Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

496K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter XLIX

5.7K 205 29
By Invalidatedman


*Reggo







"Uy. Tamang tama mga par. Solo natin 'tong court oh." wika ni Gray at parang batang tumakbo sa gitna ng gym. Unconsciously, napangiti na lang ako. 'Yung mga maliliit na bagay, tama nga sila. At present, hindi mo mapapansin 'yung mga maliliit na bagay pero once you look back at it, you'll realize how big that little things are. And one of those precious little things to me is his smile.





Dati, tinaken for granted ko lang 'yung mga ngiti niyang iyan. I always thought that it will be forever. Kaso sabi nga nila, walang forever. Hindi ko naisip na mawawala din pala 'yun sa'kin. Before, parati ko siyang iniinis, pinapahirapan, ipinapahiya, sinusumbatan. Pero ang sinukli lang niya sa'kin, ngiti. Though literally, hindi naman talaga nawala 'yung ngiti niya. It's just that, it's not the same anymore. Yes, he still smiles... but not because of me.





"Ano? Game? 'Yung katulad nung dati? Three on three?" hamon niya. Nakita ko na lang na may hawak siyang bola.




"Game. 'Yung parang dati. Kaming tatlo ulit. Tapos... ay. Kulang. Babae na si Jam eh." wika ni Trey.




"Wow ha. Para namang lalaki ako noon." mataray na sagot nito.





Walang anu-ano'y may tumawag sa pangalan ni Jam. Sabay sabay kaming napalingon at ng mafigure out namin kung sino 'yun, parang magnet na nagtinginan kaming lahat. Problem solved.





"Gio!" bati ni Jam. "Ano... can you do me a favor? Kasi gusto nilang maglaro ng basketball. Three on three. Eh kulang. Hindi naman ako pwede kasi alam mo na. So, pwede ka ba? Marunong ka bang magbasketball?" walang hiya-hiyang tanong ni Jam.




"Sure. Oo, marunong ako niyan. 'Yan ang sport ko noong elementary ako." sagot naman niya.




"Talaga? Ba't ka tumigil? Sayang naman." segunda ni Jam




"Alam mo na. Pag-High School, mas marami ng matatangkad, malalaki ang katawan kaya hindi ako napili. Sinubukan ko sa volleyball at nagustuhan ko naman. And the rest was history." paliwanag niya.




"So pa'no, ok na? Game na?" sumagot silang lahat pwera sa'kin. "Teka, parang ayaw niya ata." nagulat ako ng ituro ako ni Gray. Napaturo din ako sa sarili ko.




"Ako? Sinong may sabing ayaw ko?" nagtataka kong tanong sa kanya.




"Eh hindi ka sumagot eh. So I thought, ayaw mo." walang emosyon niyang sagot sa akin.





Hindi ko alam kung bakit nakaramdam na lang ako bigla ng pagka-inis. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba talagang ipahiya at gantihan ako o ano.





"Hindi lang ako sumagot, ayaw ko na agad? Na'san ang basis 'dun? Silence means yes protocol, mga ganun? Haa." sarcastic kong tugon.





Lumapit siya sa'kin habang dinidribol niya 'yung bola. Napaatras naman silang lahat. Ako nama'y tila nanigas sa kinatatayuan ko at nanatiling nakapako ang tingin sa kanya. For a second, parang mawawalan ako ng lakas sa sobrang kaba. Hindi ako makaatras o makapagsalita man lang. Basta ang alam ko, parang nahigop niya 'yung pagkatao ko.





"Gusto mo pala eh. Then find a way to get it. You don;t get what you wish for, you get what you work for." at saka siya tumalikod. Parang double meaning para sa'kin 'yung mga binitiwan niyang salita that kept me silent for a minute. " Akala ko kasi ayaw mo eh, hindi ka kasi nagsalita." right. He's talking 'bout basketball alone. Ba't ko ba naisip na baka binibigyan niya ako ng hints? "Pa'no guys? Game na!"






***





Natapos 'yung game at sa hindi inaasahan, walang nanalo. Tie lang 'yung game. Akala ko nga eh matatalo na namin sila dahil magaling palang maglro 'to si Gio pero alam ko naman 'yung attitude ni Gray na 'never say die' attitude. At isa pa, hindi siya varsity noon para lang magpatalo sa'min.




Ang hindi ko lang makalimutan ay 'yung mga oras na nagkakabungguan kami. Hindi ko alam kung bakit nawawala 'yung focus ko sa laro kapag siya 'yung nagbabantay sa'kin. Or should I say, alam ko pero ayoko lang aminin? Wala naman siyang ginagawang iba. Titingnan niya lang ako sa mata at susundan 'yung bawat galaw ko. Next thing I know, nasa kanya na 'yung bola. At sa tuwing magkakabungguan kami, hindi ko alam kung lampa ba ako, parati na lang akong natutumba. Nag-eexpect ako na ilalahad niya 'yung kamay niya sa'kin para tulungan akong makatayo pero titingnan niya lang ako at magsasabi ng sorry... ng hindi nakatingin. Ang daming ganoong beses na nangyari. 'Yung isa, akala ko mapapasama ako, akala ko kahit papaano, mag-aalala siya. Kaso ganoon pa rin, hinayaan niya lang akong tumayong mag-isa. Hindi nga siya tumingin sakin noon. Dire-diretso lang siya sa bench at saka uminom ng tubig.




Siguro kailangan ko ng masanay sa mga rejections niya, sa pang-dedeadma niya. Siguro oras ko naman para ako naman 'yung makaranas ng ganito. Isa pa, ako naman 'yung dahilan kung bakit naging ganito ang lahat.





"As always, weak pa rin kayo." pabiro niyang sabi.




"Para namang lamang kayo 'no." wala sa sarili kong nasabi.




"Lalamang pa lang sana, kaso gabi na. Tsaka para hindi na rin madagdagan 'yung loss record niyo. HAHAHA."





De ja vu. Parang nangyari na 'to.





"Guys, ako lang ba o nangyari na talaga 'tong tagpong 'to. Ganitong ganito tapos 'yung mga binitiwan niyong salita kanina... yes. Kayong dalawa, Gray, Reggo..." wika ni Jam. "Yaaa! Nangyari na nga 'to. Remember? Noong magkapatid pa lang kayong dalawa? Noong bago pa lang kayong magkapatid na dalawa? Nagpapayabangan pa kayo noon eh. Naglaro din kayo noon dito. At tie rin ang score."




(A/n: Chapter 1 sa Brothers in Disguise)






***






Natagpuan ko na lang 'yung sarili kong humihingi pa ng panibagong bote ng alak sa bartender dito sa hindi naman kalayuang bar sa may bahay namin.




Wala akong sinamang kahit sino. Hindi ko ipinaalam kahit na sa mga kasama ko sa bahay. Ni hindi ako nagtext sa mga kakilala ko na papunta ako rito. Basta ang gusto ko lang, uminom, mapag-isa. 'Yun lang. Parang hindi na kasi ako makahinga kapag may kasama, lalo na at siya 'yung kasama. Para akong pinapatay tuwing nanjan siya. 'Yung tipong gustong gusto mo siyang hawakan, kausapin, hagkan... pero natatakot ka. Kasi baka ma-reject ka. Kasi baka mapahiya ka.




Gustong gusto kong suntukin 'yung sarili ko. Kung pwede ko lang ipabugbog 'yung sarili ko, ginawa ko na. Alam niyo 'yung pakiramdam na mayroon ka namang magagawa kaso hindi mo magawa kasi duwag ka? Nakakaput*ng-*na lang. Sana hindi na lang ako naging ganito ka-duwag. Sana naging katulad na lang niya ako, na kahit mapahiya, kahit ma-reject, kahit magmukhang tang*, ok lang, ayos lang. Ganyang ganyan 'yung ginawa niya sa'kin. Akala ko ako lang 'yung nahihirapan noong mga panahong iyon pero mas mahirap pala 'yung ginagawa niya. Lulunukin mo 'yung pride, hindi mo iindahin 'yung sasabihin ng iba, papalagpasin mo sa tenga mo 'yung mga pang-iinsultong sasabihin niya at itatago mo 'yung sakit na mararamdaman mo kasi hindi ka pwedeng sumuko, hindi ka pwedeng magpakita ng hint na mahina ka kasi gusto mo siyang papaniwalain na malakas ka na para lang makuha siya ulit. Akala ko ako lang 'yung nahihirapan noon. Puro kasi ako ang iniisip ko 'non. Ngayong ako naman 'yung nakakaramdam ng mga naramdaman niya noon, mas naiintindihan ko na ngayon.




Pag tingin ko sa kanan, parang nakita ko siya. Kinuyumos ko 'yung mata ko, pagkakita ko, wala na. Hanggang dito ba naman, kahit ba naman lasing ako, nakikita pa rin kita? Ikaw pa rin 'yung iniisip ko? Aba naman! Namumuro ka na. Tapos ikaw, wala kang ginawa kundi saktan ako, kundi balewalain ako! Pero kasalanan ko rin naman... wala akong ginagawa para mapansin niya ulit ako.





"Waiter, isa pa ngang bote." 'di nagtagal narinig ko 'yung bote na ipinatong niya sa harap ko. "Kuya... *hik* may... may itata...nong ako sa'yo."




"Sige po, Sir. Ano ba 'yon?" sabi niya.





Nagsalubong 'yung kilay ko.





"Kaboses mo siya ahh. Ikaw ba si Gray? Ahh! Lasing lang ako. " sabi ko. Ramdam kong tinamaan na ako pero nakakaintindi pa naman ako. Alam ko pa 'yung nangyayari't ginagawa ko. "Ikaw ba, naranasan mo na bang magmahal? Tapos *hik* tapos masaktan? Tapos mahalin ulit 'yung taong minahal mo noon? Tapos nasaktan ulit pero ngayon *hik* ngayon, hindi na siya ang may kagagawan kung bakit ka nasa *hik* nasasaktan... ikaw na ang dahilan kung bakit ka mismo nasasaktan?"




"Hindi pa po Sir." kita kong ngumiti siya sa'kin.





Napapatok na lang ako sa lamesa.





"Eh wala ka palang kwenta eh." nabubulol kong sabi.




"Pero alam niyo Sir, base sa kwento niyo, nasa inyo din 'yung solusyon. Baka nga alam niyo na 'yung solusyon eh, ayaw niyo lang gawin. Baka kaya mo ako tinatanong ngayon kasi naghahanap ka ng kakampi. Baka hindi advice ang kailangan mo, baka kakampi." napatingin ako sa kanya ng masama. Ano ba 'to manghuhula? Ba't alam niya 'yung mga nasa isip ko."Alam niyo Sir, ang pinakamalaking pagkakamaling magagawa niyo sa buhay niyo ay 'yung talikuran 'yung taong laging nandyan para sa'yo. Kahit ano pang pagkakamali 'yan, kung matapang ka para tanggaping nagkamali ka, at matapang ka para humingi ng pagkakataon para magbago, magagawa mo. Sabi nga, what we called failure is not the falling down, but staying down."








*Gray









May nakapagsabi sa'king naglalasing daw si Reggo sa isang bar malapit dito sa'min, iisang bar lang naman ang malapit sa'min kaya kahit naka-shorts lang ako at sando, dali dali akong pumunta para tuntunin siya.




Pagpasok ko dun sa bar, ang baho! Naglipana 'yung mga usok ng foil, ng sigarilyo at hinaluan pa ng amoy ng alak. Hindi desenteng bar 'to. Sa kanan mo may mga naghahalikang mga kabataan, sa kaliwa may mga humihithit, napapikit na lang ako at itinuon 'yung atensyon ko sa paghahanap kay Reggo. Tinawagan ko na rin si Trey at Miko na baka pwedeng intayin ako sa bahay nina Reggo. Para tulungan na rin akong ayusin siya.





"Dude." may tumawag sa'king lalaki na malaki ang katawan at ng lingunin ko 'yun, sumenyas siya ng BJ. Dali-dali akong lumakad palayo dun sa lalaking 'yun. King-ina. Ang laki ng katawan, katawan din pala ng lalaki ang hanap.




Ilang tingin sa paligid, kaliwa at kanan, likod at harap, eh wala akong nakitang ni anino o hangin ng pagdaan niya. Idagdag mo pa 'yung patay sinding ilaw, nahihirapan akong hanapin siya. Hanggang may marinig akong pamilyar na boses sa microphone. Kaya naman agad kong hinanap kung saan nanggagaling ang tunog na 'yon.





♫ ♪ Paano na lang kung ako ang iiyak sa iyo

Paano na yan buti kung may magawa pa ako

E paano na kung ako na ang nahihirapan

Magagawa ko ba sa'yo na bigla kang talikuran




Wala na ang dating tamis

At sa tingin ko'y di ko na maibabalik




Bakit di ko maaming wala na ang dating damdamin

Di na ganun

At hindi ko na kayang piliting muli mong angkinin

Di na ganun ♪ ♫






Nakikita ko 'yung kakaibang kalungkutan sa mata niya habang kinakanta niya 'yung kanta. 'Yung bawat bigkas niya ng mga salita, ramdam ko 'yung bigat. Alam ko kung anong pinanggagalingan niya at nasasaktan ako kasi kailangan pang umabot dito. Hindi ko naman maiwasan na hindi siya isipin eh. Siya pa rin parati, siya lang naman. Hindi ko rin maiwasang sisihin 'yung sarili ko at umabot pa sa ganito. Pero ang iniisip ko na lang, gusto ko siyang mapasaya. Ito 'yung gusto niya. Ito 'yung makakapagpasaya sa kanya. Kaya kong tiisin lahat. I want him to be happy. I want him to be the best he can be even if it doesn't include me.





♫ ♪ Paano na lang kung biglang masabi ko sa iyo

Buti kung intindihin mo ako

Paano kaya kung ikaw ay akin nang iwasan o iwanan




Wala na ang dating tamis

At sa tingin ko'y di ko na maibabalik




Bakit di ko maaming wala na ang dating damdamin

Di na ganun

At hindi ko na kayang piliting muli mong angkinin

Di na ganun ♪ ♫





Para akong mapapatiran ng hininga noong oras na magtagpo 'yung mga mata naming dalawa. Gusto ko sanang umiwas kaso huli na. Nakita na niya ako. At magmula noon, hindi na niya inalis pa 'yung pagkakatitig niya sa'kin.




Kahit malayo kami sa isa't isa ngayon, damang dama ko 'yung gusto niyang iparating. Siya lang naman 'yung hinihintay ko. Nasaktan din naman ako. Pero hindi ko naman siya kayang tiisin.





♫ ♪ Ibubulong na lang sa hangin ang aking nararamdaman

Nalilito na ako pa'no mo ba malalaman ♫ ♪





Parang bumaon sa puso ko 'yung mga huling katagang 'yun.






***


A/n: Sorry kailangan ko na siyang i-cut dito. May kadugtong pa 'to. Next chapter na lang siguro. :)





Continue Reading

You'll Also Like

99.6K 5.3K 49
Ang Road To Love ay isang artipisyal na parke kung saan lumalakad ang mga taong nasawi, nag tagumpay at nag hahanap ng pag ibig. Dito iikot ang kwent...
298K 10K 50
I hate you, don't leave me. I hate you, please love me. Book cover: @yuukieee
49.2K 3.2K 32
Ito ang mga luha ko. At kahit gaano karaming luha na ang mailuha ko -- nakikita at nakikita ko pa rin siya na nakangiti sa akin. Malinaw. Maliwanag...
17.9K 1.1K 45
Isang beses nagmahal ako at ipinangako kong hindi ko na siya muling mamahalin pa pero tila traydor ang puso ko at kahit paulit-ulit akong sinasaktan...