Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

495K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter LI

5.3K 178 29
By Invalidatedman



*Reggo









"Ano? Wala kayong balita?" bungad kong tanong kina Trey at Miko. Napakipit na lang sila ng balikat. "Tatlong araw na lang before graduation ah. Hindi pa rin siya nagpapakita."




"Ewan ko ba jan sa mga 'yan. Naturingang kaklase, hindi alam kung saan nagsususuot 'yung kaibigan nila." sarcastic naman na pasaring ni Jam.




"Aba, eh sa wala talaga eh. Ginawa na namin lahat. Ayaw sumagot sa text at tawag. Pinuntahan na namin doon sa mga pwede niyang puntahan, wala din daw. " sagot ni Miko. Napahilamos na lang ako ng kamay sa aking mukha. "Eh huli kong nakita 'yun eh noong hinatid niya si Reggo galing dun sa bar."





Bigla akong napatingin kay Miko na bigla namang tinakpan 'yung bibig niya. Napataas ako ng kilay. Tama ba 'yung narinig ko? Akala ko silang dalawa lang 'yung sumundo sa'kin sa bar?





"Anong sabi mo? Sinundo niya ako sa bar? Sinundo niya rin ako sa bar?" pero wala akong nakuhang sagot sa dalawa. Nagtutulakan lang sila at hindi alam kung sinong sasagot. "Hoy! Ano ba?! Tinatanong ko kayo diba?"




"Ano... Reggo, ano kasi eh..." nauutal na sagot ni Miko.




"Ano?!" tumataas na 'yung boses ko.




"Nakiusap kasi siya sa'min na kung pwede, hindi mo malaman na siya 'yung naghatid sa'yo?" medyo patanong 'yung tono niya. "Actually, siya talaga lahat. Simula sa bar hanggang paghahatid sa'yo doon sa bahay niyo, siyang gumawa."





Para akong napako sa kinauupuan ko. Pagkagising ko noong araw na 'yun, sobrang sakit ng ulo ko. Parang mabibiyak. Pero hindi ko alam kung nanaginip ba ako o totoong nangyari na pinasan niya ako sa likod niya tapos nag-usap kami at may mga sinabi ako sa kanyang mga bagay na hindi ko man maisalysay ng kumpleto, eh may mga bahagi pa naman akong natatandaan. Natatandaan ko pa rin 'yung mga ilang bagay na sinabi ko sa kanya. Akala ko panginip lang! Akala ko hindi totoo! Hindi naman niya 'yun kamukha dahil sabi nga nila, si Gray 'yung sumundo sa'kin. So posibleng hindi panaginip? Mali! Hindi talaga siya panaginip. At dahil hindi panaginip, posibleng nalaman na niya 'yung mga nararamdaman ko.





"Mas kailangan ko siyang makita ngayon." sabay tayo ko. Plano ko siyang hanapin. Kung alam na rin naman niya at sinabi ko na sa kanya, ano pang silbi ng pag-iwas ko?




"Teka... teka. Hindi nga natin mahanap diba? Tsaka, paano mo sisimulan?" tanong ni Jed.





Napaupo na lang ako ng ma-realize kong ilang araw na nga rin pala ang lumipas simula nung may huli kaming mabalitaan kay Gray. Tuwing gabi, hindi ko talaga maiwasang mag-alala eh. Napaka-uncharacteristic kasi sa kanya 'yung bigla na lang mawawala ng walang paalam.




Sa sitwasyon namin ngayon, parang mas gusto ko pa 'yung dati eh. 'Yung hindi kami nagpapansinan? Atleast, nanjan siya diba? Hindi katulad ngayon na ni pasabing ayos lang siya, walang kasiguraduhan. As much as possible, nagiging positive ako. Ayokong mag-isip ng masama. Isa pang inaalala ko ay 'yung sa graduation niya. 





"Sigurado naman aattend siya ng graduation diba? " tanong ko.




"Siguro naman. Graduation 'yun eh." sagot ni Trey.





Hanggang ngayon, tentative pa rin. Pati pag-attend niya sa graduation, hindi pa rin masabi. Na'san ka na ba kasi Gray?!






***






Pre-occupied ang isip ko ng mga nangyayari. Ang daming mga nangyayari na hindi ko maintindihan. Kung bakit walang balita kay Gray, kung bakit hindi siya umaattend ng mga meetings about sa graduation at si Tim. Hindi ko alam kung nagiging paranoid lang ako o talagang iniiwasan niya ako. Tuwing iaaproach ko siya, palagi na lang siyang nagmamadali, palagi siyang may gagawin. Isa pa sa iniisip ko ay baka may nagawa ako sa kanyang mali. Pero pigang piga na 'yung utak ko sa kakaisip kung anong mali ang pwede kong magawa sa kanya, wala talaga akong maisip.




Medyo madilim na rin noon ng may maulinigan akong dalawang taong nag-uusap sa katabing room namin. Sa 'di ko maintindihang dahilan, inilapit ko ang aking tenga sa kahoy na pinto ng silid. Hindi ko naman ugaling makinig sa usap ng iba pero hindi ko mapigilan eh. May pwersang nag-uudayok sa'king makinig.





"Hindi! Wala kang sasabihin! Umayos ka Tim. Umayos ka!" saglit akong napaatras. Boses ni Jandrix 'yun ah? At si Tim? Magkakilala sila ni Tim?




"Pero Jandrix, hindi ko na kaya! Papatayin na ako ng konsesya ko!" bakas sa boses ni Tim na natatakot siya. 




"Isipin mo na lang 'yung magiging kapalit ng pananahimik mo." saglit na natahimik ang dalawa. At dahil sa pagtataka'y, 'di ko sinasadyang makita silang naghahalikan. Nakalingkis ang kamy ni Jandrix sa leeg ni Tim habang ito'y balisa pa rin. 





Hindi ko inaasahan 'yung nakita ko. May hint naman ako eh. May hint ako na baka nga nagkakagusto rin sa kapwa niya lalaki 'tong si Tim pero hindi ko pinansin at wala rin naman sa akin 'yun. Ganoon rin naman ako diba? Pero hindi 'yun 'yung issue. Natatandaan ko, nag-open ako sa kanya tungkol kay Jandrix at tinanong ko pa siya kung kilala niya, pero hindi ang isinagot niya. Muli kong ibinalik 'yung tingin ko sa kanilang dalawa na ngayo'y nagpapalitan ng maiinit na titig. Bakit ka nagsinungaling sakin, Tim? Tanong ko sa sarili ko. 





"Walang pwedeng makaalam na ako ang nasa likod ng lahat ng ito. Hindi mo ba nakikita, Tim? Nagbubunga na 'tong pinaghirapan ko." at saka siya tumawa. "Hindi ka ba masaya na nakikita akong masaya?" 




"Pa'no ako magiging masaya, eh may natatapakan tayong tao? May nasasaktan tayong tao? Jandrix! Mababait sila! Nagmamahalan lang sila at wala naman silang ginagawang masama. Bakit ba hindi mo na lang tanggapin na hindi ikaw ang pinili ni Gray?"





*pak*





"At anong gusto mo? Magkulong ako sa kwarto't umiyak kasi hindi ako pinili ni Gray? Na mas pinili niya 'yung... pabida kong pinsan, ha? Ganun ba ang gusto mong gawin ko?" nakita kong napayuko lang si Tim. "Akala ko ba mahal mo ako, Tim? Gusto mo bang nakikitang nasasaktan ang mahal mo?" nagngitngit 'yung ngipin ko sa inaasal ni Jandrix. Obvious naman na pinapaikot niya lang si Tim!




"Pero mali 'to, Jandrix. Maling saktan natin silang dalawa." 




"Walang mali sa ginagawa natin, Tim. Sila naman 'yung nagdecide eh. Sila 'yung nagdecide na maghiwalay. 'Yung pinsan ko ang nagdecide na huwag pakinggan si Gray. At si Gray ang nagdecide na lumayo. Wala tayong kasalanan 'don." tugon ni Jandrix.





Lumayo? Anong sinasabi niyang lumayo si Gray? Siguro 'yung hindi niya pagpapakita sa'kin, sa'min at 'yung hindi niya pagpansin.





"Diba ang sabi ko nga, kung hindi rin naman ako ang pipiliin ni Gray, mabuti pang parehas kaming hindi makinabang sa kanya. And here it goes... success!" wika nito.





Dahil sa tindi ng emosyong bumabalot sa'kin, hindi ko namalayang pumasok na pala ako sa silid kung saan sila nag-uusap bitbit 'yung mga nalaman ko mula sa patagong pakikinig sa kanila.





"Reggo. Ka...kanina ka pa ba j...jan?" nanginginig na tanong ni Tim.




"Oo. Kanina pa ako nakikinig dito." matapang kong sagot.




"Hindi ka ba naturuan ni Tita na masamang makinig sa usapan ng iba?" halata sa kanya 'yung pagkabigla ng makita ako.




"At ikaw? Hindi ka ba naturuan ni Tita na matakot sa Diyos? Ang sama sama mo! Pati si Gray, nagawa mong lokohin?! Nagawa mong saktan?! Akala ko ba mahal mo siya?" wika ko habang dinuduro-duro siya. "Dahil sa kagag*han mo, naging miserable 'yung buhay niya. Tapos sasabihin mong mahal mo siya? Ganyan ka bang magmahal?"




"Hoy! 'Wag kang magmalinis dito, Reggo. 'Wag mong ipasa sa akin 'yang katang*han mo! Oo, niloko ko kayo. Pinalabas kong niloko ka niya pero 'yun lang ang kasalanan ko dito! Hindi ko na kasalanan na mas pinili mong paniwalaan ako, kaysa kay Gray! Hindi ko na kasalanan na hindi mo siya ganoon kamahal para pag-isipan siya ng masama at hindi ko kasalanan na naging miserable ang buhay niyong dalawa. Dahil ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit kayo nagkaganyan!"





Para akong hinataw ng kung anong matigas na bagay. Nawalan ako ng lakas. Parang may tumama sa aking bala ng baril. 'Yung dila kong, biglang umurong. 





"Oh ano? Natahimik ka? Kasi totoo! Totoong hindi mo siya mahal!" 




"Mahal ko siya!" sagot ko.




"Mahal mo? Eh bakit mo sinaktan? Bakit hindi mo pinakinggan? Bakit mas pinili mo pa akong pakinggan kaysa sa kanya? Ngayon, ibabalik ko sa'yo lahat ng sinumbat mo sa'kin." huminga muna siya ng malalim. "Si Gray nagawa mong talikuran, nagawa mong saktan? Akala ko ba mahal mo siya? Dahil sa kagag*han mo naging miserable 'yung buhay niya! Tapos sasabihin mong mahal mo siya? Ganyan ka ba magmahal?" 





For the second time, wala na naman akong naisagot. Parang kinain ko lahat ng sinasabi ko. Sisi ako ng sisi sa iba pero ang totoo, ako naman pala talaga 'yung may kasalanan. Kung pinakinggan ko lang sana siya, sana hindi na umabot sa puntong ganito. All this time bulag ako sa katotohanan na ako talaga 'yung nagtulak para umabot kami sa ganitong sitwasyon. Ang hirap lang tanggapin pero iyon 'yung totoo. Ako 'yung may kasalanan dito. Walang dapat ibang sisihin kundi ako.




Nanatili lang akong nakatungo sa pwesto ko at pinipigilan 'yung bugso ng mga luha kong nangingilid na. Unti-unting bumibigat 'yung dibdib ko. Parang hidni kayang tanggapoin ng puso ko na nasasaktan ko 'yung taong mahal ko.





"Oh ano? Ok na ba? Pumasok na ba jan sa kokote mo ikaw ang may gawa ng lahat ng ito?! Ha!" pero wala siyang nakuhang sagot sa'kin. Nakita kong kinuha niya 'yung bag niya at saka naglakad papalabas ng room. "So paano? Isa lang ang masasabi ko sa love story niya pinsan, ending lang. Walang happy!" 




"Teka!" saglit siyang napatigil sa paglalakad. "Di...diba nasabi mo kanina na... na lumayo si G...Gray? A...Anong ibig mong sabihin 'don? M...May alam ka ba kung na...na'san siya?"




"Uhhh. Nakakaawa kang tingnan. Hahahaha! Ang sarap pala sa pakiramdam na ganito 'no, 'yung napapaiyak kita? Hahaha." muli siyang lumapit sa'kin at tinitigan ako ng matalim. "Paano kung may alam ako? Anong gagawin mo?"





Saglit kong pinunasan 'yung luha ko at saka ko siya hinawakan sa kamay na kaagad din naman niyang binawi.





"Gagawin ko kahit anong gusto mo. Ibibigay ko lahat... lahat lahat. Basta sabihin mo lang sa'kin kung na'san siya. Kailangan ko siyang makausap eh. Kailangan kong humingi ng sorry sa kanya."




"Hahahahaha! Naeenjoy ko talaga 'to eh. Alam mo, ngayon lang kita nakitang ganyan. Pathetic. HAHAHA!" at saka umalingawngaw 'yung malulutong niyang tawa. Alam kong insulto na 'tong ginagawa niya sa'kin pero ok lang. Malaman ko lang kung na'san si Gray, kaya kong tanggapin lahat. "Wala! Wala akong sasabihin dahil wala naman akong alam! At anong pumasok sa isip mo para akalaing sasabihin ko sa'yo kung na'san siya kung may nalalaman nga ako? Diba sabi ko nga sa'yo, kung hindi din siya mapapasa'kin, mas lalong hindi sa'yo. Kaya tigil-tigilan mo ako jan sa pagpapaawa at pag-iyak mo. Mas mabuti na nga 'to eh. Atleast, nalaman nating lahat na hindi mo ganoon kamahal si Gray para talikuran at hindi na lang pakinggan ng ganoon."




"So paano Tim? Ikaw ng bahala sa tang*ang 'yan ha? Uwi na ako. Baka kasi kumatok si Gray sa bahay para alam mo na... magpainit. Baka walang magbukas sa kanya. Byee!"





Napaupo na lang ako sa upuan at napakapit sa dibdib ko. Parang mga kutsilyong bumabaon sa puso ko 'yung mga sinasabi niya at mga nalalaman ko. Walang tigil sa pagbuhos 'yung luha ko. Pilit akong tinatanong ni Tim kung ok lang ba ako pero hindi ko na siya marinig. Ang alam ko lang ay ako talaga 'yung may kasalanan kung bakit nasa ganito kaming sitwasyon ngayon. Kung pwede ko lang maibalik 'yung mga oras na 'yun, sana pala pinakinggan ko na lang siya, sana naniwala akong hindi na niya kayang gawin yun.




Hanggang sa pag-uwi walang tigil sa pagbagsak 'yung luha ko. Hindi ko na rin nakuhang magalit kay Tim dahil ang bottom line naman talaga, ay ako 'yung may kasalanan. Ako 'yung tang*. Ako na lahat.





"Tim? Gaano ba katangakad 'yang si pagsisisi at palagi na lang nasa huli?" wala akong nakuhang sagot sa kanya. "I want him back!" out of the blue, biglang lumabas sa bibig ko 'yung mga salitang 'yun.




"Then be brave enough to want him back."







Continue Reading

You'll Also Like

15.6K 731 38
Simon De Vera, isang introvert student at discreet na nag-aaral sa isang sikat na school sa lugar nila. Matagal na niyang tinatago ang buong pagkatao...
605K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
772K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
44.6K 2.5K 37
[BOOK 1 OUT OF 3] What if na-fall ka sa taong tinutulungan mong manligaw sa kaibigan mo? Ano ang gagawin mo? Tuklasan ang kwento ni Tyler at Aldrich...