When she entered Adonis Acade...

By chabilicious06

632K 20.4K 4.2K

What will happen if a SHE entered in an all boys school? More

When she entered Adonis Academy (adonis academy sequel)
Chapter 1: Bad
Chapter 2: ang cute mo pare
Chapter 3: dibdib
Chapter 4: Sasapakin na kita!
Chapter 5: Pokpoks
Chapter 6: Lovers in Paris
Chapter 7: first crush
Chapter 8: peace be with you
Chapter 9: BLOCK
Chapter 10: Seduce
Chapter 11: pogi-er
Chapter 12: Chocolates
Chapter 13: Shit Pare!
Chapter 14: sales lady
Chapter 15: Acquaintance Party
Chapter 16: Acquaintance Party (continuation)
Chapter 17: Gory
Chapter 18: txt txt
Chapter 19: :(
Chapter 20: masamang intensyon
Chapter 21: I want you
Chapter 22: School fest (part 1)
Chapter 23: School Fest (part 2)
Chapter 24: Tutol
Chapter 25: Kiss me
Chapter 26: Soon
Chapter 27: the notebook
Chapter 28: selfish
Chapter 29: Identification Card
Chapter 30: revealed
Chapter 31: Nomu Saranghe
Chapter 32: m-magmamakaawa sayo
Chapter 34: End of the month
Chapter 35: Cupid strikes
Chapter 36: Dengue. Bar. Drugs
Chapter 37: General Cleaning
Chapter 38: Virgin
Chapter 39: holy shhh...t
Chapter 40: Bitch
Chapter 41: explanations
Chapter 42: Trauma
Chapter 43: Missing
Chapter 44: Call
Chapter 45: I love you...
Chapter 46: Clingy
Chapter 47: partnership
Chapter 48: Let's See
Chapter 49: Lunch out
Chapter 50: Last words
Epilogue

Chapter 33: movie marathon

9K 337 41
By chabilicious06

Chapter 33: movie marathon
CHEVY'S P.O.V

It's been an eventful day yesterday.

Una.... Sinagot na ko ng babes pare ko. Tapos nakilala ko na ang kuya nya at nakuha ko na din ang basbas nya.

Tae.
Hindi ko alam na ganun ako magiging masaya kahapon.
It was like, the happiest day of my life.
Hindi ko alam na posible palang maging ganoon ako kasaya.

Tumayo ako sa harap ng salamin at tinitigan ang itsura ko.

Sobrang pogi ko pero halata yung dark circles sa palibot ng mata ko.
Senyales na hindi ako nakatulog.

Oo. Hindi ako nakatulog.
Kung anu-ano kasing naiimagine ko. Hahaha. At isa pa, naging busy ako sa pagsta-stalk sa GIRLFRIEND KO!
Wooooah. Sarap mabuhay!!

Nag request ako na maging in a relationship kami sa fb kagabi tapos inaccept nya agad agad.

Sobra ang kilig ko. Potah! ang gay kong tignan pero wala namang nakakakita kaya okay lang.

Agad ko syang chinat at yun, inabot kami hanggang alas dose.
Pinatulog ko na sya pero ako naman ang hindi nakatulog.

Haaaaay.
Louisa Louisa Louisa!
Anong ginawa mo sakin?

Isinakbit ko na ang bag ko ng may ngiti sa mga labi.

Makikita ko nanaman kasi ang babes pare ko.
Mahahawakan ko ulit ang kamay nya. Matitigan ko ulit sya. Makikita ko nanaman yung magandang ngiti nya at higit sa lahat, mahahalikan ko nanaman sya.

Kanina ko pa pinaplano kung paano ko sya palihim na makikiss. Kung saan kami magkukulong.

Ay teka. Ang pervert ko nang pakinggan pero shet, eto talaga nasa isip ko eh. Lalaki lang ako pero kung ayaw naman nya, hindi ko naman sya pipilitin.
Mas matimbang ang pagmamahal ko kesa pagnanasa.
Ang gusto ko lang naman ay maramdaman yung malambot nyang mga labi.

"Good morning!"
Bati ko sa mga nakakasalubong ko. "Hi. Good morning sa inyo"

Mejo natitigilan pa yung mga binabati ko pero sa huli, nginingitian din nila ako.

Nung makapasok ako ng room, si Louise kaagad ang hinanap ng mga mata ko at tuluyan na ngang kumawala ang malaking ngiti ko nung makita syang pinagmamasdan din ako.

Kinikilig nanaman ako mga dude!

"Uy!!! Lumalovelife!!!!"

Namilog ang mga mata ko at ganun din si Louise nung bigla kaming asarin ni Jimmy.

"H-ha?"

Napatingin ulit ako kay Louise.
Alam kong natetense sya dahil halata sa itsura nya.

Alam na ba nila?
Pero paano?

Marahan akong umiling kay Louise para sabihing wala akong sinasabi sa barkada tungkol sa relasyon namin.

"Hoy Luis! Bakit mo hinayaang magkatuluyan ang kapatid mo at yang lalaking yan! Lugi ang kapatid mo, sinasabi ko sayo"

Parang dahan dahang naglaho ang pangamba sa mukha nya.

"Grabe. Kalat na sa facebook yung relationship status nyo. Pooocha dude. Ang swerte mo. Hahaha" sabi ni Jay nang may malaking ngisi.

Sht!
Akala ko, alam na nilang babae tong pare ko. Kinabahan naman ako dun.

Hindi pa nga ako tuluyang nakakaupo ay pakiramdam ko, mapapaupo nalang ako sa panghihina ng tuhod ko.

"Sobrang swerte ko talaga"
Nginisian ko sila ng may pagmamahili bago isa isang umapir sa kanila. Kabilang na dun si Jin na may ngisi din sa mukha.

Mukhang payag na payag na sya samin ni Louise.
Yes naman!

"Movie marathon tayo mamaya sa dorm ko ha! Friday na naman!"
Dagdag ko pa at agad silang nagsigawan sa excitement.

Hindi ko na sila pinansin at si babes pare ko naman ang binalingan ko. Halos lumukso ang puso ko nung maabutan ko syang nakatingin sakin.

"Hi" mahinang bati ko bago naupo sa tabi nya.

Nginitian nya ko at hindi sumagot.

Ibinaba ko ang bag ko bago sya hinarap.

"Thank you nga pala" sabi ko.
Kumunot ang noo nya sa pagtataka.

"Para saan?" Tanong nya.

Tumingin muna ko sa paligid bago inilapit ang mukha sa kanya at pabulong na nagsalita.

"Sa pag accept sa relationship request ko. Thank you pare ko"

Nakita ko ang mabilis na pagpula ng mukha nya. Ang cute cute nya tuloy lalo sa paningin ko.

Kung pwede ko lang sana halikan yung mga pisnging yun, kanina ko pa ginawa!

"Wala yun."

Nakatitig lang ako sa kanya at ginagantihan din naman nya ako ng titig.
I saw her bit her lower lips kaya palihim akong napadaing.

I know, hindi nya ko inaakit. I know, pinipigilan lang nya ang ngiti nya pero hey! Naaakit ako! Bat ganuuuun?
Louisa naman eh!!!!

"M-mamaya, sama ka ha. Movie marathon sa... Sa ano... Dorm ko"

Kinakabahan ako. Hindi ako makapagsalita ng diretso dahil sa mga mata nyang nakatutok sa akin.

"Baka abutan ng curfew"

Napanguso ako sa isinagot nya.

Is it a No?

Kung No lang din ang sagot nya, wag nalang mag movie marathon. Tinatamad na agad ako, iniisip ko palang na wala sya sa tabi ko.

"Pag inabutan ng curfew, pwede namang sa dorm ko na kayong lahat matulog. Wala namang pasok bukas kaya okay lang." Tinitigan ko sya.
Sinigurado ko na mahahalata nya yung lungkot sa mukha ko para makumbinse syang sumama at hindi nga ako nabigo dahil pumayag sya.
Umoo sya kaya, tae! Makakasama ko sya buong gabi!

Hindi ko man sya masosolo, okay lang atleast, hindi sya mawawala sa paningin ko.

LOUISE'S P.O.V
Matapos naming magbasketball sa p.e, dumiretso na kami sa
Schmidt's para kumain.

Seattle Hotdog ang sakin at Coney Island Chili dog naman kay V. Hindi ko alam kung anong pangalan nung inorder nila kookie, ang alam ko lang ay libre itong lahat ni V.

"Dapat pala, noon palang, hinanapan na kita ng girlfriend para makatikim kami palagi ng libre!"

Hindi ko alam kung bakit hindi ako natawa sa joke ni Suga.

"Tsss" masyadong napalakas yung hiss ko kaya nakuha ko yung atensyon nila. Ninerbyos naman agad ako pero naramdaman ko yung palad ni V na humawak sa kamay ko kaya bahagyang humupa ang kaba ko. Ganumpaman, nakatingin parin sila sakin ng may pagtataka.

"Kahit ihanap nyo ko ng girlfriend, i don't think mamahalin ko sya kagaya ng pagmamahal ko kay Louisa kaya wag mo nang subukang hanapan ako ng iba Suga. Baka gusto mong makatikim dito kay Luis. Masama tong magalit."

Humagikhik ng tawa si V at nagtawanan na din ang iba.

Kinilig na ko eh!
Nandun na ko sa point na mangingisay ako sa kilig dahil pinangalandakan nyang mahal nya ko tapos magtatawanan sila.
Leshe!

Inirapan ko si V pero parang wala lang sa kanya. Hinagod pa nya yung hinlalaki nya sa likod ng palad ko.

"Maiba tayo!" Singit ni Ralph. "Itong si Jin, mukhang pinopormahan yung chix nung si Keehan!" Inakbayan nya ang katabi nyang si Jin at nagsalubong naman ang kilay ko sa pagtataka.

Hindi nagreact si Jin. Umirap lang at patuloy parin sa pagkain.

"Si Georgina?? Weh???" Sabay na tanong ni Jimmy at Jay.

Sinong Georgina? Yung mukhang mataray ba na laging kasama nung leader ng club A?

Eh mukhang syota na yun ni keehan ah! Bakit popormahan ni couz? Tsaka may nicole na si couz!!!!

"Sila ni Georgie? Pano mo nasabi?" Tanong ni V.

May pa-Georgie Georgie pa ha!

"Nakita ko kanina tong mokong na to. Dikit na dikit kay George at may pabulong bulong pa. Aba't para-paraan ang gago! Hahaha"

Tinignan ko ulit ang reaction ni couz. Nag makeface lang sya ng palihim. Mukhang naiirita na.

"Were just friends." ani couz.

"Ang showbiz ng sagot. Hahaha"

Nagtawanan sila at pinagpatuloy ang biruan.
Inalis ko naman ang kamay ko sa pagkakahawak ni V at kumain na.

Kanina, medyo nainis ako nung tinawag nyang Georgie si Georgina pero nung narealize kong ang babaw ng ikinaiinis ko, kumalma din ako.

Kagaya nga ng ikinwento saakin noon ni V, friends ang parents nila ni George at Keehan kaya magkakakilala sila.
Walang dapat ikaselos.
Ay!
Teka! Hindi pala ako nagseselos! Ako? Nagseselos? O c'mon! Mali lang naitype ni author.

CHEVY'S P.O.V

Matapos ang buong klase, halos takbuhin ko na pabalik sa dorm ko sa sobrang excitement pero syempre, inihatid ko muna si Louise sa dorm nila.

Mabilis akong nagpalit ng damit bago ikinabit yung external sa t.v.
Pumunta din akong pantry para maglabas ng maraming chichiria at beer.

Ayoko sanang mag inom kasi may kasama kaming babae pero paniguradong magwawala sila Ralph pag walang beer na nakahanda.
Anyway, hindi ako iinom kung pagbabawalan ako ni louise.

Sumalampak ako ng upo sa sofa bago nagtype ng text.

To: babes pare
-'Want me to cook dinner for you?'

Isinend ko na yung text at ilang saglit lang ay natanggap ko ang reply nya.

From: babes pare
-'no need. Dito na ko kakain. Nagluto si jin ng noodles. Next time nalang :)'

Ngumuso ako.

Gusto ko na syang makita agad.
Dapat kasi, hindi na nagluto si Jin ng noodles para nasundo ko na si Louise. Gusto kong kasabay syang kumain bago kami mag movie marathon.
Pero wala na kong magagawa kaya nagbukas nalang din ako ng cup noodles para kumain.

6:30 pm nung isa isa silang magdatingan. Iba nga lang ang saya ko nung si Jin at Louise na ang dumating.

Tumayo ako para antayin ang paglapit nila sa sofa.
Nakangiti sya sakin at sinuklian ko naman yun.

Ang ingay ingay na nilang lahat dahil kanina pa hindi makapili ng panunuorin.
Tumayo muna ako para maglabas ng kakainin nila pero bago yun, kinalabit ko si Louise para sumunod sakin sa kusina.

"Anong gusto mong chichiria?" Tanong ko kaagad sa kanya nung makadating kaming kusina.

"Share nalang tayo. Ikaw nang mamili"

Nice idea. Mas sweet pag share diba?

Kumuha na ko ng mga kakainin at mga beer in can nila. Kumuha na din ako ng softdrinks para sa amin ng girlfriend ko pero bago kaming lumabas ng kusina, hinapit ko si Louise sa bewang at niyakap mula sa likudan.

Ang lambot ng balat nya. Ang bango bango pa.

Nadama ko ang pagkibot nya nung amuyin ko ang batok nya.
Napangiti ako sa naging reaksyon nya.

"I want to kiss you" bulong ko. "Can i?" Tanong ko pa.

Tumagilid ang ulo nya para tignan ako at saktong tumama sa mga labi nya ang mga mata ko.
I gulped lalo na nung maramdaman ako ang hininga nya sa bibig ko.

"V"

Lumipat sa mga mata nya ang paningin ko.

"S-sorry. I shouldn't have asked you---" kakalas na sana ako sa pagkakayakap sa kanya pero pinigilan nya.

Umikot lang sya para harapin ako at dun ko napansing nakangiti sya.

"You really shouldn't have asked. You can kiss me anytime, you know"
Kinindatan nya pa ko kaya napahalakhak ako.

Inilapat ko ang ilong ko sa ilong nya at dahan dahang pinagtama ang mga ito.
Humagikhik sya at hindi ko maiwasang madala sa maganda nyang tawa.

Ngumuso ako para abutin ang labi nya at mabilis na halikan.

Nakita ko ang pagprotesta nya sa mabilis kong halik kaya pinaglapat ko ulit ang mga labi namin nang may malapad na ngiti.

Mabilis lang din ulit kaya ayun, sinuntok nya ko sa tagiliran ko.

"Aray naman pare!" Natatawa kong daing at natawa na din sya.

"Yung maayos naman!" Natatawa pero naiinis nyang sabi.

My girlfriend wants a kiss. Not just a smack but a passionate kiss!
D@mn! What a temptation!

"I love you Louise"
Hinigpitan ko ang pagkakahapit sa bewang nya at iniangat sya mula sa sahig bago malalim na hinalikan.

Natatawa kaming pareho pero hindi namin mapaghiwalay ang mga labi namin.

Nung maramdaman kong, nag iiba na ang temperatura ng katawan ko ay bumitaw na ko sa halik.

Nakatitig sya sakin at ang sarap sa pakiramdam. Alam kong mahal nya ko. Kitang kita ko yun sa paraan nya ng pagtitig saakin.

Pero mas masarap nung marinig ko mismo. "I love you V"

Tumaas ang gilid ng mga labi ko sa tuwa.
Pinunasan ko ng hinlalaki ko yung medyo basa pa nyang labi.

Namumula ang mukha ko kasi alam kong ako ang dahilan kaya basa ang mga iyon.
D@mn!

"Beeeeeer!!!!"

Mabilis kaming nagkahiwalay at sabay na napatingin sa labas ng kusina.

Wala namang tao kaya nakahinga kami ng maluwag.
Nagtulong nalang kaming dalwa sa pagbitbit ng mga pagkain habang maya't mayang nagtitinginan.
Nakakagat ko nalang ang labi ko sa twing mapapatingin ako sa labi nya.

Hinatak ko sya paupo sa tabi ko at tumayo din ulit para kumuha ng kumot sa kwarto.
Bumalik ako sa tabi nya at nagtalukbong kami ng mga tuhod na nakatungtong sa sofa.

Walang nakapansin samin kasi bukod sa patay na ang ilaw, nakafocus na ang lahat sa pagsisimula ng movie na napili ni kookie.

Anong movie?

Well. Feng shui 2.
Yung kay Coco at kris!

"Bakit yan?" Tanong ni Louise nung ipakita ang title ng movie sa screen.

"Maganda yan!!! Sobrang nakakatakot daw"
Sagot naman ni kookie.

Sumimangot lang si Louise dahil alam nyang wala syang laban sa mga mokong na to.
Titig na titig na sila sa screen eh. Obvious na interesado sila sa palabas.

Hinawakan ko nalang ang kamay nya mula sa ilalim ng kumot.
Namilog pa ang mga mata ko kasi ang lamig ng kamay nya.

"You okay?" Tanong ko.

Bumaling sakin ng paningin nya at ngumuso.

"Don't worry. Palabas lang yan. Di yan totoo" pagmamayabang ko pa pero nung nagsimula na ang nakakatakot na part, fck. Ako ang pinaka malakas tumili.

"Hahahaha." Naririnig ko ang mahinang tawa ni Louise sa tabi ko.

Gusto ko nalang tuloy magkulong sa ilalim ng unan sa sobrang kahihiyan.

Potek!
Bakit kasi kailangang magpakita nung lahat ng mumu! Tapos nasa loob pa lahat nung bahay ni coco. Sht! Makakatulog pa kaya ako nito?

"Hahaha. So cute" pang aasar na bulong ni Louise sa tenga ko kaya nag angat ako ng ulo mula sa pagkakaub-ob ko sa tuhod ko.

"Akala ko ba natatakot ka?"

Mas lumawak lang ang ngiti nya.

"Nakakatawa kaya ang pinapanuod ko" aniya. Nagsalubong ang kilay ko sa pagkalito.

"Anong pinapanuod mo?"
Weird lang kasi, wala namang nakakatawa sa feng shui eh.

"Ikaw. Hahaha."

-.-

Mas lalong lumaki ang pagkabusangot ko.
Hindi sa naiinis ako sa kanya kundi dahil sa naiinis ako sa sarili ko.
Napapahiya ako sa babes pare ko at ayokong maturn off sya kaya naiinis ako.

Bwisit na palabas to oh!

Nagtalukbong nalang ako ng kumot. Ipinasok ko ang ulo ko sa ilalim ng kumot at hindi na nanuod.

Tawa lang ng tawa si Louise sa tabi ko pero mahina lang.

Nadinig ko ang malakas na tili ni jimmy at jay kaya napapatawa na rin ako.

Tinitigan ko ang magkahawak na kamay namin ni Louise at masayang napangiti.

Saktong sakto ang palad nya sa palad ko.
Bagay na bagay ang kamay nyang hawak ko. Ang kulang nalang ay singsing para maging perpekto ang mga kamay namin.

Hinila ko ang kamay nya at idinampi sa labi ko.

Haaaay.
Mahal na mahal ko na talaga ang babaeng ito.

Continue Reading

You'll Also Like

29.4K 1.3K 43
This is a story of Garcia and Rodriguez Sisters. Cast : Faye x yoko Engfa x Charlotte Lux x prom Lisa x jennie...
21.5K 942 2
"Weird" "Nerdy without glasses" "Nobody" "LONER" isang babaeng laging mapag isa ngunit may kapansin pansing ganda,ngunit sa di kalayuan ay may nanuno...
9.1M 214K 60
[Vampire City Series #1] Ingrid Sy belongs to a very wealthy family. When her father forced her to marry the man she doesn't love, escape is the...
854K 1.2K 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞