When she entered Adonis Acade...

Od chabilicious06

630K 20.4K 4.2K

What will happen if a SHE entered in an all boys school? Více

When she entered Adonis Academy (adonis academy sequel)
Chapter 1: Bad
Chapter 2: ang cute mo pare
Chapter 3: dibdib
Chapter 4: Sasapakin na kita!
Chapter 5: Pokpoks
Chapter 6: Lovers in Paris
Chapter 7: first crush
Chapter 8: peace be with you
Chapter 9: BLOCK
Chapter 10: Seduce
Chapter 11: pogi-er
Chapter 12: Chocolates
Chapter 13: Shit Pare!
Chapter 14: sales lady
Chapter 15: Acquaintance Party
Chapter 16: Acquaintance Party (continuation)
Chapter 17: Gory
Chapter 18: txt txt
Chapter 19: :(
Chapter 20: masamang intensyon
Chapter 21: I want you
Chapter 22: School fest (part 1)
Chapter 23: School Fest (part 2)
Chapter 24: Tutol
Chapter 25: Kiss me
Chapter 26: Soon
Chapter 27: the notebook
Chapter 28: selfish
Chapter 29: Identification Card
Chapter 30: revealed
Chapter 31: Nomu Saranghe
Chapter 32: m-magmamakaawa sayo
Chapter 33: movie marathon
Chapter 34: End of the month
Chapter 35: Cupid strikes
Chapter 36: Dengue. Bar. Drugs
Chapter 38: Virgin
Chapter 39: holy shhh...t
Chapter 40: Bitch
Chapter 41: explanations
Chapter 42: Trauma
Chapter 43: Missing
Chapter 44: Call
Chapter 45: I love you...
Chapter 46: Clingy
Chapter 47: partnership
Chapter 48: Let's See
Chapter 49: Lunch out
Chapter 50: Last words
Epilogue

Chapter 37: General Cleaning

8.2K 355 40
Od chabilicious06

Chapter 37: General Cleaning
LOUISE'S P.O.V

Sa sobrang laki ng campus, ni hindi ko namalayang may mga kwadra pala dito ng kabayo at hindi lang yun! Meron ding hiwalay na field na puno ng obstacles.

Horse Back Riding kasi ang Lesson namin ngayon sa p.e.

"Grabe. May ganto pala dito sa school?" Di ko mapigilan ang pagkamangha.

"Oo nga sister. Ngayon ko lang din to nakita" bulong saakin ni Gory.

Tinignan ko sya at kagaya ko, nakamulaga din sya sa field.
Yung iba naming kaklase ay nauna na sa mga kwadra para kumuha ng kabayo.

May 30 daw na kabayo dun kaya tig iisa kami.

Biglang may humawak sa kamay ko dahilan para mawala sa field ang atensyon ko.

"V"

"Tara na dun" sabay hila nya saakin. Hinatak ko naman ang kamay ko kaya muli ay nabaling sakin ang paningin nya.

"Wag mo kong hawakan sa kamay V"

Ngumuso lang sya at hindi na nagprotesta.

"Waiiiiiit lang" Sabay kaming lumingon kay Gory na nakasunod pala saamin.

Ngumisi nalang ako bago sya inantay.

Ilang araw din kaming nawalan ng bonding moment ng baklang to kaya namiss ko sya. Kahit naman magkaklase kami, hindi kami gaanong nakakapag bond kasi UNA, magkalayo ang upuan namin, PANGALAWA, bantay sarado ako ni V at PANGATLO, medyo busy sya sa pagpapapansin sa Leader ng Club C.

Sinabihan ko nga syang mag ingat kasi gangster ang mga nasa Club C pero ayaw nya. Tinamaan daw kasi sya kay RENZ.
Like eeeeeew???!!!! hahaha

"Hold onto my hand" ani V tsaka ako inalalayan sa pag akyat sa kabayo.

Wala namang malisya yun sa iba kasi hindi naman lahat samin ay marunong na kaagad umakyat sa kabayo. Well, ibahin nyo si V kasi maalam sya.

"Ako din! Ako din! Help leader" pagmamaktol ni Bakla kasi hindi sya makasampa sa kabayo nya.

"Bahala ka na jan"

Gusto kong matawa sa pang iisnob na ginawa ni V pero gusto ko ding maawa kay Gory.

Pano kaya sya tutulungan ng boyfriend ko kung naiinis parin sa kanya si V. Kahit na obvious namang jokla tong si Gory, ayaw parin ni V na naglalalapit ako sa bading na to. Haaaist.

"Here. Let me help you"
Pag pepresenta nung isa kong kaklase. Lumapad naman kaagad ang ngiti ni Gory at nangisay sa kilig.
OO! Pinahalata nya talaga ang pangingisay nya.
HANEP!

"Alam nyo na ang gagawin nyo ha. Naipaliwanag ko na kanina." Nakaupo kaming lahat sa kanya kanya naming kabayo habang nakikinig sa instructor namin. "Sa bandang yun lang muna kayo para hindi kayo gaanong mahirapan. Para sa professional lang ang obstacles dun kaya wag kayong gagawi dun Okay?" Nag tuturo si sir ng mga obstacle na pwede naming pagdaanan at mga bawal puntahan.

"Yes sir!" Sabay sabay namang sagot.

Nag kanya kanya na ang iba matapos yun.
May groups din para fair ang pagkakagamit sa ibang obstacles.

Hindi pa ako marunong kaya hindi muna ako sumusubok sa patalon talon ng mga kabayo.
Pinapatakbo ko lang ito pero mabagal lang muna para masanay na ko.

Medyo malayo din ang narating ko. Tahimik na sa parteng ito at panay puno ang nakikita ko.
Papabalikin ko na sana ang kabayo ko nung makarinig ako ng yabag mula sa likod ko.

Ipinihit ko ang ulo ko upang makita ang gwapong alien na nakangiting papalapit saakin.

Pinatigil nya ang itim nyang kabayo sa gilid ko bago nagsalita.

"Kanina pa kita hinahanap. Bakit nandito ka?" Tanong nya.

"Bakit? Bawal ba pumunta dito?" Tanong ko din.

Ngumisi sya bago umiling.

"Tara. Dun tayo. May maliit na lake dun" pinasadahan ko ng tingin yung itinuro nya. Magubat masyado kaya hindi ko gaanong nakikita yung lake.

Tumango ako at akmang paaandarin na ang kabayo ko nung bigla nyang hawakan ang kamay ko.

Natigilan ako ng ilang sandali habang nakatitig sa mga kamay namin.

"Siguro naman, pwede na tayo ngayong mag holding hands?" He asked.

"P-pwede naman" i don't know why i stuttered. Gees.

"Miss na miss na kasi ng palad ko ang palad mo" dagdag pa nya bago kami tuluyang lumarga.

Pumupula nanaman ang pisngi ko. Eeeeeehh!

"Mag boyfriend at girlfriend na tayo pero wala pa kong gaanong alam tungkol sayo."
Muling nakuha ni V ang atensyon ko nung mahina nyang sabihin ang mga yun.

Tumigil ang ga kabayo namin nung nasa tapat na kami ng lake.

"I want to know more about you Louise. kagaya nang Bakit ka pumasok sa school na to?"

Nadama ko ang kabang biglang bumalot sa puso ko.
Handa na ba kong sabihin sa kanya ang totoo? Pero paano pag hindi sya natuwa sa ikekwento ko? Pano pag nagalit sya sa rason ko?

Ayokong sabihin pero alam kong daratong ang panahong kailangan ko na ding umamin.

Huminga muna ako ng malalim.

"May pinagtataguan kasi ako" tinignan ko sya at dun ko nakita ang sinseridad nya. Seryoso lang syang nag aabang sa sunod na sasabihin ko. "T'was my ex. Ayoko na syang balikan pa kaya nagtatago ako sa kanya"

Tumingin ako sa malayo habang inaalala yung lintik na cedrick na yun.

"Do you love him?"

Naipaling ko pabalik sa kanya ang ulo ko. Seryoso ang mga mata nya. He's jaw was slightly clenched. Para bang naiinis na sya.

Tama ba ang desisyon ko sa pag amin?

"I loved him. Nasaktan ako ng husto nung lokohin nya ko at nasasaktan ako sa twing nakikita ko ang mukha nya at yung mukha nung babae nya. Desidido na kong makalimot noon kaya pumasok ako dito. Dito sa lugar kung saan hindi nya maiisip na makikita ako."

Nag dilim ang mukha ni V pero tila desperado na syang malaman ang lahat kaya nagtanong pa sya muli.

"Do you still love him?"
Malungkot ang mga mata nya habang nakatitig saakin.

Umiling ako.
Bahagyang nawala ang pangamba sa mukha nya dahil sa simpleng pag iling ko.

"Hindi na. Ikaw na ang mahal ko" ngumiti ako sa kanya. "Simula nung mahalin kita, napaisip na ko kung pagmamahal nga ba yung nadama ko sa ex ko."

Nagliwanag ang mga mata nya at bahagyang umawang ang bibig. Para bang hindi makapaniwala sa lumalabas sa bibig ko.

"Sayo ko lang nadama to" humawak ako sa dibdib ko. "Ikaw lang ang gumulo ng ganito sa utak ko." Gusto kong mapangiti dahil sa sayang ipinapakita ng mukha nya. "Ikaw lang ang nagbigay ng gantong klase ng saya sa buhay ko at alam kong mahal kita kaya nga feeling ko, infatuation lang yung nadama ko sa ex ko"

Unti unti nang sumilay ang magandang ngiti sa mukha nya.

"T-talaga?"

I nodded.

"Sinong mas gwapo samin?" Tanong pa nya.

"Syempre sya"

Napalitan ng simangot yung mukha nya kaya napahagalpak na ko ng tawa.

"Haha. Biro lang." Inabot ko ang buhok nya at ginulo. "Mas gwapo ka sa lahat ng angulo. Ikaw na rin ang pinaka hot na lalaki sa paningin ko at kung mag haharap man kayo, baka mabakla lang sya sa sobrang pogi mo" pambobola ko sya kanya na sinakyan nya naman.

Haha. Ang cute cute talaga ng lalaking to.

Marami pa kaming dalawang napag usapan. Tungkol sa pamilya namin at tungkol sa mga ex nya nung elementary.

Letseng to! Ang landi landi!
Elementary palang, may girlfriend na! At nangyari daw ang first kiss nya nung grade three sya.
Ang tinde diba???!!

"Babe naman. Tinulak lang ako nung mga kaklase ko nun"
Hindi ko sya tinitignan. Diretso lang ang pagpapatakbo ko sa kabayo pabalik sa mga kaklase namin.

"Ni hindi ko nga type yung babaeng yun. Bungi bungi tapos sipunin. Kung alam mo lang kung ilang oras akong nag mumog para mawala yung germs!"

Natawa ako ng bahagya bago itinigil ang kabayo tsaka sya hinarap.

"Ikaw ang second kiss ko at magiging last kaya wag ka nang magselos okay? Sa dami ng naging gf ko nung elementary, wala ni isa sa kanila ang nakachansing sa akin. Ikaw pa lang talag--- aray!"

Hinambalos ko sya sa batok kaya napadaing sya.

"Di kita chinachansingan ha!" Depensa ko naman na ikinatawa nya.

"Haha. Joke lang babe. Pero seryoso. Wala pa ni isa maliban dun sa bungi. Ikaw pa lang ang nagiging girlfriend ko sa highschool at ikaw pa lang ang sineryoso ko ng ganito. Ikaw lang ang may karapatang makatikim sa katawan ko kaya------ARAY KU!!!!"

Binatukan ko nanaman sya.

"ang bastos mo!!!!"
At natawa nanaman po ang mokong! Tsk.

"Eh totoo naman eh. Kahit pagsamantalahan mo pa ko ngayon, hinding hindi ako aangal. Uungol, pwede pa!"

Akmang hahampasin ko nanaman sya pero nakaiwas na agad sya.
Tatawa tawa nalang syang pinatakbo ang kabayo nya palayo sakin.

Sira ulong yun!

CHEVY'S P.O.V

Ang cute nya talaga pag pikon. Hahaha.

Natapos ang p.e namin at pumunta na kami sa sunod na klase.

Buong araw lang kaming nag babangayan.
Bangayan sa paningin ng iba pero lambingan na namin to, wag ka! Ang sweet namin diba?
Hahaha.

"Kamusta na nga pala si Jin?" Biglang sumulpot ang ulo ni Ralph sa pagitan namin ni Louise mula sa likod.

"Maayos na ang pakiramdam nya. Infact, babalik na sya dito bukas."

Nagsilapitan naman saamin sila Suga para sumagap ng chika.
"Talaga? Kung ganun, kailangan ng general cleaning ng dorm nyo!" Sabat pa niya.

"Huh? Bakit naman?"

Pati ako ay nagtataka sa suggestion ni Suga.

"Baka may stagnant water kung saan. Baka ma-dengue nanaman yun, mahirap na! Atsaka, kailangan nya ng confortable environment para mapayapa ang kaluluwa nya"

Kaluluwa?

"Gago! Pinatay mo naman ang pinsan ko!" Natatawang sabi ni Louise.

Napatitig nalang ako sa naaaliw nyang mukha habang kausap ang mga mongoloid na to.
Hindi ko na nga nadidinig ang paligid eh.
Tawa lang ni Louise ang nasasagap ng tenga ko at ngiti nya lang ang nakikita ko.

Haaaay.
Bakit po sobrang lakas ng tama ko? Normal pa ba to?

"Mukha nanamang tanga si leader." Dun na ko nabalik sa wisyo ko bago sinamaan ng tingin si Kookie.

Naiiling silang nagtawanan nago dumating ang professor.

Alas quatro na nung matapos ang klase at napagkasunduan nga namin na i-general clean ang dorm nila Louise.

Nagmadali akong pumunta sa dorm nila Louise para masolo ko muna sya bago dumating yung iba.

"hello gorgeous!" Bati ko nung makapasok ako.
Halata sa mukha nyang nagulat sya.

Nagkibit balikat ako bago lumapit sa kanya. Bigla syang tumuwad at napanganga ako.

Oh God! Bakit sya tumuwad?

"B-babe" lumunok ako habang hindi maalis sa ano nya yung paningin ko.

"Hindi ko mahanap yung panty ko"

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko.

"W-wala kang suot ngayon?"

Umayos sya ng tayo at nakasimangot na hinarap ako.

"Meron!!! Nawawala lang kasi yung leopard print victoria's secret kong panty. Baka biglang makita nila pag nag general cleaning tayo. Malilintikan ako!" inis na sagot nya.

Itinaas ko ang parehong kamay ko.
"Chill." Tumawa ako. "Tulungan kita pero in one condition"

Tumaas ang isang kilay nya.
"Ano?"

Ngumisi ako.
"Akin na lang yun pag nakita ko!"

Bigla syang namula at namilog ang nga mata.

Ang cute cute cute talaga.

"Manyak ka talaga!!!!!!"

Bigla nya kong dinambahan at sinabunutan.

"A-aray aray babe!"
Ang sadista nya. Sinasabunutan nya ko habang tumatawa

"Hahaha. Bastos ka kasi. Hindi yan pwede sakin"

Hindi naman masakit yung sabunot nya. Ayos pa nga eh kasi natatanggal yung kati nung anit ko. Haha. Yun nga lang, na out of balance ako kaya napahilata ako sa sahig habang nasa ibabaw ko sya.

Kung kanina, sinasabunutan nya ko, ngayon naman, kinikiliti nya na ko.

"Hahahaha. Suuuuuus. Nanghihipo ka lang babe eh! Hahahaha" binaligtad ko ang pwesto namin.

Ang gaan nya kaya madali lang para sakin ang alisin sya sa ibabaw ko.
Nagulat sya sa lakas ko kaya nagtitili na sya.

"V!! Ayoko naaaaa!!!"

Ayaw na agad? Hindi ko pa nga sya nakikiliti!

Ibinaba ko sa leeg nya ang kamay ko at sinimulan dun ang pangingiliti.

"Hahahahahahahahahayup ka. Tama na.... Hahahahaha"

Hinawakan nya ko sa bandang abs ko para itulak.
Aysos. Sa abs ko pa talaga humawak ha!

"aaaaaaa. chevy!!!! Ayoko na. Hahahahaha. Tama hahahah naaaaa!!!!"

Hindi nya alam kung saan sya iikot para makaiwas sa pangingiliti ko.

"Hahahaha----"

Sabay kaming napatigil nung biglang bumukas ang pinto at bumungad samin ang nawiwirduhang mukha nila Jimmy.

"Hahaha" biglang tumawa ng panlalaki si Louise. "Gago ka! Sumbiin kaya kita jan!" Bigla nya kong tinulak paalis sa ibabaw nya bago tumayo at inayos ang sarili.
"P-pasok muna kayo"

Sabi nya bago sya biglang tumakbo sa banyo.

Inabangan ko talaga ang paglabas nya. Saglit lang naman sya sa loob. Mukhang inayos nya lang ang wig nya.

"Tara na magsimula"

Pinandilatan nya ko ng mga mata nung walang nakatingin pero tinawanan ko lang sya.

Napatingin saakin si Jay kaya tumigil ako sa pagtawa.

Dapat kasi, kaming dalaw nalang ni Louise ang maglilinis. Nakakainis naman ang mga to! Agaw eksena!

Pinagdadampot muna namin ang mga pwedeng dumputin. Ipinlastic ang mga basura at pinagpag ang mga magagabok.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpapalit ng cover ng kama nung biglang magsalita si Ralph.

Namilog ang mga mata ko nung may itaas syang panty.
Sh!t! Anong karapatan nyang hawakan yun????

"Woah. Don't tell me, nagpapapasok kayo ng prostitute dito ni Jin?" Natatawang aniya.

Bigla nyang inamoy kaya di na ko nakapag pigil.

"Gago ka! Akin na nga yan!"

Napangiwi silang lahat nung kinuha ko yung panty sa kamay nila. Tinignan ko ang namumutla sa sulok na girlfriend ko.

"Sa girlfriend ko to!!!!" Ibinulsa ko kaagad yung panty.

"Weh? Sa kapatid ni Luis?" Nagsitinginan sila kay Louise na hanggang ngayon ay mukhang kinakabahan kaya kinuha ko ulit ang atensyon nila.

"Oo! Bakit? May iba pa ba kong girlfriend? tsss" tumalikod ako para matapos na ang usapan pero humarap ulit ako nung may maisip pa kong idugtong.
"Hili lang kayo kasi may panty ako ng girlfriend ko!" Binelatan ko sila.

Ha!
Ako nanaman ang nagwagi!
Hindi ko na to ibabalik kay Louise!
Hahahah!
Nakuha ko rin!
BWAHAHA!

ChabzNote: True to my words, nagupdate ako nung lumampas sa 20 ang votes and comments ko. Thank you!!!!!

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.1K 215 32
Nais ni Akihiro Landez na muling magkabalikan sila ni Erika Romulo bilang magkasintahan. Si Erika naman ay wala nang nararamdaman para kay Akihiro at...
1.1M 51.7K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
1.4K 100 32
Si Alvira Trinity Hawthorne ay isang Outcast; ibig sabihin, wala siyang taglay na kapangyarihan, mahika o anumang kakaibang kakayahan na mayroon ang...