Crush Kita Since 1998

By Jando_Oh

2.4K 545 81

[COMPLETED] From 2019 to 1998. Siya si Ereneo Tesorio Laurente, isang Grade 10 student. After being rejected... More

Crush Kita Since 1998
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note

Chapter 16

53 11 3
By Jando_Oh

Natapos ang buong maghapon na wala ang presensya ni Kylah sa classroom. Napapansin ko si Joshua sa upuan niya na mukhang nanalo ng grand prize sa lotto, siguro dahil naka-score na naman siya kay Kylah kanina.

Walang magandang tanawin dito sa loob ng classroom nang nag-absent yung babae, kaya dun ako tumingin sa second option: kay Precious.

May itsura rin naman si Precious, mukha nga lang matapang at nakakatakot. Hindi bagay ang itsura niya sa aura niya, para bang kadiliman ang bumabalot sa buo niyang pagkatao na nasa anyong anghel.

Pero pansin ko, mabait naman sya sa mga kakilala niya.

Pakiramdam ko, nanghihina ako. I'm feeling weak maybe because of the absence of the girl who dragged me into this world.

Naglilinis yung cleaners, sinuot ko na ang bag ko at lumabas sa classroom na ito, inilakad ang mga paa pauwi sa apartment ng babaeng absent kanina sa klase.

Habang naglalakad sa school ground papuntang school gate, may kung sinong sumusunod sa akin sa likuran ko.

Binilisan ko ang mga lakad ko at hindi pinansin yung nakabuntot sa'kin pero sa tuwing bumibilis ang lakad ko, bumibilis din ang tunog ng mga paa niyang humahabol sa akin.

Wala akong magawa, naabutan niya ako at agad na inakbayan habang patuloy pa rin ang aming lakad.

Naaamoy ko ang amoy ng perfume ni Joshua na nakakairita sa ilong, at paglingon ko sa kanya, kumpirmado ngang si Joshua, nakaakbay sa akin.

Kinakabahan na ako, bubugbugin niya ba ako ngayon?

Nanginginig ang loob ko, sana hindi niya mapansin. Wala si Kylah sa tabi ko, kaya walang magtatanggol sa akin mula sa halimaw na nakaabay sa biktima niya.

"Uy, tol." Sabi niya, at hindi ko alam kung ano ang isasagot.

Patuloy lang sa paglakad at nagsalita na naman siya, "babalaan kita, wag ka na ulit lalapit kay Kylah, kung hindi, malilintikan ka sa'kin."

Pinagpapawisan na ako, nararamdaman ko ang maliit na tubig mula sa noo ko na dumadaloy sa kilay ko pababa sa mukha ko.

Natatanaw ko na ang mahiwanag ulo ng kalbong sekyu kaya dali-dali akong tumakas mula sa pagkakaakbay ni Joshua sa akin.

Alam niyang wala siyang kapangyarihang apihin ako kapag nahahagip sya ng atensyon ng guard kaya kinuha ko na ang opportunity na matakasan ang halimaw.

Tumakbo ako, at tumakbo, at tumakbo, hanggang nakaramdam ako ng pagod, kaya bumagal ang pagtakbo ko, madilim na asul ang kulay na bumabalot sa paligid nang palubog na ang araw, at malapit na ako sa apartment, pinatuloy ko na ang pag-usad papunta sa bahay nya at wala na sa peligro ang buhay ko, kaya lumakad nalang ako.

Nasan kaya si Kylah ngayon?

Napaisip ako, baka sakaling wala sya sa bahay niya.

Umakyat na ako sa hagdan, nakarating sa second floor, lumakad sa hallway papuntang house number ng babae.

Nakatayo na ako sa tapat ng pinto, kumatok ng tatlong beses at hinayaang lumipas ang ilang saglit pero walang response galing sa loob.

Sasang-ayunan ko na sana ang conclusion na walang tao sa loob ngunit napansin ko ang bintana, hindi nakababa yung kurtina, at nakaandar yung ilaw.

Kumatok na naman ako ng tatlong beses, at nilabas ang tinig ko na nagsasabing, "Tao po. Kylah? Andyan ka ba?"

Sumagot ang tao sa loob, "bukas 'yan."

Hinawakan ko ang door knob at pinihit, bukas nga.

Walang tao sa sala, bukas ang pinto ng kwarto niya at sumilip ako pero wala siya, kaya siguro nasa kusina sya.

Pumunta ako sa kusina, at may nakita akong babaeng nakatalikod sa akin kasi nakaharap siya sa lababo, may kung anong hinuhugasan.

Humarap siya sa akin matapos niyang hugasan ang kamay niya, akala ko kung ano na yung hinuhugasan niya eh.

Pero nang mapansin ko ang mukha niya ay nagulat ako.

Hindi ko mapigilan ang mga salitang ito, hinayaan kong lumabas sila sa bibig ko, "Kylah! Nagpagupit ka?"

Yun ay, pagkatapos ko siyang makita na maiksi na ang buhok. Yung buhok niyang mahaba na dating hanggang sa kilikili niya, ngayon ay umiksi at hanggang sa balikat niya nalang.

Nakasuot siya ng pambahay na damit, pero naka-skirt pa rin siya—above the knee, mukhang hindi pang eskwelang palda, pambahay din ata.

Hindi siya nagsalita at tumango lang bilang pagsagot.

I was startruck, nababaguhan ako sa itsura niya, nagpa-short hair kasi siya. Hindi ako sanay na makita siyang naka-short hair.

Kung mas prefer ko ang short hair kesa sa mahaba ang buhok, at kung mas nagagandahan ako kay Kylah kesa kay Precious, paano nalang ngayon na nagpa-short hair na talaga siya?

Gusto ko siyang purihin, gusto ko siyang sabihan ng magaganda, pero ang bagay na ito ang sinabi ko sa kaniya, na gusto kong itanong kanina pa, "Galit ka ba sa akin?"

Niyuko niya ang ulo nya, ilang saglit ay ngumiti, humarap ulit sa akin, at lalo siyang gumaganda sa ngiting sinusuot niya.

Sumagot siya, "hindi ako galit, wala lang ako sa mood kanina."

"Sorry ha, pero, matanong ko lang. Nireregla ka ba?"

Para bang nahihiya pa siyang sumagot, kaya tumango nalang siya ulit.

"Ahh," sabi ko, "bakit ka nag-absent kanina?"

"Natagasan nga ako, diba? Hinatid ako ni Joshua kanina palabas at nagpaalam kami kay sir na uuwi muna ako para magbihis, pero hindi na ako nakabalik."

Buong akala ko, galit si Kylah sa akin. Pero alam ko na ang rason kung bakit hindi siya nakabalik kanina.

"Gusto mo, bilhan kita ng napkin?" Offer ko na masasayang kung tatanggihan niya pa.

Namula ang pisngi niya, at nagalit, "Luh!? Ayaw ko nga! Parang tanga!" nag-walk out siya sa kusina at pumuntang sala at umupo sa sofang kahoy.

Bakit na naman ba siya nagagalit? Siya na nga yung ino-offeran eh, arte talaga.

"Oy, baka matagasan ka na naman, baka malagyan ng tagas yang hinihigaan ko ha?" Paalala ko, na naging rason kung bakit siya nagalit lalo.

Inirapan niya ako, pero sa pagkakataong ito, hindi na mabigat sa loob, kasi alam ko ang dahilan kung bakit siya naiinis sa akin ngayon—ang pang-aasar ko sa kaniya.

Nagdabog siya at pumasok sa kwarto. Napatawa ako ng konti, ang cute niya pa rin kasi kahit nagagalit.

Napatawa ako, sa pagkakaalam na nagkukulitan lang kami at hindi totoo ang pagkagalit niya sa akin, maging ang pagkairita ko sa kanya sa tuwing namemerwisyo siya.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya at nagtanong, "saan ka na naman ba naintriga?"

Naalala ko, nireregla pala siya, mainit ba talaga ang ulo ng babae kapag dinadalaw?

"Pilyo ka talaga! Nakakahiya kaya!" Bungalngal niya sa loob ng kwarto niya.

Ang hirap talagang umintindi ng isang babae. Siguro kung makahanap ako ng genie, liban sa wish ko na makauwi na sa amin at magkaroon ng maraming pera, hihilingin kong magkaroon ako ng kapangyarihang umintindi sa isang babae, yung tipong isang kisap-mata ko lang ay naiintindihan ko na ang mensaheng gustong ipahiwatig ng babaeng nagagalit, kung kailan ka pwedeng lumapit at kung kailan ka dapat tumakbo.

"Ano'ng nakakahiya don?" Tanong ko pa.

"Hindi mo mage-gets kasi hindi ka naman babae!" sabi niya pa.

Kaya nga, hays... babae nga naman.

"Ganon ba? Sige..." sabi ko, lumakad papuntang sofang kahoy at umupo.

Katahimikan ang nangibabaw pagkatapos ng kulitan. Kinuha ko yung selpon at tumingin sa oras.

Tuesday, February 10, 1998. 7:04PM

Binalik ulit sa bulsa.

Nawasak ang katahimikan nang tumunog ang door knob sa pinto ng kwarto ni Kylah at lumabas siya na nakanguso, mukhang naiinis pa rin sa akin.

Pinawisan siya ng napaka-konti. Nakita ko pa rin kasi malinaw ang mata ko. Umupo siya sa tabi ko na nakasimangot, at ang sunod niyang ginawa ay tiniklop ang mga braso niya across sa kaniyang dibdib.

Hindi niya ata nakayanan ang mainit na temperatura sa kwarto niya kaya napilitan siyang lumabas.

Pwede niya naman paandarin ang ceiling fan niya eh.

Kailangan ko ulit makalikom ng lakas ng loob. Tinatabihan niya kasi ako eh, at may gusto pa akong sabihin sa kaniya, baka magalit na naman siya sa sasabihin ko.

Kinakabahan akong magtanong, pero kinapalan ko ang mukha ko.

"Bakit ka ba nahihiyang bumili ako ng napkin?"

Sana, hindi siya magwala pagkatapos kong sabihin yung tanong.

"Uhm, ano, kase, ginagamit kase sa private part yung napkin. Nahihiya ako sa'yo kapag ikaw pa ang bibili ng napkin para sa private part ko."

"Alam mo ikaw," sabi ko.

"Ano?"

"Wala..." Tahimik ulit, at nagsalita na naman ako ulit. "Kung may gusto kang ipabili sa'kin, wag kang mahiya. Kung bibili ako ng napkin, para sa'yo yan. Hindi para sa private part mo. Kung dyan yan ginagamit, wala akong pakialam, basta ang punto ko ay mabilhan ka ng kinakailangan mo para sa'yo at wala na akong pakialam kung saan mo gagamitin."

Tahimik siyang nakikinig.

"Nakuha mo ba ang ibig kong sabihin?"

"Oo." Sagot niya sa mababa at natural niyang boses.

Tumigil kami sa pagsasalita at nanumbalik ang katahimikan sa paligid, na ang tanging naririnig ay ang tumutunog na kamay ng orasan sa tuwing lumalagpas ang bawat segundo.

Nag-isip ako ng paksang pag-uusapan namin para sugpuin ang katahimikan at kawalan ng sigla na lumalamon sa presensya naming dalawa.

"Nga pala, ano nang plano mo sa pag g-get along nyo nung ungas? Este, nung Joshua?"

"Plano? Wala akong plano. Gusto ko lang makasama ka at mamasyal."

Sa tunog ng boses niya, nagmumukha na talaga kaming mag-jowa niyan, mahirap tutulan, pero nirerespeto ko ang feelings ni Joshua para sa kanya.

Yung pakiramdam na ikaw ang nasa tabi niya palagi, ikaw ang nakakausap niya sa tuwing gusto niya ng kausap, ikaw ang sandalan niya sa tuwing nag-iisa siya, at hinihintay mo ang confirmation niya sa loob ng matagal na panahon, pero mas pinili niya pa yung ibang tao kesa sayo.

Kahit naman ungas si Joshua, tao pa rin siya na may puso at nasasaktan. At kung ako rin ang nasa sitwasyon na ganyan, siguradong masakit 'yon.

Masakit naman talaga kapag hindi ka napipili, kaya hindi na ako hahadlang sa pag-ibig niya sa babaeng ito, tutal hindi naman na ako magtatagal dito.

Hindi naman ako taga-rito, hindi pa ako nabubuhay sa panahong ito, hindi pa ako nag e-exist sa mundong ito, at hinahangad ko pang makabalik sa normal kong buhay.

Pero gusto ko na siya.

Wala akong karapatan, nangako ako na hindi ko na ulit gagawin ang bagay na naging rason ng matindi kong kahihiyan sa buong buhay ko—ang umamin.

"Hindi pwede. Kailangan mong i-enjoy ang valentines day." Tugon ko.

"Hindi ko mae-enjoy kapag hindi kita kasama."

"Bakit ba? Ano bang meron sa akin? Estranghero lang naman ako, hindi ako taga rito. Aalis ako, hindi tayo magsasama habang buhay, kaya wag ka umastang ako at ikaw sa hirap at ginhawa."

"Mukha naman tayong magpapakasal niyan eh."

"Tatanungin kita, anong pakiramdam kapag hindi ka tatanggapin ng lalaking gusto mo?"

"Hmm," nag-isip siya. "Siguro, masakit."

"Yun lang?"

"Kung mahal ko talaga siya, iiyak ako ng todo todo kapag hindi niya ako tinanggap. Masasaktan ako nun at magdamag na iiyak."

"Gusto mo bang maramdaman 'yan?"

"Syempre hindi."

"Kung ganon, maging ako man o si Joshua, ayaw masaktan. Kaya wag mong saktan si Joshua."

"P-Pero paano ka?" Aniya, na nakakaintriga sa ma-drama kong side.

"Anong paano ako? Bakit, ano bang meron sa'kin, ha? Di naman kita gustong maging shota ah? Wala nga akong gusto sa'yo eh. Kaya wag kang mag-alala sa feelings ko, di ko trip mag love life love life. Mas gusto ko pang manood nalang ng mga palabas kesa magpakatanga."

"So sinasabi mong tanga ako?"

"Bakit? Gusto mo bang magka-love life?"

Nagdadalawang-isip siyang sabihin yung sagot, naghihintay ako. Pero sinagot niya pa rin kahit papaano, "I think so. Sino bang hindi gustong magka-love life?"

Agad ko siyang sinagot ng, "Ako!"

Matapos niyang masaksihan ang kilos ko, unti-unting nandiri ang mukha niya sa akin at sinabing, "Bitter lang?"

Kung "bitter" ang magde-define sa pagkatao ko—para mapaniwala siyang ayaw ko sa pag-ibig, ay sumang-ayon ako at ninamnam ang compliment.

"Oo! Bitter ako, oo."

"Siguro hindi ka sinagot nung babaeng nililigawan mo noon kaya ka nagkaganyan."





Continue Reading

You'll Also Like

210K 3.9K 19
Isang nakaraan ang hindi maiiwasan ng isang barkadahan, isang pangyayaring hinding hindi nila pwedeng kalimutan dahil buhay ang kinuha, buhay din ang...
393K 25.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.4K 76 6
compilation of my crazy imagination with the big bang members. lalo na kay GD♥
17K 826 34
I do not fear death nor grim reaper. Simula nang mawala ang lola ni Ariela na nagsilbing magulang niya, lumaki ang galit niya sa grim reaper. Bata p...