Crush Kita Since 1998

By Jando_Oh

2.7K 566 90

[COMPLETED] From 2019 to 1998. Siya si Ereneo Tesorio Laurente, isang Grade 10 student. After being rejected... More

Crush Kita Since 1998
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note

Chapter 2

128 17 0
By Jando_Oh

Umuwi ako sa bahay galing sa eskwelahan. Nagse-sermon na naman si nanay habang yung dalawa kong kapatid—isang lalaki at isang babae, nagce-cellphone lang at relax na relax sa sofa.

Stress na nga dahil sa pag-alala ng mga masasakit na nakaraan, lalong nadagdagan yung stress dahil sa mga bulyaw ni nanay sa may kusina at eto ang mga kapatid ko sa sala, parang hindi pinapagalitan.

Napasabi ako sa kanila na mahina ang boses, "Hay nako, nagagalit na nga siya at nagse-sermon, nagawa niyo pang magselpon-selpon lang dyan?" sinadya kong hinaan ang boses ko para hindi nila marinig.

Pumikit ako, at ibinuka ang aking mga mata, nagbuntong-hininga ng isang beses, ipinikit ulit ang mga mata, bumukas ulit, at hindi nalang pinansin ang mga nangyayari sa pamamahay na 'to.

Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at sinara ang pinto. Hindi ko trip maghapunan ngayon kaya humiga na ako sa kama at natulog.

Kinabukasan, ganon pa rin. Gigising para magsipilyo, maliligo sa banyo, pagkatapos ay magsuot ng uniporme at papasok na ulit sa paaralan.

Nang tapos na ako sa pagbibihis, kinuha ko yung cellphone ko kasi tumunog kaya't binasa ko yung message.

Ryle: hoy Ernesto! LAC session mamaya! Half day lang yung pasok. Punta ka dito sa'min mamaya maglaro tayo ng left 4 dead.

Pagkatapos kong basahin ay lumabas ako papunta sa kusina para mag almusal.

"Oh, anak. Handa ka na pala. Kunin mo na yung baon mo dyan sa lamesa." Ani mama nang makita niya akong umiinom ng kape sa mesa.

Kinuha ko yung singkwenta.

"Punta na'ko sa eskwelahan." Saad ko habang naglalakad na'ko palabas ng bahay.

"Ingat ka." Sabi ni mama.

Pinindot ko ang power button ng phone ko at umandar ito para tingnan ang oras.

Tuesday, March 19, 2019. 6:45AM

Kaya naman lumakad na'ko papunta sa school. Medyo malayo yon kung lakarin pero maaga pa naman kaya hindi ako ma l-late dumating don.

Sa aking paglalakad, parang nararamdaman kong may kung anong lalabas sa akin, na hindi ko matuloy kung ano, at ngayon ay buo ko nang naunawaan—maiihi ako. Kaya napadaan ako sa public toilet dito sa likod ng merkado para umihi.

Pumasok ako sa loob at isinara ang pinto ng cr. Madami kasing mga bobo dito sa lugar namin na walang pinag-aralan na mahilig mantrip at puhunan ang vandalism para sa kanilang katarantaduham, pati pader ng public toilet pinagti-tripan.

Ginuguhitan ng titi at kung anu-anong kabastusan ang palibot ng cr. Napaka-walang hiya talaga.

Pinigilan ko ang paghinga ko dahil ang baho dito sa loob.

Binubuksan ko na ang zipper ng pantalon ko para makapag-ihi na. Habang binubuksan ko ito, bigla nalang nagliwanag ang paligid!

Napakaliwanag nito! Kahit saang sulok ako tumingin ay maliwanag talaga! At sa sobrang liwanag ay wala na akong ibang makita kundi puti.

Pinilit kong takpan ang aking mga mata ngunit napakaliwanag talaga! Ano na naman kaya ang nangyayari sa mundong ito!?

Ano ba 'to? Hiwaga ba 'to oh kawalang hiyaan lang!? Jusko naman palagi nalang akong biktima ng mga katarantaduhang nangyayari dito sa mundo!

"Tulong! Nakakabulag ang liwanag! Sino bang siraulong naglagay ng ilaw ng eroplano dito sa cr na 'to!" Nagsisisigaw na'ko at patuloy na nahihirapang hanapin ang pinto palabas ng cr dahil sa sobrang liwanag.

"Ang sakit na ng mata ko!" Natataranta na'ko. Unti-unti akong nawawala sa sarili ko. Gusto ko na magwala.

BOGSH! Tunog ng pintuan ng cr na kumalampag, na tumalsik kasabay ng pagtalsik ko palabas ng cr. Nahampas ako sa lupa, pero nasa likod ko yung pintong nasira.

"Ay mahabaging langit!" Nagtinginan ang mga tao sa'kin nang nakahiga ako sa lupa at ang natanggal na pintuan ng cr ang nagmistulang banig ko.

Dali-dali akong bumangon dahil nakaramdam ako ng hiya nang pinagtitinginan ako ng mga tao.

"Sinira nya ang pinto ng public toilet na kakagawa lang."

"Oo nga, siguro baliw yan."

Bulung-bulungan ng mga chismosang babae na nagtipon para makipagtinginan.

Di ko matiis na sinabihan akong baliw. "Hoy! Narinig ko yon ah! Hindi ako baliw, babae! Sadyang may baliw lang na nantrip sa'kin sa loob ng cr kaya wala akong makita sa sobrang liwanag!" Tinuturo ko pa sya habang sini-sermonan. Nakakainis eh.

At saka ako umalis.

Di tuloy ako nakaihi. Bwisit na cr 'yon. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papuntang eskwelahan.

Nadumihan tuloy itong uniform ko dahil sa alikabok at dahil sa pagkataranta ko kanina sa cr.

Ang duming cr non eh tas ambaho pa, hindi na kayang linisin yung mga titeng nakaukit dun sa pader ng cr dahil sa sobrang tagal ng mantsang nakakapit sa lugar na yon.

Bata pa ako, nakaukit na yon doon.

Siguradong mapapagalitan na naman ako ng letseng teacher namin na bakla na si Sir Celvin Mamaril. Yung bunganga nya parang baril kung magsalita, ang ingay eh. Kaya dapat lang sa kanya yung apelyidong Mamaril.

Nakarating na ako sa gate ng eskwelahan namin. Parang lumiit yata 'tong gate ah? Tsaka nag-iba yung kulay ng pintura. Pink yung pintura nito eh, bakit naging yellow?

"Hoy, anong tinitingnan mo sa gate na yan? Dalian mo na at baka ma-late ka sa klase nyo." Sabi ng panot na security guard na nakatayo sa harap ng guard house niya sa gilid ng gate.

"O-Opo, ser." Sagot ko bilang paggalang. Pero imbes na lumakad na, nagkaroon ng tanong sa utak ko na gusto kong masagot. "Teka, bago ba kayo dito? Ngayon ko lang kayo nakita. Nasan ba yung dating security guard na may buhok?"

"Anong bago!? Dalawang dekada na akong sekyu dito sa Banyaga High School ah!" Matapang na sinabi ng kalbong guard.

"Ay ganon po ba? Sorry ha ngayon ko lang kasi kayo nakita eh." Sabi ko naman.

"Baka transferee ka lang? Malapit na mag closing tapos ngayon ka pa nagpa-transfer ng paaralan. Bakit may necktie ka at kulay asul 'yang uniporme mo? Galing ba yan sa dati mong school? Lumakad na ka!" Nagagalit na ang security guard.

"Opo lalakad na po," Kaya lumakad na ako. Nakakailang yung security guard na 'yon ah, ang sungit.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin, nababaguhan ako sa paligid nang nililibot ito ng tingin.

Bakit nawala yung classroom building ng senior high? Palagi kong nakikita dito 'yun pag dumadaan ako papuntang classroom namin.

Tapos, may nakikita akong mga puno. Nawala yung SSG Office bandang kanan at mga puno ang pumalit. Anong nangyayari dito?

Paglingon ko kung saan nandoon yung canteen, wala akong makitang canteen kundi isang puno na naman na merong gulong na nakabitin.

At sa wakas ay nakarating na ako sa classroom namin at pasimpleng pumasok.

Pagpasok ko, hindi pamilyar itong mga mukhang nakikita ko dito sa loob. Nababaguhan ako sa design ng classroom namin, at kakaiba talaga ang nararamdaman ko. Kaya napahinto ako.

"Teka, sino kayo?" Tanong ko sa kanila, na dahilan ng paglingon nila sa'kin.

Nagtinginan silang lahat at lalo akong nailang sa mga pangyayari. Puti yung polo nila, at wala silang necktie, at ganon pa rin yung slacks nila—kulay itim. Yung mga babae naman, naka-plain white blouse lang din at nakakulay dark blue na palda. Pang-elementary 'tong mga uniform na 'to ah? Bakit nila sinusuot?

"Kami dapat ang magtanong sa'yo nyan. Sino ka?" Tanong ng isang babaeng maganda na hindi ko pa nakita kahit kailan. Nakasuot siya ng salamin at naka-short hair.

"Anong sino ka? Ikaw ang sino." Sagot ko naman sa kanya. "Bakit nandito kayo? Anong section ba kayo?"

"Ang angas mo naman tol." Mayabang na sinabi nung isang lalaking nakaupo sa upuan ni Ryle. "Section A kami dito. Baka naliligaw ka lang?"

"Ah ganon? Section A rin ako eh. Tsaka bakit ka nakaupo sa upuan ni Ryle?" Sabi ko.

"Sinong Ryle? Naguguluhan ako sa'yo eh. Sino ka ba? Wala kaming classmate sa section na 'to na katulad mo." Dagdag pa nung lalaking mayabang.

"Guys, wag nyo naman siyang awayin. Baka transferee lang sya." Mahinahong sinabi nung isang babaeng mas maganda pa dun sa babaeng naka-short hair with glasses.

Mahaba ang kaniyang buhok, at maamo ang kaniyang mukha.

"Maging mabait naman kayo sa kanya." Sinabi niya pa, at tumayo sya sa kinauupuan nya at naglakad palapit sa'kin.

"Hi, I'm Kylah. Ikaw anong pangalan mo?" Bati nya, na nilapit ang kamay nya sa'kin at mukhang gustong makipag-shake hands.

Te-te-te-teka. H-H-Hindi ko 'to nakasanayan ah. B-B-Bakit kusa syang lumapit sa'kin para makipagkamay?

Hindi ako makagalaw. Nararamdaman kong may pumupula sa pisngi ko. Pero hindi.

"Di mo ba nakikita? Ayan oh may ID na nakasabit sa leeg ko oh tignan mo tignan mo!" Masungit kong sinabi at tinuturo yung ID na suot ko. "Kayo, bakit wala kayong mga ID?" Tanong ko sa kanila. "Kailangan ang ID kase dun nakalagay ang pangalan ng estudyante! Para di na tanong nang tanong!"

"Ang sungit mo ah. Ikaw na nga yung kinakamusta tapos ganyan pa yung asta mo." Sabi na naman nung isang lalaki kanina. Medyo mayabang siya ah, hindi ko gusto yung tono ng boses niya.

Naguguluhan ako. Sino ba 'tong mga taong 'to?

Nagbalikan sila sa mga upuan nila nang may isang teacher na naglalakad papunta dito na bitbit ang bag nya at dinig na dinig ang mga lakad ng sapatos niya sa hallway.

Pati yung babaeng nagpakilala na nagngangalang 'Kylah' ay umalis na sa harapan ko. Hindi ko sya kinamayan.

Habang papalapit yung lalaki, napapansin kong hindi siya si sir Celvin Mamaril. Siguro substitute teacher 'to. Pumasok na nga siya sa classroom at nilatag sa mesa ang bag nya.

"Good morning class." Saad ng teacher.

Sabay-sabay silang nagsitayuan at sumagot, "Good morning sir."

"You may take your seats." Sabi ng teacher, at nagsiupuan ulit sila sa kani-kanilang mga upuan.

Habang inaayos nung teacher yung gamit nya, napansin niya yata akong nakatayo lang. "Excuse me, mister? Bakit hindi ka pa nakaupo?"

"Eh wala akong upuan eh." Sabi ko.

"Teka, ngayon lang kita nakita ah. Anong pangalan mo? At anong section ka?" Aniya.

"Ereneo Tesorio Salvacion Laurente po ser, at section A ako." Sagot ko naman.

"Ereneo? Section A ka? Wala akong estudyanteng Ereneo. Transferee ka ba?" Tanong na naman niya sa'kin.

"Naligaw yata dito 'yan, sir." Sabi nung mayabang na lalaki kanina. At nagtawanan ang klase.

"Hahahaha! Naligaw daw! Hahaha!"

"Hahaha! Naligaw lang pala eh! Baka asong kalye 'yan na napadpad dito!"

"Okay, enough. Quiet." Tugon ng teacher.

"Excuse me, sir. Can I speak?" Sabat nung Kylah na tinataas ang kanan niyang kamay. Napunta sa kaniya ang aming mga tingin. "Pwede bang dito na muna si Mr. Transferee while hindi nya pa nase-settle yung section nya? Para hindi na po siya mahirapan sir."

Kaya nagpalipas ako ng buong maghapon dito sa classroom na ito at nang mag-uwian na, dali-dali akong umalis at lumabas sa gate.

Hindi ako nakapunta sa sinasabi ni Ryle sa'kin na maglaro daw kami ng left 4 dead.

Teka, sabi niya half day lang daw ah? Bakit whole day yung klase kanina? Tapos wala siya? Siguro nag-absent sya para maglaro. Walang hiya ka talaga Ryle.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Ryle. Nilagay ko sa tenga ko at ang narinig ko ay "the number you have dialed is incorrect."

Ba't di sya matawagan?

Binuksan ko nalang yung mobile data ko at pinindot yung messenger. Pag bukas ng application ay bigla rin itong nawala.

The app you have selected does not exist.

Nagloloko yata selpon ko. Kaya hinayaan ko nalang at binuksan ko nalang yung fb lite.

The app you have selected does not exist.

Hindi rin mabuksan. Bakit ganito? Ano ba'ng nangyayari? Sinubukan ko sa lahat ng apps na pwede ako makapag-chat online pero hindi pa rin bumubukas!

Lumulubog na ang araw. Naglakad nalang ako papunta sa bahay namin. Nababaguhan ako sa paligid. Ang daming nawawala, at ang daming naging bago.

Yung dating apartment building na may tatlong palapag na nadadaanan ko pauwi sa bahay namin, naging dalawang palapag nalang.

Yun namang karinderya ni aling Rosel, naging isang tindahang maliit.

Yung matandang laging nakapwesto yung shoe repair stand nya dito sa gilid ng kanto, wala na rin.

Pagdating ko sa bahay namin, naging isang bakanteng lote ito. Nawala yung gate at may nakalagay nalang na karatulang nagsasabing lot for sale.

Teka, bakit ganito!? Kinakabahan na'ko. Tinawagan ko yung number ng nanay ko, pero hindi rin sya matawagan!

Lahat ng nasa contacts ko ay hindi matawagan! Hindi rin gumagana yung mga online messaging apps! Ano ba'ng nangyayari?




Continue Reading

You'll Also Like

109K 4K 30
Isang kasalanan ang nagawa nila sa nakaraan. Naitago man nila ito ay sisingilin naman sila nito sa kasalukuyan! Ito na ang ika-pitong aklat ng SCHOOL...
259K 11.2K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
513K 17.2K 49
" Never in my whole life did I expect that the reason why I fell in love was just because of a chatting robot. " -Myrah Si Myrah Jimenez ay isang a...
13K 1.2K 45
Abaddon School (Part 1) - Completed Abaddon School (Part 2) - Completed Abaddon School: The Last Fight (Part 3) - Soon Best in Horror - WritersPh...