She's My Man(girlxgirl)

By YourNotMyType14

346K 13K 2.4K

WARNING: this story is GxG, I repeat GIRL TO GIRL po ito. So, kung ayaw niyo po sa ganitong storya o hindi ka... More

PROLOGO
Prologo 2
Poging Danica
Dani's Friends
Cassandra Del Rio
Read This.. thanks!
First Time
Nice One Danica!
The Revenge Plan
Her Revenge
S.H.I.T Day!
S.H.I.T Day( continuation)
Weird Feelings
Hatred
Won
Guilt
Invitation
House Party
The Characters
Jealous or Not?
Clarisse Reyes
Her feelings
Si Bruhang Maarte
He knows
The Favor
Favor 2
School Anniversary 1
School Anniversary 2
School Anniversary 3
School Anniversary 4(The Party)
School Anniversary(The Party 2)
Her POV
Her POV 2
Her POV 3
Her Confession
His Ex
AVOIDANCE
Ang CR
Grace Plan
MatMat
Road to tagaytay
Beach Please!
Beach Please!(Part2)
Beach Party
Kiss and Touch
Last
CHANGES
Oh No!
Her and Her
Her and Her 2
Trouble!
Two of us
Don't care
Can you be mine?
Selfishness
AUTHOR'S NOTE

Memories

1.1K 64 36
By YourNotMyType14

Danica's POV

Matapos nga naming mag usap ni del rio, naging malinaw na sakin ang lahat. Kahit pa sabihin nilang lahat o kahit pa isipin kong di nga pwede tong mga nangyayari, ay wala na nga akong pakealam. Di talaga natin mapipigilan pag ang puso na natin ang nagdidikta. Alam ko naman na mali eh, magiging makasarili man ako sa paningin niyo, pero andito na..

"Wala ka bang balak itigil yong mga ginagawa mo danica? diba pinagsabihan na kita?" bigla na lang nasabi iyon ni kiko. Ewan ko pero parang galit yong tono ng boses niya.

Andito kami ulit ngayon sa coffee shop malapit sa school kung saan kami nag uusap kanina

Matapos kasi ng pag uusap namin ni del rio, kanina bumalik agad kami sa cafeteria kung saan andoon din yong mga barkada ng kambal ko at doon nga ako binulongan ni kiko na makikipag usap daw siya ulit sakin privately, naisip naming bumalik dito sa shop na'to kasi wala naman kaming kakilala na pumupunta rito kahit malapit lang ito sa school.

Ilang minuto din akong tahimik at hindi sinagot ang tanong niya sakin.

"Hulaan ko, wala noh? itinuloy mo pa rin yong balak mo kay ms. cassandra? sorry danica ha, pero nahihibang ka na ba? Alam mo kung anong mangyayari kung hindi ka pa titigil." medjo napalakas na ni kiko yong tono ng boses niya, Halatang galit na siya ngayon sakin.

Napayuko na lamang ako at hindi pa rin nagsasalita. Naiintindihan ko naman siya eh, Siguro nag aalala lang siya sakin at ayaw niyang may mangyari man sa mga ginagawa ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.

" danica, nag aalala lang ako kasi... dahil sa mga nangyayari ngayon, baka maging komplikado lahat. Paano na lang kung naging kayo nga, pero di naman niya alam na babae ka. "

"S-sasabihin ko sa kanya ang totoo k-kiko" sagot ko sa mga sinabi niya at iniangat ko ang ulo ko para tingnan siya.

" Sasabihin? kailan? hanggang mahulog na talaga yung loob niyo sa isa't isa? Danica, masasaktan lang kayo pareho, hindi pa nga naging kayo, niloloko mo na siya, paano na lang kaya kung malaman nga niya ang pagkatao mo? Sa tingin mo, tatanggapin ka niya? na ganyan ka? na babae ang nagustuhan niya?"

Napalunok ako ng laway at nag isip muli matapos kong marinig yung sinabi niya.

Ano bang dapat kong gawin?

"Wag kang mag alala kiko sasabihin ko sa kanya ang lahat, pero sana, bigyan mo muna ako ng panahon na makasama siya. Tatanggapin ko kung ano man ang maging kapalit nito lahat. Pero sa ngayon, pwede bang hayaan mo muna ako? " Pakiusap kong sabi sa kanya.

Gusto ko siyang makasama, Alam kong pagkatapos ng lahat ng ito, masasaktan ko siya at magagalit ng husto sakin, marahil pa nga ,kamumuhian niya ako. Pero tatangapin ko yon...

Nakita ko ang pagngiti ni kiko, pero halata sa mukha niya na malungkot siya.

"Wala na akong magagawa danica, bakit pa kasi sa kanya ka pa nagkagusto " sabi pa nito. "Kung ano man ang mangyari, magalit man lahat ng tao sayo, andito pa rin ako ah" dagdag niya pang sabi.

Alinlangan akong napangiti sa kanya.
"Maraming Salamat kiko."

Buti na lang, naiintidihan niya ako.

"oh sha! tara na, baka magtaka pa yong mga yon satin bakit tayo matagal nagcr pareho." bumalik na muli yong mga ngiti ni kiko. Yung mga ngiting masaya talaga at walang halong lungkot. Nagpaalam kasi kami kanina na magccr kaming dalawa, palusot lang para makapag usap kami.

"tara"
yon ang huling sinabi ko at sabay na nga kaming lumabas ng shop.

Bumalik kami ng school ngunit, napansin naming tahimik na ang buong skwelahan, may mangilan ngilan mga student na naglalakad .. marahil tapos na nga yung lunch at nagsisimula na ang klase.

Patay, mukhang late pa ata kami. 😑

nagtinginan kami ni kiko sabay takbo namin papuntang classroom namin.

**

*Kriiiiiiiiiiiiiingggggggggggggg!!!

Natapos na nga ang klase namin at nagsiuwian na yong ibang students.

"Hoy kayong dalawa, saan ba kayo galing at nalate kayo kanina? ayan tuloy nakatanggap kayo ng sigaw mula sa teacher natin" nasabi na lang ni nico saming dalawa ni kiko.

Andito pa rin kami sa classroom ngayon.

Nagtinginan kaming dalawa ni kiko at napayuko 😪 oo napagalitan talaga kami kasi nga late kami at oras daw ng klase pero saan saan daw kami nagsusuot. Buti nga di kami pinarusahang dalawa eh. 

"Oo nga, diba nagcr lang kayo? grabe naman kayo magcr " singit naman ni james samin.

"Akala ko nga, kinain na kayo ng inidoro sa tagal niyo, Hahaha" tawang tawa namn nitong si alfred.

Di na lang kami sumagot sa mga tanong nila, kung sasagot pa kami malamang magtatanong ulit sila kung bakit.

"ay nga pala dani, puntahan mo si ms. cassandra sa classroom niya, baka nalate nga yon kakahintay sayo na bumalik ka "

bigla naman akong napatigil sa narinig ko mula kay france.

"Naghintay siya kanina sakin?" ulit kong tanong sa kanya.
ewl

"Oo nga, akala nga namin di na siya papasok ng klase eh" sagotmuli nito sakin.

"teka nga, may namamagitan na ba sa inyo? napapansin kasi namin, parang naging closed kayo ni ms. cassandra, samantalang dati, inis na inis yon sayo. Kayo na ba?" nanlaki
ang mga mata ko nang marining ko iyon mula kay nico.

"H-ha?" di kasi ako makapaniwala na itatanong niya bigla yon. Inilibot ko naman ang paningin ko sa kanila, lahat sila nag aabang ng isasagot ko except kay kiko na alam na ang nangyayari.

Ano ba dapat kong isagot sa kanila?

"ahhhhhmmmmm .. a-ano kasi-"

"Nililigawan niya ako, bakit?" naputol ang sasabihin ko nang may babaeng mataray na nagsalita mula sa pintoan ng classroom namin.

Agad naman kaming napatingin lahat sa pinto at bumulaga samin si del rio na nkacross arms at nakataas pa ang kilay nito. Nasa likod naman nito ang dalawa niyang kaibigan.

"t-talaga?!" sabay sabay naman napasigaw yong apat , parang di pa sila makapaniwala sa reaksyon nila.

"dani, totoo.. n-nililigawan mo siya?" nanlalaking matang nakaturo pa si nico kay del rio.

"Oo nga! nililigawan niya ako. enough na nga kayo sa kakatanong sa kaibigan niyo, may lalakarin pa kaming dalawa ngayon" lumapit na samin si del rio.

Napatingin muli ako sa kanya na may halong pagtataka.

lalakarin? mukhang wala naman ah.

"Saan tayo pupunta c-cassandra?" medjo ilang pa akong tawagin siya sa pangalan niya.

"tsk! nililigawan mo siya dba? syempre, ipapasyal mo siya, haler!?" maarte namang sagot nong isang kaibigan ni del rio na si dianne.

"naaaaks naman dani, ibang klase ka talaga bro!" nakangisi namang sabat ni alfred.

"Sge na, umalis na kayo! kwentuhan mo kami pag nagkita tayo bukas bro ha!" singit naman nitong si james sakin.

At wala na nga akong nagawa at nasabi, hinila ko na lang bigla si del rio papalayo sa kanila, baka mamaya may mga tanong pa sila na di ko na masagot. Di ko na nga rin nakita kung anong reaksyon ni kiko eh.

"teka nga dani, pwede bang tumigil muna tayo" agad namang nasabi ni del rio. Hila hila ko pa din kasi siya at di ko namalayan na andito na pala kami sa parking area.

Binitawan ko siya at tiningnan siya. Nakataas pa din yong kilay niya.

"Alam mo bang hinintay kita kanina don sa cafeteria? may pa yakap yakap ka pa sakin kanina don sa hallway tas ang ending pinaghintay moko, nagcr lang kayo ni kiko, tas di na kayo nakabalik. Di mo nga sinabi sakin kung asan ka" mataray niyang sabi sakin.

Bumuntong Hininga ako.

Lunok laway ko siyang tinitigan.

Sasabihin ko ba sa kanya ngayon? tama bang ngayon ko sa kanya sabihin?

Bigla kong naalala yong sinabi sakin ni kiko sa coffee shop..

"Sasabihin? kailan? hanggang mahulog na talaga yung loob niyo sa isa't isa? Danica, masasaktan lang kayo pareho, hindi pa nga naging kayo, niloloko mo na siya, paano na lang kaya kung malaman nga niya ang pagkatao mo? Sa tingin mo, tatanggapin ka niya? na ganyan ka? na babae ang nagustuhan niya"

Bigla kong naikuyom ang mga kamay ko.

ang hirap.

Paano kong di niya ako tatanggapin? Paano kong pandirian niya ako?

"c-cassandra... a-ano kasi...." bigla na lamang ako napayuko, ayokong makita ang reaksyon niya kung aaminin ko man ang totoo.

"ahmmmmmmm...." bakit kasi ang hirap sabihin. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko.. Kailangan kong sabihin sa kanya habang maaga pa.

Gusto ko siya ,oo. Ngunit ayoko siyang saktan ng ganito.

sorry cassandra.

Habang nakapikit pa rin ang mga mata ko, bigla kong naramdaman na may humawak sa mga kamay ko. Kaya agad kong naiangat ang ulo ko napatingin sa kanya.

Nakangiti siya ngayon.. ang kaninang mataray at nakataas niyang kilay ay naglaho na lang.

Bakit ang ganda niya...?

"Sa susunod dani, sabihin mo na sakin yong mga gagawin mo at ginagawa mo ah? palalagpasin ko na muna to ngayon, pero bumawi ka sakin ngayon, dapat mokong ipasyal kahit saan ngayon" malambing niyang sabi sakin habang nakangiti pa rin ito.

Yong mga alinlangan ko kanina bigla na lang naglaho nong makita ko ang mga ngiti niya.

napakaganda..

"S-saan mo ba gustong pumunta ?" tanong ko sa kanya.

"Kahit saan, gusto ko kasi dani na simula ngayong araw nato, habang hindi pa tayo official na magcouple, may memories tayo together." nakangising sagot niya sakin.

Tiningnan ko ang mga mata niya..

Biglang may guilt akong naramdaman.

Yong mga mata kasi niya nong sabihin niya iyon ay may halong excitement.

Gosh!

Ano ba tong mga ginagawa ko sa kanya? 

Bakit parang pati ako nasasaktan sa mga ginagawa ko?

"Ano dani? tara na" yon ang huling nasabi niya sakin tsaka niya ako hinatak papuntang sports car ko.

Bigla naman akong natauhan.

"Dapat talaga bumawi ka sakin ngayon ah."

"ahhhhh.. o-oo cassandra. Babawi ako" alinlangan kong ngiti tsaka kami pumasok sa loob ng sasakyan.

**

"Bakit dito moko ulit dinala dani?" nakangiting tanong ni del rio.

Nakaharap kami ngayon sa entrance ng perya kung saan ko siya dinala dati.

"Wala lang, alam ko kasing gusto mo. rin ang lugar nato cassandra." sagot ko sa kanya.

Mas lalo siyang napangiti nang sabihin ko iyon at wala man lang siyang sinabi sakin.

Totoo ngang gusto niya ang lugar nato.

Hinawakan ko ang kaliwa niyang kamay sabay hila sa kanya papasok.

"let's go."  huli kong sabi sa kanya.

Madami kaming nilaro nang hapon na iyon..
sabi nga niya, gusto niyang may memories kami sa isa't isa. Kaya gagawin ko yon, at ngayong hapon na'to, gusto ko lang maging happy siya.

Nilaro namin yung iba't ibang palaro dito sa perya.

Lumipas ang ilang oras ng paglalaro at pagsakay namin sa iba't ibang rides, hindi na namin namalayan na gumagabi na pala.

"Grabe! ang saya ko dani.. Salamat ah" nakangiting sabi ni cassandra sakin habang may dala dala siyang isang maliit na stuff toys. Nanalo kasi kami sa isang palaroan kanina dito.

"sus, gusto ko lang talaga na maging masaya ka cassandra" sagot ko sa kanya.

Nakaupo kami ngayon sa isa sa mga upuan na andito sa perya.

"Alam mo bang ngayon lang ako naging masaya simula nong namatay si mommy"

Agad naman akong napalingon matapos kong marinig ang sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihin?

"h-ha? pano mo nasabing ngayon ka lang naging masaya?" kunot noong tanong ko.

"Diba nabanggit ko na sayo na never akong nakapunta sa mga ganito, simula nong bata pa ako? Simula kasi namatay si mommy, iba na yong saya na pinapakita ko sa ibang tao, pero ngayon parang yung saya ko dati nong kasama ko pa si mommy, bumalik bigla.. at dahil yon sayo dani, maraming salamat"

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Pero nakahinga ako dahil alam kong naging masaya siya sa mga ginawa ko.

"Walang ano man yon cassandra" nakangiti kong sagot sa kanya.

"Dani,... sana ganito na lang tayo palagi ha, sana di moko sasaktan sa huli" tiningnan niya ako nang may ngiti sa kanyang mga labi.

Napatitig muli ako sa kanya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Parang naestatwa ako sa kinauupuan ko at wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko.

Kasi unang una...











nasaktan ko na siya nang di niya pa alam.








To be continued.....






AUTHORS NOTE :

Pasensya sa inyo! medjo ilang years and months din akong walang paramdam. Actually, di ko naopen tong account ko dahil nakalimutan ko yong password at gmail ko. Buti na lang talaga at nagawan ko ng paraan. Salamat sa paghihintay!

Hanggang sa susunod na chapter ulit 🥰🥰

Typo Error ✓✓✓

YourNotMyType14 ❤️❤️









Continue Reading

You'll Also Like

69.7K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
396K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...