Play With Me If You Dare {COM...

By The_Undying

28.2K 1K 189

I'll play with you cuz I dare! {Exo's Kai fan fiction} More

PROLOGUE
PWMIYD-1
PWMIYD-2
PWMIYD-3
PWMIYD-4
PWMIYD-5
PWMIYD-6
PWMIYD-7
PWMIYD-8
PWMIYD-9
PWMIYD-10
PWMIYD-11
PWMIYD-12
PWMIYD-13
PWMIYD-14
PWMIYD-15
PWMIYD-16
PWMIYD-17
PWMIYD-18
PWMIYD-19
PWMIYD-20
PWMIYD-21
PWMIYD-22
PWMIYD-23
PWMIYD-24
PWMIYD-26
PWMIYD-27
PWMIYD-28
PWMIYD-29
PWMIYD-30
PWMIYD-31
PWMIYD-32
PWMIYD-33
PWMIYD-34
PWMIYD-35
PWMIYD-36
PWMIYD-37
PWMIYD-38
PWMIYD-39
PWMIYD-40
EPILOGUE
NOTE

PWMIYD-25

585 24 2
By The_Undying

Xyriel's POV

"May binulong ka ba?" tanong ni Kai sakin.

Bigla akong kinabahan. Akala ko narinig niya yun...
"W-wala."

"Ohh? Kala ko meron eh." nagtatakang sabi niya.

Huminga ako ng malalim.
"Let's eat? Ang tagal mong nagising eh, almost 8 na." sabi nito sakin.

"Sorry naman, sige tara na."

Sabay kaming bumaba papunta sa kitchen.
"Si manang?" tanong ko.

"Tapos na siya kanina pa, nagpapahinga na siguro." sagot nito habang kumukuha ng pinggan.

"Ohh." tumango tango ako.

Nilagyan niya ng pagkain yung pinggan tsaka umupo sa tapat ko.

"Hmm gusto mo bang umalis tayo? Uhmm vacation?" napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Huh? Vacation? Loka loka 2 days lang ang weekend." sabi ko sa kanya.

Nagkibit balikat ito.
"Alis tayo ngayon then balik tayo kaagad pagka Monday." simpleng sagot nito sakin.

"Seryoso?!" tumaas ng bahagya ang boses ko.

Tumango ito tsaka ngumiti. "Ayos kaya yun." makapagsalita siya parang napakanormal ng plano niya.

"San naman tayo pupunta?" takang tanong ko sa kanya.

"Hmm sa resort nila Luke, nag-invite nga siya sakin kanina na pumunta raw tayo dun."

"Ohh? Sige sige." nakangiting sagot ko, gusto ko rin namang mag-enjoy para kahit papaano eh makalimutan ko na tong mga problemang iniisip ko.

"Talaga? Payag ka na? Sige pagkatapos nating kumain eh umalis na tayo agad." excited na sabi niya.

"Oo na, teka yung mga gamit natin."

"Tapos ko ng ayusin tapos si manang kinausap ko na rin kanina." tugon nito.

"Hanep! Di naman halatang planado to eh noh?" natatawang sabi ko.

"Naman para sayo." kumindat pa siya sakin.

I snorted.
"Landi mo." tumawa lang ito. In fairness ang sexy niyang tumawa.

Pagkatapos naming ayusin yung gamit namin sa sasakyan ay naghanda na kami sa pag-alis.

"Sure ka bang okay lang iwan si manang?" nag-aalalang tanong ko.

"Nag-iwan ako ng note, sabi ko magday off na lang muna siya para makasama niya mga anak niya." sagot ni Kai sakin.

"Ohh okay."

Dumaan muna kami sa convenience store para bumili ng pagkain, para naman hindi kami magutom habang bumabyahe.

"Junk foods na naman?" ang boses niya may pagka-irita.

"Oo, gusto ko eh. Tapos may 2 litters akong tubig dito." nakangising sabi ko.

"Baka naman maihi ka niyan sa gitna ng byahe namin." he kidded.

"Eh di maghahanap ng banyo." simpleng sagot ko.

"Eehh wag mo na lang damihan ang pagkain para di ka mauhaw! Gabi na kaya."

"Oo na po boss, masyado mong siniseryoso mga sinasabi ko eh." natatawang saad ko.

"Naman! Lalo na kung sabihin mong mahal mo na ako talagang seseryosohin ko yun!" nakangiting tugon niya.

Napairap na lang ako.

Mga 2 hours na siyang nagmamaneho at halatang pagod na ito at inaantok na ata.

"Kai ako muna magdadrive, magpahinga ka na lang muna." sabi ko tsaka hinaplos yun balikat niya.

Pinarada niya yung kotse sa gilid ng kalsada.
"Wag na ako na, magpapahinga lang ako saglit tsaka malapit na tayo." sabi nito sakin.

Lumapit ako sa kanya tsaka minasahe yung noo niya. Nakapikit lang siya ngayon.

Nakita kong may namuong ngiti sa labi niya.

"Nagugutom ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Ano namang ipapakain mo sakin? Junk foods?" pinitik ko noo niya. Ansama eh! "Aww sakit naman nun." hinawakan niya yung noo niya at tinignan ako.

Kinuha ko yung sandwich na dala ko.

"Ito oh kainin mo."

"San mo to kinuha?" tanong niya sabay kain nung binigay ko.


"Sa ref, si manang ata may gawa niyan." tugon ko.

Tumango tango naman ito. Inabot ko sa kanya yung tubig para maka-inom siya.

"May dumi ka sa lips mo." puna ko.

"Ahh? Tanggalin mo." utos nito.

Lumapit ako sa kanya at tinanggal yun gamit ng thumb ko. Bigla niya na lang kinuha yung kamay ko tas sinubo yung thumb ko.

"Yuck Kai! Kadiri ka!! Bastos mo talaga!" nagtitili ako sa loob ng kotse.

"Hui! Tumahimik ka nga baka maya niyan akalain pa nung iba nirerape kita!" pag-aawat nito sakin at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"Eh kasi naman ba't mo ginawa yun?! Yuck ang laway mo!" ugghhh!

Kumuha siya ng tissue tapos pinahid yun sa kamay ko.
"Arte mo! Naghahalikan nga tayo eh!"

Mabilis kong kinuha ang kamay ko.
"Shut up!" namumula na ako, langya kailangan ba talagang sabihin yun?

He just chuckled.
Pinaandar na niya yung kotse tapos nagmaneho ulit.

Hanggang sa makarating kami sa resort eh tahimik pa rin ako. Di ko siya pinapansin.

Sinalubong kami ni Luke na halatang kagigising pa lang, kinusot kusot pa nito ang mata niya.

"Grabe naman kayo, 12 am talaga kayo pumunta dito." nakasimangot na sabi nito.

"Sorry naman, bigay mo na lang susi sa kwarto namin at bumalik ka na sa pagtulog." sagot ni Kai sa kaibigan niya.

He lazily handed down the keys tapos tumalikod na at umalis.

"Isa lang kwarto natin?" pabulong na tanong ko.

"Oo ano sa tingin mo? Pssshh" masungit na sagot nito.

Pinihit na niya yung pinto tapos inon ang ilaw.

"Malaki naman pala yung kama eh, kasya tayo." aniya habang tinitignan ang kwarto.

Pumasok na kami tapos inayos yung dala naming gamit.

"Xy pwede bang bukas na lang yan? Pagod na ako eh; gusto ko ng matulog." mahinang sabi ni Kaizer sakin.

"Una ka ng matulog, tatapusin ko lang to." sagot ko habang di lumilingon sa kanya.

Bigla niya na lang akong hinila kaya naman natumba ako sa kama. Muntik pa akong mapasigaw, mabuti na lang napigilan ko pa!

"Ano ba!" reklamo ko.

Niyakap niya ako tapos sinubsob yung mukha niya sa leeg ko, inaamoy amoy niya pa ako! Nakakakiliti tuloy.

"Kaizer... Isa!" pag-aawat ko sa kanya.

"Bakit ba? Kanina ayaw na ayaw mo akong umalis sa tabi mo tapos ngayon pinagtutulakan mo ako palayo, ba't ang gulo mo?" inis na asik nito, binitawan na niya ako.

Napa-urong bigla ang dila ko, wala na akong masabi.

Ano? Magsosorry ba ako? Para naman akong timang kung ganun....

Masyado kang mapride Xyriel!

Ugghhh ba't ba kasi di ko na kayang tiisin ang lalaking to?

"Kai ginayuma mo ba ako?" out of nowhere na tanong ko.

Nagkasalubong kaagad ang kilay niya at tinignan ako nang masama.

"Anong pinagsasabi mo?" takang tanong niya sakin.

"Kasi... Ewan ko ba di ko na maintindihan ang sarili ko. Sa tuwing nasa tabi kita parang may kung anong bakbakan ang nangyayari sa puso ko, kinakabahan ako bigla tapos napapangiti na lang ako nang walang dahilan sa tuwing naaalala kita. Nakakaramdam ako ng saya pag kasama kita at namimiss kita kaagad pag wala ka. Higit sa lahat takot na takot akong mawala ka, na baka iwan mo ako. Sabihin mo hindi mo ba ako ginayuma? Bakit bigla bigla ko na lang naramdaman to para sayo?" mabilis at mahabang litanya ko.

Nakita kong napa-upo siya tapos kumurap.
"Nakakapagsalita ka ng ganun kabilis?"

Hinampas ko siya.
"What?! Sa lahat lahat ba naman, yan talaga ang reaksyon mo? Yan lang ang kaya mong sabihin?" inis na sabi ko. God now I feel really embarrassed na umamin ako sa kumag na to. He's really a jerk!

Tumawa ito.
"Teka lang naman, nakakagulat ka kasi."

"Ahhmm ano Xyriel... Mahal mo na ba ako?" nag-aalinlangang tanong nito.

"Ewan ko... Di ako sigurado, pero kung ganyan ang nararamdaman ng taong nagmamagal then siguro mahal na nga kita Kaizer." leche! Nakakahiya talagang umamin.

Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya.

Bigla na lang siyang tumayo at tumalon talon.

"Yes! Mahal na ako ng asawa ko!" sigaw niya.

Hinila ko siya kaagad.

"Baka marinig ka nila!" saway ko.

"Eh ano naman ngayon? Mahal mo na ako! Mahal mo na ako!!!! Fvck! Baka nababaliw na ako." masayang sabi nito

I cupped his face.

"Totoo yun Kaizer, di ka nababaliw." nakangiting sabi ko.

"Then we should seal it with a kiss." nang walang kung anu-ano ay kinabig niya ako at hinalikan.

Ang sarap naman magmahal ng lalaking to..

-------
Eeeehkkk muah hahaha
Malandi couple talaga to!
Sa lahat ng characters na ginawa ko sila ang pinakamalandi xD

VOTE & COMMENT

Never_TheLess
Lex

Continue Reading

You'll Also Like

224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
1.4M 33.7K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...