and Luke turned them into a complet...
Manang Elsa De ♥Chut lang♥

Polițiste / Thriller

210K 3.9K 19
Isang nakaraan ang hindi maiiwasan ng isang barkadahan, isang pangyayaring hinding hindi nila pwedeng kalimutan dahil buhay ang kinuha, buhay din ang...