Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

496K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter LII

4.9K 183 26
By Invalidatedman



*Reggo




Last day before graduation...





Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Lahat ng taong nakapaligid 'sakin, halos walang pagsidlan ng ngiti sa tuwa. Ikaw ba naman ang makatapos ng college. Hindi rin biro 'yung pagpupuyat at pag-aaral ng sandamakmak na lessons, isabay mo pa 'yung mga research and projects. Madami na ring nagbibigay sa akin ng pagbati nila ukol sa aking pagtatapos. Dapat matuwa ako. Dapat natutuwa ako. Dapat 'yun 'yung nararamdaman ko. Pero nakakatawa lang kasi hindi ako masaya. Oo, pre-occupied 'yung isip ko pero hindi dahil graudation na bukas o dahil pagkatapos ng kinabukasan ay umpisa na ng paghahanap ng trabaho. Pre-occupied ang isip ko kasi hanggang ngayon, ni anino ni Gray wala akong makita.




Ilang araw ko siyang hinintay. Ilang araw namin siyang hinintay. Akala namin tinatamad lang siya. Bawat araw na lumilipas, positive ako na baka bukas, papasok na siya. Pero bigo ako. Sa bawat araw na nagdaan wala akong Gray na nakita. Kahit anino o hangin ng kanyang pagdaan, wala akong nakita. Ilang beses kaming pumunta sa bahay nila pero walang sumasagot. Nawalan naman ako ng contact number ni Tito kaya hindi ko siya matawagan. Tinry ko ring kausapin 'yung mga kaklase niya, pero wala rin silang maibigay na impormasyon. 'Yung mga faculties, puro ngiti lang 'yung sinasagot sa'kin.




Ilang gabi na akong hindi pinapatulog nito. Gulong gulo na ako kung nasaan siya. Minsan, makikita ko na lang 'yung sarili kong umiiyak dahil hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.





"Dude... ano ba? Take it easy. Darating 'yun bukas." pag-aalo sa akin ni Trey.




"Wala siyang diploma 'pag 'di siya umattend. Hahaha. Siya din. Easy ka lang jan." segunda ni Jed.




"Hindi eh. Hindi ko maiwasan kasi. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na mag-relax, hindi ko magawa eh." bakas sa boses ko 'yung frustration, lungkot, inis. Halo-halo na. Nasabunutan ko ng bahagya 'yung sarili ko. "Gusto ko lang naman malaman kung ok siya eh. Kung na'san siya. Kasi wala akong maisip eh. Namamatay na ako sa kakaisip. Ok lang naman sa'king magsinungaling siya, basta may panghawakan lang akong salita niya... ok na eh."





Maya-maya pa, biglang nahagip ng mata ko ang isa sa mga instructor sa Literature ni Gray noon. Kaya naman dagli akong tumayo at nilapitan ito.





"Ma'am, pwede po ba kayong makausap?" bungad ko.




"Oh? Mr. Redentor, tungkol saan naman 'yan?" wika niya ng hindi tumitingin sa akin.




"Ah ano po kasi... Ma'am, itatanong ko lang po sana kung alam niyo kung bakit hindi umaattend si Gray ng mga meetings about graduation? Alam niyo na po, concern lang po ako kasi baka hindi niya alam 'yung gagawin niya bukas." paliwanag ko.





Tumingin lang ito sa akin ng parang nagtatanong at saka bumuntong hininga.





"You know hijo, alam kong close kayo ni Mr. Remulla kaya naman nabigla ako dahil hindi mo ito alam. Although yes, Mr. Remulla wants this thing to be private, pero hindi ko inaasahan na ganito ka-private. You know... pati sa inyo ng mga kabigan mo, itatago." biglang sumikip 'yung dibdib ko sa mga sinasabi ni Ma'am. Bakit parang kinakabahan ako? Parang hindi ko gusto 'yung nangyayari?




"Ano pong ibig niyong sabihin Ma'am? Ano po 'yung ayaw niyang ipaalam?"




"Matagal na kasi itong iniaalok sa kanya but at first, he turned down the offer. Some personal matters daw. Pero nabigla na lang ako ng bigla siyang kumatok sa office ko with a girl eh. Teka, I forgot the name. If I'm not mistaken, classmate niya 'yun eh. Teka, let me..."





Biglang pumasok sa akin 'yung babaeng binuhat niya at 'yung babaeng ipinakilala niya sa amin sa canteen.





"Si Denisse po ba?"




"Yes, exactly. Ms. Denisse Encarnacion. Kasama niya 'yung pumunta sa faculty. Tinanong niya kung available pa daw ba 'yung offer para sa kanya and luckily, available pa naman kaya kinuha niya. Hindi ko alam kung anong nangyari at biglang nagbago 'yung isip niya." mata sa mata niyang paliwanag sa akin.




"Eh Ma'am, ano po ba 'yung offer na sinasabi niyo?" magalang kong tanong.




"Offer sa kanya papun..." biglang naputol 'yung sinasabi niya. Nagsalubong 'yung kilay ko dahil sa biglaan niyang paghinto, pero noong marealize kong parang may tinitingan siya sa likod ko, bigla rin akong napalingon. "Mareeee!" halos mapalundag ako sa gulat.






And just like that, naglaho na naman 'yung pag-asa kong malinawan sa lahat ng nangyayari.




Out of the blue, biglang nag-appear sa utak ko na baka pwedeng si Denisse 'yung tanungin ko dito since siya 'yung kasama ni Gray noong oras na 'yun. Kaya naman wala na akong sinayang na oras. Kaagad akong nakipagsiksikan at hinanap 'yung timbon ng mga mag-aaral ng BA-Communications.




Nahirapan ako dahil sa sobrang laki ng pagdadausan at sa dami ng mga gagraduate, hindi birong magpaikot-ikot. Pero dahil sa kagustuhan kong maintindihan ang lahat, para masagot 'yung mga katanungan sa isip ko, hindi ko ininda 'yung pagod, 'yung dami ng mga makakabangga kong estudyante, 'yung pwis, 'yung init. Lahat 'yun tiniis ko at nagbunga naman dahil nakita ko 'yung hinahanap ko.





"Ate! Ate! BA-Comm ka ba?" bungad ko sa babaeng nakita ko.




"Opo. Bakit po?" nagtataka niyang sagot.




"Pwede mo ba akong dalhin kay Denisse Encarnacion? Classmate mo ata 'yun." pero isang apologetic look lang ang nakuha ko.




"Kuya, ibang section po kasi ata 'yung sinasabi niyo. Itry niyo po sa kanila." sabay turo niya doon sa may 'di kalayuan. "Sa section po kasi namin, walang ganyang pangalan."




"Ganun ba? Sige. Salamat."





Sinusog ko 'yung direksyong itnuro niya sa'kin. At sa kabutihang palad naman ay mabils akong nakatagpo ng isang BA-Comm student ulit.





"Kuya, BA-Comm student ka po diba? Baka po kilala niyo si Denisse Encarnacion? Classmate niyo po ata. Graduating din." tanong ko.




"Ah... Oo! Si Denisse. Kaklase ko nga siya. Bakit?" Bigla akong nabuhayan ng loob. Kahit papano, may sumilip na kahit konting pag-asa para sa'kin.




"Na'san siya? Kailangan ko lang siyang makausap." sagot ko dito at hindi na nagpaliguy-ligoy pa.




"Aww. Eh kakauwi niya lang kanina. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Basta maaga siyang umuwi. Teka, itatanong ko sa kanila ha?" para na naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Parang ayaw ng tadahanang masagot 'yung mga agam-agam ko.




"Si Denisse? Umuwi siya agad eh. Emergency ata." sagot nung kaklase niya at saka ako tiningnan. "Boyfriend ka niya, kuya?" malokong tanong nito.




"Ay hindi po." natatawa kong sagot. "Contact number? Baka may contact number niya kayo?"




"Ano kasi kuya... medyo tahimik kasi 'yan si Denisse. Matipid 'yan sa mga impormasyon na binibigay niya. Ang pagkakaalam ko, walang nakakaalam ng contact number niya maging address niya sa buong klase eh. Try mo sa admin, baka ibigay sa'yo."





Laglag balikat na lang ako nagpasalamat sa kanila at saka malungkot na bumalik sa pila. Lutang 'yung pakiramdam ko hanggang pag-uwi. Hindi ko maisip kung bakit nagkakaganito lahat. Oo, nagkamali ako. Pero hindi ba pwedeng second chance? Hindi na ba pwedeng itama lahat? Bakit tingin ko, 'yung tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para magkalayo kami?




Ang tanging pinanghahawakan ko na lang ngayon ay 'yung mga pangako namin sa isa't isa dati. Sabay kaming gagraduate. Kukuha kami ng isang condo. Sabay kaming mag-apply ng trabaho at magiging masaya kami. Habang binabalikan ko 'yung mga ala-alang 'yun, doon ko narealize kung gaano ako kasaya kapag nanjan siya.




Habang nakatingin sa kisame, dala ko pa rin 'yung bigat sa dibdib ko. Alam kong walang kasiguraduhan 'yung pwedeng mangyari bukas. Pwedeng pumunta siya, pwede ring hindi. Pero naniniwala akong pupunta siya. Kahit isang porsyento na lang 'yung pag-asa, kahit kasing kapal na lang ng hibla ng buhok 'yung chance na pupunta siya bukas, panghahawakan ko 'yun. Gusto kong maniwala na hindi pa huli 'yung lahat para sa'min. Gusto ko pang itama ang lahat. Gusto ko pa siyang makasama.


***

A/n: ENDING NA PO ANG KASUNOD.

Continue Reading

You'll Also Like

1K 132 59
At Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a p...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
15.7K 731 38
Simon De Vera, isang introvert student at discreet na nag-aaral sa isang sikat na school sa lugar nila. Matagal na niyang tinatago ang buong pagkatao...
143K 9.4K 43
Hanggang sa Lokohan na nga lang ba?