Fated With You

By Arca_sen

4.9K 381 84

In this chaos world that we are living. There are three classes. The Alpha, who is the strongest in the worl... More

❗Warning❗
Prologue
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV
XLV

XXIII

63 7 0
By Arca_sen

Reiner's PoV

"Wala ka pa rin bang nahahanap na impormasyon about Noemi?" Tanong ko kay Alexis sa kabilang linya. Papunta ako ngayon sa mansion ni Ryder upang bumisita at para mamatiyagan maiigi ang Noemi na iyon.

"Wala pa eh, nakakapagtaka dahil ang mukha nito hindi ma-detect at walang impormasyon na lumalabas." Mukhang mahihirapan pa nga kaming magsagap ng impormasyon sa babaeng iyon. Ang nakakapagtaka rin ay hindi daw ma-detect ang mukha nito.

"Okay, I hope you can get information soon." And ended the call. Hindi pa rin talaga ako mapalagay sa babaeng iyon at kinukutuban ako dito.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa mansion niya. Nag-park ako at naglakad papasok sa loob.

Now speaking of Noemi, mas kamukha pa nga nung babaeng nakita ko noon sa bookstore ang totoong Noemi at naisip ko noon na baka si Noemi iyon ngunit nung bumisita ulit ako ay hindi ko na ito nakita.

Habang naglalakad ay may biglang humila sa akin patungo sa garden. Magpupumiglas sana ako nang mamukhaan ko ang taong humihila sa akin.

Nang makarating sa garden ay naghabol nang hininga ang taong nasa harap ko, nakakunot noo naman akong nakatingin dito.

"What's happening?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Humawak ito sa kamay ko at ramdam kong nanginginig ito at umiyak siya bigla.

"S-sir. Reiner... please help Sir. Neo!"

•••••

"RYDER!" Sigaw ko habang hinahanap nang aking mata ang aking kapatid na gago.

"RYDEER!" Sigaw ko muli at kita kong may taong pababa na masamang nakatingin sa akin. Lumapit ako dito at binigyan siya ng suntok na kinagulat niya.

"What the fuck are you doing, Reiner?!" Sumuntok muli ako dito ngunit nakailag ang puta.

"Reiner, ano bang ginagawa mo?!" Napayukom naman ako ng kamao at binigyan siya ng matalim na tingin.

"Why did you fucking put Neo in a curse room?!" Mas nainis ako dito nang ngumisi ito.

"He deserved it." Akmang susuntukin ko sana muli ito ngunit naunahan ako kaya ako ang nasuntok sa mukha. Napahawak naman ako sa parte na sinuntok niya.

"Hindi ko hahayaang may manakit kay Noemi."

"Nahihibang ka ba talaga?! Hindi pa nga natin alam kung si Noemi talaga 'yan! Ryder wake up! Kinokontrol ka lang ng babaeng 'yan!" Kita kong bumigat ang paligid, napatingin pa ako sa mga maid na nanghihina at parang hindi makahinga. Tangina talaga nito nagpalabas pa ng murderous aura alam naman niyang hindi ako nito maapektuhan dahil pareho kaming Pure blooded.

"She's Noemi! Wala ng iba!" Ang tigas talaga ng bungo nito, hindi ko pa rin tanggap na iisa kami ng mukha ng gagong 'to.

"Release Neo." Seryoso kong sabi dito.

"I won't." Nanginginig ang kamao kong masuntok siya muli.

Napatingin pa ako sa paligid sabay hawak sa bewang ko't huminga ng malalim. Napatingin ako kay Ryder sabay takbo at nagtungo sa Underground kung nasaan ang Curse room.

"Habulin niyo siya!" Rinig ko pang sigaw ni Ryder nang makalayo na ako. Mas binilisan ko pa ang takbo at habang tumatakbo ako kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight nito.

Nakakainis, sobrang dilim talaga dito at pakiramdam ko ay anumang oras may lalabas na multo.

Napatigil ako sa harap ng bakal na pinto.

"Neo!" Tawag ko dito sabay hampas sa bakal na pinto ngunit wala akong nakuhang sagot mula rito. Pansin ko rin ang pagkain na nasa tabi at mukhang hindi ito kumakain.

"NEO!" Tawag ko muli sabay pinagsisipa ang ang pinto ngunit hindi ko magawa dahil makapal ito.

"Reiner, stop what were you doing." Hindi ko pinakinggan ang gago bagkus ay patuloy ako sa pagsipa at hampas ng pinto.

"REINER!" Kahit sumigaw pa ito ay hindi ko ito pinapakinggan dahil gustong gusto ko na masira 'tong pinto sa harap ko at makuha si Neo sa loob.

Ramdam kong may humila sa akin papalayo sa pinto.

"Ryder ano ba! Kailangan ni Neo ng tulong!" Ngunit hindi ako nito pinakinggan pero may kinuha itong susi sa bulsa niya at binuksan ang pinto.

Nang mabuksan ay bakas sa mukha namin ni Ryder ang gulat nang makita ang kalagayan ni Neo. Namumutla ito at pinagpapawisan ng husto. Mas nagulat ako sa ginawa ni Ryder, tumakbo ito papalapit kay Neo at binuhat sabay tumakbo palabas.

Tinanggal ko ang pagkakapit sa akin ng isang guard sabay sinundan si Ryder. Kahit hindi namin makita ang daan ay patuloy lang kaming dalawa ni Ryder sa pagtakbo.

"Ready the car." Utos ni Ryder sa maid na nakatingin sa kaniya na nagtataka sabay nabaling ang tingin nito kay Neo na buhat ni Ryder.

"Bakit po Si--"

"FUCKING READY IT!" nagulat pa ito sa biglang pagsigaw ni Ryder kaya dali dali itong lumabas upang ihanda ang sasakyan.

"Babe, what's happening here?" Napatingin ako kay Noemi na kakalabas lang mula sa kwarto ni Ryder. Bakit pa kaya naka wheelchair ito eh halos ilang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang aksidente sa kaniya.

Kita kong napadako ang mata nitong Noemi sa walang malay na si Neo at masama niya itong tinitigan. Napangisi naman ako dahil lumalabas ang tunay nitong ugali.

"Why not give it to Reiner?" Ngunit hindi na ito pinansin pa ni Ryder dahil tumakbo palabas si Ryder sabay dahan dahan inilapag ang katawan ni Neo sa backseat.

Agad naman akong nagtungo sa kotse ko upang sundan sila dahil baka masampal ko lang si Noemi kapag nagpaiwan ako doon.

Naunang nakarating si Ryder sa hospital dahil natraffic pa ako tangina talaga.

Pagkarating ko ay may nag-gayad sa akin kung nasaan si Neo at nasa isang Private room ito.

"Ano daw nangyari?" Tanong ko kay Ryder nang makarating na ako. Napatingin ako kay Neo na may dextrose na ito. Nasa tabi naman nito si Ryder na pinupunasan ang mga pawis ni Neo. Tignan mo 'tong gagong 'to ngayon grabe naman yung care na pinapakita kay Neo hindi ko talaga alam ano tumatakbo sa utak nito.

"The doctor said he will be fine soon, he is just having high fever." Napatango naman ako sa lumapit sabay umupo sa sofa  sa gilid ng kama.

"Huwag mo ng ibalik sa curse room si Neo." Seryoso ang tono ko ng sabihin ko iyon, hindi umimik si Ryder dahil nakamasid ito sa natutulog na Neo. Pakiramdam ko ay nagkakagusto na 'tong si Ryder kay Neo at hindi lang magawang maamin dahil kay Noemi. Patayin ko nalang kaya si Noemi.

"Pwede bang bumili ka ng maraming pagkain? I want Neo to eat more once he woke up." Napataas naman ang kilay ko dahil sa utos nito pero lumabas rin ako at namili ng mga pagkain.

"That will be 1,151 pesos sir." Kumuha ako ng 1,200 pesos sa pitaka ko't binigay sa cashier. Nag-order rin ako ng mga healthy foods dahil nababagay iyon kay Neo lalo na't may sakit ito ngayon.

Pagkakuha ko ng mga pagkain ay nagtungo agad ako sa hospital naglakad papunta sa kwarto kung nasaan si Neo. Halos gusto ko pa ngang mabitawan ang mga pagkain dahil sa nasaksihan ko.

Si Ryder na nakahiga katabi si Neo at yakap niya ito at parehong tulog. Dahil sa kapilyuhan ay kumuha ako ng phone ko sabay tinutok sa kanila upang makuhaan sila ng litrato.

Please lang Ryder sana naman magising kana sa katotohanan at si Neo talaga ang mahal mo hindi na si Noemi.

Cohen's  PoV

Nagising ako nang may naramdaman akong may nakatitig sa akin. Pagkamulat ko ay bumungad kaagad sa akin ang mukha ni Neo. I smiled since he is looking better now.

"You're awake, are you hungry?" Dahan dahan itong tumango kaya tumayo ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang pagkain na nasa lamesa. Mukhang umalis na si Reiner dahil may nakita akong sticky note sa plastic na may nakasulat na 'Take care of Neo' napailing nalang ako dahil dito.

Kinuha ko ang mga pagkain sabay inilapag sa mini table katabi ng higaan ni Neo.

Kita kong nanginginig pa ang kamay nito at laging nalalaglag ang pagkain na isusubo niya sana. Natawa naman ako nang mahina dahil malungkot na nakatingin si Neo sa pagkain.

"Let me help you." Sabay umupo sa tabi niya at kinuha ang kutsara mula sa kamay niya sabay isinubo sa kaniya ang pagkain. Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakikita ko dahil nakanganga si Neo at nag-aabang sa pagkaing isusubo ko.

He's so fucking cute.

Matapos nitong makakain ay inabutan ko ito ng tubig at uminom naman ito. Pakiramdam ko ay iba ang ugali ni Neo kapag siya ay may sakit dahil imbes na masama ang tingin nito sa akin ay malumanay ang mga mata nito at tahimik lang siya.

"Do you need anything else?" Tanong ko dahil mukhang may gusto pa itong sabihin.

"C-can I have desserts?"

Putangina talaga, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit ba parang sasabog na ang puso ko ngayon lalo na't ngumuso itong si Neo. I really can't resist his look, damnit!

"Sure, I'll ask someone to buy you desserts." Nakangiti kong sabi dito sabay hinaplos ang buhok nito.

Nag-utos ako sa isa sa mga tao na nasa labas ng room upang mabilhan ng desserts itong si Neo makalipas ng kalahating oras ay dumating na ito kaya nagpasalamat ako dito at binayaran siya.

"Here's your dessert." Natuwa pa ako nang makita ang pagningning ng mata nito nang makita ang maraming desserts na pinabili ko. Nagpapalakpak pa siya sa tuwa at natawa ako dahil para siyang bata.

"Salamat Ryder!" Nagulat pa ako nang tawagin ako nito sa pangalan ko. Parang gusto ko iyon marinig sa kaniya lagi.

Nakaupo lang ako ngayon dito habang pinagmamasdan siyang masayang kumakain ng desserts.

Makalipas ang ilang araw ay unti-unti na ring bumabalik ang dati niyang kulay at unti-unti na ring bumabalik ang dating ugali nito kaya ngayon ay seryoso na siyang nakatingin.

"What are you doing here?" Parang ayaw kong makita ang ganitong ugali ni Neo, sobrang lamig ng tingin nito sa akin. Pero hindi ko siya masisisi dahil malaki ang kasalanan ko dito.

"You suddenly got high fever." Pagpapaliwanag ko habang nakaupo sa sofa.

"You should have let me die." May kung anong kirot sa puso ko nang sabihin niya iyon. I can't imagine Neo dying.

Hindi na ako makaimik matapos iyon tanging ingay lang sa telebisyon ang maririnig sa loob ng kwarto.

"Oh, magaling ka na pala, Neo!" Buti naman at dumating itong si Reiner na may dalang mga pagkain.

Nagtungo sa tabi ni Neo si Reiner sabay inilapag ang dala nitong mga pagkain sa lamesa.

"Ito kain ka ng marami Neo, tignan mo namamayat kana!" Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ni Neo at seryoso pa rin itong nakatingin kay Reiner.

"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ni Reiner dito sabay hawak sa mukha niya, kita kong umiling naman si Neo at tinitigan ang pagkaing dala ni Reiner.

Habang pinagmamasdan si Neo ay nakokonsensya pa rin talaga ako sa ginawa ko dito. Naiinis ako sa sarili ko na hinayaan ko muli ang galit ko ang kumontrol sa akin kaya nasaktan ko muli si Neo at nagkasakit pa ito dahil sa kagagawan ko.

Mangangako na ako sa sarili ko at hindi na muli hahayaan na mangyari ito kay Neo dahil baka hindi ko na mapatawad pa ang sarili ko.

Matapos ang araw ay nakalabas na rin ng hospital si Neo. Pinahanda ko ang kwarto nito sa bahay at pinaayos. Sinabihan ko rin ito na hindi na siya sa Curse room kundi sa mas malaking kwarto na ito ngunit ang sabi nito mas gusto niya sa dating kwarto niya kaya wala na akong ginawa.

Pagkarating sa bahay ay yumakap agad si Sevianna rito habang umiiyak.

Ngayon ay mas nakonsensya muli ako. Hindi ko naisip na magkaibigan nga pala ang dalawang ito at laging magkasama kaya malabo rin na saktan niya si Sevianna. Napatingin ako sa gawi ni Noemi at nagulat nang makita ang masama nitong tingin kay Neo.

Nagkamali ba talaga ako sa kaniya? Dapat ba talagang nakinig ako kay Reiner at pa-imbestigahan itong si Noemi?

"Babe!" Nakangiting lumapit sa akin si Noemi kaya lumuhod ako sa harap nito at hinalikan siya sa pisnge.

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil kahit anong gawin ko nakikita ko talaga si Noemi sa babaeng nasa harap ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...